Total Pageviews

Wednesday, 1 April 2015

Sa Aking Pagbabalik ang pagwawakas



hayan si Josh, Harvey at Roby


“Sa Aking Pagbabalik ang pagwawakas


Paghawak ko ay puno ng dugo ang aking kamay, takot ako sa dugo pero nung mga oras na yun ay hindi man lang ako nakaramdam ng anumang takot marahil na din siguro sa sobra kong kalungkutan.

“mainit kasi eh lagi ko kasing nilalakad itong village nila” tugon ko

Kinuha ni fatima ang kanyang panyo at ibinigay sa akin

“ihahatid na kita sa bahay nyo, dun ka nalang muna para hindi ka nag iisa sa penthouse” wika ni fatima

“sige salamat” tugon ko habang nakatakip ang panyo sa aking ilong

Pagdating namin sa bahay ay tanging si manang luz lamang ang nandun

“ano Jey sigurado ka magiging ok ka lang? kung gusto mo sasamahan muna kita” sambit ni Fatima pagkahatid sa akin sa bahay

“salamat na lang ayos lang ako” tugon ko habang naka ngiti

Huminto na rin ang pagdurugo ng aking ilong, dumiretso ako sa aking silid na puno parin ng kalungkutan. Kinagabihan ay dumating na sila Papa at Kuya sa bahay at naabutan nila akong nanonood ng TV sa may sala

“o andito ka pala, hindi ka ba uuwi sa penthouse nyo?” tanong ni papa

“dito na muna po ako wala naman po kasi akong kasama dun eh” tugon ko

“bakit iniiwasan ka pa rin ba nila Josh at Harvey?” tanong ni Kuya John

“ganun na nga kuya” tugon ko

“wag ka mag alala magkakaayos din kayo” si Kuya Justin

Kinabukasan sa school ay hindi pa rin pumasok si Josh, si Harvey naman ay gaya pa rin ng dati kahit nakikita nya ako ay patuloy pa din siya sa pag iwas sa akin. Kahit sa klase ay hindi ko na din siya katabi sa upuan, pagdating ng lunch ay hindi na rin siya sumasabay sa amin kasama nalang niya lagi ang girlfriend niyang si Carla. Habang kumakain kami ng aking mga kaibigan ay alam kong nararamdaman rin nila ang aking kalungkutan.

“kumain ka na Jey wag mo na isipin yun, nagtatampo lang sila sayo maayos din ang lahat” sambit ni Tom

“oo nga naman Jey alam naman namin kung gano ka kamahal nung dalawang yun kaya sigurado kami hindi ka rin nila matitiis” si Beth

“kayo ba hindi kayo galit sa akin dahil sa pagsisinungaling ko?” tanong ko

“hindi naman na disappoint lang kami pero wala naman kasi kami issue kay Roby hindi tulad nila Josh kaya wag mo na isipin yun” tugon ni Robert

Pagdating ng dismissal ay pumunta ako sa Oval kung san nagpapractice ang team nila Harvey, pero di tulad dati hindi na masyadong busy ang team nila sa katunayan nga ay naging mas maluwag na ang oras nya, andun din nakaupo malapit sa kanya si carla habang pinapanood sila sa practice. Bigla naman dumating si Roby..

“Nalulungkot ka nanaman” wika ni Roby habang tumabi sakin

“sino ba naman hindi malulungkot kung iniiwasan ka ng dalawang matalik mong kaibigan” malungkot kong tugon

“hanggang ngayon pa ba ay di ka pa rin nila mapatawad?” tanong ni Roby

“hindi eh, mas lalo pa nga yatang nadagdagan ang galit nila lalong lalo na si Josh nung ipanalo mo ang basketball team nung nakaraang Foundation week” tugon ko

“wag mo na isipin yun ang mahalaga humingi ka ng tawad sa kanila at pinagsisihan mo yun, wala na sayo ang problema kung hindi ka nila mapatawad” tugon ni Roby habang inakbayan ako

Niyaya na akong umuwi ni Roby pero mas minabuti ko na magpaiwan na lang muna at panoorin na lamang ang pagpapractice nila Harvey. Napadaan naman ang ibang team mates ni Harvey sa aking kinauupuan

“o Jey andito ka pala, bat di ka dun maupo” tanong nung isang player sabay turo sa may kinaroronan nila Harvey

“ahh hindi na dito na lang ako salamat” ngiti kong tugon

“o sige ikaw bahala, una na kami” paalam nila

Nanatili akong nakaupo doon at pinapanood ang practice nila Harvey, hanggang sa matapos ang kanilang practice ay hindi ko nilisan ang lugar. Samantala sa kanilang kinaroroonan habang naglalakad sila paalis ni carla...

“Hindi ba si Jey yung nakaupo dun?” si Carla sabay turo kay Harvey kung nasan ako

“oo siya nga” tugon ni Harvey

“hindi mo man lang ba siya kakausapin?” tanong ni Carla

“saka na nagmamadali ako, baka naiinip na si Josh” tugon ni Harvey

“hanggang kailan nyo ba siya iiwasan? Miss na miss na kayo ng kaibigan nyo ahh” si Carla

“pwede wag na muna nating pag usapan ito, pagod ako sa training” tugon ni Harvey

At tuluyan na nga nilang nilisan ang lugar na hindi man lang ako pinansin ni Harvey. Pag uwi ko sa bahay ay nandoon na si Papa at sila kuya na nagkukwentuhan sa sala.

“Jey nakauwi ka na pala, kumain ka na ba anak?” tanong ni Papa

“ahh hindi pa po, mamaya na lang po ako kakain busog pa po kasi ako” tugon ko

Kinabukasan gaya ng nakagawian ko ay bumisita ako muli kila Josh para dalawin siya, umaasang haharap na siya sa akin.

“o Jey iho andito ka na pala, si Josh ba pinunta mo?” tanong ng mama nya

“opo gaya pa rin po ng dati, umaasa pa rin po ako na baka kausapin na po nya ako” tugon ko

“pasensya ka na iho naka alis na kasi sila ni Harvey kanina, papasok na kasi uli kasi sa school si Josh” tugon ng mama nya

“talaga po? Nakakatuwa naman makakapasok na siya” tugon ko habang bigla akong sumaya dahil makakapasok na siyang muli

“oo iho medyo iika ika pa din siya pero maayos na din naman ang lagay nya” tugon ng mama ni Josh

“ahh sige po salamat nalang aalis na po ako” paalam ko habang naka ngiti

“ahh iho sandali” mama ni Josh

“bakit po?” tugon ko habang humarap muli sa mama nya

“kahit na alam kong pinagmumukha ka nang tanga nila Josh sa pabalik balik mo dito, sana wag magbago ang tingin mo sa kanila, alam ko kasi magkakaayos din kayong tatlo” sambit ng mama ni Josh

“wag po kayo mag alala hindi po ako magsasawa saka ayos lang po yun ako rin naman po talaga kasi ang may kasalanan eh” tugon ko

Pagdating ko sa school ay nakita kong nasa tambayan si Josh at Harvey kasama ang kasintahan nila at ang aming mga kaibigan. Halatang masaya silang nagkukwentuhan habang nagtatawanan, masaya ako dahil sa wakas kahit papaano ay nakakangiti na din si Josh. Lumapit ako sa kanilang kinaroroonan ngunit pagkakita pa lang ni Josh at Harvey sa akin ay umalis na ang mga ito.

“tara na” aya ni Josh habang naka akbay siya kay Abby

Nilisan nilang dalawa ni Harvey ang tambayan kasama ang kanilang mga kasintahan at dumiretso na sa classroom.

“hayaan mo na Jey mapapatawad ka din nila” sambit ni Luke

“oo nga nagtatampo lang mga yun” si Marie

“dapat sakin galit din sila dahil ako yung tumutulong kay Jey eh” si Fatima

“hayaan mo na Fatima mas maganda nga na sakin lang galit, kasi mas lalo lang akong makukunsensya kung pati sayo magagalit sila” tugon ko

Pagpasok namin sa classroom ay nakita kong nakaupong magkatabi si Josh at Harvey ngunit hindi man lang nila ako nilingon, hinayaan ko na lamang at umupo na lamang ako sa aking upuan. Pagdating ng lunch ay hindi rin sila sumabay mag lunch sa amin kasama nila ang kani kanilang mga kasintahan. Pagdating ng dismissal habang naglalakad ako sa campus ay nakasalubong ko si Harvey na mag isa, iiwasan sana nya ako ng bigla akong magsalita.

“hanggang kailan nyo ba ako iiwasan?” malungkot kong tanong kay Harvey

Akala ko ay aalis na lamang siya at patuloy nya akong iiwasan pero sa pagkakataong iyon ay hinarap nya ako.

“Jey sabihin mo nga sa akin bakit mo ba talaga ginawa yun? Ang maglihim at magsinungaling muli sa amin, hindi ba pinag awayan na natin dati yun at nangako ka na hindi ka na uulit pero bakit paulit ulit mo nalang ginagawa?” tanong ni Harvey

“natatakot kasi ako baka hindi nyo ako maintindihan eh” malungkot kong tugon habang nakayuko

“Jey naman best friend mo kami, oo aaminin ko siguro nga tututol kami pero kung para naman sa kaligayahan mo kahit masakit sa amin papayag kami dahil mahalaga ka sa amin, pero bakit ganun bakit mo kami kailangang traydorin? Alam mo naman sa lahat ng ayaw namin yung tinatraydor kami tapos ikaw pa na matalik na kaibigan namin ang gagawa sa amin nun, alam mo ba kung gaano kasakit sa amin yun?” si Harvey

Ngunit sa pagkakataong yun ay hindi nako nakakibo at nanatiling nakayuko na lamang

“pasensya ka na pero masyado paring masakit ang mga ginawa mo” ang mga huling salita ni Harvey bago siya tuluyang umalis

Tama nga naman ang mga sinabi ni Harvey, dahil inulit ko nanaman ang aking pagkakamali ngunit hindi ko naman talaga mapigilan ang aking sarili kaya kahit alam kong mali ay patuloy ko pa ring ginagawa, ganun nga yata pag nagmamahal ka. Pumunta ako sa basketball court at nakita ko si Josh kasama si Abby habang inaalalayan siya, binisita nya ang kanyang mga team mates para kamustahin halatang excited ang kanyang mga team mates sa muli nilang pagkikita kita.

“Josh!” sigaw ng kanyang mga team mates

“oh musta na kayo?” wika ni Josh habang nakangiti

“captain namiss ka talaga namin sayang wala ka nung mag champion tayo” tugon ng isa nyang team mate

Bigla namang lumungkot ang mukha ni Josh nung makaramdam siya ng paghihinayang dahil sa kanyang pagkawala.

“wala eh bilin kasi ng doktor kailangan ko muna daw magpagaling” tugon ni Josh

“meron pa naman next year wag ka mag alala saka mukhang pagaling na rin yang paa mo eh” tugon ni Luke

Bigla naman dumating si Roby sa kanilang kinaroroonan

“kamusta ka na pala?” tanong ni Roby kay Josh

“ok nako” malamig na tugon ni Josh

“mabuti naman kung ganun” si Roby

“pano guys mauna na kami” si Josh habang naka akbay kay Abby at nagpapaalam na sa kanyang mga team mates.

Habang naglalakad sila palabas ng court ay nadaanan ako ni Josh, ngumiti ako ngunit iniwas lamang nya ang kanyang tingin.

“si jey oh hindi mo man lang ba babatiin?” tanong ni Abby kay Josh

“kailangan ko na makauwi eh” tugon ni Josh habang patuloy sa paglalakad

Nagpalipas na lang muna ako ng oras sa court dahil wala rin naman ako gagawin. Samantala si Roby naman ay hindi ko narin masyadong nakakasama at madalang ko nalang din siyang makita, sa klase sa religion ko na lamang siya laging nakakasama. Makalipas ang isang linggo habang naglalakad ako palabas ng school ay nakita ko si Roby na ka holding hands ang isang babae, masaya silang nagkukwentuhan habang naglalakad. Nabigla ako sa aking nasaksihan kaya mas minabuti ko na lang na umalis ako agad ngunit nung papatalikod nako ay bigla akong nakita ni Roby...

“uy Jey! Sandali” tawag ni Roby sa akin

Nagpaalam si Roby sa kanyang kasamang babae at sinabing mauna na ito, Samantalang ako ay nagmamadali namang maglakad paalis.

“sige Trisha mauuna nako kita nalang tayo bukas” paalam ni Roby sa kasama nyang babae habang papunta sa akin

“Jey sandali bat ba ang bilis bilis mo maglakad?” tanong ni Roby habang humahabol sa akin

“ahh nagmamadali kasi ako pasensya na talaga” tugon ko habang patuloy ako sa paglalakad ng mabilis

“teka iniiwasan mo ba ako?” tanong ni Roby

“Hindi bakit naman kita iiwasan” tugon ko habang patuloy sa paglalakad

Bigla akong hinawakan sa braso ni Roby para pahintuin sa paglalakad

“diretsuhin mo nga ako, bat mo ba ako iniiwasan? Galit ka ba sa akin?” tanong ni Roby

“hindi bat naman ako magagalit ano ba karapatan kong magalit?” tugon ko habang nagpatuloy muli sa paglalakad

“hindi ka naman ganyan ahh, tapatin mo nga ako ano ba talaga ang problema mo?” galit na tanong ni Roby

Bigla akong humarap sa kanya at tinanong siya ng diretso

“tapatin mo din nga ako Roby ano ba talaga tayo?” tanong ko

“magkaibigan tayo” tugon ni Roby

“magkaibigan lang ba talaga tayo?” tanong ko

Bigla namang nabigla si Roby sa aking tanong at hindi makapag salita nung una

“Jey wag mo sabihing may nararamdaman ka sa akin?” tanong ni Roby

Napayuko na lamang ako at di na kumibo

“sorry kung na misinterpret mo mga ginagawa ko sayo hindi ko sinasadya” si Roby

“yung pagpaparamdam mo sa akin na espesyal ako, yung pagdala mo sa akin sa luneta para manood ng mga bituin, para saan yung mga yun?” seryoso kong tanong

“Jey ginagawa ko ang lahat ng yun dahil mahalaga ka sa akin dahil kaibigan kita” tugon ni Roby

“ahh kaibigan lang pala, sige salamat nalang” malungkot kong tugon habang papatalikod

Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad pero humahabol pa din si Roby

“Jey naman pwede naman tayong maging matalik na magkaibigan eh, kung tutuusin nga mas mahal pa kita kay Jenny  saka kay Trisha eh” si Roby habang humahabol sa akin

“meron nako dalawang matalik na kaibigan” malungkot kong tugon

“Jey naman wag ka namang ganyan” si Roby habang nakikiusap

Bigla akong humarap kay Roby at ngumiti sa kanya

(Paki Play po)



“wag ka mag alala hindi ako galit sayo sa katunayan nga niyan nagpapasalamat parin ako dahil kahit papaano natuto din akong magmahal, sa lahat ng kabutihan at mga naitulong mo sa akin tatanawin kong malaking utang na loob yun, naging masaya talaga akong kasama ka” tugon ko habang nakangiti

Nilisan ko ang lugar ngunit sa pagkakataong yun ay hindi na nya ako hinabol, habang naglalakad ako ay hindi ko mapigilan ang aking sarili biglang tumulo ang aking mga luha sa sobrang sakit na aking nararamdaman. Marahil ay tama nga sina Josh at Harvey na masasaktan lang ako, dapat nakinig na lamang ako sa kanila.

Madilim na pero dahil sa aking sobrang kalungkutan ay minabuti kong pumunta na lamang uli sa bahay nila Josh umaasa na sana ay haharap na sila sa akin, dahil alam ko ang yakap lang nila ang magpapaalis sa sobrang kalungkutan kong nadarama ngayon. Pagdating ko sa kanila ay muli akong sinalubong ng kanyang ina.

“o iho gabi na ahh” mama ni Josh habang pinapasok ako sa loob

“andyan na po ba sila Josh?” malungkot kong tanong habang pinipigilan ko ang aking emosyon

“sandali lang ha pupuntahan ko sila sa taas” tugon ng mama ni Josh

Samantala sa kwarto ni Josh habang tumutugtog at nagkakantahan sila ni Harvey ay pumasok na ang kanyang ina.

“anak andyan sa baba si Jey kausapin nyo naman oh sa itsura pa lang nya mukha siyang malungkot” wika ng kanyang mama

“ma diba sabi ko naman sa inyo hindi pa kami handa, saka nalang po” tugon ni Josh

“ano ba naman kayo, matalik na kaibigan nyo yun hanggang kailan nyo ba talaga siya titiisin?” mama ni Josh

“tita matagal nya din naman kaming niloko hindi naman siguro masama kung magtiis muna siya” tugon ni Harvey

Pagbaba ng mama ni Josh sa itsura pa lang nya ay parang alam ko na ang sinabi sa kanya ni Josh at Harvey.

“ayaw pa rin po nila ako makausap tama po ba?” malungkot kong tanong sa mama nya

Tumango lamang ang mama ni Josh habang nababasa ko sa kanyang mukha ang kalungkutang nararamdaman para sa akin.

“wag po kayo mag alala mommy ayos lang po ako, salamat na lang po uli” tugon ko habang papaalis na ng kanilang tahanan.
(paki stop na po)

(Paki play po)



Paglabas ko ng bahay ay nakita kong muli si Fatima na naghihintay sa akin nilapitan nya ako at niyakap ng mahigpit

“nasabi na sakin ni Roby ang lahat Jey alam kong gusto mong umiyak ngayon, sige umiyak ka na andito lang ako” si Fatima habang naiiyak

At dun nga ay bumuhos ang lahat ng aking nararamdamang kalungkutan

“ang sakit pala umibig sa taong akala mo mahal ka tapos hindi pala, ganito pala ang masaktan” habang nakayakap ako kay Fatima at umiiyak

“sige Jey ilabas mo lang lahat yan umiyak ka lang hanggat gusto mo” si fatima habang umiiyak din

“hindi ko naman sinasadya magmahal eh nangyari nalang basta, yun lang naman ang naging kasalanan ko sa kanila eh bakit hindi nila ako mapatawad ngayon ko sila higit na kailangan eh bat hindi nila ako mapagbigyan, gusto ko lang naman maramdaman yakap nila eh kahit isang beses lang, yun lang naman hinihiling ko eh mahirap ba yun?” habang humahagulgol ako

“hindi wala ka kasalanan, hindi kasalanan ang magmahal kaya wag mong isipin na nagkamali ka sila itong hindi makaunawa sayo, hayaan mo na sila” habang yakap ako ni Fatima

“marinig ko lang naman boses nila at sabihin nilang magiging maayos din ang lahat sapat na yun eh bakit ayaw nila? Talaga bang ang sama sama ko?” habang patuloy ako sa pag iyak

“hindi ka masama napakabuti mo nga eh, maswerte kami may kaibigan kaming katulad mo at alam ko alam din nila yun kaya wag mong sabihin yan” tugon ni Fatima habang yakap ako

“miss na miss ko lang talaga sila eh” habang patuloy akong umiiyak

“maaayos din ang lahat wag ka mag alala” si Fatima

“ang sakit sakit talaga” habang di ako matigil sa pagtangis

“ilabas mo lang yan Jey” si Fatima habang nakayakap sa akin

(Paki stop na po)

Ihinatid ako ni Fatima sa bahay, at sa mga oras na yun ay medyo gumaan na ang aking pakiramdam. Nagdaan ang mga araw linggo at buwan hanggang sa matapos ang klase ay ganun pa rin ang naging turing sakin ni Josh at Harvey pumupunta pa rin naman ako kila Josh para magbaka sakali ngunit talaga yatang masakit pa sa kanila ang aking mga nagawa.  Habang naglalakad ako sa campus ay nakasalubong ko si Roby

“ano iiwasan mo ba ako?” tanong ni Roby

“hindi bat ko naman gagawin sayo yung ginawa sakin ni Josh saka Harvey eh wala ka naman kasalanan sakin” tugon ko habang sumabay siya sa akin sa paglalakad

“galit pa rin ba sila sayo?” tanong ni Roby

“ano pa nga ba, pero kasalanan ko naman talaga eh bat kasi nagkagusto pa ako sayo” tugon ko

“eh cute naman talaga ako eh kaya natural lang yun” biro ni Roby

“sus ang kapal” tugon ko

“pero bat di ka pala naasiwa sa akin? Kasi usually pag ganyan lalayuan mo na ako” tanong ko

“sobra ka naman, hinding hindi magbabago ang tingin ko sayo noh ikaw pa eh labs na labs yata kita” sabay akbay sa akin ni Roby

“buti ka pa hindi nagbago tingin mo sa akin hindi tulad nung dalawa parang ibang tao nako sa kanila” malungkot kong tugon

“wag ka mag alala mapapatawad ka rin ng mga yun” tugon ni Roby

“sana nga” malungkot kong tugon habang papalayo ako

Lumipas ang mga araw at linggo ay naging maayos na din ang paglalakad ni Josh sinabi din sa kanya ng doktor na pwede na siyang makabalik sa paglalaro sa isang buwan, dahil tapos na din ang klase ay hindi ko na sila nakikitang madalas pero patuloy pa din ako dumdalaw sa kanila, hindi nga lang kasing dalas ng dati ngunit nagbabakasakali pa rin ako na isang araw ay haharap na sila sa akin.

Samantala isang hindi inaasahang pangyayari ang nangyari sa aking buhay, habang nagsisimba kami nila papa kasama sila kuya at fatima ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Napahawak ako kay Kuya Justin dahil sa pag ikot ng aking paningin

“ano ba Jey nagsisimba tayo makinig ka naman” si Kuya Justin

“pahawak lang kuya masama kasi pakiramdam ko” tugon ko

“anak ayos ka lang ba? medyo namumutla ka nga” si Papa habang hinawakan ako sa noo para tingnan kung may lagnat ako

“ikaw ha Jey mamaya nyan nagdadrama ka nanaman tinatamad ka lang magsimba” si Kuya John

“kabisado ka talaga ng mga kuya mo Jey” si Fatima habang natatawa

At sa pagkakataong yun ay bigla na lang akong bumagsak sa sahig, nagulat ang mga nagsisimba sa nangyari sa akin

“Jey!” sigaw nila papa

Agad agad ako binuhat ni Kuya Justin, tinawagan naman ni Kuya John ang driver at dali dali nila akong dinala sa hospital. Pagdating sa hospital ay diniretso agad ako sa emergency room

“ano ba nangyayari kay jey” si Kuya John habang nag aalala

“omg hindi kaya this has something to do sa mga pagkaksakit nya dati?” si Fatima

“what do you mean pagkakasakit nya?” tanong ni Papa

“lagi po kasi nagkakasakit si Jey noon, nung minsan pa nga po sa school bigla siyang nanlambot kaya dinala siya sa clinic. Nag alala si Harvey saka Josh sa kanya kaya dinala siya sa hospital para ma check pero sabi ng doktor anemic lang po daw sya” kwento ni Fatima

“oo alam namin dinala siya sa hospital pero hindi namin alam na lagi pala siyang nagkakasakit?” si kuya Justin

Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ang doktor mula sa emergency room

“dok kamusta na po ang anak ko?” pag aalalang tanong ni Papa

“ayos na ang lagay nya nagpapahinga na siya pero we will do series of test pa para malaman kung ano talaga ang sakit nya” tugon ng doktor

“thank you dok” tugon ni Papa

Inilipat ako sa isang private room, pagkagising ko ay nasa kwarto sila Papa, Kuya at Fatima.

“kamusta ka na anak?” pag aalalang tanong ni Papa

“ayos na po ako” tugon ko

“wag ka mag alala maya maya lang pwede ka na raw i discharge dito sa hospital” si Kuya John

“salamat naman, ayoko talaga dito sa hospital” tugon ko

“oo nga pala Jey gusto mo tawagan ko sila Josh at Harvey?” tanong ni fatima

“wag na ayokong mag alala pa sila sa akin, saka maayos na din naman ako eh” tugon ko

Inilabas ako sa hospital at iniuwi sa bahay, lalabas pa lang ang resulta ng aking examinasyon sa makalawa, kaya hindi muna ako pinayagan nila Papa na makalabas, pinagpahinga na lamang nila ako sa bahay, dahil sa nangyari sa akin ay hindi na rin ako nakakadalaw sa bahay nila Josh. Matapos ang dalawang araw kasama sila Papa, kuya at Fatima ay nagbalik kami sa hospital para malaman ang resulta ng mga test sa akin, pagpasok pa lang ng doktor ay makikita na sa kanyang mukha ang pagkabahala.

“Mr. dela Vega gusto pa po namin ulitin ang mga test para makasigurado” wika ng doktor

“bakit po dok ano po ba ang nakita nyo sa anak ko?” pag aalalang tanong ni Papa

“ayon kasi sa aming findings your son has this case of rare leukemia, pero hindi pa kami nakakasigurado kaya kailangan pa namin nang ibat ibang pagsusuri” tugon ng doktor

“wag na po dok hindi na po kailangan, yun po kasi kinamatay ng mama ko” tugon ko

Nagulat naman ang doktor sa aking mga sinabi

“so nasa history nyo pala pero kailangan pa rin natin ng further test para makasigurado” tugon ng doktor

“sige po dok kung yun ang nararapat” seryosong tugon ni Papa

“pero pa para san pa po yun? Sigurado naman ako pareho kami ng sakit ni mama eh” wika ko

“hindi kayo pareho ng sakit ng mama mo baka nagkamali lang talaga sila” si Papa habang medyo lumakas ang tono

Tinanong din ako ng doktor sa aking mga nararamdaman, at sinabi ko naman ang lahat. Habang papalabas kami ng hospital ay kitang kita ang pag aalala sa mukha nila Papa at Kuya pati si Fatima ay hindi rin mapakali.

“Pa pano kung katulad nga ng sakit ni Jey yung kay mama ano gagawin natin?” si kuya John habang nag aalala

“wag mo sabihin yan hindi siya matutulad kay mama” si kuya Justin habang hindi rin mapakali

Si papa naman ay nanatili lamang tahimik at malalim ang iniisip. Nilapitan naman ako ni Fatima at kinausap

“ayos ka lang ba Jey?” tanong ni Fatima

“ayos lang ako” tugon ko habang nakangiti

Makalipas ang dalawang araw ay bumalik kami sa hospital para malaman ang resulta sa pagsusuri ng doktor. At gaya nga ng inaasahan ay tama ang hinala ng doktor.

“omg this can’t be happening” pag aalala ni Fatima

“dok sigurado po ba kayo? Baka kailangan pa po ng test” si kuya Justin habang di mapakali

“I’m sorry pero yun talaga ang findings namin sa sakit ng kapatid mo, pero the good news is mabagal pa ang progreso ng disease kaya pwede pa ito makuha sa sessions ng chemotherapy” paliwanag ng doktor

“good news? Meron ba good news sa sakit na leukemia?” galit na sambit ni Kuya John

“kuya naman ginagawa lang naman ng doktor trabaho nya” pag awat ko kay kuya John

Si papa naman ay tahimik lamang na nakikinig, pero alam ko kung meron man isang taong pinaka nasasaktan ngayon, wala nang iba kundi si Papa.

“pa kung kausapin kaya natin si Dr. Torres yung hematologist ni mama, I’m sure mas makakatulong siya” si Kuya Justin

“good idea siya rin ang naiisip ko” wika ng doktor

“bakit kuya wala naman nagawa si Dr. Torres kay mama ahh, how can you be so sure na may magagawa siya para kay Jey?” tanong ni Kuya John

At dun nga ay nagsalita na si Papa

“patatawagan ko sa secretary ko si Dr. Torres para bukas na bukas din maka set tayo ng appointment sa kanya” seryosong tugon ni Papa

Nanatili lamang tahimik si Papa sa magdamag hanggang sa makauwi na kami, alam kong pinipigilan lang ni papa ang kanyang emosyon para sa akin, gusto nyang makita ko siyang matatag para hindi ako panghinaan ng loob

“magpapahinga na muna ako, ikaw jey magpahinga ka narin” si Papa

Umakyat na si Papa sa kanyang silid ako naman ay nanatili sa sala kasama si Fatima na hindi pa rin matigil sa pag iyak.

“Jey bat parang wala lang sayo ang mga nangyayari?” tanong ni fatima habang umiiyak

“eh kung yun talaga ang gusto ng diyos ano ba ang magagawa ko?” malungkot kong tugon

Maya maya ay nakarinig ako ng pagbagsak ng mga gamit na nagmumula sa kwarto ni Papa, agad agad naman tumakbo sila kuya papunta sa kwarto ni Papa, at dun nga nailabas ni papa ang sakit na kanyang nararamdaman

“Pa ano po nangyayari sa inyo” si kuya Justin habang inaawat si Papa

“bakit sa kanya pa! bat di na lang sakin! Kababalik lang ng kapatid nyo eh!” si Papa habang nagwawala at pinagtatapon ang mga gamit sa kanyang silid

“pa walang mangyayari kay Jey hindi natin hahayaan yun diba?” si kuya John habang umiiyak at yakap si Papa

“kababalik lang nya eh bat naman kailangan pa mangyari sa kanya ito” si papa habang umiiyak na

“pa magpakatatag ka ngayon tayo higit na kailangan ni Jey” si kuya Justin habang umiiyak na din

(Paki play po)



Pero lingid sa kanilang kaalaman ay andun lamang ako sa may pintuan habang pinapanood sila, lumapit ako kay papa

“Papa magpapaalam nanaman po ba ako?” malungkot kong tanong kay Papa

“hindi anak hindi nako papayag na mawala kang muli” si Papa habang umiiyak at niyakap ako ng mahigpit

“pano kung ipinahiram lang naman talaga ako sa inyo ng diyos” tugon ko habang pumapatak ang aking mga luha

“wag mo sabihin yan anak magiging maayos din ang lahat kahit maubos pa pera ko gumaling ka lang gagawin ko” habang iyak ng iyak si Papa

“sige po pangako papa para po sa inyo magpapagaling ako, ayaw ko na po malayo muli sa inyo” tugon ko habang umiiyak ako at nakayakap kay Papa

Nilapitan naman ako nila Kuya

“Jey kakayanin mo ito ha andito lang kami para sayo hinding hindi ka namin iiwan” si Kuya Justin habang niyakap din ako ng mahigpit

“paano kung matulad ako kay mama?” natanong  ko habang umiiyak

“hindi, hindi ka matutulad kay mama hindi namin hahayaan yun” si Kuya John habang niyakap ako ng mahigpit

Napuno ng labis na kalungkutan sa kwarto ni Papa, niyakap ako ng mahigpit nila kuya, ramdam na ramdam ko na ayaw nila akong malayo muli sa kanila. Si Fatima naman ay iyak pa rin ng iyak.

(paki stop na po)

Kinabukasan ay pumunta kami kay Dr. Torres ang hematologist dati ni mama ibinigay sa kanya ang mga findings ng doktor.

“nakausap ko na nga si Dr. Ramirez about sa kaso ng anak nyo, based sa mga results ng examination nya mabagal pa naman ang progress ng disease at mas maganda kung mag undergo siya ng ilang sessions ng chemotherapy” palwanag ng doktor

“dok pwede na po ba bukas na bukas din agad?” si Papa

“I’m sorry pero kailangan muna natin i kondisyon ang katawan ng anak nyo bago niya pagdaanan yun para handa ang katawan nya lalo pa ngayon at medyo nanghihina pa sya” paliwanag ng doktor

“eh kailan nyo po balak dok?” pag aalalang tanong nila kuya

“next month po doktor pwede po ba?” tanong ko

“ano ka ba bakit next month pa?” tanong ni kuya John

“gusto ko kasing makapag paalam muna sa mga kaibigan ko and I’m very much aware kung ano ang mangyayari sa akin pag nag undergo ako ng chemo, alam ko naman kasi yung mga nangyari dati kay mama” tugon ko

“pero anak” si Papa

“wag po kayo mag alala Mr. dela Vega yun din ang suggestion ko saka as what I’ve said mabagal pa naman ang progress ng sakit ng anak nyo at mas makakabuti na din kung handa talaga ang katawan nya” paliwanag ng doktor

“saka papa wag po kayo mag alala dalawang linggo nalang po yun di naman saktong isang buwan” tugon ko

Wala na din nagawa ang aking pamilya kundi sundin ang bilin ng doktor, pagdating namin sa bahay ay kinausap ako ni Fatima.

“Jey ano ba balak mo? Kailan mo balak sabihin sa kanila?” tanong ni fatima

“wag na siguro baka magalala pa sila, saka Fatima sa iba nating kaibigan wag mo na rin sabihin ha ayoko kasing mag alala din sila sa akin, magpapagaling naman ako eh” tugon ko

“pero sinabi mo sa doktor na balak mo magpaalam kaya next month ka pa magpapa chemo” si Fatima

“dinahilan ko lang din yun” tugon ko

“ikaw bahala, basta Jey andito lang ako lagi sa tabi mo” si fatima habang niyakap ako

Samantala sa bahay nila Josh habang nasa may sala sila...

“Ma napapadaan pa ba dito si jey?” tanong ni Josh sa mama nya

“anak hindi na eh, yan din napansin ko hindi na nagpupunta dito yung kaibigan nyo”

“ahh sige po ma salamat po” tugon ni Josh

“baka naman nagsawa na din, mas mabuti na yun kesa lagi nyo siya pinagmumukhang tanga” tugon ng mama ni Josh

“tita naman, hindi naman po sa ganun” si Harvey habang medyo nahiya sa narinig sa mama ni Josh

Kinabukasan sa school sa tambayan ng aming mga kaibigan, ay pumunta kami ni Fatima kahit na tapos na ang klase ay nakaugalian na din kasi namin na tumambay sa school. Pagdating namin dun ay dinatnan namin ang aming mga kaibigan na nagkukwentuhan.

“asan pala si Josh saka Harvey bat kayo lang?” tanong ni fatima

“nasa practice si Harvey andun din si Josh kasama mga girlfrend nila nanonood” tugon ni Tom

“oo nga pala jey bat ngayon ka lang namin nakita? Tagal mo nawala ahh” si Dindo

“ahh wala may inasikaso lang ako” tugon ko

“tara kain tayo sa labas treat ko” pag aya ko sa kanila

“ano nakain mo Jey nanlilibre ka yata ngayon” si Tom habang medyo natatawa

“bakit wala naman masama ahh” tugon ko

“di ba natin yayayain si Josh saka harvey?” tanong ni Luke

“ayain nyo din sila kakahiya naman baka sabihin nila kayo lang ililibre ko” tugon ko

Tinawagan nga nila sila Josh pero tumanggi ang mga ito kaya kami kami nalang ang lumabas. Araw araw ay lagi ko silang kasama lumabas talagang bawat oras na kasama ko sila ay sinusulit ko talaga dahil alam ko kapag nag undergo na ako ng chemo ay hinding hindi ko na sila muling makakasama. Lumipas ang dalawang linggo at dumating ang araw para sa aking chemotherapy. Mild chemo pa lang ang ginawa sa akin para tingnan kung paano mag rerespond ang katawan ko sa gamot, ngunit kahit ganun pa man ay naramdaman ko ang hirap dahil sa epekto ng gamot. Makalipas ang dalawang araw ay dinalaw ako ni Fatima sa bahay

“tito andyan po ba si jey?” tanong ni Fatima kay Papa

“nasa taas nagpapahinga” tugon ni Papa

Pagdating ni Fatima ay inabutan nya ako sa banyo na nagsusuka, agad agad siya tumakbo para alalayan ako

“nagsusuka ka pa rin, hindi mo ba iniinom yung gamot para di ka masuka?” si Fatima habang hinihimas ang likod ko

“uminom nako pero nasusuka parin talaga ako” tugon ko

Makalipas ang ilang minuto ay medyo gumaan na ang pakiramdam ko kaya nahiga na lamang uli ako para magpahinga

“nanghihina ka ba?” tanong ni Fatima

“hindi naman pero nasusuka lang talaga ako” tugon ko

“o sige magpahinga ka nalang” si Fatima

Kinabukasan ay ang araw na nakatakda para makabalik si Josh sa paglalaro ng basketball, pagdating nya sa court ay sinalubong agad siya ng kanyang mga team mates.

“captain! Welcome back” bati nung isa nyang team mate

“masaya kami nakabalik ka na” wika naman ni Luke

“kamusta na kayo? Masaya din ako at makakalaro na akong muli” tugon ni Josh

“welcome back pala captain” bati ni Roby

“salamat” malamig na tugon ni Josh

Naging maganda ang laro ni Josh kung tutuusin ay parang hindi man ito napilay sa ipinakita niyang husay dahil pati ang coach ay nabilib sa bilis ng kanyang pag recover. Matapos ang laro ay dinaanan siya ni Harvey para sabay na silang umuwi, habang naglalakad sila ay nakita nila si Roby na naghihintay.

“Josh hanggang kailan ba tayo ganito?” si Roby

“sa pagtatraydor mo sa akin? Hinding hindi kita mapapatawad” tugon ni Josh

“hindi kita tinraydor Josh” tugon ni Roby

“yung alam mong may relasyon kami ni Jenny noon tapos inagaw mo siya sa akin, hindi ba pagtatraydor yun?” si Josh habang nag iba na ang tono ng boses

“oo aaminin ko may lihim na pagtingin ako kay jenny nung mga panahong yun pero hindi ko talaga alam na cool off lang pala kayo” si Roby

“anong ibig mong sabihin?” tanong ni Harvey

“nung mga panahong nagkakalabuan kayong dalawa ni jenny sakin siya lumalapit at humihingi ng payo, nagkalapit kami ng husto hanggang sa isang araw sinabi nya sa akin na hiwalay na kayo, hindi naman kita makausap dahil doon Josh, dahil kung natatandaan mo meron din tayong hindi pagkakaunawaan nung mga panahong yun, si Jey at Harvey naman ay wala rin nalalaman sa estado ng inyong relasyon dahil inililihim mo nga ito, umabot ng isang linggo bago ko siya ligawan at agad agad naman nya akong sinagot. Hindi ko alam pero gusto niyang ilihim muna ang aming relasyon pumayag naman ako sa di ko rin malamang dahilan pero hanggang sa malaman mo nga na kami nang dalawa. Josh dun ko din nalaman na wala kayong formal breakup pareho lang tayo niloko ni Jenny kaya agad agad din ako nakipag hiwalay sa kanya nung mga panahong yun dahil ayaw ko masira ang pagkakaibigan natin” paliwanag ni Roby

“hindi nagsisinungaling ka lang” si Josh habang di makapaniwala

“ano naman makukuha ko sa pagsisinungaling Josh?” si Roby

“eh bakit hindi mo sinabi ito sa amin noon pa?” tanong ni Harvey

“pareho lang naming minahal ni Josh si Jenny kaya kahit ako nalang ang masira dahil umaasa ako na magkakabalikan din kayo pero mali pala ako hindi na nakipagbalikan si Josh. Hindi ko na rin naman nasabi ang totoo dahil lumipat na kami sa states, kung susulat naman ako o tatawag alam kong hindi rin maniniwala si Josh” paliwanag ni Roby

Biglang natahimik si Josh at Harvey sa kanilang mga narinig

“kung ayaw mong maniwala heto ang sulat sa akin ni jenny nakasulat diyan na humihingi siya ng tawad dahil sa panloloko nya sa atin, pasensya ka na ngayon ko lang naipakita yan nawala kasi dati yan kahapon ko lang nakita uli habang nag aayos ako ng gamit, kaya lumakas na din ang loob ko na harapin ka, ngayon kung hindi mo pa rin ako mapapatawad tatanggapin ko yun at kung gusto mo ay aalis na din ako sa basketball team, at least nailabas ko na din naman ang lahat kaya nasa sa inyo na yun” si Roby habang nilisan ang lugar

Kinagabihan ay binasa ni Josh at harvey ang sulat ni jenny para kay Roby at dun ay nalaman nilang totoo ang lahat ng sinasabi ni Roby na pareho lang silang biktima ng kasinungalingan.

“tol totoo nga wala nga kasalanan si Roby, ano balak mo ngayon?” tanong ni harvey

“kung ano ang matagal ko nang dapat ginawa” seryosong tugon ni Josh

Kinabukasan sa practice ng basketball ay nadatnan ni Josh at Harvey na hindi naka uniform ng pang basketball si Roby at kinakausap nito ang coach.

“kung yun na ang pasya mo hindi na kita mapipigilan pero malaking kawalan ka talaga sa team” si coach habang kausap si Roby

“marami po talagang salamat sa lahat” paalam ni Roby

Lumapit naman si Josh sa kanilang kinaroroonan

“bakit saan ka ba pupunta?” tanong ni Josh

“ahh Josh aalis na daw sa team si Roby eh ayaw talaga papigil” tugon ng coach

“may laro pa tayo saka kailangan mo pa akong talunin sa laban diba?” tugon ni Josh habang nakangiti

Bigla namang nagulat si Roby sa kanyang mga narinig at di makapaniwala sa mga sinabi ni Josh

“a-ang ibig sabihin ba nun ay napatawad mo na ako?” nauutal na tanong ni Roby

“bakit ayaw mo yata eh” tugon ni Josh habang medyo natatawa

“hindi gusto ko” tugon ni Roby habang napapakamot sa ulo

“pero tol wala ka naman kasalanan eh ako pa nga ang dapat humingi ng tawad sayo sa lahat ng mga nagawa ko” tugon ni Josh

“so pano magkaibigan na uli tayo?” si Roby

“oo naman tol” ngiti ni Josh habang inakbayan si Roby

“o pano ba yan edi hindi ka na aalis sa team?” tanong ng coach

“hindi na po coach” tugon ni Roby habang nakangiti

Naging masaya ang laro nila parang bumalik sa dati ang pagsasama nila nung nasa highschool pa kami, pagkatapos ng laro habang papalakad silang tatlo pauwi

“o ikaw Harvey galit ka pa rin ba sa akin?” tanong ni Roby

“hindi na wala na yun ang talagang kinagalit ko lang naman yung pagsasabwatan nyo ni Jey” tugon ni harvey

“edi ibig sabihin ba nyan mapapatawad nyo na rin si Jey?” tanong ni Roby

“matagal na rin naman namin siyang napatawad pero masyado parin kasing masakit yung ginawa nya kaya tama na rin muna ito distansya na muna kami sa kanya” paliwanag ni harvey

“ganun talaga tol pag mahal na mahal mo ang tao pag nasaktan ka hirap makalimutan” si Josh

“ganun ba? miss na miss pa naman nya kayo pero naiintindihan ko kayo kung hindi pa kayo handa” tugon ni Roby.

Kinabukasan habang magkakasama ang aming mga kaibigan sa tambayan at nagkukwentuhan ay dumating si Josh at Harvey kasama si Roby. Nagulat ang aming mga kaibigan sa kanilang nasaksihan

“omg tama ba itong nakikita ko?” si Beth habang di makapaniwala

“teka wag nyo sabihin?” si Dindo habang nagtataka din

“oo tama kayo nagkaayos na kami” ngiti ni Josh

“hay tol sa wakas ayos na din kayo” si Tom

“edi kakausapin nyo na din si Jey niyan?” tanong ni Marie

Ngunit tahimik lang si Josh at Harvey

“sige lang pairalin nyo pa yung pride nyo sana lang hindi pa huli ang lahat” parinig ni fatima

“ano nanaman ba yan Fatima?” tanong ni Ben

“wala naman” tugon ni fatima

Lumipas ang dalawang linggo at isang pangyayaring hindi inaasahan ang nangyari sa akin. Alas onse ng gabi habang nasa kwarto na sila Papa at kuya ay lumabas naman si Manang Luz galing sa kanyang kwarto upang pumunta sa kusina upang kumuha ng maiinom, habang naglalakad siya  ay nakita niyang nakahandusay ako sa sahig sa may labas ng aking kwarto

“sir Jey! Diyos ko po!! ” si manang luz habang nagsisisigaw

Agad agad naman lumabas si Papa at sila Kuya sa kanilang silid nung marinig nila ang sigaw ni Manang Luz. Pati ang driver at iba pang katulong ay naglabasan din

“sir si Jey po” si Manang Luz habang nataranta

Agad agad naman ako binuhat ni Kuya Justin at itinakbo sa kotse para dalhin sa hospital.

Samantala sa kwarto ni Josh kasama si Harvey habang natutulog sila

“Jey wag kang umalis”

“Hindi kaya ipinahiram lang talaga ako ng diyos, hindi nga naman ako nakapag paalam sayo baka heto na ang tamang panahon para magpaalam sayo” sambit ko habang hinahaplos ko ang mukha ni Harvey

“hindi ko na kakayanin pag nawala kang muli mamamatay ako” si Harvey habang iyak ng iyak

“paalam sayo Harvey”

“Jey!” sigaw ni Harvey habang nagising siyang umiiyak

Bigla namang nagising si Josh sa pagsigaw ni Harvey

“tol anong nangyari sayo?” tanong ni Josh

“napanaginipan ko si Jey nagpapaalam na” tugon ni harvey habang hinihingal

kumuha ng tubig si Josh at ipinainom kay Harvey

“inom ka muna tol, wag mo na isipin yun kabaligtaran naman lagi ang mga panaginip eh” paliwanag ni Josh habang iniabot ang isang baso ng tubig kay Harvey

“parang totoong totoo kasi” tugon ni Harvey habang medyo kalmado na

“kahit ako halos araw araw ko din siyang napapanaginipan siguro talagang namimis lang talaga natin siya” tugon ni Josh

Samantala sa aming kinaroroonan...
Makalipas ang isang oras ay lumabas na ang doktor para kausapin sila Papa at Kuya

“dok kamusta na po ang anak ko?” pag aalalang tanong ni Papa

“tatapatin ko na po kayo Mr. dela Vega hindi maganda ang lagay ng anak nyo, biglang bumilis ang progress ng sakit ng anak nyo” tugon ng doktor

“dok pano nangyari yun hindi ba chemo will destroy yung mga cancer cells sa katawan nya” si Kuya John

“that was the idea unfortunately hindi laging maganda ang kinalalabasan, sa kaso ng kapatid mo hindi masyadong nag respond ang katawan niya sa chemo kaya he needs a higher dosage of chemo” paliwanag ng doktor

“dok kailan naman po pwede mag undergo ang kapatid ko sa treatment?” tanong ni Kuya Justin

“as soon as possible” tugon ng doktor

Pagpasok nila sa aking silid ay nakita nilang nagising na ako

“ayos ka na ba anak?” tanong ni Papa

“ayos na po ako, ano po ba nangyari?” tanong ko

“nawalan ka ng malay kanina Jey nakita ka ni manang luz na nakahandusay sa labas ng kwarto mo” tugon ni Kuya John

Kinausap naman nila Kuya si papa

“Pa nauulit nanaman ang kay mama ganitong ganito din ang nangyari sa kanya dati” mahinang sambit ni Kuya Justin

“oo nga pa ano gagawin natin?” si Kuya John

Tumahimik muna si Papa at nag isip ng malalim parang isang malaking desisyon ang kailangan niyang gawin.

“Jey maghanda ka, next week din dadalhin kita sa states para dun na magpagamot mas nakakatiyak tayo dun” si Papa

“Pa next week na po?” malungkot kong tanong

“oo dahil mamaya din ipapaayos ko na ang lahat ng papeles para makapunta na tayo agad dun” tugon ni Papa

“sige po kung yun ang gusto nyo” tugon ko habang medyo malungkot

“Pa sasama din po kami” si Kuya justin

“hindi kami lang ang pupunta dun nag aaral pa kayo, ipagpatuloy nyo na lang ang pag aaral nyo”

“hindi po papa sasama po kami makakapaghintay naman ang pag aaral namin at matagal nawala samin si Jey hinding hindi na po kami papayag na malayo pa kami sa kapatid namin” si Kuya John

“pero anak”

“pa sige na po, kung kailangan po kayo ni Jey ngayon kailangan din po kami ng kapatid namin” si Kuya Justin

Wala na din nagawa si Papa kundi pumayag, pagka discharge ko sa hospital ay iniuwi na ako sa bahay

“papa pwede po bang magpaalam lang ako sa mga kaibigan ko bukas” paalam ko kay papa

“wag na anak baka kung mapano ka pa” tugon ni Papa

“papa alam ko naman po na pagdating natin sa amerika, wala rin naman pong kasiguraduhan kung gagaling nga ako kaya kahit sa huling pagkakataon gusto ko pong magpaalam sa kanila” paliwanag ko

“hindi anak walang mangyayari sayo gagaling ka pa pinapangako ko sayo” si Papa habang naiiyak at niyakap ako

“pa sige na po payagan nyo na siya, sasamahan po namin siya” si Kuya John

“o sige na nga kayo ang bahala” tugon ni Papa

Kinabukasan kasama sila kuya ay pinuntahan ko sa tambayan ang aking mga kaibigan. Nagpaiwan lang sa malayo sila kuya habang nilalapitan ko ang aking mga kaibigan. Bigla silang nagulat pagkakita sa akin

“o Jey ang tagal mong nawala ha, san ka ba nagpunta?” tanong ni Tom

“masyado lang maraming ginagawa” tugon ko

“medyo maputla ka yata ngayon saka nangayayat ka yata” si Dindo

“nagkasakit din kasi ako pero ok nako” tugon ko

Dahil nakaka ilang sessions pa lang ako ng chemo ay hindi pa nalalagas ang aking buhok

“siya nga pala mawawala muna ako ha bakasyon lang kaya gusto ko munang magpaalam sa inyo” wika ko

“ok ka lang? enrollment na kaya next week” si Beth

“sandali lang naman ako” tugon ko

“siguraduhin mo lang para sabay sabay tayo” si Luke

“namiss ko talaga kayo pwede bang payakap” hiling ko

“oo naman tara group hug” si tom

At nilapitan nga ako ng mga kaibigan ko at niyakap

Habang papaalis na ako ay isa isa akong nagbilin sa kanila

“Robert, Rick at Ben sana lagi pa rin kayong trio ha, Beth alagaan mo si Tom at Tom wag mo na binibigyan ng problema si Beth. Dindo at Marie wag kayo nagpapa api ha wag nyo iisipin na mas lamang ang isang tao sa inyo dahil mas mayaman ito at Luke galingan mo sa basketball ha” binitawan kong salita

“oi ang weird mo Jey ha bat parang nagpapalam ka na eh magbabakasyon ka lang naman” si Tom habang natatawa

“oo nga nagdadrama ka nanaman ha” si Luke

“wala lang emo lang kasi ako ngayon hehe” tugon ko habang papaalis

(Paki Play po)


Samantala lingid sa aking kaalaman ay andun lang pala si fatima na pinapanood kami, sumunod siya sa akin at kinausap ako

“ano ba ang nangyayari sayo? Hindi ka talaga magbabakasyon noh?” tanong ni fatima habang papalakad kami

“hindi dahil pupunta nako sa states next week para dun na magpagamot” tugon ko

“ano? Aalis ka na? ang bilis naman yata” si Fatima habang di mapakali

Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanya

“medyo grumabe kasi ang sakit ko eh kaya gusto nila Papa na sa states nako magpagamot” tugon ko

Bigla naman naiyak si Fatima sa aking mga sinabi, hinawakan ko siya sa dalawang balikat nya at kinausap

“alam mo Fatima na ikaw ang best friend kong babae, na ikaw lang ang nakaka intindi sa akin pag hindi ako maintindihan ni Josh at harvey lagi ka lang nasa tabi ko kahit minsan hindi kita napapansin patuloy mo pa rin ako ginagabayan, hindi ko madalas sabihin ito pero alam mo mahal na mahal kita at maraming salamat sa lahat, pangako babalik ako” aking mga nasambit habang niyakap ko ng mahigpit si fatima

“mamimiss kita Jey” si fatima habang umiiyak

“mamimiss din kita, ikaw na pala bahala sa mga kaibigan natin alagaan mo sila, siya nga pala pag alis ko pakibigay mo nalang itong sulat kay Josh at Harvey” paalam ko habang pumatak ang aking luha sa aking sobrang kalungkutan

Sumunod kong puntahan ay si Roby inabutan ko siya na naghahanda para sa basketball, nagulat siya pagkakitang pagkakita pa lang sa akin

“Jey!” sigaw ni Roby

“namiss kita ahh” sabay yakap ng mahigpit sakin ni Roby

“papaalam lang ako kaya ako nagpunta dito” tugon ko

“bakit san ka pupunta?” tanong ni Roby

“magbabakasyon lang” tugon ko

“yun lang naman pala eh, bat magpapaalam ka pa” si Roby

“eh kasi alam ko mamimiss mo ako ng sobra sobra hehe” biro ko

“aba alam nya” si Roby habang tumatawa

“siya nga pala Roby salamat sa lahat ha, napasaya mo talaga ako”

“oo nga pala Jey about kay Josh at Harvey” si Roby

“saka mo nalang ikwento pagbalik ko” naka ngiti kong tugon habang papaalis

(paki stop na po)

Ang huli kong pinuntahan ay si Josh at Harvey nakita ko silang magkasamang naglalakad sa campus, mukhang papunta sila sa Gym para sa basketball practice ni Josh.

(paki play po)



Tumakbo ako papunta sa kanila at niyakap sila ng sabay ng mahigpit, hindi nako nagsalita nung mga oras na yun pero alam ko naramdaman nila ang gusto kong iparating. Matapos ko silang yakapin ay dali dali kong nilisan ang lugar.

“J-Jey” si Harvey habang nauutal

“tol bat iba ang naramdaman ko” si Josh habang nag aalala

“hindi ko rin alam tol pero bat ganun itsura ni Jey parang namumutla siya at nangayayat pa” tugon ni Harvey habang medyo nag aalala

Pumunta sila sa tambayan kung nasan ang aming mga kaibigan

“o mga tol andito na pala kayo, sabay nako sa inyo para sa practice sa basketball mamaya” si Luke

“napansin nyo ba si Jey kanina?” tanong ni Josh

“oo pumunta siya dito kanina nagpapaalam, magbabakasyon yata sila” tugon ni Tom

“ahh kaya naman pala” tugon ni Harvey habang medyo nakahinga ng maluwag

Lumipas ang isang linggo at dumating ang araw ng aking pag alis, yun din ang unang araw ng enrollment sa school

“anak handa ka na ba?” tanong ni Papa

“opo Pa pero pwede po ba tayong dumaan saglit sa school gusto ko lang ito makita sa huling pagkakataon” pakiusap ko

“sige maaga pa naman” tugon ni Papa

(paki stop na po)

Samantala sa school ay parang piyesta dahil sa mga estudyanteng nagkita kitang muli may banda pang tumutugtog sa campus para nalilibang ang mga estudyante.

“para talagang fiesta dito noh” wika ni Marie

“matagal na nilang ginagawa ito last year lang natigil, ito yung pinagkaiba ng eskwelang ito sa ibang schools, naniniwala kasi sila na kapag masaya sa campus magiging maganda ang papasok ng school year” paliwanag ni Beth

Nagtipon tipon ang aking mga kaibigan sa tambayan, dahil hinihintay din nila ako, para sabay sabay na kaming mag enroll tanging ang mga girlfriend lang ni Josh at Harvey ang wala

“ang tagal naman ni Jey” si Marie

“oo nga eh sabi nya ngayon balik nila” tugon ni Beth

Bigla namang niyaya ni Roby si Josh at Harvey papunta stage

“mga tol lika sama muna kayo sa akin” aya ni Roby

“san naman tayo pupunta?” tanong ni Josh

“kayo nalang tinatamad ako” si Harvey

“bilis na arte nyo naman eh” si Roby habang hinila yung dalawa papunta sa mga nagtutugtugang banda

Pagdating nila dun ay biglang naghintuan sa pagtugtog ang mga banda

“ahh pwede ba mag request?” tanong ni Roby sa mga taga banda

“sure tol ano ba yun?” tanong nung nag gigitara

“pwedeng patugtugin nyo yung “this I promise you”” request ni Roby

“no problem tol” tugon nung taga banda

“o pano gaya ng dati kanta tayong tatlo” si Roby habang nakangiti

“loko ka talaga tol ayoko nga nakakahiya” si Josh habang bababa na sana ng stage pero nahatak ni Roby

“kayo nalang dalawa mga mokong” si Harvey habang natatawa at pababa na din ng stage

“pls mga tol for old times sake” pamimilit ni Roby

Bigla naman naghiyawan ang mga estudyante pati mga kaibigan namin ay nagsisigawan

“go guys wooooo” sigaw ng mga estudyante

“Harvey and Josh wag kayo kill joy hahahaha” sigaw ni Marie

Kaya wala na din sila nagawa kundi gawin nalang ang gusto ng mga estudyante

“yari ka talaga samin mamaya tol” mahinang sambit ni Josh

“puro ka din kalokohan” si Harvey

At dun nga ay nag umpisa nang tumugtog ang banda at nag umpisa silang umawit

(Paki play po)






When the visions around you,
Bring tears to your eyes
And all that surround you,
Are secrets and lies
I'll be your strength,
I'll give you hope,
Keeping your faith when it's gone
The one you should call,
Was standing here all along..

And I will take
You in my arms
And hold you right where you belong
Till the day my life is through
This I promise you
This I promise you

I've loved you forever,
In lifetimes before
And I promise you never...
Will you hurt anymore
I give you my word
I give you my heart (give you my heart)
This is a battle we've won
And with this vow,
Forever has now begun...

Just close your eyes (close your eyes)
Each loving day (each loving day)
I know this feeling won't go away (no..)
Till the day my life is through
This I promise you..
This I promise you..

Over and over I fall (over and over I fall)
When I hear you call
Without you in my life baby
I just wouldn't be living at all...

And I will take (I will take you in my arms)
You in my arms
And hold you right where you belong (right where you belong)
Till the day my life is through
This I promise you baby

Just close your eyes
Each loving day (each loving day)
I know this feeling won't go away (no..)
Every word I say is true
This I promise you

Every word I say is true
This I promise you
Ooh, I promise you...

(paki stop na po)

Matapos ang kanta ay biglang naghiyawan ang mga estudyante at aming mga kaibigan

“more more more” sigaw ng mga estudyante

“siya nga pala dedicated pala yung song para kay Jey” si Roby

“waaaa kakainggit talaga si Jey” si Marie habang kinikilig

Pagbaba nila ay agad binatukan ni Josh at Harvey si Roby

“sira ka talaga ano nanaman pumasok sa ulo mo” si Harvey

“namiss ko na yun eh hindi nyo ba namiss yun?” si Roby

“sabagay nakakamiss nga yun” tugon ni Josh

Samantala sa aking kinaroroonan ay nasaksihan namin ang pag awit ng tatlo

“Salamat naman nagkaayos na sila at natupad na din ang pangarap kong makita silang muli na umawit” sambit ko habang nakangiti

“anak tara na mahuhuli na tayo sa flight natin” aya ni papa

“opo pa” tugon ko

Nilisan na namin ang lugar at dumiretso na sa airport, samantala sa tambayan ng aking mga kaibigan habang nagkukwentuhan sila.

“talagang si Jey lahat nalang kinukuha nya hmph!” si Marie

“speaking of Jey nasan na ba yun?” si Beth

Samantala si fatima ay kanina pa walang imik ni hindi nga nya pinansin ang pag awit ng tatlo

“oi Fatima sabihin mo nga pala kay Jey ayos na hindi na kami galit sa kanya” si Josh

Bigla naman nag iba ang timpla ng mukha ni Fatima sa kanyang mga narinig

“aba at talagang parang utang na loob pa niya sa inyo na hindi na kayo galit sa kanya, hindi na nya kailangan pa yun kahit habang buhay na kayong magalit sa kanya mas maganda pa kesa maging kaibigan nya mga katulad nyo” galit na tugon ni Fatima

“ano nanaman ba yan Fatima bat ba nagkakaganyan ka?” seryosong tanong ni Harvey

“tinatanong nyo ako? Sige sasabihin ko na ang gusto kong sabihin.. nagalit kayo kay Jey dahil tinraydor nya kayo at nagsinungaling siya sa inyo, oo aaminin ko mali nga siya dun pero alam nyo ba kung anong hirap ang pinagdaanan nya para makipag ayos lang sa inyo? Unang tatlong linggo araw araw niya kayong pinupuntahan nagbabakasakali yung tao na mapatawad nyo siya pero ano inasahan nya sa inyo? Wala ni hindi nyo man siya hinarap, umabot pa ng ilang buwan patuloy siya pumupunta sa inyo Josh para makausap kayong dalawa kahit pinagmumukha nyo nang tanga yung kaibigan nyo ayos lang sa kanya” galit na mga nasambit ni Fatima

Natahimik naman ang aking mga kaibigan sa kanilang mga narinig lalo na si Josh at Harvey

“ikaw Josh napilay ka nga pero at least wala ka naman sakit at gagaling ka pa, ikaw Harvey yung punyetang pride mo nanaman ang pinairal mo imbis na pumagitna ka kay Josh at Jey kinampihan mo pa si Josh bakit Harvey kaibigan mo din naman si Jey ahh oo nagkamali si jey pero hindi sapat yun para talikuran mo siya” galit na sumbat ni Fatima

Nanatiling hindi maka imik si Josh at Harvey

“tama na yan fatima” malumanay na sambit ni Beth

“hindi pa ako tapos” tugon ni fatima

(Paki play po)



“Ang dinadahilan nyo lagi dahil tinraydor nya kayo at nagsinungaling siya sa inyo kaya nasaktan kayo, bakit Josh, Harvey, baka nakakalimutan nyong nagsinungaling din kayo sa kanya hindi ba pinangako nyo sa kanyang hinding hindi nyo na siya muling iiwan? Pero nasan kayo nung mga panahong higit nya kayong kailangan?” si fatima habang umiiyak na

“nasan kayo nung umiiyak siya dahil nabigo siya sa pag ibig? Hinahanap nya kayo nung mga panahong yun, hinihiling nya kahit isang yakap lang mula sa inyo o yung marinig nya lang sa inyo na magiging ayos din ang lahat, pero ano? Wala siyang inasahan mula sa inyo” si fatima habang patuloy na umiiyak

Bigla namang napayuko si Roby, si Marie at beth naman ay umiiyak na din

“at heto ha nasaan kayo nung ma diagnose siyang may leukemia, nasan kayo nung laging nagdurugo ang kanyang ilong, nasaan kayo nung hirap na hirap siya sa bawat session ng chemotherapy, nasaan kayo nung nagsusuka siya dahil sa epekto ng gamot? Tiningnan nyo man lang ba kung kamusta siya kung nakakakain ba siya ng maayos?” si Fatima habang patuloy sa pagtangis

Bigla namang nagulat ang aking mga kaibigan lalong lalo na si Josh, Harvey at si Roby sa kanilang mga narinig.

“anong sinasabi mo Fatima?” pag aalalang tanong ni Josh

“Fatima kung nagbibiro ka hindi magandang biro yan” si  Roby habang di mapakali

“wag mo kami pinagloloko Fatima ano yang pinagsasabi mo!” si Harvey

“tama ang mga narinig nyo, your best friend is dying at tinalikuran nyo lang siya” tugon ni fatima

Natulala sila sa kanilang mga narinig...

“nasaan si Jey ngayon?” pag aalalang tanong ni harvey

“wag nyo na siyang hintayin ngayon dahil hindi siya mag eenroll sinabi nya lang sa inyo na magbabakasyon  siya pero ang totoo lumala ang sakit ni Jey kaya napagpasiyahan ng pamilya nya na dalhin na siya amerika para dun na magpagamot” tugon ni fatima

“Fatima nasan si Jey ngayon! Sumagot ka!” sigaw ni Harvey

“omg parang nauulit nanaman yung dati” si Beth habang umiiyak

“fatima naman plss nakikiusap kami sayo nasan na si Jey” si Josh

“Nasa airport na sya ngayon ano mang oras ay lilipad na sila papuntang amerika” tugon ni Fatima

Agad agad umalis si Josh, Harvey at Roby papuntang airport habang ang iba ko pang mga kaibigan ay sumunod din.

Samantala sa airport habang nagmamadali kami maka check in dahil medyo na late kami

“ayos ka lang ba anak?” tanong ni Papa

“ayos lang po ako pa” ngiti kong tugon

Maya maya pa ay nag last call na para sa mga huling passenger ng eroplano, habang papasok na kami sa loob ay nakarinig ako ng sigaw mula sa malayo

(paki play po)



“Jey” sigaw ni Harvey, Josh at Roby

Kitang kita ko ang pagpatak ng mga luha mula sa kanilang mga mata. Ngumiti ako sa kanila at tuluyan ng tumalikod at tumuloy na sa paglalakad papunta sa eroplano

Samantala sa kanilang kinaroroonan..

“Papasukin nyo ako kailangan ko makausap si Jey” si Josh habang nagwawala

“sorry po sir hanggang dito na lang po talaga kayo” tugon ng airport security

“sir baka pwede po kahit isa lang samin” pagmamakaawa ni Roby

“hindi po talaga pwede” tugon ng security

Samantala si Harvey ay napaupo lamang sa isang tabi at natulala, dumating ang iba pa naming kaibigan at nakita nga nilang nagwawala sila Josh at Roby, agad agad inawat nila Tom at Luke ang dalawa samantalang nilapitan naman nila Beth si Harvey

“ayos ka lang ba Harvey?” pag aalalang tanong ni beth

“hindi ito maaari nauulit nanaman” si Harvey habang tulala parin

“wag ka mag aalala maayos din ang lahat” si Marie habang pinapalakas ang loob ni Harvey

Pagkalabas nila ng airport ay agad hinanap nila Josh si Fatima

“nasaan si fatima?” tanong ni Josh

“naiwan siya sa school” tugon ni Robert

Agad agad sila nagbalik sa school para makausap si fatima

“san nagpunta si jey?” seryosong tanong ni Josh

“malay ko at kung alam ko man hinding hindi ko din sasabihin” tugon ni fatima

“pwede ba fatima kami ang matalik na kaibigan ni Jey hindi ikaw kaya wala kang karapatang ilihim sa amin ito, ngayon sagutin mo kung nasaan si Jey” si Josh habang galit na galit

“matalik na kaibigan? Kailan pa? eh puro pride nyo lang naman ang pinairal nyo eh” tugon ni fatima

“pls fatima magkaibigan din naman tayo eh sabihin mo na sa amin kung san si Jey sa US nagpunta, parang awa mo na” pakiusap ni Harvey

“hindi ko alam hindi rin naman nila nasabi sa akin kung san ang punta nila, tanungin nyo nalang yung sekretarya ng papa nya o iba pa nilang empleyado baka alam nila” tugon ni Fatima

At ganun nga ang ginawa nila Josh at Harvey kasama si Roby kinausap nila ang mga empleyado ni Papa para tanungin kung nasaan kami ngunit bigo sila dahil maging ang aming mga empleyado ay hindi alam kung saan kami tutungo.

Pagkauwi nila sa bahay ni Josh ay bakas na bakas sa kanilang mukha ang labis na kalungkutan at kabiguan.

“o bat ganyan mga mukha nyo?” tanong ng papa ni Josh

“Pa ipaayos mo agad ang mga papeles ko pupunta po ako sa states agad agad” wika ni Josh

“nahihibang ka na ba ano naman ang gagawin mo dun eh magpapasukan na” tugon ng Papa nya

“hahanapin ko po si Jey” tugon ni Josh

“nasa states si jey?” gulat na tanong ng Papa ni Josh

At dun nga mula sa pananahimik ay nagsalita si Harvey

“may sakit po kasi si Jey katulad ng ikinamatay ng mama nya kaya dinala po siya sa states” si Harvey

Biglang nagulat ang mama at papa ni Josh sa kanilang mga narinig

“diyos ko po” gulat na sambit ng mama ni Josh habang nabitawan nito ang baso na hawak nya

“ano pa tutulungan mo ba ako? Ayoko mawala samin si Jey” si Josh habang umiiyak na

“o sige bukas na bukas din ipapaayos ko na ang mga papeles mo” tugon ng Papa ni Josh

“natawagan ko na din po si papa saka si mama, ipapaayos na din po nila mga papeles ko” si Harvey

“o ngayon kayo naman ang naghahabol nung mga panahong lagi kayo sinusuyo ng kaibigan nyo hindi nyo man lang siya pinapansin, sinabi ko na sa inyo yan na sana hindi nyo pagsisihan ang pagbabale wala nyo sa kaibigan nyo” paninisi sa kanila ng mama ni Josh

“ma naman ngayon namin higit na kailangan ang suporta nyo eh” si Josh

“tama naman si tita, binale wala lang natin si Jey dati at ngayon tayo ang nasasaktan” malungkot na tugon ni Harvey

Samantala sa kwarto ni Josh ay hindi pa rin makatulog ang dalawa

“tol kanina ko pa napapansin magmula nung umalis si Jey tahimik ka lang” si Josh

“hindi mo lang alam kung ano ang sakit na nararamdaman ko sa pagkawala nyang muli, hindi ko kakayanin pag may nangyaring masama kay Jey” seryosong tugon ni Harvey

 Kinabukasan pagbaba nila sa kwarto, pagkakita ni Josh sa papa nya ay agad nya itong kinausap

“Pa napaayos nyo na po ba?” tanong ni Josh

“anak 7am pa lang, 8am pa start ng mga opisina konting tiis muna” tugon ng Papa ni Josh

Maya maya ay may nag doorbell sa kanilang bahay, pagbukas ng katulong nila ay si fatima ang sumalubong sa kanila

“o iha ikaw pala pasok ka” mama ni Josh

“ano nanaman ito Fatima, pamumukha mo nanaman ba sa amin yung mga ginawa namin kay Jey?oo na tama ka mali na kami ano pa ba gusto mong sabihin, tatanggapin namin yun ng maluwag” si Josh

“hindi ako nandito para makipag away andito ako para ibigay sa inyo ang sulat ni Jey, hindi ko lang naibigay kahapon” tugon ni Fatima habang iniabot ang sulat kay Josh

“sige mauuna nako, hindi ko alam kung ano nakasulat diyan pero kung ano man yun sana maintindihan nyo siya” si Fatima habang papaalis

Nagpunta si Josh at Harvey sa hardin at dun nila binasa ang aking sulat, pagbukas nila ng sobre ay nakapaloob dun ang bracelet na bigay nila sakin

(Paki play po)



Dear Josh and Harvey, nakakatawa dahil sa tagal tagal nating magkakaibigan una kong sulat ito sa inyo, sorry nga pala sa nagawa kong kasalanan alam kong nasaktan ko kayo ng labis dahil sa pagsisinungaling ko pero hindi ko ito sinasadya, maganda na rin ang nangyari dahil natuto akong umibig at masktan. Alam kong pinangangalagaan nyo lang ako at ayaw nyo akong masaktan pero alam naman nating darating din sa buhay ko ang kabiguan at kahit anong gawin nyong pag protekta sa akin masasaktan at masaktan din ako.

Alam kong hahananapin nyo ako pero huwag nyo na ituloy dahil hindi nyo rin ako makikita, pero nangangako ako na magpapagaling ako at babalikan ko kayo. Alam kong marami na akong sinirang pangako pero magtiwala kayo dahil tutuparin ko ito. Nakapaloob diyan sa sobre ang bracelet na tanda ng pagkakaibigan nating tatlo, ingatan nyo yan dahil kukunin ko yan “Sa Aking Pagbabalik”

Ang inyong matalik na kaibigan Jey.”

At dun nga ay nag umpisang tumulo ang luha ni Josh at Harvey

“Jey tuparin mo ang pangako mo, maghihintay kami” si Harvey habang umiiyak

Pagpasok nila sa loob ay bakas ang labis na kalungkutan sa kanilang mga mukha

“ano sabi ni jey sa sulat?” pag aalalang tanong ng mama ni Josh

“Pa ipa cancel nyo na po hindi na po kami tutuloy sa Amerika” si Josh

“bakit anak anong nangyari?” tanong ng Papa ni Josh

“hihintayin nalang po namin ang kanyang pagbabalik” malungkot na tugon ni Josh

Sumailalim ako sa high dosage of chemo sa amerika naging mahirap ang aking pinagdaanan, maging sila kuya at Papa ay awang awa sa akin kung pwede nga lang nila akuin ang aking nararamdamang paghihirap ay matagal na nilang ginawa.

Makalipas ang dalawang buwan...

Sa school habang magkakasama ang aming mga kaibigan ay nakita nila sa tambayan ang tatlo

“oh bakit parang biyernes santo ang mukha nyo? Naalala nyo nanaman ba si jey?” tanong ni Tom

“Bukas na kasi ang birthday ni Jey” tugon ni Harvey habang hawak hawak niya ang aking bracelet

“oo nga pala, bukas na nga pala yun kung may paraan lang sana na mabati natin siya” malungkot na tugon ni Beth

“di man lang natin na celebrate last year yung kaarawan niya dahil hindi natin alam na siya pala talaga si Jey” si Josh

“miss na miss ko na rin siya pati yung mga kulitan namin” si Roby

“huwag na kayong malungkot sigurado naman ako na babalik din siya gaya ng ipinangako nya” si Fatima

“teka nga pala bat di ko na nakikita mga girlfriend nyo Josh at harvey” tanong ni Marie

“wala hiwalay na kami hindi na rin kasi kami magkasundo eh” tugon ni Harvey

“kakaisip mo kasi kay jey eh” si Marie

“hindi mo naman maalis sa akin na hindi isipin si Jey eh, mas mahalaga naman talaga siya kahit noon pa man, saka hindi naman dahil dun kaya kami nagkahiwalay ni Carla” tugon ni Harvey

“si Abby naman lumipat kasi siya ng school saka gaya din ni Harvey mas importante si Jey” si Josh

“eh ikaw naman Roby?” tanong ni Beth

“wala ako girlfriend noh di naman natuloy yung kay trisha di ko pala type ugali hehe” tugon ni Roby

“diba ngayon din yung balik nyo uli sa penthouse?” si Fatima

“oo ngayon nga, kasama na din muna namin si Roby habang wala pa si Jey” tugon ni Josh

(paki play po)


Makalipas ang limang buwan sa Amerika lalong nanghina ang aking katawan dahil sa chemo ngunit patuloy padin sa pagbalik ang aking sakit. Maswerte ako dahil andyan si Papa at sila kuya para alagaan ako lalong lalo na si kuya John malaking tulong ang pagiging medicine student nya.

“Pa ano gagawin natin pabalik balik lang ang sakit ni Jey” si Kuya John

Ngunit tahimik lang si Papa

“Pa malapit na po ang pasko pwede po bang umuwi na tayo?” malungkot kong sambit habang naka upo ako sa wheelchair

“gusto mo na ba talagang umuwi?” malungkot na tanong ni Papa

“kung may mangyari mang masama sa akin gusto ko po nasa Pilipinas na ako, saka kahit sa huling pagkakataon gusto ko pong tuparin ang isang pangako” malungkot kong tugon

“anak wala mangyayari sayo ipinapangako ko yan, magpakatatag ka lang” si Papa habang umiiyak

“opo pa pero hindi nga kaya ipinahiram lang naman talaga ako ng diyos at gusto nya nako bawiin” malungkot kong tugon

“hindi anak makikiusap tayo sa kanya na wag kang kunin, kasi pag nawala ka malulungkot nanaman kami ng mga kuya mo gusto mo bang malungkot uli kami?” si Papa habang niyakap ako

“ayoko po pa, para po sa inyo magpapakatatag ako” tugon ko habang lumuluha

“Pa sige na po pagbigyan na natin si jey umuwi na po tayo” si kuya Justin

“kuya baka hindi pa kayanin ni Jey ang biyahe” si Kuya John

“hindi kuya kakayanin ko, gusto ko na talagang umuwi” tugon ko

“sige anak kung yan ang gusto mo uuwi na tayo” si Papa

Makalipas ang dalawang linggo ay nakabalik na nga ako sa Pilipinas pero idiniretso ako ng aking pamilya sa Hacienda namin sa probinsya para makapag pahinga na din ako at makalanghap ng sariwang hangin. Kabibili lang ni Papa sa Hacienda mula sa kanyang kaibigan nung isang taon at heto ang naging surpresa nya sa amin nila kuya, hindi pa alam ng aking mga kaibigan ang tungkol dito dahil balak ko nga sila dalhin  at surpresahin dun sa bakasyon ngunit dahil sa hindi inaasahang pangyayari sa aking buhay ay hindi na ito natuloy pa. Pagdating namin dun ay isang surpresa ang naghihintay sa akin.

(Paki Play po)



“Inay, Itay, Anghelo” sambit ko habang di ako makapaniwala

“anak” sila Inay at Itay habang niyakap ako ng mahigpit

“salamat naman nakita ko kayong muli, masayang masaya po talaga ako” wika ko habang naiiyak

“dito lang kami anak aalagaan ka namin” si Inay

“nung malaman namin na ngayon ang balik mo, agad agad kami lumuwas papunta dito” si Itay

“Jey magpagaling ka ha, dapat matagal tayong magkasama ngayon” ngiti ni Anghelo

“sige magpapagaling ako” tugon ko habang nakangiti

“ang laki ng ipinayat mo anak ahh” si Itay

“opo ganun po talaga epekto sa akin ng chemo” tugon ko

(Paki stop na po)

Kinabukasan ay lumuwas si Papa at sila Kuya pabalik ng maynila para kausapin si Dr. Torres tungkol sa aking kondisyon ibinigay din sa kanya ang evaluation ng mga doktor sa amerika, naiwan naman ako sa pangangalaga nila Inay at Itay.

“anak ayos ka na ba?” tanong ni Inay

“opo medyo maayos na po lagay ko, mas masarap po talaga ang hangin dito sa probinsya” tugon ko

“kumain ka lang ha para lumakas ka na uli” si Inay

“kailan ko kaya uli sila makikita” sambit ko

“sino anak?” si Inay

“yung mga kaibigan ko po, miss na miss ko na po kasi sila eh” tugon ko

“huwag kang mag alala makikita mo din sila” tugon ni Inay

Samantala sa bahay nila Josh habang nasa sala sila ni Harvey...

“Anak may pupuntahan kayong dalawa ni Harvey sa probinsya” papa ni Josh

“san naman po yun tito?” tanong ni Harvey

“Isa siyang Hacienda may gusto kasi akong ipasundo sa inyo” tugon ng papa ni Josh

“sino naman po yun papa?” si Josh

“Basta isang cliente itong napaka importante kaya hindi pwedeng kahit sino na lang ang sumundo sa kanya, bilang kaisa isa kong anak nararapat lang na ikaw ang sumundo sa kanya tutal sem break nyo na din naman” tugon ng Papa ni Josh

“di naman namin alam kung paano pumunta dun” tugon ni Josh

At ibinigay nga sa kanya ni Papa ang address at direksyon papunta sa aming Hacienda. Habang nasa sasakyan sila ni Harvey...

“Tol badtrip naman si Papa ngayon pa tayo inutusan” inis na sambit ni Josh habang nagmamaneho

“hayaan mo na tol minsan lang naman humingi ng pabor papa mo eh, saka para makapamasyal na din tayo” tugon ni Harvey

“siya nga pala sino nga pala hahanapin natin dun?” tanong ni Harvey

“si Mr. Jay daw” tugon ni Josh

“kapangalan pa pala ni Jey” malungkot na tugon ni Harvey

“oo nga eh lalo ko tuloy siyang namiss” si Josh habang lumungkot din

Pagdating nila sa loob ng Hacienda...

“tol ang laki nito saan natin siya hahanapin?” si Harvey

“di ko rin alam, ipagtanong nalang natin” tugon ni Josh

At dun nga ay nilapitan nila ang isang mama na nagpapakain ng mga kabayo

“ahh manong pwede po ba magtanong?” si Josh

“ano yun mga iho?” tanong nung mama

“san po ba dito si Mr. Jay, yun lang po kasi nakasulat dito wala pong apelyido” si Josh

“ahh si sir Jey, pasok kayo diyan sa malaking bahay tapos itanong nyo nalang sa loob” tugon ng mama

“salamat po” si Josh at Harvey

Habang naglalakad sila papunta sa bahay..

“ang ganda dito noh tahimik na tahimik” si Harvey

“oo nga kung gusto mong makawala sa ingay ng maynila, maganda tumira dito” tugon ni Josh

(Paki play po)



Pagdating nila sa bahay ay nakabukas ang pintuan kaya pumasok na din sila at dun ay nakita nila akong nakatalikod at nakaupo sa wheel chair habang natatakpan ng bonet ang aking ulo. Dahil hindi nila ako nakilala ay magtatanong sana sila nung bigla akong magsalita

“ahh sino sila? Pasensya na kayo hindi ako makaharap medyo nanghihina pa kasi ako” malumanay kong sambit

BIglang natulala si Josh at Harvey nung marinig nila ang aking boses

“J-Jey ikaw ba yan?” nauutal na tanong ni Harvey

“Harvey?” tugon ko habang lumiwanag ang aking mukha

“Jey ikaw nga” si Josh habang napaiyak

“Josh” tugon ko

At dun nga ay bigla silang tumakbo sa aking kinaroroonan. Niyakap nila ako ng mahigpit habang iyak sila ng iyak.

“anong nangyari sayo Jey, bat nagkaganyan ka” si Josh habang umiiyak

“wala epekto lang ito ng mga pinagdaanan ko” tugon ko habang nakangiti

“nasaktan ka ba? nahirapan ka ba?”pag aalalang tanong ni Harvey habang umiiyak at nakayakap sa akin

“hindi naman ayos lang ako” wag kayong mag alala

“Diba nangako akong babalik ako heto nako” sambit ko habang nakangiti

“alam ko babalik ka naramdaman namin na babalik kang talaga” si Harvey habang umiiyak

“pasensya na ha hindi ko natupad yung isa kong pangako na magpapagaling ako, ang hirap kasi eh” sambit ko

“wag ka mag alala gagaling ka at hinding hindi na kami mawawala sa tabi mo, dito lang kami hanggang sa gumaling ka na” si Josh habang umiiyak at hawak ang aking mukha

“salamat miss na miss ko na din talaga kasi kayo” tugon ko habang pumatak ang aking mga luha

“miss na miss ka na din namin” si Harvey habang niyakap akong muli

“napatawad nyo na ba ako?” tanong ko

“matagal na kahit nung hindi ka pa umaalis at kami nga ang dapat na patawarin mo sa lahat ng ginawa namin sayo” tugon ni Josh

“ayos lang yun at salamat na din” tugon ko

Pagtingin ko ng kamay ni Harvey ay dalawa ang suot niyang bracelet

“Yan ba yung bracelet ko?” tanong ko habang nakangiti

“oo suot ko lagi para sa muli nating pagkikita” si Harvey habang inalis mula sa kanyang kamay ang aking bracelet at sinuot sa aking kamay

Makalipas ang ilang oras ay dumating na si Papa at sila kuya kasama ang mga magulang nila Josh at Harvey.

“Jey iho” mama ni Josh habang umiiyak nung makita ako

Nilapitan nya ako at niyakap

“mommy namiss po kayo” bati ko sa mama ni Josh habang yakap ko

Nilapitan naman ako ng mama ni Harvey at niyakap

“ayos ka lang ba iho hindi ka ba nahirapan?” pag aalalang tanong ng mama ni Harvey

“nahirapan po pero ayos lang po yun at least nakauwi na po ako” tugon ko

Niyakap din ako ng Papa nila at kinamusta ang aking lagay

“Jey pasensya ka na ha bukas pa pwedeng pumunta yung iba mong mga kaibigan, mahina pa kasi resistensya mo kaya hindi ka pa pwedeng tumanggap ng maraming bisita” si Kuya John

“ayos lang yun kuya” tugon ko

Medyo nanghihina ako nung mga oras na yun at kailangan ko na din talagang magpahinga

“ahh Jey kailangan mo nang magpahinga ihahatid na kita sa kwarto mo” si Inay

“sasama na din po kami ni Josh para bantayan siya” si Harvey

“sige mabuti pa nga anak” mama ni Harvey

 Matapos ako makamusta ay pumunta na ang mga magulang ni Josh at Harvey sa sala kasama si Papa at sila Kuya.

“ano na ba talaga lagay ni Jey? Nag aalala na kami sa kanya” pag aalalang tanong ng mama ni Harvey

“hindi po maganda ang lagay nya kahit po kasi namamatay ang mga cancer cells sa chemo madali din bumabalik kaya lalong nanghihina ang katawan niya” paliwanag ni Kuya John

“diyos ko po” gulat na tugon ng mama ni Josh

“wala na ba talagang ibang option?” tanong ng Papa ni Harvey

“meron isa yung bone marrow transplant” tugon ni Papa

“Pa nahihibang ka na ba diba pinag usapan na natin ito” si Kuya Justin

“mapanganib po Papa baka magka komplikasyon mahina pa naman ang katawan ni Jey” tugon ni Kuya John

“anong gusto nyo makitang unti unting namamatay ang kapatid nyo? Mas gugustuhin ko pang hindi na siya maghirap kesa nakikita siyang ganyan” si Papa habang naluluha

Natahimik naman sila kuya sa sinabi ni Papa

“Pero Will may donor na ba?” tanong ng Papa ni Josh

“wala pa bukas babalik ako sa hospital para magpa screen” tugon ni Papa

“Pa sasama din po kami” sila kuya

Makalipas ang ilang oras ay nagpaalam na ang mga magulang ni Josh at Harvey para bumalik na ng maynila.

“Nagpapahinga na po si Jey hindi na po siya makakapag paalam” si Josh

“ayos lang anak, siya nga pala dinala na din namin mga damit nyo alam ko naman na ayaw nyo muna mawalay sa kaibigan nyo” tugon ng mama ni Josh

“salamat po” tugon ni Harvey

Kinabukasan ay dumating naman ang iba ko pang mga kaibigan para dalawin ako

“Jey” si Fatima habang umiiyak

“Fatima ikaw pala namiss kita” sambit ko habang nakangiti

Agad nya ako niyakap, pati sila Beth at Marie ay yinakap din ako

“kamusta ka na?” si Beth habang naluluha

“nanghihina pa rin pero medyo ayos na” tugon ko

“Jey may nakita ka bang gwapong lalaki dun?” biro ni Marie habang naiiyak

“andami hehe” tugon ko habang natatawa

“Marie umayos ka nga nakakahiya ka talaga” si Dindo

“Pasensya ka na Jey hiya pa yung mga lalaki pero gustong gusto ka na yakapin ng mga yan” si Beth

“anong nahihiya, hindi yata” si Tom habang kasama pa iba kong mga kaibigan lalaki at isa isa nila akong niyakap

“Jey hindi ba masama sayo? Medyo madami kami eh” tanong ni Tom

“ayos lang yun mas gumagaan nga pakiramdam ko pag nakikita ko kayo” ngiti kong tugon

“saka wag ka mag alala wala naman kami sakit” tugon ni Dindo

“teka nasan nga pala si Roby?” tanong ko

Bigla nilang tinuro sa may likuran si Roby na nakayuko

“hayun nagtatampo sayo” si Luke

“bakit naman?” tanong ko

Biglang lumapit si Roby at niyakap ako

“ikaw talaga Jey ha sabi mo magbabaksyon ka lang niloko mo nanaman ako ha di tayo bati” biro ni Roby habang naiiyak siya

“loko ka talaga Jey pinaiyak moko, ikaw pa lang nakapag paiyak sakin nakakainis ka talaga” si Roby habang yakap ako at umiiyak

“ok lang yun quits na tayo hehe” biro ko

Naging masaya ang araw ko dahil napapalibutan ako ng mga taong nagmamahal sa akin. Makalipas ang limang araw sa hospital sa Maynila...

“I’m sorry po pero kahit isa sa inyong tatlo ay hindi nag match kay Jey” malungkot na sabi ng doktor

“Pa pano na yan” si kuya Joshn habang di mapakali

Ngunit tahimik lang si Papa, maya maya ay biglang nagdatingan ang aking mga kaibigan pati sila Inay, Itay at Anghelo.

“anong ginagawa nyo dito?” si Papa habang nagtataka

“magpapa test din po kami baka isa sa amin pwede” tugon ni Fatima

“hindi nyo naman kailangan gawin ito” si Kuya Justin

“mahal na mahal po namin si Jey kaya kung yun lang ang makakapagligtas sa buhay nya gagawin namin” si Tom

“para na naming anak si Jey, sino ba namang magulang ang gustong nahihirapan ang kanilang anak” si Itay

“salamat” masayang tugon ni Papa

“well I just want to inform you na hindi ito simpleng bagay, maraming test ang kailangan pang pagdaanan kahit nag match kayo ng pasyente, at yung mga side effects ng pagdodonate” wika ng doktor

“dok kahit mamatay pa ako mabuhay lang ang matalik kong kaibigan gagawin ko” seryosong tugon ni Josh

“don’t worry hindi naman kayo mamamatay makakaranas lang kayo ng panghihina at iba pang side effects within the first week” tugon ng doktor

“sino pala naiwan at nagbabantay kay Jey?” tanong ni Kuya John

“si Harvey saka yung nurse” tugon ni Josh

Samantala sa aming kinaroroonan...

“Nasan sila?” malumanay kong tanong kay Harvey habang nanghihina ako

“pumunta sila sa hospital” tugon ni Harvey

“anong ginawa nila dun?” tanong kong muli na halata sa aking boses ang panghihina

“wag mo na isipin yun ang importante magpagaling ka” tugon ni Harvey

Pagdating ng Hapon lalo akong nanghina, kaya humiling ako kay Harvey ng isang bagay

“Harvey pwede mo ba akong dalhin sa may parang burol, gusto ko lang makita ang paglubog ng araw at alon ng dagat” hiling ko

“hindi pwede Jey baka kung mapano ka” tugon ni Harvey

“sige na kahit ngayon lang” pakiusap ko

Tumingin naman si Harvey sa nurse, at tumango naman ito.

“gusto nyo sumama nako?” tanong nung nurse

“hindi ako nalang kaya ko na siya” tugon ni Harvey

Dahil hindi pwedeng dalhin ang aking wheelchair kaya pinasan na lamang ako ni Harvey sa kanyang likod

(Paki play po)



Habang pasan pasan nya ako sa likod ay hindi napigilan ni Harvey ang kanyang emosyon, biglang tumulo ang kanyang mga luha

“Harvey umiiyak ka ba?” mahina kong tanong

“hindi wag ka mag alala” tugon nya na halatang umiiyak siya

“pasensya ka na ha mabigat ako” mahina kong tugon

“hinding hindi ako mabibigatan sayo kailanman” tugon ni harvey habang lumuluha ito dahil sa awa sa akin

Pagdating namin sa may burol ay umupo siya sa may damuhan at isinandal niya ako sa kanyang dibdib.

“Ang ganda talaga dito” mahina kong sambit

“oo nga parang kinakausap ka ng kalikasan” tugon ni Harvey

“Harvey ilang taon na kasi tayong magkaibigan?” tanong ko

“matagal na rin siguro mahigit pitong taon na din” si Harvey habang nakasandal ako sa kanyang dibdib at nakayakap siya sa akin

“sa mga taong yun, ilang beses ko na kayo sinaktan?” tanong ko muli

“hindi na mahalaga yun, kahit ilang beses mo kami saktan patatawarin at patatawarin ka din namin ni Josh dahil mahal ka namin” tugon ni Harvey

“salamat hindi kayo nagsasawa sa akin” tugon ko

“hinding hindi mangyayari yun” tugon ni Harvey

“pero alam mo masaya ako dahil nagkaroon ako ng mga kaibigang katulad nyo ni Josh” sambit ko

“mas maswerte kami dahil ibinigay ka sa amin ng diyos” si Harvey

“pasensya na kayo kung iniwan ko kayong muli, hindi ko sinasadya pero kailangan lang talaga” sambit ko

“alam naman naming magbabalik ka” si Harvey

“nakakatawa mawawala ako hindi ko man lang naranasang mahalikan” natatawa kong sambit

(paki stop na po)

(Paki play po)


At dun ay hinawakan ni Harvey ang aking mukha at inilapit nya ang kanyang mukha at dun ay naranasan ko ang aking unang halik. Ramdam na ramdam ko ang kanyang pagmamahal nung mga oras na yun

“para san yun? Hindi mo naman kailangan gawin yun” mahina kong sambit

“Jey alam mong aalagaan kita pero hindi kita laging mapoprotektahan darating ang mga taong lolokohin ka at sasaktan ka, pero kahit na mangyari pa yun hindi mo na kailangan pang mangamba dahil alam mo na ang iyong unang halik ay galing sa taong mahal na mahal ka” tugon ni Harvey

“ibig ba sabihin pumapayag na kayo ni Josh na magmahal ako?” tanong ko

“oo pumapayag na kami” ngiti ni Harvey

“salamat pero mukhang hindi na mangyayari yun” tugon ko

“wag mo sabihin yan gagaling ka pa” tugon ni Harvey

(Paki stop na po)

(Paki play po)


Makalipas ang ilang sandali ay nakaranas nako ng labis na panghihina

“Ang ganda ng paglubog ng araw, mukhang heto na ang huling beses na masisilayan ko ito” malungkot kong sambit habang napapapikit ang aking mga mata

Sa mga sinabi kong yun biglang pumatak muli ang mga luha ni Harvey

“Harvey” mahina kong sambit

“ano yun?” tugon ni Harvey habang ramdam ko ang pagpatak ng kanyang mga luha sa aking pisngi

“inaantok nako gusto ko nang matulog” tugon ko

“sige matulog ka na andito lang ako babantayan lang kita” tugon ni Harvey habang hindi mapigil ang kanyang pag iyak

At dun nga ay ipinikit ko ang aking mga mata at natulog na ng mahimbing

Yun ang oras ng aking pagpanaw...

(paki stop na po)














biro lang nakatulog lang talaga ako hehe

Makalipas ang pitong buwan...

Ako nga pala ulit si Jey dalawang pung taong gulang at heto ang istorya ng aking buhay...

Biglang pumasok sa aking kwarto si Josh, Harvey at Roby

“Jey!!!” sigaw nila sabay yakap sa akin ni Josh at halik sa aking pisngi

“namiss ka namin” si Roby

“waaaaaaa ano ginagawa nyo dito? Sinong nagpapasok sa inyo?” tanong ko

“pinapasok kami ng Papa mo, loko ka talaga Jey hanggang kelan mo ba kami paparusahan isang buwan mo na kami hindi binababa ahh” si Harvey

“weh gantihan lang yan, ako nga dalawang buwan nyo pinarusahan noh” tugon ko habang medyo natatawa

Biglang lumapit naman si Josh at tiningnan ang aking ginagawa

“Jey naman nagsusulat ka nanaman sa blog na yan ba hindi ba usapan natin hanggang book 2 lang, kaya ka lagi napupuyat eh” si Josh

“eh andami may gusto sa kwento ko eh, sabi pa nga ng iba ang galing ko daw” tugon ko

“asus nagpapaniwala ka naman sa mga yan inuuto ka lang nila” pang aasar ni Roby

“tseh!” tugon ko

“oi sino ba nagsama diyan sa ex-boyfriend kong yan bat nakiki close yan” pang aasar ko

“loko ka talaga Jey ha” si Roby

“eh kaibigan na natin yan, ikaw naman oh” si Harvey

“friends can be lovers but lovers cannot be friends” pang aasar ko

“sira ka talaga Jey” si Josh habang natatawa

“Josh di ba pwedeng war na lang kayo ulit sige na plsss” biro ko

“napipikon nako jey ha sakit mo magsalita” si Roby habang nagdadrama

“wushus para namang may damdamin ka” pang aasar ko

“loko ka talaga” si Roby habang nilapitan ako at kiniliti

“oo nga pala Jey dun pala ako natutulog sa kwarto mo sa penthouse ha, ang sarap yakapin ng mga unan mo parang yakap din kita” si Roby

“Harvey pagbalik nyo dun pakisunog yung unan saka mga punda ha” pang aasar ko

“salbahe ka talaga” si Roby habang muli akong kiniliti

Habang tawa ako ng tawa ay inawat na kami ni Harvey

“tama na nga yan, Jey baba ka na may surpresa kami sayo” si Harvey

“yoko mamaya na tinatapos ko pa itong story naiinip na mga readers ko eh” tugon ko

“pls. Jey baba ka na” si Josh

“Josh pwedeng pa second kiss” biro ko

“yoko nga dapat ako first kiss mo eh” si Josh habang nagtatampo kunwari

“loko ka Jey baka sinadya mo yung dati para lang mahalikan kita ha” si Harvey habang natatawa

“oi hindi ahh” tugon ko

“tara na baba ka na” si Roby habang hinatak ako

“teka pwede na ba ako lumabas?” tanong ko

“sabi nga ng doktor kahit nung isang buwan pa eh kasi mabilis naman daw pag recover mo” tugon ni Josh

Si Josh nga pala ang nagdonate sa akin ng bone marrow

“Josh hindi ka ba nahirapan? Pati ikaw nadamay dahil sa pagkakasakit ko”

“hindi basta para sa pinaka mamahal kong jey gagawin kong lahat” sabay kurot ni Josh sa dalawa kong pisngi

Pagdating namin sa hardin ng bahay ay andun na ang aking mga kaibigan at iba pang mahal sa buhay na naghihintay.

“Jey welcome back!” sigaw nila

Nasurpresa talaga ako sa aking mga nakita, halos lahat ng mga taong nagdaan sa aking buhay ay nagpunta. Andun si Papa sila Kuya, Fatima, Inay at Itay pati na rin Anghelo, mama at Papa nila Josh ,harvey at Roby, Beth, Tom, Dindo, Marie, Robert, Ben, Ricky, Luke at iba ko pang mga kaklase at kaibigan.

“Jey nandito din pala sila Pamela, Miguel at patrick, andito nga rin pala si DJ Paul mo” si fatima

“kamusta kayo!” habang tuwang tuwa ako

“Jey kamusta ka na namiss kita” si Paul habang bigla akong niyakap

“Paul! Siya nga pala si Roby ex bf ko, at Roby heto si Paul ex- bf ko din wahahaha” pang aasar ko

“loko ka talaga Jey hindi ka pa rin talaga nagbabago, puro ka parin kalokohan” si Paul habang natatawa

“hindi na kasi yan si jey pag nagbago siya” si Roby sabay kiliti sa akin

Bigla namang may nagsalita sa may likuran namin

“hoy masamang damo ka talaga” biro ni Neil

“waaaa Neil nagbalik ka” kamusta ka na?

“heto mabuti naman may mga best friend na din ako, teka asan na nga pala yung Elton na yun para masabunutan” si Neil

“hahaha hayaan mo na yun” tugon ko

“oo nga nagsisisi na din yun mula nung malaman niya nangyari sayo” si Roby

Makalipas ang ilang sandali ay pumunta silang tatlo sa ginawang stage

“ahh sa lahat ng nandito gusto lang po namin ihandog ang awit na ito para kay jey, at dahil kaming tatlo lang ang huling kumanta nitong awit gusto naman namin ay kumpleto na kami kaya inaanyayahn po namin si jey na samahan kami dito sa stage” mga nasambit ni Roby habang hawak niya ang mic

“yoko nga pang solo ako noh” pang aasar ko sa kanila

“subukan mo kami ipahiya lagot ka samin mamaya” inis na sambit ni Roby

“oi Jey wag kang kill joy ha” si Fatima

“hahaha sige na nga” tugon ko habang papunta sa stage

At dun nga ay nag umpisa nang tumugtog ang banda at nagsimula ang aming pag awit

(Paki play po)


When the visions around you,
Bring tears to your eyes
And all that surround you,
Are secrets and lies
I'll be your strength,
I'll give you hope,
Keeping your faith when it's gone
The one you should call,
Was standing here all along..

And I will take
You in my arms
And hold you right where you belong
Till the day my life is through
This I promise you
This I promise you

I've loved you forever,
In lifetimes before
And I promise you never...
Will you hurt anymore
I give you my word
I give you my heart (give you my heart)
This is a battle we've won
And with this vow,
Forever has now begun...

Just close your eyes (close your eyes)
Each loving day (each loving day)
I know this feeling won't go away (no..)
Till the day my life is through
This I promise you..
This I promise you..

Over and over I fall (over and over I fall)
When I hear you call
Without you in my life baby
I just wouldn't be living at all...

And I will take (I will take you in my arms)
You in my arms
And hold you right where you belong (right where you belong)
Till the day my life is through
This I promise you baby

Just close your eyes
Each loving day (each loving day)
I know this feeling won't go away (no..)
Every word I say is true
This I promise you

Every word I say is true
This I promise you
Ooh, I promise you...

Matapos ang aming awit ay naghiyawan at palakpakan ang mga bisita.

“loko ka talaga Jey inaagaw mo nalang lahat” si Marie

Natawa naman ako sa sinabi ni Marie

Pinuntahan ko muna sila kuya para samahan sa pag entertain ng ibang bisita, maya maya ay nilapitan ako ni Josh

“Jey andito rin pala yung mga kaibigan mo sa blog, kadarating lang nila” si Josh

Dumating din si KV, MV, Rue, jayr, Vinz, mark_roxas45, tristfire, ryanfirmanes, Pink 5ive, Andy of Pque, Beucharist, SF Giants, j.v, ichigo, wastedup, HotakoD220, Vince, hwan21, J.R.S, robert_mendoza94, TOTIX, Shane, akosiea, Marc, Android Marc, Midnytdanzer, Lightrunel, dada, tomo3, aya_mamu, rj, JIM, bestfriend0924, mcfrancis, nate_dominique, mico, hussein, luther, ram, ogie8906, ramram, flashbomb, kristoff shaun, RHAYE, dereck, Brilliance, Darkboy13, Vin23, zenki, Ian, black vampire, EUS, R.J, kenrei_yu, russ, RossMagno, Jhe Ehm, erk, LM, Alfie Guevarra, rstjr029, M.R. B, norimaru, robertsamonte, james rivera, bluehorse, Garry Andaya, jd402, joseph sy, ISAAC at Ariel

“waaaa andami nila” tugon ko

“huwag ka mag alala anak kasyang kasya lahat ng bisita mo” si Papa

Bigla kong tinawag si Josh, Harvey at Roby

“Pakilala ko din pala sa inyo yung mga lagi kong kasa kasama lalo pa nung nawala ako, sila mga laging nagpapalakas sa akin nung mga panahong pinaghihinaan ako ng loob heto nga pala si Rue, Jayfinpa, Marc, dada, wastedup, j.v, Kenrei_yu, Pink_5ive, Darkboy13, robert_mendoza94, marclestermanila, norimaru, sf giants, mcfrancis, vin23, Ariel, ram, R.J, David Thaddeus, Jay!:), zekie, mico, Jhae17, russ, nate, zenki, ogie8906, Andy of Pque, LM, flashbomb, blue, EUS, at IAN.

“salamat nga pala sa pagsama nyo kay Jey ha” si Josh

“pagpasensyahan nyo na lang siya, pasaway talaga yan minsan” si Harvey habang naka ngiti

“sila lang ba?” tanong ni Roby

“yung iba kahit hindi ko alam pangalan o nakikita, alam ko naman na nandyan lagi sila” tugon ko

Matapos ang party nung mag uwian na ang lahat ng bisita ay nagpunta kami sa may manila bay, habang magkakatabi kaming apat

“akala ko dati nung kasama ko si harvey ay yung huling beses kong makikita yung paglubog ng araw, sa wakas ay nakita ko itong muli” sambit ko

“hindi ka pa mawawala, hanggat nandito kami walang mangyayari sayo” si Josh habang naka akbay sa akin

“Harvey yakap mo naman ako nilalamig ako eh hehe” biro ko

“halika nga” si Harvey habang niyakap ako

“at Roby” wika ko

“ano yun Jey?” tanong ni Roby

“uwi ka na” tugon ko habang tumakbo ako at tawa ng tawa

“loko ka talaga ahh” si Roby habang hinabol ako

“hayan nanaman sila” si Josh

“parang hindi man nagkasakit eh” si harvey habang pinapanood kami

At Heto ang storya ng aking buhay....

-WAKAS-


Important: Guys kung pwede sa comment nyo iwasan ilagay sa first sentence yung tungkol sa nabuhay pala siya kasi lumilitaw yun sa mga recent comments, kahit sa second sentence nalang ng comments nyo para di naman mawala yung thrill para sa ibang readers. Salamat




Author’s notes:

Hello readers, diba sabi ko may surpresa ako sa inyo, alam ko kasi sabi nyo dati na parang andun din kayo sa kwento, so you guys are now part of the story :) pag may nakalimutan ako ilagay  sa inyo tell me nalang eedit ko hehe

Sana nagustuhan nyo, kung nagtataka kayo bakit hindi nagkatuluyan si Jey at Roby kasi ang book 1 & 2 is all about Josh, Harvey and Jey. Pero after nyo mabasa talaga bang si Roby gusto nyo para sa kanya? Hehehe joke lang. Kung magkakatuluyan kasi si Jey at Roby parang magiging close na ito. I wan’t to open kasi to the possibility na gagawa ako ng book 3 and yun na yung love story ni Jey pero hindi ko sinasabing gagawa ako, gusto ko lang pwede mangyari hehe. Sino ba talaga gusto nyo makatuluyan nya hehe?

By the way wag nalang si Josh at Harvey, real lfe kasi sila malilintikan ako pag nabasa nila hahaha. Si Fatima, Beth etc.. real life din. Kaya kung napapansin nyo medyo bumagal nako mag update umuwi kasi yung dalawa galing ibang bansa kaya medyo bantay sarado ako hehe and yes sila kasama ko sa palawan.

Di ko naman sinasabing yung story is entirely true, hindi naman ganun pero hindi rin siya purely fictional actually maraming mga events ang nangyari talaga lalong lalo na dun sa book 1(sa aking paglisan), kaya hindi ako masyado nahirapan sa pagsusulat nun, yung choir, sa baguio, niyayakap ka pag nilalamig ka, nakahiga ka sa lap nila pag inaantok ka etc.. And yes magkakaibigan kami since first year HS hanggang mag graduate ng college kasi magkakaklase na kami sa college nung highschool kasi magkakasama lang kami sa choir hehe. Yung sa book 2 marami din hindi ko na sasabihin lahat hahaha, nangako kasi ako ipapabasa ko sa kanila ito pag natapos ko yung story. Pero bago ko ipabasa sa kanila ito aalisin ko muna itong author’s note lol.

Kung tatanungin nyo ako kung ganun talaga ugali nila na may pagka over protective ang masasabi ko ay yes, natural na kasi sa mga lalaki ang ganun di lang sa girlfriend nila pati sa best friend nila. Kaya minsan pag nakikita nilang 1am in the morning online pa ako napapagalitan talaga ako bawal kasi akong mapuyat. Hetong pag gawa ng story medyo nakakapagod din at nakakapuyat pero buti ayos naman sa kanila.

Sabi ko nga sa kanila naku pano pag maka sungkit ako ng isang award sa BOLA kailangan ko pumunta, sasamahan nalang daw nila ako pero buti nalang malayo akong manalo hahaha, pero guys salamat nga pala sa mga bumoto sa akin ha kahit imposible talagang manalo dun dahil ang gagaling ng ibang authors at least may nakuha pa din akong boto hehe salamat po uli :)

By the way if ever na gagawa ako ng book 3 hmm pakita ko nalang teaser hehe. If ever lang ha sinubukan ko lang naman talagang gumawa ng story at nagpapasalamat akong nagustuhan naman ng marami first time ko lang kasi magsulat hehe

Isa pa pala sa mga story ng ibang mga authors, kung nagugustuhan nyo po try nyo naman po mag comment mas lalo po silang gaganahan magsulat pag nababasa nila na, naaappreciate ninyo yung mga gawa nila. Usually kasi yung mga hindi natutuloy na story akala lang ng author walang nagbabasa kaya hindi na nila tinutuloy pero madami naman talaga.

Muli nagpapasalamat po akong muli sa inyo :)



Makakapagpahinga na din ako at makakapagbasa ng ibang mga story sa wakas :)


Inuulit ko po, ako po ang author nitong story hindi yung baltimore something na nagrepost ng story ko sa wattpad, talagang nilagyan pa niya ng firesoul yung pangalan nya, at inaangkin itong story anyway I have all the proof, kopya ng copyright nung 2011 pati mga email nung sinubmit ko ito. Ok lang mag repost nitong story ko basta i acknowledge nyo yung author at wag mang angkin ng akda, konting respeto naman sa sarili