Sa Aking Paglisan part 9
Salamat po sa lahat ng mga sumusuporta
at followers ng aking kwento kila Jay, R.J., zekie, jayfinpa, Mars, Rue,
ernes_aka_jun, darkboy13, dada, marclestermanila, wastedup, j.v at sa lahat ng
anonymous pati narin po sa mga hindi ko nabanggit, pinagbatayan ko kasi yung
comments sa part 8 hehe.
Yung mga gusto mag imagine kung ano
itsura ni Josh at Harvey heto po kamukha nila si Alden at Mario hehe kamukha
lang po ha di ko sinasabing sila yan para may iniimagine kayo hehe. Josh(left),
Harvey (right)
_____________________________________________________________________________
Halos lahat ng estudyante sa campus ay
natigil sa kani kanilang ginagawa upang panoorin at makinig sa aking awit. Pati
sila Josh, Harvey at iba pa nilang mga kaibigan ay napahinto sa pagkukwentuhan.
Nang matapos ko ang awit nagpalakpakan
at naghiyawan ang mga estyudyante at guro sa campus
“bravo Jey” sigaw nang isa sa mga
estudyante
“estudyante ko ata yan” pagmamalaki
nang isa sa aking mga guro
“more more more” sigaw nila Tom at
Beth
“grabe Jey naiiyak nanaman ako” sigaw
ni Fatima
Pagkatapos nang aking awit ay kitang
kita kong napaluha si Josh, agad agad naman niya itong pinunasan at nagpatuloy
sa pakikipag kwentuhan sa kanyang mga kaibigan.
“Grabe pare ibang klase talaga boses
ni Jey noh?” pagkamangha ni Miguel
“all I can say is wow he can really sing unlike that Neil guy” si Pamela
“syempre bestfriend yata namin yan”
pagmamalaki ni Harvey
“Pero pare pano niya kaya naitago yun
sa inyo noh? Ang galing nya knowing him ang hilig nya sa tsismis ang galing rin
pala magtago ng sikreto kaya bilib na talaga ako sa kanya” natatawang wika ni
Patrick
“yeah you’re right pano niya nagawang
itago sa amin ang ganung bagay? We’ve been best friends since first year
highschool and wala kaming tinago sa kanya pero bakit ganun? Pano niya nagawa
samin yun?” galit na tugon ni Josh
“relax pare wala ako masamang ibig
sabihin dun, pero sana mapatawad mo na siya sayang kasi pagkakaibigan nyo”
depensa ni Patrick
“change topic na guys baka kung saan
pa mapunta usapan” sabat ni Pamela
At nagpatuloy na nga sila sa
pagkukwentuhan...
Binati ako ni Paul matapos kong umawit
“gratz Jey di ka parin talaga
nagbabago magaling ka parin” bati ni Paul
“naku salamat oo magaling talaga ako
hahaha!” pang aasar ko kay Paul
“naku lumalakas ang hangin kapit tayo”
ganting biro ni Paul
Nagtawanan kami at nagpaalam na nga
ako sa kanya para bumaba, sinalubong naman ako nila Tom, Beth at Fatima sa
baba.
“o hayan napagbigyan na kita baka
magtampo ka pa” pang aasar ko kay Fatima
“hmph! Eh di naman para sa akin yung
kanta mong yun noh” tampo effect ni Fatima
“gaga ikaw nag suggest kaya nun tapos
ako sisisihin mo” natatawa kong tugon kay Fatima
“pero anywayz ibang klase ka talaga
Jey halos buong campus napabilib mo nanaman” si Fatima
“tagal na din namin namiss boses mo
and I’m glad that you’re back” si Tom
Samantala patuloy parin nagkukwentuhan
sila Josh, Harvey at iba pa nilang mga kaibigan.
“By the way pare about Jey may balak
ba kayong isali siya sa choir? You know he will be a great addition to your
group” tanong ni Miguel
Tumahimik lamang si Josh
“Hindi ko pa pala siya nakakausap
regarding that” si Harvey
Habang papunta sa canteen dahil medyo
nauhaw ako sa pagkanta napadaan kaming magkakaklase sa harap nang kanilang
grupo.
“Hi Jey galing mo kanina ahh” bati ni
Patrick
“salamat magaling talaga ako bwahahaha”
pabiro kong tugon
“grabe di man lang nagpa humble ahh”
sagot ni Harvey
“pag bigyan mo na tol magaling naman
talaga eh” si Miguel
“sus sungit talaga yan” pang aasar ko
kay Harvey
“by the way san kayo punta?” tanong ni
Harvey
“ahh sa canteen lang bili lang kami
maiinom” sagot ni Fatima
“by the way bawal muna si Jey sa
softdrinks ha” bilin ni Harvey
“opo mag tubig lang ako” asar na tugon
ko
“mabuti nang nagkakaintindihan tayo”
sabay tingin ni Harvey na tila ba pinagsasabihan ako
“sige bye guys, bye Josh” nahihiya
kong paalam
Si Josh ay hindi man lang ako pinansin
patuloy lang siya sa kanyang pakikipag kwentuhan sa iba nyang mga kaibigan.
Tuluyan na nga naming nilisan ang kanilang kinaroroonan at dumiretso na kami sa
canteen.
“why do you have to do that? Di mo man
lang siya pinansin” inis na sambit ni Harvey kay Josh
“are we going to do this again?”
iritang tugon ni Josh
“you know Jey isa siya sa mga pinaka
ma pride na tao pero kinain nya yung pride nya para sayo tapos you just ignored
him like that?” galit na tugon ni Harvey
“so don’t tell me that I owe it to him
then?” matigas na tugon ni Josh
“wala ako sinabing ganun ang sa akin
lang eh you don’t have to be rude” pikon na tugon ni Harvey
“guys stop! We’re all friends naman
madadaan naman ito sa mabuting usapan eh” awat ni Patrick
“siya nga naman cool lang kayo guys”
sabat ni Pamela
“bahala ka nga diyan” sabay tayo ni Josh
na halatang inis na inis
Tuluyan na nga nilisan ni Josh ang
kanilang tambayan sa pagmamadali nito nakalimutan nya dalhin ang kanyang mga
gamit.
“Harvey nakalimutan ni Josh gamit nya pakibigay
nalang sa kanya” inabot ni Pamela kay Harvey
“bahala siya kayo nalang magbigay sa
kanya” inis na tugon ni Harvey habang papaalis
Nakaupo kami sa canteen at
nagkukwentuhan
“Jey talagang nag tubig ka lang ahh”
natatawang pang aasar ni Fatima
“oo diba nangako ako di nako magiging
pasaway hehe” natatawa kong tugon kay Fatima
“salamat naman natauhan ka din” si
Fatima
Nakita naming pumasok sa loob ng
canteen si Pamela na may parang hinahanap, at nung makita nya kami ay agad agad
siya pumunta sa aming kinaroroonan.
“hi guys” bati ni Pamela
“o hi pam” bati namin
“naku Jey medyo nagkainitan dalawang
best friend mo kanina” si Pamela
“ha anong nangyari?” pag aalala kong
tanong
“naku I’ll tell you nalang later I
have to go to the library pa kasi eh by the way heto pala gamit ni Josh
pakibigay nalang sa kanya” pakiusap ni Pamela
“no problem bigay ko nalang sa kanya”
tugon ko
“thank you talaga Jey, sige mauna
nako” paalam ni Pamela
Matapos namin makausap si Pamela ay
umalis na din kami papuntang classroom.
“Ano kaya pinatalunan ng dalawang yun”
si Fatima
“Pero that’s just odd kasi bihira ko
makitang mag away yung dalawang yun” si Tom
“baka Jey ikaw nanaman pinag awayan
nila” natatawang tugon ni Beth
“naku wala ako ginagawa ha bakit naman
ako masasali sa away nila” katwiran ko
Habang naglalakad kami ay nakita ko si
Josh sa may second floor na may kausap, agad agad ko siyang pinuntahan upang
ibigay ang mga gamit niyang naiwan.
“Hi Josh” bati ko
“what do you want?” malamig na tugon
ni Josh
“ahh eh gusto ko lang sana ibigay sayo
itong mga gamit mo naiwan mo daw kasi kanina sabi ni Pamela” maamo kong tugon.
“tnx” tugon ni Josh sabay aalis na
sana
“ahh josh galit ka parin ba sa akin?”
tanong ko na medyo nanliliit
“what do you think?” sarcastic na
tanong ni Josh
“ahh sana mapatawad mo na ako” sabay
yuko ko
“yun lang ba sasabihin mo? Sige aalis
nako madami pa ako gagawin” tugon ni Josh
Kanina pa pala kami pinagmamasadan
nila Harvey at ng iba pa naming mga kaklase nang biglang magsalita si harvey.
“ano ba talaga ang problema mo ha tol?
Nagpapakumbaba na nga yung tao nagmamatigas ka parin” galit na tanong ni Harvey
“eh bakit ka ba nakikialam? Ano ba
gusto mong mangyari?” galit na tugon ni Josh
“Ano gusto mo tapusin na natin dito
eh” hamon ni Harvey
“Pare kung yan ang gusto mo
pagbibigyan kita” habang nanlilisik mata ni Josh sa galit
At nagpakawala na nga nang suntok sa
isat isa si Josh at Harvey, halos nagkagulo ang aming mga kaklase at kamag aral
sa nangyayaring away, agad naman ako kumilos upang awatin ang dalawa. Paghawak
ko kay Josh ay biglang naitulak nila ako sa hagdanan at tuluyan na nga ako
gumulong pababa.
“Jeeeeeeeeeeey!!!” Sigaw nang aking
mga kaklase
Itutuloy...

No comments :
Post a Comment