Total Pageviews

Wednesday, 1 April 2015

Sa Aking Paglisan part 11



Hello readers medyo napaaga post ko ng part na toh dapat bukas pa ng umaga nabasa ko kasi mga comments nyo about sa mangyayari kay Jey kaya heto na hehe

Salamat uli kina Jay, R.J., zekie, jayfinpa, Mars, Rue, ernes_aka_jun, darkboy13, dada, marclestermanila, wastedup, j.v, kokey, mcfrancis, blue, migz, Pink 5ive, kenrei_yu, Dave17, sfgiants, ram, David Thaddeus, Jhae17 , nate, brokenarmor, ron ron at sa lahat po ng anonymous na nag comment.

Try ko po maipost agad yung part 12 kasi dapat karugtong ito nun, hanggang sa muli salamat po uli :)


~~~~~~~~~~*~~~~~~~~~~


“Papa wala po akong makita” ang aking nasambit habang patuloy ako sa pagluha.

Nabigla naman ang aking pamilya at si Fatima sa aking binitiwang salita.

“Jey Jey ano nangyayari sayo?” alalang tanong ni Papa

“John tawagin mo ang doktor bilis!” natatarantang utos ni Kuya Justin kay kuya John

Agad agad naman tumakbo si kuya John palabas para tawagin ang doktor, si Fatima naman ay di makagalaw sa pagkakabigla.

“Jey wag ka matakot andito lang si Papa” sambit ni Papa habang yakap yakap ako

Dumating naman agad ang doktor upang tingnan ako, matapos ang ilang minuto ay kinausap ng doktor si Papa at sila Kuya naiwan naman si Fatima upang samahan ako.

“Jey tahan na maayos din ang lahat” habang yakap yakap ako ni Fatima

Samantala sa labas nang aking silid ay kausap ng doktor ang aking pamilya.

“doc anong nangyari sa anak ko bakit hindi siya makakita?” alalang tanong ni Papa

“well this is due to head trauma gawa na din po nang aksidente niya” paliwanag nang doktor

“eh doc makakakita pa po ba ang kapatid ko?” alalang tanong ni Kuya John

“don’t worry this is just temporary, we’ve encontered cases like this and so far maganda naman ang naging outcome, ipagdasal nalang po natin na bumalik din agad ang paningin nya” paliwanag nang doktor

“alam nyo po ba kung kailan siya ulit makakakita?” tanong ni Kuya Justin

“well hindi natin masabi pwedeng days, weeks or mas matagal pa we can’t really tell”

“salamat po doc” paalam ni papa

Pumasok na si papa at sila kuya para puntahan ako.

“Pa ikaw po ba yan?”

“oo anak andito ako” at hinawakan ni Papa ang aking mga kamay

“Pa ano pong sabi ng doktor” alalang tanong ko kay Papa

“anak sabi ng doktor dahil daw sa head injury mo pero temporary lang naman yan” paliwanag ni papa

“pano po kung hindi nako makakita?” naiiyak kong tanong kay papa

“wag mo isipin yun makakakita ka pa” matigas na sambit ni kuya Justin

“oo nga anak may awa ang diyos hindi ka niya pababayaan” habang yakap ako ni Papa

“siya nga naman Jey basta think positive” si Fatima

Medyo nakaluwag na ang aking loob sa aking mga narinig agad ko din naman natanggap ang aking kalagayan gawa na din na masayahin akong tao at saka ayaw ko na iniisip ang mga problema. Hinanap ko ang dalawa kong matalik na kaibigan. Iniwan muna ako nila Papa at kuya kay Fatima upang makabili sila ng dinner.

“kamusta na pala sila Josh at Harvey” tanong ko kay Fatima

“naku yung dalawang yun pa, ni hindi ka nga iniwan ng mga yun” sagot ni Fatima

“eh asan na sila” tanong ko ulit kay Fatima

“as if naman makikita mo sila” natatawang tugon ni Fatima

“gaga I mean bat wala sila dito” natawa kong tugon kay Fatima

“pinauwi muna nang papa mo, ilang araw na din kasi sila nagbabantay sayo halatang wala pa silang masyadong tulog kaya pinagpahinga muna sila ng papa mo” sagot naman ni Fatima

“ahh ganun ba?” tugon ko

“oo noh” si Fatima

“pero Fatima wag mo sabihin yung kalagayan ko ha ayaw ko kasing mag alala pa sila” pakiusap ko kay Fatima

“hayan ka nanaman Jey kaya lagi ka napapahamak dahil sa mga pasikre sikreto mong yan eh” wika ni Fatima

“baka kasi sisihin pa nila sarili nila eh wala naman sila kasalanan” sabay yuko ko

“hay Jey ang bait mo talaga kung ibang tao lang yan baka nga hindi na napatawad yung dalawang yun” dagdag pa ni Fatima

“siyempre best friend ko dalawang yun saka hindi naman nila sinasadya aksidente lang naman yung nangyari eh” paliwanag ko

“well anyway pano ka kaya makakalusot pagdating nung dalawang yun mamaya” tugon ni Fatima habang nag iisip

“bahala na baka makalusot lang naman hehe” natatawa kong tugon

Medyo nanghihina pa ako nung mga panahong yun pero inalis na ang mga nakakabit sa aking katawan. Dumating na sila kuya at papa para bantayan ako at dinalhan din nila ako ng makakain sabi kasi ng doktor ok lang daw kasi ayaw ko talaga yung pagkain ng hospital.

“Pa kailan ba ako makakalabas dito? Naiinip na kasi ako” para akong batang di mapakali

“wag mo nga muna isipin yun ang isipin mo kung pano ka gagaling” tugon ni Kuya John na tila parang paslit akong pinagsasabihan

“nakausap ko na yung doktor baka after 3 days pwede ka na daw irelease ok na naman daw kasi mga vital signs mo” tugon ni Papa

Habang kumakain ako ay lumapit sa akin si kuya Justin upang ibigay ang locket nang yumao kong ina. Hinawakan nya ang aking kamay at binigay ang locket ni mama.

“Jey heto locket ni mama diba naaalala mo pa pag may sakit tayo heto lagi pinapahiram ni mama sa atin para gumaling tayo agad” wika ni Kuya Justin

“oo nga tagal ko nang di nakita ito” habang hawak hawak ko ang locket

“gaga di mo talaga makikita yan hahaha!” pang aasar ni Fatima

Natawa naman si Kuya John at Kuya Justin sa sinabi ni Fatima

“Pa! si Fatima oh” sumbong ko kay Papa

“Fatima wag mo na nga asarin” pagsaway ni Papa kay fatima

“sorry po tito” sabay yuko ni Fatima

At dumating na nung mga oras na yun si Harvey. Kakakita palang sa akin  ni Harvey ay agad agad siya tumakbo upang yakapin ako.

“Jey natutuwa ako ayos ka na” maluhang luhang bati ni Harvey habang yakap yakap ako

“ok lang ako wag ka mag alala” tugon ko habang nakaupo ako sa aking higaan

Hindi napansin agad ni Harvey ang aking kalagayan, pinagmamasdan lamang kami ng aking pamilya at ni Fatima. Nagpaalam muna si Fatima at ang aking pamilya upang makapag pahangin sa labas at makapag usap naman kami ni Harvey.

“sorry ha dahil sa pagtatalo namin ni Josh nadamay ka pa” paumanhin ni Harvey

“sus wala yun sa dinami dami naman kasi nang pupwestuhan ko sa may hagdan pa hahaha” natatawa kong tugon kay Harvey

“puro ka naman biro eh naaksidente  ka na nga” seryosong tugon ni Harvey

Wala pa rin ideya si Harvey sa aking tunay na lagay dahil nagagawa kong itago ang aking kapansanan sa pamamagitan nang patingin tingin sa iba ibang direksyon. Ngunit tulad nga nang sabi nila walang sikretong di nabubunyag.

“Jey cr muna ako” paalam ni Harvey

“sige lang” tugon ko

Habang nasa CR si Harvey ay aksidente kong nahulog ang locket nang aking ina, kahit medyo nanghihina pa pinilit ko bumaba sa aking higaan upang hanapin yun sa sahig nang biglang lumabas si Harvey mula sa CR.

“Jey ano ba ginagawa mo diyan? Di ka pa malakas baka kung mapano ka” pag aalala at pagtatakang tanong ni Harvey

“ahh wala nahulog ko kasi locket ni mama kinukuha ko lang” tugon ko kay Harvey

“alam mo Jey kung ahas lang yan natuklaw ka na hayan lang sa tabi mo oh” biro ni Harvey

Patuloy parin ako sa pagkapa ngunit hindi ko parin ito makuha, at kumilos na si Harvey para kunin ang locket at i abot sa akin.

“hay kaw talaga heto oh” abot ni Harvey sa akin ng locket

Hindi ko agad naabot ang locket mula sa kanyang kamay dahil hindi ko rin naman matantsa kung nasaan ang kanyang kamay. At doon na nagsimula ang kinakatakutan ko.

“Jey tumingin ka nga sa akin” sambit ni Harvey

“ahh eh kwan” ang mga salitang akin lamang nabitawan

“Jey tumingin ka sabi sa akin eh” utos ni Harvey na may kalakasan na ang boses

Yumuko lamang ako at sinabing

“di ko magagawa yun dahil hindi kita nakikita” mahina kong tugon habang nakayuko ako

“Parang pinagsakluban nang langit at lupa ang naramdaman ni Harvey sa mga oras na yun. Nilapitan nya ako at hinawakan ng dalawa niyang mga kamay ang aking mukha.

“Jey tumingin ka sa akin” umiiyak na sambit ni Harvey

Ngunit nakatingin pa din ako sa kawalan at hindi napagbigyan ang kanyang kahilingan.

“Kasalanan ko ito kasalanan ko ito” pagdadabog ni Harvey habang patuloy siya sa pag tangis.

“wala ka kasalanan aksidente lang ang nangyari” nalulungkot kong paliwanag kay Harvey

“hindi Jey kundi ko sana kinumpronta si Josh di sana hahantong sa ganito” tugon ni Harvey na wala pading tigil sa pag iyak.

Palabas na sana sa pintuan si Harvey nang pigilan ko siya

“wag,  wag mo ako iwan plss natatakot ako” pagmamakaawa ko kay Harvey

At sa mga nasambit kong iyon biglang natigilan si Harvey, agad agad niya akong linapitan at niyakap

“sorry Jey nandito lang ako di kita iiwan” pagtangis ni Harvey habang yakap yakap ako

Makalipas ang ilang minuto ay naka recover din si Harvey sa kalungkutan dahil sinabi ko sa kanya na temporary lang naman ang aking kalagayan kaya wala siya dapat ipag alala.

“Alam mo jey kahit mga mata ko ibibigay ko para sayo” seryosong sambit ni Harvey

“wag na ang ganda kaya ng mga mata ko edi lugi ako noh” natatawa kong pang aasar kay Harvey

“loko toh ahh seryoso ako eh puro ka kalokohan” naiinis na tugon ni Harvey

“binibiro lang kita sobra ka kasing seryoso eh” tugon ko na natatawa padin

“Pero Harvey wala ba mapaglilibangan diyan? nabobore ako eh” tanong ko kay Harvey

“Dinala ko yung gitara akala ko kasi di ka pa din nagigising para may mapaglibangan naman kami ni Josh” tugon ni Harvey

“asan na nga pala siya?” tanong ko

“darating din yun maya maya lang may inayos lang sandali” tugon ni harvey

“Pero Harvey wag mo muna sabihin kay Josh ha, sa reaction mo palang kasi kanina di na kita ma imagine pano pa kaya yun si Josh baka kung ano pa gawin nun” pag aalala kong sambit kay Harvey

“wag ka mag alala naiintindihan kita, tama ka baka kung ano pa gawin nun” tugon ni Harvey

“ o bilis kanta ka nalang” hiling ko kay Harvey

“ikaw nalang ganda ng boses mo eh ako nalang tutugtog” mungkahi ni Harvey

“ay ayoko nga kita mo namang bulag ako baka bawal na gamot pa maisipan kong kantahin” pagtanggi ko

“sira hahaha” natatawang tugon ni Harvey

“ano naman gusto mong kantahin ko?” tanong ni Harvey

“kahit ano yung paborito mong kinakanta para naman malibang ako” tugon ko

At umupo sa tabi ko si Harvey dala ang kanyang gitara at nag umpisa na siyang tumugtog at umawit

(Paki play po)





Habang umaawit siya ay nakapikit lamang ako at nakasandal ang aking ulo sa kanyang balikat

Di ko man maamin
Ikaw ay mahalaga sa akin
Di ko man maisip
Sa pagtulog ikaw ang panaginip
Malabo man ang aking pag-iisip
Sana'y pakinggan mo ang sigaw nitong damdamin

Chorus
Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana ay iyong nariring
Sayong yakap ako'y nasasabik...
Ayoko sa iba
Sayo ako ay hindi magsasawa
Ano man ang iyong sabihin
Umasa ka ito ay diringgin
Madalas man na parang aso't pusa
Giliw sa piling mo ako ay masaya

Chorus
Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana ay iyong nariring
Sayong yakap ako'y nasasabik...

Coda
Pilit mang abutin ang mga tala
Basta't sa akin wag kang mawawala

Ako'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid
Sana ay iyong naririnig
Sayong yakap ako'y nasasabik
Pagkat ikaw lang ang nais makatabi
Malamig man o mainit ang gabi
Nais ko sana iparating na ikaw lamang
Ang siyang aking iibigin


(Paki stop na po)

Matapos ang awit ay tuluyan na akong namaalam, charing! Nakatulog lamang ako hehe

“o ano ok ba?” nakangiting tanong ni Harvey

Di nako naka tugon dahil mahimbing nakong nakatulog

“Jey talaga tinulugan mo nanaman ako” pagkamot  ni Harvey sa kanyang ulo habang nakasandal pa din ako sa kanyang balikat

Hinawakan niya ako dahan dahan at hiniga sa aking kama at kinumutan. Lumabas muna si Harvey para bumili nang maiinom nang masalubong nya si Josh.

“o tol bat ngayon ka lang?” tanong ni Harvey

“medyo traffic eh, kamusta na nga pala si Jey?” tanong ni Josh

“hayun nagising na siya kanina pero natutulog na siya ngayon” tugon ni Harvey

Nagliwanag ang mukha ni Josh sa kanyang mga narinig at ang kanyang kalungkutan ay napalitan ng kasiyahan, nagmamadaling umalis si Josh para puntahan ako

“teka lang san ka pupunta” tanong ni harvey

“puntahan ko lang si Jey” habang papatakbo papalayo si Josh

“wag mo na gisingin ha nagpapahinga na kasi siya” bilin ni Harvey

“sige wag ka mag alala” paalam ni Josh

At tuluyan na nga siya tumungo sa aking silid.

Itutuloy...

No comments :

Post a Comment