Ako nga pala si Jey dalawang pung
taong gulang katamtaman ang tangkad medyo payat, medyo maputi at laging sakitin
, masasabi kong lumaki akong medyo nakaka angat sa buhay dahil hindi man
binibigay sa akin ng aking mga magulang ang lahat ng aking luho pero di naman
nila ako pinabayaan at di rin naman kasi ako yung taong mahilig sa mga bagay
bagay ewan ko pero ganun na talaga ako noon pa. Alam ko sa aking sarili na iba
ako at di naman yun lingid sa mga taong nakapaligid sa akin kabilang na ang
dalawa kong matalik na kaibigan na si Josh at Harvy. Hetong dalawang matalik na kaibigan ko ang
mga campus heartthrob sa aming eskwelahan (highschool) paano ba naman bukod sa
mga gwapo na eh varsity pa ng school sa basketball si Josh at deputy corps
commander naman ng CAT si Harvey at di lang yun parehong mayayaman din ang
kanilang mga magulang at ako? Wala lang bukod sa mayaman din naman kami normal
na estudyante lang ako na pasaway, kung hindi lang sa aking ina na isa sa
administrator ng eskwelahan malamang matagal nako na kutos ng aking mga guro.
Aba kung tatanungin nyo medyo sikat din ako sa aming eskwelahan pero di lang dahil
sa kaibigan ko ang dalawang campus heartthrob o dahil sa aking ina, ang isa sa
dahilan eh kung gusto nyo maki balita ng isang tsimis aba di yata ako pahuhuli
sa mga yun, sa madaling salita may pagka tsismoso ako hehe.
Hay naku kung tatanungin nyo ako
ewan ko ba kung paano ko naging matalik na kaibigan yung dalawang yun kasi
kahit paano mo tingnan eh we have nothing in common mahilig sila sa mga kotse,
ako basta umaandar ang kotse pwede na, mahilig ako sa mga computer games sila
hindi, kaya lagi nila akong sinasabihang “you should grow up” “hanggang ngayon
isip bata ka pa din Jey ikaw talaga”. May isa pa palang bagay hindi kasi ako
yung tipong masasabihan mo ng problema kasi daw halos lahat dinadaan ko sa
biro, ewan ko ba mapagbiro lang talaga kasi ako gusto ko lahat ng tao Masaya.
Anyway heto ang nakaraan para malaman nyo naman kung paano kami nagging
matatalik na magkakaibigan.
Ang nakaraan… (first year
highschool)
Start pa lang ng school year
medyo madami nako kilala sa aking mga kaklase kasi dun din ako galing sa school
na yun nung elementary kaya yung iba kong kaklase nung first year highschool ay
mga nakaklase ko na din sila nung elementary. Kaya alam nila na malandi ako
hahaha! Joke lang pero sabi ko nga din na di na lingid sa mga taong nakapaligid
sa akin ang aking tunay na pagkatao kaya wala ako tinatago sa kanila. Doon ko
nakaklase si Josh at Harvy, si Josh mabait sya, seryoso, palakaibigan at
malapit sa mga babae, biro nyo first year palang marunong na mambola si Harvy
naman mapang asar, mahilig mambola ng mga teacher namin lapitin din ng mga
babae at may pagka homophobic lol.
Isang araw nagkaron kami ng
project sa school apat na miyembro bawat group so nagkabunutan kung sino ang
magkaka grupo at yun nga naging ka grupo ko si Harvy at Josh pati na din isa
naming kaklaseng babae na si Janice. Si Janice, cute sya na medyo chubby at
napaka mahiyain alam nyo may crush nga siya sa dalawa eh halata naman kasi sa
mga kinikilos nya. Hayun nga nag usap usap kami tungkol sa project, as usual si
Harvy inaasar ako lagi.
“O ano ba yan Jey bat ba lagi
kang nakatingin sakin baka matunaw ako niyan”, si Harvy
“Ang kapal mo naman bat naman
kita titingnan ayaw kong maging bato noh” sabi ko at napatawa nalang siya sabay
saway samin ni Josh at sabay sabing “tumigil na nga kayong dalawa diyan wala pa
tayong nagagawa sa project”. Lumipas ang mga araw puro pang aasar pa din si
Harvy sakin pero I really don’t care haha magsawa sya. Si Josh naman napaka
seryoso ni hindi mo nga mabiro pag nag iisip. Dumating ang araw ng submission
ng project medyo disappointed at malungkot sila josh, harvy at Janice kasi
hindi maganda ang kinalabasan ng aming project dagdag pa dito ang sinabi sa
amin ng aming guro na kung yun rin lang ang aming ipapasa bagsak ang aming
magiging marka. At dumating ang oras ng submission laking gulat nilang lahat na
may bigla akong ilabas na project na kamukha nung unang ginawa namin ngunit
napaka ayos naman. “Paano mo nagawa yan bat hindi namin alam at bakit di mo
sinabi samin”?? pagtatanong ni josh, si harvy at Janice naman ay medyo tulala
pa at di makapag salita sa pagkabigla. “Eh kasi naman lagi nalang ako nilalandi
ni Harvy tapos ikaw lagi ka seryoso si Janice naman lagi nalang nakatitig sa
inyong dalawa kaya di nga tayo makakatapos nyan noh sabay batok sakin ni Harvy”.
Aray ko masakit yun ha, sabay kamot ko sa aking ulo. Pero yan na nga ang
project natin mas maayos sa bahay ko kasi ginagawa yan para walang magulo sabay
tingin ng nakakaloko kay Harvy. As usual binatukan nanaman ako aray ko.
Naipasa namin ang aming project
at sa di inaasahan kami pa ang nakakuha ng may pinaka mataas na marka. Dun
nagsimula ang pagkakaibigan naming tatlo halos araw araw lagi kami magkakasama
sa recess at lunch. Pag uwi kasi may kanya kanyang sumusundo sa amin. Nakilala
ko din sila ng maigi kasi kahit hindi pareho hilig ko sa dalawa nag eenjoy naman kami lagi sa pagkukwentuhan
at biruan.
(4th Year highschool)
Naging varsity sa basketball si
Josh at naging deputy corps commander naman si Harvy sa CAT at ako dahil hindi
naman ako nag tryout sa ibang sports di rin ako nag apply bilang COCC kaya
hayun isa lang akong pang karaniwang estudyante na kailangang mag attend ng CAT
tuwing martes at huwebes pagkatapos ng klase. Medyo masungit ang platoon leader
namin lagi ako napaparusahan naroon ang push ups, drop like a log, at kung ano
ano pang pahirap. Pero pag napapadaan si Harvy bigla nalang nya ipapatigil yung
pagpaparusa nya sakin, naku kung di lang ako mabait matagal ko na siya
sinumbong baka na yari sya hehehe.
Isang araw medyo masama ang
pakiramdam ko hindi narin ako nakapag lunch dahil sinusuka ko din ito sabi
sakin nung ka close kong babaeng kaklase na si Fatima, “o jey bat di ka
naglunch di ka na nga nakapag recess baka kung mapano ka nyan”. “Wala ako
ganang kumain masama kasi pakiramdam ko eh” ang sabi ko. “Alam na ba nila josh
at harvy na masama ang pakiramdam mo”? sagot ni Fatima. “Hindi wag mo na
sabihin busy yung mga yun ngayon lalo na malapit na ang Intrams ayoko namang
dumagdag pa sa mga aalalahanin nila”. “O sige ikaw bahala pero pag di mo na
kaya sabihin mo lang sakin at itatakbo kita sa hospital” pabirong sabi ni
Fatima.
Dumating ang oras ng dismissal at
didiretso na sana ako sa parking lot para hintayin ang aking sundo dahil hindi
na sana ako mag aattend ng CAT namin ng makasalubong ko ang platoon leader
namin. “O Jey san ka pupunta may training pa tayo ngayon baka nakakalimutan
mo?” “eh sir masama po kasi ang pakiramdam ko ngayon baka pwede po munang
umabsent kahit ngayon lang” ang pagmamakaawa kong sagot. “Baka tinatamad ka
lang o manlalalaki ka lang gusto mo pang tumakas hala balik doon”. Wala na
akong nagawa kundi sumunod sa officer namin.
Kalagitnaan ng training namin ng
makaramdam ako ng pagkahilo at bigla nalang ako bumagsak sa damuhan ng field at
tuluyan nang nawalan ng malay.
Itutuloy……
By: FireSoul
Author's note
ipopost ko ito kung paano naka post sa bioutloud na blog before
No comments :
Post a Comment