Total Pageviews

Wednesday, 1 April 2015

Sa Aking Paglisan part 5



Sa aking paglisan part 5

Di ko na nga nagawang makipag ayos kay Harvey at Josh dahil sa iniiwasan na din nila ako. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil aaminin ko naging makasarili ako hindi ko iniisip ang nararamdaman ng mga malalapit sa akin lalo na ang nararamdaman ng dalawa kong pinaka matalik na kaibigan. Hanggang sa isang araw bigla may tumawag sa aking cellphone si daddy.

“Jey anak andito kami sa hospital ngayon, ang mommy mo” si daddy

“Pa napano si mama?” ang kinakabahan kong tanong

“Basta pumunta ka nalang dito sa hospital”

Dali dali ako nagpunta sa hospital at nagpaalam ako sa aming adviser sinabi ko na may emergency lang kaya kailangan ko munang mag cut ng klase at pinayagan naman ako ng aming adviser. Pagdating sa hospital dinatnan ko si Papa at mga kuya ko na namamaga ang mga mata, agad ko silang pinuntahan para kamustahin si mama.

“Pa kamusta si mama?” ang naiiyak kong tanong kay daddy

“Bumalik ang sakit na Leukemia ng mama mo at nasa final stage na pala ito” naiiyak na sabi ni daddy

Five years ago nung ma diagnose si mama na may leukemia, nakuha naman ito sa mga sessions ng chemotherapy pero winarningan kami ng doctor na if ever bumalik ang sakit ni mommy baka di na mag respond ang katawan nya sa chemo at di na nya kayanin, sa madaling salita maaari niya itong ikamatay. Lumipas ang mga taon naging ok naman si mama masaya kami dahil naka recover siya hanggang sa sumapit na nga hetong araw na kinakatakutan namin, ngayong linggo lang nagpakita ng symptomas ang kanyang sakit kaya pala madali siya mapagod at nagkakapasa sa katawan at iba pang senyales ng kanyang sakit.

Pinuntahan ko si mommy sa kanyang silid natutulog sya ng mahimbing

“ma ma pagaling kayo kaya mo yan ma wag ka susuko” habang umiiyak at hawak hawak ko ang kanyang kamay.

Nagising si mama sa aking haplos sa kanyang kamay. Ngumiti siya sa akin at sinabing

“ang bunso ko, alam mo ngayon ko lang napansin na ang laki laki mo na pala, pasensya ka na kung medyo naging busy sa school si mama ha hindi ko tuloy masyadong nasubaybayan ang paglaki mo”

“ayos lang po yun ma, makikita mo pa naman ako mag graduate sa highschool at college at makakuha ng magandang trabaho ma” ang nalulungkot kong tugon sa aking ina.

“sana nga Jey” ang nakangiting tugon nang aking ina.

Pumasok na sila kuya at papa sa kwarto para kamustahin si mama. Halata ang kanilang matinding kalungkutan kahit pilit nila itong tinatago sa kanilang mga sarili.

Pinauwi kami ni daddy sa bahay sinabi nya na siya na lang ang magbabantay kay mama sa hospital. Siya na din daw ang magsasabi sa school at magfafile ng resignation ni mama. Tumanggi kami ngunit si papa parin ang nasunod, umuwi ako kasama si Kuya John at Kuya Justin. Nasa 4th year at 5th year college na ang dalawa kong kapatid usually sa mga dorm na sila nag stay napauwi lang sila sa bahay dahil nga sa nangyaring emergency.

“Kuya pano na si mama” ang naiiyak kong tanong sabay yakap kay kuya John

“Tahan na Jey magiging ayos din ang lahat walang mangyayari kay mama naiintindihan mo?” habang yakap yakap ako nang naluluha kong kapatid.

“Magpahinga na kayo papasok ka pa Jey bukas sa eskwela” si Kuya Justin

“kuya ayoko pumasok magbabantay ako bukas kay mama” pagmamakaawa ko kay kuya Justin

“wag na matigas ang ulo mo sa palagay mo ba magugustuhan ni mama ang pag absent mo? Malulungkot si mama pag nakita niyang hindi ka pumapasok” si kuya Justin

Wala na akong nagawa kundi tumango at pumasok na sa aking silid upang magpahinga. Puno ang puso ko ng kalungkutan ng mga oras na yon gusto kong may makausap o mapaglabasan man lang ng aking matinding hinagpis. Kaya tinawagan ko ang aking mga matalik na kaibigan, una kong tinawagan si Josh.

hello Josh pwede ka ba makausap?” ang nalulungkot kong tanong.

ano pa ba ang kailangan nating pag usapan diba nasabi mo na ang lahat hindi mo na kami kailangan?” Sabay baba ni Josh ng telepono.

Di ko naman siya masisisi kung ganun ang naging reaksyon nya kasalanan ko naman talaga. Tinawagan ko naman sumunod si Harvey.

Harvey pwede ka ba makausap?” ang nalulungkot kong tanong.

sorry busy ako eh next time nalang” at binaba na nga ni Harvey ang telepono.

Napaka lungkot ko sa mga oras na yun para bang iniwan na ako ng lahat nang nagmamahal sa akin, at natulog nalang ako na puno ng kalungkutan sa aking dibdib.

Kinabukasan pagpasok ko sa eskwela kinausap ni mama ang Head ng eskwelahan para sabihin ang nangyari kay mama and para isubmit narin ang resignation ni mama pinakiusapan din nya ito na ilihim na lamang ito at wag na ipaalam sa iba yun kasi ang bilin ni mama. At ako pinilit kong wag ipahalata ang aking nararamdaman, pareho pa rin ng dati binati ako ng aking mga kamag aral at kaklase kapag nakakasalubong ko sila pilit na ngiti lang ang aking sinusukli. At gaya pa din ng dati nakita ko sila Josh at Harvey kasama si Neil lumapit ako sa kanila para kausapin ang dalawa kong matalik na kaibigan.

“Hi Josh, Hi Harvey kamusta na kayo pede ba kayo makausap?” nalulungkot kong tanong sa aking mga kaibigan.

“Tara na guys baka ma late pa tayo” pag iwas na tugon ni Josh

At tuluyan na nga nila ako iniwan, gusto kong umiyak sa mga oras na yun kahit isang saglit na yakap lang mula sa aking matatalik na kaibigan alam kong mapapawi ang aking matinding kalungkutan ngunit bigo ako ni pansinin ako ay wala ako nakuha mula sa kanila.

Nilapitan ako ni Fatima at dinala sa ilalim ng isang puno, walang tao sa lugar na yun.

“Jey ayos ka lang ba?” si Fatima

At sa mga katagang yun ni Fatima bumuhos bigla ang aking emosyon.

“Fatima si mama si mama” ang paghagulgol ko sabay yakap kay Fatima habang kinukwento ko ang lahat nang nangyari.

Natulala na lamang si Fatima sa kanyang mga narinig at niyakap ako.

“tahan na Jey magiging maayos din ang lahat wag kang mag aalala ipagdadasal ko mommy mo” ang naiiyak na tugon ni Fatima.

Naging magaan ang aking pakiramdam sa mga oras na yun gawa nang nailabas ko nadin ang pighati kong nararamdaman. Tinanong ako ni Fatima kung nasabi ko na ba ito kay Josh at Harvey sinabi ko na sinubukan ko ngunit hindi man lang nila ako sinubukang pakinggan man lang kaya hayaan na natin.

“pakiusap wag mo na sasabihin sa kanila mukhang masaya na sila ayoko na magbigay pa ng problema” ang pakiusap ko kay Fatima.

“Sige kung yan ang gusto mo igagalang ko ang iyong pasya pero Jey kontrolin mo muna ang iyong emosyon alam mo naman sa lahat ng ayaw ni Josh at Harvey eh yung nakikita kang umiiyak parang dinudurog ang puso nila pag ganun” si Fatima

Tama si Fatima hindi kasi talaga ako umiiyak kahit ganito ako mas madalas mo pa makikita ang aking mga kaklaseng lalaking umiyak kesa sa akin. Isang beses lang ako umiyak at noon lamang First year highschool ako naaalala ko pa nun ang sakit dulot sa damdamin ni Josh at Harvey nung makita nila ako nung mga oras na yun.

Tumayo na kami at dumiretso sa aming mga klase pero bago yun naghilamos muna ako ayaw ko kasi makita ng aking mga kaklase at matatalik na kaibigan ang bakas ng aking pighati.

Lumipas ang mga araw at linggo  natanggap ko na ang kalagayan ni mommy at natanggap ko na din na di na ako mapapatawad ng aking mga matatalik na kaibigan. Naging malungkutin ako sa klase di na ako yung laging nagbibiro at palatawa maging ang aking mga guro ay napapansin iyon.

Kinausap ni Josh at Harvey si Fatima upang kamustahin ako.

“Fatima ano ba yang nangyayari kay Jey bat ba lagi nalang siyang malungkot?” pag aalala ni Josh

“di naman sya dating ganyan may nangyayari ba?” pag aalalang tanong ni Harvey

“ahh eh ewan bat di nyo sya kausapin tanungin nyo siya, sigurado ako namimis na din nya kayo” si Fatima

Lalapitan na sana ako ni Josh at Harvey nang biglang tawagin sila ni Neil.

“Josh, Harvey may emergency meeting daw sa choir pinapatawag kayo ni sir” si Neil

“ahh Fatima maya nalang namin siya kakausapin after ng meeting” si Josh

At dali dali na nga sila pumunta sa meeting ng Choir. Biglang nag ring ang aking cellphone tumatawag si Kuya John sa akin.

Hello kuya?”

“Jey kelangan mo na pumunta dito sa hospital gusto ka makausap ni mama” ang umiiyak na tugon ni Kuya.

Nagpaalam ako sa aming guro at agad agad nagtungo sa Hospital. Pagdating ko doon nasa labas ng kwarto ni mama si Papa at mga kuya ko. Pumasok ako sa loob ng kwarto at nakita kong nakangiti si mama sa akin, tumabi ako kay mama at hinawakan ang kanyang kamay.

“anak alam mo naalala ko pa nung mga bata pa kayo ang hilig mo umawit, yun ang nagpapasaya sa amin ng Daddy mo noon kahit pagod na pagod kami sa trabaho marinig lang namin ang iyong tinig napapawi ang aming pagod.” Si mama

“ma naaalala ko pa yun” ang maluha luha kong tugon sa aking ina

“wag mo itago sa iyong sarili ang iyong tinig at wag ka magtago sa likod ng iyong tinig” si mama

“pag nawala ako gusto ko ikaw ang kumanta sa aking libing ipangako mo yan anak” ang naluluhang sabi ng aking ina.

“ma wag ka magsalita ng ganyan mabubuhay ka pa di mo kami iiwanan marami pa tayong mga pangarap ma” ang humahagulgol kong pakiusap sa aking ina.

“basta anak ipangako mo yan ha” si mama

“opo ma” ang sagot ko habang humahagulgol

Sa mga oras na yun lumabas na ako sa silid ng aking ina upang makausap nya naman si papa. Lumipas ang isang oras at lumabas na din si papa sinabi nya na nagpahinga lang si mama at pinauwi na din nya kami. Umuwi kami nila kuya sa bahay na puno nang kalungkutan.

Kinabukasan sa school pumwesto ako sa pinaka likod ng klase dahil wala din ako ganang makinig sa aming guro, habang nagkaklase ang aming math teacher may kumatok sa aming pintuan, yung principal namin nasa labas ng pinto at kinausap ang aking guro. Habang nag uusap sila halatang halata ang pagkabigla nang aking guro pati narin ang aking mga kaklase kasama si Josh at harvey ay nagtaka sa ikinilos ng aming guro. Nung mga oras na yun ay may kutob na ako sa nangyayari, maya maya pa ay pumasok na sa silid ang aming guro at principal nilapitan ako ng principal at may ibinulong sa akin. Nung mga oras yun parang pinagsakluban ng langit at Lupa ang aking damdamin pero pilit ko kinokontrol ang aking emosyon.

(Paki play po ito bago kayo magpatuloy sa pagbabasa)



“Salamat po sir” sagot ko sa aming principal

“Sir mauuna na po ako” ang nanginginig kong paalam sa aming guro

Habang inaayos ko ang aking mga gamit pilit ko kinokontrol ang aking emosyon, nung mga oras na yun parang gusto kong himatayin sa sakit ng aking nadarama, pinagtitinginan ako ng aking mga kaklase pati narin si Josh at Harvey ay di maipinta ang mukha sa pagtataka. Si Fatima naman ay naluluha na dahil marahil ay alam na nya ang nangyayari.

Papalakad na sana ako nang bigla akong napaupo sa aking silya at natutulala

“Jey napapano ka? Sabihin mo samin pls” si Josh

“ano nangyayari sayo Jey sabihin mo naman samin nagaalala kami sayo” si Harvey

Lalapitan na sana ako ng dalawa kong matalik na kaibigan nang dumating ang aking Kuya Justin, Pinilit ko parin tumayo, nilapitan ako ni kuya at bigla nya akong niyakap sabay sabing.

“Jey andito na si kuya wag mo na kontrolin emosyon ilabas mo na yan umiyak ka nang umiyak andito lang ako” ang maluha luhang si Kuya Justin.

At sa mga oras na yun wala na akong nagawa kundi magpadala sa aking damdamin isinigaw ko ang pangalan ni mama at humagulgol na parang wala nang bukas habang nakayakap kay kuya.

“mama! Mama! Mama kooooo” ang mga katagang aking nailabas habang yakap yakap si kuya

“sige iiyak mo yan ilabas mo lang yan” si kuya

Nasa ganun kaming posisyon nang mag umpisang mag iyakan ang aking mga kaklase, guro at pati narin ang aming principal. Tulala si Josh at Harvey habang patuloy ang pagpatak ng kanilang mga luha. At inalalayan na ako ni kuya papalabas ng aming silid.


Itutuloy....

(Preview for the next part)

“Pano ba yan Jey ano gagawin mo sa burol ng mama mo diba sa stadium ng school gagawin para magbigay respeto na din ang buong eskwela sa kanya? Si Mr. Santos

“Pagod na po ako magtago at magkunwari tutuparin ko ang ipinangako ko kay Mama ako ang kakanta sa burol nya”

No comments :

Post a Comment