Sa Aking
Pagbabalik part 3
Matapos ang
ilang buwan ay dumating ang araw ng pasukan, ihinatid pa nga ako ni inay at
itay sa eskwelahan para makasigurado sila na walang magiging problema.
“Nay, Tay
ayos na po ako saka nakakahiya po oh pinagtitinginan ako ng mga estudyante”
natatawa kong sambit
“sus hayaan
mo nga sila anak, gusto lang namin makasigurado na walang magiging problema” si
Nay Linda habang inaayos ang aking uniporme
“o siya dalian
nyo na diyan at papalaot pa ako maganda ang panahon ngayon, baka makahuli pa
ako ng maraming isda” sambit ni Itay
“sige po
itay mag iingat po kayo” paalam ko
At iniwan
na nga ako ni Inay at Itay, tinungo ko ang aking magiging silid aralan pagpasok
ko ay dinatnan ko ang dalawa sa aking magiging kaklase na sina Dindo at Marie
Si Dindo galing
sa aming isla katamtaman ang taas medyo maitim gawa na din na laking bukid, ang
itsura ay probinsyanong probinsyano, naku may pagka dikitin sa mga sosyal ang
mokong na toh ultimong madikitan lang ng mga kamag aral naming medyo nakaka
angat sa buhay ay di na ito mapakali at kung ano anong kwento ang nililikha
para lang hindi magpatalo pero napakabait nya.
Si Marie ay
galing din sa aming isla medyo maitim din hindi kagandahan at lahat yata ng
tingin nya sa mga taong galing sa maynila ay artista, halos hindi nga mapakali
yung mga estudyanteng nanggaling sa maynila kasi kung matitigan nya ay parang
huhubaran na nya. Pero napakabait nitong si Marie bukod kasi sa kalog na ay
maasahan mo talaga.
Sila ang
aking mga bagong magiging kaibigan sa pampublikong eskwelahan na aking
pinapasukan.
“Hi” bati
ko sa dalawa
“uy
classmate ikaw pala anong pangalan mo? Ako nga pala si Dindo” pakilala ni Dindo
sabay abot ng kanyang kamay
“ahh ako
nga pala si Anghelo” ngiti ko habang inaabot ang aking kamay
Nagpakilala
din si Marie sa akin.
“ako nga
pala si Marie, Maria na lang for short” pakilala ni Marie
Medyo
napabulong ako sa aking sarili
“Maria for
short eh magkasing haba lang yun eh” bulong ko sa aking sarili
“ano may
sinasabi ka?” tanong ni Marie
“ahh hindi
wala sabi ko ang ganda naman ng pangalan mo” palusot ko
“sus
nambola pa pero sige Marie nalang itawag mo sa akin” ngiti ni Marie
Nagulat ako
nung bigla akong nilapitan at umupo sa tabi ko yung dalawa at kinausap ako
“Hindi ba
ikaw yung nakatira kila Aling Linda at Mang Anton?” tanong ni Marie
“At ang
sabi mo ikaw si Anghelo hindi ba? pero alam naming hindi ikaw si Anghelo kasi
kilala namin siya” dagdag ni Dindo
Medyo
kinabahan ako at napalunok sa aking mga narinig, at bigla namang nagtawanan ang
dalawa sa aking naging itsura.
“binibiro
ka lang namin alam na namin ang lahat wag ka mag alala safe yung sikreto mo sa
amin kaibigan kasi nila Inay at Itay yung mga umampon sa iyo kaya naikwento na
din nila sa akin” paliwanag ni Dindo
“pero alam
mo sa itsura mo mukhang di ka talaga taga rito, hula ko anak mayaman ka siguro”
si Marie habang natutuwa
“naku kayo
naman medyo pinakaba nyo ako dun ha, salamat ha kailangan ko muna kasing itago
lalo na hindi pa nagbabalik ang aking alaala” tugon ko na medyo nakahinga na ng
maluwag
“siya nga
pala asan na pala yung iba pa nating kaklase?” tanong ko
“ahh yun ba
alam mo naman karamihan sa mga estudyante rito ay payak lang ang pamumuhay kaya
karaniwan sa kanila ay mas gugustuhin pang magtrabaho na muna habang hindi pa
regular ang klase” paliwanag ni Marie
“ahh ganuna
ba? darating na ba ngayon ang ating guro?” tanong ko
“oo maya maya
lang darating na din yung guro natin pero orientation palang naman ang
mangyayari ngayong araw” paliwanag ni Dindo
Natapos ang
orientation at dumating ang lunch time, magkakasama kaming lumabas ng silid ni
Dindo at Marie
“o Anghelo
hindi ka ba sasama sa aming mag lunch?” tanong ni Dindo at Marie
“ahh kwan
kayo nalang hindi pa naman kasi ako nagugutom saka wala din kasi akong pera”
nahihiya kong tugon
“sus heto
naman parang hindi pa tayo magkakaibigan nyan kahit naman kanina lang tayo
nagkakilala magkakaibigan na tayo noh” si Dindo
“oo nga
tara na makisalo ka na samin paghati hatian na natin mga baon namin” ngiti ni
Marie
Kahit medyo
nakakahiya ay pumayag na din ako dahil medyo gutom na din ako, tuyo na may
kamatis at itlog na maalat ang kinain namin, kahit sinasabi nilang pagkaing
mahirap ito ay sarap na sarap naman ako kahit hindi ko naaalala ang aking
nakaraan ay nakakasiguro naman ako na ngayon lang ako nakakain ng pagkaing
ganun at nagustuhan ko talaga yun.
Habang
kumakain kami...
“ang sarap
naman pala nito” sambit ko habang kumakain ako
“oo naman
bakit ngayon ka lang ba nakakain ng ganito?” Tanong ni Dindo
“hindi ko
maalala eh” ngiti kong tugon
“ngayon
sigurado na ako anak mayaman ka nga” natatawang sambit ni Marie
“hahaha di
naman siguro baka taga ibang planeta lang” biro ko habang natatawa
Natapos ang
araw kaya sabay sabay na din kaming tatlo umuwi dahil nga sa iisang isla lang
kami nakatira kaya napagkasunduan naming sabay sabay na kami laging uuwi.
Samantala
sa eskwelahan nila Josh at Harvey pati na din nang iba ko pang mga dating
kaklase...
Engineering
din ang kinuha ni Josh, Harvey, Fatima at iba ko pang mga kaklase si Tom at
Beth naman ay nag accountancy. Sa unang araw nila ng pasukan since magkakaklase
din sila dahil napagkasunduan nilang pareho ang mga schedule na kukunin nila
para magkakasama pa rin sila. Nilapitan sila ng kanilang mga makakaklase at isa
isang nagpakilala sa kanila ang mga ito dahil nga kahit bago palang sila sa
school ay sikat na ang mga ito lalong lalo na si Josh at Harvey.
Nilapitan
sila ni Grace, Kate, Luke at baklang kaibigan nilang si Elton at nagpakilala sa
kanila
Si Grace
Villegas, maganda, maputi at mayaman ang pamilya dahil nagtatrabaho ang Papa
nya bilang bise presidente sa dela Vega group of Companies na pag aari ng aking
pamilya. Kung ano naman ang iginanda nya ay yun din ang kinapangit naman ng
ugali nya, bukod kasi sa maarte na, ay matapobre at sobrang yabang pa nito.
Si Kate
Feliciano ang matalik na kaibigan ni Grace maganda at maputi may kaya ang
pamilya nila hindi sila kasing yaman nila Grace pero kung sa ugali wala silang
pinagkaiba ni Grace dito yata pumapasok ang kasabihang “Birds of the same
feather flock together”.
Si Luke
Mendoza isa din sa mga kaibigan nila, may itsura naman ito ngunit taliwas sa
kanyang mga kaibigan ay napakabait na tao ni Luke may kaya naman ang kanyang
pamilya dahil nagtatrabaho bilang assisstant to the Vice president ang kanyang
ama. Oo assistant ng papa ni Grace ang papa ni Luke kaya minsan ay laging sunod
sunuran lang si Luke sa mga gusto ni Grace at Kate kahit mali ito.
Si Elton
Sanchez ang baklang kaibigan ng tatlo, may kaya din ang pamilya pangkaraniwan
lang ang itsura kung sa ugali lang ay mapagpanggap ito at sobrang plastik.
Gustong gusto nya mapalapit sa grupo ni Josh at Harvey lalong lalo na sa
dalawa.
“Hi my name
is Grace and these are my friends Kate, Luke and Elton” pakilala ni Grace
“You guys
must be Josh, Harvey, Fatima” si Kate ng biglang sumabat agad si Fatima
“gosh it
seems na hindi ka kunwari sigurado sa mga pangalan namin eh halata namang ni
research nyo kami noh” masungit na tugon ni Fatima
Medyo
napahiya si Kate sa sinabi ni Fatima kaya natahimik ito
“Fatima wag
ka nga ganyan they’re just trying to be nice” bulong ni Josh kay Fatima
“yeah
Fatima ikaw talaga imbis na makahanap ka ng mga bagong kaibigan, bagong kaaway
yung makukuha mo eh” dagdag ni Harvey
“eh halata
naman kasing ang paplastik eh” inis na bulong ni Fatima
Si Josh at Harvey
na ang naghingi ng paumanhin sa inasal ni Fatima
“sorry
about that, ganyan lang talaga si fatima pero mabait ito” si Josh habang
inaakbayan si Fatima
“naku ayos
lang yun naiintindihan naman namin siya lalo pa super sikat kayo dito sa campus
sana maging magkakaibigan tayo” ngiti ni Elton
“uhm yes
for formality sake I’m Harvey and this is Josh, Fatima, Robert, Ben and Ricky”
pakilala ni Harvey
“by the way
guys I wan’t to invite you later for lunch since I’m the daughter of the
Vice-President for Marketing ng dela Vega group of companies makakakuha agad ako
ng reservation at malaking discount sa Jey’s restaurant na pag aari din ng
kumpanya, alam nyo naman kung gaano kahirap magpa reserve dun” pagmamayabang ni
Grace
Bigla
namang nagsalita si Fatima
“look
missy, jey’s restaurant stands for Jey dela Vega ang bunsong anak nila Wilfredo
at Rose dela Vega ang Chairman and CEO ng dela Vega group of companies hindi
ba? si Jey ang matalik na kaibigan ni Josh at Harvey pati na din ako, malapit
kami sa pamilya nya kaya pag pumupunta kami diyan sa restaurant na yan ay hindi
na namin kailangan pa ng reservations o humingi ng discount dahil lagi kaming
nasa VIP area at laging libre ang kinakain namin” pang iinis ni Fatima
“ouch”
tugon ni Luke na medyo natatawa
Napahiya
naman si Grace sa sinabi ni Fatima at medyo natawa si Josh at Harvey pati narin
ang mga dati kong kaklase sa ginawa ni Fatima.
“ahh guys
thanks for the invitation pero may plano na din kasi kami mamayang lunch next
time nalang” ngiting tugon ni Josh
Dumating
ang lunch time at sabay sabay na lumabas si Josh at Harvey kasama si Fatima at
iba ko pang mga dating kaklase sa classroom kasunod naman nila si Grace, Kate,
Luke at Elton. Nakita nilang may dalawang lalaking naghihintay sa kanila sa
labas ng classroom, agad naman sila nilapitan at binati ng mga ito.
“Mr. Josh
Villareal? hi I’m Jerry the team captain of the basketball team, I heard so
much about you and believe me napabilib talaga ako sa ipinakita mong husay nung
nasa St. Catherine pa kayo, so di nako magpapaligoy ligoy pa I would like to
formally invite you na mag tryout sa basketball team this coming friday, I
believe na magiging kang asset sa team ” pang hihikayat ng team captain ng
basketball team
“And you
must be Harvey Montemayor, I’m Danny the team captain of the football team alam
ko wala kayong football sa St. Catherine kaya nagtataka ka kung pano ko nalaman
na magaling ka sa football, well it is because na nalaman ko na isa ka sa mga
ace player ng football sa club na miyembro ang pamilya mo bihira makapasok dun
sa team na yun kundi ka rin magaling kaya gaya ng sinabi ni Jerry kay Josh,
gusto din kitang imbitahan na mag tryout sa Football team this coming Friday”
panghihikayat ng team captain ng football team kay Harvey
“So guys
we’ll be expecting you on Friday ha” paalam ng dalawang team captain kay Josh
at Harvey
“naks naman
hanggang dito ba naman habulin parin talaga kayo ng kasikatan” pang aasar ni
Fatima
“sira ka
talaga wala naman masama kung mag tryout kami” natatawang tugon ni Harvey
“kung
nabubuhay pa si Jey sigurado ako matutuwa yun” sambit ni Fatima
Bigla
namang natahimik si Josh at Harvey pati na din ang mga dati kong kaklase sa
sinabi ni Fatima
“tara na
nga guys” inis na tugon ni Harvey habang nagmamadali paalis
“talagang
napaka sakit pa din sa kanya ang pagkamatay ni Jey ano” si Fatima habang kausap
si Josh
“kahit sa
akin hanggang ngayon masakit na masakit parin pero kumpara nga sa kanya
maswerte parin ako kaya hindi natin siya masisisi” malungkot na tugon ni Josh
“pano ba
yan college na tayo sigurado ako makakahanap kayo ng bagong matalik na kaibigan
dito na papalit kay Jey” sambit ni Fatima
“pwede ba
Fatima hinding hindi mangyayaring na papalitan namin si Jey kung magkakaron man
siguro kami ng mga bagong kaibigan hindi namin sila mamahalin na tulad ng
pagmamahal namin kay Jey” tugon ni Josh
“ok sabi mo
eh” tugon ni Fatima
Samantala
nag uusap usap naman sila Grace habang papalabas ng campus
“Hay
nakakainis talaga yung Fatima na yun” sambit ni Kate
“oo nga she
humiliated us infront of Josh and Harvey” inis na tugon ni Grace
“natawa nga
ako eh pero what can you do eh she’s way out of our league” natatawang tugon ni
Luke
“hayaan nyo
na pakibagayan nalang natin sila lalo pa ngayon nakita nyo naman siguro nung lapitan
sila ng mga team captains ng dalawang pinakasikat na sport dito sa campus I’m
sure kung sikat sila ngayon ay mas lalo pa silang sisikat lalo na kayo Grace
and Kate alam naman nating popularity lang naman importante sa inyo eh unlike
me gusto ko talagang maging kaibigan si Josh at Harvey” ngiting tugon ni Elton
“ano pa nga
ba ang magagawa namin kundi pakibagayan nalang si Fatima” inis na tugon ni
Grace
Dumating
ang araw ng tryout at gaya ng inaasahan ay nakapasok si Josh at Harvey sa kani
kanilang mga team.
Samantala
sa aking kinaroroonan...
“Anak
pagbutihan mo ang pag aaral mo ha pag nakaipon kami ng itay mo maari na tayong
lumuwas ng Maynila para dun mo na ipagpatuloy ang pag aaral mo baka sakali
mahanap mo din ang tunay mong pamilya” wika ni Inay
Natuwa ako
na may halong kalungkutan sa aking mga narinig, natuwa ako dahil lalaki ang
tiyansa na makita ko ang tunay kong pamilya, nalungkot naman ako dahil pag
nangyari yun mapapalayo na ako kay Itay Anton at Inay Linda. Napamahal na sa
akin ang mag asawang kumupkop sa akin kaya nakakapanghinayang kung magkakalayo
kami.
Kinabukasan
habang nakaupo kami ni Dindo sa may tabi ng puno ay nakita namin si Marie na
papatakbo papunta sa aming kinaroroonan.
“o Marie
bat humahangos ka?” tanong ni Dindo
“naku guys
kita nyo ba itong hawak ko?” pagmamalaki ni marie
“bakit ano
ba yan?” tanong ko
“mga
application for scholarship ito ng dela Vega Foundation pag nakapasa tayo dito
ay maaari na tayong makapag aral sa maynila” tuwang tuwang sambit ni Marie
“dela Vega?”
tanong ko habang napapaisip
Itutuloy...
Author’s
note:
Hi Guys
alam ko medyo excited na kayo sa muling pagkikita ng tatlo pero tiis lang muna
po ha hehe, may mga kailangan pa kasi sa story at hindi ko talaga pwedeng
biglain baka mawala kasi emotions ng story :)
No comments :
Post a Comment