Total Pageviews

Wednesday, 1 April 2015

Sa Aking Pagbabalik part 7



Sa Aking Pagbabalik part 7

“ahh sir pasensya na po uli” sambit ko

“no problem sige magpakilala ka na” tugon ng instructor

“hi I’m Anghelo Suarez a transferee from Isabel college” itutuloy ko pa sana nang biglang magsalita si Josh

“Anghelo Suarez?” si Josh habang naluluha

“oo yun nga pangalan ko” tugon ko habang nagtataka ako bakit lumuluha si Josh at Harvey

“Jey hindi mo na ba kami nakikilala?” malungkot na tanong ni Fatima

Nang marinig ko ang pangalang Jey ay may parang kung anong bagay ang aking naramdaman. Hindi kaya heto na ang sagot sa aking tunay na katauhan? Ngunit kailangan kong makasigurado hindi ako dapat magpadalos dalos dahil ang kinabukasan ko ang nakataya dito.

“Jey? Sinong Jey?” tugon ko

Bigla namang lumapit si Josh at hinawakan ako sa magkabilang balikat

“ano ba Jey magsisinungaling ka pa ba? Alam ko ikaw yan, panalo ka na nasaktan mo na kami ng sobra sobra kaya pls naman oh tama na ang laro” sambit ni Josh habang umiiyak

“pasensya ka na hindi talaga kita maintindihan” tugon ko habang medyo kinakabahan

Yayakapin sana ako ni Josh ngunit umiwas ako

“galit ka ba sa amin pati kaming matatalik mong kaibigan pinagsisinungalingan mo, hindi ka nakakatawa Jey wag mo naman kaming ganituhin oh” sambit ni Josh habang patuloy sa pagtangis

Napatingin naman ako kay Harvey, nakatitig lamang siya sa akin habang lumuluha, ramdam ko ang matinding kalungkutan at galit sa kanyang mga mata na parang may nagawa akong napaka laking kasalanan.

Bigla namang nagsalita si Elton

“Josh, huminahon ka wag ka padalos dalos” sambit ni Elton

“shut up Elton labas ka dito” galit na tugon ni Josh

“o Josh relax ka lang, huminahon ka muna” sambit ng instructor na medyo nababahala dahil sa mga nangyayari

Samantala halos ang buong klase ay natulala sa nangyayaring kaganapan kabilang na si Fatima at mga dati kong mga kaklase. Napansin ni Dindo at Marie ang kaba sa aking mukha kaya naisipan na nilang tumulong at magsinungaling.

“Dindo, tulungan na natin si Anghelo baka mabuking pa siya mawala pa pagka scholar nya” mahinang sambit ni Marie

“alam ko yun pero anong gagawin natin?” tanong ni Dindo

At dun nga ay nagsalita na si Marie

“ahh hindi po talaga siya si Jey matagal na po kaming magkakaibigan maliliit palang po kami baka kamukha lang nya yung sinasabi nyong Jey” sambit ni Marie

“oo nga magkababata kaming tatlo kaya imposibleng siya si Jey” dagdag pa ni Dindo

Biglang natigilan si Josh sa kanyang narinig, si Harvey naman ay tumayo sa kanyang upuan at tumakbo papalabas. Binitawan ako ni Josh at sumunod siya na lumabas ng classroom

Hahabulin sana sila ng mga kaibigan nila ng magsalita ang aming instructor

“guys hayaan nyo na sila” sambit ng aming instructor

“by the way Anghelo dun ka nalang maupo” habang tinuro ang bakanteng upuan sa gitna ni Josh at Harvey

Habang nakaupo ako ay wala pa ding tigil ang pagtingin ni Fatima at iba ko pang mga dating kaklase sa akin. Natapos ang klase ngunit hindi na bumalik si Josh at Harvey

Habang papalabas na kami ay kinausap ako ni Dindo at Marie

“Anghelo ano yung kanina? Bat tinatawag ka nilang Jey” tanong ni Marie

“Hindi ko din alam eh pero iba ang naramdaman ko kanina nung marinig ko ang pangalang Jey” tugon ko

“hindi kaya ikaw talaga si jey at matagal ka na nilang hinahanap” sambit naman ni Dindo

“hindi ko alam pero gusto ko muna masiguro dahil pag mali ako kinabukasan ko ang nakataya dito” tugon ko

“tama ka Anghelo baka mamaya mali ka pala at malaman ng lahat tiyak ako matatanggal ka sa pagka scholar mo” tugon ni Marie

“siya nga pala salamat kanina sa ginawa nyo ha, kinabahan talaga ako nung mga oras na yun” sambit ko

“wala yun kaibigan mo kami di ka naman naming hahayaang mapahamak noh” tugon ni Dindo

Samantala sa penthouse ni Josh at Harvey habang nakaupo silang dalawa sa sala

“ayos ka na ba tol?” tanong ni Josh

“ayos nako pero kanina naramdaman ko nanaman yung naramdaman ko nung mamatay si Jey ayoko na maramdaman yun tol” malungkot na tugon ni Harvey

“alam ko nararamdaman mo, yun din ang naramdaman ko kanina nung makita ko si Anghelo, alam ko hindi siya si Jey pero iba sinasabi ng damdamin ko parang matagal ko na siyang kilala ewan ko naguguluhan ako” sambit ni Josh

“naramdaman mo din pala yun, akala ko ako lang ang nakaramdam nun” tugon ni Harvey

Dumating naman si Fatima sa penthouse nila Josh at Harvey

“o guys ano ayos na ba kayo?” tanong ni Fatima

“medyo ayos na kami” tugon ni Josh

“eh hindi pala talaga siya si Jey kamukhang kamukha lang, sabagay nakita nga natin labi ni Jey hindi ba? kaya malabong siya yun. At kung siya man yun wala naman siyang dahilan para magsinungaling sa atin hindi ba?” sambit ni Fatima

“tama ka Fatima” tugon ni Josh

“infairness ha kamukhang kamukha talaga at magkaboses pa sila” dagdag pa ni Fatima

Wala rin kasi akong nunal o iba pang palatandaan sa mukha o katawan na magagamit na pruweba sa aking tunay na katauhan, at dahil mahigit dalawang taon na ang lumipas ay malaki na din ang pinagbago ng aking itsura at ayos.

“by the way guys gustong pumunta nila Elton, Grace at Kate kanina dito pero pinagbawalan ko sila sabi ko gusto nyo munang mapag isa, kilalang kilala ko kasi mga yun alam ko grab the opportunity nanaman ang mga lola nyo” sambit ni Fatima

“sira ka talaga Fatima pero salamat ha” tugon ni Harvey habang napapangiti

“hayan ngumiti ka na, ganyan dapat” wika ni Fatima

Samantala sa aming kinaroroonan habang kumakain kaming tatlo

“o Anghelo bat wala ka yatang gana?” tanong ni Dindo

“siguro iniisip nanaman nya yung nangyari kanina”tugon ni Marie

“nakita ko kalungkutan sa mga mata nila naaawa ako sa kanila” tugon ko

“diba yung Jey yung matalik nilang kaibigang namatay sa aksidente sa barko?” tanong ni Dindo

“oo yun yung kinukwento sa atin ni Michael nung isang araw hindi ba? tugon ni Marie

“at ikaw ay nakita ni Mang Anton at Aling Linda sa may dalampasigan hindi ba? hindi kaya ikaw yung galing sa barkong yun?” si Dindo

Napaisip ako at medyo natuwa sa sinabi ni Dindo, paano kung ako nga ang Jey na tinutukoy nila? Pero kailangan ko mag ingat at makasigurado

Kinabukasan habang papatakbo ako papasok sa school.

“ano ba yan late nanaman ako” mahina kong sambit sa aking sarili habang tumatakbo

Pagpasok ko sa classroom ay andun na lahat ng aking mga kaklase pati na ang instructor

“Mr. Suarez you’re late again” sambit ng instructor

“sir sorry po talaga may nakalimutan po kasi akong kunin binalikan ko pa po kasi” paliwanag ko

“you may take your seat now” utos ng instructor

(Paki play po)



Habang papunta ako sa aking upuan sa gitna ni Josh at Harvey ay patuloy paring nakatingin sa akin ang dalawa, pagkaupo ko habang nagdidiscuss yung instructor namin ay hindi ako mapakali

Pagtingin ko sa aking kaliwa ay nakatingin sa akin si Harvey kaya ngumiti ako pero bale wala hindi man siya ngumiti at patuloy pa din siyang nakatingin sa akin.

“pahiya ako dun ahh na isnab ako” wika ko sa aking sarili

Pagtingin ko naman sa aking kanan ay nakatingin din si Josh sa akin kaya nginitian ko siya ngunit ganun din ang inabot ko hindi man lang ako pinansin at patuloy lang nakatingin sa akin

“waaa pahiya nanaman ako dun ang susuplado naman pala ng mga ito” sambit ko sa aking sarili habang nakaramdam ng pagkapahiya

Natapos ang klase ngunit patuloy lamang silang nakatingin sa akin

“hay ibang klase din instructor namin di man lang sinaway yung dalawang ito” sambit ko sa aking sarili habang papatayo

“o Anghelo mauuna na pala kami sayo ha may hihiramin lang kami sa library” sambit ni Dindo at Marie habang nagpapaalam sa akin

“sige lang tambay muna ako sa labas” paalam ko

Habang nakaupo sa labas ay napansin ko sila Josh at Harvey kasama ang mga kaibigan nila sa kabilang table na nakatingin nanaman sa akin

“naku heto nanaman sila, kaasar talaga” sambit ko sa aking sarili

Maya maya ay lumapit sa akin si Fatima at tumabi

“ako nga pala si Fatima” ngiti ni fatima

“hi Anghelo nga pala” tugon ko

“oo noh sino ba di nakakakilala sayo eh gumawa ka yata ng riot kahapon” natatawang tugon ni Fatima

“nakakahiya nga eh nagkagulo pa dahil sa akin” tugon ko

Tahimik lamang si Fatima na nakatingin sa akin

“ok ka lang?” nahihiya kong tanong

“hmm kamukhang kamukha mo talaga si Jey” tugon nya

Nung mga oras na yun ay parang gusto kong magtanong tungkol sa sinasabi nilang Jey kaso pinangunahan ako ng takot

“ahh oo napagkamalan nga ako hehe” tugon ko

“naku hayan nanaman sila nakatingin nanaman sa akin” sambit ko

“hahaha wag mo na pansinin di lang talaga sila makapaniwala, miss na miss na din kasi ng mga yan si Jey kaya ganyan” tugon ni Fatima

“ahh ganun pala” tugon ko

“o sige balik na ako dun, nice meeting you” ngiting paalam ni Fatima

Samantala sa kinaroroonan nila Josh at Harvey pagdating ni Fatima

“Fatima ano pinag usapan nyong dalawa” tanong ni Josh

“wala nakipag kilala lang ako” tugon ni Fatima

“alam mong hindi sya si Jey” sambit naman ni Harvey

“bakit wala namang masama kung makipagkaibigan sa kanya ahh” tugon ni Fatima

“bahala ka nga” inis na tugon ni Harvey

“ano pa napag usapan nyo?” si Josh na halatang interesado

“wala tingin daw kayo ng tingin sa kanya nako conscius sya” biro ni Fatima

Medyo nahiya naman si Josh at Harvey sa sinabi ni Fatima

Dumating naman si Tom at Beth sa kinaroroonan nila

“guys sino ba diyan yung kamukha ni Jey?” tanong ni Beth

“hayun oh” sabay turo ni Fatima sa aking kinaroroonan

Natulala naman si Tom at Beth nung makita nila ako

“J-Jey” sabay na sambit ni Tom at Beth

“o kita nyo na ganyan na ganyan din reaction namin kahapon nung makita namin sya” tugon ni Fatima

Bigla namang nagsalita si Elton

“nagsasayang lang kayo ng oras dahil hindi naman siya si Jey, dapat di nyo na siya pinag aaksayahan ng panahon” sambit ni Elton

“Tama si Elton guys hayaan nyo na siya” tugon ni Harvey

“sobra ka naman tol hanggang ngayon ba galit ka pa din kay Jey” tugon ni Tom

Ngunit di kumibo si Harvey at tumingin na lamang sa malayo

Samantala sa aking kinaroroonan halatang halatang ako ang pinag uusapan ng mga magkakaibigan buti nalang ay dumating na ang susunod naming instructor. Pagpasok ko at pag upo ko ay napansin kong hindi na ako tinitingnan ni Harvey pero si Josh ay pasulyap sulyap parin kung minsan. Natapos ang maghapon at dumating ang oras ng uwian nagpaalam ako kila Dindo at Marie na mag reresearch muna ako sa library

“guys mauna na kayo mag reresearch pa kasi ako” paalam ko

“sige kita nalang tayo mamaya, ingat ka ha” paalam din nila Marie at Dindo

Dumiretso ako sa library at nagresearch muna inabot din ako ng isang oras, paglabas ko ay medyo madilim na habang naghahantay ako ng masasakyan ay merong isang magarang sasakyan ang tumigil sa aking harapan

“wow ganda naman ng sasakyan sino kaya ito” sambit ko sa aking sarili

Pagbukas ng bintana ay nakita ko si Josh na nagmamaneho

“Anghelo sakay ka na ihahatid na kita” wika ni Josh habang nakangiti

“ahh eh wag na malapit lang naman yung dorm namin” pagtanggi ko

“sige na wag ka na mahiya” si Josh

“hindi sige ayos lang talaga ako” tugon ko habang nahihiya

“ipapahiya mo ba ako? Sige na sumakay ka na” pamimilit ni Josh

Wala na din ako nagawa kundi sumakay, habang nasa loob ako ng sasakyan ay naaamoy ko ang pabango ni Josh

“ang bango parang pamilyar yung amoy” sambit ko sa aking sarili

“ok ka lang?” ngiting tanong ni Josh

“oo ayos lang ako” tugon ko

“siya nga pala pasensya ka na kahapon ha napagkamalan ka kasi namin yung kaibigan namin” sambit ni Josh

“oo ayos lang yun” tugon ko

“Siya nga pala kumain ka na ba? nagugutom na kasi ako kain muna tayo” aya ni Josh

Nagugutom na talaga ako nung mga oras na yun kaya lang medyo nahihiya talaga ako.

“ayos lang ako saka wala na ako pera eh” tugon ko

“wag mo na problemahin yun treat kita” ngiting tugon ni Josh

Pumayag na din ako, dinala nya ako sa isang mamahaling restaurant. Nakita ko kung paano kami asikasuhin ng mga waiter sa restaurant halatang VIP si Josh dun.

“siyado naman yata mahal dito” sambit ko

“wag mo na alalahanin yun akong bahala sayo” ngiting tugon ni Josh

Habang nakaupo kami ay sinimulan ko nang magtanong tungkol kay Jey.

“ahh Josh pwede ba magtanong?” sambit ko

“oo naman ano ba yun?” tugon ni Josh

“tungkol kay Jey sana” nahihiya kong tugon

Medyo natahimik at naging seryoso yung mukha nya nung marinig nya ang aking gustong itanong. Pero pumayag din sya

“ahh sige ano ba gusto mo malaman tungkol kay Jey?” tanong ni Josh

ayaw kong biglain kaya nag umpisa muna ako sa mga di gaanong personal na tanong

“matagal na ba kayong magkakaibigan?”

“oo magmula first year highschool magkakaibigan na kaming tatlo” tugon ni Josh

“ano ugali nya?” tanong ko

“naku pasaway yun, isip bata, mapagbiro, lagi napapasok sa gulo, sakit ng ulo ng mga teacher” natatawang tugon ni Josh

“pero yung mga ugali niyang yun ang nagustuhan namin sa kanya kaya minahal namin ni Harvey yung kaibigan naming yun” dagdag ni Josh habang seryoso na ang kanyang mukha

Natuwa ako at lalo akong naging interesado kay jey sa mga sinabi ni Josh

“nakakatuwa naman pala siya” tugon ko

“kaya imposible nga talagang ikaw si Jey kasi napaka seryoso mo si Jey kasi mayat maya may ginagawa nang kalokohan yun” sambit ni Josh habang nakangiti

Natapos kami kumain at nilisan ang restaurant, habang nasa sasakyan kami...

“Anghelo bago kita ihatid sa dorm may ipapakilala muna ako sayo” sambit ni Josh habang nagmamaneho

“ha? Ah sino naman yun?” pagtataka ko

“punta tayo sa bahay nila Jey papakilala kita kay Tito Wil, Kuya Justin at Kuya John” ngiting tugon ni Josh

Kinabahan ako pero nakaramdam ako ng kakaibang tuwa sa aking narinig, kaya pumayag agad ako, pagdating namin sa tapat ng bahay ay bumaba agad ako, nung makita ko ang bahay ay muli may kakaiba akong naramdaman. Hindi kaya hetong mga nararamdaman ko ang patunay na ako nga si Jey? Pag doorbell ni Josh ay sinalubong siya ni Manang Luz

“sir kayo po pala, tuloy po kayo” bati ni Manang Luz

Bigla naman akong lumabas sa likuran ni Josh

“jusko po! Sir Jey!” gulat na sigaw ni Manang Luz

“o Manang Luz hindi siya si Jey easy ka lang” natatawang sambit ni Josh

“kamukhang kamukha po kasi” tugon ni Manang Luz na halata pa din ang pagkabigla

“siya nga pala manang Luz andyan po ba sila Tito Wil?” tanong ni Josh

“Opo andyan po silang lahat sa loob” tugon ni Manag Luz

Pinapasok kami sa loob ng bahay at pinaghintay sa sala, habang naghihintay kami ay nararamdaman ko nanaman ang kakaibang pakiramdam para bang matagal na akong nakatira dun, kaya lalong bumilis ang tibok ng aking puso. Mas lalo pang nagpabilis ng tibok sa aking dibdib ng makita ko ang mga larawan na nakapatong sa sala, tiningnan ko ito isa isa hindi ko alam pero napapangiti ako habang tinitingnan ko ang mga larawang yun.

Pagbaba ni papa, kuya Justin at kuya John ay agad silang sinalubong ni Josh

“Good evening po tito” bati ni Josh

“o iho ikaw pala napasyal ka yata” ngiting tugon ni Papa

“kamusta ka na Josh” bati ni Kuya Justin

“tagal mo di napasyal ahh” si Kuya John

“medyo naging busy kasi” ngiting tugon ni Josh

“siya nga pala may ipapakilala ako sa inyo” sambit ni Josh

Itinuro ako ni Josh ngunit naka talikod pa ako dahil sa tinitingnan ko pa ang mga larawan. Pagharap ko

(Paki Play po)



Natulala sila Papa at Kuya

“A-anak” nauutal na sambit ni Papa

Napaiyak naman si Kuya John at Kuya Justin nang makita ako

Itutuloy...

No comments :

Post a Comment