Total Pageviews

Wednesday, 1 April 2015

Sa Aking Pagbabalik part 4



Sa Aking Pagbabalik part 4

“oh bakit di ka ba familiar dito? Eh heto lang naman ang scholarship na pinaka aasam asam ng mga taga rito” tugon ni Dindo

“hindi, actually parang familiar nga sa akin hindi ko lang alam kung paaano, basta naguguluhan parin ako eh” tugon ko

“naku Anghelo wag mo na masyadong isipin yan basta tig isa tayong application form malay nyo makapasa tayo at makapag aral tayo sa maynila” excited na tugon ni Marie

Kinuha namin ni Dindo ang mga application form, habang hawak hawak ko ang application form tinitingnan ko ang pangalang dela Vega, parang may kung anong naglalaro sa aking isipan na hindi ko maintindihan. Natapos ang araw at dumating ang oras ng uwian, habang naglalakad kami pauwi nila Marie at Dindo ay patuloy ko pa din tinitingnan ang pangalang nakasulat sa application form.

“huy Anghelo ano ba kanina mo pa tinitingnan yan baka matunaw yan” biro ni Dindo

“I’m sure excited lang yan makuha sa scholarship” wika ni Marie

“ahh hindi pero meron kasi akong nararamdamang iba sa pangalang dela Vega, pilit ko inaalala pero hindi ko talaga maalala eh” paliwanag ko

“eh sikat kaya ang kumpanyang yan baka narinig mo lang kung saan” tugon ni Dindo

“ahh siguro nga” tugon ko

Kinalimutan ko na lang ang mga gumugulo sa aking isipan. Nang makauwi na ako sa bahay ay dinatnan kong nag mimirienda si Inay at Itay.

“Nay, Tay mano po” bati ko sa kanila

“o anak ikaw pala kamusta naman ang araw mo?” tanong ni Itay Anton

“mabuti naman po tay” ngiti kong tugon

“o ano naman yang hawak mo” tanong ni Inay Linda

“ahh heto po? Application form po for scholarship” tugon ko

“naku maganda yan anak kahit mga kabario natin dito matagal na inaasam asam ang ganyang scholarship” paliwanag ni itay

“oo nga po nasabi nga po sa akin ni Dindo at Marie” tugon ko

“teka anak mag merienda ka muna” alok ni Inay

“wag na po nay busog pa po ako” ngiti kong tugon

Mabilis nagdaan ang panahon at natapos ang unang semester. Sa huling araw ng pasukan habang naglalakad kami sa loob ng campus...

“siya nga pala marie kamusta na nga pala mga application natin for scholarship?” tanong ni Dindo

“ahh dumating na yung sulat sa akin kaso hindi ako nakuha eh” malungkot na tugon ni Marie

“pero baka yung mga sulat sa inyo dumating na” dagdag ni Marie

“ayos lang yun Marie may next time pa naman” tugon ni Dindo

Dumating ang oras ng uwian dinatnan ko si Inay, si Itay ay pumalaot kasama ang iba pang mangingisda sa isla.

“Nay umalis na po ba si Itay?”

“oo anak kanina pa”

“sayang po sana po hinintay na nya ako para natulungan ko man lang siya sa pangingisda tutal huling araw na ng pasukan ngayon” malungkot kong tugon

“naku anak wag na saka sigurado ako di papayag ang itay mo, andami mo na nga naitutulong sa amin dito magpahinga ka nalang muna” tugon ni inay

“sige po tulungan ko na po muna kayo diyan”

“wag na anak siya nga pala may dumating na sulat para sayo” si Inay habang inaabot ang sulat

Galing sa dela Vega foundation ang sulat, binuksan ko ito at binasa subalit bigo ako hindi ako natanggap para sa scholarship.

Hindi narin ako nakilala ng mga empleyadong nagpa process ng mga nag aapply para sa scholarship dahil mga baguhan lamang ang mga ito at kung matatandaan nyo dahil sa sobrang kalungkutan ni Papa ay pinatago nya lahat ng bagay na nagpapaalala sa akin kabilang na ang aking mga larawan kaya di na nakakapag taka kung walang makakilala sa akin.

“o anak kamusta naman natanggap ka ba?” tanong ni inay

“hindi po eh” malungkot kong tugon

“wag ka mag alala anak ayos lang yan baka hindi pa talaga para sayo” tugon ni inay

Bigla naman dumating si itay galing sa pangingisda

“o bat mukhang biyernes santo yang mga mukha nyo” tanong ni itay

“ahh wala po tay hindi po kasi ako nakuha sa scholarship” malungkot kong tugon

“ahh ganun ba? wag ka mag alala ayos lang yan di mo naman kailangan yun” ngiti ni itay na halatang pinapalakas ang loob ko

Kinabukasan ay pinuntahan ako sa bahay ni Dindo at Marie

“o Anghelo wala nanaman klase tara tambay muna tayo dun sa may dalampasigan” aya nila Dindo

“teka hindi ba kayo hahanapin ng mga magulang nyo? Diba dapat tutulong kayo sa kanila ngayon?” tanong ko

“hindi dahil kakatapos lang naman daw ng klase kaya ayos lang naman daw na magpahinga muna” tugon ni Marie

“Sige na anak sumama ka na sa kanila at nang malibang libang ka naman kahit papaano” wika ni Inay

“pero nay kailangan nyo pa po ng makakatulong dito di eh” pagtutol ko

“hindi kaya ko na ito sige na sumama ka na sa kanila”

Wala na din ako nagawa kundi sumama na din sa kanila. Habang naglalakad lakad kami sa may dalampasigan ay tinanong nila ako tungkol sa scholarship.

“oo nga pala Anghelo nakuha ka ba?” tanong ng dalawa

“hindi eh” malungkot kong tugon

“eh ikaw Dindo nakuha ka ba?” pabalik kong tanong

“hindi rin eh sayang nga” tugon ni Dindo

“baka di pa nga para sa atin, hayaan nyo may susunod pa naman eh malay nyo swertehin na tayo nun” ngiti ni Marie

Nagdaan ang mga araw at nagsimula na ang second semester ng pasukan, naging ayos naman ang mga araw para sa amin nila Dindo at Marie.

Samantala sa kinaroroonan nila Josh at Harvey...

“Hi Josh, Hi Harvey” naka ngiting bati ni Elton kasama sila Grace, Kate at Luke

“o hi guys kayo pala” bati rin ni Josh

Nilapitan silang dalawa ni Elton at kumapit sa mga braso nila

“uy guys libre nyo naman ako” paglalambing ni Elton sa dalawa

“ha? Ahh eh may klase pa tayo eh” tugon ni Harvey

“di naman darating yung teacher natin sa next subject nagbilin na sya kanina, sige na plsss” pangungulit ni Elton

“o sige na nga” pagpayag ni Josh at Harvey

“kayo grace, kate, luke sama kayo?” aya ni Josh

“siyempre naman noh nagugutom na din kami” ngiti ni Grace sabay kapit din sa isang braso ni Harvey

Habang papalakad sila palabas ng campus ay pinagtitinginan naman sila ng mga tao dahil ang grupo nila ay sikat na sa campus, nakakapit parin si Elton sa dalawa na may pangiti ngiti pa sa mga taong nakakasalubong. Gayun din sina Grace at Kate na pangiti ngiti na akala mo ay napaka bait talaga. Habang naglalakad sila ay nakasalubong nila sila Fatima, Tom at Beth.

“o guys tara sama kayo mag merienda lang kami sandali sa labas” aya nila Harvey

“hi Fatima, Tom, Beth” naka ngiting bati ni Elton

“ahh hindi na sige kayo nalang mag reresearch pa ako para sa isa nating subject eh” tugon ni Fatima

“kami din may gagawin pa eh kayo nalang” si Tom at Beth

“o sige kayo bahala, mauna na kami ha” paalam ni Harvey

At lumabas na nga sila ng campus, kung dati ay kontra si Fatima sa apat, ngayon ay nakasanayan na din nyang kasama sila kaya hinahayaan na lamang nya. Habang kumakain sila sa isang restaurant malapit sa school..

“Harvey kailan mo naman ako yayayaing lumabas na tayong dalawa lang?” ngiting tanong ni Grace

“uuy mukhang may magkaka developan ahh” pang aasar ni Kate

Medyo nahiya naman si Harvey sa tanong ni Grace

“ahh eh medyo busy pa kasi kami sa mga practice eh” tugon ni Harvey

“oo nga naman take your time lang marami naman kayong panahon para diyan eh” dagdag ni Elton

Dumating ang buwan ng disyembre at malapit na ang pasko.

Habang nasa penthouse ang dalawang matalik na magkaibigan ay dumating si Fatima, Beth, Tom at iba ko pang mga dating kaklase kasama sila Grace, Kate, Luke at Elton.

“o guys bat andito kayo?” tanong ni Josh

“wala ka bang naaalala? Nakalimutan nyo na siguro siya noh?” si fatima

“sino naman?” pagtataka ni Josh

“hoy malapit na po kaya pasko hindi ba natin siya dadalawin? Si Beth

“sus kayo talaga pwede ba naman naming makalimutan best friend namin?” natatawang tugon ni Josh

“edi tara dalawin natin siya ngayon” pag aya nila Fatima

“sige teka lang bihis muna ako, tara Harvey sama ka” pag aya ni Josh kay Harvey habang papasok sa kwarto nya

“sige guys kayo nalang dito nalang ako” tugon ni Harvey

“ano ba tol everytime nalang na niyayaya ka namin dalawin si Jey lagi ka nalang tumatanggi ganyan nalang ba parati ha tol?” tanong ni Josh na medyo naiinis

“may gagawin pa nga ako eh next time nalang” pagtanggi ni Harvey

“bahala ka nga sa buhay mo” inis na tugon ni Josh at tuluyan nang pumasok sa kanyang silid para magbihis

Di na nakakibo ang mga magkakaibigan sa kanilang nasaksihang pagtatalo ng dalawa, nilapitan naman ni Elton si Harvey upang kausapin.

“Harvey alam ko masakit pa din sayo pagkamatay ng best friend mo pero kelangan mo na mag move on” sambit ni Elton

“wala yun ok lang ako wag ka mag alala saka nakalimutan ko na yun” tugon ni Harvey

Sa mga oras na yun ay linapitan naman ni Grace si Harvey

“wag ka mag alala andito pa naman kami para sayo eh lalo na ako hindi ka namin pababayaan” ngiti ni Grace habang hinawakan ang kamay ni Harvey.

“salamat pero ayos lang talaga ako” tugon ni Harvey

Lumabas na mula sa kanyang silid si Josh, paglabas nya ay nakita nyang naka bukas ang isa pang kwarto yun dapat ang aking magiging silid kung kasama pa nila ako.

“bat naka bukas yung kwartong yun?” tanong ni Josh

Nagtaka din si Harvey sa nangyari

“oo nga bat nakabukas yun?” tanong din ni Harvey

Ngunit walang nakapansin na pumasok pala si Elton sa loob ng silid, paglabas ni Elton sa silid.

“guys wala naman pala gumagamit ng kwarto na ito bat di nyo nalang ipagamit sa akin para magkakasama na tayo” ngiti ni Elton

Nainis naman si Josh at Harvey sa ginawang pakikialam ni Elton

“Elton next time pls wag ka sanang basta basta papasok sa mga kwarto dito ha” inis na paalala ni Josh

“and pls stay away from that room” dagdag ni Harvey

“ahh ok” nahihiyang tugon ni Elton

Lumabas na sila para dalawin ang aking puntod naiwan naman sa penthouse si Harvey, pati si Grace ay nagpaiwan din para samahan si Harvey

“o bat ka pa nagpaiwan?” tanong ni Harvey

“wala lang gusto lang kita samahan” tugon ni Grace

“salamat nalang pero gusto ko muna mapag isa” tugon ni Harvey

“alam mo Harvey kaya nga andito ako para may malabasan ka ng sama ng loob eh” ngiti ni Grace

“don’t worry na a appreciate ko yung ginagawa mo pero right now kasi gusto ko lang muna mapag isa” tugon ni Harvey

Wala na nagawa si grace kundi umalis at sumunod kila Josh sa sementeryo.

Samantala habang naglalakad sila papunta sa aking puntod ay tahimik naman si Elton kaya nilapitan siya ni Fatima.

“iniisip mo yung nangyari kanina noh?” si Fatima

Ngunit yumuko lamang si Elton at nagpatuloy sa paglalakad

“wag mo na isipin yun ganun talaga dalawang yun pagdating kay Jey napaka over protective kahit patay na best friend nila” paliwanag ni Fatima

“pero hanggang kailan sila magiging ganun? Kailangan na nilang mag move on” tugon ni Elton

“alam mo pag mahal mo ang isang tao kahit pilitin mong kalimutan siya, mahihirapan ka paring gawin yun, panahon lang talaga ang makakapag sabi kung kailan maghihilom ang mga sugat ng nakaraan” si Fatima

“naiinggit ako kay Jey may dalawa siyang matalik na kaibigang nagmamahal sa kanya” tugon naman ni Elton

“malay mo makahanap ka din ng mga kaibigang magmamahal talaga sayo” tugon ni Fatima

“sana si Josh at Harvey yun” ngiti ni Elton

“naku goodluck nalang sayo hinding hindi ipagpapalit ng dalawang yun si Jey” bulong ni Fatima sa kanyang sarili

“ha? May sinasabi ka?” tanong ni Elton

“ahh wala sabi ko lang malay mo” ngiting tugon ni Fatima

Narating nila ang aking puntod at isa isa akong kinausap ng mga dati kong kaklase ang huli ay si Fatima

“o Jey merry christmas ha alam ko naiinis ka pag sinusurpresa ka pero wala ka naman magagawa eh hehehe” natatawang sambit ni Fatima

Nagulat naman si Josh at Fatima pati narin ang mga dati kong kaklase nung biglang magsalita si Grace.

“Hi Jey by the way I’m Grace and these are Kate, Luke and Elton sayang at di ka na namin inabutan kasi I’m sure na magiging best of friends tayo” ngiti ni Grace

“best of friends ka diyan, I doubt it kasi knowing Jey hindi nun magugustuhan ugali mo noh” mahinang sambit ni Fatima

Natawa naman si Josh, Beth at Tom kay Fatima

“oi friend sira ka talaga mamaya marinig ka nyan” si beth habang natatawa

“oo nga pero natawa talaga ako dun” si Tom habang tumatawa din

“ikaw talaga Fatima puro ka kalokohan pero tama ka di nga nya magugustuhan si Grace” si Josh habang natatawa din

Nagpaalam na silang lahat para umuwi ngunit si Josh ay nagpaiwan muna.

“Guys sige thank you ha pero gusto ko muna maiwan dito” si Josh

Kinausap ni Josh ang aking puntod

(Paki play po)




“Jey merry christmas ha, pasensya ka na kung nagiging madalang na pagbisita ko sayo medyo naging busy na kasi kami sa school eh alam ko naman maiintindihan mo yun, pag pasensyahan mo narin si Harvey kung hindi ka dinadalaw masama pa rin kasi loob nun sayo hanggang ngayon, ikaw naman kasi iniwan mo pa kami pero kumpara nga naman sa akin maswerte parin ako dahil maayos tayong nagkahiwalay, pero wag ka mag alala alam mo namang mahal na mahal ka namin at hindi na magbabago yun. Oo nga pala sikat kaming mga best friend mo sa school kung nakita mo lang kung paano kami sundan ng tingin hehe ang yabang ko noh pero kung nabubuhay ka pa sana, na iimagine ko nanaman yung mga kalokohang gagawin mo hehe, Sige Jey aalis na ako paki kamusta mo nalang ako kay tita rose” si Josh habang nagpapaalam na

Makalipas ang tatlongpung minuto buhat ng lisanin ni Josh ang aking himlayan ay dumating si Harvey, umupo siya sa harap ng aking puntod.

“o baka ngumingiti ngiti ka pa diyan ha, wag ka mag alala galit pa rin ako sayo. Alam mo heto ang unang pasko na di tayo magkakasamang tatlo nila Josh, dati lagi tayo magkakasama lalo na pag mamimili na ng mga regalo ikaw pa nga pumipili nang gusto mong iregalo namin sayo eh kahit pa kilalang kilala ka na namin at di naman kami magkakamali sa pagpili ng ireregalo sayo gusto mo pa din sigurado. Pero nakakatuwa ka nun kasi mga pinipili mo mga pang bata eh, naaalala mo yung nakaraang pasko winnie the pooh saka carebears stickers pinabili mo eh nasa counter crush namin ni Josh kaya hiyang hiya kami habang binibili yun tapos nung mabili namin nakita ka namin tawa ka ng tawa yun pala sinadya mong yun ipabili para lang asarin kami sira ka talaga sobrang inis namin sayo kaya iniwan ka namin sa mall. Oo nga pala ano tingin mo kay Grace? Ok ba siya? Hindi naman ganun katindi ang nararamdaman ko sa kanya katulad nung kay Diane dati pero mukhang ayos naman siya diba? Salamat sa pakikinig alam ko di mo ugaling makinig sa amin ni Josh kasi lagi mo kaming tinutulugan pag nagsasabi kami ng mga problema pero ayos na din ito at least medyo gumaan na pakiramdam ko ngayon. Sige aalis na ako ha paki kamusta mo nalang ako kay tita rose.

At nilisan na din ni Harvey ang aking himlayan

(Paki stop na po yung music)

Samantala sa aking kinaroroonan...

“Ano ba yan anak pangatlong beses mo nang nasasamid ayos ka lang ba?” pag aalala ni Inay

“ayos lang po ako di ko nga po alam napapano ako” tugon ko

“baka naman pinag uusapan ka kung saan” biro ni Itay

“baka nga po” natatawa kong tugon



Lumipas ang dalawang taon mula nung mapadpad ako sa isla...

Habang nakaupo kami ni Dindo sa labas ng bahay ay nakita namin si Marie na papunta sa kinaroroonan namin

“o marie bat humahangos ka?” tanong ni Itay

“magandang hapon po mang anton at aling Linda” bati ni Marie

“ano yang dala dala mo” tanong ko

“heto na yung mga letters galing sa dela Vega Foundation pumasa tayong tatlo sa scholarship” tuwang tuwang sambit ni Marie

“at talagang pati sulat namin binuksan mo ha” natatawang tugon ni Dindo

“eh galing kasi ako sa Dean’s office dun pala pinadala ito di ko narin natiis sa sobrang tuwa ko pati yung sa inyo nabuksan ko hehe paumanhin” si Marie

“ayos lang yun marie” ngiti kong tugon

Nabasa ko ang sulat at natuwa ako at natanggap kami subalit may kalungkutan na namuo sa akin dahil ang ibig sabihin lamang nito ay iiwanan ko na si Inay at Itay.

“pero baka hindi ko na ituloy ito” wika ko

“bakit naman sayang opportunity na ito” pagtataka nila Dindo

“dito nalang ako” tugon ko

Bigla namang nagsalita si Inay at Itay

“anak alam ko kami iniisip mo dahil ayaw mo kaming iwanan pero may ibabalita kami sa iyo” ngiti ni Inay

“nakuha kasi kami sa Maynila bilang katulong at Driver sa pamilya Villegas kaya wag ka mag alala makakasama mo kami sa Maynila” naka ngiting tugon ni Itay

Bigla namang nagliwanag ang aking mukha sa aking mga narinig dahil sa wakas ay makakapunta na din ako sa Maynila.

Itutuloy...

No comments :

Post a Comment