Total Pageviews

Wednesday, 1 April 2015

Sa Aking Paglisan part 8

Sa aking paglisan part 8

“Aphrodite dahil nahigitan ka na ni Jey sa angking kaganadahan inaalis na kita bilang diyosa ng kagandahan” Si Zeus ang hari ng Olympus

“Jey dahil sa iyong di matawarang kagandahan ikaw na ngayon ang bagong diyosa ng kagandahan” si Zeus.

“Salamat po kamahalan wag po kayo mag alala aking ipamamahagi sa mga tao ang aking kagandahan” ang aking natutuwang tugon sabay halakhak

At sa mga oras na yun nagbunyi ang buong Olympus...

“Jey, Jey, Jey gising na” si Harvey

“ano ba inaantok pa ako istorbo ka naman eh ganda ganda ng panaginip ko eh” sabay kamot saka bumalik sa pagtulog

“pati diyan sa panaginip mo ang harot harot mo, bangon ka na nga diyan” pangungulit ni Harvey

Magdadalawang linggo na buhat nang ihatid namin sa huling hantungan ang aking ina, dahil sa pagluluksa nakiusap ako sa aking mga guro at principal na magpaliban muna sa klase pumayag naman sila na walang pag aalinlangan pinapadala nga din nila sa akin ang aking mga aralin at exam upang kahit papano ay hindi ako mahuli sa klase. Sila Fatima at ang aking mga kaklase dinadalaw naman nila ako sa bahay paminsan minsan si Harvey  halos araw araw kung dalawin ako, si Josh mukhang ni text or tawag man lang sa telepono ay di man lang niya ako naalala, mukhang di na talaga niya ata ako mapapatawad pero naiintindihan ko naman yun kahit sino naman sigurong best friend ganun din magiging reaksyon mukhang nag jackpot lang ako kay Harvey dahil madali niya akong napatawad.

Umupo si Harvey sa kama ko at pilit pa rin ako ginigising

“Ano ba Jey bangon ka na sabi diyan eh, alalahanin mo pinangako mo ngayong araw ka na papasok sa school” si Harvey

“Hindi mag drop na ako sa school ayaw ko na pumasok, tinatamad nako ikaw nalang sige na tulog nako ulit”

At tumalikod na nga ako at pumikit sabay takip ng aking unan, para di na marinig si Harvey

“Jey napipikon na ako ang tigas nanaman ng ulo mo, diba pangako mo kila tito na di ka na magiging pasaway eh ano ginagawa mo niyan” naiinis na wika ni Harvey

“asus as if naman inabutan mo yung drama kong yun eh di ba nga nag walkout ka nun” pang aasar ko kay Harvey

“Andun ako nasa may likod lang ako saka wag ka na ma milosopo ha napipikon na ako sayo, ano ba talaga babangon ka ba o hindi? Galit na tugon ni Harvey

“Siyempre Hindi” natatawa kong pang aasar kay Harvey

“o sige aalis na ako pero wag mo nako kakausapin kahit kailan ha” galit na tugon ni Harvey

Tatayo na sana siya nang hilahin ko siya sa kamay.

“Binibiro ko lang eh, eto naman siyado seryoso” pabiro ko sa kanya

“eh hindi ka nakakatawa, nakakainis ka na eh” iritang tugon ni Harvey

At humiga ako sa kanyang kandungan

“uy bespren wag ka na magalit sa totoo lang kasi parang ayaw ko na pumasok medyo nahihiya din kasi ako sa sasabihin nang ibang mga nasa school tapos isa pa si Josh baka mas magiging masaya siya kung hindi na niya ako makikita” ang nalulungkot kong tugon habang nakahiga ako sa kanyang kandungan.

“Alam mo Jey namimis ka na nga ng mga schoolmate natin lagi ka nga nila hinahanap sa akin sinasabi ko nalang na ayos ka lang at makikita ka na nila uli. Ang saya saya nga nila nung malaman nilang ngayong araw ka na ulit papasok.” Si harvey habang hinihimas ang aking buhok

“eh si Josh hinahanap ba niya ako?” tanong ko kay Harvey

Biglang natahimik si Harvey sa aking tanong.

“ahh eh wag mo na intindihin yun magkakaayos din kayo nun” si Harvey

“ganun ba sige pakisabi nalang sa kanya pinapakamusta ko siya” ang nalulungkot kong tugon kay Harvey

Bumaba na si Harvey ako naman ay naligo na at nagbihis para maghanda sa pagpasok sa school. Pagbaba ko ay naabutan ko si Harvey kasama si Papa at Kuya John nagkukwentuhan.

“o anak handa ka na ba? mag almusal ka muna bago ka pumasok sa school” si papa

“Pa asan si kuya Justin?” tanong ko kay papa

“kagabi pa umalis sa dorm na yun uuwi hindi na siya nakapag paalam sayo ang himbing na kasi nang tulog mo kagabi” si papa

“ahh ok po”

Nag almusal na kami at naghanda na sa pagpasok sa school

“Jey alalahanin mo sabi ng doktor bawal ka sa mga softdrinks saka junkfoods baka kung ano ano nanaman pagkakainin mo dun at oo nga pala kahit nakapag pahinga ka na ng ilang araw wag ka muna magpapagod baka maulit nanaman yung nangyari sayo dati” bilin ni Kuya John

Medyo acidic nga pala ako ngayon gawa narin na lagi ako nalilipasan ng gutom nung mga nagdaang araw kaya pag nasosobrahan ako sa mga pagkaing pinagbabawal sa akin eh medyo nanlalambot ako hehe. Di na bago sa akin ito lalo pa nung bata ako mahilig ako magpalipas ng gutom dahil na rin sa mga computer games. Ayaw na din nila ako masyadong napapagod mula nung mahospital ako dati.

“Don’t worry kuya bantay sarado si Jey sa akin subukan nya lang maging pasaway tatamaan talaga sa akin yan” pang aasar ni harvey

“no problem basta pag nag pasaway yan kahit bugbugin mo pa yan ok lang sa akin” natatawang tugon ni Kuya John

“pa oh pinapabugbog ako ni kuya” paawa effect ako kay papa

“magsitigil na nga kayo diyan sige na Jey pumasok na kayo sa school baka ma late pa kayo at ako nagmamadali na rin ako may board meeting pa kami” si papa

Pumasok na kami ni Harvey sa school pero natigilan ako nung nasa gate na kami.

“Naku bigla sumama pakiramdam ko hawakan mo ako mukhang nilalagnat ako, mauuna nako pakisabi di muna ako makakapasok” ang palusot ko sabay talikod at aalis na sana

Pinalo ako sa noo ni Harvey

“Pasaway ka talaga anong nilalagnat eh mas malamig ka pa sa bangkay eh” si Harvey

“Bat bangkay naman? Siguro gusto mo na ako mamatay noh?” sabay paawa effect

“O Jey loko ka ahh ayoko ng ganyang biro” sabay suntok sa aking balikat

“aray bat mo naman ginawa yun ang sakit nun ahh” naiinis kong tanong kay Harvey

“eh pasaway ka eh tigas tigas pa ng ulo mo” asar na tugon ni Harvey

“pero Harvey if ever na may umaway sakin ipabugbog mo agad sa mga officers mo ha” sabay tago ko sa likod ni Harvey

“sira!” natatawang tugon ni Harvey

“para naman mapakinabangan natin pagka deputy corps commander mo” biro ko kay Harvey

“saka di mo na kailangan sabihin pa yun, sa palagay mo ba papayag ako na may manakit sayo? Baka mabugbog ko pa yun” seryosong tugon ni Harvey

At pumasok na nga kami sa loob ng campus, di ko maipaliwanag ang aking saya sa nakita ko may ipinagawa pang banner ang aking mga kaklase at mga kamag aral na may nakasulat na “ welcome back Jey”. Para kaming mga hindi nagkita ng isang taon na naganap sa tagpong yun. Kamustahan, tawanan, biruan, at kung ano ano pa.

“waaa Jey sa wakas nandito ka na ulit” sabay yakap ni Fatima sa akin.

Tiningnan ko ang paligid ngunit wala akong Josh na nakita. Medyo lumungkot ako nung mga oras na yun pero di na lamang ako nagpaapekto at tinuloy ko na lamang ang pangangamusta sa aking mga kaibigan.

Palakad na kami papuntang classroom nang makita ko si Josh, napatingin lamang siya sa akin sabay iwas at naglakad na siya papalayo.

“hayaan mo nalang siya Jey magkakaayos din kayo nun” ngiti ni Fatima

“knowing him hindi ka rin niya matitiis” si Harvey

“Teka puntahan ko pala siya baka kasi sabihin nya lagi nalang ikaw inuuna ko magtampo pa yun” si Harvey

“oo nga bat ako lagi mo inuuna mo alam ko naman na mas mahal mo ako pero wag mo naman masyado ipahalata hahaha” pabiro ko kay Harvey

“sira ka talaga pareho ko naman kayo matalik na kaibigan kaya siyempre importante kayo sa akin” seryosong tugon ni Harvey

At pinuntahan na nga ni Harvey si Josh

(sa may basketball court kung saan ang kinaroroonan ni Josh)

Nagbabasketball si Josh kinuha ni Harvey ang bola para makipag laro

“Josh” si Harvey

“o tol musta naman” pangangamusta ni Josh

“andyan na si Jey di mo man lang ba siya pupuntahan? Kinakamusta ka nya” si Harvey

“nakita ko nga, ano naman dapat naming pag usapan?”

“hanggang ngayon ba magmamatigas ka parin ba Josh? Simula First year high school matalik na tayong tatlo magkakaibigan ipapasira mo nalang ba basta basta yun sa simpleng bagay?” si Harvey

“simpleng bagay? Simpleng bagay lang ba tingin mo yun? Harvey niloko niya tayo nagsinungaling siya sa atin pinaniwala niya tayong si Neil si Heaven simple lang ba yun? Yun na nga eh best friend natin siya pero bakit ganun?” galit na tugon ni Josh

“o tol wag ka sakin magalit relax ka lang, kung hindi ka pa handa sige take your time pero sana wag masyadong matagal” si Harvey

“sorry pare kung medyo napataas boses ko, pero try to understand  medyo masakit pa kasi para sakin” si Josh.

“naiintindihan ko sige hindi na kita pipilitin” si Harvey habang pinasa kay Josh ang bola

“Pero pare kamusta na si Jey umiiyak parin ba siya pag gabi?” ang nalulungkot na tanong ni Josh

Mula nung mamatay ang aking ina halos gabi gabi nalang ako umiiyak ngunit hindi ako iniwan ni Harvey at ng mga kuya ko nung mga panahong yun.

“Hindi na masyado mukhang naka recover na siya kahit papano” si Harvey

“mabuti naman kung ganun” si Josh

“ o kita mo na nag aalala ka parin sa kanya akala ko ba wala ka na pakialam sa kanya?” naka ngising tanong ni Harvey

“wala ako sinabing wala nako pakialam sa kanya ang sabi ko lang masakit pa para sa akin ang mga nangyari” iritang tugon ni Josh

“ o siya tara na nga baka ma late pa tayo sa klase” si Harvey

At pumunta na nga sila sa classroom nang datnan nila ako kasama mga kaklase namin na nagsasayawan

“Tol mukhang naka recover na nga tingnan mo” gulat na nasabi ni Josh

“Hay pasaway talaga sinabi na nga sa kanyang wag muna masyadong magpapagod eh makakatikim talaga mamaya sa akin yung ungas na yan” inis na tugon ni Harvey

Nagulat ako pagkakita ko sa kanila sa may harap ng pintuan sabay tago ako sa likod ni Tom

“Hala ka hayan na sila huling huli ka” pang aasar ni Tom

“ah eh kwan nagpapractice lang kami hehe” hiya kong palusot kay Harvey

“ahh oo ok lang yan basta yari ka sa akin mamaya” pabulong na sinabi ni Harvey habang papaupo sa kanilang mga upuan.

Napatingin naman ako kay Josh at gaya ng dati umiwas lamang siya ng tingin at tuluyan nang naupo sa tabi ni Harvey.

Dumating na ang aming guro at kinamusta naman niya ako. Medyo nakakahabol naman ako sa aming mga aralin gawa nang pinapadala sakin sa bahay yung mga lectures  galing sa school at tinutulungan din ako nila Fatima at Harvey pati narin nang aking mga kaklase sa assignment kaya di ako masyadong nahirapan makahabol. Dumating ang lunch time at kay Fatima ako sumabay maglunch kasama kasi ni Harvey si Josh ayaw ko naman magkaron ng pag aalangan kaya di nako sumabay sa kanila. Nakipag kwentuhan na din ako kay Fatima.

“Fatima kamusta pala si Neil?” tanong ko kay Fatima

“aba sa dinami dami naman talaga nang tatanungin mo sa akin si Neil pa” sagot ni Fatima

“medyo nagiguilty din naman kasi ako sa nangyari” tugon ko
“speaking of Neil hayun nanaman etchoserang palaka papalapit nanaman kila Josh at Harvey tingnan mo” turo ni Fatima sa kanilang kinaroroonan

Kasama nila Josh at Harvey ang iba pa nilang barkada sa school na kinabibilangan ng mga varsity at officers ng CAT kasama din nila iba pang sikat at campus hearthrobs ng school. Linapitan sila ni Neil at kinausap

“Hi Josh, Harvey and hi guys” ngiting pagbati ni Neil sa grupo nila Josh at Harvey

“hi” halatang pilit na bati ni Harvey

“what do you want?” malamig na tugon ni Josh

“ahh eh sana kahit galit kayo sa akin di parin ako maalis sa choir” si Neil

“wala problema dun kahit naman hindi ikaw si heaven narinig na din namin tunay na boses mo pasok ka naman sa standards kaya you don’t have to worry” tugon ni Josh kay Neil sabay tingin sa aking kinaroroonan.

“but don’t expect us to be friends again” si Harvey na halatang naiinis parin

“I understand don’t worry umaasa ako na sana isang araw mapatawad nyo din ako” malungkot na tugon ni Neil sabay alis papalayo

“Grabe pare ang lakas talaga ng tama niyang si Neil sa inyo” pang aasar ni Miguel isa mga hearthrob ng school.

“uu nga hay naku halos araw araw yata kung puntahan nya kayo dito” Si Pamela isa sa campus beauties ng school

“Just ignore him guys wala naman siya mapapala sa amin” si Josh

“eh how about Jey? Are you just goin to ignore him forever?” si Patrick isa sa mga campus hearthrobs

Tumahimik lang si Josh at tumingin sa aming kinaroroonan

“Aray ko Fatima nasamid ako mukhang pinag uusapan ako dun” sabay turo ko ng patago sa kinaroroonan nila Josh.

“uu nga ano kaya pakay ni Neil dun noh mukha kasing di man siya masyadong pinansin” si Fatima

“by the way Jey may 30 mins pa bago matapos lunch kanta ka muna at least ngayon di ka na magtatago” excited na suggestion ni Fatima

“ayoko nga mahal ang talent fee ko saka tinatamad ako” pang aasar ko kay Fatima

“tseh ang yabang nito minsan lang mag request sayo di mo pa ako mapagbigyan saka pagkakataon mo na ito baka mapalubag mo loob ni Josh sa iyong magandang tinig” sabay tawa ni Fatima

“oo nga naman Jey matagal din naming namis boses mo pagbigyan mo na kami” sila Tom at Beth na nasa may likod na pala namin.

Wala na ako nagawa kundi pagbigyan sila at pumunta na nga ako sa second floor ng building kung nasaan ang booth ng music room pero sa mga oras na toh nakabukas na ang bintana ng booth kaya kitang kita sa buong campus kung sino ang kumakanta. Nadatnan ko si Paul na nag aayos

“Paul!” excited kong sigaw nang makita sya

“o Jey kamusta ka na! bat ngayon ka lang nagpakita?” excited na tugon ni Paul sabay yakap sa akin

“ok na ako ikaw kamusta ka naman tagal din kasi nating di nagkita magmula nung” ang nahinto kong pagsasalita

Naalala ko nanaman kasi ang aking ina kaya nakaramdam nanaman ako nang kalungkutan nung mga oras na yun.

“o wag ka na malungkot naiintindihan naman kita, oo nga pala ano pala pinunta mo dito” tanong ni Paul

“ahh kanta sana ako pero ngayon gusto ko makita na nila ako hehe” tugon ko kay Paul

“naks yan tama yan wag mo itago, o sige ano nga pala kakantahin mo?” si Paul

“yung Tayong dalawa” ngiti kong tugon kay Paul

Tumingin ako sa kinaroroonan nila Josh at nag umpisa na nga akong umawit

(Paki play po)





Kapwa lumuluha kapwa nasasaktan
Bakit tinitikis parin ang isa't isa
Lagi na lamang bang ganito ang buhay natin
Di na matitiis paghihirap ng dibdib
Sanay nadarama mo rin ang paghihirap ko
At sana'y pakinggan ang pakiusap ko sa'yo
Hindi ko na hinahangad ang yaman sa mundo
Pagmamahal mo lang ang tanging hinahanap ko
Maaari bang sana'y patawarin mo ako
Pagkat tayong dalawa ay sa isa't isa
Di na matitiis paghihirap ng dibdib
Sana'y nadarama mo rin ang paghihirap ko
At sana'y pakinggan ang pakiusap ko sayo

Hindi ko na hinahangad ang yaman sa mundo
Pagmamahal mo lang ang tanging hinahanap ko
Maaari bang sana'y patawarin mo ako

Pagkat tayong dalawa ay sa isa't isa

Pagmamahal mo lang ang tanging hinahanap ko
Maaari bang sanay patawarin mo ako
Pagkat tayong dalawa ay sa isa't isa


Itutuloy....

No comments :

Post a Comment