Sa aking paglisan part 7
Sobrang kalungkutan ang aking
nararamdaman nung mga oras na yun gustong sumabog ng aking dibdib at ilabas ang
aking mga luha ngunit pinilit kong maging matatag, ipinangako ko kila papa na
di ako iiyak at gusto kong tuparin yun, marahil ay nadala na din sa emosyon ng
aking awit ang mga nakikiramay dahil sa mga oras na yun pawang mga hinagpis at
mga luha nalang ang aking mga nakikita. Natapos ko ang kanta at nakahinga nang
maluwag. Kita ko sa mga mata nang aking mga kaklase, guro at kamag aral ang
pagkabigla sa kanilang nasaksihan, bumaba ako mula sa entablado at nagtungo sa
kanilang kinaroroonan.
“i ikaw si heaven?” ang nauutal na
tanong ni Greg isa sa aking mga kaklase
“kaya pala napakagaan nang aking
damdamin tuwing naririnig ko ang iyong tinig” ang aking adviser
“Jey ikaw nga ikaw nga” sabay iyak ni
beth ang isa sa aking mga kaklase
“idol! Ikaw ha may patago tago ka pa
sa amin” si Kevin isa sa aking kamag aral
“tingnan mo nga naman buong akala
namin si Neil si Heaven” si Tom isa sa aking mga kaklase
“ikaw Jey ha ang galing mo mag
sikreto, pero napabilib mo talaga kami” si Fatima
“naiiyak pa naman lagi ako pag
kumakanta mokong na Neil na yun di naman pala siya talaga yung kumakanta hay
nako buti nalang Jey ikaw talaga yun at least pede nako humagulgol ngayon” si
Joanna isa sa aking mga kamag aral habang natatawa.
“hindi ba kayo galit sa akin?
Nagsinungaling ako sa inyo” ang pag aalala kong tanong sa aking mga kaklase,
guro at kamag aral.
“hindi kalimutan mo na yun
naiintindihan ka naman namin” si Troy isa sa aking mga kaklase
“walang hiyang Neil na yun ang kapal
talaga ng mukha at talagang pinanindigan pa nya kasinungalingan nya para lang
sumikat sa campus” galit na sambit ni Tom
“oo nga puro paninira pa kay Jey mga
sinasabi nya” si beth
“naku kahit kaklase ko yun kukutusin
ko talaga yun” si Joanna
“no wonder iniiwasan ka nila josh at
harvey” galit na wika ni Fatima
“hayaan nyo na may kasalanan din naman
ako nagpagamit ako at ginamit ko din siya sana mapatawad nyo ako” ang malungkot
kong tugon
Nilapitan ako ng aking mga kaklase at
kamag aral kasama si Fatima ay niyakap nila ako, parang nabawasan ang tinik sa
aking puso sa mga oras na yun, ngayon alam ko na may mga kaibigan parin ako na
nagmamahal parin sa akin. Dinako ko ang aking tingin sa pinaroroonan nila Josh,
Harvey at Neil at kitang kita ko parin sa kanilang mga mata ang pagkabigla sa
kanilang nasaksihan.Nilapitan ko sila upang magpaliwanag ngunit masyado silang
nasaktan sa aking ginawa.
“Harvey, Josh di ko alam kung paano ko
uumpisahan ito alam ko nagkamali ako maiintindihan ko kung di nyo na ako
mapapatawad”
“paano mo nagawa sa amin ito ganun
nalang ba ang galit mo sa amin na pati kaming mga best friend mo niloko mo?”
ang naiiyak na tugon ni Josh
Tumingin ako kay Harvey at umiling
lamang ito.
“Nandito kami para kay tita Rose let’s
just leave it that way” ang matigas na sambit ni Josh
“Ahh sige naiintindihan ko sana
dumating ang araw na mapatawad nyo din ako kahit di nyo na ako ituring na
kaibigan basta sana lang mapatawad nyo ako” ang nalulungkot kong tugon kila
Josh at Harvey.
Paalis na sana si Harvey nang
sinubukan siya sundan ni Neil.
“Harvey sandali sasama ako” si Neil
“Look! Stay the hell away from me!”
ang nangagalaiting tugon ni Harvey habang hawak hawak ng kanyang dalawang kamay
ang kwelyo ni Neil
Susuntukin na sana niya si Neil nang
pigilan siya ng aking mga kaklase at
kamag aral at tuluyan na nga nya nilisan ang lugar.
Sinubukan naman lapitan ni Neil si
Josh at magpaliwanag.
“Josh let me explain” pagmamakaawa ni
Neil
“explain what? How you lied to us? How
you made us a fool? Galit na tugon ni Josh
“si Jey din naman nagsinungaling saka
siya naman lahat ang punot dulo ng lahat ng ito eh” bintang ni Neil.
“hoy ang kapal mo at least si Jey
humingi ng tawad eh ikaw? Wala ka nang ginawa kundi manisi ng ibang tao” si
Fatima
“Pareho lang naman kayo ni Jey magsama
kayo!” si Josh
“ pero Josh nagawa ko lang naman yun
para mapalapit ako sa inyo ni Harvey” si Neil
Lalapit na sana muli si Neil kay Josh
nang bigla siyang itulak ni Josh
“I said back off!!” galit na sambit ni
Josh
“Tama na nga yan tandaan nyo ang oras
na ito ay para kay tita Rose sana igalang nyo naman” si Tom
Yumuko na lamang ako at tuluyang nang nilisan ang lugar para puntahan sila
papa at kuya.
“Jey ayos ka lang ba?” ang nagaalalang
tanong ni Kuya John
“oo kuya ayos lang ako” ngiti kong
tugon na may halong kalungkutan.
“Puntahan mo na si mama magpaalam ka
na” si Kuya Justin
Umiling lamang ako at yumuko
“Anak kailangan mo na magpaalam sa
mama mo” si Papa
Napapayag din ako nila papa at kuya
kahit mabigat sa aking kalooban ay kailangan kong gawin yun. Umakyat ako sa
taas at sinimulan ko na magsalita para kay mama.
“Salamat po sa lahat nang nakiramay
alam nyo po mahal na mahal ni mommy hetong school alam naman po siguro halos
lahat ng guro dito na medyo may pagka pasaway ako at si mommy ang laging
napaperwisyo” ang natatawa kong sinabi.
Natawa ang mga guro at kaklase ko sa
aking mga nasabi.
“Naaalala ko pa ang sabi sa akin ni
mommy “anak hindi ako laging andyan para bantayan ka kaya sana piliin mo ang
matuwid na landas” ang malungkot kong kwento
“Dito sa school ka makakatagpo ng mga
taong magmamalasakit at magmamahal sayo, anak ingatan mo sila, wag mo sisirain
ang kanilang tiwala iwasan mo ang maging makasarili at huwag kang makakalimot
na magdasal sa diyos” at napatingin ako kila Josh na halatang pinipigilan ang
emosyon.
Sa mga oras na yun ay biglang bumuhos
ang aking emosyon
(Paki play po)
“Pa, alam ko nangako ako sa inyo na
hinding hindi nako iiyak pero papa, sana
payagan nyo na ako kahit ngayon lang, pls po nakikiusap ako nagmamakaawa po ako papa
pangako di na ulit magiging matigas ulo ko susundin ko na kayo lagi magpapaalam
na po ako pag malelate ako di na po ako magiging pasaway” ang naiiyak kong
pakiusap kay papa.
Isasara na sana ang kabaong nang
tumakbo ako patungo sa kinaroronan ni mama
Mama wag moko iwan mahal na mahal kita
mama! Ayaw ko pa magpaalam mama wag moko iiwan mama kooooo gumising ka mama wag
moko iwanang nag iisa! Mama I love you mama” at bigla ako napaupo sa sahig
Dali daling tumakbo papunta sakin sila
Papa at kuya para alalayan ako. Itinayo ako ni papa at niyakap ng mahigpit.
“ssshh tahan na Jey magiging ayos din
ang lahat babantayan ka lagi ng mama mo” umiiyak na sabi ni papa
Hinawakan naman ni Kuya Justin ang
aking mukha
“Jey tumingin ka sa akin andito pa
kami nila Papa di ka namin pababayaan mahal na mahal ka namin naiintindihan mo?”
at niyakap ako ni kuya Justin
Lumapit naman ako kay kuya John at
niyakap din siya nang mahigpit
“tahan na Jey malulungkot si mama pag
nakikita ka niyang ganyan gusto mo bang malungkot siya?” habang umiiyak si kuya
John
Nag umpisang marinig ang matinding
dalamhati ng mga nakikiramay sa mga oras na yun, nag iiyakan na din ang aking
mga kaklase at guro. Si Harvey ay nasa isang sulok kita sa kanyang mukha ang
matinding sakit na nararamdaman. Kahit anong pilit niyang tago sa kanyang
nararamdaman ang kanyang mga luha ang nanaig.
Si Fatima ay hindi matigil sa pag iyak
sa labis na kalungkutan. Nilapitan niya si Josh at sinabing
“Josh hindi mo man lang ba pupuntahan
si Jey!? Alam mo ba ngayon ka niya higit na kailangan hahayaan mo nalang ba
siyang nagdurusa?” Ang naiiyak na pakiusap ni Fatima
“Sa palagay mo ba hindi ko alam yun?
Sa palagay mo ba hindi nagdurugo ang puso ko ngayon? Kung nasasaktan ka higit
ang sakit na aking nararamdaman” sumbat ni Josh kay Fatima habang umiiyak.
(Paki stop na po yung Music)
At sa mga oras na yun dinala na ang
aking ina upang ihatid sa kanyang huling hantungan.
Puno nang pighati at kalungkutan ang
naging libing nang aking ina na dinaluhan ng kanyang mga kaibigan at mahal sa
buhay.
“Jey magpakatatag ka malalampasin mo
din ito” ang aking adviser
“salamat po” ngiti ko sa aking adviser
“basta kung kailangan mo kami andito
lang kami para sayo” si Tom
Ngiti ang aking sinukli
“Jey gusto mo ba samahan ka namin?” si
Fatima
“huwag na salamat nalang gusto ko din
mapag isa siya nga pala nasan si Josh at Harvey?” ang tanong ko kay Fatima at
sa aking mga kaklase
“ahh eh nakasunod lang sila kanina eh”
si beth
“wag ka mag alala Jey maayos din
lahat” ngiti ni Fatima sabay yakap sa akin
“hindi ayos lang di nako mabibigla
kung kamuhian nila ako kasalanan ko din naman eh” ngiti kong tugon kay Fatima
“Pero sana mapatawad din nila ako balang
araw noh”
“mahal na mahal ka naman ng dalawang
yun kaya alam kong darating din ang panahon patatawarin ka din nila” si Fatima
Nag umpisa nang mag alisan ang mga
nakiramay pati na din ang aking mga guro at mga kaklase.
“alis na kami condolence uli” si Greg
“talaga bang ayos ka lang ayaw mong
samahan ka namin?” si Tom
“Hindi na ayos lang ako salamat uli”
ngiti ko
Kami nang aking pamilya nalang ang
natira sa puntod ng aking ina.
“Jey tara na anak mag gagabi na
kailangan mo na din magpahinga” si Papa
“oo nga Jey baka kung mapano ka pa
niyan” si kuya John
“Pa, John hayaan na muna natin si Jey
mapag isa” si Kuya Justin
At tuluyan na nga nila ako iniwan para
mapag isa, umupo ako sa harap ng puntod ng aking ina at sinimulan siyang
kausapin.
“ma ano kaya itsura ng langit? Sana maging
masaya ka diyan wag mo kalimutan ikamusta mo ako kila Lolo at Lola pakisabi na
din kay Lola sorry nabasag ko yung paborito niyang vase si yaya tuloy
napagbintangan hehe.”
“ma I love you mamimis kita kahit lagi
kang busy nagagawa mo parin kaming tignan bago ka matulog” ang naiiyak kong mga
nasabi sa harap ng puntod ng aking ina.
Sa mga oras na yun nagdilim ang
kapaligiran parang nakikipag luksa ang mga anghel sa langit, bumuhos ang ulan
ngunit hindi man lang ako natinag sa aking kinalalagyan patuloy pa din ako sa
pagkausap sa aking ina kahit damang dama ko ang lamig nang ulan ay tiniis ko
lamang ito.
“ma alam nyo galit po sa akin si Josh
at Harvey, opo ma as usual ako may kasalanan hehe, alam nyo naman diba pag
nagkakaron kaming tatlo nang di pagkakaintindihan ako lagi punot dulo ang tigas
tigas po kasi ng ulo ko yan din diba dahilan kaya lagi niyo ako napapagalitan dati,
ang lakas talaga sa inyo nung dalawang yun hehe di ko naman kayo masisisi kasi
ang bait nga naman nila sa akin pero huli na po ang lahat ma mukhang di na
talaga nila ako mapapatawad eh” ang malungkot kong nasabi sa harap ng puntod
nang akin ina
Biglang tumigil ang patak ng ulan sa
aking katawan nagtaka ako dahil hindi pa naman tumitila ang ulan, napatingin
ako sa aking likuran at iniangat ko ang aking ulo, nakita ko ang isang lalaki
na may dalang payong ang nagbibigay silong sa akin.
(Paki play po)
“Harvey?” tulala kong nasabi
“a ano ginagawa mo dito?” ang na uutal
kong tanong
“ikaw talaga Jey kahit kailan talaga
pasaway ka nakita mo na ngang umuulan di ka man lang sumilong” si Harvey
“di ka na ba galit sa akin?” nahihiya
kong tanong
“tumayo ka na nga diyan baka
magkasakit ka pa” pag aalalang tugon ni Harvey
Tumayo na ako at humarap sa kanya
sabay pikit nang aking mga mata at sinabing
“s-sige suntukin mo ako ok lang sa
akin maiintindihan kita basta wag lang masyadong malakas ha baka wala na kasing
matira para sa suntok ni Josh” ang nauutal kong nasabi habang nakapikit.
“Halika nga rito” hinila ako ni Harvey
at niyakap nang mahigpit
“sa palagay mo ba matitiis kita? Eh
best friend kita alam mo namang kahit may pagka pasaway ka mahal na mahal kita” habang yakap yakap ako ni
Harvey
“sorry talaga sa mga nagawa ko
patawarin nyo ako” humahagulgol kong paghingi ng tawad habang nakayakap kay
Harvey
“ssshh tahan na wala na yun kalimutan
mo na yun” at hinalikan niya ako sa ulo
“Pano si Josh mapapatawad pa kaya niya
ako?” umiiyak kong tanong kay Harvey habang nakayakap sa kanya
“wag ka mag alala lalambot din ang
puso nun alam ko yun”
“sana nga” tugon ko
“tsk tsk basang basa ka tuloy baka
magkasakit ka pa niyan, tigas talaga ng ulo mo, tara na nga umuwi na tayo” si
Harvey
Inakbayan ako ni Harvey at tuluyan na
nga namin nilisan ang himlayan nang aking ina.
Itutuloy...
No comments :
Post a Comment