Total Pageviews

Wednesday, 1 April 2015

Sa Aking Paglisan part 12



Heto na po yung kasunod hinabaan ko po talaga yan para sa inyo natataranta kasi ako pag umaabot ng 20+ comments kaya napapaaga lagi pag post ko hahaha! Salamat po uli sa pagsuporta ninyo.

Salamat uli kina Jay, R.J., zekie, jayfinpa, Mars, Rue, ernes_aka_jun, darkboy13, dada, marclestermanila, wastedup, j.v, kokey, mcfrancis, blue, migz, Pink 5ive, kenrei_yu, Dave17, sfgiants, ram, David Thaddeus, Jhae17 , nate, brokenarmor, ron ron, russ, MArc at sa lahat po ng anonymous na nag comment.

Pasensya na po kung hindi ako makapag reply sa mga comments nyo unlike yung ibang authors may tendency po kasi na maibigay ko po yung mga mangyayari kaya iniiwasan ko po talaga hehe. Again salamat po uli sa lahat ng suporta ninyo salamat po sa pag rate, pag comment  at least alam ko na marami yung nagugustuhan yung kwento ko.

Wag po kayo mag aalala try ko po maipost agad yung part 13


______________________________________________

Sa Aking Paglisan Part 12

Inabutan ako ni Josh na natutulog, puno nang kagalakan ang kanyang nararamdaman nang malaman niya mula kay Harvey na nagising na ako. Nilapitan nya ako hinimas ang aking ulo.

“Jey salamat naman ayos ka na, alam mo ba pinakaba mo talaga kami ni Harvey akala namin mawawala ka na sa amin, hinding hindi ko mapapatawad ang aking sarili pag may masamang nangyari sayo”  ang kanyang nasambit habang naluluha ang kanyang mga mata

Nagulat si Josh nang bigla akong magsalita

“aphrodite layuan mo ako tanggapin mo nalang na ako na ang bagong diyosa nang kagandahan” ang mahina kong sambit habang ako ay nananaginip

Napakamot nalang si Josh sa kanyang nakita at narinig

“ano ba yan Jey hanggang ngayon ba naman pala napapanaginipan mo pa ding diyosa ka ikaw talaga” habang napabuntong hininga si Josh

“sige magpahinga ka na diyan para lumakas ka agad, pangako di na kita iiwan” ang nasabi ni Josh matapos ay hinalikan niya ako sa noo.

Samantala ay nasa may pintuan lamang pala si Harvey at tinitingnan kami

“Tol promise yan ha di mo na ulit siya iiwan” nakangiting sambit ni Harvey

“o andyan ka na pala, oo naman kahit nagtampo ako diyan sa lokong yan sobra ko naman siyang namis” tugon ni Josh habang hawak hawak ang aking kamay.

“kamusta na pala siya nagising ba kanina?” tanong ni Harvey

“hindi nanaginip lang” tugon ni Josh

“let me guess greek goddess nanaman siya?” natatawang sambit ni Harvey

“oo di parin talaga nagbabago, first year palang tayo yan diba lagi niya napapanaginipan hahaha” habang natatawa pa din si Josh

“loko talaga yan si aphrodite pa talaga siya di man lang si apollo hahaha” si Harvey habang wala parin tigil sa pagtawa

Habang nagtatawanan sila Josh at Harvey ay dumating na si papa kasama sila kuya at Fatima.

“o Josh andito ka na pala” bati ni Papa

“good evening po tito, opo kadarating ko lang po kanina” tugon ni Josh

“hay naku nakatulog na pala, teka nga” sabay lapit ni Fatima

“hoy Jey gising na may itsitsimis ako sayo” pabiro ni Fatima

“ano ba Fatima nagpapahinga na eh” saway ni Harvey

“sus ang sungit nito FYI ako kasa kasama ni Jey nung iniwan niyo siya noh tseh!” biro ni Fatima na

“sige ipaalala mo pa, wala na ba? baka may gusto ka pang idagdag?” sarkastikong tugon ni Harvey

“wala na po sorry po” tugon ni Fatima na parang batang nagdadabog

“tama na nga yan para kayong bata” pag saway ni Papa

“by the way tito kailan po ba makakalabas si Jey?” tanong ni Josh

“ ahh baka after 3 days pwede na daw pero mahihirapan pa siya lalo na sa kalagayan niya” tugon ni Papa

“ano pong kalagayan nya?” nagtatakang tanong ni Josh

“ahh diba may”  at biglang sumabat si Harvey at Fatima

“siyempre mahina pa katawan niya kaya mahihirapan pa talaga siya” sabat ni Harvey

“oo nga yun nga dahilan” dagdag pa ni Fatima

Nagtaka naman si Josh sa biglang kinilos ni Harvey at Fatima pero hinayaan na lamang niya ito. Nilapitan naman ni Fatima ang aking ama at binulungan ito.

“Tito ayaw pa po ipaalam ni Jey kalagayan niya kay Josh” bulong ni Fatima

“ahh ganun ba sorry di ko alam” tugon ni Papa

Bigla naman nagtaka si Fatima kung pano nalaman ni Harvey kaya linapitan naman niya ito agad.

“hmm siya nga pala pano mo nalaman na di nakakakita si Jey?” tanong ni Fatima

“nabuking ko siya kanina, itatago nyo pa sa akin eh best friend ko yan kahit anong tago pa gawin niya malalaman ko din yun” paliwanag ni Harvey

“sabagay may point ka pero pano kaya si Josh eh best friend din nya yun sigurado mabubuking din siya” si Fatima habang nag aalala

“well weather we like it or not Josh will soon find out” tugon ni Harvey

Mag aalas onse na nang gabi nung matapos ang kanilang kwentuhan

“Guys gabi na umuwi na kayo kami na ang magbabantay” si Kuya Justin

“pero kuya maiwan nalang kami para bantayan si Jey” pakiusap ni Josh

“oo nga gusto po namin pag gising niya andito lang kami” dagdag pa ni Harvey

“o sige ganito nalang maaga nalang kayo bukas, may aasikasuhin din kasi kami bukas” mungkahi ni Papa

“oo ganun nalang kailangan ko din kasi bumalik sa school bukas” dagdag ni Kuya John

Napapayag naman sila Josh at Harvey sa mungkahi nang aking ama at nagpaalam na nga sila sa aking pamilya.

“eh pano naman ako?” tanong ni Fatima

“umuwi ka na din pag andyan ka pa naman kung ano ano kalokohang pinapasok nyo ni Jey” tugon ni Kuya John

“uy di kuya ha si Jey may pakana lahat nun hahaha pero anyway sige balik nalang din ako bukas” si Fatima habang nahihiya

“Sabay ka na sa akin ihahatid na kita, nasa labas lang driver ko” si Josh

“ok sige sabay na ako sayo, eh si Harvey sabay ka din ba sa amin?” tanong ni Fatima

“nope andyan din sa baba yung driver ko pero sabay nako sa inyo pababa” tugon ni Harvey

“grabe ang yayaman nyo talaga” si Fatima na parang kinikilig

Nagpaalam na sila Josh, Harvey at Fatima sa aking pamilya habang nasa elevator sila ay kinausap sila ni Josh.

“may tinatago ba kayo sa akin?” seryosong tanong ni Josh

“wala ano naman itatago namin” tugon ni Harvey

“oo nga naman para namang magaling ako magtago ng sikreto noh” dagdag pa ni Fatima

“ah ok wala lang naitanong ko lang” sagot ni Josh habang naghihintay sa elevator

Medyo kinabahan si Harvey at Fatima sa tanong ni Josh akala nila ay mabubuko na silang dalawa.

Kinabukasan ay maagang nagpunta si Harvey at Fatima sa hospital dahil sabado naman kaya wala ding pasok si Fatima at dahil narin supendido parin si Harvey at Josh sa school kaya walang naging problema. Dinatnan nila akong nakaupo kausap yung lalaking nurse.

“matagal ka na ba dito?” tanong ko

“hindi mag wa one year palang ako dito” sambit ng nurse

“may asawa ka na ba?” nakangiti kong dagdag na tanong

“wala pa girlfriend palang” tugon nang nurse

Pumasok na si Harvey at Fatima sa aking silid

“o andito na pala mga kaibigan mo sige iwan ko na kayo” paalam nung nurse

“teka sino kayong mga dumating? Kasama ba si Josh?” excited kong tanong

“hindi kami palang ni Fatima wag ka mag alala padating na din yun maya maya lang” tugon ni Harvey

“uy Harvey gwapo ba yung nurse?” excited kong tanong

“ba malay ko kayo lang naman ni Fatima mahilig sa mga ganun si Fatima tanungin mo” natatawang tugon ni Harvey

“sus ang kj nito, oi Fatima ano masasabi mo sa nurse” tanong ko kay Fatima

“hmm pwede na kaso Jey kung kukumpara sa mga hearthrob ng school ang layo sa mga lalaki natin hahaha” tugon ni Fatima habang humahalakhak

“sa madaling salita magmumukha siyang driver pag tinabi samin ni Josh” natatawang pagyayabang ni Harvey

“sus ang yabang kapit tayo” pang aasar ko

“sira ka talaga oo nga pala Jey mag almusal ka na heto na yung almusal mo na dinala nung nurse kanina” si Harvey habang inaayos yung aking almusal

“yoko nga ng hospital food eh” pagtanggi ko

“sige na para tuluyan ka nang gumaling para makapamasyal tayo pag galing mo” pangsusuyo ni Harvey

“tseh ano ako bata di mo ako mauuto” pang aasar ko

“pls Jey para samin nalang kumain ka na susubuan kita” pangsusuyo parin ni Harvey

“yoko nga baka mamaya ano pa isubo mo waaaaaaaaaaaaaaaaaa wahahahaha” habang tawa ako ng tawa

“wahahahahah grabe ka Jey ahahahaahaha” halakhak ni Fatima na nakuha ang ibig kong sabihin

“loko ka Jey bastus mo ha bahala ka na nga, Fatima kaw na nga magpakain diyan” sambit ni Harvey na halatang napikon.

“uy Harvey binibiro lang kita ha” bati na tayo pangsusuyo ko

Ngunit tahimik lang si Harvey di man lang siya umimik

“yan lagot ka, ikaw kasi ang landi mo hahaha” pang aasar ni Fatima habang wala pa ding tigil sa pagtawa

“uy Harvey sorry na, heto naman di na mabiro” patuloy parin ako sa aking pangsusuyo

Pero wala parin ayaw nya talaga ako kibuin

“o sige teka lang hugas muna ako kamay sa CR” paalam ko

Tumayo ako nang aking higaan at naglakad nang may matamaan ako at bigla ako nadapa sa sahig

“ay Jey!” napasigaw si Fatima

“ano ba Jey mag iingat ka naman” naiinis na sambit ni Harvey habang tinutulungan ako makatayo

“o kitams kelangan ko pa pala uli mapahamak bago ako kibuin” pang aasar ko kay Harvey

“ di ka na nakakatawa ha, nakakapikon ka na” tugon ni Harvey na halatang naiinis na

“sorry na kasi” pakiusap ko

“oo na sige na susubuan nalang kita” tugon ni Harvey

“yey makakakain nako” sambit ko na parang bata habang natatawa pa din ako

“o hayan ka nanaman ha” saway ni Harvey

Natapos na ako kumain at nakipagkwentuhan nalang kila Fatima at Harvey nang dumating si Josh. Akala ko si kuya ang dumating at may nakalimutan lamang ito. Pagbukas ng pinto

“kuya ikaw ba yan siguro may nakalimutan ka nanaman noh?” nakangiti kong tanong habang diretso lamang ang aking tingin

Nagtaka si Josh sa aking mga nasambit pero di parin siya umimik. Si Harvey at Fatima naman ay di mapakali sa nasasaksihan pipigilan na sana ako ni Harvey nang bigla ako bumangon at maglakad papuntang CR. Kitang kita ni Josh ang aking nakakaawang kalagayan natulala siya sa kanyang nasaksihan na tila alam na niya ang totoong nangyari sa akin. Tumakbo siya papalayo at hinabol naman siya agad ni Harvey

“Jey si Josh yun” kabadong sambit ni Fatima

“naku patay na ang tanga ko talaga hayz” naiinis kong nasabi

“di bale hinabol na siya ni Harvey sana maging maayos na” alalang tugon ni Fatima

Samantala sa labas ng hospital

“Pare teka lang” pagpigil ni Harvey

“tol bat di niyo sinabi sa akin na di na siya nakakakita karapatan kong malaman yun tol” tanong ni Josh habang wala parin tigil sa pag tangis

“tol ayaw ipasabi ni Jey dahil nag aalala siya sa magiging reaksyon mo alam niyang sisisihin mo ang iyong sarili” paliwanag ni Harvey

“oo tol tama siya di ko mapapatawad ang aking sarili kasalanan ko ito kasalanan ko ito!” sigaw ni Josh habang patuloy sa pag iyak

“Josh tahan na alam mo ba malulungkot si Jey pag nakita niyang nagkakaganyan ka saka temporary blindness lang naman yun Josh kaya wag ka na mag alala” naiiyak na sambit ni Harvey

“sorry tol pero naiinis ako sa sarili ko” tugon ni Josh habang patuloy parin sa pag tangis

“miss na miss ka na niya hinahanap ka nga nya kanina matitiis mo ba si Jey ha Josh? Sige na Josh bumalik na tayo sa taas” pakiusap ni Harvey

“hirap na hirap nako tol gustong gusto ko na mayakap ang best friend ko pero naduduwag pa din ako ” ang nasambit ni Josh habang patuloy pa din sa pagtangis

At sa mga oras na yun ay tumakbo na nga papalayo si Josh, nagbalik naman si Harvey sa aking silid na malungkot.

“Kamusta si Josh?” nag aalala kong tanong kay Harvey

“hayun hindi matanggap yung nangyari sayo iyak pa din ng iyak, pero Jey hayaan mo muna siya let’s give him space” sambit ni Harvey

“oo tama ka iba nga pala siya pag ganyan kelangan talaga niya mapag isa kawawa naman best friend ko” ang malungkot kong tugon

Lumipas ang dalawang araw at naging maganda ang aking kondisyon pinayagan na din ako nang aking doktor na makalabas ng hospital at makauwi. Habang pauwi kami ay kinausap ko si Papa

“Papa pwede na ba ako pumasok bukas?” tanong ko kay Papa

“Anak di mo pa kaya sa kalagayan mong yan baka mahirapan ka” paliwanag ni papa

“ eh papa kung hihintayin ko pang makakita ako baka di nako maka graduate nyan sayang naman” pilit ko kay papa

Napapayag ko naman si Papa pero ang gusto niya ay may magbabantay sa akin. Nangako naman sila Fatima at Harvey na babantayan nila ako at aalagaan natapos na din kasi ang suspension nilang dalawa ni Josh kaya pwede na din sila pumasok. Kinabukasan ay hinatid na ako nang driver namin sa eskwelahan sinalubong naman ako ni Fatima at Harvey kasama ang aking mga kaklase at iba pang kamag aral

“welcome back Jey!” sigaw nila

“naku salamat sa lahat excited na talaga ako makabalik” ngiti kong tugon

“gaga sa likod ka nakaharap eh nasa kabila yung kausap mo hahaha!” pang aasar ni Fatima

“ay ganun ba sori hahaha” natawa kong tugon

Hindi ako iniwan ni Harvey at Fatima pati nga mga kaklase ko ay laging nasa tabi ko lang nung mga panahong yun hanggang sa sumapit ang lunch time kasama ko kumain si Harvey, Fatima at mga kaklase ko. Nung matapos kami maglunch ay umupo muna kaming tatlo nila Harvey at Fatima sa may plant box ng eskwelahan, nagpaalam muna si Fatima para kunin yung naiwan niya sa classroom si Harvey naman ay sumaglit lang sa malapit na bookstore para bumili ng mga kailangan para sa project mamaya.

“Jey diyan ka lang ha may kukunin lang ako sandali” bilin ni Fatima

“ako may bibilhin lang sa bookstore dalwang minuto lang ako wag ka aalis diyan ha” bilin naman ni Harvey

“sige lang san naman ako pupunta noh hehe” pilosopo kong sagot

At umalis na nga ang dalawa at naiwan akong mag isa sa plantbox nang dumating si Neil.

“well well well tingnan mo nga naman ang bilis talaga nang karma noh?” sarakastikong parinig ni Neil

“well well well your face kasi mukhang balon yung mga bakas ng tagyawat mo sa mukha kaya mas nakarma ka” ganti kong tugon

“sana di ka na makakita ulit at mabulag ka na ng tuluyan” galit na tugon ni Neil

“ok lang na mabulag ako habang buhay kesa naman yung mukha mo yung nakikita ko noh etchoserang palaka” pang aasar ko

“aba ang kapal nito” galit na papalapit sa akin si Neil

Itutulak na sana ako ni neil nang biglang dumating si Harvey

“don’t you dare touch him kung ayaw mong paduguin ko yang nguso mo” pagbabanta ni Harvey

“no Harvey you don’t get it siya yung nauna he provoked me” depensa ni Neil

“unggoy pano kita i provoke eh bulag nga ako malay ko ba kung nandyan ka na, bat di mo gamitin yung palakang brains mo noh” pang aasar ko kay Neil

“umalis ka nalang pwede?” galit na sambit ni Harvey kay Neil

Tuluyan na nga lumayo si Neil pero pumunta lamang siya dun sa isang lugar kung saan nakikita pa rin niya kami.

“Ayos ka lang ba? sinaktan ka ba niya?” pag aalalang tanong ni Harvey

“Hindi ayos lang ako kahit naman di ako nakakakita yakang yaka ko pabagsakin palakang yun” pagmamalaki ko.

“sus ikaw talaga dapat di na kita iniwan kanina” pag aalalang tugon ni harvey

“hindi ok lang yun siya nga pala nasaan na nga ba si Josh? Di man lang siya nagparamdam” malungkot kong tanong kay Harvey

“di ko alam eh  wag ka mag alala andyan lang yun” tugon ni Harvey

At sa mga oras na yun bigla akong nakarinig nang tugtog galing sa booth ng music room, napatigil ang mga mag aaral, guro at aking mga kaklase sa kani kanilang ginagawa nang mag umpisang magsalita si Josh mula sa second floor ng music room.

“I would like to dedicate this song sa pinaka mamahal kong best friend na sa dinami dami nang pagsubok sa buhay ay nalagpasan pa din niya yun nang nakangiti, kahit isa ako sa mga naging dahilan nang kanyang kalungkutan naging mapagbigay at mauunawain parin siya kaya para sayo ito Jey and I’m sorry sa lahat ng mga nagawa ko sana mapatawad mo ako.

At dun na nga nag umpisa nang umawit si Josh

(Paki Play po)


Intro:
I was wrong when i hurt you
But did you have to hurt me too
Did you think revenge will make it better?
I don't care about the past
I just want our love to last
There's a way to bring us back together

Chorus:
I must forgive you
You must forgive me too
If we wanna try to put things back
The way they used to be
'cause there's no sense in going over and over
The same things as before
So let's not bring the past up anymore

Out of all the good we had
You only keep track of the bad
Though you knew i never really loved her
Didn't anyone tell you yet
That to forgive is to forget
How can you be mad if you don't remember

Repeat Chorus:
I must forgive you
And you must forgive me too
It's the only thing that's left
That we haven't try to do
One thing that i'm sure will work
That we haven't tried before
Let's not bring the past back anymore

Matapos ang kanyang awit ay bumaba siya para puntahan ako at niyakap nya ako.

“I love you Jey sana mapatawad mo ako” nasambit ni Josh habang nakaupo ako at nakayakap sa bewang nya.

“wala yun ako nga dapat maghingi ng sorry sayo eh” ang naluluha kong tugon

“alam mo namiss kita” sabay pisil ni Josh sa aking pisngi

“o baka mag iyakan pa kayo niyan” pang aasar ni Harvey

 Nagpalakpakan ang aking mga kaklase at kamag aral pati narin ang mga guro habang ang iba ay naluluha pa, si Fatima naman ay di mapigilan ang pag iyak. Si Neil halatang halata sa kanyang mga mata ang inggit sa akin dahil sa kanyang mga nasaksihan nakadagdag pa dito ang pang aasar ni Pamela

“Look at them Neil, eat your heart out” pang aasar ni Pamela

“bat ako di nila mapatawad pero siya napatawad nila?” inis na tanong ni Neil

“eh kasi mahal nila ang best friend nila” sagot ni Pamela

Sa sobrang inis ni Neil ay umalis na lamang siya.

Itutuloy...

No comments :

Post a Comment