Total Pageviews

Wednesday, 1 April 2015

Sa Aking Paglisan part 3



Sa Aking paglisan part 3

Pagtingin ko si Mr. Santos pala ang coordinator nang Choir, nabigla ako at di makapagsalita.

“Mr. Jey dela Vega I didn’t know na ganyan pala kaganda ang iyong tinig, why don’t you join our choir?”

“ahh sir kayo po pala nakakagulat naman kayo , naku sir pasensya na po pero wala po ako balak sumali dun ayaw ko maging center of attention” ang natatawa kong tugon.

“sayang you will be a great addition to our choir pa naman” ang nalulungkot na tugon ni Mr. Santos

“thank you sir pero ayaw ko talaga ng pinagtitinginan ako, hayz kailangan ko pa naman ng extra curricular activity ngayon”

“ganun ba? what if ikaw ang maging mystery singer natin dito sa campus, walang makakakilala sayo tapos magkaka extra curricular activity ka din”

Nanlaki ang mga mata ko ng mga oras na yun na parang biglang na excite agad agad naman ako pumayag sa suggestion ni Mr. Santos.

“sige po sir magandang ideya po yan hehe kelan po ako pwedeng mag start?” excited kong tanong

“bukas ng lunch break ipapakilala bilang Heaven dahil na din sa mala anghel mong tinig yan na din kantahin mo yung kinanta mo kanina” wika ni Mr.Santos.

“Sige po sir darating ako sa Music Room”

Kinabukasan sa usual routine ko pasok sa campus kamustahin mga kaklase at kamag aral ko at tuloy na sa klase. Pagsapit ng lunch palabas na sana ako ng classroom nang tawagin ako ni Fatima

“o Jey di ka ba maglalunch?” tanong ni Fatima

“naku sa labas nako maglalunch may emergency kasi” pagsisinungaling ko

“ anong emergency naman yan bat di namin alam?” tanong ni Josh

“secret! Hahaha! Sige alis nako bye bye”

Ang pagmamadali kong paglabas ng aming silid. Nang makarating nako sa Music Room agad ako sinalubong ni Mr. Santos.

“Good afternoon po sir” pabati ko kay Mr.Santos

“Good afternoon Jey, by the way I would like you to meet Mr. Paul Villanueva he will be the one to assist us”

Waaaa si Dj paul ang crush kong DJ ng campus shet! Natameme nalang ako

“Jey ok ka lang ba? may dumi ba mukha ko?” pagtatakang tanong ni Paul sa akin

“ahh wala ito ang sarap lang dilaan ng mukha mo I mean  may iniisip lang ako hehe” palusot kong sagot.

Si Paul ang campus DJ ng school 4th year highschool din sya tulad namin though hindi ko siya kaklase sikat din sya sa school, maputi ,matangos ang ilong, matangkad at nakakatunaw ngumiti although kung sa paramihan ng fans mas madami fans ang dalawa kong matalik na kaibigan saka ayon na din sa mga babae at bading ng school mas gwapo si Josh at Harvey.

Natawa na lamang si Paul sa akin saka ako isinama sa loob ng booth.

“Ano ba kakantahin mo?” tanong ni Paul

“Kantahin mo yung kahapon doon kita na discover at gusto ko ganun ka din makilala ng mga nandito sa campus” wika ni Mr. Santos

Matapos ang setup ay ipinakilala nako ni DJ Paul sa buong campus

“Hi guys good afternoon I would like to introduce our mystery singer Heaven ” pagpapakilala ni Paul sa akin.

(Sa Campus)

“aba may mystery singer na pala tayo dito sa campus” wika ng isang estudyante

“sino kaya yun” si Josh

“ba magkakaroon pa yata tayo ng karibal Josh umubra naman kaya siya? Hehe” pagyayabang ni Harvey

“interesting” si Fatima

At sa mga oras na yun nag umpisa na akong umawit



Ikaw lamang
ang tangi kong iniisip
ang lagi kong panaginip
tayong dalawa ay laging nagmamahalan

pangarap ko
na kailan ma'y di maglaho
ang pag-ibig kong ito
pagka't hinding-hindi ko makakayang mawalay sa'yo

ikaw lamang ang buhay ko
sana nama'y pakinggan mo
ang puso ko na mayroong sinasabi

Chorus:
ikaw lamang
ang tangi kong minamahal
ang lagi kong dinarasal
sana'y habang buhay tayong magkasama
ang puso ko'y
ibibigay lamang sa'yo
ito ang aking pangako
mula ngayon hanggang magpakailan pa man..
ikaw lamang..

ikaw lamang ang buhay ko

Matapos ang aking awit, nagkaroon ng katahimikan sa buong campus at biglang nahiyawan at nagpalakpakan ang mga estudyante at guro pati narin ang principal ay napabilib sa aking mala anghel na tinig hehe ang kapal ko talaga.

“guys ang ganda naman ng boses nun sino kaya yun” wika ng isang estudyante

“oo nga bagay na bagay pangalan nya sa kanya para tayong nasa langit” tugon ng isa pang estudyante

Pinunasan naman ni Fatima ang kanyang mga mata pati narin ang ibang mga estudyante mapa babae o lalaki man ito dahil sa pagkaka dala sa emosyon ng kanta.

“wow he will be a good addition to our Choir” wika ni Josh

“hmph! oo na ganda nga ng boses” sagot ni Harvey

Pagligpit namin ng gamit sa Music Room, agad ako binati ni Paul

“wow Jey I did not expect na ganyan pala kaganda ang boses mo bravo!” sabay palakpak nila ni Mr. Santos sa akin.

Pagdating ko sa classroom dinatnan ko sila Fatima, Josh, Harvey at iba ko pang mga kaklase na nagkukwentuhan.

“Jey san ka ba galing? Hindi mo narinig kanina yung bagong mystery singer ng campus grabe ang ganda ng boses” si fatima

“Yeah Jey kung narinig mo lang siya mabibilb ka talaga” si Josh

“sus konti lang naman lamang nya sa atin” ang naiinis na sagot ni Harvey

“tama ka Harvey wala nang mas gagaling pa sa inyo noh at mas lalo na sa akin” sabay kanta ko ng may nakakalokong tinig na papiyok piyok.

“olol” sabay batok ni Harvy sakin sabay kiliti, naki sali narin si Josh habang iniipit nya sa kanyang braso ang aking ulo habang nagtatawanan lahat sa loob ng classroom.

Natigil lang kami nung dumating na ang aming guro.

Matapos ang klase palabas na kami ng classroom niyaya kami ni Josh na puntahan si Mr. Santos.

“guys samahan nyo ako puntahan natin si Mr. Santos kelangan ko makilala ang singer na yun he will be a good addition to our Choir” ang excited na sabi ni Josh.

“weh mystery singer nga eh kung papakilala sa inyo edi di na mystery yun haller?!” pang aasar ko

“hayaan mo na kung yun lang makakapag pasaya kay Josh pagbigyan na natin” sagot ni Harvey

“Basta he is someone you both love” ang pagkakadulas kong nasabi.

“ano!?  Sabay na tanong ni Josh at Harvey

“ahh wala sabi ko pagkaka kwento nyo kanina mapapamahal talaga kayo sa ganung boses hehe” kabado kong tugon sa dalawa.

Buti binaliwala lang nang dalawa ang aking nasabi kundi yari talaga ako. Sabay sabay naming tinungo ang opisina ni Mr. Santos. Pagkapasok palang sa opisina ay binati kami ni Mr.Santos.

“o kayo pala ano ang maipaglilingkod ko?” tanong ni Mr. Santos

“Sir about ito kanina gusto ko lang makilala yung mystery singer kanina kasi I believe na he will be a good addition sa choir natin diba?” excited na tanong ni Josh

“Sorry to disappoint you Josh pero di ko kasi pedeng sabihin kung sino sya yun kasi ang napagkasunduan namin and di ko sisirain agreement namin” si Mr. Santos sabay ngiti sa akin ni sir.

Lumabas kaming disappointed si Josh

“sayang talaga pero naiintindihan ko naman si Sir” si Josh

“oo nga sana makilala na din natin siya” si Harvey

“pinagpapalit nyo nako sa kanya porke panget boses ko hmph!” pakunwari lungkot kong tugon

“tumigil ka nga di naman namin kilala yun eh ikaw ilang taon ka na naming matalik na kaibigan” sabay yakap sa akin ni josh na parang bine baby.

“ikaw talaga Jey ang drama mo ha halos mapahamak na nga kami sa mga kalokohan mo pag iisipan mo pa kami ng ganyan” sabay kurot ni Harvey sa aking pisngi.

Lumipas ang mga araw at kahit once a week lang nila ako napapakinggan alam nyo na baka ma over expose ako hehe. Patuloy parin sa paghanga ang mga mag-aaral, guro etc.. kay Heaven. Ngunit isang araw habang kami ay nasa tambayan ng mga estudyante, papatakbong lumapit sa amin si Fatima.

“Guys bilis alam na ng buong campus kung sino si Heaven” pahangos na sabi ni Fatima

“Talaga!? Sino?” tanong ni Josh at Harvey

“weh di nga” ang kabado kong tugon

“Si Neil pala ang mystery singer” sagot ni Fatima

Si Neil ang baklang oportunista ng campus di lingid sa buong campus na may crush siya kay Josh at Harvey lagi nga nagpapansin ang mokong na ito sa dalawa pero dinededma lang siya ng mga ito. Asa pa siya.

“Si Neil pala yung mystery guy” si Josh

“Sino kasi si Neil?” pagtatanong ni Harvey na halatang di maalala

“Si Neil yung sa kabilang section yung panay pa cute sa inyong dalawa” si Fatima

 “ahh siya pala! Di ko parin maalala hehe” sagot ni Harvey

Sa mga oras na iyon di ko alam kung matatawa ba ako o maiinis parang gusto ko na aminin sa mga kaibigan ko ang totoo kaya lang natatakot din ako. Sa amin kasing magkakaibigan napagkasunduan namin noon pa man na wala kami dapat nililihim sa isat isa. Di ko alam ang mangyayari pag nalaman nilang nagsinungaling ako sa kanila. Pinuntahan namin ang kinaroroonan ni Neil napapalibutan siya ng mga estudyante paglapit namin biglang iniwan ni Neil ang ibang estudyante at lumapit sa amin.

“Hi Josh, Harvey at Fatima pati narin sayo” sabay taas ng kilay nya nung sa akin na

“Hi etchoserang sinungaling na palaka” tugon ko naman

“Jey!!” galit na tugon ni Harvey at Josh sa akin

“you don’t have to be rude” si Josh

“di maganda yan” si Harvey

“ok fine quiet nako” tugon ko sa dalawa

“ano maipaglilingkod ko sa inyo mga pogi” si Neil

“ahh kasi napabilib mo kami sa iyong boses kaya for that I would like to invite you to join our Choir” si Josh

“kaya nga it will be a pleasure kung makakasama ka namin” si Harvey

Nag blush si Neil na halatang kinikilig sukat ba naman na kinakausap siya ng dalawang pinagpapantasyahan nyang lalaki san pa siya?

“naku yun lang pala walang problema I’ll be glad to join the Choir” tugon ni Neil habang kinikilig

“Sige nga kumanta ka! Tingnan nga natin kung ikaw talaga yun!” pang aasar ko sa kanya

“Sa audition nalang ng Choir! I wan’t to save my voice eh” wika ni Neil

“So we’ll be expecting you on Friday ha” si Josh

“promise di ako malelate” nakangiting tugon ni Neil

“Sige alis na kami see you then” sabay kindat ni Harvey kay Neil

Hayun ang halos magpahimatay kay Neil sa sobrang kilig. Naglalakad na kami papuntang parking lot nang kausapin ako ni Harvey at Josh”

“Why do you have to be so rude kanina ha?” inis na tanong ni Josh

“eh halata namang nagsisinungaling lang sya noh” tugon ko

“Jey nakita kasi siya kanina ng mga kaklase natin kasama si Mr. Santos palabas ng office narinig din nila pinag uusapan about sa mystery singer kaya na confront nila at umamin nga ito” sabat ni Fatima

“sos para yun lang nagpaniwala kayo agad” tugon kong medyo nakakaloko

“alam mo Jey yan ang ayaw ko sayo eh nagiging selfish ka nanaman alisin mo nga yung ugali mong ganyan kaya nakakainis ka minsan eh” galit na tugon ni Harvey

“o sige na bahala nga kayo magsama sama kayo laklakin nyo si neil!” inis kong tugon sa kanila

“what are you trying to imply Jey ikaw na nga ang mali ikaw pa ang may ganang magalit?” galit na tugon ni Josh

“Di sa lahat ng bagay kukunsintihin ka namin! Best friend mo kami tapos ginaganyan mo kami?” si Harvey

Sabay walkout ng dalawa kong matalik na kaibigan at naiwan na lamang ako kay Fatima

“ikaw naman kasi ano nanaman pumasok sa kukoti mo bat mo nasabi yun hayan tuloy mukhang nagtampo yung dalawa sayo” si Fatima

“Hayaan mo nalang sila lalamig din ulo ng mga yun di ko naman sila masisi mali naman talaga ako hehe” tugon ko kay Fatima

Pinuntahan ko si Mr.Santos sa kanyang opisina upang itanong ang dapat kong gawin.

“Sir pano ba yan iniisip nila si Neil ang mystery singer” pag aalala kong tanong

“Hayaan mo na Jey mas makakabuti pa nga yun at least wala na laging nag eespiya para lang malaman kung sino mystery singer mas maganda na ang ganun at least alam nila na siya”

May punto si Mr.Santos kung gusto ko mapanatiling lihim ang aking sikreto wala na akong magagawa kundi makisakay nalang sa kahibangan ni Neil.

Lumipas ang mga araw ayaw parin ako imikin ng dalawa kong matalik na kaibigan hanggang sumapit na nga ang araw ng audition.


Itutuloy...

No comments :

Post a Comment