Total Pageviews

Wednesday, 1 April 2015

Sa Aking Pagbabalik part 10



Sa Aking Pagbabalik part 10


“Ms. Vasquez wala kang tatanggalin wag kang mag alala ako na ang bahala” seryosong tugon ni Papa

“sige po sir, mauuna na po ako gusto ko lang naman po kasi ipaalam sa inyo bilin nyo po kasi sa akin alagaan ko po si Anghelo” tugon ni Ms. Vasquez

“don’t worry salamat pala at ipinaalam mo sa akin ito” si Papa

Linisan na ni Ms. Vasquez ang opisina ni Papa at tinawag ni Papa ang kanyang sekretarya

“Donna” si papa

“sir bakit po?” tanong ng sekretarya

“ipatawag mo nga si Mr. Villegas gusto ko siyang makausap” tugon ni Papa

Ipinatawag nga ni Papa si Mr. Villegas at mabilis naman itong nakarating sa kanyang opisina

“sir ipinatawag nyo daw po ako” si Mr. Villegas

“maupo ka Mr. Villegas” utos ni Papa

At naupo naman si Mr. Villegas

“ano itong nabalitaan ko na may pinapatanggal ka daw na scholar sa dela Vega foundation?” tanong ni Papa

Namutla at hindi maka imik si Mr. Villegas sa tanong ni Papa

“if I remember it right you’re the Vice President for Marketing and hindi mo departamento ang mga pinapaaral ng kumpanya so tell me anong motibo mo bakit gusto mo ipapatanggal sa kanyang scholarship si Anghelo?” seryosong tanong ni Papa

“ahh sir nakaaway po kasi ng anak ko yung Anghelo and masama po kasi ang ugali ng batang yun” nahihiyang paliwanang ni Mr. Villegas

“bakit have you met Anghelo already? Have you talked to him?” tanong ni Papa

“hindi pa po sir sinabi lang po ng anak ko” nahihiyang tugon ni Mr. Villegas

“so bottomline you’re letting your daughter decide for the company?” tanong ni Papa

“ahh sir hindi naman po sa ganun” nahihiyang tugon ni Mr. Villegas

“look Mr. Villegas kung nga mga anak ko hindi ko hinahayaang makialam sa kumpanya hanggat hindi sila nagtatrabaho dito, tapos ikaw dahil may nakaaway lang yung anak mo sa school gagamitin mo pagka executive mo para lang mapagbigyan  ang anak mo? Then what kind of Vice- President are you?” seryosong sambit ni Papa

“sir pasensya na po hindi na po mauulit” tugon ni Mr. Villegas

“talagang hindi na dapat maulit” seryosong tugon ni Papa

“just remember Mr. Villegas don’t make me regret hiring you” dagdag pa ni Papa

Namula at kinabahan si Mr. Villegas sa huling sinabi sa kanya ni Papa, lumabas siya ng opisina na puno ng takot.

Samantala ay sumaglit ako sa opisina upang makausap si Ms. Vasquez

“ma’am andyan po ba si Ms. Vasquez?” tanong ko sa receptionist

Tinawagan naman ng recpetionist si Ms.Vasquez at pinaakyat na ako sa second floor

“o Anghelo ikaw pala teka wala ka bang pasok ngayon?” ngiting tanong ni Ms. Vasquez

“ma’am wala po kaming pasok sa morning subjects namin mamaya pa pong hapon ang resume bigay ko lang po itong mga iba pang dokumento” tugon ko

“ahh ganun ba? sandali may tatawagan lang ako ipapaalam ko lang sa kanya na andito ka sigurado ako matutuwa yun” si Ms. Vasquez

“ho?” tugon ko habang napapaisip

May kinausap nga si Ms. Vasquez at sinabihan ako na pumunta sa executive’s floor, pagdating ko doon ay sinalubong ako ng sekretarya ni Papa. Nagulat pa siya nung una nya akong makita

“sir J-jey” nauutal na sambit ni Ms. Donna

“ay hindi po, ako po si Anghelo” ngiti kong tugon

“kamukhang kamukha mo talaga si sir J-Jey” tugon ng sekretarya ni Papa habang tinitingnan ako

Dinala nya ako sa opisina ni papa ngunit wala si papa nasa meeting pa daw ito pero matatapos na daw ang meeting maya maya lang. Muli ay may naramdaman nanaman akong kakaiba nung nasa loob ako ng opisina ni Papa parang lagi akong nandoon dati na hindi ko maintindihan.

“o heto juice uminom ka muna” sekretarya ni Papa

“naku salamat po nag abala pa po kayo” tugon ko

“kamukhang kamukha mo talaga si sir J-jey” habang naluluha yung sekretarya ni Papa

“ayos lang po ba kayo?” pag aalala kong tanong

“ayos lang ako miss na miss ko lang talaga yung batang yun alaga ko kasi yun eh” sekretarya ni Papa habang naluluha parin

Lumabas muna ako ng opisina at naupo malapit sa pintuan ng biglang maglabasan sa conference room si Papa kasama ang iba pa niyang mga executives ngunit wala si Mr. Villegas, nung makita ako ng mga matataas na opisyal ng kumpanya ay bigla akong dinumog.

“heto ba si Anghelo? Kamukhang kamukha nga ni Jey” sambit ng bise presidente ng finance

“oo nga naku na miss ko tuloy si Jey” si Mrs. Dominguez habang naluluha ang bise presidente ng administration

Nakipag kilala din sa akin ang ibang mga matataas na opisyal ng kumpanya tuwang tuwa sila habang pinagmamasdan nila ako, sa katunayan ay medyo nahiya talaga ako at hindi nako makapagsalita napapangiti na lamang ako. Natuwa si papa sa mga reaksyon ng kanyang mga executives at dinala nya ako sa loob ng kanyang opisina.

“wala ka bang pasok ngayon?” tanong ni papa

“wala po kami pasok sa mga morning subjects mamaya pa pong hapon yung pasok ko, pumunta lang po ako dito para i submit yung iba ko pa pong dokumento kay Ms. Vasquez” paliwanag ko

“ganun ba edi pwede mo akong samahang mag lunch” ngiting tugon ni papa

“ahh sige po” tugon ko habang medyo nahihiya

Lumabas na kami ng building at sumakay sa kanyang sasakyan, habang nasa sasakyan kami ay tinawagan nya si Kuya Justin at Kuya John para samahan kami maglunch pagkarating namin sa jey’s restaurant ay agad nakasalubong ang manager pati mga waiter ng restaurant halatang halatang VIP ang hinihintay nila, nung makita ako ng manager ay agad itong nagulat

“S-sir Jey” sambit ng manager habang nakatulala

“hindi, siya si Anghelo kamukha lang siya ng anak ko” tugon ni Papa

Ihinatid kami sa VIP area kung saan nakita kong naghihintay si Kuya Justin at Kuya John, nung makalapit na kami ay agad ko silang binati

“good afternoon po” bati ko

“good afternoon din, by the way kuya nalang itawag mo sa amin ha tutal hindi ka narin iba sa amin” ngiting tugon ni Kuya John

“oo nga naaalala kasi namin sayo yung bunso naming kapatid mas matutuwa kami kung kuya nalang itatawag mo sa amin” dagdag pa ni Kuya Justin

Natuwa ako nung marinig mula sa kanila na gusto nilang tawagin ko silang kuya ibang kasiyahan ang naramdaman ko nung mga oras na yun madami kaming napagkwentuhan tungkol kay Jey sa mama nya at iba iba pang bagay may malulungkot may masasaya halos umabot yata kami ng mahigit isang oras sa restaurant.

“Siya nga pala iho narinig ko kaaway mo daw yung anak ni Mr. Villegas sa school?” tanong ni Papa

“ahh yun po ba? wala po yun naiintindihan ko naman po siya kasi nga po kabago bago ko palang sa school napapalapit na ako kila Josh at Harvey tapos lagi pa sila nag aaway dahil lang sa akin kaya normal lang po yun na magalit sya sa akin” paliwanag ko

BIgla namang natawa si Kuya John saka Kuya Justin nung marinig nila ang sinabi ko

“malamang nga mas piliin ka nila Josh at Harvey eh mahal na mahal ng mga yun kapatid namin sigurado ako nakikita nila sayo si Jey kaya ganun, normal lang naman yun hindi dapat magalit si Grace dahil dun” paliwanag ni Kuya John

“hayaan mo na si Grace kakausapin ko nalang ang ate nya” tugon ni Kuya Justin

“siya nga pala iho malapit na ang kaarawan ko gusto ko pumunta ka ha dadalo din ang mga dating kaklase ni Jey dahil inimbitahan ko sila sigurado ako matutuwa ang mga yun pag nakita ka” si Papa

“oo nga Anghelo magiging masaya dun kasi talagang magarbo ang magiging selebrasyon” si Kuya John

“ahh sige po dadalo po ako” ngiti kong tugon

Pagtayo namin para mag handa paalis ay biglang akong kinausap ni Kuya Justin

“Anghelo pwede ka bang mayakap? Miss ko lang kasi kapatid ko eh” si Kuya Justin

“sige kuya yun lang pala” ngiti kong tugon

Niyakap ako ni kuya Justin, nung mga oras na yun nakaramdam ako ng matinding kalungkutan biglang pumatak ang mga luha ko ng hindi ko namamalayan, hindi ko maintindihan pero parang sinasabi ng puso ko ang ibinubulong ng puso ni Kuya Justin kung gaano nya namimis si Jey buti nalang ay hindi nila ito nahalata at agad ko napunasan ang aking mga luha.

Natapos kami kumain at ihinatid ako nila papa sa school. Samantala sa sasakyan habang pabalik na sa school sila kuya at si papa naman ay sa opisina ay tahimik lamang si Kuya Justin

“anak ayos ka lang ba?” pag aalalang tanong ni Papa

“oo nga kuya kanina ka pa tahimik ahh” si Kuya John

“ayos lang ako kanina habang yakap ko si Anghelo parang yakap ko si Jey hindi ko maintindihan” paliwanag ni Kuya Justin

“masyado mo lang namimis si Jey kaya ganun” tugon ni Kuya John

“hindi alam ko pakiramdam ng yakap ang bunso natin, ganun ang naramdaman ko nung yakap ko si Anghelo” tugon ni Kuya Justin

Napaisip naman si Papa sa sinabi ni Kuya Justin

Pagdating ko sa school nung malapit na ako sa classroom ay agad ako sinalubong ni Josh at Harvey

“o Anghelo san ka ba nagpupupunta di ka namin ma contact ano ba no. mo?” tanong ni Josh

“ahh wala naman ako cell” ngiti kong tugon

“sa susunod magpaalam ka naman para di kami nag aalala sayo” tugon ni Harvey

“sorry kung nag alala kayo hayaan nyo sabihan ko kayo sa susunod” tugon ko

Natapos ang araw, samantala sa bahay ng mga Villegas habang nag hahapunan sila

“Grace ano ba yung pinagagawa mo sa akin pati ako napagalitan ni Mr. dela Vega” galit na tanong ng kanyang papa

“bakit papa hindi mo po ba nagawa?” tanong ni Grace

“Hindi dahil nalaman ni Mr. dela Vega yung pinapagawa ko kaya galit na galit sa akin muntik pa akong masisante” tugon ng kanyang Papa

Nagulat sila sa kanilang mga narinig at pinayuhan  na lamang si Grace na hayaan nalang ako

Lumipas pa ang linggo at buwan mas lalo akong napalapit sa aking pamilya pati si Josh at Harvey ay halos ako na ang gustong laging makasama, habang papasok ako sa school ay nakita kong naghihintay sa akin si Josh at Harvey

“o Anghelo ngayon ka lang buti di ka na late” si Josh

“may pinuntahan pa kasi ako” tugon ko

“siya nga pala Anghelo heto nga pala para sayo” si Harvey habang binigyan ako ng isang cellphone na nakalagay sa paper bag

“ha? Para san ito?”

“lagi ka nalang kasi nawawala para hindi na kami nag aalala sayo, para pag hinanap ka namin agad agad ka namin mako contact” tugon ni Josh

Napansin kong new model pa pala yung cellphone, ang mahal mahal pa naman nun kaya nahiya akong tanggapin iyon.

“wag na nakakahiya naman nag abala pa kayo ayos lang ako ang mahal mahal pa naman nyan” pagtanggi ko

“sige na tanggapin mo na sa makalawa pa naman field trip na natin sa tagaytay kakailanganin mo yan ikaw pa naman bigla ka nalang nawawala” pamimilit ni Josh

“hindi ayos lang talaga ako itago nyo nalang yan” nahihiya kong tugon

“Anghelo pls, ipapahiya mo ba naman kami?” si Harvey na halatang kinukunsensya ako

Wala narin akong nagawa kundi tanggapin yung cellphone na bigay nya, pagkakuha ko nun ay bigla namang dumating sa aming kinaroroonan ang grupo ni Grace.

“Tingnan mo nga naman edi lumabas din ang totoo? Pineperahan mo lang si Josh at Harvey” si Grace habang iniinsulto ako

“kapal talaga ng mukha mo talagang hindi ka pumili ng lugar kung san mo huhuthutan ang mga kaibigan namin” galit na sambit ni Elton

“guys ano ba sobra naman kayong magsalita” sambit ni Luke

“wag ka nga makialam Luke obvious naman na mukhang pera talaga yang Anghelo na yan” tugon ni Kate

Nahiya at nanliit ako sa mga sinabi nila kaya ibinalik ko nalang ang cellphone at nilisan ang lugar

“ahh Josh, Harvey salamat nalang ulit ha pero di ko talaga matatanggap” sambit ko habang ibinalik sa kanila ang cellphone at nagmamadaling umalis

“Anghelo teka lang” si Josh habang pinipigilan ako

Ngunit nakaalis na ako at pumasok na ako sa classroom

“ako mabait talaga akong tao wag nyo akong subukan” galit na sambit ni Harvey kila Grace

“pero guys pinoprotektahan lang namin kayo dahil mga kaibigan namin kayo halata namang pineperahan lang kayo ng Anghelo na yun eh” paliwanag ni Elton

“shut up elton! you’ve done enough alam mong mali ang ginawa nyo wag mong idahilan na para sa amin yung ginagawa nyo” galit na tugon ni Josh

“tama si Elton pinoprotektahan lang namin kayo pero bakit hindi nyo makita ang malasakit namin sa inyo? Close tayong lahat nung hindi pa dumarating yang Anghelo na yan pero ano nangyari? Sinira nya ang grupo natin, mas pinilii nyo pa siya kesa sa amin” malungkot na tugon ni Grace

“kasi si Anghelo kahit mahirap lang mabuti naman ang kanyang kalooban eh kayo porke nakaka angat kayo sa buhay napaka matapobre nyo naman” galit na tugon ni Harvey

“sana naman imulat nyo ang mga mata nyo sana ma realize nyo na hindi siya ang taong inaakala nyo, mapagpanggap lamang siya” tugon ni Elton

“walang pupuntahan ang usapan na ito , tara na Harvey umalis na tayo” si Josh habang paalis na

Samantala sa classroom ay nasabi ko kay Dindo, Marie at Fatima ang buong pangyayari

“wala naman masama kung tatanggapin mo yun saka sila naman nagbigay nun eh hindi mo naman hiningi, makitid lang talaga mag isip sila Grace” inis na sambit ni Fatima

“pero Anghelo tama narin ang ginawa mo, kahit naman kasi mahirap lang tayo hindi naman tayo oportunista” si Marie

“oo nga Anghelo ayos lang ginawa mo at least wala silang maisusumbat sayo” si Dindo

Dumating sa classroom sila Josh at Harvey at nakita nila akong malungkot habang nakayuko umupo sila sa tabi ko at kinausap ako

“Anghelo ayos ka lang ba?” pag aalalang tanong ni Josh

“oo ayos lang ako wag kayo mag alala” tugon ko habang may pilit na ngiti

“wag mo nalang sila pansinin ha wala ka naman ginagawang masama eh” si Harvey habang hinawakan ako sa likod

Naging mabilis ang oras at dumating ang oras ng dismissal, mag isa lamang akong umuwi dahil nagpaiwan na muna sila Dindo at Marie, may ireresearch muna daw sila sa library habang naghihintay ako ng masasakyan ay biglang huminto sa harap ko ang sasakyan ni Josh, nakasakay din si Harvey dito.

“Anghelo sabay ka na samin” ngiting sambit ni Harvey

“ahh sige” tugon ko

Nasanay na din kasi akong lagi nilang hinahatid habang nasa sasakyan ako ay niyaya nila akong kumain ng dinner, hindi narin ako tumanggi pa dahil medyo nagugutom na din ako nung mga oras na yun. Masaya kami habang kumakain sa isang restaurant puro tawanan at biruan yung dalawa ako naman ay pinagmamasdan na lamang ang kanilang kasiyahan ewan ko pero masaya din ako pag nakikita ko silang masaya.

“oo nga pala Anghelo may laban kami bukas sa basketball manood ka ha” ngiting sambit ni Josh

“oo ba” ngiti kong tugon

Natapos ang gabi at ihinatid nila ako sa dorm. Nang makababa na ako ng sasakyan ay bumaba din sila

“Anghelo kunin mo na ito” si Josh habang inaabot ang cellphone

“wag na talaga ayos lang naman ako itago nyo nalang yan” ngiti kong tugon

“ano ba Anghelo sige ka magagalit kami sayo” si Harvey habang medyo naiinis na

Wala na ako nagawa kundi tanggapin ang cellphone at magpasalamat

“o pano kita kita nalang tayo bukas ha, manood ka sa laban namin” paalam nila Josh

Pumasok na ako sa loob at doon ay nakita ko sila Dindo at Marie

“o ano yang hawak mo?” tanong ni Dindo

“ahh yung cellphone mapilit kasi sila eh kaya wala nako nagawa” tugon ko

“naks ayos ahh patingin nga” si Marie habang kinuha sa akin ang cellphone

“wow Anghelo ang mahal nito ahh, grabe kakainggit ka naman” si Marie habang tinitingnan

“oo nga eh kaya nahiya talaga ako na tanggapin kanina kaso mapilit talaga sila ayoko namang magalit sila sa akin” paliwanag ko

“ayos lang yun hindi mo naman hiningi, binigay naman nila sayo” tugon ni Dindo

Kinabukasan ay dumating ako kasama nila Dindo at Marie upang manood ng laban nila Josh, at gaya nga ng inaasahan ay punong puno ang gymnasium maririnig mo ang hiyawan at tilian ng mga estudyante papunta na kami dapat sa bakanteng upuan sa pinaka taas ng bigla kaming tawagin ng isang estudyante, yung estudyanteng yun ang pumigil din sa amin dati na makapasok sa VIP area pero sa pagkakataong yun ay iba ang kanyang sinabi sa amin.

“guys pina aabangan talaga kayo ni Josh sa akin, dun daw kayo sa VIP area maupo” sambit nung estudyante

“ha sigurado ka?” tanong ko

“Anghelo wag ka na nga tumanggi grasya na nga lumalapit sa atin eh” excited na tugon ni Marie

Pumasok na kami sa VIP area at sinalubong kami ni Fatima

“ang tagal nyo naman kanina pa namin kayo hinihintay eh” sambit ni Fatima

“nagmadali na nga kami kanina pero di talaga namin expect na makakapasok kami dito” tugon ni Dindo

“bat naman hindi? mga kaibigan na din kayo ng team captain siyempre makakapasok kayo” ngiting tugon ni Harvey

At sa mga oras na yun ay bigla namang dumating ang grupo nila Grace, nang papasok na sila sa VIP area ay bigla silang hinarang nung estudyante

“ahh sorry hindi kayo pwedeng pumasok” sambit nung estudyante

“hindi mo ba kami nakikilala? Mga kaibigan kami ni Josh” mayabang na tugon ni Grace

“baka gusto mong ipaalam namin kay Josh yang ginagawa mong pagharang sa amin” tugon ni Elton

“actually siya nga ang nag utos sa akin na wag kayong papasukin eh si Luke lang daw ang pwede” natatawang tugon nung estudyante

“what?!” tugon ni Elton, Grace at Kate habang halata ang pagkabigla

“oh sorry guys una na ako sa inyo ha” paalam ni Luke habang natatawa

Nagmamadaling umalis sila Grace, Kate at Elton dahil na din sa pagkapahiya

Tumabi sa amin si Luke at nakipagkwentuhan, masarap siyang kausap hindi ko lang maintindihan kasi kung gaano kasama ugali ng mga kaibigan nya ay ganun naman kabait si Luke bat natitiis nyang makisama sa kanila. Naging maganda ang laban at gaya ng inaasahan ay nanalo ang team nila Josh nagkaron ng munting kasiyahan at inimbita kami ni Josh kasama ang kanyang mga team mates sa kanilang munting salo salo ipinakilala niya kami sa kanyang team, halatang halata ang pagkakilig ni Marie habang nakikilala nya isa isa ang mga crush nya kaya inaasar namin siya nila Dindo

“uy marie tumutulo laway mo masyado kang halata” biro ko kay Marie habang natatawa ako

“shet! Totoo? Grabe nakakahiya naman” tugon ni Marie habang pinupunasan ang bibig nya

“hahaha grabe marie naniwala ka naman ang tindi talaga ng tama mo” si Dindo habang tawa ng tawa

“naku wag ka mag alala Marie madami sa mga yan wala pang girlfriend” dagdag pa ni Fatima habang natatawa din

“puro talaga kayo kalokohan eh, o Anghelo tara samahan mo muna ako may nakalimutan ako sa gym eh” pag aya ni Harvey

Pumayag naman ako ngunit paglabas namin ay madilim na at halos wala ng tao sa campus, kaya takot na takot ako

“ahh Harvey iba nalang isama mo nakakatakot kasi eh” sambit ko habang di ako mapakali

“hahaha Anghelo matatakutin ka talaga para ka talagang si Jey pero wag ka mag alala andito naman ako di kita pababayaan” ngiting tugon ni Harvey

Pumunta na nga kami sa gymnasium pero iniwan ako ni harvey para pumasok siya sa opisina, restricted area kasi yun kaya di nya ako maaaring isama, takot na takot ako ng mga oras na yun halos nanginginig ako sa sobrang takot dahil medyo natagalan din si Harvey bago makabalik pagdating nya ay nakita nya akong namumutla sa sobrang takot

“ayos ka lang ba Anghelo?” tanong ni Harvey

Tumango lamang ako at patuloy parin sa panginginig

“Halika nga rito” linapitan nya ako at niyakap ng mahigpit

“wag ka mag alala andito lang ako di naman kita pababayaan eh” si Harvey habang yakap ako

Nung mga oras na yun ay iba ang aking naramdaman parang naramdaman ko na dati ang yakap na yun naramdaman ko na protektado ako na hindi nya ako pababayaan at gaya ng dati hindi ko maintindihan pero nung mga oras na yun biglang nawala lahat ng takot ko

“ano ayos ka na ba?” tanong ni Harvey

“oo ayos na ako salamat ha” tugon ko

“alam mo ganyan na ganyan din kasi ginagawa namin ni Josh kay Jey pag natatakot siya di ko alam pero effective din pala sayo” ngiting tugon ni Harvey

Bumalik na kami sa kasiyahan at nakita namin si Josh, kanina pa raw pala niya kami hinahanap at kinwento sa kanya ni Harvey ang nangyari natawa naman si Josh nung marinig ang kwento ni Harvey

“hahaha kapareho mo nga si Jey matatakutin din, pero ayos ka na ba?” tanong ni Josh

“oo ayos na ako” ngiti kong tugon

Natapos ang kasiyahan kinabukasan ay sabay sabay na kami nila Dindo at Marie sa meeting place andun na din ang bus na sasakyan namin para sa fieldtrip, wala pa sila Josh at Harvey pati na din si Fatima kaya nauna na kaming sumakay ng bus umupo ako sa kaliwang bahagi ng bus sila Dindo at Marie naman ay sa kanang bahagi.

“o Anghelo dito ka nalang tumabi sa amin” aya ni Dindo

“di naman tayo mapupuno eh kaya ayos lang dito nalang ako” tugon ko

Dumating na din sila Fatima , Josh at Harvey at bigla silang tumabi sa akin pinagitnaan nila ako

“waaa kumpleto na kayo kainis san ako uupo?” inis na tanong ni fatima

“Fatima dito ka nalang” aya ni Marie

At umupo na nga si Fatima sa tabi ni Marie, dumating ang grupo ni Grace ngunit hindi man sila pinansin nila Josh nakita ako ni Elton na katabi si Josh at Harvey kaya ganun nalang ang tingin nya sa akin ng masama. Masaya kami nagkukwentuhan habang nagbibiyahe nang makarating kami sa tagaytay ay para kaming mga bata nagtatakbuhan kasama ang mga dati kong kaklase ay pinuntahan namin ang mga magagandang lugar sa tagaytay, kita sa mga mata nila Elton ang inggit at galit habang nakikita nila ako na masayang kasama nila Josh at Harvey. Dumating ang oras ng lunch at magkakasama kaming lahat kumain nung matapos ang lunch at nagpatuloy naman kami sa pagkuha ng mga picture madami rin kaming natutunan na bagay bagay dahil pinapaliwanag din sa amin ng tour guide ang bawat bagay, tanawin at iba pang mga nakikita namin, medyo napalayo kami at napunta kami sa isang matarik na lugar. Napaka delikado sa lugar na yun dahil pwede kang mahulog sa bangin.

“o Anghelo ingat ha baka mahulog ka” sambit ni Harvey

Nang bigla akong madulas at tumuloy tuloy na malapit sa bangin pero buti nakahawak ako sa sanga ng isang puno, napasigaw ang mga kaklase ko nung makita ako na malapit na mahulog, bigla namang tumakbo sa aking kinaroroonan si Josh at hinila ako papunta sa ligtas na lugar. Natakot ako sa nangyari kaya tulala ako at hindi makapagsalita

Bigla naman akong niyakap ni Josh ng mahigpit at hinimas ang aking buhok

“ayos na Anghelo wag ka na matakot andito nako” si Josh habang yakap yakap ako

At muli sa mga oras na yun ay nakaramdam nanaman ako ng pamilyar na yakap pakiramdam ko ay protektado ako na hindi niya ako hahayaang mapahamak gaya ng yakap ni Harvey ang yakap ni Josh ang pumawi sa lahat ng takot na naramdaman ko nung mga oras na yun.

“Anghelo ligtas ka na maayos na ang lahat wala ka na dapat ikatakot naiintindihan mo?” si Josh habang hawak hawak ang aking mukha

“ayos na ako salamat talaga” tugon ko

Agad naman naglapitan ang mga kaklase ko para kamustahin ako at tingnan kung maayos na talaga ang kalagayan ko

Kita naman sa mukha ni Elton ang pagka inggit sa kanyang nakita dahil sa dalawang taon nilang pagkakaibigan nila Josh at Harvey ay hindi pa siya nayakap o ipakita man sa kanya na importante siya sa mga ito.

Natapos ang araw at halatang napagod ako masyado dahil nakatulog ako agad, napasandal ang aking ulo sa balikat ni Harvey

“tol mukhang napagod talaga si Anghelo” mahinang sambit ni Josh

“oo nga alam mo natakot talaga ako kanina akala ko mahuhulog sya” mahinang tugon ni Harvey

“alam mo tol may aaminin ako sayo, kanina habang yakap yakap ko siya para talagang si Jey ang yakap ko iba pakiramdam ko ganun kasi pakiramdam ko pag yakap ko matalik na kaibigan natin” paliwanag ni Josh

“oo tol alam ko kagabi din nung yakap ko siya ganun din ang naramdaman ko parang si Jey ang yakap ko hindi ko rin maintindihan” tugon ni Harvey

Nakabalik na kami ng Manila at nakauwi na kaming lahat, Samantala sa bahay ng mga Villegas

“ma, pa I’m home na” sambit ni Grace

“o iha kamusta naman ang field trip nyo?” tanong ng mama nya

“ok naman ma, inis lang ako dahil andun din yung Anghelo na yun” tugon ni Grace

“hayaan mo nalang siya iha after all hindi natin siya ka level” tugon ng mama nya

“sige ma punta lang ako sa kusina medyo nauuhaw kasi ako” paalam ni Grace

Samantala nag uusap naman sa may kusina si Inay at Itay

“Anton kamusta na kaya si Jhun? Miss ko na talaga yung batang yun” sambit ni Inay

“ano ka ba Linda mag ingat ka naman sa sinasabi mo tandaan mo Anghelo pangalan nya pag nalaman nilang hindi natin siya tunay na anak baka mawala pagka scholar nya” mahinang sambit ni Itay

“oo nga pala pasensya na” tugon ni Inay

Ngunit lingid sa kaalaman nila ay narinig lahat ni Grace ang kanilang pinag usapan

“ano? Hindi nila tunay na anak si Anghelo?” mahinang sambit ni Grace habang nagulat

Itutuloy...


Author’s note:

Ihanda nyo na ang inyong mga sarili para sa next chapter ang pinaka aabangan nyong lahat :)

No comments :

Post a Comment