Sa Aking Pagbabalik part 14
Paglabas ko at pilit na hinanap ang taong
nakita ko ngunit bigo ako hindi ko na siya muling nakita pa, dahil na din
siguro sa dami ng tao sa labas nung mga oras na yun. Agad agad din lumabas si
Josh at harvey para sundan ako
“Jey napano ka bat mo naman kami iniwan?”
pag aalalang tanong ni Josh
“hindi kasi may nakita lang ako lalaki
kaninang dumaan namukhaan ko eh” tugon ko
Bumalik kami sa loob at itinuloy ang aming
almusal
“Jey sino ba talaga yung nakita mo kanina?”
tanong ni Harvey
“parang nakita ko kasi si Anghelo kanina”
tugon ko
Bigla namang nagulat si Josh at Harvey sa
aking sinabi
“huh? Diba patay na yun?” si Josh na di
makapaniwala
“yun ang naikwento sa akin ni Itay, pero
tingnan nyo ang sinabi lang kasi ni Itay sa akin dati, hindi na nila ito muling
nakita pa hindi naman kasi sinabi na nakita nila yung bangkay nito” tugon ko
Napaisip naman ang dalawa sa aking sinabi
“Jey baka naman namalik mata ka lang, gutom
lang yan” tugon ni Josh
“hindi ko alam pero sana nga buhay pa siya,
matutuwa sigurado sila Inay at Itay pag nalaman nila” tugon ko
“siguraduhin mo munang tama ang hinala mo
mamaya kasi niyan paasahin mo lang sila mabigo pa sila” si Josh
“oo naman, patulong na din ako kay Papa”
tugon ko
“Siya nga pala Jey hintayin mo ako mamaya ha
may practice lang kami sa football” si Harvey
“asa naman ayoko nga tumayo dun at
maghintay” tugon ko
“may mga upuan naman kaya dun” tugon ni
Harvey
“ang init init eh mangingitim ako” dahilan
ko
“ala singko ng hapon mangingitim ka?” tugon
ni harvey habang medyo naiinis
“ahh kasi may gagawin nga pala ako
importante mamaya kaya mauuna nako hehe” dahilan ko uli
“basta hintayin mo ako mamaya” seryosong
tugon ni Harvey
“hindi ba pwedeng war muna uli tayo bukas
nalang tayo magbati uli? Hehe” biro ko
“bat magbabati pa tayo? Wag na kahit habang
buhay na tayo di mag usap ok lang” tugon ni Harvey na halatang nainis
“kj mo naman parang nagbibiro lang eh” tugon
ko
“2 years kang nawala, I just want to spend
more time with you tapos ayaw mo pa” si Harvey habang medyo nagtatampo
“oo nga naman ikaw talaga Jey, pero daanan
nyo din ako mamaya sa practice ha hehe” si Josh
“ok sige na, teka CR muna ako” sabay tayo ko
papuntang CR
Nung pabalik nako agad ako kinausap nung
dalawa
“Jey san pala galing yung mga sugat sa siko mo?” pag aalalang
tanong ni Harvey
“ahh heto ba wala mga ito natumba lang kasi
ako noon kaya nasugat ako pero wag kayo mag alala pagaling na din naman eh”
paliwanag ko
“eh bat naman natumba ka” tanong uli ni
Harvey
“ahh eh kwan wala na out of balance lang
ako” tugon ko habang medyo kinabahan na
Tumingin naman sa akin ng diretso yung
dalawa, kaya lalo akong di mapakali.
“alam ko nagsisinungaling ka, matagal na
tayong magkakaibigan kaya kahit hindi mo sabihin alam namin kung may tinatago
ka” tugon ni Josh
“yun nga
sinabi ko na, natumba nga ako na out of balance kasi ako” tugon ko
“Jey! Ano ba” si Harvey habang medyo naiinis
na
“o sige na nga sasabihin ko na, natumba kasi
ako nung itulak ako at ipagtabuyan ni Mr. Villegas nung dalawin ko si Inay at
Itay dati, nung makita kasi ako ni Mr. Villegas galit na galit sa akin kasi ako
daw dahilan kung bakit napahamak siya kay Papa eh kaya hayun kaya nasugat ako”
paliwanag ko
“pota Jey bat di mo sinabi samin ito?!” si
Josh habang galit na galit
“tangina wala siyang karapatang saktan ka”
si Harvey habang galit na galit din
“hayan kasi alam ko ganyan magiging reaksyon
nyo besides kayo din naman may kasalanan nun kaya napapunta ako sa bahay ng mga
Villegas kasi kinausap ko nga si Inay at Itay, sinabi ko na nalaman na halos sa
school yung sikreto ko” tugon ko
“oi kami pa sisihin mo eh kung una pa lang
sinabi mo na samin yung totoo baka di na umabot sa ganun” katwiran ni Harvey
“malay ko ba kasi kung mapagkakatiwalaan
kayo nung mga panahong yun, baka isumbong nyo pa ako mawala pa scholarship ko
hehe” biro ko
Binatukan naman ako ni Josh sa mga sinabi ko
“aray! Para san yun? Harvey oh si Josh”
sumbong ko
“pasalamat ka malayo ako sayo baka nabatukan
din kita” tugon ni Harvey
“ang susungit ng mga toh kala ko ba namis
nyo ako” habang nagtatampo ako kunwari
“wag ka nga magdrama diyan, pero Jey alam mo
namang ayaw namin ng may nananakit sayo eh kaya di mo maiaalis samin na di
magalit dahil sa nangyari” paliwanag ni Josh
“pero alam nyo nagpapasalamat na din ako sa
nangyari, alam nyo yung kanta ko dati kay Papa para sa birthday nya, yun na rin
dapat yung pamamaalam ko kasi napagkasunduan din kasi namin nila Inay at Itay
na babalik na kami sa isla eh” malungkot kong sambit
“bakit iiwan mo na kami?” tanong ni Harvey
“mukhang ganun na nga mangyayari nun kung
hindi nyo lang nakilala tinig ko” paliwanag ko
Lumungkot naman si Josh at Harvey sa aking
mga sinabi kaya ibinalik ko na lamang sa dati ang pinag uusapan.
“pero hayaan nyo nalang siya, ayaw ko naman
gawin sa kanila mga ginawa nila sa akin kasi parang wala na din ako pinagkaiba
sa kanila pag ginawa ko yun” tugon ko
Di na lamang kumibo si Josh at Harvey,
natapos kami mag almusal at lumabas na kami para bumalik sa penthouse, habang
naglalakad kami ay may narinig akong lalaking tumawag sa akin, pagharap ko ay
nakita kong tumatakbo siya papalapit sa kin sabay yakap ng mahigpit sa akin.
“Jey! Salamat at buhay ka” si Paul habang
yakap ako ng mahigpit
“P-Paul ikaw ba yan?” tanong ko
“oo ako nga, alam mo ba iyak ako ng iyak
nung malaman kong namatay ka, buti nalang nabalitaan ko sa mga dati mong
kaklase yung tunay na nangyari sayo, ang saya saya ko talaga” si Paul sabay
yakap uli sa akin
Bigla namang lumapit sa amin ang isang babae
na nakangiti at inakbayan ni Paul
“oo nga pala Jey gusto ko pala ipakilala si
Lenny, girlfriend ko” sabay ngiti ni Paul
Gulat ako sa sinabi nya si Josh at Harvey
naman ay natatawa dahil sa reaksyon ko, binati ko naman si Lenny, mukha naman
siyang mabait kaya masaya ako para kay Paul.
“Pano Jey mauna na kami, tawagan kita minsan
ha para magkasama naman tayo” si Paul
“wala ako cell eh wala kasi ako pambili
hehe” tugon ko
“hanggang ngayon pala puro ka pa din biro
ikaw talaga, sige alis nako basta magkikita parin naman tayo eh” paalam ni Paul
sabay kurot sa aking pisngi
Pag alis nya ay nagtatawanan parin sila Josh
at Harvey
“kala nagbibiro ako wala naman talaga ako
cell noh” sambit ko
“anong wala kang cell eh ano yung binigay
namin sayo dati” tanong ni Josh
“di naman akin yun para kay Anghelo yun eh”
tugon ko
“wushus ang drama pero Jey pahiya ka kanina
noh kung nakita mo lang itsura mo sa salamin nung malaman mong girlfriend ni
Paul kasama nya kanina hahaha” pang aasar ni Harvey
“waaaa di kaya saka mukha namang mabait girlfriend
nya di tulad sayo mga reject hehe” ganti kong pang aasar
“ahh ganun?” sabay suntok sa braso ko ni
Harvey
“aray!, nagagalit kayo pag may nananakit sa
akin pero lagi nyo naman ako sinusuntok” sambit ko
“eh lambing lang naman namin sayo yun ikaw
naman oh” si Harvey sabay akbay sa akin
Bumalik na kami sa penthouse para
makapaghanda sa pagpasok sa school, habang nasa kwarto ako ay medyo sumama ang
pakiramdam kaya nahiga muna ako hanggang sa maka idlip ako, pagpasok ni Josh ay
nilapitan nya ako para ayain na pumasok
“uy Jey gising na tanghali palang nakatulog
ka nanaman” si Josh habang tintapik ako
“ahh wala umidlip lang ako sumama kasi
pakiramdam ko eh” tugon ko
Hinawakan naman ni Josh ang noo ko at
naramdaman nga nya na medyo mainit nga ako
“may sinat ka ahh, wag ka na muna pumasok”
si Josh habang nag aalala
“hindi ayos lang ako inom nalang ako gamot
mawawala din ito” tugon ko
“eh baka lumala pa yan mamaya, wag ka na
pumasok” tugon ni Josh
“may exam tayo mamaya di pedeng di ako
pumasok saka andyan naman kayo di nyo naman ako pababayaan diba?” tugon ko
“o sige na tumayo ka na, pero mamaya sabihin
mo lang pag di mo na kaya iuuwi ka na namin” si Josh
Sasakyan ni Harvey ang ginamit namin para
sabay sabay na din kaming umuwi mamaya, habang papunta kami ng school..
“Jey dapat di ka na pumasok eh mamaya nyan
lumala pa yan, saka bakit nagkasakit ka nanaman? Ang hilig hilig mo kasing
magpagod eh” si Harvey habang nagdadrive
Hindi na lamang ako umimik at hinintay ko
nalang na makarating kami sa school, kung magrarason naman kasi ako hindi na
kami matitigil. Pagdating namin sa school ay sinalubong agad kami nila Fatima.
“naks naka akbay pa si Harvey kay Jey
mukhang bati na sila” pang aasar nila Fatima
“siyempre di ko naman matitiis best friend
ko, heto pa labs na labs ko yata ito” si Harvey sabay higpit ng pagkakaakbay sa
akin
“mabuti naman kung ganun di kasi maganda
tingnan na nag aaway mag best friend” tugon ni Beth
“asan pala si Dindo bakit kayo lang?” tanong
ko
“nasa may library pa eh may sinauli lang na
libro” tugon ni Marie
Pagpunta namin sa may library ay isang
eksena ang aming nasaksihan, habang papalabas ng library si Dindo ay di nya
sinasadyang tamaan si Grace na naging sanhi ng pagkahulog ng mga gamit ni Grace
“ano ba?! pwede ba tumingin ka sa dinadaanan
mo” galit na sambit ni Grace habang pinupulot ang kanyang mga nahulog na gamit
“naku Grace pasensya ka na hindi ko
sinasadya di kasi kita nakita” si Dindo habang humihingi ng paumanhin at
tinutulungan si Grace na pulutin ang kanyang mga gamit
Nang makuha na ni Grace lahat ng kanyang mga
nahulog na gamit ay agad naman siya hinawakan ni Dindo para tulungang tumayo.
“Bitawan mo nga ako! Pwede ba mahiya ka nga
ang lakas ng loob ng isang katulad mo lang na hawakan ako, malalaman ng Daddy
ko itong ginawa mo tingnan lang natin kung makapag aral ka pa” galit na banta
ni Grace
“pasensya ka na hindi ko talaga sinasadya”
tugon ni Dindo habang nahihiya sa mga pangyayari
Bigla naman dumating si Kate, Elton at Luke
sa kanilang kinaroroonan
“oh napano ka bat galit na galit ka?” tanong
ni Kate
“eh hetong bwisit na toh eh haharang harang
kasi” sabay turo ni Grace kay Dindo
“nagsorry na nanaman ako ahh” tugon ni Dindo
“oh nagsorry na pala eh hayaan mo na” tugon
ni Kate
“oo nga naman Grace sobra ka naman kung
makapag react” dagdag ni Luke
“ewan ko ba bakit pumapayag ang school na
tumanggap ng mga ganitong klaseng mga estudyante nahahaluan tuloy tayo” tugon
ni Grace na may halong pang iinsulto
“oi sobra na yan ha, di naman yata maganda
na sabihin mo yan lalo pa sa harap nung tao” tugon naman ni Luke
“wala ako pakialam, he deserves it naman”
tugon naman ni Grace
“hindi
ko talaga mapapalagpas ito, humanda ka talaga pag nalaman ito ng Daddy ko”
banta ni Grace kay Dindo
Agad agad naman kami lumapit sa kanilang
kinaroroonan
“para namang may magagawa pa ang daddy mo
kung ipapasisante ko siya noh” sambit ko habang papalapit sa kanila
“pwede ba wag ka makialam dito at manahimik
ka nalang diyan” galit na tugon ni Grace
“excuse me baka akala mo ako pa din yung
Anghelo na dati mong inaapak apakan at inaalipusta, malas mo lang dahil
naaalala ko na ang lahat kaya wag kang maka asta diyan na akala mo kung sino
ka, tandaan mo anak ka lang ng bise presidente ng kumpanya, ako anak ng
presidente at may ari ng kumpanya kaya ikaw ang manahimik diyan bago kita
ilagay sa dapat mong kalagyan” tugon ko
Bigla namang natahimik si Grace sa aking mga
sinabi
“alam mo akala ko dati nung hindi ka na
umiimik eh nagbago ka na, wala ka parin palang pinagkaiba sa dati, napaka
matapobre mo pa din. Ako mapapalampas ko pa lahat ng pinag gagawa mo sa akin
dati, kaya kong kalimutan yun pero ang insultuhin ang mga kaibigan ko hinding
hindi ko mapapalagpas yun” sambit ko
Umalis na lamang si Grace dahil na din sa
pagkakapahiya, agad naman namin nilapitan si Dindo
“hay naku buti nalang talaga nakapag pigil
ako kanina kundi sasabunutan ko talaga yun” si Marie habang gigil na gigil
“ang taray mo kanina Jey ibang klase walang
nasabi ang lola mo kanina” pang aasar ni Fatima
“naman! Matagal ko na yatang nirehearse ang
mga linyang yun noh bwahahaha” habang tawa ako ng tawa
Bigla naman akong binatukan ni Josh
“ikaw ha puro ka nanaman kalokohan” sambit
ni Josh
“para san nanaman yun? Para nagbibiro lang
eh” sabay kamot ko sa ulo ko
“ahh Josh, Harvey pasensya na pala kayo ha
alam ko hindi nyo gusto yung ginawa ko kay Grace, di ko lang kasi matiis yung
pang iinsulto nya kay Dindo eh” tugon ko
“sus wala yun, she deserves that naman kaya
ok lang yun” ngiting tugon ni Josh
“kahit naman ako ganun din gagawin ko
naunahan mo lang ako” tugon naman ni harvey habang nakangiti din
“Jey salamat nga pala kanina ha sa
pagtatanggol mo sa akin” si Dindo
“sus Dindo nagpaka martir ka nanaman kanina,
kung ako lang yun sinabunutan ko na yun” si Marie
“kaw talaga Marie puro naman kasi away nasa
utak mo eh” tugon ni Dindo
“ewan ko pero nakita ko mga mata ni Dindo
habang tinitignan si Grace, parang may mga lagkit ang kanyang mga titig, hindi
kaya may hidden desire ka kay Grace? Hahaha!” pang aasar ko kay Dindo
“sira ka talaga Jey puro ka biro eh, hinding
hindi ako magkakagusto dun noh” inis na tugon ni Dindo
“basta sabihin mo lang pwede ko naman siya i
blackmail para mapilitan siyang mahalin ka din hahaha!” pang aasar ko pa
Binatukan naman ako ni Dindo
“aray ko, Binibiro ka lang eh pero kanina
kay Grace pa sorry ka ng pasorry tapos sakin ang sungit sungit mo hmph” tugon
ko
“sus heto naman biro lang yun, kaibigan kita
kaya ganun” sabay akbay ni Dindo sa akin
Habang palakad na kami papasok sa classroom
ay bigla akong nahilo kaya napaupo ako, nagulat naman ang aking mga kaibigan sa
nangyari
“Jey ayos ka lang ba?” pag aalalang tanong
nila Fatima
“oo ayos lang ako medyo nahilo lang ako”
tugon ko habang tumatayo ako
“yan na nga ba sinasabi ko eh dapat di ka na
kasi pumasok eh” pag aalala ni Josh habang hinawakan ako at inalalayan
“tara na ihahatid ka na namin baka kung
mapano ka pa eh” si Harvey habang nag aalala
“oo nga Jey umuwi ka na kaya baka kung
mapano ka pa kasi” sambit ni Marie
“ayos lang ako medyo napagod lang naman ako
kanina” tugon ko habang nagpatuloy ako sa paglalakad
“ano ba Jey! Nagagalit nako ang tigas
nanaman ng ulo mo eh” seryosong sambit ni Harvey
“alam mo Jey yan ang ayaw namin sayo eh kahit
di mo na kaya nagpupumilit ka parin” si Josh habang galit na din
“hindi promise ayos lang talaga ako pero
sige pag di ko na kaya papahatid na talaga ako sa inyo, pangako yan” tugon ko
Hindi na rin nila ako napilit kaya tumuloy
na din kami sa pagpasok, pero pinaupo nila ako sa gitna nila sa dati kong lugar
para nababantayan nila ako. Dumating ang lunch time naging maayos na din ang
aking pakiramdam
“ano Jey ayos ka na ba?” tanong ni Dindo
“ayos lang ako sabi ko naman sa inyo eh”
pagmamalaki ko
“eh kung mag isa ka lang kanina at wala kami
baka napano ka na” inis na tugon ni Harvey
“sobra naman ito” tugon ko habang napayuko
ako
“di mo naman maalis na mag alala kami sayo,
kaw pa naman siyado ka malapit sa disgrasya” si Josh
Pagkatapos namin kumain ay pumunta muna kami
sa tambayan para maghintay na lamang ng oras
“Jey uminom ka na ba ng gamot?” tanong ni
Dindo
“oo pinainom na namin yan pagkatapos kumain
nung mag CR ka kanina” tugon ni Josh
“Jey halika nga higa ka na muna sakin para
makapagpahinga ka narin” si Harvey habang pinahiga ako sa kanyang kandungan
“ang sweet nyo talaga sa akin, mahal na
mahal nyo talaga ako” pang aasar ko kay Josh at Harvey
“oo naman ikaw lang naman di maka appreciate
ng mga ginagawa namin para sayo eh” tugon ni Josh
“naks ang drama binibiro ko lang kayo” tugon
ko
Habang nandoon kami ay kanina pa pala kami
pinagmamasdan ni Elton na nakaupo malapit sa aming kinarooonan.
“oi Jey tingnan mo si Elton kanina pa
nakatingin” sambit ni Fatima
“naiinggit lang yan kay Jey, I’m sure wish
nya siya yung nakahiga sa kandungan ni Harvey” tugon naman ni Beth habang
natatawa
“asarin mo nga Jey” biro ni Marie
“sige sige” tugon ko naman habang natatawa
“Harvey kiss mo naman ako ohh, sige na isa
lang” paglalambing ko kunwari kay Harvey
Bigla naman akong pinitik sa tenga ni Harvey
“aray! Para nagbibiro lang eh” tugon ko
habang hinahawakan ko ang aking tenga
“puro ka nanaman kalokohan eh kung matulog
ka na kaya muna” tugon ni Harvey
“teka Jey CR muna pala ako ha” si Harvey
habang inilipat ako sa kandungan ni Josh
Habang nakahiga ako sa kandungan ni Josh ay
kinausap ko siya tungkol kay Elton
“Josh naging kaibigan nyo din naman si Elton
hindi ba? dalawang taon din kayo magkakasama, nung una pa nga namin dating nila
Dindo at Marie dito ang balita namin ka close nyo talaga siya” tanong ko
“oo naging ka close naman namin siya pero
iba kasi ang ugali nya, I know maganda hangarin niya kaso minsan kasi mali
pamamaraan nya” tugon naman ni Josh
“baka pinoprotektahan nya lang kayo kaya
ganun” tugon ko
“alam mo ba Jey na Elton was trying to be
you, gusto nya siya pumalit sayo kila Josh at Harvey” sambit naman ni Fatima
“o ano naman masama dun ayaw nyo nun may
papalit na sakin, sinwerte lang ako at nakabalik ako sa inyo pero kung minalas
ako at di nako nakabalik siyempre kailangan nyo din naman humanap ng bagong
kaibigan hindi ba?” tugon ko
BIgla namang dumating si Harvey
“Bakit ano ba akala mo ganun ka kadali
palitan?, kahit pasaway ka ,matigas ang ulo mo at lagi kami napapahamak sayo
hinding hindi ka namin ipagpapalit kahit kanino” sabay ipit ni Harvey sa ilong
ko
“oo nga naman Jey ikaw talaga kung
makapagsalita ka parang ganun ka lang kadali palitan” si Josh
“pero balita ko nga Harvey iyak ka ng iyak
at nagwawala ka daw nung dinala ka ni Josh sa puntod ko” pang aasar ko kay
Harvey
Nagtawanan naman sila Josh, Fatima, Beth,
Tom at iba ko pang mga kaklase samantala si Harvey ay namula dahil sa hiya,
agad naman nya ako sinuntok sa braso
“aray! Heto naman binibiro lang eh saka labs
mo naman talaga ako eh” sabay bangon ko at yakap kay Harvey ng mahigpit
“pakiss nga Harvey isa lang plsss” pang
aasar ko habang inilalapit ko nguso ko sa mukha nya
“landi mo nanaman ha magtigil ka nga diyan”
habang inilalayo naman nya ang mukha nya sa bibig ko
“edi wag, kay Josh nalang hehe” sabay yakap
ko kay Josh at hahalikan siya kunwari
“sira ka talaga Jey, tara na nga time na eh”
sabay hila ni Josh sa akin para pumasok na
“sinungaling talaga mga toh sabi nyo kagabi
kikiss nyo ko pag gusto ko ng kiss” biro ko
“o sige mamayang gabi kung gusto mo lips to
lips pa eh” biro ni Harvey
“yak wag na” tugon ko naman
“o kita mo toh akala ko ba gusto mo ng kiss”
pang aasar ni Josh
Natapos ang klase at nakapag exam naman ako
ng maayos, dumating ang oras ng dismissal at gaya ng napagkasunduan ay
kailangan kong maghintay kay Josh at Harvey na matapos ang practice nila
“Jey ano ayos ka na ba? kasi kung hindi pa ihahatid ka na namin” tanong ni Josh
“oo ayos nako sige mag practice nalang kayo maghihintay
nalang ako” tugon ko
Nauna na si Josh at tumuloy na siya sa
practice nya sa basketball at ako naman ay naiwan sa mga benches ng oval para
hintayin si Harvey sa kanyang practice, ipinakilala pa nga ako ni Harvey sa
kanyang mga team mates. Mga team mates palang kasi ni Josh ang mga nakilala ko
dati nung si Anghelo pa ako
“Guys I want you to meet my best friend si
Jey” si Harvey habang naka akbay sa akin
“hi Jey” ngiting bati naman ng kanyang mga
team mates
“hello rin sa inyo” tugon ko naman habang
nakangiti
“grabe ang gugwapo naman ng mga toh, tama
nga si Fatima” mahina kong sambit habang kinikilig ako
“oi Jey umayos ka ha yung kaharotan mo nanaman
di mo nanaman mapigilan” si Harvey habang tila alam ang aking iniisip
“uy sobra ka naman di naman ako ganun” tugon
ko habang medyo nahihiya
Naupo na lang ako sa mga benches habang
naghihintay matapos ang training nila, sa katunayan nasa warm up palang sila ay
naiinip na ako, habang tumatakbo sila paikot ng oval ay inabutan ako ng
pagkatakam sa ice cream kaya hinintay kong makaikot si Harvey upang makapag
paalam ako na bibili lang muna ako ng ice cream sa labas.
“Harvey!” sigaw ko
Tumingin naman si Harvey sa aking
kinaroroonan
“labas lang ako bili lang ako ng ice cream
ha” paalam ko
“nilagnat ka kanina tapos ice cream? Juice
bilin mo” seryosong tugon ni Harvey
“ano pa nga ba” tugon ko habang napakamot na
lang ako sa ulo ko
Natawa naman ang mga team mates ni Harvey sa
nangyari, lumabas muna ako ng campus para dun nalang bumili hindi na sa loob ng
campus para malibang din ako kahit papaano. Habang bumibili ako ng juice ay
nakita ko nanaman ang taong kamukhang kamukha ni Anghelo na pasakay ng taxi,
nung hahabulin ko siya ay naka alis na ang taxi kaya agad ako pumara ng isa
pang taxi upang sundan ang taong yun.
“sir saan po tayo?” tanong ng taxi driver
“mama paki sundan po yung taxi na yun” sabay
turo ko sa taxi na sinasakyan nung kamukha ni Anghelo
Makalipas ang ilang minuto ay nakita kong
pumasok sila sa sementeryo kung saan nakalibing si mama at ako nung akala nila
ay patay na ako.
“ano ba yan sa lahat naman ng pupuntahan
nito sa sementeryo pa na ganito pang oras” sambit ko sa aking sarili na medyo
kinakabahan
Pagbaba nya ay bumaba na din ako may dala
siyang mga bulaklak, ngunit di ko na muna siya kinausap, sinundan ko na lamang
siya kung saan siya patutungo. Inilagay nya ang kanyang mga dala dalang
bulaklak sa isang puntod, hinayaan ko na muna siyang mapag isa dahil alam ko
importante para sa kanya ang nakahimlay doon. Matapos ang ilang minuto ay unti
unti ko siyang nilapitan.
“sino siya?” tanong ko habang naka talikod
siya
“ahh siya yung kumupkop sa akin dati,
napakabuti nya pero maaga siya kinuha ng diyos” malungkot nyang tugon habang
nakatalikod sa akin
Pagharap nya ay nagulat talaga ako dahil
kamukhang kamukha nya ang larawan ng anak nila Inay at Itay
“A-Anghelo?” nauutal kong sambit
“kilala mo ako?” tugon ni Anghelo habang
nagtataka
“kung ganun ikaw nga si Anghelo Suarez!”
sigaw ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit
“teka teka sino ka ba?” pagtataka ni Anghelo
“ahh ako nga pala si Jey, akala ko kasi
namatay ka na buhay ka pa pala sigurado ako matutuwa sila Inay at Itay pag
nalaman nila ito” tugon ko habang tuwang tuwa ako
“pano mo nalaman ang nangyari sa akin? Bat
alam mo tunay kong pangalan? saka naguguluhan ako bat andami mong alam tungkol
sa akin?” sunod sunod na tanong ni Anghelo
“mahaba kasing storya pero malapit ako sa
Inay at Itay mo kinupkop din kasi nila ako nung napadpad ako sa isla ninyo”
paliwanag ko
“pwede ba wag mo ako pinagloloko, matagal
nang patay sila Inay at Itay kaya kung biro man yan hindi magandang biro yan”
galit na tugon ni Anghelo habang papaalis na sa aming kinaroroonan
“teka wag ka umalis totoo naman mga sinasabi
ko eh” tugon ko habang pinipigilan sya
“wala akong panahon makipag biruan sayo”
galit na tugon ni Anghelo
“o sige kung ayaw mo talagang maniwala di
kita pipigilan pero kung sakaling mag iba isip mo at gusto mo akong makausap
puntahan mo nalang ako sa dela Vega building, Jey dela Vega nga pala pangalan
ko, wala kasi ako cellphone at kung bahay naman bibigay ko baka mahirapan ka
lang hanapin kaya yung building nalang namin siguro naman alam mo puntahan yun”
paliwanag ko
Ngunit di na siya tumugon at nilisan na
lamang ang lugar na aming kinaroroonan, naiintindihan ko ang reaksyon nya kaya hindi
ko naman siya masisisi normal lang naman yun sa taong nabigla kaya hinayaan ko
nalang siya. Hindi ko napansin ay inabutan na pala ako ng dilim sa sementeryo.
“waaaaaaa grabe naman sa lahat naman ng
aabutan ako ng dilim dito pa nakakainis” sambit ko habang takot na takot
Nagmamadali akong maglakad palabas ng
sementeryo ngunit masyado nang madilim sa labas halos wala nang mga nagdadaan
kaya natatakot akong lumabas at alam ko medyo delikado na din banda dun lagi
kasi nababalita na madaming naglipanang masasamang loob sa may labasan ng
sementeryo, kaya pumunta na lamang ako sa guard house kung san may nakabantay
na guwardiya upang makitawag nalang para magpasundo ako
“manong pwede po bang makitawag?” pakiusap
ko
“sige lang” tugon naman ng guwardiya
Inisip ko kung sino ang mga pwede kong
tawagan, kung si Papa at sila kuya sigurado mayayari ako at baka hindi nanaman
ako payagang malayo sa kanila,kung yung driver naman namin, sigurado ako
malalaman din nila Papa at di ko rin memorize cell nun, kung si Fatima naman
hindi ko din kabisado number nya, sila Dindo at Marie naman ay wala namang
cellphone. Tanging no. lang sa penthouse namin ang natatandaan ko.
“naku lagot nanaman ako iniwan ko pala sila
kanina, sigurado ako galit na galit nanaman sa akin ang mga yun, tanga mo
talaga Jey hindi ka nanaman kasi nag iisip” inis na sambit ko sa aking sarili
Nilakasan ko na lamang ang loob ko at
tumawag sa penthouse, si Josh ang nakasagot sa telepono.
“ahh
Josh si Jey ito pwede mo ba akong sunduin” nahihiya kong sambit
“tangina
Jey! Nasaan ka ba kanina pa kami alalang alala sayo ah! Kanina ka pa namin
hinahanap sa buong campus!” si Josh habang galit na galit
“nasa
sementeryo kasi ako sa may guardhouse pwede mo ba akong sunduin?” nahihiya
kong tugon
“sementeryo?
Ano bang ginagawa mo diyan ng gabi? Alam mong delikado diyan ng ganitong oras
eh” galit na tugon ni Josh
“ayos
lang ako andito naman yung guard eh pero nakakatakot talaga pedeng pakibilisan?
Hehe” tugon ko habang nahihiya pa din
“o
sige sige hintayin mo lang kami diyan papunta na kami ni Harvey wag kang aalis
diyan” si Josh
Bigla naman kinuha ni Harvey ang telepono
mula kay Josh at kinausap ako
“humanda
ka talaga mamaya sa akin” si Harvey habang galit na galit at ibinagsak ang
telepono
“waaa grabe naaalala ko nanaman nung
highschool kami yari nanaman ako nito” mahina kong sambit
Hinanda ko na lamang ang aking sarili sa
pwedeng mangyari, kasalanan ko rin naman kasi eh masyado akong nadala sa
pagkakita ko kay Anghelo kaya nakalimutan ko magpaalam kay Josh at Harvey. Makalipas
lamang ang ilang minuto ay dumating na ang sasakyan ni Josh kasama si Harvey
agad agad sila bumaba upang puntahan ako.
“manong salamat po uli ha” paalam ko sa
guard
Habang pabalik na kami sa sasakyan ay hindi
man lang ako iniimik ng dalawa hanggang sa biyahe namin pabalik ng penthouse ay
di man lang ako kinakausap ng dalawa pero hinayaan ko na lang sila dahil
kasalanan ko nga naman kaya naupo na lamang ako sa biyahe na nakayuko. Kahit
pagdating namin sa penthouse ay di man lang ako inimik ng dalawa hanggang sa
dinner ay silent treatment pa din ang inabot ko.
“uy hanggang kailan nyo ba ako di
kakausapin? Sorry na talaga nakita ko kasi si Anghelo kanina habang bumibili
ako ng juice sinundan ko siya hanggang sa mapadpad ako sa sementeryo, at tama
nga ang hinala ko buhay nga si Anghelo” paliwanag ko
Ngunit patuloy lamang sila sa pagkain at di
parin nila ako iniimik
“Harvey sige na tuparin mo na banta mo sa
akin kanina, diba sabi mo lagot ako sige na sapukin mo na ako o batukan kesa
naman ganyan na di nyo ako kinakausap” malungkot kong pakiusap
Bigo pa rin ako hanggang sa matapos sila
kumain at dumiretso sa kwarto ni Josh para tumambay ay di man lang nila ako
kinausap.
“sungit naman ng mga toh di naman ako
nagsisinungaling eh” sambit ko sa aking sarili
Pumasok ako sa kwarto ni Josh at nakita ko
silang nakahiga habang nagkukwentuhan
“Josh, Harvey kailan nyo ba talaga ako
kakausapin?” tanong ko
Ngunit gaya pa rin ng dati ay patuloy lamang
sila sa pagkukwentuhan at di ako pinansin kaya naisipan ko na lang na
magpaalam.
“sige uwi nalang ako” malungkot kong paalam
Habang palabas na ako at papunta na sa
elevator ay tinawag naman ako nung dalawa
“saan ka nanaman pupunta?” inis na tanong ni
Josh
“uuwi ayaw nyo naman ako kausapin eh” tugon
ko
“at pano ka uuwi?” tanong ni harvey
“edi magtataxi dami naman dumadaan eh” tugon
ko
“gabi na eh kung mapano ka pa” tugon ni
Harvey
“ok lang yun wala naman kayo pakialam sa
akin eh, ayaw nyo naman ako kausapin hindi nyo nako mahal” pagdadrama ko
“yan ka nanaman Jey ha pinag alala mo kami
kanina pati nga mga team mates namin tumulong na sa paghahanap kanina sayo sa
buong campus kahit di naman nila trabaho yun tapos gumaganyan ka pa” galit na
tugon ni Josh
“halos mamatay na kami sa kakahanap at pag
aalala sayo kanina, tandaan mo galing ka sa sakit tapos umalis ka nalang ng
walang paalam eh kung may nangyaring masama sayo kanina, kung sa loob ng
sementeryo ka mahilo? Sino tutulong sayo? Eh bihira lang mga pumupunta dun ng
ganitong buwan” si Harvey habang galit din ang tono
Natahimik nalang ako sa kanilang mga nasabi
“tapos sasabihin mo hindi ka namin mahal?
Bakit mag aalala ba kami ng ganito sayo kung di ka namin mahal?” dagdag pa ni
Harvey
“alam mo Jey kahit di namin madalas sabihin
sayo, alam mong mahal ka namin at alam naming nararamdaman mo naman yun eh” si
Josh habang seryoso
“waaaaa nakaka touch naman” tugon ko habang
papalapit sa kanila at niyakap sila ng sabay
“sus ang drama mo ikaw talaga saka
tinuturuan ka lang namin ng leksyon kanina kaya ayaw ka namin kausapin” si Josh
habang niyakap din ako
“ipag alala mo pa uli kami ng ganun di lang
ito aabutin mo” si Harvey sabay suntok ng malakas sa braso ko
“aw ang lakas nun” tugon ko habang hinihimas
ko sa sakit braso ko
“pero ok lang mas gusto ko na yun kesa di
nyo ako kausapin hehe” dagdag ko
Natulog naman kami sa kwarto ni Josh, di ko
pa nga nasusubukan matulog sa sarili kong kwarto bilang si Jey, pero ayos lang
yun matagal din naman kasi kaming di nagkasama sama kaya natural lang na gusto
muna nila ako makasama.
Kinabukasan sa bahay ng mga Villegas habang
kumakain ng almusal ang buong pamilya
“I really hate that Jey” pagdadabog ni Grace
“bakit naman? Ano nanaman ba ang ginawa
nya?” tanong ng mama nila
“he just humiliated me infront of Josh and
Harvey and ang malala pa sa harap ng maraming tao” tugon ni Grace habang
nagdadabog pa din
“hayaan mo na iha maki close ka nalang sa
kanya, makipag plastikan ka muna mahirap siya kalabanin dahil anak siya ni Mr.
dela Vega” tugon naman ng Papa nila
“I agree kahit I don’t like him pipilitin
kong maging mabait sa kanya, kasi I’m sure pag nakasal na kami ng kuya nya wala
na din naman siya magagawa” dagdag pa ni Lisa
“anyway daanan nyo ako mamaya sa opisina ha,
may mga aasikasuhin lang akong mga papeles para tuloy tuloy na tayo at di tayo
ma late sa flight natin papuntang Boracay” sambit ng Papa nila
“no problem Papa para makulit ko na din si
Justin para makasunod siya sa atin sa boracay ayaw kasi nya sumama dahil
kababalik lang ng bwisit na kapatid nya” tugon ni Lisa
“buti na lang napalayas na din natin yung
mga umampon sa Jey na yan mahirap na baka magsumbong pa yun malintikan pa tayo
kay Mr. dela Vega” sambit ng mama nila
“eh ma diba mga kaibigan nya alam din mga
ginawa natin sa kanya baka magsumbong din mga yun” tugon ni Grace
“alam mo iha kung magsusumbong din sila edi
sana matagal na nila ginawa yun besides di naman pumupunta sa kumpanya ang mga
yun” tugon ng mama nila
“besides sis tama nga mga nakukwento ni
Justin sa akin about sa kapatid nya na di ugali ni Jey ang magpahamak ng tao
kaya tama desisyon nila mama na palayasin na ang mag asawang yun” tugon naman
ni Lisa
Samantala bandang tanghali sa opisina ni
Papa ay dumating na kami nila Josh at Harvey dahil may recollection din ang
aming mga guro kaya wala ding klase. Naabutan namin nagkukwentuhan sila Papa at
Kuya na nakaupo sa loob ng opisina.
“Papa! Kuya” sigaw ko nung makita ko sila
Papa at Kuya
Tumakbo ako at niyakap si Papa ng mahigpit,
tumalon naman ako pakandong kay Kuya Justin na parang bata.
“ano ba Jey hindi ka na bata ang bigat mo na
kaya” sambit ni Kuya Justin habang nakakandong ako
“sungit naman ni Kuya sige kay Kuya John
nalang ako hehe” sabay lipat ko kay Kuya John
“halika dito baby ko” biro ni Kuya John
“buti ka pa kuya di kill joy hehe” tugon ko
habang inaasar ko si Kuya Justin
Umupo ako katabi nila kuya at kinausap naman
ako ni Papa
“o Jey kamusta naman dun sa penthouse ayos
ka lang ba?” tanong ni Papa
“tito nilagnat po yan kahapon” tugon ni Josh
“ha? Totoo ba yun anak kamusta ka naman?
Ayos ka na ba?” pag aalalang tanong ni Papa
“opo pa nilagnat nga po ako, sobra po kasi
ako napapagod sa penthouse ginawa po kasi nila akong katulong dun kapalit ng
pagtira ko, di nga po nila ako pinapakain eh nagtyatyaga lang po ako sa mga
pagkain na nahuhulog sa ilalim ng mesa” biro ko habang kunwari malungkot ako
“oi walangya ka ano pinagsasabi mo?” si
Harvey habang nagulat
“tito wag po kayo maniwala diyan nagbibiro
lang po yan” paliwanag ni Josh habang nagulat din
Tawa naman ako ng tawa sa reaksyon ng
dalawa, bigla naman ako nilapitan ng dalawa at sinuntok sa magkabila kong
braso.
“aray! Alam nyo matatanggal na mga braso ko
kakasuntok nyo” sambit ko habang hinihimas ko magkabila kong braso.
“Kayo talaga wala parin kayo pinagbagong
tatlo naaalala ko pa nung highschool kayo lagi kayo napapahamak dahil sa anak
ko” si Papa habang natatawa
“don’t worry po tito hanggang ngayon pa din
naman napapahamak parin kami sa kanya” tugon ni Josh
“saka tito nag mature na po kami ni Josh
unlike Jey pang grade 2 pa din kung mag isip” tugon naman ni Harvey habang sama
ng tingin sa akin
“hahaha! Ganun ba? pagpasensyahan nyo na
anak ko ganyan talaga yan” si Papa habang natatawa
“waaaaa grabe naman sila di naman po ako
ganun papa” nahihiya kong tugon
Lumabas muna ako para mag CR at mag ayos na
din upang makapaghanda sa lunch namin, hinihintay pa kasi namin sila Fatima,
Marie at Dindo. Paglabas ko ng opisina ni Papa ay nakita ko si Lisa at Grace na
naghihintay sa labas ng opisina ng Papa nila, nilapitan naman ako ni Lisa ng
nakangiti
“Hi Jey andyan ba kuya mo?” tanong ni Lisa
habang naka ngiti
“nasa loob kasama si Papa saka Kuya John”
tugon ko
“ahh ok puntahan ko nalang siya mamaya,
punta muna ako sa baba” tugon ni Lisa
Bumaba na nga si Lisa at si Grace naman ay
nagfefeeling nanaman sa mga empleyado
“nasan na yung pinapakuha kong juice?” galit
na tanong ni Grace sa isang empleyado
“sorry po ma’am ni rush ko lang po kasi
hetong financial report kailangan na po kasi” tugon naman ng empleyado
“kanina ko pa inutos yun hindi ba? o baka
nakakalimutan mo na kung sino ako?” masungit na tugon ni Grace
“pasensya na po talaga ikukuha ko na po
kayo” tugon ng empleyado na halatang takot na takot
Sa sobrang inis ko ay nakialam na ako
“wag mo siya sundin” utos ko
Napatingin naman si Grace at yung empleyado
sa akin pati na din ang ibang mga empleyado ay napatingin din
“sir Jey kayo po pala” tugon ng empleyado
“diba finance officer ka?” tanong ko
“opo sir” tugon nung empleyado
“eh bakit nagpapa utos ka diyan eh hindi mo
naman trabaho ang pagsilbihan siya” tugon ko
Napakamot na lamang ng ulo yung empleyado
“ikaw nanaman? Pag minamalas nga naman
hanggang dito ba naman eh magkikita pa tayo” sambit ni Grace
“natural eh kumpanya namin ito, dapat sayo
ko tinatanong yan noh” masungit kong tugon
“bahala ka sa buhay mo wala akong panahon
makipag talo sa mga taong katulad mo” masungit na tugon ni Grace
“sus feeling ka naman diyan baka
nakakalimutan mo mas mataas na ang level ko sayo, correction mas mataas na pala
noon pa ang level ko kesa sayo noh” pang aasar ko
Natahimik naman si Grace at nagtawanan naman
yung ibang mga empleyado sa pagkakapahiya ni Grace. Lumabas naman ang mama nya
mula sa opisina ng papa nya
“ano ang nangyayari dito?” tanong ng Mama
nya
“wala po Mrs. Villegas pagsabihan nyo lang
po ang anak nyo na hindi nya po bahay itong opisina para gawing katulong yung
mga empleyado nakakahiya po kasi napaghahalataan po kasing wala siyang
breeding” ngiti kong tugon habang papaalis at papunta na ng CR
Natahimik naman ang mag ina sa aking mga
sinabi, samantala ay natatawa naman ang mga empleyado sa nasaksihan nila.
Binabati pa nga ako ng bawat makasalubong ko
“sir sapul siya dun” sambit nung isang
empleyado
“oo nga po sir bagay nga nya yun matagal na
kami asar sa pamilyang yan” sambit naman nung isa
“oh siyempre magaling ako eh wahahahaha”
tugon ko habang natatawa
“hahaha sir kayo talaga, pero namiss talaga
namin kayo nung nawala kayo” tugon naman nung isang empleyado
Dumiretso na nga ako sa CR samantala sa Opisina ni Papa ay dumating na
ang tatlo, halata namang nahihiya si Dindo at Marie kila Papa at Kuya
“hi tito” bati ni Fatima sabay halik kay
Papa
“good morning po Mr. dela Vega” bati ni
Marie at Dindo habang nahihiya
“oh bakit naman napaka pormal? tito nalang
itawag nyo sa akin kaibigan naman kayo ng anak ko eh” tugon ni Papa habang naka
ngiti
“ahh sige po tito” ngiting tugon ni Marie
habang nahihiya parin
“Salamat nga pala sa pag alaga nyo sa anak
ko nung nasa isla pa siya hanggang sa makabalik siya dito ng Maynila ha, alam
nyo alagang alaga namin yun pero nalaman naman namin na naging masaya naman
siya dahil na din sa tulong nyo” sambit ni Papa
“naku wag nyo po alalahanin yun, natural
lang naman po sa magkaibigan ang magtulungan eh” tugon ni Dindo
Ipinakilala din sa kanila si Kuya Justin at
Kuya John
“Heto nga pala si John ang pangalawa kong
anak” pakilala ni Papa
“hi” ngiti ni Kuya John
Ngumiti din si Dindo at Marie
“heto naman si Justin ang panganay kong
anak” pakilala ni Papa
“kamusta kayo” si kuya Justin habang
nakangiti
“waaa grabe Dindo ang gugwapo talaga ng mga
kuya ni Jey” bulong ni Marie kay Dindo
“sira ka talaga Marie mahiya ka nga mamaya
marinig ka pa” mahinang tugon naman ni Dindo kay marie
“Justin po? Ano nyo po si Lisa Villegas?”
tanong ni Marie
“ahh girlfriend ko bakit?” tanong ni Kuya
Justin habang naka ngiti
“ahh girl friend nyo pa din pala matapos ang
ginawa nya kay Jey” bulong ni marie
“ano yun?” tanong ni Kuya Justin habang
nagtataka
“wala po hehe” tugon ni Marie
Bigla namang pumasok sa opisina ni Papa si
Lisa at hindi napansin na andun din sila Dindo at Marie
“hello tito kamusta na” bati ni Lisa kay
Papa sabay halik sa pisngi
“oh iha ikaw pala bat napadalaw ka” tanong
ni papa
“ahh kasi tito kukulitin ko lang sana itong
boyfriend ko na sumunod sa amin sa boracay” si Lisa sabay hawak sa kamay ni
Kuya Justin
“hindi nga pwede madami akong gagawin saka
kababalik lang ng kapatid ko gusto ko siya muna ang makasama ko” tugon ni Kuya
Justin
“sige ka magtatampo ako sayo” si Lisa habang
naglalambing kay kuya
Bigla namang nagparinig si Marie
“hay ang kapal talaga” parinig ni Marie
Bigla namang napatingin si Lisa kay Marie at
nagulat
“a-ano ginagawa nyo dito?” tanong ni Lisa
habang kinakabahan
“bakit? inimbitahan kami ng Papa ni Jey na
sumabay mag lunch sa kanila eh” tugon ni Marie
Bigla namang nagpaalam na si Lisa at lumabas
na ng opisina
“oh napano yun? Bat nagmamadali” pagtataka
ni Kuya John
“di ko din alam eh” tugon ni Kuya Justin
“eh pano kasi takot lang nya malaman nyo ang
totoo” tugon ni Marie
“huh? Anong totoo naguguluhan talaga kami”
tanong ni Kuya John
Pagtingin naman nila Dindo at Marie sa may
bintana ay nakita naman nila ang buong pamilya Villegas na nagbibiruan at
nagtatawanan
“aba andito pa pala ang buong pamilya
matapobreng yan matapos ang ginawa nila kay Jey” sambit ni Marie habang naiinis
“bakit ano ginawa nila kay Jey?” tanong ni
Papa habang nagtataka
“oo nga Marie ano ba yung tungkol kay Jey?”
tanong din ni Fatima
“eh kasi po tito minaltrato po dati ng
pamilyang yan yung anak nyo pati na din yung mga kumupkop kay Jey, nung di pa
maalala ni Jey yung tunay nyang pagkatao, lagi nya dinadalaw ang Inay at Itay
nya kaso lagi siya iniinsulto at sinasaktan ng pamilyang yan kaya nga
napagpasyahan nalang ng Inay at Itay nya na pag day off nalang nya sila magkita
para makaiwas na si Jey sa pagmamalupit kasi mas gusto pa po ng Inay at Itay
nya na sila nalang masaktan kesa si Jey ang masaktan, alam nyo po awang awa po
talaga kami kay Jey nung mga panagong yun” kwento ni Dindo
Bigla namang nagulat sila Papa at Kuya sa
kanilang mga narinig pati si Fatima ay nabigla
“omg bat di ko alam ito?, hayop sila” galit
na sambit ni Fatima
“Josh, Harvey alam nyo ba ang tungkol dito?”
tanong ni Papa
“opo tito pero kahapon lang din po namin
nalaman nung tanungin namin yung mga sugat nya sa siko nya pero hindi namin
alam na lagi pala siya sinasaktan” tugon ni Josh habang nagulat din
“yung mga sugat nya sa siko? Bakit saan ba galing
yun?” tanong ni Kuya Justin
“kasi po nung malaman ni Jey na maaring
matanggalan na sya ng scholarship dahil madami na nakakaalam sa school na hindi
siya ang tunay na Anghelo napilitang puntahan ni Jey yung Inay at Itay nya para
sabihan sila sa mga nangyari hindi na nya hinintay yung day off ng mga ito.
Nakita ni Mr. Villegas si Jey at galit na galit ito sa kanya dahil napahamak
daw po siya sa inyo dahil kay Jey, pinagtabuyan nya po si Jey at tinulak kaya
natumba si Jey at nagkasugat sugat ang mga siko nya. Andun po kami nung
mangyari yun buti nalang nailayo agad si Jey ng kanyang Inay at Itay kundi baka
napano na si Jey sa sobrang galit ni Mr. Villegas” kwento ni Marie
Bigla namang napaupo si Papa at napatulala
sa kanyang mga narinig, makalipas ang ilang minuto ay napalitan ng labis na
pagkagalit ang mukha ni Papa. Dahil andun din si ate Donna ay di na din nya
napigilan na sabihin ang kanyang nalalaman.
“eh sir sa katunayan nga may nalalaman din
ako kaso pinakiusapan lang po kasi ako ni sir Jey na wag na daw po ipaalam sa
inyo para wala na daw po gulo” sambit naman ni Ate donna
“bakit ano nalalaman mo?” tanong ni Kuya
John
“sinampal nga dati ng Lisa na yun si Jey eh”
tugon ni Ate Donna
“huh? Sinampal ni Lisa kapatid ko?” gulat na
tanong ni Kuya Justin
“opo kasi pumapapel daw po si Jey kay Josh
at Harvey, kapal daw ng mukha nya kaya sinampal ito ni Lisa pagkatapos pa nga
nun hinawakan pa sa panga ni Mrs. Villegas si Jey at sinabihan na layuan na
grupo nila Josh at Harvey” tugon ni Dindo
Nagulat naman si Josh at Harvey sa kanilang mga narinig
“ano? Bat di nasabi samin ni Jey yun” sambit
ni Harvey habang galit na galit
Makalipas ang ilang minuto ay dumating nako
at pumasok sa opisina ni Papa
“pasensya na bumili pa kasi ako ng donut sa
baba nagutom kasi ako eh hehe” paliwanag ko
Nakita ko na nag iba mga mukha nila kaya
nagtanong nako
“oh bat ganyan mga mukha nyo? May problema
ba?” tanong ko
“anak sabihin mo nga sa amin kung totoo yung
mga sinabi ng mga kaibigan mo sa mga ginawa sayo dati ng pamilya Villegas”
seryosong tanong ni Papa
“po? Ahh eh” tugon ko habang di makapag
salita
“anak sa lahat ng ayoko yung
nagsisinungaling sa akin, totoo ba na minaltrato ka ng pamilyang yun?” galit na
tanong ni Papa
Napayuko na lamang ako at tumango. Bigla namang
tumayo si Papa na halatang galit na galit palabas sa kanyang opisina.
“pa saan po kayo pupunta, hayaan nyo na po
sila maayos narin naman po ako eh” pakiusap ko kay Papa
Ngunit di ako pinansin ni Papa at tuluyan na
siyang lumabas ng opisina, agad agad naman kami sumunod sa kanya. Pagkakita
palang nya kay Mr. Villegas sa labas ng opisina nito ay agad nya itong
nilapitan at hinawakan sa kwelyo at sinandal sa pader.
“sir bakit po?” tanong ni Mr. Villegas
habang kinakabahan
“hayop ka pinagkatiwalaan kita pero heto pa
ang igaganti mo sa akin ang saktan ang anak ko” tugon ni Papa habang galit na
galit
Napahinto sa kanilang mga ginagawa lahat ng
mga empleyado sa floor na yun pati narin ang mga security ay napaakyat dahil sa
nangyayaring tensyon. Pati sila Mrs. Villegas, Lisa at Grace ay natulala din sa
mga nangyayari
“sir hindi ko po kayo maintindihan” tugon ni
Mr. Villegas habang takot na takot parin
“Mr. Villegas wag na po kayo mag maang
maangan pa, totoo naman pong pinagmalupitan nyo ng inyong pamilya si Jey hindi
ba?” sambit ni Marie
“Pinakiusapan kayo ng Inay at Itay nya na
wag nyo saktan ang anak nila pero ginawa nyo pa din, pati pamilya nyo kasama
din sa mga malulupit kay Jey” sambit naman ni Dindo
“wala pong katotohanan ang mga ibinibintang
nila nagisisnungaling lang po sila para sirain kami” tugon ni Lisa
“pasensya ka na Lisa alam ko nangako ako sa
inyo na hindi ko sasabihin ang totoo kila Papa pero hindi naman kasi nanggaling
sa akin, ang mga kaibigan ko ang nagsabi ng totoo” tugon ko
“eh sir hindi ko naman po kasi alam na anak
nyo pala si Jey nun” tugon ni Mr. Villegas habang takot na takot parin
“so Mr. Villegas what are you trying to
imply na ok lang na pagmalupitan nyo ang isang tao basta mas mataas ang estado
nyo sa buhay, ganun ba?” tanong ni Kuya John
Di naka imik si Mr. Villegas sa sinabi ni
Kuya John
“ako ang sakit sakit para sa akin nung
malaman ko ang mga dinanas na hirap ng anak ko, tapos ngayon malalaman ko na
ikaw at ng iyong pamilya ang isa sa mga nagpahirap sa anak ko, kung yung mga
katarantaduhan mo dito sa kumpanya pati na din ang mga illegal na gawain mo ay
napalampas ko pa, pero hinding hindi ko mapapalampas ang pananakit mo sa anak
ko hayop ka!” si Papa habang hawak hawak pa rin sa kwelyo si Mr. Villegas at
galit na galit
Inawat ko naman si Papa
“Pa tama na po parang di na po ikaw yan eh”
malungkot kong pakiusap kay Papa
Binitawan ni Papa si Mr. Villegas at pumunta
sa kinaroronan nila Kuya
“Mr. Villegas you know I regret the day that
I hired you, pero hindi nako papayag na magpatuloy pa ang pagsisisi ko, kaya
Mr. Villegas you’re fired! And I want you and your family out of that house”
galit na utos ni Papa
Bigla namang lumabas mula sa likod ng iba
pang empleyado ang vice president for finance ng company
“ahh sir siguro ito narin ang tamang panahon
para sabihin ko ito hindi ko na hihintayin yung board meeting natin, pero tama
po ang hinala nyo, lumabas po kasi sa investigation namin na gumagawa po ng
illegal si Mr. Villegas sobra po ang pera na kinukuha nya sa kumpanya para sa
mga marketing expenses, hindi naman pala ganun kalaki ang mga sinisingil ng mga
ad agencies sa atin pero malaki ang mga kinukuha nya, malaki na po ang nalugi
natin dahil dun hindi po pwedeng basta basta nalang palagpasin ito” paliwanag
ng bise presidente ng kumpanya
Nagulat naman ang mga empleyado sa kanilang
mga narinig
“grabe hindi na nahiya” sambit nung isa
“oo nga nagawa pang pag nakawan ang
kumpanya” tugon naman nung isang empleyado
“so Mr. Villegas ihanda mo rin pala ang
sarili mo, see you in court” seryosong sambit ni papa
Iyak naman ng iyak ang pamilya ni Mr.
Villegas sa mga narinig mula kay Papa
“sir baka po pwede nating pag usapan ito”
pagmamakaawa ni Mr. Villegas
Ngunit hindi nakinig si Papa at nilisan na
lamang nya ang lugar at pumasok sa kanyang opisina. Nilapitan naman ni Lisa si
Kuya Justin para kausapin
“Justin mag usap tayo magpapaliwanag ako”
pakiusap ni Lisa habang umiiyak
“alam mo Lisa binalewala ko lahat ng mga
naririnig ko tungkol sayo dahil alam ko sinisiraan ka lang nila kahit nga mga
kaibigan ko hindi ko pinakinggan kahit ayaw nila sayo dahil minahal nga kita,
pero sa tagal nating nagkasama unti unti ko ding nakikita ang tunay mong
pagkatao, matagal ko na gustong makipag hiwalay sayo kaso nahihiya din ako sayo
dahil naging mabuti ka naman sa akin. Pero dahil sa mga natuklasan ko ngayon
wala na pala ako dapat ipaghinayang pa, alam mo kahit may pagka pasaway yang
kapatid ko hinding hindi ko yan sinaktan kailanman, ganun ko yan kamahal tapos
malalaman ko na ikaw pa ang nanakit sa kanya, hinding hindi kita mapapatawad,
kaya magmula ngayon tapos na tayo” seryosong tugon ni Kuya Justin habang
papaalis at papasok sa opisina ni Papa
“Justin sandali lang mag usap tayo” si Lisa
habang sinusubukang pigilan si Kuya Justin
Papasok pa sana ang mag asawang Villegas sa
opisina ni Papa ng utusan ni kuya John ang mga security na palabasin sila
“Guards ilabas nyo sila dito” utos ni Kuya
John
“opo sir” tugon ng mga guwardya
Halatang pati mga empleyado ay malaki ang
galit sa pamilya Villegas dahil tumulong din ang mga ito sa pagpapalabas sa
kanila. Lalapitan na sana ni Marie si
Grace ng pigilan siya ni Fatima
“teka lang Marie saan ka pupunta?” tanong ni
Fatima
“sasabunutan ko lang Grace na yan” inis na
tugon ni Marie
“naku hayaan mo na muna siya girl marami
naman tayong time na gawin yun sa kanya sa school” tugon ni Fatima habang nag
apir yung dalawa
Samantala napaupo naman ako sa isang tabi
“parang ang sama sama ko, ganun inabot nila
dahil sa akin” malungkot kong sambit
“ano ka ba Jey wala kang kasalanan deserve
naman nila yun eh, sa lahat ng mga ginawa nila sayo at sa Inay at Itay mo
kulang pa nga yun eh and di pa kasama pagnanakaw ni Mr. Villegas sa kumpanya”
tugon naman ni Dindo
“ikaw ha Jey madami ka pa pala di sinasabi
samin” sambit ni Josh
“oo nga, best friend mo kami dapat wala kang
tinatago sa amin sige ka magtatampo uli kami sayo” sambit naman ni Harvey
“mas maganda na nga lang siguro na wala
nalang nakaka alam, mas ok siguro kung ako nalang nasaktan kesa ganito pati si
Papa at sila Kuya nasaktan din” malungkot kong tugon
Nilapitan naman ako ni Kuya John
“alam mo Jey natural lang na masaktan kami
dahil nasaktan ka, sana lang wag mo na ulit itatago sa amin ang mga bagay na
ganito ha, alam mo naman sa lahat ng ayaw namin ay yung may nananakit sayo”
sambit ni Kuya John
“sorry kuya di ko sinasadya” tugon ko habang
niyakap ko si Kuya John
Makalipas ang ilang minuto ay pumasok nako
sa opisina ni Papa, nadatnan ko silang nakaupo at tahimik lamang.
“Pa, Kuya galit po ba kayo sa akin?”
nahihiya kong tanong
“halika nga anak” habang pinapalapit ako ni
Papa
“bat naman kami magagalit sayo? Kami pa nga
dapat humingi ng tawad dahil hindi namin agad nalaman yung paghihirap mo sa
kamay ng pamilyang yun, sorry anak ha wag ka mag alala hinding hindi na
mangyayari yun” si papa habang niyakap ako ng mahigpit
“eh ikaw kuya galit ka ba sa akin? Nasira
relasyon mo kay Lisa dahil na din sa akin” nahihiya kong tanong
“sus ito naman, pabor pa nga yung nangyari
ngayon dahil napadali pakikipag hiwalay ko sa kanya hindi na umabot na maghanap
pa ako ng ibang dahilan” tugon ni Kuya Justin
“pero Jey ayoko na ng maglilihim ka sa amin
ng mga ganung bagay ha, kuya mo kami sa lahat ng ayaw namin yung may nananakit
sayo” dagdag pa ni Kuya Justin
“oo kuya nasabi na din sakin ni Kuya John
yan” tugon ko
“o tama na kayo tara na mag lunch na tayo
tawagin mo na din mga kaibigan mo Jey, alam ko nagugutom na din sila” si Papa
habang papalabas na ng opisina.
Habang kumakain kami sa Jey’s restaurant...
“grabe Jey ang sarap ng mga pagkain dito
tapos halatang mga puro mayayaman mga kumakain dito” si Marie habang manghang
mangha
“pasensya na kayo ni Dindo ha ngayon ko lang
kayo nadala dito, hanggang ngayon kasi wala pa din akong pera hahaha!” natatawa
kong tugon
“hay naku Jey para namang kailangan mo pang
mag bayad dito noh” tugon naman ni Fatima
“oo naman ano akala mo sa akin, saka
kakahiya naman kung palilibre ako lagi, baka masira computation ng accounting
department noh” tugon ko
“teka anak diba binigyan kita? Panong wala
kang pera?” tanong ni Papa
“eh pa cash naman kasi yung binigay mo ang
laki nun di ko naman pede ibulsa yun mamaya ma holdap pa ako” paliwanag ko
“ahh ganun ba? wala pa kasi yung sarili mong
credit card medyo natatagalan dahil na din sa nangyari sayo yung ATM naman kaka
pa open ko palang, anyway gawin nalang kita extension ng credit card ko mabilis
naman pag proseso nun” tugon ni Papa
“bat ayaw mo muna kasi gamitin ATM ko eh,
gusto mo pa sarili mo” si Kuya John
“wala lang gusto ko lang kasi makita na ako
na talaga si jey na nakabalik na talaga ako sa tunay kong estado” malungkot
kong tugon habang nakayuko
Bigla naman silang natahimik at naawa sa
aking mga sinabi
“pasensya ka na talaga anak ha, hayaan mo di
rin magtatagal magbabalik din sa normal ang lahat” paliwanag ni Papa
Napansin ko na medyo seryoso na ang mga
mukha nila kaya biniro ko si Papa
“Pero pa grabe ang kuripot nyo talaga hindi
nyo man lang kami pinagawa ng mosoleo ni Mama” biro ko
Natawa naman ang aking mga kaibigan sa
sinabi ko
“ikaw talaga anak puro ka kalokohan” tugon
ni Papa habang natawa
“siya nga pala Jey nakausap na pala namin
pamilya nung Henry, ipapalipat na yung mga labi doon sa sementeryo kung nasaan
iba pa nyang mahal sa buhay” paliwanag ni Kuya Justin
“ahh ganun ba kuya? Pasensya na hindi ako
sumama nahihiya din kasi ako, nawalan na sila ng pag asa makita anak nila
samantalang ako masaya at nakabalik na sa pamilya ko” malungkot kong tugon
“ibahin nyo na nga topic, siyado malungkot
pinag uusapan natin” sambit ni Fatima
“ahh Jey talagang sayo ipinangalan yung
restaurant na toh iba ka talaga” sambit ni Dindo
“oo kasi kung kay kuya Justin parang beer
garden kung kay kuya John naman parang pang seminarista kaya para talaga sa
akin wahahaha” pang aasar ko
Binatukan naman ako nila kuya
“aray ko sinungaling talaga kayo kuya sabi
nyo kanina ayaw nyo may nananakit sa akin sabi mo pa nga kay Lisa na never mo
ako sinaktan pero lagi nyo naman ako binabatukan pareho din yun noh” pang aasar
ko
“lambing lang sayo ng mga kuya mo yun”
paliwanag ni Papa
“oo nga kahit naman kami lambing din namin
sayo yung mga ganun” si Josh
Naging mahaba ang aming pagkukwento at
naikwento ko din ang tungkol kay Anghelo
“huh talaga?” tanong nila Marie
“oo kaso ayaw pa rin talaga nya maniwala,
pero diba kayo matagal nyo na siyang kaibigan baka pag nakita nya kayo maniwala
na siya” tugon ko
“oo kaibigan namin siya, sige pag nakita mo
siya uli dalhin mo sa amin kami na bahala magpaliwanag” tugon ni Dindo
Natapos ang lunch at bumalik na kami sa
opisina ni Papa
Habang papalakad kami ay ipinaalam naman ako
ni Josh at Harvey kila Papa
“ahh tito ipapaalam lang po namin si Jey
this weekend after po namin sa bahay diretso po kami ng baguio” sambit ni Josh
“oo nga po tito pumayag na kayo tagal din po
kasi namin siya di nakasama, sa lunes din po balik namin” dagdag pa ni harvey
“o sige sige makakasama naman namin siya sa
ibang araw eh” tugon ni papa
“weh bat di ko alam na pupunta tayo ng
baguio? Kayo nalang siyado malamig dun” pagtanggi ko
“wala ka na magagawa pumayag na papa mo saka
andun yung huling masasayang araw nating tatlo bago tayo maaksidente sa barko,
ikaw talaga” tugon ni Harvey
“o sige na nga” pag payag ko
“siya nga pala anak mamaya ipamili mo din ng
gamit yung mga kaibigan mo ha” sambit sa akin ni Papa
“sige po pa ako na po ang bahala sa kanila”
tugon ko
Nilapitan ko naman ang dalawa
“uy shopping tayo mamaya ha” bulong ko sa
dalawa
“wala naman kami pera noh” tugon ni Marie
“wag kayo mag alala ako na bahala” tugon ko
“nakakahiya naman nilibre nyo na nga kami ng
lunch tapos pati yun” tugon naman ni Dindo
“ayos lang yun saka suggestion din ni Papa
yun, lalo na isasama namin kayo sa sembreak pabalik ng isla para makita nyo na
din pamilya nyo, siyempre maganda kung makikita kayo ng mga kaibigan at kaaway nyo dun na malaki na ang pinagbago
hahaha” natatawa kong tugon
“waaaa maganda nga yan sige sige ano oras
ang shopping natin excited nako” si Marie habang tuwang tuwa
“heto talagang si Marie, pero Jey salamat
talaga sige kita tayo mamaya” tugon ni Dindo
“pero sana makita ko uli si Anghelo para
mapilit ko siya na maisama noh” malungkot kong sambit
“wag ka mag alala tutulong kami” tugon naman
nila Marie
Pagpasok namin sa building ay agad ako
kinausap ng receptionist
“ahh sir Jey may naghahanap sayo kanina,
Anghelo daw pinaghintay ko na sa taas” sambit nung receptionist
“andyan si Anghelo?”
Itutuloy...
Author’s note:
Ahh siya nga pala pasensya na kung wala
munang embedded music dito ha, medyo madami kasing confrontation scenes eh di
kasi bagay kung ilalagay ko dito hehe. Saka puro masasaya na muna di naman kasi
pedeng lagi nalang iyakan hehe.
No comments :
Post a Comment