Total Pageviews

Wednesday, 1 April 2015

Sa Aking Paglisan part 14



Sa Aking Paglisan part 14

“Jey!” gulat na sambit ni Josh

“naku yari na ang tanga ko kasi bat kasi lumabas agad ako” bulong ko sa sarili habang napapakamot ako

“pano ka na” at di nanaman natapos ni Harvey sasabihin nya

“malamang nagtago yan kanina tol” sambit ni Josh

“pasaway talaga kinasabwat mo pa talaga yung dalawa” sambit ni Harvey na halatang nainis

“waaaaaaaa oo Josh, Harvey nagsinungaling nga kami kanina pero si Jey ang may pakana” palusot ni Nixon

“oo nga naku wag kayo magalit sa amin napilitan lang kami” dagdag ni Perry

“uy sorry Jey ha di ko kasi kakayanin na magalit sila sa akin mas maganda pang patayin mo nalang ako” pabulong ni Nixon sakin habang nagdadrama

“oo nga di ko carry sorry talaga Jey ha I’m sure naman maiintindihan mo ang cute talaga kasi nila” dagdag palusot ni Perry

“mga bruhang toh, na ngitian lang bumigay na agad, binenta pa ako” tugon ko habang napapakamot ako sa aking ulo

“hindi wag kayo mag alala ok lang alam naman talaga natin kung sino punot dulo” ngiti sa kanila ni Harvey saka biglang tumingin sa akin na parang naiinis

“yeah you don’t have to worry guys by the way salamat pala kanina ha nakalimutan kasi namin magpaasalamat sa sobrang pagmamadali” sabay ngiti ni Josh

“naku wag nyo alalahanin yun basta kayo malakas kayo sa amin anytime” tugon ni Nixon habang kinikilig

“oo nga kahit ano pwede nyo pagawa sa amin basta kayo” ngiti ni Perry habang kinikilig din

“asus sumipsip pa” parinig ko sa dalawa

“o sige salamat uli ha, mauuna na kami” paalam ni Josh habang inakbayan ako at sinama palabas ng clinic

“thank you Nixon and Perry una na kami ha” si Harvey habang nagpapaalam

“bye walang anuman” paalam nung dalawa habang kinikilig parin

“salamat na din kahit binenta nyo ako” pang aasar ko sa dalawa

Papalakad kami papuntang parking lot ngunit di man lang umiimik yung dalawa

“uy galit nanaman ba kayo sa akin?” nahihiya kong tanong sa dalawa

“hindi bat naman kami magagalit kahit nagpromise ka kanina na hihintayin mo kami and as usual you broke your promise again” sarkastikong tugon ni Josh na halatang naiinis

“sorry ha nainip lang kasi ako kanina wala kasi ako makausap halos busy na lahat ng mga estudyante ngayon” dahilan ko kay Josh

Ngunit si Harvey ay tahimik padin

“uy Harvey ikaw galit ka ba sa akin?” tanong ko kay Harvey

“hindi disappointed lang ako saka nakakasawa nang magalit paulit ulit mo din namang ginagawa eh” inis na tugon ni Harvey

“promise di na mauulit” sabay yuko ko habang naglalakad

Papunta na kami pabalik nang Gym nang makita nila bigla si Neil

“Pare hayun si Neil oh” galit na sambit ni Josh kay Harvey

“teka tol tuturuan ko lang talaga ng leksyon yung gagong yan” galit na tugon ni Harvey

“uy san kayo pupunta? Wag na pabayaan nyo na siya lalo lang gugulo eh” pagpigil ko sa dalawa

Ngunit parang wala lang silang narinig at nilapitan na nga ni Josh at Harvey si Neil para kumprontahin

“diba binalaan na kita kanina na wag mo na gagalawin si Jey?” galit na sambit ni Harvey

“eh loko pala toh tol eh buti wala ako kanina kundi tatamaan talaga siya kanina sa akin” galit na dagdag ni Josh

“guys pls niloloko lang niya kayo mapagkunwari lang siya kailan nyo ba marerealize yun?” paliwanag ni Neil

 Susuntukin na sana ni Josh si Neil nang biglang sumakit ang ulo ko at napasigaw ako

“aaaaaahhh!” sigaw ko habang napaupo ako sa semento at nakahawak ang dalawa kong kamay sa aking ulo

Natigilan si Josh at Harvey sa balak nila kay Neil at agad agad nilang akong pinuntahan

“Jey! Jey! Anong nagyayari sayo?” alalang tanong ni Harvey

“Tol dalhin na natin siya sa hospital” kabadong sambit ni Josh na halatang nagpapanic na

Bubuhatin na sana ako ni Harvey nang biglang matigil ang sakit nang aking ulo at unti unting nagliwanag ang aking paligid, pag taas ng aking ulo unang una kong nakita ang mga mukha ng dalawa kong matalik na kaibigan, kinapa kapa ko ang kanilang mga mukha tinitingnan kung di ako nananaginip.

“Na-ki-kita ko na kayo” nauutal kong sambit habang di parin ako makapaniwalang nakakakita na ako muli

Nagliwanag ang mukha ni Josh at Harvey sa kanilang mga narinig.

“Jey! Nakakakita ka na” sambit ni Harvey habang tuwang  tuwa at napapaluha

“salamat naman sa diyos nakakakita ka nang muli” si Josh habang naluluha din

Itinayo nila ako at niyakap nakalimutan na din nila ang tungkol kay Neil sa sobrang kagalakan. Agad naman ako tumakbo papunta sa kalapit na hardin at naglulundag sa sobrang tuwa. Pati narin mga estudyanteng nagdadaan ay nagtataka sa aking mga kinikilos. Makalipas ang ilang minuto ay tinawag nako ni Josh at Harvey

“Jey tara na maya mo na tuloy yan may practice pa ako” si Josh habang tinatawag ako

“oo babalik na din ako sa meeting at training namin” dagdag pa ni Harvey

Bumalik nako sa gym kasama si Josh at si Harvey naman ay dumiretso na sa training grounds. At gaya nang ipinangako ko hindi nako umalis sa aking upuan at pinanood na lamang ang laro nila Josh.

“ang haba naman ng shorts ng mga players natoh hindi man lang iksian para mas masaya ahahaha” sambit ko sa aking sarili habang pinapanood sila.

Natapos ang laro nila Josh at sabay kaming pumunta sa training ni Harvey. Habang nakaupo kami sa mga benches sa Oval ay kinausap ko si Josh.

“Josh galit ka pa ba sa akin dahil sa nangyari kanina” tanong ko kay Josh habang nakayuko ako

“hindi nainis lang ako kasi pinag usapan na natin eh tapos hayun ka nanaman ginawa mo pa din” paliwanag ni Josh

“sorry ha” paghingi ko ng paumanhin

“wala na yun kalimutan mo na yun sana lang wag mo na uulitin kundi yari ka talaga sa akin” sabay suntok nang pabiro ni Josh sa akin.

Nakita ko si Arturo kasama ibang officers at tinawag ko siya at kinawayan

“Hi arturo” sabay kaway ko sa kanya

Ngumiti lang si Arturo at nagpatuloy sa pagtetraining, hindi ko alam na bawal pala sa kanila makipag usap pag may training mga officers.

“oi Jey sira ka talaga ipapahamak mo pa yung tao bawal kaya makipag usap pag may training pa” paliwanag ni Josh

“ay ganun ba naku sori” sabay kamot ko sa aking ulo

buti nalang pinalagpas lamang yun nang ibang nakatataas na officers. Natapos ang training at nilapitan kami ni Harvey.

“o tara na guys uwi na tayo” yaya ni Harvey

“tara excited na din ako malaman nila Papa at Kuya” tugon ko

Habang papalakad kami papunta sa parking lot ng school, tinanong ko si Harvey kung masama pa ang loob nya sa akin

“Harvey masama pa ba loob mo sa akin sa ginawa ko kanina?” Mahina kong tanong kay Harvey

“medyo sumama lang loob ko, pano kung mas malala pa nangyari sayo? Alam mo Jey sana naman kahit minsan isa alang alang mo din nararamdaman namin kahit minsan binabale wala mo kami, alam mong  mahalaga ka sa amin pag nasasaktan ka nasasaktan din kami” seryosong tugon ni Harvey

Nahiya ako sa mga sinabi ni Harvey, tama nga naman sila sarili ko nanaman ang iniisip ko

Pinasunod na lamang ni Josh at Harvey ang kanilang mga driver sa amin dahil sa akin na sila sumabay gusto din kasi nila makita ang magiging reaksyon nang aking pamilya.

Pagkauwi namin ay agad ako tumakbo papunta kay Papa at niyakap siya.

“Papa! Namis kita” salubong ko kay Papa habang yakap yakap ko siya

“nagkita lang tayo kanina namiss mo na agad ako” tanong ni Papa

“hindi, kasi papa wala ka ba napapansin” tugon ko habang tinitigan ko ang kanyang mga mata

“Je-Jey nakakakita ka na?” sambit ni papa habang nauutal

“opo papa” ngiti kong tugon

“anak! Masayang masaya ako!” at niyakap ako ni Papa habang umiiyak siya sa sobrang galak

Nung mga oras na yun ay bigla namang lumabas ng bahay ang dalawa kong kuya.

“anong kaguluhan toh?” birong tanong ni kuya John

At bigla akong tumakbo papunta sa kanila at lumundag na parang bata

“kuya nakakakita na ako” masaya kong sambit habang buhat buhat ako ni Kuya John

“talaga Jey?! Mabuti naman!” at niyakap ako nang mahigpit ni Kuya John

Lumapit naman ako kay Kuya Justin at niyakap ito

“ang saya saya ko nakakakita ka na ulit” tugon ni Kuya Justin habang yakap ako nang mahigpit

Puno nang kasiyahan ang araw na yun dun na din samin nag dinner sila Josh at Harvey. Nagpaalam na silang umuwi at sinabihan ako na magkita nalang kami bukas sa school.

Kinabukasan sa school

Pagpasok namin nila Josh at Harvey sa classroom agad kong nakita si Fatima

“oi fatima suot mo nanaman yang baduy mong headband” pang aasar ko

“hoy hindi baduy toh ha, teka pano mo nalamang ito suot ko?” nagtatakang tanong ni Fatima

“waaaaaaaa” sigaw ni Fatima

“Jey nakakakita ka na!” tuwang tuwang tugon ni Fatima

Nilapitan niya ako at niyakap, nagsunuran din ang iba ko pang mga kaklase upang batiin ako

“Jey sa wakas nakakakita ka na” bati ng isa kong kaklase

“ano pa hinihintay natin let’s celebrate” dagdag pa ng isa kong kaklase

“sira any moment lang magbebell na noh” tugon ni Fatima

“by the way Jey nabalitaan namin yung ginawa sayo ni Neil gusto mo ba upakan ko na” tanong ni Tom

“hay naku wag lang magpapakita sa akin yung baklang yun sasabunutan ko talaga siya” dagdag pa ni Beth

“eh san san ka nanaman kasi nagpupupunta sinabihan ka na nga na maghintay pero hayan ka parin” pangaral ni Fatima

Natawa naman si Josh at Harvey sa sinabi ni Fatima

“Yan Jey oh makinig ka kay Fatima kahit siya nalang pakinggan mo” sambit ni Josh

“ay grabe Jey nakita mo na ba yung bagong cute na Janitor? Sa isang building sya naka assign puntahan natin mamayang lunch” yaya ni Fatima

“naku sige sige” excited kong tugon

“sige sige ka diyan puro nanaman kayo kalokohan saka samin sasabay mag lunch yan mamaya” sagot ni Harvey

Dumating ang aming adviser at pati siya ay tuwang tuwa sa magandang balita.

“so mukhang hindi na tayo magkakaproblema niyan, kaya class maghanda na kayo malapit na retreat natin” announcement nang aming adviser

Naghiyawan naman ang aking mga kaklase sa sobrang excitement gawa na makakapunta na kami sa Ilocos Norte. Dumating ang lunch at pinasabay na ako nila Josh at Harvey sa kanila, usually kasi sumasabay ako kila Fatima, Beth at Tom tapos sila Josh at Harvey ay sa iba nilang grupo ng kaibigan.

“o Jey naligaw ka yata milagro sumabay ka sa amin mag lunch” bati nila Patrick

“ewan tanungin mo yung dalawang ito” tugon ko

“guys bantay sarado muna sa amin toh mahirap na lapitin pa naman ng disgrasya” natatawang sambit ni Josh

“ahh ganun ba? by the way guys natanong nyo na ba sa kanya yung suggestion dati ni Miguel na sumali siya sa Choir” sambit ni Pamela

“oo nga pala Jey sali ka sa choir ha” ngiting pakiusap sakin ni Harvey

“don’t worry guys di makakatanggi yan ako bahala” tugon ni Josh

“asa naman kayong sasali ako diyan, actually yan ang pangunahing dahilan ko  kaya nagsinungaling ako sa inyo kasi ayaw ko talaga sumali sa choir hehehe” natatawa kong tugon

“sige na Jey kahit para samin lang” pilit ni Harvey

“gagawin ko naman lahat para sa inyo eh kaso di pa talaga ako handa sumali diyan next time nalang” tugon ko

Di din nila ako napilit sumali kaya hinayaan nalang muna nila ako sa gusto ko. Habang kumakain kami ay biglang napadaan si Neil at naupo sa kabilang table kasama iba nyang kaklase.

“teka nga makapang asar nga” bulong ko sa aking sarili

“Harvey subuan mo naman ako hehe” pa cute ko

“bakit? Magaling ka na ikaw na” tanggi ni Harvey

“Josh kaw nalang pasubo plsss” paglambing ko kay Josh

“bat ba nagkakaganyan ka? Kumain ka na nga” tanggi din ni Josh

“hahaha guys andyan kasi si Neil mang aasar nanaman yang si Jey” natatawang sambit ni Patrick

“hayun kaya pala,  puro ka nanaman kalokohan” tugon ni Harvey

“magtigil ka na nga Jey ubusin mo na yang pagkain mo halos di mo man nagalaw eh” si Josh

“eh bat kahapon galit na galit kayo sa kanya bat ngayon parang wala na hmmp” inis kong tugon

“Jey pls wag ka na pasaway pwede hayaan mo na lang siya he’s not worth it” paliwanag ni Harvey

Wala na din ako nagawa at tinapos ko na lamang ang aking pagkain. Pagkatapos namin kumain ay sumama muna ako sa tambayan nila.

“Guys wala bang music diyan ang boring kasi eh” tanong ni Fatima

“teka kunin ko sa classroom yung gitara” si Miguel habang papaalis

Dinala ni Miguel ang gitara at tinanong kami

“oh sino kakanta guys?” tanong ni miguel

“di ako wala ako sa mood hehe” palusot ko

“ikaw nalang Harvey” mungkahi ni Pamela

“bat ako kayo nalang” tanggi ni Harvey

“sige na ikaw nalang kantahin mo yung “I’m yours” ni Jason Mraz” suggestion ni Pamela

Kinuha ni Harvey ang gitara at umupo siya sa itaas ng table at nag umpisang tumugtog at umawit

(Paki play po)



Habang kumakanta si Harvey ay nagumpisa nang maglapitan ang mga ibang estudyante sa amin upang makisaya sa amin, si Neil din ay nakikipanood. As usual may pumasok nanamang kalokohan sa utak ko hehe.

Payakap yakap ako kunwari kay Harvey habang siya ay tumutogtog at kumakanta sabay tingin nang nakakaloko kay Neil sabay

“bleeeh” pang aasar ko kay Neil na halatang inis na inis na

Matapos ang kanta ni harvey ay naghiyawan ang mga estudyante na karamihan ay mga babae at bading. Nagbell na at kinailangan na naming pumasok. Habang papunta kami sa classroom

“Ikaw ha may payakap yakap ka pa kanina inaasar mo nanaman siguro si Neil” sambit ni Josh

“uu hahaha, effective naman eh inis na inis yung bruha” tugon ko

“kaya ka lagi napapahamak dahil sa mga kalokohan mo eh” si Harvey habang naka akbay sa akin

“ok lang yun deserve naman nya yun matapos nung ginawa nya sa akin” katwiran ko

Natapos ang araw naging masaya din ang mga sumunod na araw, hindi narin ako masyadong nagiging pasaway

Makalipas ang mahigit isang linggo ay kinailangan kong bumalik sa hospital para sa follow up check up ko kasama ko si Papa.

“Ok naman ang mga test nya malaki ang naging improvement” paliwanag ng doktor

“salamat naman” tugon ni papa

Umuwi na kami at ako naman ay naghanda na para sa retreat namin this week, tinawagan ako ni Josh habang nag aayos ako ng gamit.

hello Jey a day before ng alis natin papuntang Ilocos dito na kayo ni Harvey matulog ha, alam mo na para sabay sabay na tayo ikaw pa naman lagi kang late” si Josh habang kausap ko siya sa telepono

o sige sabihin mo na din kay Harvey” tugon ko

nasabi ko na sa kanya, ok daw” tugon ni Josh

Dumating ang bisperas nang aming pag alis, galing sa school ay dumiretso na kami sa bahay ni Josh. Sinalubong kami ng kanyang ina si Tita Amy, kinuha naman ng mga katulong ang aming mga dalang gamit at hinatid sa kwarto ni Josh.

“good afternoon po tita” bati ni Harvey

“hello po mommy” bati ko naman kay tita amy, yun kasi ang tawag ko sa kanya

“hello mga iho kamusta ka na pala Jey ayos ka na ba?” alalang tanong ng mama ni Josh

“ayos na po ako” ngiti ko kay tita amy

“salamat naman kung ganun, teka lang ipapahanda ko muna kayo ng merienda” tugon ni tita amy at tuluyan na nga nya kami iniwan para pumunta sa kusina.

Umakyat na kami sa kwarto ni Josh at inayos ang mga gamit namin para kinabukasan ay di na kami mahirapan, malaki ang kwarto ni Josh although lagi naman kami andito bihira ako mag overnight sa kanila kasi namamahay ako di kasi ako makatulog kapag nasa ibang lugar ako.

 Dinner time ay pinababa na kami para kumain, nakipagkwentuhan kami sa mama ni Josh, wala ang papa nya nung mga panahong yun dahil nasa isang business trip. Matapos ang dinner ay umakyat na kami sa taas upang magpahinga.

“o jey di ka nanaman makakatulog nyan sigurado” sambit ni Josh

“meron ka ba diyan tranquilizer?” Biro kong tugon

“sira ka talaga, matulog ka na nga” natatawang tugon naman ni Harvey

Ala una na ng madaling araw ngunit hindi parin ako makatulog, ala sais pa naman ng umaga ang alis nang aming bus, ginising ko si Harvey

“huy Harvey di parin ako makatulog eh” mahina kong sambit

“ano ba Jey gabi na pikit mo na mga mata mo” tugon naman ni Harvey na halatang inaantok pa

Nagising naman si Josh sa ingay at nakita nga nya na di nanaman ako makatulog.

“Halika nga dito Jey dito ka na sa gitna namin” si Josh habang pinalilipat ako

Lumipat ako sa gitna nila at hinimas naman ni Josh ang likod ko yun kasi nakakapag patulog sa akin, nung bata pa kasi ako yun lagi ginagawa ni mama at papa sa akin pag sa ibang lugar kami nagbabakasyon para makatulog ako agad.

“Peram naman unan para may kayakap ako di kasi ako sanay walang kayakap” hiling ko kay Josh

“Kulang na unan Jey matulog ka na pls” tugon ni Josh habang hinihimas pa din likod ko

“Halika nga rito ako nalang yakapin mo, para makatulog ka na” si Harvey habang umusog nang mas malapit sa akin

Si Harvey nga ang ginawa kong unan at agad naman ako nakatulog. Kinaumagahan nagising ako yung dalawa naman ay mahimbing pa din sa pagtulog. Pagtingin ko sa orasan ay alas siyete na ng umaga.

“waaaaaaaaaaaaaaaaaaaa” sigaw ko

Agad agad naman nagising si Josh at Harvey nang marinig nila ako

“bakit?!” tarantang tanong ni Josh

“yari tayo alas siyete na” tugon ko habang nagmamadali akong pumunta sa banyo para maligo

“ha?! Nakalimutan pala natin i set alarm clock” sambit ni Harvey

Pagtingin ni Josh sa cellphone nya ay puno ito ng mga miss calls at text messages. Nakalimutan namin naka silent mode nga rin pala mga cell namin sila Tita naman at mga katulong ay nagpunta sa palengke kasama ang driver kaya walang sumagot sa telepono sa landline nila Josh.

Pagkabihis at pagkahanda naming tatlo ay agad agad kaming pumunta sa meeting place ngunit wala na ang bus naiwan na kami. Nagtext yung aming adviser at si Fatima sinabi nila na sumunod nalang daw kami.

“Hay Jey pinuyat mo kasi kami eh” naiinis na sambit ni Harvey

“eh hindi kasi talaga ako makatulog eh” katwiran ko

“tama na yan wala na tayong magagawa kundi mag commute papunta dun” tugon ni Josh

“eh kung pahatid nalang tayo sa driver natin” mungkahi ko

“Pano tayo matututo niyan alalahanin nyo lapit na tayo mag college kelangan maging independent na tayo” tugon naman ni Josh

“o sige ha pero kayo bahala susunod lang ako sa inyo” tugon ko

At ganun na nga ang nangyari, kasama si Josh at Harvey ay nag commute nalang kami papuntang Ilocos.

Itutuloy...

No comments :

Post a Comment