Sa Aking
Pagbabalik part 9
“H-Harvey”
sambit ko habang nanginginig sa sobrang lamig
“ano ba
pumasok sa ulo mo at nagpaulan ka” tanong ni Harvey
Ngunit di
na ako umimik at ibinaba nalang muli ang aking tingin, itinayo ako ni Harvey
habang pinapayungan ako.
“Halika na
umuwi na tayo” aya ni Harvey
“hindi sige
ayos lang ako” tugon ko habang patuloy pa ding nilalamig
“wag na
matigas ang ulo mo, tingnan mo nga nilalamig ka na baka magkasakit ka pa niyan
eh” pag aalalang tugon ni Harvey
Isinakay
nya ako sa kanyang sasakyan habang nagmamaneho siya ay patuloy pa din ang lamig
na aking nararamdaman
“nilalamig
ka pa din ba? pinatay ko na aircon ahh” pag aalalang tanong ni Harvey
Tumango
lamang ako at ipinikit na lamang ang aking mga mata, kinuha naman ni Harvey ang
kanyang jacket sa likod ng kanyang kotse at ikinumot sa akin.
“ikaw naman
kasi ano ba pumasok sa utak mo bat ka nagpabasa, para ka talagang si Jey sobra
pasaway” sambit ni Harvey
Iminulat ko
ang aking mga mata at napansin kong iba ang daan naming tinatahak
“mali yata
daan papunta sa dorm namin” sambit ko
“medyo gabi
na sa bahay ka nalang muna” tugon ni Harvey
“salamat na
lang pero baka hanapin kasi ako sa dorm” sambit ko
“wag ka mag
alala sasabihan ko nalang si Marie kasama naman nya ngayon si Fatima eh” tugon
ni Harvey
“nakakahiya
naman makaka abala pa ako sa inyo ni Josh”
“wag ka mag
alala ako naman ang may kasalanan kaya nagkaganyan ka, siya nga pala sorry
kanina ha nabigla lang ako pero wala ka naman talagang kasalanan” si Harvey
“ayos lang
yun may kasalanan din naman ako nakialam kasi ako” tugon ko
Nang
makarating na kami sa penthouse nila Josh at Harvey ay wala paring tao sa loob.
Pumasok si Harvey sa kwarto ni Jey at kumuha ng mga damit.
“o Anghelo
heto mga lumang damit ni Jey suotin mo na muna kasukat mo naman kasi siya eh”
si Harvey habang ibinibigay sa akin ang mga damit
“may damit
pala dito si Jey” sambit ko
“oo mula
nung binili kasi namin itong penthouse ni Josh gusto nyang parang andito pa din
si Jey kaya halos puno ng mga gamit ni Jey yung kwartong yun na para dapat talaga
kay Jey” tugon ni Harvey
Nagpalit
ako ng damit isinuot ko yung mga ipinahiram sa akin ni Harvey na damit ni Jey,
kasyang kasya sa akin ang mga damit hindi ko alam parang sinadya yata talaga
para sa akin itong mga damit na suot ko, paglabas ko ay sinalubong ako ni
Harvey
“tama nga
ako kasyang kasya sayo mga damit ni Jey” sambit ni Harvey
“ahh oo nga
eh” ngiti kong tugon
“kumain ka
na ba? gawa lang kita ng soup” paalam ni Harvey habang papunta sa kusina
“wag na
nakakahiya naman naka abala na nga ako” tugon ko
“hindi ok
lang ito sige maupo ka na lang diyan” si Harvey
Naupo na
nga ako sa sala, nakaramdam muli ako ng panlalamig at panghihina kaya ipinikit
ko na muna ang aking mga mata hanggang sa makatulog ako.
“Siya nga
pala Anghelo natawagan ko na sila Josh at Fatima pati narin sila Robert kanina
pabalik na sila dito” si Harvey habang nasa kusina
Ngunit
hindi ako tumugon, linapitan ako ni Harvey dala dala ang sopas
“tingnan mo
toh tinulugan ako” si Harvey habang medyo natatawa
Tinapik ako
sa pisngi ni Harvey para gisingin at pakainin
“Anghelo
gising ka muna kain ka muna” si Harvey habang tinatapik ako sa pisngi
Ngunit
hindi ako tumugon, napansin nya na inaapoy ako ng lagnat at nanginginig
“inaapoy ka
ng lagnat” pag aalalang sambit ni Harvey
Binuhat nya
ako at dinala sa silid ni Jey at ihiniga sa kama saka kinumutan, nanginginig
ako nung mga oras na yun
“nagpaulan
ka pa kasi, hayan tuloy” si Harvey habang hinahawakan ang aking noo
Dumating
sila Josh, Fatima at mga kagrupo namin
“napano si
Anghelo?” pag aalalang tanong ni Josh
“inabutan
ko kanina basang basa sa ulan kaya dinala ko dito, nagkatotoo yung
kinakatakutan kong mangyari nilagnat nga sya” tugon ni Harvey
“naku
kawawa naman” si Fatima
“ahh Josh,
Harvey ako nalang magbabantay sa kanya” pakiusap ni Marie
“hindi ok
lang marie kami na magbabantay sa kanya, umuwi na kayo at magpahinga” tugon ni
Harvey
“o sige
kayo bahala saka sorry nga pala sa mga nasabi ko kanina ha” nahihiyang sambit
ni Marie
“wala yun
totoo naman mga sinabi mo ako pa nga dapat magpasori” ngiting tugon ni Harvey
Di na din
napilit nila Fatima at Marie na magpaiwan at alagaan ako, umalis na sila at
naiwan naman ako sa pangangalaga ni Josh at Harvey. Habang nasa kwarto sila
“kumain na
ba siya?” tanong ni Josh
“hindi pa
tol kaya di ko pa mapainom ng gamot” tugon ni Harvey
“pakainin
na natin siya, hindi pwedeng hindi siya uminom ng gamot baka kung mapano siya”
pag aalalang sambit ni Josh
Umupo sa
tabi ko si Harvey at ginising nila ako dahil medyo nahihilo pa ako kaya
pinasandal ako ni Harvey sa kanyang dibdib habang sinusubuan ako ng pagkain ni
Josh. Nang matapos akong makakain ay pinainom nila ako ng gamot at ibinalik
nila ako sa pagkakahiga at kinumutan. Habang binabantayan nila ako ay kinausap
ni Harvey si Josh
“tol may
tampo ka pa ba sa akin?” tanong ni Harvey
“wala na
yun kalimutan mo na yun may kasalanan din naman ako dapat inunawa nalang kita,
alam mo naman tayo na nga lang dalawa natitira mag aaway pa ba tayo” paliwanag
ni Josh
“sorry ha
kung naglilihim ako sayo alam mo namang napakahalaga mo sa akin ikaw nalang
natitirang best friend ko kaya di ko magagawang saktan ka, pero tol may dapat
kang malaman, hindi naman totoong hindi ko dinadalaw puntod ni Jey eh, sa
katunayan nga nyan lagi ko siya dinadalaw gusto ko lang kasi pag kinakausap ko
siya kaming dalawa lang” paliwanang ni Harvey
“sabi ko na
nga ba hindi mo din siya matitiis eh, wag ka mag aalala kahit kasama ko iba pa
nating kaklase lagi naman nagpapaiwan ako sa puntod ni Jey para makausap din
siya ng sarilinan” ngiting tugon ni Josh
“pero may
nararamdaman parin akong galit sa kanya dahil sa pag iwan nya sa atin, siguro
darating din ang panahon na maghihilom din yung sugat at sakit na nararamdaman
ko pero hindi pa ngayon. Pero alam mo naman kung gaano ko kamahal ang kaibigan
natin kaya alam ko maayos din ang lahat” paliwanag ni Harvey
“ayos lang
yun tol naiintindihan kita, tingnan mo nga pala si Anghelo hindi ko alam pero
ang gaan gaan talaga ng loob ko sa kanya parang matagal na natin siyang kilala”
sambit ni Josh
“oo aaminin
ko na ganyan na ganyan din ang nararamdaman ko sa kanya lalo pa nung una ko
siyang makita hindi ko alam pero parang sumasaya ako pag kasama natin siya”
paliwanag ni Harvey
“sayang
kung nabubuhay pa sana si Jey na iimagine ko na itsura nya pag nakita nya si
Anghelo, eh ayaw na ayaw pa naman nun na may kamukha” si Josh habang natatawa
“tama ka
tol” pag sang ayon ni Harvey habang natatawa din
Magdamag na
hindi ako iniwan ni Josh at Harvey sa katunayan nga nyan sa kwarto na sila
nakatulog dahil sa pagbabantay sa akin. Kinabukasan ng magising ako ay may
narinig akong mga nag aawitan sa may sala, na parang ang saya saya nila.
(Paki play
po)
Habang nag
gigitara si Harvey ay sabay silang dalawa kumakanta ni Josh, napakaganda ng
tinig ng dalawa hindi ko alam pero nung marinig ko silang umaawit parang nawala
ang sakit na aking nararamdaman. Lumabas ako sa may pinto at pinanood ko sila
hanggang sa matapos nila ang awit.
“galing
tol! Ang tagal na din natin hindi umaawit noh” sambit ni Josh
“oo pareho
kasi tayong nawalan ng gana magmula nung mamatay si Jey” malungkot na tugon ni
Harvey
“oo nga
pero masaya ako bumalik na din ang dati mong sigla” ngiting tugon ni Josh
“kahit
naman ikaw eh hahaha” si Harvey habang tumatawa na
Ang sarap
nilang pagmasdan lalo kapag masaya sila nakakatuwa silang tignan, habang
pinapanood ko sila ay bigla silang napatingin sa aking kinaroroonan.
“o Anghelo
gising ka na pala, ayos ka na ba?” tanong ni Josh
“dapat di
ka na muna tumayo baka mabinat ka pa niyan eh” pag aalalang sambit ni Harvey
“ahh hindi
ayos na ako salamat nga pala sa inyo kagabi ha, nakakahiya naman naka abala pa
ako” nahihiya kong tugon
“wala yun
wag mo alalahanin yun sige na mahiga ka nalang uli baka kung mapano ka pa eh”
si Harvey
Dumating
naman si Fatima na may dalang mga pagkain
“o Fatima
ang aga mo yata dami mo naman dalang pagkain mabubusog kami sigurado nyan” biro
ni Harvey
“tseh hindi
para sa inyo ito noh para kay Anghelo ito, di nyo na nga ako pinayagang
bantayan siya kagabi kaya heto nalang bubusugin ko siya hehe” biro ni Fatima
“nag abala
ka pa nakakahiya naman sa inyo sobra sobra na nga naitulong nyo sa akin” sambit
ko habang medyo nahihiya
“sus wag mo
isipin yun ang mahalaga ay magpagaling ka” ngiting tugon ni Fatima
Sa mga oras
na yun ay bigla namang dumating sila Grace, Kate, Luke at Elton, nagulat sila
ng makita ako na nasa loob ng kwarto ni Jey.
“ano ba ang
ginagawa nyan dito?” galit na tanong ni Grace
“nilagnat
kasi kagabi kaya pinatulog namin dito” tugon ni Josh
“talagang
sa kwarto pa ni Jey? Ako nga nagalit kayo sa akin nung pumasok ako diyan pero
siya pinatulog nyo pa talaga diyan? Nabulag na talaga kayo ng Anghelo na yan!
Bakit Josh, Harvey ano ba meron yang Anghelo na yan, na wala ako bukod sa
kamukha lang nya si Jey? Bakit mas importante pa ba siya kesa sa akin?” galit
na sambit ni Elton
“hindi
naman sa ganun Elton kaya lang nagkasakit kasi siya, ganun din naman ang
gagawin namin sayo pag sayo nangyari yun” paliwanag ni Josh
“oportunista
talaga yang Anghelo na yan alam kasi niya ang grupo natin ang pinakasikat sa
school kaya ganyan nalang kung makakapit ang kapal talaga ng pagmumukha” pang
iinsulto ni Kate sa akin
“hoy mag
ingat ka sa pananalita mo baka nakakalimutan mo na nobody lang din kayo sa
school kung hindi lang dahil sa amin kung makapag salita ka akala mo kung sino
ka” tugon ni Fatima
Napahiya at
natahimik si Kate sa sinabi ni Fatima kaya yumuko na lamang ito. Samantala si
Grace at Elton ay di man lang natinag sa halip ay pilit pa akong pinapaalis.
“hoy
Anghelo siguro naman magaling ka na kaya makakaalis ka na, hala lumayas ka
dito” galit na sambit ni Grace
“ang galing
galing mo umarte, bravo napabilib mo na kaming lahat kaya umalis ka na!” dagdag
pa ni Elton
Gusto kong
matunaw sa kahihiyan sa aking mga narinig nung mga oras na yun, pero ikinabigla
ko ang sinabi ni Harvey
“wala
kayong karapatang magpalayas dito lalo pa sa sarili naming pamamahay kung may
dapat man na umalis dito kayo yun” galit na tugon ni Harvey
“Pero
Harvey, Josh mas pinapanigan nyo pa yang Anghelo na yan kesa sa aming dalawang
taon nyo nang kaibigan?” tanong ni Grace
“you heard
Harvey makakaalis na kayo” galit na tugon ni Josh
Wala na nga
nagawa ang mga magkakaibigan kundi lisanin ang penthouse nila Josh at Harvey
“ahh
Anghelo pag pasensyahan mo na lang sila ha, basta pagaling ka nalang” ngiti ni
Luke habang papaalis na din
“hindi pa
tayo tapos” matalim na sambit ni Elton
Nung
makalabas na sila ay para akong nabunutan ng tinik, nakahinga na din ako ng
maluwag kaya napagpasyahan ko nang magpaalam
“ahh guys
tama naman sila sabit lang naman talaga ako ayoko naman masira dalawang taong
pagkakaibigan nyo dahil lang sa akin kaya magpapaalam na ako, maraming salamat
talaga ha tatanawin ko itong malaking utang na loob” ngiti ko habang
nagpapaalam
“wag mo na
lang pansinsin yun matagal na din naman akong asar sa mga yun masyado lang
talagang mabait yung dalawang mokong na ito kung bakit kasi sinali pa sa grupo”
inis na tugon ni Fatima
“sira ka
talaga Fatima kami pa sinisi mo” si Josh habang natatawa
“wag ka na
umalis Anghelo magpahinga ka nalang baka mabinat ka pa eh” pag aalalang tugon
ni Harvey
“hindi ayos
na talaga ako kaya ko na umuwi salamat nalang talaga ha” tugon ko
“wag na
matigas ang ulo mo magtatampo kami sayo niyan eh, sige na mahiga ka nalang uli”
si Josh
“pero
kumain ka na muna at uminom ng gamot bago ka magpahinga ha para gumaling ka na”
ngiting sambit ni Fatima
Wala na nga
ako nagawa kundi makinig sa kanila, dahil weekend naman kaya walang pasok,
nagpalipas pa ako ng isang araw sa penthouse nila Josh at Harvey dinalaw din
ako nila Marie at Dindo para kamustahin, kinabukasan nang masiguro nilang
magaling na nga talaga ako ay ihinatid na nila ako sa dorm. Habang nasa dorm
ako ay kinausap ako nila Marie at Dindo
“grabe
Anghelo ibang level ka na sila Josh at Harvey pa talaga ang nag alaga sayo
nakakainggit ka” si Marie habang kinikilig
“oo nga
talaga palang napaka bait ng dalawang yun” si Dindo
“oo nga eh
nahiya talaga ako sa kanila” tugon ko
Hindi ako
nakapunta kahapon sa tagpuan namin nila Inay at Itay yun kasi ang araw ng day
off nila dahil na din sa nagkasakit ako kaya napagpasyahan ko na ngayong hapon
ay puntahan na sila sa bahay ng kanilang amo para makamusta ko na din sila.
“guys
puntahan ko mamaya sila Inay at Itay hindi ko kasi sila napuntahan kahapon
nagkasakit kasi ako eh” sambit ko
“teka
magpahinga ka nalang hindi ka pa lubos na magaling saka bilin nila Josh at
Harvey na wag ka na muna palalabasin ng dorm” tugon ni Marie
“hindi ayos
na ako kakamustahin ko lang naman sila Inay at Itay tapos uwi na din agad ako”
tugon ko
“o sige
kung mapilit ka pero sasama kami sayo mahirap na baka kung mapano ka pa” tugon
ni Dindo
Pinuntahan
na nga namin ang bahay ng pamilya Villegas para dalawin sila inay at itay.
Nakita naman namin sila sa hardin habang may inaayos.
“Inay,
Itay” excited kong sambit nung makita ko sila
“o anak
ikaw pala nabalitaan namin ang nangyari sayo sinabi kasi samin ni Marie nung
makita namin siya sa tagpuan natin dapat, ano ayos ka na ba?” pag aalalang
tanong ni Inay
“oo nga
anak nagkasakit ka daw? Magaling ka na ba? pasensya ka na wala kami para
alagaan ka” si Itay
“naku wag
na po kayo mag alala ayos na po ako kayo po kamusta naman po?” tugon ko
“ayos lang
kami anak wag mo kami alalahanin, basta pagbutihin nyo lagi ang pag aaral nyo
ha sayang din kasi ang scholarship na bigay sa inyo ng dela Vega foundation
ipakita nyo sa kanila na hindi sila nagkamali sa pagpili sa inyo” tugon ni Inay
“opo Inay
wag po kayo mag alala pag bubutihan ko po ang pag aaral ko” ngiti kong tugon
“naku aling
Linda wag po kayo mag alala nag aaral po talaga kami ng mabuti” si Dindo
“oo nga po
hindi naman po namin ipapahiya yung dela Vega foundation” dagdag ni Marie
Samantala
ay di ko namalayan na nakikinig pala sa pinag uusapan namin si Grace, bigla
nalang siyang lumabas malapit sa aming kinaroroonan
“well well
well look who’s here andito pala ang oportunista kong kaklase” pang iinsulto ni
Grace
Tumahimik
na lamang ako dahil ayaw ko narin ng gulo
“sobra ka
naman kung makapagsalita” sambit ni Marie
“tumahimik
ka baka hindi mo alam kung sino ako? Ako lang naman ang anak ng bise presidente
ng dela Vega group, baka gusto mong ipatanggal ko yang scholarship mo” si Grace
habang tinatakot si Marie
Natahimik
si Marie at napayuko na lamang
“o ano
hindi ka makapag salita noh ang lalakas ng loob nyo eh mga patay gutom lang
naman kayo lalo na ikaw Anghelo anak ka lang pala ng katulong namin kung maka
papel ka sa school akala mo kung sino ka” galit na sumbat ni Grace
Bigla
namang lumabas sa bahay ang mommy at ate ni Grace nung marinig ang mga pang
iinsulto ng kanilang anak.
“iha anong
nangyayari sayo bakit nagwawala ka?” tanong ng mama ni Grace
“eh heto ma
yung Anghelo na toh ang mortal na kaaway ko sa school masyadong mapapel eh”
tugon ni Grace habang dinuduro duro ako
“ahh hindi
naman po” nahihiya kong tugon
“anong
hindi? magmula nung dumating ka napalayo na samin sila Josh at Harvey” tugon ni
Grace
“aba Linda
at Anton mapapel nga naman pala itong anak nyo eh baka nakakalimutan nyo kung
ano kayo dito sa pamamahay namin? Tama mga katulong kayo kaya turuan nyo itong
anak nyo na matutong lumugar” galit na sambit ni Mrs. Villegas
“ma’am
pasensya na po” tugon ni Itay
Bigla
namang nilapitan ako ni Lisa at sinampal
“ang kapal
din naman ng mukha mo, tama nga pala ang mga nakwento sakin ng kapatid ko
masyado kang mapapel” galit na sambit ni Lisa
“ma’am tama
na po” habang inilalayo ako ni Itay
Bigla
namang lumapit ang kanilang ina at hinawakan ako sa panga
“tandaan mo
lahat ang mga sinabi namin sayo, layuan mo ang grupo ng anak ko!” galit na
sambit ng kanilang ina habang hawak hawak ako sa panga
Nilisan nila
ang aming kinaroroonan at pumasok na muli sa bahay
“anak
pasensya ka na ha sabi ko naman kasi sayo wag ka na pumunta dito eh, yan pa
tuloy inabot mo” si Inay habang inaayos ang aking sarili
“oo nga
anak wag ka nalang papa apekto sa mga sinabi nila, basta pagbutihan mo lang ang
pag aaral mo makakaalis din tayo dito” si Itay
“wala po
yun ayos lang po yun gusto ko lang naman po talaga kasi kayo makita” tugon ko
Nakaramdam
ako ng hiya at panliliit sa mga pang iinsulto ni Grace at ng kanyang pamilya sa
akin at aking pamilya ngunit pinabayaan ko na lamang yun, hindi ko dapat iyakan
ang bagay na yun dahil wala naman akong maling ginagawa at malinis ang
konsensya ko. Nagpaalam na ako kay Inay at Itay, habang papalakad kami pauwi ay
kinausap ako ni Dindo at Marie
“Anghelo
ayos ka lang ba?” tanong ni Marie
“oo naman
hindi naman ako magpapa apekto dun alam ko namang wala ako ginagawang masama”
tugon ko
“grabe
naman kasi sa pagka matapobre yung pamilyang yun” si Dindo
Kinabukasan
araw nanaman ng pasukan at ngayon ay hindi na ako na late sa katunayan nga nyan
ay maaga ako nakarating sa school nadatnan ko pa sila Josh at Harvey pati narin
sila Fatima, Beth at Tom sa labas ng classroom na nagkukwentuhan. Pagkakita
nila sa akin ay agad nila akong tinawag, pinuntahan ko naman sila agad
“o Anghelo
ayos ka na ba? nabalitaan kasi namin nangyari sayo” si Tom
“salamat
wag kayo mag alala ayos na ako” ngiti kong tugon
“Hindi nga
pala kami nakapagpakilala sayo dati, ako nga pala si Beth at ito naman si Tom
iba kasi course namin pero mga kaibigan din nila kami” ngiti ni Beth
“ikinagagalak
ko kayong makilala” ngiti kong tugon
“nabalitaan
din namin ginawa nila Grace sa bahay nila Josh at Harvey wag mo nalang pansinin
mga yun may sayad talaga mga yun” si Beth
Bigla
namang dumating ang grupo nila Grace sa aming kinaroroonan
“tingnan mo
nga naman kung sino ang nandito, walang iba kung hindi ang anak ng katulong at
driver namin, tama ang narinig nyo he’s just one desperate social climber” pang
iinsulto sa akin ni Grace
“eh ano
ngayon kung anak siya ng katulong? And for information matagal na naming alam
yun pero unlike you hindi kami tumitingin sa estado ng pamumuhay ng isang tao”
tugon ni Josh
“hindi nga
ako nagkamali na makipag hiwalay sayo Grace, grabe ang ugali mo” si Harvey
“subukan mo
pa ulit insultuhin si Anghelo babaliin ko talaga yang leeg mo” inis na tugon ni
Fatima
“call ako
diyan sis matagal na din ako nagtitimpi sa ugali niyang Grace na yan at least
ngayon ipinakita na nya” si Beth
Bigla
namang natahimik si Grace sa kanyang mga narinig, nagsalita naman agad si
Elton.
“guys don’t
tell me itatapon nyo 2 years nating pagkakaibigan para lang diyan sa Anghelo na
yan, bat mas pinipili nyo pa siya kesa sa amin” tanong ni Elton
“Wala
kasing pagkukunwari sa ugali ni Anghelo kaya nagustuhan namin siya hindi tulad
nyo” tugon ni Josh
At dun na
nga ay tuluyan nang pumasok sila Josh, Harvey at mga iba pa naming mga kaklase
sa classroom, naiwan kami ni Grace at kanyang mga kaibigan dun, medyo kinabahan
ako dahil sigurado ay iinsultuhin nanaman
ako ng mga ito buti nalang ay tinawag ako ni Harvey
“Anghelo
tara na” si Harvey habang tinatawag ako
Pumasok na
din ako sa loob ng classroom at umupo sa aking upuan sa gitna ni Josh at
Harvey, habang nag didiscuss ang teacher ay kinausap ako ni Josh at Harvey
“Anghelo
wag ka muna aalis mamaya ha may pupuntahan tayo ni Harvey” ngiting sambit ni
Josh
“ha? San
naman tayo pupunta?” tanong ko habang nagtataka
“basta
maghintay ka lang may ipapakilala kami sayo” si Harvey habang naka ngiti
Samantala
sa opisina ni Papa
“Donna” si
Papa habang tinatawag ang kanyang sekretarya
“sir bakit
po?” tanong ng kanyang sekretarya
“ipatawag
mo nga si Ms. Vasquez yung mga namamahala sa mga scholars sabihin mo dalhin din
ang mga papeles ni Anghelo Suarez” utos ni Papa
Dumating si
Ms. Vasquez sa opisina ni Papa dala dala ang aking mga papeles at iba pang
dokumento. Pinaupo siya ni Papa
“sir
pinatawag nyo daw po ako? Heto po pala yung mga dokumento ni Anghelo” si Ms.
Vasquez
“kamusta
naman bang scholar si Anghelo?” tanong ni Papa
“kauumpisa
palang naman po ng pasukan kaya hindi pa po namin nakakausap ang kanilang mga
guro pero sa pagkaka interview ko po kay Anghelo at ayon na din sa record nya
sa dati nyang eskwelahan ay mukhang matalino naman po ang bata” tugon ni Ms.
Vasquez
“ganun ba?
sige gusto ko alagaan mo si Anghelo bantayan mong maigi ang kanyang pag aaral
natutuwa talaga ako sa batang yun” tugon ni Papa
“eh sir bat
ganun nalang po ba ang interes nyo kay Anghelo pwede ko po bang malaman?”
tanong ni Ms. Vasquez
Binuksan ni
Papa ang kanyang cabinet sa table at kinuha ang aking larawan saka pinakita kay
Ms. Vasquez
“s-sir si
Anghelo po yan ahh” gulat na sambit ni Ms. Vasquez habang tinitingnan ang aking
larawan
“heto ang
bunso kong anak na si Jey namatay siya dalawang taon na ang nakakalipas kaya
ganun nalang ang pagkatuwa ko pag nakikita ko si Anghelo” tugon ni Papa
“sir sorry
po dahil po tuloy sa tanong ko nahalungkat tuloy yung nakalipas pasensya na po
ulit” nahihiyang tugon ni ms. Vasquez
“walang
anuman sige makakaalis ka na pero iwan mo muna itong mga papeles at dokumento
ni Anghelo kakailanganin ko pa ito” utos ni Papa
Umalis na
si Ms. Vasquez at tinawag muli ni Papa ang kanyang sekretarya
“Donna”
tawag ni Papa
“sir bakit
po?” tanong ng sekretarya
“papasukin
mo na yung private investigator” utos ni Papa
Pumasok ang
private investigator at kinausap sya ni Papa
“Good after
noon po” bati ng private investigator
“good
afternoon din, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa gusto kong imbestigahan mo
ang lahat tungkol sa taong ito, heto ang mga dokumento at kanyang papeles
makakatulong ito” utos ni papa
“sige po
sir pero para saan po ba ito?” tanong ng imbestigador
“hindi ko
alam pero magaan kasi ang loob ko sa batang yan alam kong imposible pero para
kasing lukso ng dugo ang nararamdaman ko” tugon ni Papa
“ahh sa
madaling salita gusto nyo malaman kung anak nyo po ba ang batang ito?” tugon ng
imbestigador
“oo yun na
nga” tugon ni Papa
“sige po
sir pero kung sa DNA test palang sigurado ako matatagalan pa bago tayo makakuha
ng resulta” tugon ng imbestigador
“wala
problema kahit matagalan ang importante ay makasiguro ako” tugon ni papa
Samantala
sa aming kinaroroonan sa oras ng dismissal
“ano
Anghelo handa ka na ba?” si Josh
“oo pero
san ba tayo pupunta?” pagtataka ko
“basta may
ipakikilala lang kami sayo” tugon ni Harvey
Sumakay na
kami sa sasakyan ni Josh dinala nila ako sa isang sementeryo, naglakad kami
papunta sa isang puntod pagdating namin dun ay nakita ko ang pangalang Jey dela
Vega
“heto ba si
Jey?” tanong ko
“oo yan
yung isa pa naming matalik na kaibigan” tugon ni Harvey
Napatingin
naman ako sa katabing puntod nito at natulala ako nung mabasa ko ang pangalang
Rose dela Vega, nilapitan ko ito at hinawakan ang pangalan hindi ko alam pero
biglang tumulo ang aking mga luha nung mga oras na yun.
“Anghelo
ayos ka lang ba?” pag aalalang tanong ni Josh
“oo nga bat
umiiyak ka?” tanong ni Harvey
“h-heto ba
ang mama ni Jey?” nauutal kong tanong habang umiiyak ako
“oo yan si tita
rose pero mas nauna siyang namatay kay Jey, malapit nga yang si Jey sa mama
nya” paliwanang ni Josh
“pero bakit
ka umiiyak?” tanong ni Harvey
“ahh wala
ito naaawa lang siguro ako kay jey” pagsisinungaling ko, ang totoo ay may kung
anong tumutusok sa aking puso nung makita ako ang puntod ng ina ni Jey
Nagtagal pa
kami dun ng ilang oras nakakatuwa sila dahil kinakausap nila si Jey, si Harvey
halatang may tampo parin dahil sa mga sinasabi nya. Magdidilim na nung mga oras
na yun kaya nakaramdam ako ng takot
“Josh,
Harvey pwede bang umuwi na tayo? Magdidilim na kasi nakakatakot na” sambit ko
habang di mapakali
“hahaha!
Ikaw talaga alam mo ba ganyan na ganyan din si Jey matatakutin” si Josh habang
tawa ng tawa
“oo nga tol
naalala ko pa di nga natin maiwan si Jey pag nasa sementeryo tayo hahaha” si
Harvey habang tawa din ng tawa
Umuwi na
kami at ihinatid na nila kami sa Dorm, samantala sa bahay nila Grace habang
kumakain sila ng buong pamilya nya
“Pa I need
a favor” sambit ni Grace
“ano yun
anak” tanong ng Papa nya
“gusto kong
tanggalin mo sa pagka scholar ng dela Vega foundation yung Anghelo Suarez, you
can make that happen naman diba?” paglalambing ni Grace
“pero bakit
naman?” tanong ng Papa ni Grace
“Hon gawin
mo nalang ang gusto ng anak natin tama si Grace masyadong mapapel ang Anghelo
na yan tuloy napapalayo na yung anak natin sa grupo nila Josh at Harvey pano
sila magkakabalikan ni Harvey kung ganun ang nangyayari” paliwanag ng mama ni
Grace
“I agree pa
tutal vice president ka naman ng company I’m sure magagawa mo naman yun” si
Lisa
“ok ok yun
lang pala don’t worry para sa mahal kong anak gagawin ko ang lahat” ngiting
tugon ni Mr. Villegas
Kinabukasan
sa kumpanya ipinatawag ni Mr. Villegas si Ms. Irene Vasquez sa kanyang opisina
“ikaw ang namamahala
sa mga scholars hindi ba?” tanong ni Mr. Villegas
“opo sir
ako nga po” tugon ni Ms. Vasquez
“gusto kong
tanggalin mo sa pagka scholar yung Anghelo Suarez” utos ni Mr. Villegas
“ho? Sir
pero bakit po?” gulat na tanong ni Ms. Vasquez
“wag ka nang
magtanong gawin mo nalang ang inuutos ko! Maliwanag?” sigaw ni Mr. Villegas
Lumabas sa
opisina si Ms. Vasquez at dali daling nagpunta sa opisina ni Papa
“o bakit
humahangos ka may problema ba?” tanong ni Papa
“eh sir
inuutos po kasi ni Sir Villegas na tanggalin ko daw po sa pagka scholar si
Anghelo” tugon ni Ms. Vasquez
“what?!”
galit na tanong ni Papa
Itutuloy...
Abangan ang
pagbabalik ni Anghelo sa kanyang tunay na estado hehe
By the way guys hindi ko pala tatapusin ito dahil lang dun sa isang taong naninira alam ko naman kung sino siya pero hayaan nyo na siya hehe. Ayaw ko kasi ng paligoy ligoy planado kasi bawat chapters nito kaya stick to the plan lang naman lagi ako hindi porke madami nagbabasa pahahabain ko na, baka kasi masira lang ang story ayoko naman mangyari yun :)
oo nga pala alam ko excited na kayo sa muling pagbabalik ng alaala ni Jey malapit na po kailangang kailangan lang kasi sa story na may mga daanan pa para maramdaman nyo yung emotions sa muli nyang pagbabalik parang yung nangyari sa pagwawakas ng sa aking paglisan hindi ganun kabigat mararamdaman nyo kung hindi kayo naumay sa pagsasamahan ng tatlo hehe :) Anyway hindi ko pa naman kayo binigo :)
By the way guys hindi ko pala tatapusin ito dahil lang dun sa isang taong naninira alam ko naman kung sino siya pero hayaan nyo na siya hehe. Ayaw ko kasi ng paligoy ligoy planado kasi bawat chapters nito kaya stick to the plan lang naman lagi ako hindi porke madami nagbabasa pahahabain ko na, baka kasi masira lang ang story ayoko naman mangyari yun :)
oo nga pala alam ko excited na kayo sa muling pagbabalik ng alaala ni Jey malapit na po kailangang kailangan lang kasi sa story na may mga daanan pa para maramdaman nyo yung emotions sa muli nyang pagbabalik parang yung nangyari sa pagwawakas ng sa aking paglisan hindi ganun kabigat mararamdaman nyo kung hindi kayo naumay sa pagsasamahan ng tatlo hehe :) Anyway hindi ko pa naman kayo binigo :)
No comments :
Post a Comment