Sa Aking Pagbabalik part 13
“Nagkakilala na pala kayo?” tanong ni Papa
“opo Pa, siya po kasi dad ni grace kaya
kilalang kilala ko po siya” tugon ko habang nakatingin pa din ng diretso kay
Mr. Villegas
Kitang kita naman sa itsura ni Mr. Villegas
na pinagpapawisan siya nung mga oras na yun
“by the way Mr. Villegas hindi ba sayo
nagtatrabaho ang mag asawang Anton at Linda Suarez?” tanong ni Papa
“opo sir pero wala na po sila ngayon, umalis
na po sila kaninang madaling araw” tugon ni Mr. Villegas
Nabigla ako sa sinabi ni Mr. Villegas kaya
di ko mapigilang mag komento ukol dun
“ano po sinasabi nyo? Bat po sila umalis?”
tanong ko
“nagpaalam kasi sila sa amin na uuwi na daw
sila sa kanilang probinsya kasi hindi na rin daw sila sanay dito sa Maynila,
kaya naawa naman kami binigyan na namin sila ng pamasahe
“bat naman gagawin nila Inay at Itay yun na
hindi sinasabi sa akin? May usapan kami hindi nila ako iiwan ng ganun ganun na
lang” tugon ko
“hindi ko din alam eh basta nagmagandang
loob lang naman kami eh” tugon ni Mr. Villegas
Agad agad na din umalis si Mr. Villegas at
tumuloy sa kanyang opisina
“Pa hindi naman gagawin nila Inay at Itay
yun eh” malungkot kong sambit
“yun sinabi ni Mr. Villegas eh anak wag kang
mag alala magpapapunta ako ng tauhan dun sa probinsya nila ipasusundo ko sila”
tugon ni Itay habang nakangiti
Alam kong hindi nagsasabi ng totoo si Mr.
Villegas kaya hindi ako mapakali, pinauna ko na muna sila papa, kuya at josh sa
restaurant.
“Pa mauna na po kayo meron po kasi akong
nakalimutan” paalam ko
“sige anak hintayin ka nalang namin sa baba
bilisan mo ha” tugon ni Papa
“samahan na kita” si Josh
“ahh hindi na maghintay ka nalang diyan
kasama sila Papa” habang nagmamadali ako umalis
Pinuntahan ko si Mr. Villegas sa kanyang
opisina
“oh ikaw pala iho ano maipaglilingkod ko?”
tanong ni Mr. Villegas habang medyo nagulat
“alam kong hindi kayo nagsasabi ng totoo,
ngayon sabihin nyo na sa akin bakit umalis sila Inay at Itay” seryoso kong
tanong
“sinabi ko na nga ang lahat bakit naman ako magsisinungaling,
kung gusto mo pumunta ka sa bahay para malaman mo ang totoo” kabadong tugon ni
Mr. Villegas
“sige hindi ko na po kayo kukulitin aalis
nako” paalam ko
Habang palabas nako ng pinto ay muli akong
humarap kay Mr. Villegas
“alam ko po natatakot kayo dahil sa mga
pinag gagagawa ng pamilya nyo sa amin dati huwag po kayo mag alala hindi ko po
gagawin sa inyo ang mga ginawa nyo sa akin at kila Inay at Itay hindi naman po
kasi ako pinalaki ng mga magulang ko na mapaghiganti alam ko naman na diyos na
ang bahala sa inyo” ngiti kong sambit
Natulala na lamang si Mr. Villegas sa aking
mga sinabi, lumabas na ako at binalikan sila Papa.
“Bat ba ang tagal mo?” tanong ni Kuya John
“ahh nag CR pa kasi ako hehe” palusot ko
Nang makarating na kami sa restaurant ay
agad ko kinulit si Papa
“Papa babalik po ako sa isla” sambit ko
“hindi ako papayag anak kababalik mo lang sa
amin malalayo ka nanaman, hayaan mo nalang yung uutusan ko para kunin yung mag
asawa” tugon ni Papa
“Pero pa” magsasalita pa sana ako ng
magsalita sila Kuya
“Jey wag na matigas ang ulo mo sundin mo
nalang si papa” sambit ni Kuya Justin
“ikaw pa naman siyado ka lapitin sa
disgrasya, pano kung may mangyari uli sayo? Balik nanaman tayo sa dati? Hilig
hilig mo kami pinag aalala” tugon ni Kuya John
Hindi nako nagpumilit dahil nahiya din ako
sa sinabi ni Kuya John
“alam mo Jey kahit naman ako di rin ako
papayag na bumalik ka dun” si Josh
Natapos kami kumain at bumalik na kami ni
Papa sa opisina samantala sila kuya at Josh ay bumalik na sa school. Naiwan
nanaman ako sa opisina ni Papa kaya gaya ng dati nainip nanaman ako kaya si Ate
Donna nalang ang kinulit ko.
“ate Donna
punta ako sa bahay ng mga Villegas” sambit ko
“ok ka lang? baka nakakalimutan mo yung
bilin ng Papa mo na dito ka lang” tugon ni ate donna
“eh hindi naman nya malalaman eh, tatakas
ako” ngiti kong tugon
“sira ka talaga mamaya mahuli ka pa ng papa
mo” tugon ni ate donna
Ngunit mapilit talaga ako at kinulit ko
talaga si Ate Donna kaya napapayag ko din
“o sige na pero sasama ako mahirap na mapano
ka pa responsibilidad pa naman kita” tugon ni Ate Donna
Inihatid kami ng company driver at
pinuntahan na nga namin ang bahay ng mga Villegas. Pagdating namin dun ay
saktong padating sila Mrs. Villegas at Lisa kasama ang iba pang katulong galing
sa grocery. Pagkalapit namin sa gate nila ay sinalubong kami nila Mrs. Villegas
“ano ginagawa nyo dito?” tanong ni Mrs.
Villegas
“gusto ko pong makausap si Inay at Itay”
tugon ko
“wala na sila dito umalis na sila kaya
umalis na din kayo” masungit na tugon ni Mrs. Villegas
“Mrs. Villegas baka nakakalimutan nyo na
kumpanya parin ang nag mamay ari ng bahay na ito at baka nakakalimutan nyo din
kung sino ang kaharap nyo ngayon, siya lang naman ang bunsong anak ni Mr. dela
Vega o baka gusto nyo pang makarating ito sa Papa nya?” matapang na tugon ni
Ate Donna
“hindi naman sa ganun pero umalis na talaga
sila kaninang umaga pa” malumanay na tugon ni Mrs. Villegas na halatang natakot.
“pakibuksan po ang pinto titingnan po namin”
tugon ni Ate Donna
Agad agad naman binuksan ni Mrs. Villegas
ang pinto at pinatuloy kami, hinanap namin sila Inay at Itay sa buong bahay
ngunit bigo kami wala na nga sila pati ang mga damit nila ay wala na. Paglabas
namin ng gate ay kinausap ako ni Lisa.
“ahh Jey sana naman kalimutan mo na yung mga
nangyari dati baka pwede naman tayong maging magkaibigan” sambit ni Lisa
“alin yung pagsampal mo sa akin?” seryoso
kong tanong
“ano?? Sinampal ka nya?” galit na tanong ni
Ate Donna
“wag ka mag alala kinalimutan ko na yun saka
sana sa susunod matuto ka muna humingi ng tawad bago ka makipag kaibigan, don’t
worry kung nag aalala ka na baka malaman ni kuya ang ginawa mo sa akin wala
kang dapat ikabahala dahil wala akong balak sabihin sa kanya gaya nga ng sinabi
ko sa Papa mo wala akong balak gawin sa inyo ang mga ginawa nyo sa akin hindi
naman kasi ako pinalaki ng magulang ko ng ganun at hindi ako bababa sa level
nyo” tugon ko
Natahimik naman ang mag ina sa aking sinabi
at napayuko na lamang.
“by the way Mrs. Villegas sana nga nagsasabi
kayo ng asawa nyo sa tunay na dahilan ng pag alis nila Inay at Itay, kasi alam
nyo mapapalagpas ko pa ang lahat ng pang aapi na ginawa nyo sa akin pero ibang
usapan na pag mga mahal sa buhay ko na ang masasaktan, hindi ko po kayo
tinatakot pinapa alalahanan ko lang kayo” ngiti kong sambit
Napayuko na lamang ang mag ina sa aking mga
sinabi, nilisan namin ang bahay ng mga Villegas at sumakay na sa kotse pabalik
sa opisina ni Papa, habang pabalik kami ay nagbibiruan kami ni ate donna
“Ang taray mo kanina ate donna dinaig mo pa
si Maricel Soriano sa acting grabe” habang tawa ako ng tawa
“siyempre noh bagay lang sa kanila yun
matagal na kasi ako inis sa matapobreng pamilyang yan, pero grabe Jey hindi ko
kinaya mga sinabi mo sa kanila kanina parang ni rehearse mo talaga hahaha” si
Ate Donna habang tawa ng tawa
“aba siyempre magpapatalo ba ako sayo?
Hahaha” biro ko kay Ate Donna
“pero totoo bang sinampal ka dati ni Lisa?”
tanong ni Ate Donna
“oo pero ate sana atin atin na lang ito ha
wag mo na ipaalam kila papa at kuya” pakiusap ko
“kung ako lang ipapaalam ko talaga pero
since pinakiusapan mo ako, ano pa nga ba magagawa ko” tugon ni Ate Donna
“pero Jey pano na yan di natin nakita inay at
itay mo anong balak mong gawin?” tanong ni Ate Donna
“ano pa ba magagawa ko edi hintayin nalang
yung inutusan ni Papa, tama nga naman sila Papa matagal nakong nawalay sa
kanila mapapalayo nanaman ba ako” tugon ko
Pagkarating namin sa building ay agad agad
kami umakyat papunta sa opisina ni Papa
“Jey mukhang wala pa yata sila, nakalusot
tayo” si Ate Donna habang nakahinga ng maluwag
Ngunit pagbukas namin ng pinto ay andun na
si Papa at sila Kuya kausap ang private investigator
“sige Mr. Jocson salamat uli sa serbisyo mo”
si papa habang nagpapaalam na sa private investigator
“pasensya na po uli medyo natagalan lang po
talaga sa resulta, pero natutuwa po ako at tama yung hinala nyo” paalam ni Mr.
Jocson
“o san kayo galing?” tanong ni Papa
“sir sinamahan ko lang po si sir Jey kila
Mr. Villegas” tugon ni Ate donna habang kinakabahan
“ikaw talaga donna nakipag sabwatan pa sa
anak ko” tugon ni Papa
“sorry po sir di ko lang po talaga matiis si
sir Jey eh” malungkot na tugon ni Ate Donna
“o sige na balik ka na sa ginagawa mo” si
Papa
Umalis na nga si Ate donna at bumalik na sa
ginagawa nya lusot na din sana ako kay papa pero si Kuya Justin naman ang
nagalit sa akin.
“ano ba talaga Jey akala ko ba hindi na
matigas ang ulo mo, nag uumpisa ka nanaman ha” inis na sambit ni Kuya Justin
“sorry na kuya di ko lang kasi matiis na di
makita sila Inay at Itay eh” tugon ko habang niyayakap si Kuya Justin
“di moko makukuha sa paglalambing mong yan
ha, di ka mapagsabihan ng minsan” si Kuya habang medyo inis pa rin
“kuya hayaan mo na si Jey kasi hindi na yan
si Jey pag hindi na naging pasaway” si Kuya John habang natatawa
“sobra ka naman kuya” tugon ko habang
nahihiya
“o ano anak nakita mo ba yung mag asawang
kumupkop sayo?” tanong ni Papa
“hindi po eh” malungkot kong tanong
“hintayin mo nalang kasi yung uutusan ko”
tugon ni Papa
“oo nga pala papa ano sabi ng private
investigator? Ako raw po ba tunay nyong anak?” biro ko
“ikaw talaga, una palang naman naramdaman ko
na ikaw nga bunso ko” tugon ni Papa
Natapos ang araw at umuwi ako kasama nila
Papa at Kuya, lumipas pa ang ilang araw at nabalitaan nalang namin na
nakabalik na nga sila Inay at Itay sa
Isla ngunit ayaw na daw nila sumama pabalik kaya pinatulungan na lamang sila
pinansyal ni papa, nung una ay ayaw nila tanggapin ang tulong pero napilit din
sila. Kinaumagahan
“Pa gusto ko po silang puntahan sige na po”
pakiusap ko kay Papa
“anak papayag lang ako kung kasama mo kami
pero madami pa talagang trabaho na di maiwan sa opisina kaya tiis nalang muna
ha saka kasama natin mga kuya mo” tugon ni Papa
Wala na ako nagawa kundi pumayag na din sa
gusto ni Papa
“siya nga pala anak handa ka na ba pumasok?
Napaayos ko na ang lahat ng dokumento mo sa school kaya di mo na kailangan pa
gamitin yung pangalan na Anghelo” si Papa
“ganyan kalakas si papa sa school ilang araw
lang tingnan mo napaayos nya agad” si Kuya John
Hindi nga kataka taka na ganun kalakas si
Papa sa school, kung ibang tao lang ang gumawa nun baka natagalan pa bago ko
magamit ang tunay kong pangalan wala rin naman masama dahil sa special case nga
ang sa akin at ako parin naman yung mga kumukuha ng mga pagsusulit.
“opo Pa papasok na po ako” tugon ko
Inihatid na ako ng driver sa school
pagdating ko malapit sa tambayan nila Josh at Harvey ay agad ako sinalubong ng
aking mga kaibigan at kaklase.
“Anghelo! Ay Jey pala!” sigaw ni Marie
habang papatakbo palapit sa akin
Niyakap ako ng mahigpit ni Marie habang
halata sa kanyang mukha ang pagkasabik na makita ako
“namiss kita” sambit ni Marie
“namiss din kita pasensya na nga pala ha di
ako nakapag paalam sa inyo nung party ni Papa masyado lang kasi ako nadala nung
mga oras na yun nakalimutan ko tuloy na magpaalam sa inyo” nahihiya kong tugon
“ayos lang yun, ikaw pa malakas ka sa amin
eh pano ba yan, anak mayaman ka nga pala talaga edi di mo na kami kailangan
pang kaibiganin” tugon ni Dindo
“oo nga eh ewan ko nga ba pano ko kayo
naging kaibigan kaya sige di ko na kayo kaibigan hahahaha! Joke lang! heto
naman para namang may magbabago sa pagkakaibigan natin” tugon ko
Nagtawanan naman sila, linapitan na din ako
nila Josh, Fatima, Ben, Robert, Ricky , Beth at Tom para batiin.
“naks ganda ng ayos mo ahh talagang nabalik
ka na sa iyong tunay na estado” biro ni Robert
“naman!” tugon ko
“oo nga pala Jey nabalitaan namin umalis na
daw si Mang Anton at Aling Linda” malungkot na sambit ni Dindo
“oo nga eh hindi ko din alam ang dahilan
kasi hindi man lang sila nagpaalam sa akin pero nangako naman si papa na
pupuntahan namin sila dun pag naging maluwag na schedule ni Papa at nila kuya”
tugon ko
“oi Jey siya nga pala pinagkakalat ko yung
tunay mong ugali is a real bitch ha tinatakot ko kasi sila Grace” natatawang
sambit ni Fatima
“bakit totoo naman ahh, I’m a real bitch!”
tugon ko habang tawa ng tawa
“basta pagtripan natin sila mamaya” sambit
ni Fatima
“sige sige call ako diyan” tugon ko habang
natatawa
“waa sali ako diyan mukhang masaya yan” si
Marie habang natatawa din
“oi Jey magtigil ka nga diyan hayan ka
nanaman yung mga kalokohan mo pinapaandar mo nanaman eh” sambit ni Josh
“kill joy naman nito teka nga pala asan ba
si Harvey di man lang ako sinalubong” tanong ko
“hayun nakaupo dun, alam mo naman pinapairal
nanaman ang pride” tugon ni Beth
“lapitan mo na kasi Jey” si Tom
“ayoko nga mamaya masapak nanaman ako” tugon
ko
Nagtawanan naman sila sa mga sinabi ko,
papasok na kami sa classroom ng makita namin ang grupo ni Grace na nakaharang
sa may pinto at nagkukwentuhan.
“pwede ba wag kayo haharang harang diyan!” masungit
na sambit ni Marie
“oo nga nakita nyo nang dumadaan si Jey eh!”
dugtong pa ni Fatima
Agad naman sila tumabi at di na lamang
umimik para maka iwas sa gulo
“hahaha!” tawa talaga ako ng tawa nung mga
oras na yun
Pagpasok namin sa classroom ay agad naman
akong binatukan ni Josh
“aray, para san yun” habang kinakamot ko ang
ulo ko
“tawa tawa ka pa diyan gustong gusto mo
naman” tugon ni Josh
“si Fatima naman saka si Marie may pakana eh
bat ako inaaway mo?” sabay turo ko sa dalawa
“eh ikaw ang best friend ko eh kaya kilalang
kilala kita sa mga kalokohan mo ha” tugon ni Josh
“buti pa yung Anghelo di nababatukan dati”
tugon ko habang malungkot kunwari ako
“ahh oo di kasi namin ganun kamahal ni
Harvey yun eh” biro ni Josh
“naks ang sweet nilalanggam ako” pang aasar
ko kay Josh
“sira ka talaga” halika na nga upo na tayo
habang naka akbay si Josh sa akin
“diyan ako sa dati uupo?” tanong ko
“oo makipagpalit ka nalang uli” tugon ni
Josh
“ay ayoko, dun nalang ako sa dati kong
pwesto sa likod, sa tabi nila Marie, mamaya nyan masapak nanaman ako ni
Harvey hehe” paliwanag ko
“edi palit tayong lugar ako sa gitna nyong
dalawa, saka di ka naman sasaktan ni harvey, pls na Jey kahit para sa akin
lang” pamimilit ni Josh
“asus everytime yata nagiging ako si Jey
nasasapak ako ng mokong na yun eh” biro ko
Di nako napilit ni Josh at umupo na nga ako
sa likod sa dati kong upuan katabi sila Marie at Dindo, nag umpisa ang klase at
nakipagpalit muna si Josh ng upuan sa isa ko pang kaklase para makatabi si
Harvey
“tol diba dapat diyan na uli uupo si jey bat
dun parin siya umupo?” tanong ni Harvey
“kanina ko pa nga pinipilit pero ayaw talaga
eh baka masapak mo nanaman daw siya” tugon ni Josh
“sira talaga yun kahit kailan” si Harvey
habang medyo nainis
Dumating na ang aming instructor at biniro
pa ako nito
“by the way class you have a new classmate i
welcome nyo siya, oh magpakilala ka na” ngiti ng aming instructor
Natawa naman ang mga kaklase ko sa biro ng
aming instructor kaya naki ride nalang ako
“hi guys I’m Jey dela Vega bago lang po ako
dito kaya sana po maging mabait po kayo sa akin ha wag nyo po tularan yung iba
diyan” sabay tingin ko ng nakakaloko kila Grace, Kate at Elton, kinindatan ko
naman si Luke habang tawa siya ng tawa
Nahiya naman yung tatlo kaya yumuko na
lamang sila lalo pa tawa na ng tawa ang mga kaklase ko dahil sa nangyari
“tol walang duda si Jey na nga yan”
seryosong sambit ni Harvey
“oo nga eh” si Josh habang natatawa
(Paki Play po)
Habang nagdidiscuss ang aming instructor ay
naka isip uli ako ng kalokohan, gumawa ako ng maliliit na bilog na papel at
binabato ko ng pasimple si Harvey, bigla naman siyang titingin sa likod pero
agad agad ako hihinto at magpapatuloy kunwari sa pakikinig sa aming instructor
na parang walang alam sa nangyayari
“Jey sira ka talaga mamaya mahuli ka nanaman
ni Harvey mas lalong magalit pa yan sayo” sambit ni Marie
“hayaan mo siya ang sungit sungit kasi eh”
tugon ko habang nagpapatuloy sa pagbato kay Harvey
Tumingin nanaman sa likod si Harvey na
parang inis na inis na
“sino ba yun, kung sino ka man kanina ka pa
ha di ka nakakatawa” inis na sambit ni Harvey
Pati si Josh ay napapatingin din sa likod
“oi Jey tigil mo na nga yan mukhang
napipikon na si Harvey eh” mahinang sambit ni Dindo
“hayaan mo siya hehe” tugon ko habang
patuloy ako sa pang iinis kay Harvey
Ngunit ang sumunod ay hindi ko inaasahan,
biglang nagsalita ang aming instructor
“Mr. dela Vega stop bothering Mr. Montemayor
kanina mo pa siya binabato” saway ng aming instructor
Bigla namang nagtinginan sa akin ang aking
mga kaklase at nagtawanan
“naku patay buking ako” mahina kong sambit
habang paunti unti ako nagpapalaglag sa aking upuan dahil sa kahihiyan
“yan kasi ang tigas ng ulo mo” sambit ni
Marie
Kita naman ang sama ng tingin sa akin ni
Harvey, natapos ang klase at dumating ang lunch break ngunit hindi sumabay si
Harvey mag lunch sa amin dahil may gagawin pa daw siya, alam ko excuse lang nya
yun dahil iniiwasan pa din nya ako, kaya pinauna ko nalang sila Josh at
sinabihang susunod na lang ako. Pero sinundan ko talaga si Harvey, habang
naglalakad siya ay mukhang napapansin nya na may sumusunod sa kanya kaya bigla
siyang titingin sa likod at agad naman ako magtatago. Pinagpatuloy ko lang ang
pagsunod sa kanya pero nung malingat lang ako sandali ay nawala na siya.
“waaa nawala na sya, nasan kaya yun” sambit
ko sa aking sarili
(paki stop na po)
Bigla namang may nagsalita sa likod ko
“sinusundan mo ba ako?” tanong ni Harvey
“hindi ahh bakit naman kita susundan”palusot
ko
At bigla na lang umalis si Harvey at
nagpatuloy sa paglalakad
“uy Harvey sorry na ano ba talaga problema mo
sa akin? Sinusuyo na nga kita eh” sambit ko
(Paki play po)
Bigla naman akong nilapitan ni Harvey at
tiningnan ng diretso
“gusto mo talaga malaman? oo Jey aaminin ko
sayo nagkamali nga ako nung sinaktan kita dahil lang kay Diane, sorry na
kasalanan ko naman talaga eh nagpakatanga ako sa walang kwentang babae inaamin
ko yun pero hindi mo alam iyak ako ng iyak nung mga oras na nasaktan kita dahil
mas nasaktan ako sa ginawa kong pananakit sayo alam mo ba yun? Hindi mo alam
nung mga panahong yun kung saan saan kita hinanap para lang humingi ng tawad
sayo pero ayaw mo magpakita sa amin mas pinili mo na lang na magtago pero
naiintindihan ko naman yun dahil nga kasalanan ko naman talaga eh” si Harvey
habang naiiyak
Biglang tumulo ang aking luha nung marinig
ko ang mga sinabi ni Harvey
“Pero Jey after nung aksidente at nagkamalay
ako sa Hospital hinanap kita at hinintay kitang dalawin mo ako pero hindi ka
dumating, nagtampo ako sayo nung mga oras na yun pero nung dinala ako ni Josh
sa puntod mo at malaman ko na pumanaw ka na, alam mo ba kung gaano kasakit sa akin
yun? Kung nasaktan siguro kita dahil kay Diane hindi mo lang alam kung gaano mo
ako nasaktan siguro sampong beses ang sakit na naramdaman ko nung malaman ko na
iniwan na ako ng matalik kong kaibigan na hindi man lang ako nakahingi ng tawad
sa kanya. Nung mga panahong yun labis na kalungkutan ang naramdaman ko, inisip
ko nun na sana panaginip lang ang lahat na ano mang oras ay pwede ako magising
at makita kang muli pero lagi nalang pag nagigising ako ang katotohanan ang
laging sumasalubong sa akin na wala ka na, akala ko lilipas din ang sakit na
nararamdaman ko nung mga panahong yun pero bigo ako dahil habang tumatagal ang
pangungulila ko sayo lalong nadaragdagan ang sakit na nararamdaman ko, kung
pwede lang siguro na ako nalang ang mamatay basta mabuhay ka lang ginawa ko na
sana, alam mo ba yun?. Tapos ngayon nagbalik ka na parang biro lang ang lahat para
sayo, alam mo Jey hindi sa lahat ng oras nakakatawa ka sana maisip mo kung
gaano mo ako nasaktan.” Si Harvey habang tumutulo ang mga luha
“Harvey hindi ko sinasadya patawarin mo ako”
tugon ko habang iyak ako ng iyak
Ngunit tuluyan na nga nilisan ni Harvey ang
aming kinaroroonan at hindi ko na siya napigilan pa, binalikan ko sila Josh na
sobrang lungkot ko.
“ o Jey bat ngayon ka lang?” si Josh kasama
ang iba pa naming mga kaibigan habang nagtatawanan
Napansin nila ang sobrang kalungkutan sa
aking mukha at alam kong alam ni Josh kung ano ang aking nararamdaman, nilapitan
nya ako at niyakap ng mahigpit
“sige na iiyak mo na yan” sambit ni Josh
habang yakap ako
Bigla akong humagulgol nung mga oras na yun
buti tanging mga kaibigan lang namin ang nandun sa tambayan nung mga panahong
yun
“hindi ko naman talaga sinasadya eh” sambit
ko habang iyak ako ng iyak
“ahh nakausap mo na pala si Harvey, wag ka
mag alala maayos din ang lahat” tugon ni Josh habang nakayakap sa akin.
“jey tahan na wag ka mag alala hindi ka
naman matitiis nun eh” si Fatima
“oo nga nagtatampo lang siguro yun pero
lilipas din yun” si Beth
“tahan ka na pati ako naiiyak eh” si Tom
habang napapaluha
“Jey kahit hindi ko alam yung buong nangyari
alam ko naman na magkakaayos din kayo” si Marie
(paki stop na po)
Natapos ang lunch break at bumalik na kami
sa classroom ngunit si Harvey ay hindi na pumasok kaya lalo akong na guilty sa
mga nangyari. Pagdating ng dismissal habang papalakad kami ay bigla akong
nilapitan ni Kate kasama si Luke
“Jey gusto ka daw makausap ni Kate” sambit
ni Luke
“ano yun?” tanong ko
“ahh Jey pasensya ka na pala sa lahat ng
nagawa ko ha hindi ko talaga sinasadya kasalanan ko din naman naging sunod
sunuran ako sa gusto ni Grace sana mapatawad mo ako” sambit ni Kate habang
nakayuko
“hindi kalimutan mo na yun saka di naman ako
gaganti para dun lang ang babaw ko naman pag ginawa ko yun, siya nga pala yung
kaninang umaga nagbibiruan lang kami nila Marie at Fatima wag mo masamain yun
hehe” ngiti kong tugon
“ahh wag ka mag alala kahit sadyain nyo pa
yun ayos lang deserve din naman kasi namin yun eh” tugon ni Kate
Habang naglalakad kami ni Josh papunta kung
saan naka park ang sasakyan nya ay napansin nya ang aking kalungkutan.
“o wag mo na isipin yun di ka rin naman
matitiis nun” si Josh habang naka akbay sa akin
“napakasama ko talaga noh Josh napaka
insensitive ko” malungkot kong sambit
“hindi, saka ok lang yan besides hindi na
ikaw yan pag naging sensitive ka na” biro ni Josh
“sabagay tama ka” tugon ko
“aba sumang ayon nga ano ka ba biro lang yun
eh” tugon ni Josh habang akbay akbay ako
Josh pwede ba ako sumama muna sayo sa
penthouse nyo ni Harvey? gusto ko lang kasi humingi ng tawad sa kanya
“anong penthouse namin? Baka penthouse
natin, nakalimutan mo na yata na ikaw si Jey isa din sa may ari nun, saka oo
naman mas gusto ko nga pumunta ka dun para makausap mo na siya” tugon ni Josh
Pagdating namin sa penthouse ay nag alangan
ako na kausapin si Harvey dahil nahihiya parin ako sa mga ginawa ko kanina sa kanya.
“wag nalang kaya uwi nalang ako” paalam ko
habang papunta na uli sa elevator
“o hayan ka nanaman pano kayo magkakaayos
niyan” tugon ni Josh habang hinihila ako
“pero baka galit parin siya sa akin eh”
tugon ko
“kaya nga pano kayo magkakaayos kung hindi
mo susubukan wala naman mawawala sayo eh” tugon ni Josh
At napagpasyahan ko nga na kausapin si
harvey, kinatok ko siya sa kanyang kwarto ngunit walang sumasagot kahit alam
naman namin na nasa bahay na siya. Binuksan ko ang pinto ng kwarto niya at
nakita ko siyang nakatalikod at hawak hawak ang larawang magkakasama kaming
tatlo.
(Paki play po)
“Harvey pwede ka bang makausap?” nahihiya
kong sambit
Ngunit hindi siya tumugon at pinagpatuloy
lang nya ang pagtingin sa aming larawan. Kaya sinabi ko na lamang ang gusto
kong sabihin.
“Alam mo nagsisisi din ako sa mga nangyari, naisip
ko din na sana kundi ko kayo pinagtaguan at nakipag usap na lang sana ako sayo
nung mga panahong yun, baka hindi nangyari ang lahat ng ito. Kung sana
kinalimutan ko nalang ang pride ko baka di sana umabot sa ganito. Aaminin ko
naman naging insensitive ako at inakala ko na babalik na agad sa normal ang
lahat nakalimutan ko na meron pala akong kaibigan na labis na nasaktan kaya
sana balang araw matutunan mo din akong patawarin” sambit ko habang naluluha
ako
Wala parin imik si Harvey habang patuloy
parin na tinitingnan ang aming larawan
“Alam ko labis kitang nasaktan kaya malabong
mapatawad mo ako ngayon, pero may hihilingin lang sana ako sayo, kung pwede
sana kitang mayakap kahit isang beses lang kahit ngayon lang miss na miss lang
talaga kasi kita eh, pangako lalayo na ako at hindi na kita gagambalain pa”
sambit ko habang iyak ako ng iyak
Ngunit hindi pa rin siya tumugon kaya napagpasiyahan
ko na umalis na lamang. Pagtalikod ko at lalabas na sana ako ng pinto ng bigla
siyang nagsalita
“o ano aalis ka nanaman iiwan mo nanaman
ako, sige diyan ka naman magaling eh yung iwanan kaming mga nagmamahal sayo”
tugon ni Harvey
Humarap ako at tiningnan ko siya habang
napapayuko ako, biglang humagulgol si Harvey nung mga oras na yun at ibinuka
ang kanyang mga bisig para lapitan ko siya at yakapin, napatakbo ako sa kanya
at niyakap siya ng mahigpit habang iyak ako ng iyak
“tarantado ka talaga Jey alam mo namang mahal
na mahal kita at di naman kita matitiis eh tapos aalis ka nanaman gusto mo
nanaman ba ako saktan, saka ano ba yung ginawa mo dun sa barko bat ba nagpapaka
bayani ka dun, di mo bagay gago ka pasalamat ka nawalan ako nung malay nung
panahong yun kundi yari ka talaga sa akin, wag mo na uulitin yun, hindi ko na
talaga kakayanin pag nawala ka pa uli sa amin” si Harvey habang iyak ng iyak at
yakap yakap ako
“sorry talaga hindi ko sinasadya” habang
iyak parin ako ng iyak
“o tahan na hindi naman ako galit, nagtatampo
lang naman ako saka alam mo namang ayaw ka naming nakikitang umiiyak ni Josh
tapos hayan ka nanaman” si Harvey habang yakap ako at umiiyak parin
Makalipas ang ilang minuto ay huminto na
kami sa pag iyak dahil nailabas na din namin ang kalungkutan na aming
naramdaman, pumasok si Josh sa kwarto ni Harvey
(Paki stop na po)
“o ano ayos na kayo?” tanong ni Josh
“oo tol hindi ko naman matitiis yung mokong
na toh eh” si Harvey sabay sakmal sa likod ng leeg ko
“o tara na dinner na tayo, ikaw pa naman Jey
konti lang nakain mo kaninang lunch alam ko nagugutom ka na” si Josh
“ano konti nanaman kinain mo? Tigas talaga
ng ulo mo kaya ka lagi nagkakasakit eh” inis na tugon ni Harvey
“o heto na nga kakain na ako, gutom na rin
ako” tugon ko
Habang kumakain kami ay masaya kaming
nagkukwentuhan, tinawagan naman ni Josh si Papa at sinabing doon na muna ako sa
penthouse matutulog, pumayag naman sila Papa. Nung matapos kami magdinner at
magpahinga ay tumambay muna kami sa kwarto ni Harvey. Habang nakahiga kami ay
ininterrogate ako ng dalawa.
“Hoy Jey may boyfriend ka ba dun sa isla?”
tanong ni Harvey
“andami, siguro every week nagpapalit ako ng
boyfriend” biro ko
“ahh loko ka ahh, diba sabi namin sayo ni
Harvey kami lang lalaki sa buhay mo” tugon ni Josh
“sus joke lang yun noh actually nung magka
amnesia ako nakalimutan ko din yata na mahilig ako sa lalaki wahahahaha, joke
lang” biro ko
Nagtawanan naman yung dalawa sa sinabi ko
“sira ka talaga kahit kailan” tugon ni Josh
“pero Jey bawal ka mag bf ha uupakan talaga
namin yun pag nalaman namin” sambit ni Harvey
“eh bat kayo dami nyo naging girlfriend
tapos ako bawal?” pang aasar ko
“eh kami yun, basta ikaw hindi pwede” tugon
ni Josh
“sino na magmamahal sa akin?” tanong ko na
kunwari malungkot ako
“bakit hindi ka ba namin mahal? Mahal ka
naman namin ahh” tugon ni Harvey
“eh sino magkikiss sa akin” dagdag ko pa
habang kunwari malungkot
“edi kikiss ka namin yun lang pala eh” tugon
ni Josh
“yak kadiri kayo saka ano ba pinag uusapan
natin eew” tugon ko habang tawa ako ng tawa
“oi gagong toh baka di mo alam kung gaano
karami yung nagkakandarapang mga babae at bading sa amin sa school, makausap
lang nila kami halos himatayin na sila tapos ikaw nililibre ka na nga namin ng
kiss ayaw mo pa” tugon ni Harvey habang kinikiliti ako
“tol pinagtitripan tayo gulpihin na natin”
si Josh habang dinadaganan ako
Ang sakit ng tiyan ko kakatawa nung mga oras
na yun,
“Pero Harvey wala ka talagang taste noh, una
si Diane tapos si Grace naman grabe kung baga sa lotto naka jackpot ka sa
kamalasan sa mga babae hahahaha!” pang aasar ko
“loko ka talaga ahh, talagang pinagtitripan
moko?” si Harvey habang muli akong kiniliti
“pero Jey mas mahal naman kita di hamak sa
mga yun” ngiting sambit ni Harvey
“alam ko naman yun, san ba kayo nakakita ng
kaibigan na kasing cute ko” pang aasar
ko
“kapal grabe naka aircon lang tayo pero
parang nasa no.3 yung electric fan sa lakas ng hangin dito” si Josh habang
kinurot ako sa pisngi
makalipas ang ilang minuto ay dinalaw na ako
ng antok kaya nagpaalam na ako na matutulog na ako.
“antok nako tulog nako ha, kwarto ko naman
yun diba?” paalam ko
“oo naman kwarto mo yun pero mamaya ka na
matulog, ngayon na nga lang tayo magkakasama ng matagal eh” pagpigil ni Josh
“grabe Josh namiss ko yang mga dimples mo,
magkano kasi nagastos mo para ipalagay yan?” pang aasar ko
“loko ka ahh gift from god yan, natural
sakin yan” si Josh sabay pa cute
“o pano tulog nako, sa ibang araw na lang tayo
magkwentuhan inaantok na talaga ako” paalam ko
Bumangon na ako sa kama at palabas na sana
ako ng pinto ng kwarto ni Harvey ng takutin nila ako.
“bahala ka may multo diyan” pananakot ni
Harvey
“oo nga lagi may kumakalansing na kadena sa
kwarto mo tuwing hating gabi” dagdag pa ni Josh
“waaaaaaaaaa” sabay takbo ako pabalik sa
kama ni Harvey
Tawa ng tawa yung dalawa habang nagtatakip
ako ng unan
“grabe tol wala pa ding pinagbago
matatakutin pa din” si Josh habang tawa ng tawa
“si Jey na nga yan walang duda” habang tawa
din ng tawa si Harvey
“Halika Jey yakap kita para wag ka na
matakot hehe” pang iinis ni Harvey
“di naman ako takot matutulog lang ako kaya
dami ako unan” palusot ko
“asus palusot pa” si Josh habang natatawa
“Halika nga rito” si Harvey habang pinahiga
ako sa dibdib nya
“alam mo Jey nung mawala ka ang lungkot
lungkot namin ni Josh halos nga pati pagkakaibigan namin parang nadamay din
halos ilang araw din kaming nag iiwasan dahil naalala ka namin pag nakikita
namin isat isa, buti nalagpasan din namin yun” si Harvey habang kinakausap ako
“tol wala na tinulugan ka na” si Josh habang
natatawa
“badtrip talaga itong si Jey ohh kahit
kailan talaga di makausap ng seryoso” tugon ni Harvey
“hayaan mo na napagod yan kakaiyak kanina,
ikaw kasi inaway mo” tugon ni Josh
“ganun ba?, kawawa naman pala siya” tugon ni
Harvey
habang nakayakap at nakahiga ako sa dibdib
ni Harvey ay nagkwentuhan naman yung dalawa
“tol andami din paghihirap na pinagdaanan
yang si Jey di mo akalain na ganun kahirap naging buhay nya” sambit ni Josh
“mukha nga pero di nako papayag na malayo pa
siya sa atin, babantayan ko na toh lagi” tugon ni harvey
“oo nga tol ang tagal din nyang nawala sa
atin kaya ayoko na, na mawala pa siya ulit baka di ko na kayanin” tugon ni Josh
Nakatulog na kaming tatlo habang nakahiga
ako sa dibdib ni harvey at nakayakap sa kanya, si Josh naman ay nakayakap sa
akin. Kinabukasan ay ginigising nila ako para makapag almusal
“Jey gising ka na almusal pa tayo sa mcdo”
si Josh habang tinatapik ako
“kayo nalang inaantok pa ako eh” tugon ko
“bangon ka na sabi baka abutin pa tayo ng
tanghali eh” si harvey habang hinihila ako sa kamay
“o sige na ligo lang ako, teka may damit pa
ako diyan diba?” tanong ko
“oo naman kahit mahigit dalawang taon na,
nasa uso pa naman yun” biro ni Josh
Bumaba na kami at kumain sa mcdo, si Harvey
ang nag order ng pagkain namin pagkabalik ni Harvey
“bat naman pancake diba french fries sinabi
ko?” sambit ko
“oi magtigil ka nga diyan wala pang french
fries ng ganitong oras saka almusal yun ang kakainin mo? di pwede” tugon ni
Josh
“sungit naman parang nagtatanong lang eh”
tugon ko
“kumain ka na nga may pasok pa tayo mamaya”
si Harvey
“by the way Jey sa weekends puntahan natin
sila Mama at papa, iyak pa naman ng iyak si Mama nung malaman nyang buhay ka”
sambit ni Josh
“daan narin tayo kila Mama at Papa nasabi ko
narin sa kanila at ganun din iyak ng iyak si Mama gustong gusto ka na makita”
si Harvey
“waaaa uu nga pala pwedeng ngayon nalang?
Miss na miss ko na kasi sila” tugon ko
“baka di rin natin abutan yun kaya sa weekends
nalang busy din kasi mga yun pag weekdays” si Josh
Habang kumakain kami ay may biglang taong
napadaan sa may bintana ng Mcdo na ikinagulat ko kaya napatulala ako.
“oi Jey ok ka lang ba? napapano ka?” tanong
ni Harvey na medyo nag aalala
nung mahimasmasan ako ay dali dali akong
tumakbo palabas
Itutuloy...
Author’s note:
Hello readers, alam ko iba inaabangan yung
sa mga Villegas pero next chapter pa yun kasi yung chapter na ito para talaga
sa pagbabati ni Jey at Harvey :)
Siya nga pala umpisahan nyo na magpaalam sa
mga characters ng kwento nalalapit na kasi ang pagwawakas :)
No comments :
Post a Comment