Total Pageviews

Wednesday, 1 April 2015

Sa Aking Paglisan part 17



Hello readers heto na po yung part 17 sana wala po kayong laktawan kasi magiging importante ito sa takbo ng istorya.

Pasalamat po muli kina Jay, R.J., zekie, jayfinpa, Mars, Rue, ernes_aka_jun, darkboy13, dada, marclestermanila, wastedup, j.v, kokey, mcfrancis, blue, migz, Pink 5ive, kenrei_yu, Dave17, sfgiants, ram, David Thaddeus, Jhae17 , nate, brokenarmor, ron ron, russ, Marc, mat_dxb at sa lahat po ng anonymous na nag comment.

Pa rate lang po saka comment ha, mabasa ko lang po mga reactions nyo masaya na po talaga ako salamat po uli :)



____________________________________________

Sa Aking Paglisan part 17

Naging maayos din ang lagay ko nung mailabas ko lahat ng aking kalungkutan.

“Ano ayos ka na?” tanong ni Harvey habang yakap ako

“oo ok nako salamat sa inyo kanina ha” tugon ko sabay upo sa kama ni Harvey

“wala yun ito naman parang di ka naman matalik na kaibigan” tugon ni Josh

Medyo ginutom ako dahil nga kaunti lang ang nakain ko kaninang lunch

“nagugutom ako teka baba muna ako ha” paalam ko

“yan kasi konti lang kinain mo eh, o sige na bumaba ka na” sambit ni Josh

At bumaba na nga ako para maghanap ng makakain, pagbaba ko ay nadatnan ko si Fatima at iba ko pang mga kaklase na nagkukwentuhan.

“o Jey ikaw pala, ayos ka na ba?” alalang tanong ni Fatima

“oo ayos nako, salamat nga pala sa inyo kanina” tugon ko

“wag mo na alalahanin yun ang mga magkakaibigan ay nagtutulungan” tugon ng aking mga kaklase

“teka guys wala na ba makakain diyan?” tanong ko

“naku wala na inalis na nila kanina pa” tugon ni Tom

“Patay nagugutom pa naman ako” bulong ko sa aking sarili habang napapakamot sa aking ulo

Lumabas muna ako para magmuni muni nang makakita ako ng isang puno ng mangga.

“wow ang lalaki at mukhang hinog na yung iba, teka nga makapamitas nga di naman siguro bawal” tuwang tuwa kong sambit sa aking sarili habang nag aalis ako ng tsinelas para akyatin ang puno.

Habang kumakain ako sa taas ng puno ay biglang napadaan si Neil at nakita ako

“hoy anong ginagawa mo diyan” tanong ni Neil

Muntik naman akong mabilaukan sa narinig ko

“aray ko, ano pa edi kumakain” sarkastiko kong tugon

“lagot ka isusumbong kita” pananakot ni Neil

“huy wag” pagpigil ko kay Neil

Bababa na sana ako nang madulas ako sa pagmamadali ko at bigla nga akong nahulog sa puno

“araaay” pigil kong sigaw

“waaa ayos ka lang ba Jey?” tanong ni Neil

“tseh anong ayos ka diyan nakita mo na ngang nahulog ako eh” tugon kong medyo naiinis

“ang takaw mo kasi eh teka tatawagin ko lang sila” tugon ni Neil

Pipigilan ko sana siya ngunit nakapasok na siya sa loob, agad agad naman nagdatingan sila Fatima kasama iba ko pang mga kaklase upang tingnan ako, nung makita nila ako ay agad agad silang napatakbo papunta sa akin.

“naku ano nanaman yan Jey?” tanong ni Ben

“ahh eh kasi umakyat ako dito sa puno para mamitas ng mangga eh nadulas ako kanina hehe” nahihiya kong tugon

“alam mo Jey alam mo namang kakambal ka na nga ng malas kusa mo pang nilalapitan ito” inis na tugon ni Fatima

“oo hayan nga yung malas oh” sabay turo ko kay Neil

“panong ako yung malas eh sino ba umakyat diyan sa puno?” sarkastikong tugon ni Neil

“tseh” tugon ko

At tinayo na nga ako ni Ben at Tom, pero nung umpisa na akong maglakad ay medyo sumasakit ang aking kanang paa kaya kinailangan nila akong alalayan papasok sa loob.

“o ano ayos ka na ba?” tanong ni Beth

“oo medyo sumakit lang yung kanang paa ko pero bukas ayos na toh” tugon ko

Bumaba naman mula sa kwarto nila si Josh at Harvey at tinawag ako

“Jey tara picture taking muna tayo dun sa garden para may souvenir tayo” aya ni Josh

“hala ka Jey pano ka kaya makakalusot nyan” bulong nila Fatima habang natatawa

“ahh sige kayo nalang mamaya nako” dinahilan ko

“wag ka nga kj, tara na” pilit ni Harvey

Tumayo na nga ako lumapit sa kanila pero diniretso ko ang lakad ko tiniis ko na lamang ang sakit. Pero napapakunot ang mukha ko sa sakit, nagtatawanan naman sa likod sila Fatima at ang aking mga kaklase dahil sa itsura ko.
“teka Jey ayos ka lang ba?” tanong ni Josh

“ahh oo ayos lang ako” sabay ngiti ko ng pilit

“Naks Jey galing mo umarte ha” biro ni Robert isa sa aking mga kaklase

“pang Famas talaga” dagdag pa ni Ben habang walang tigil sila sa pagtawa

“hmph tseh” tugon ko sa kanila

Nagtaka naman si Josh sa ikinikilos ng aming mga kaklase

“napano mga yun bat nagtatawanan mga yun?” tanong ni Josh

“wala wag nyo na pansinin mga yun hehe” ngiti ko pa ding pilit

At dumiretso na nga kami sa garden para mag picture taking, iba ibang pose may seryoso , wacky at marami pang iba. Matapos ang picture taking ay kinausap ko na sila upang magpaalam

“tapos na ba? baka pede na ako pumasok sa loob hehe” paalam ko

“oo tapos na pero bat ba nagmamadali ka?” tanong ni Harvey

“ah eh nakakapagod din kasi kaya upo muna ako dun hehe” palusot ko

“o sige saka mag start na pala next activity natin ha kita nalang tayo sa loob mamaya” bilin ni Josh

Pumasok na nga ako sa loob at naupo kasama nang aking mga kaklase pero wala parin silang tigil sa pang aasar sa akin. Dumating ang oras ng next activity namin at pinapasok na kaming lahat sa room

“naku po lord wag po sanang nag rerequire ng takbuhan yung next activity namin” dasal ko

At inannounce na nga ng aming retreat master ang magiging activity namin

“Ang next activity natin ay about forgiveness, meron akong mga kandila dito sa harap at lalapitan ninyo ang taong gusto nyong hingan ng tawad” paliwanag nang aming retreat master

Tumingin naman ako sa likod at kinausap ang aking mga kaklase

“uy guys diba napatawad nyo na ako noon pa dahil sa mga ginawa kong tsismis sa inyo dati remember?  so wag nyo na ako i expect na bigyan pa kayo ng kandila ha alam nyo na hehe para di nako tumayo” mahina kong pakiusap sa kanila sabay ngiti

“hahaha loko ka talaga Jey sige na ayos lang kami” si Ricky isa sa mga kaklase ko

“naku salamat ha” tugon ko sa kanila

“sshh Jey wag ka nga maingay” pagbawal ni Harvey sa akin
Sa umpisa nang activity ay unang nagboluntaryo si Paul, kumuha siya ng kandila at nagulat ako nang bigla niya akong lapitan.

“ahh Jey gusto ko ibigay sayo itong kandila kasi alam ko nung mga panahong kailangang kailangan mo ng kaibigan hindi kita nasamahan dahil dun gusto kong humingi ng sorry sayo” sambit ni Paul

Natouch naman ako sa ginawa nyang yun.

“naku ikaw naman wala yun ayos lang ako, salamat ha” ngiti kong tugon

“sus parang pinamumukha nya sa amin na wala kami sa tabi mo nung panahong yun” inis na bulong ni Harvey sa akin

“hehe hayaan mo na” pabulong kong tugon

ang sumunod naman na nagboluntaryo ay si Neil, kumuha siya ng  dalawang kandila at biglang lumapit sa amin, akala ko ay sa akin nya ibibigay pero ibinigay nya yun kay Josh at Harvey.

“aba palakang toh di man lang ako binigyan ng kandila eh mas malaki atraso nya sa akin” naiinis kong bulong sa aking sarili

At nagsalita na nga si Neil

“Josh and Harvey sana mapatawad nyo ako sa ginawa kong panloloko sa inyo dati ayaw ko lang kasing mawala pagkakaibigan natin kaya di ko naamin sa inyo ang totoo kaya sana mapatawad nyo ako” sambit ni Neil

“hay nakaka touch naman” sambit ko sa aking sarili na medyo naluluha

At tumugon naman si Josh at Harvey

“wag ka mag alala Neil wala na sakin yun pero sana wag mo na lang uulitin uli” ngiting tugon ni Josh

“saka wala ka naman talagang mapapala sa pagpapanggap at gaya nga ng sinabi ni Josh wala na samin yun kalimutan mo na yun” tugon naman ni Harvey sabay ngiti din kay Neil

“salamat” tugon naman ni Neil na nakangiti na

Naging madamdamin ang activity naming yun napuno ng iyakan dahil sa mga magkakaibigang nagkabati at nagkaayos, tatapusin na sana ang activity nang biglang nag iba ang mood at napalitan ng tawanan nung tanungin ko si Neil

“uy Neil eh yung kandila ko nasan?” sarkastiko kong tanong kay Neil

“masaya ka” pang aasar ni Neil

“aba etchoserang toh eh mas malaki kaya kasalanan mo sakin noh” asar kong tugon

“eh may kasalanan ka din kay Josh at Harvey diba bat di mo sila binigyan ng kandila” tugon naman ni Neil

Medyo nagtaka naman si Josh at Harvey sa sinabi ni Neil

“Ano pinagsasabi mo diyan wala na kaya akong kasalanan noh matagal nako nagpasori noon pa” tugon ko naman

“wala daw eh ano yung kanina nung tinanong ka ni Josh kung ok ka lang sabi mo ok ka lang kahit namamaga na yang paa mo dahil sa pagkakahulog mo sa mangga di ka ba nagsinungaling nun?” si Neil habang nakangiti nang nakakaloko.

“waaaaaaaa wag ka maingay” asar kong tugon

“ha nahulog ka sa mangga?” pag aalalang tanong ni Josh

“teka napilay ka ba?” dagdag ni Harvey na nag aalala din

Bigla naman nagsipagtawanan ang mga kaklase ko dahil sa mga nangyari pati yung mga kaklase ni Neil ay  nahawa na at napatawa din.

“hindi guys ganito kasi yun nagutom kanina yan si Jey kaso wala na yung pagkain sa buffet table inalis na, eh nung paglabas nya biglang nakakita nang mangga kaya hayun inakyat nya tapos bigla siyang nahulog” kwento ni Robert habang wala parin tigil sa pagtawa

Natawa din si Josh at Harvey sa kanilang mga narinig, natapos ang activity ay wala parin silang tigil sa pagtawa hanggang sa makapunta na kami sa buffet table para mag dinner ay natatawa pa din sila sa nangyari sa akin.

“grabe ka Jey ganun ka ba talaga ka gutom at pati yung mangga inakyat mo?” si Josh habang tawa ng tawa

“o yan Jey ha dami nakahanda damihan mo yung pagkain mo kung gusto mo eh mag take out ka pa mamaya para sigurado hahahaha” pang aasar naman ni Fatima

“wawa naman baby ko sa sobrang gutom pati yung mangga inakyat hahahaha” si Harvey habang niyayakap ako

“baby ka diyan tigilan nyo nga ako, kaasar bwisit talaga yung Neil na yan” tugon ko na inis na inis parin

Natapos namin ang lahat ng activities nung araw na yun at kinabukasan na ang uwi namin pabalik ng manila kaya pinatulog kami ng maaga.

“O Jey ayos na ba yang paa mo” tanong ni Josh

“oo ayos na di na masakit” tugon ko

“mabuti naman kung ganun, sige matulog ka na goodnight” paalam ni Harvey

At dumiretso na nga ako sa kwarto namin ni Neil, dinatnan ko siyang nakahiga at nagmumuni muni

“hoy may atraso ka sa akin, binenta mo pa ako kanina bwisit ka” sambit ko

“eh totoo naman lahat ng yun noh ginawan pa nga kita ng pabor mabuti nga at maganda kinalabasan dahil kung hindi baka nagalit nanaman sayo yung dalawang yun” paliwanag nya

“hmm sabagay may point ka” tugon ko

“sa palagay mo ba talagang napatawad nako ni Josh at Harvey?” tanong ni Neil

“oo naman saka di naman ugali ng dalawang yun makipag plastikan pag galit pa mga yun di ka nila papansinin noh” paliwanag ko

“ahh mabuti naman kung ganun” tugon ni Neil

Medyo nasanay na ako nung mga oras na yun at madali nalang akong nakatulog. Kinabukasan nang paalis na kami ay inannounce ng aming adviser na magsuswimming muna kami sa Ilocos Sur, at sa baguio na mag oovernight, naghiyawan naman ang aking mga kaklase at kabilang section dahil sa excitement. Masaya ang naging biyahe namin puno ng kwentuhan at katatawanan at as usual yung nangyari sa akin ang lagi nilang topic. Dumating kami sa isang beach sa Ilocos, matapos kumuha ng cottage ng aming adviser ay agad agad na pumunta kami sa changing room para magpalit ng panligo.

Aaminin ko magaling ako magswimming kahit iwanan mo ako ng isang oras sa gitna ng dagat ay kaya kong tumagal kahit ayaw kong madalas magbiyahe ay hilig kasi naming magkakapatid ang libutin ang ibat ibang dagat sa pilipinas upang kuhanan ng picture ang ibat ibang lamang dagat. Kaya pati si mama at papa ay pinababayaan lang kaming tatlo pag nasa dagat kami gawa nang nasanay na din sila sa amin. Ngunit taliwas ito sa aking mga kaklase at kaibigan ayaw nila kasi medyo lumalayo ako masyado silang kinakabahan para sa akin hindi ko naman sila matawag na kj kasi natural lamang yun kaya di na lamang ako masyadong lumalayo para di na sila mag alala pa.

Puno nang habulan at tawanan ang aming pagsuswimming pati si Neil ay nakikisaya na din, natapos ang aming swimming at nagpunta na kami sa shower room upang magbanlaw, pagbukas ko sa shower room ay nadatnan kong naliligo ang aking mga kaklase at iba pang kamag aral

“ano ba Jey sara mo nga yan nakikita kami sa labas eh pasok ka na dito” si Tom

“picturan ko nalang kayo saka ko ibebenta sa school” pang aasar ko

“ahh sige subukan mo lang” banta ni Ben habang natatawa

“oo kay wendell hahaha” biro ko

Nagtawanan naman sila sa sinabi ko, natapos kami magbanlaw at naghanda na sa pag alis papuntang baguio, medyo nahilo ako sa mga dinaanan kaya sumakit ang aking ulo kaya tinulugan ko na lamang ang biyahe. Mag gagabi na nang makarating kami sa baguio dahil hindi ang school ang sasagot sa bayad ng tutuluyan namin kaya kanya kanya na kaming naghanap ng matutuluyang hotel. Si Fatima at Beth ay sumama sa iba kong mga kaklaseng babae, sila Tom, ben, ricky at robert ay sumama sa amin nila Josh at Harvey, isang malaking kwarto na may dalawang malaking higaan ang nakuha namin. Inayos namin ang aming gamit at pinagtabi nalang din nila ang dalawang higaan, bumaba na kami para makipag kita sa iba pa naming kaklase at kamag aral. Pababa ko nakita ko si Paul agad naman niya ako binati

“Hi Jey may nakita na ba kayong hotel? Kung wala pa samin nalang kayo sumama maluwag pa kami dun” pag anyaya ni Paul

“salamat nalang may nakuha na din kasi kami” ngiti ko

“ahh ganun ba sige kita nalang tayo mamaya sa dinner” ngiti ni Paul

Habang naglalakad lakad ako ay nakita kong nakaupo si Neil sa isa sa mga benches nang nag iisa, agad ko naman siya nilapitan.

“hoy ano ginagawa mo diyan?” tanong ko

“wala nagpapahangin lang” tugon ni Neil

“aba talaga naman sa dinami dami naman ng lugar kung san ka magpapahangin eh sa baguio pa baka maging yelo ka niyan” pang aasar ko

Ngumiti lamang siya at nagpatuloy sa pagninilay nilay

“teka nga pala san pala yung tutuluyan nyong hotel” tanong ko

“ahh wala pa” malungkot na tugon ni Neil

“teka di ka ba sumama sa mga kaklase mo?” tanong ko

“hindi saka ayaw din nila” tugon naman ni Neil

“arte naman ng mga yun” sambit ko sa aking sarili

Niyaya ko nalang siyang sumama sa amin

“tara sama ka nalang sa amin maluwag pa naman dun eh” pag anyaya ko

“nakakahiya naman sa mga kasama mo” hiyang tugon ni Neil

“hindi ayos lang yun kakausapin ko naman sila” tugon ko

Pagdating namin sa kwarto ay nagulat ang aking mga kaklase dahil kasama ko si Neil

“Guys wala kasi siya matutulugan pwede dito nalang siya sa atin” paalam ko

Nagtinginan lang ang aking mga kaklase, wala si Josh at harvey sa kwarto dahil bumaba muna daw sila at may binili lang, sumang ayon din ang aking mga kaklase sa huli. Habang nag aayos ng gamit si Neil ay linapitan ako ng mga kaklase ko

“Jey bat mo naman sinama sa atin yan” tanong ni Tom

“eh naawa ako kanina eh wala din nagsama sa kanya sa mga kaklase nya” tugon ko

“baka mamaya ano pa gawin samin nyan” dagdag ni Robert

“sus sobra naman kayo hindi naman siguro” tugon ko

“saka bakit sa akin hindi kayo naasiwa eh pareho lang naman kami noh” tanong ko

“eh iba ka Jey” tugon ni Ben

“malay nyo nung panahong nag overnight tayo kila Rams ginapang ko kayo hindi nyo lang alam hahaha” natatawa kong pang aasar

“sira eh buong gabi mo kami di pinatulog nun dahil sa kaartehan mo” natatawang tugon ni Ricky

“Pero nakakaawa naman eh pagbigyan nyo nako sige na” pagmamakaawa ko

“ano pa nga ba” tugon nila

Dumating din si Josh at Harvey at medyo nagulat sila nung makita nila si Neil sa loob ng kwarto namin. Inexplain sa kanila ng aming mga kaklase ang nangyari at naintindihan naman nila yun kaya pumayag na din sila. Bumaba na kami para mag dinner kasama ang iba pa naming kaklase as usual napuno nanaman ito ng kwentuhan at tawanan at ako nanaman ang topic kaya medyo naiinis ako, natapos ang dinner kaya naglakad lakad muna kaming magkakaklase sa burnham park sa baguio malapit lang kasi dun mga tinuluyan namin. Habang naglalakad lakad kami

“Jey maginaw bat di ka man lang nagdala ng jacket” tanong ni Josh

“hindi ko naman kasi alam na dadaan tayo ng baguio yung pang swimming lang naihanda ko saka ayos lang ako” tugon ko

“oh heto yung jacket ikaw na magsuot nito” sabay hubad ni Harvey nang kanyang Jacket

“ayos lang talaga ako di naman ako masyadong tinatablan ng lamig, hayan kay Neil mo nalang ibigay wala din siyang jacket saka halatang nilalamig oh” sabay turo kay Neil habang natatawa ako sa itsura nya dahil sa lamig ng panahon

Medyo nahiya naman si Harvey dahil sa sinabi ko kaya tinanong nya si Neil

“Neil jacket oh baka nilalamig ka” sabay abot ni Harvey ng jacket

“ahh salamat” ngiti ni Neil habang inaabot yung Jacket
Habang patuloy kami sa paglalakad ay inakbayan ako ni Harvey at payakap yakap minsan

“oh napapano ka?” tanong ko kay Harvey

“eh ang lamig eh tayo lang walang jacket kaya hugs kita” natatawang tugon ni Harvey

“wahaha pabigay bigay ka pa kasi” natatawa kong tugon

“sympre ayaw kitang ginawin, ginawin na ako wag lang best friend ko” sabay yakap uli ni Harvey sa akin habang naglalakad kami.

“ahh oo nga best friend mo nga pala si Neil” pabiro kong tugon habang natatawa

“sira” sabay batok sa akin ni Harvey

“aray ko” sabay kamot sa aking ulo

Nalibot na namin halos buong burnham park, napagod kami kaya napag pasiyahan nalang namin na bumalik na sa Hotel para magpahinga. Pagbalik namin sa hotel ay isa isa na kaming naghilamos para maghanda sa pagtulog. Paglabas ko sa CR ay nadatnan kong nakahiga na sila Josh at Harvey pati narin ang mga kaklase ko, ngunit si Neil ay nakaupo lamang sa upuan at nagtetext.

“Jey dito ka na sa gitna namin ni Harvey baka kasi mahirapan ka nanamang makatulog eh” pag aya ni Josh

Tumango lamang ako at kinausap si Neil

“Neil di ka pa ba matutulog? Tanong ko

“ahh hindi sige mauna na kayo” tugon ni Neil

Alam kong nagsisinungaling lamang si Neil dahil nag aalangan siya kung saan siya pupwesto, ang arrangement kasi ng paghiga nila ay si Harvey sa dulo gawing kaliwa katabi nya si Josh tapos si Ben, Robert, Ricky at Tom. Kaya umisip agad ako ng paraan dahil medyo naawa nga ako

“Neil dun ka na sa dulo ha katabi ko” sambit ko kay Neil at tumango naman ito

At humiga na nga ako sa tabi ni Tom

“fafa Tom its so malamig pa hugs naman” pang aasar ko habang niyayakap si Tom

“sure” sabay yakap din ni Tom sa akin

Nagtawanan lang kami lahat sa biruan namin ni Tom, tinawag naman ako ni Josh

“Jey dito ka na kasi” pag aya ni Josh

“Bakit ayaw mo ba kami katabi” asar na tanong ni Harvey
Lumipat naman ako sa gitna nila at humiga tapos ay kinausap ko sila.

“uy dun na muna ako ha kasi tingnan nyo si Neil nakakaawa kasi alam ko nag aalangan lang siya kung saan siya pupwesto at least dun sa tabi ko di siya mahihiya dahil sinabihan ko na siya” paliwanag ko

Naintindihan naman ni Josh at Harvey ang gusto kong ipahiwatig kaya pumayag na din sila. Bumalik na ako sa dati kong pwesto at tumabi na din si Neil. Pagod na pagod kami kaya agad agad din kaming nakatulog. Kinabukasan mga 8am ay naghanda na kami para sa pagalis pabalik ng manila pero bago yun ay dumaan muna kami sa mines view para mamili ng mga pasalubong. Kasama ko ang aking mga kaklase binigyan kami hanggang lunch time ng aming adviser para mamasyal at mamili magkita kita nalang daw kami sa parking ng aming bus. Kasama ko si Josh at Harvey na mamili ng mga pasalubong namin sa aming pamilya at mga kaibigan sa school, kaunti lang ang pinamili ko kasi medyo tinatamad talaga akong mamili sinabi ko nalang na pag nagtanong yung mga pagbibigyan nila sabihin na may share din ako hehe. Pumayag naman sila pero ako ang pinagbuhat nila ng mga pinamili nila, ok lang yun kesa mag isip pa ng ipapasalubong.

“Teka asan ba si Fatima?” tanong ko sa kanila

“ewan baka kasama sila Beth” tugon ni Harvey habang namimili

Habang nakaupo ako at naghihintay sa kanila ay nakakita ako ng St Bernard na aso yung magbabayad ka para kuhanan ka ng picture kundi ako nagkakamali si happy yun niyaya ko si Josh at Harvey para magpakuha ng picture at pumayag naman sila matapos ang picture taking ay nagpunta muna kami sa may taas ni Josh para tingnan ang view medyo mataas yun kaya nakakalula lumapit sa may gilid si Harvey naman ay nagpaiwan dahil may bibilhin pa raw siya, habang nagpipicture taking kami ni Josh ay sumampa ako sa gilid para kakaiba ng kuha ko.

“Bumaba ka nga diyan Jey” inis na sambit ni Josh

“maya na kuhanan mo muna ako” pakiusap ko

Kinuhanan naman nya ako at pinababa agad.

“o yan nakuhanan na kita bumaba ka na diyan” si Josh

Pagbaba ko ay sinapok ako ni Josh

“aray para san yun?” sabay kamot ko sa aking ulo

“eh kung nahulog ka dun” tugon ni Josh na halatang naiinis pa din

“o sige na sorry na” tugon ko

Matapos ang isang oras ay dumating na din si Harvey at niyaya nya kaming pumunta sa Botanical garden, sumang ayon naman kami at nagpaalam sa aming adviser, pinayagan naman kami ni sir at yun nga pagdating namin sa Botanical garden nagpicture taking kaming tatlo buti nalang may dalang tripod si Josh kaya di na namin kelangan magsalitan sa pagkuha ng litrato. Maganda ang mga kuha namin, may wackky, serysoso, sweet at kung ano ano pa. Medyo napagod kami sa kakagala sa loob ng botanical garden kaya nagpahinga muna kami sa upuan sa ilalim ng puno sa loob ng botanical garden. Habang nagpapahinga kami ay inilabas ni Harvey ang tatlong silver bracelet na nakaukit ang mga pangalan naming tatlo sa lahat ng bracelet.

“wow Harvey yan ba yung pinagawa mo kanina kaya ang tagal mo?” tanong ni Josh

“oo medyo natagalan lang kasi pinaulit ko nagkamali kasi sila sa name ni Jey, letter a kasi nalagay nila” paliwanag ni Harvey

“ahh kaya pala” tugon naman ni Josh

At isa isa na nga nya kaming binigyan ng bracelet

“Heto guys ha sign ito ng matalik nating pagkakaibigang tatlo, ipangako natin na habang buhay tayong magkakasama at hindi natin iiwanan ang isat isa” seryosong sambit ni Harvey

“no problem pangako yan tol, I love you tol” sambit ni Josh kay Harvey at niyakap ito

“I love you too pare” sabay yakap din ni Harvey kay Josh

Habang silang dalawa ay busy sa isat isa ay tinitingnan ko naman ang bracelet na bigay sakin ni Harvey sabay tanong

“huy wala bang gold nito?” excited kong tanong

At bigla akong binatukan nung dalawa kong kaibigan

“aray! nagtatanong lang eh” mahina kong tugon

“Jey suotin mo lagi yan ha saka mangako ka na di tayo maghihiwalay tayo nila Josh ” bilin ni Harvey na halatang seryoso

“oo naman pangako yun” tugon ko habang nakangiti

“I love you best friend” sambit ni Harvey at niyakap ako ng mahigpit

“hehe I love you too” tugon ko habang yakap yakap siya

“oi Jey ako naman, I love you Jey” at niyakap din ako ni Josh

“I hate you too, I mean I love you too” pabiro ko sabay tawa

“haha sira ka talaga” tugon ni Josh

Dumating ang tanghalian at kinailangan na naming magbalik sa Mines View para makapag lunch kasama mga kaklase namin at makauwi na din sa manila, naging masaya ang tanghalian puro kulitan at tawanan at dumating na ang oras nang aming pag uwi. Habang nasa bus kami, ay nagkukwentuhan kaming mga magkakaklase

“Hi guys alam nyo na ba, darating na pala next week yung bagong administrator sa school yung pumalit sa mama ni Jey” kwento ni Ben

“huh sino naman?” tanong ni Fatima

Medyo nalungkot ako sa aking mga narinig dahil naalala ko nanaman si mama. Ngunit pinabayaan ko na lamang yun.

“Balita ko yung papa daw ni Diane ang papalit” sagot naman ni Robert

“edi babalik na sa school si Diane?” tanong ni Beth

“mukhang ganuna na nga” tugon naman ni Tom

3rd year HS nung lumipat si Diane from our school papunta sa sister school namin dahil dun na destino ang papa nya, hindi naman siya mahihirapang bumalik ngayong 4th year dahil halos parehong pareho lang ang curriculum namin sa aming sister school at dahil na din ang papa na nya ang pumalit sa aking yumaong ina bilang bagong administrator sa school.

Naging masaya ang pagkakaibigan naming tatlo nila Josh at Harvey subalit hindi ko inaasahang masusubukan pala iyon ng mapaglarong tadahan dahil sa pagbabalik ni Diane.

Itutuloy...




Author’s note:

Clue: kung nabasa nyo yung part 10 magkaka idea kayo kung sino si Diane :)

No comments :

Post a Comment