Total Pageviews

Wednesday, 1 April 2015

Sa Aking Pagbabalik part 8



Sa Aking Pagbabalik part 8

(Paki Play po)
 

“A-anak” si papa habang namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata

“J-Jey” sambit nila kuya

Ngumiti ako sa kanila, dahan dahang nilapitan ako ni papa at gamit ang kanyang mga kamay ay hinawakan nya ang aking mukha at tiningnan ako. Sila kuya naman ay patuloy lamang sa pagtangis. At dun nga ay nagsalita na si Josh

“tito hindi po siya si Jey, kamukhang kamukha lang po nya” sambit ni Josh

Ngunit tahimik lamang si papa at patuloy na tinitingnan ang aking mukha, makalipas ang ilang minuto ay nagsalita na si Papa

“anong pangalan mo iho?” tanong ni Papa habang hawak hawak parin ang aking mukha

“Ako nga po pala si Anghelo” ngiti kong tugon

“Anghelo? Kamukhang kamukha mo ang kapatid namin” tugon ni Kuya Justin habang naluluha pa rin

“oo kuya Justin kahit kami nabigla nung una namin siyang makita, pero siya talaga si Anghelo” tugon ni Josh

Tumagal ako ng mahigit isang oras sa bahay dahil narin sa dami nilang katanungan, hindi na nga ako nakapag tanong pa tungkol kay Jey sinagot ko na lamang ang kanilang mga katanungan buti nalang ay naikwento ni Itay sa akin nung nasa isla pa kami ang maraming bagay tungkol sa anak nilang si Anghelo kaya hindi naman ako napagdudahan.

“pinag aaral ka pala ng dela Vega foundation” sambit ni Papa

“opo kaya gusto ko narin po kunin itong oportunidad para personal na magpasalamat sa inyo” ngiti kong tugon.

“wag ka magpasalamat iho, ako pa nga ang dapat magpasalamat dahil kahit papaano ay napaligaya mo ako nung makita kita” ngiting tugon ni Papa

“miss na miss na kasi namin yung kapatid namin kaya pasensya ka na kung nakita mo kami sa ganun ayos kanina” sambit ni Kuya John

“ahh ayos lang po yun kahit sino naman po siguro mawalan ng mahal sa buhay ganun din ang magiging reaksyon” ngiti kong tugon

Magtatanong na sana ako tungkol kay Jey nung biglang magyaya nang umuwi si Josh

“tito mauuna na po kami may pasok pa po kasi kami bukas” paalam ni Josh

“ahh sige iho mag iingat kayo” tugon ni Papa

“sige ha salamat sa pagbisita nyo ha” tugon ni Kuya Justin

Nang paalis na kami ay bigla akong tinawag uli ni Papa

“ahh Anghelo” tawag ni Papa

“bakit po?” tugon ko

“sana dalawin mo pa rin kami dito ha” ngiting sambit ni Papa

“ahh sige po, yun lang po pala wag po kayo mag alala lagi po akong bibisita” ngiti kong tugon

“aasahan namin yan ha” tugon ni kuya John

Tuluyan na nga namin nilisan ang tahanan, hindi ko alam pero may kakaibang saya akong naramdaman nung mga oras na yun parang gusto ko na agad bumalik at makasama silang muli.

Samantala sa kinaroroonan nila Papa...

“Pa ang saya saya mo ata?” tanong ni Kuya Justin

“oo nga pa ngayon lang kita nakitang sumaya ng ganyan” dagdag ni Kuya John

“natuwa talaga ako sa batang yun, ewan ko pero iba ang pakiramdam ko nung kasama natin siya” tugon ni Papa

“naramdaman nyo din po pala yun papa” tugon ni Kuya Justin

“basta gusto ko pa siyang makilala” tugon ni Papa habang nakangiti

Samantala habang nasa sasakyan kami ni Josh at papunta sa aking dorm ay nilakasan ko na ang aking loob upang magtanong kay Josh tungkol kay Jey...

“Josh pwede ba magtanong wag mo sana mamasamain ha” nahihiya kong sambit

“oo naman ano ba yun?” tugon ni Josh habang naka ngiti

“pwede mo ba ikwento sa akin yung detalye ng pagkamatay ni Jey?” kabado kong sambit

Nung marinig nya ang gusto kong malaman ay biglang naging seryoso ang kanyang mukha, akala ko nga ay magagalit sya pero ikinwento nya din ang nangyari

“nasa barko kasi kami nung araw na yun nagkaron ng aksidente sa barko, isa isa nya kami iniligtas kaya lang nung sasakay na dapat siya sa rescue boat ay nakakita siya ng bata at iniligtas muna nya ito, aakyat na dapat sya sa rescue boat kaso hindi na pumayag ang mga rescuer na sumakay pa ang dalawa kaya nagpaiwan na lamang sya at pinauna nya yung bata” kwento ni Josh

Nung mga oras na yun medyo nag iiba na ang tono ni Josh sa pagsasalita nakita ko ring tumulo ang luha nya sa kanang mata habang nagmamaneho siya.

“sabi nya balikan na lang daw namin sya at magpapaiwan na lamang sya doon pero nung paalis na kami may isang malaking nasusunog na bagay ang bumagsak sa kanya, kinabukasan nakita na lang namin ang kanyang labi” patuloy ni Josh habang lumuluha

“nakita nyo ang labi nya?” tanong ko

“oo saka suot din nya yung bracelet na bigay sa amin ni Harvey, nakaukit doon ang pangalan naming tatlo hinding hindi kasi tinatanggal ni Jey yun nagagalit kasi si Harvey pag inaalis nya yun” tugon ni Josh

Nalungkot ako sa aking mga narinig hindi lang dahil sa awa sa sinapit ng kanilang matalik na kaibigan dahil ngayon ay sigurado na akong hindi nga ako si Jey, may bracelet ako ngunit walang nakaukit na pangalan doon.

Pagdating namin sa dorm ay inabutan ko sila Marie at Dindo na naghihintay sa akin.

“oi Jey ano ka ba alalang alala na kami sayo ahh bat ngayon ka lang?” tanong ni Dindo

“ahh pasensya na kayo ha kasama ko kasi si Josh” tugon ko

Bigla namang nanlaki mata ni Marie nang makita nya si Josh

“guys sige ha mauna nako hinatid ko lang naman itong si Anghelo eh” paalam ni Josh habang nakangiti

“ahh Josh sige ha salamat uli ha” paalam ko

Nang makaalis na si Josh ay agad ako linapitan ni Marie

“hoy Anghelo ikaw ha inuunahan mo pa ako” pang aasar ni marie

“sira ka talaga, ang bait nga nya eh nilibre pa ako ng dinner” tugon ko

“waaaaaaaaa sana hindi muna kita iniwan para nakasama ako” asar na tugon ni Marie

“eh ikaw eh san san ka kasi nagpupupunta” biro ko

Samantala sa penthouse nila Josh at Harvey habang nanonood ng TV sa sala si Harvey ay dumating si Josh

“o tol ginabi ka yata” tanong ni Harvey

“ahh kasama ko si Anghelo nag dinner pinuntahan din namin yung pamilya ni Jey pinakilala ko siya” tugon ni Josh

Bigla namang nagbago ang itsura ni Harvey sa kanyang mga narinig

“alam mong hindi siya si Jey bat mo ba siya pinag aaksayahan ng panahon” inis na tanong ni Harvey

“wala gusto ko lang siya makilala ng lubusan saka tama naman si Fatima wala namang masama kung makikipag kaibigan tayo sa kanya” tugon ni Josh

“pero hindi siya ang best friend natin matagal nang patay ang kaibigan natin, bakit pinagpapalit mo na ba si Jey?” galit na tanong ni Harvey

“wala akong sinabing pinagpapalit ko na si Jey alam na alam mong kailan man hindi ko magagawang ipagpalit si Jey, saka bakit ka ba nagkakaganyan masyado ka yatang concern kay Jey ngayon, eh ni ayaw mo nga dalawin puntod ng kaibigan natin tapos ngayon parang nagpapakita ka kunwari ng malasakit kay Jey” galit na tugon ni Josh

“wag mo akong masumbat sumabatan Josh marami kang hindi alam” galit na tugon ni Harvey

“yun na nga eh marami na akong hindi alam sayo, magmula nung mamatay si Jey nagkaganyan ka na, pero tol sana ma realize mo na hindi lang isa ang best friend mo, dalawa ang best friend mo kaya sana wag mo akong ituring na bale wala lang” galit na tugon ni Josh

At dun nga ay umalis na si Josh para pumasok sa kanyang silid

“Josh san ka pupunta, mag usap tayo” si Harvey habang pinipigilan si Josh

Ngunit ay di na lumabas ng kanyang silid si Josh, kinabukasan pinuntahan sila sa penthouse ng mga kaibigan nila habang kumakain ng almusal ang dalawa ay di man lang sila nagkikibuan.

“o napapano kayong dalawa” tanong ni Fatima

Ngunit tumayo na lamang si Josh at lumabas na

“Harvey what happened?” tanong ni Kate

“wala nagkaron lang kami ng pagtatalo kagabi” tugon ni Harvey

“bihira ko kayong makitang magkaganyan sigurado ako malaking bagay yan” tugon ni Fatima

“kasama nya kasi magdinner kagabi si Anghelo at sinama pa nya sa bahay ni Jey para ipakilala kila tito medyo nagkaron kami ng pagtatalo tungkol doon” tugon ni Harvey

“o yun lang naman pala eh wala naman nga masama dun” tugon ni Fatima

“ang kapal talaga ng Anghelo na yun dahil sa kanya nagaaway kayo ni Josh” galit na tugon ni Elton

“dapat sa mga taong ganun alam nya kung saan siya lulugar” si Grace habang naiinis din

“relax lang kayo wala naman kasalanan si Anghelo so wag nyo siya sisihin yung nangyari kagabi is between me and Josh labas si Anghelo dun” tugon ni Harvey

“kahit na kabago bago palang nya dito sa school nagiging problema na agad siya” galit na tugon ni Elton

“wala nga kasalanan si Anghelo noh ang tigas ng ulo mo” inis na sambit ni Fatima

“mukha naman talagang mabait si Anghelo kaya wala naman sigurong masama kung maging magkaibigan sila” tugon ni Luke

“pwede ba Luke tumahimik ka nalang” si Grace

Dumating ang oras ng pasukan at mukhang malelate nanaman yata ako

“naku ano ba yan late nanaman yata ako” mahina kong sambit habang tumatakbo

Biglang may tumawag sa akin

“Anghelo!” sigaw ni Elton

“ikaw pala Elton teka bakit wala ka pa sa classroom male late na tayo ahh” tugon ko

“ikaw talaga ang sadya ko” serysong sambit ni Elton

“ako? Bakit naman” pagtataka ko

“alam mo bang nag away dalawa kong matalik na kaibigan dahil sayo” sambit ni Elton

“ha? Bakit ako?” pagtataka ko

“wag ka nang mag maang maangan imbis na umiwas ka na kay Josh eh ikaw pa lumalapit alam mong ayaw sayo ni Harvey kaya nag away sila ni Josh kaya pwede ba layuan mo na mga kaibigan ko” galit na sambit ni Elton

“ayaw sa akin ni Harvey? bakit naman wala naman akong ginagawang masama eh” tanong ko

“basta matuto kang lumugar and pwede ba layuan mo na ang grupo namin” tugon ni Elton

“sige kung yan ang gusto mo” malungkot kong tugon

“mabuti na ang maliwanag” tugon ni Elton

Halos magkasabay kaming pumasok ng classroom ni Elton

“ahh sir sori po ulit na late nanaman ako” hiya kong paghingi ng paumanhin

“it’s ok pero sana last na yan by the way nahuli kayong dalawa sa groupings yung grupo nalang ni Josh at Felix ang mga kulang pa ang members” sambit ng instructor

“Josh and Felix mamili na kayo kay Anghelo at Elton ng magiging last member nyo” utos ng aming Instructor

Alam ko na si Elton ang mapupunta kila Josh at ako ang kay Felix sa katunayan nga nyan ay papaunta na si Elton sa grupo nila Josh ng biglang magsalita si Josh.

“Sir si Anghelo na lang po sa grupo namin” sambit ni Josh

Nakita ko ang pagkapahiya ni Elton sa sinabi ni Josh kaya kusa na akong umayaw

“ahh Josh hindi na salamat nalang si Elton nalang diyan sa kabila nalang ako” ngiti kong tugon

“dito ka na kasama naman ni Elton sa kabila sila Grace at Kate kaya di siya malulungkot dun” tugon ni Josh

Pagtingin ko nga sa grupo ni Felix ay matalim ang tingin ni Grace at Kate sa akin

“ngeee kakatakot naman makatingin ang mga ito” sambit ko sa aking sarili

Kaya pumayag na din ako na sa grupo ako nila Josh sumali, kabilang sa grupo si Josh, Harvey, Fatima, Marie at tatlo pang mga dati kong kaklase na sila Robert, Ben at Ricky

“Hindi ba talaga nakakahiya? Baka magalit nanaman sa akin si Elton eh” sambit ko

“bakit inaway ka ba kanina ni Elton?” tanong ni Josh

“ahh hindi naman sinabi lang nya na nag away daw kayo ni Harvey dahil sa akin” tugon ko

“wag mo na isipin yun wala ka namang kasalanan dun” malamig na tugon ni Harvey

Samantala sa kinaroroonan nila Grace, Kate at Elton

“bwisit talaga yang Anghelo na yan masyadong mapapel” galit na sambit ni Elton

“kaya nga ginagamit nya pagiging magkamukha nila ni Jey para lang mapalapit sa grupo nila Josh” tugon ni Kate

“don’t worry guys hindi din magtatagal yan, tayo pa kakalabanin nya” si Grace habang matalim ang tingin sa akin

Habang gumagawa kami ng project ay halatang kinikilig si Marie

“uy Marie ano ka ba nakakahiya ka masyado ka nang nahahalata” bulong ko

“kinikilig parin kasi ako di ko akalain na bigla nya akong pipiliin kanina” tugon ni Marie habang kinikilig

“huy ano pinaguusapan nyong dalawa diyan” natatawang tanong ni Fatima

“wala ang cute lang ni Josh at harvey” tugon ni Marie habang nakangiti

“hay naku yung dalawa pang yan eh halos lahat yata ng babae dito sa eskwelahan pinagpapanstasyahan mga yan” natatawang tugon ni Fatima

“ahh fatima pwede ba magtanong?” wika ko

“oo naman ano ba yun?” tugon ni Fatima

“diba ka close mo si Jey? Bakit parang galit yata si Harvey kay Jey” tanong ko

“ahh yun ba? eh kasi matalik na magkakaibigan yang tatlo bago mamatay si Jey nagkaron ng di pagkakaintindihan si Jey saka Harvey kaya nung mamatay si Jey hindi mapatawad ni Harvey sarili nya hindi man lang kasi siya nakapag paalam at nakahingi ng tawad kay Jey bago ito mamatay kaya wag ka na magtaka kung bakit ganyan siya pagdating kay Jey saka sayo wag ka mag alala mabait yan” kwento ni Fatima

“nakakalungkot naman pala” tugon ko

Natapos ang araw at naging maayos naman ito pwera lang ang mga matatalim na tingin ni Grace, Kate at Elton sa akin.

“Guys bukas pala sa bahay tayo gagawa ng project ha, kita kita nalang tayo dun” wika ni Josh

“teka di ko yata alam papunta kila Josh” sambit ko

“wag ka mag alala sabay ka nalang sa akin pagkagaling natin ng school” tugon ni fatima

“sabay na din ako hehe” wika naman ni Marie

Samantala sa penthouse ni Josh at Harvey..

“ano tol hanggang kailan mo ba ako iiwasan?” si Harvey

“pwede ba tol wala ako sa mood” tugon ni Josh

“patatagalin pa ba natin ito? Josh ano ba” si Harvey

Ngunit hindi siya pinansin ni Josh at tuluyan na itong pumasok sa kanyang kwarto

Kinabukasan pagkatapos ng klase ay gaya ng napagkasunduan ay sumabay na kami ni Marie kay Fatima nagpaalam na kami kay Dindo dahil sa ibang grupo din sya napunta, habang nasa sasakyan kami ni Fatima.

“ahh Fatima talagang ayos lang ba na pumunta kami sa bahay nila Josh at Harvey? kasi baka ayaw ni Harvey eh” pagaalala kong tanong

“hindi wag mo alalahanin yun saka andun naman si Josh eh” tugon ni Fatima

Pagdating namin sa penthouse nila Josh at Harvey ay dinatnan na namin sila Josh, Robert, Ben at Ricky na nag aayos ng project ngunit hindi namin nakita si Harvey.

“o andyan na pala kayo” ngiting bati ni Josh

Tumulong na kami sa pag aayos ng project, naging maayos naman ang lahat andami kong nalaman tungkol kay Jey na magagandang bagay dahil kabilaan ay walang tigil sa pagkukwento sila Ben, Robert at Ricky si Josh at fatima naman ay natatawa na lamang pag naaalala yung pinag gagawa ni Jey.

“oo nga pala Anghelo pakikuha naman yung gunting, nasa kwarto ni Harvey nakapatong lang sa lamesa” pakiusap ni Josh

“ha ahh eh baka magalit yun eh” tugon ko

“wag ka mag alala wala naman siya eh” si fatima habang nakangiti

Wala na din akong nagawa kundi pumasok sa kwarto ni Harvey, habang nasa loob ako ng kanyang silid ay namangha ako sa aking mga nakita ang gaganda ng mga gamit nya halatang mga mamahalin. Hinanap ko ang gunting at nakita ko naman ito kaagad ngunit yung malapit sa gunting ang kumuha ng aking atensyon. Isang larawan na naka frame, kitang kita dito ang tatlong magkakaibigan na nagbibiruan nasa gitna ni Jey si Josh at Harvey habang hinahalikan kunwari siya ng dalawa sa kanyang magkabilang pisngi, nakakatuwa silang tignan. Kinuha ko ang larawan at pinagmasdan.

“kamukhang kamukha ko nga pala talaga si Jey sayang namatay siya agad” sambit ko sa aking sarili

Samantala sa kinaroroonan nila Josh habang masaya silang nagkukwentuhan ay bigla namang dumating si Harvey

“hi guys sorry late ako may inayos pa kasi ako eh” paliwanag ni Harvey

“naku patay Josh andyan na si Harvey” kabadong sambit ni Fatima

“naku kawawa naman kaibigan ko” dagdag ni Marie

“relax lang guys ako na bahala” tugon ni Josh

Magsasalita na sana si Josh ng biglang magsalita si Harvey

“teka lang lagay ko lang sa kwarto ito” si Harvey habang nagmamadali pumasok sa kanyang kwarto

Hindi na siya nagawang pigilan pa nila Josh sa sobrang pagmamadali nya, pagpasok nya sa kwarto ay dinatnan nya ako na hawak hawak ang larawan.

“ano ginagawa mo dito?” galit na tanong ni Harvey

“ahh pasensya ka na kinuha ko lang yung gunting, nakita ko lang itong larawan kaya tiningnan ko lang” nahihiya kong tugon

“sa lahat ng ayaw ko yung nakikialam ng gamit ko at pumapasok sa kwarto ko ng walang paalam” galit na sambit ni Harvey

At dun nga ay dumating na sila Josh, Fatima at iba pa naming mga kaklase

“wag siya ang sisihin mo ako ang nagsabi sa kanya na kunin sa kwarto mo ang gunting” galit na sambit ni Josh

“alam mo Josh na sa lahat ng ayaw ko ang pinakikialamanan ang gamit ko” tugon ni Harvey

“eh kung makapag react ka naman para namang ninanakawan ka ng tao” galit na sambit ni Fatima

“wag ka ganyan Harvey para namang walang damdamin si Anghelo wag mo naman siya ipahiya” galit na sambit ni Ben

“sige pagtulungan nyo ako magsama sama kayo ako naman ang laging masama eh” tugon ni Harvey

Hiyang hiya ako nung mga oras na yun parang gusto ko nang matunaw nung mga panahong iyon kaya nagpaalam na lamang ako at lumisan.

“wag na kayo mag away away dahil lang sa akin aalis na lang ako, magpapapalit na din ako ng group kausapin ko nalang si sir” paalam ko

“ahh Harvey pasensya ka na ulit di ko talaga sinasadya sana wag ka na magalit sa kanila kahit sa akin ka nalang magalit ayoko naman masira pagkakaibigan nyo dahil lang sa akin” sambit ko habang papatakbo ako papalabas ng penthouse papasok sa elevator.

Sinubukan ako pigilan nila Josh, Fatima at iba pa naming mga kaklase ngunit huli na at nakalabas na ako ng penthouse, bigla namang nagsalita si Marie

“hoy para sabihin ko sayo kahit mahirap lang kami ni Anghelo marangal kami, akala ko pa naman iba ka sa mga karamihan ng mga gwapo at mayaman wala ka din palang pinagkaiba sa kanila sobra ka kung makapag salita” galit na sumbat ni Marie habang papunta na din sya sa elevator

Hindi naka imik at nakaramdam ng hiya sa mga sinabi ni Marie si Harvey

“alam mo tol hindi ko alam kung ano gagawin ko sayo hindi na talaga kita kilala” sambit ni Josh habang papaalis upang habulin ako

“oo nga tama si Josh, Harvey sino ka na nga ba ngayon? Ano na ang nangyari sa dating Harvey na nakilala namin” si Fatima habang papaalis na din upang hanapin ako

Tahimik lamang si Harvey at tila nagsisisi sa kanyang mga nasabi. Samantala malakas ang ulan nung mga panahong iyon subalit hindi ako napigilan nito kaya nagpatuloy lamang ako sa paglalakad. Hindi ko na pinansin ang lamig na aking nararamdaman patuloy lamang ako sa paglalakad sa kawalan ni sumilong ay di ko na naisip sa sobrang kalungkutan ko.

Nakalabas na ng penthouse sila Josh, Fatima at iba pa naming kaklase upang hanapin ako kaya agad nila tinanong ang guard.

“guard nakita nyo ba yung kasama namin?” tanong ni Josh

“ay opo sir bigla nalang po sumuong sa ulan hindi man lang nagpayong” tugon ng guard

“ha? Ang lakas pa naman ng ulan” pag aalala ni Fatima

“Fatima kukunin ko lang yung susi ng kotse hahanapin ko siya” pagmamadali ni Josh

“o sige Josh mauuna nako kukunin ko lang yung kotse ko tutulong nako sa paghahanap” tugon ni fatima

“ahh Fatima sasama nako sayo para makatulong ako” wika ni Marie

Umalis na nga silang lahat pati sila Ben, Robert at Ricky ay tumulong na din sa paghahanap. Samantala pagbaba ni Harvey ay nakausap nya ang guard

“Sir hinahanap nyo din po ba yung kaibigan nyo?” tanong ng guard

“sino?” tanong ni Harvey

“yun pong Anghelo yung lumusong kanina sa ulan na walang payong” tugon ng Guard

“ha? Lumusong siya sa ulan?” pag aalalang tanong ni Harvey

“opo sir nakakaawa nga po eh malamang basang basa na ngayon yun” tugon ng guard

Agad agad nagmadali si Harvey para kunin ang susi ng kanyang sasakyan para hanapin ako

Samantala sa aking kinaroroonan habang basang basa ako at giniginaw naisipan kong umupo sa ilalim ng isang puno labis ang ginaw ko nung mga oras na yun halos nanginginig na ang aking buong katawan sa sobrang lamig.

Habang nakakaramdam na ako ng panghihina ay biglang may tumigil na sasakyan malapit sa akin at bumaba ang nagmamaneho nito ngunit di ko na ito pinansin sa halip ay patuloy lamang ako nakatingin sa baba at pinipigilan ang sobrang lamig na aking nadarama

(Paki play po)



Pinayungan nya ako at nagsalita

“kapareho mo nga talaga si Jey pareho kayong pasaway”

Napatingala ako at tiningnan yung tao

“I-ikaw” nanginginig kong sambit

Itutuloy...


Author’s note:

O sa mga avid readers diyan familiar yung last scene diba?  so may idea na kayo kung sino siya :)
Alam ko hinihintay nyo ang pagbabalik ng alaala ni Jey don’t worry malapit na hehe :)

Dun naman po sa nagsasabi na isa lang talaga yung nagcocomment wala po ako alam diyan basta malinis po konsensya ko :) alam ko namang alam mo kung gaano kahirap gumawa ng story kaya kung gagawin ko yung ibinibintang mo sa akin parang niloloko ko lang ang sarili ko nun, hindi naman po siguro ako magpapakapagod gumawa ng story para lang lokohin ang sarili ko :)

Don’t worry po malapit na din naman matapos yung story ko so I’ll be out of your way soon :) so chill out :)

No comments :

Post a Comment