Sa Aking Paglisan part 18
Hapon na nang makarating kami sa
school, dun kasi kami binaba ng aming bus para maghintay ng kanya kanya naming
mga sundo. Habang naghihintay kami katabi ko sila Josh, Harvey at Fatima
napansin ni Harvey na hindi ko suot ang bracelet na bigay nya samin ni Josh
“Jey bat di mo suot yung bracelet?”
tanong ni Harvey
“eh hindi bagay sa outfit ko eh bukas
nalang hehe”
Tiningnan ako ng masama ni Harvey
“o sige na isusuot na” nahihiya kong
tugon
“napag usapan na natin yan diba” tugon
naman ni Harvey na halatang naiinis
“ikaw talaga Jey tapos na ang retreat
magbago ka na” dagdag naman ni Josh
“oi ano yan bat ako wala?” inggit na
tanong ni Fatima
“yan tanungin mo si Jey hindi ka nya
ginawa” pang aasar ni Harvey
“hmph asa pa kayo diyan eh ang kuripot
nyan” parinig ni Fatima
“pasensya ka na Fatima ha mainipin
kasi ako hindi ko kaya maghintay katulad ng ginawa ni Harvey hehe” palusot ko
At nagdatingan na nga ang mga kanya
kanya naming sundo, sila kuya Justin at kuya John ang sumundo sa akin,
pagkakita ko sa kanila ay agad agad na akong pumasok sa sasakyan at nagpaalam
sa mga kaklase at kaibigan ko, sa loob naman ng sasakyan.
“o ano Jey may pinagbago ka ba? mamaya
katulad ka pa din ng dati na pasaway” natatawang tanong ni kuya Justin
“oo naman kuya ano akala mo sa akin”
tugon ko na medyo nahiya
“pero kuya namiss nyo ba ako?” excited
kong tanong
“uu naman siyempre eh baby ka namin”
ngiti ni kuya John
Pagdating namin sa bahay ay sinalubong
ako ng yakap ni Papa
“o Jey namiss kita, nag enjoy ka ba
dun?” bati ni papa habang yakap yakap ako
“opo papa at namiss ko din kayo” tugon
ko habang nakayakap kay Papa
Nagkwentuhan muna kami sa mga naging
karanasan ko sa retreat namin, natawa naman sila nung ikwento ko yung
pagkakahulog ko sa mangga dahil na gutom
ako, natapos kaming mag dinner at umakyat na ako sa kwarto upang magpahinga
gawa na din na sobra akong napagod sa biyahe. Kinabukasan ay di na kami
pinapasok para makapagpahinga na din muna kami. Tumawag naman si Josh sa bahay
para yayain ako mag movie marathon sa bahay nila.
“hello
Jey? Punta kayo ni Harvey dito mamaya movie marathon tayo wala kasing magawa
dito sa bahay eh” aya ni Josh
“kayo
nalang tinatamad ako inaantok pa ako eh” tanggi ko
“sus
ang arte nito, o sige na basta hihintayin kita before lunch dito ha” si
Josh sabay baba ng telepono
Hindi narin ako naka tugon gawa nang
ibinaba nya agad ang telepono kaya wala na din akong nagawa kundi pumunta sa
bahay nila. Pagdating sa bahay nila ay binati ako ng mama at daddy nya.
“good morning po tito, good morining
mommy” bati ko
“good morning din iho nasa taas i
Josh” bati ng papa nya
Niyakap naman ako ng mama ni Josh nung
makita ako
“pumayat ka yata ngayon Jey” tanong ng
mama ni Josh
“medyo naging maselan po kasi ako sa
pagkain nitong mga nakaraang araw” tugon ko
“ahh ganun ba wag ka mag alala
ipagluluto ko kayo ng masarap na tanghalian mamaya” tugon naman ng mama ni Josh
“o sige po akyat na po ako sa taas”
paalam ko
Pag akyat ko andun na sa taas si Josh
at Harvey nanonood ng Titanic
“o andyan ka na pala Jey, higa ka na
dito” aya ni Harvey
“eew Titanic ayaw ko love story”
tanggi ko
“ang arte mo bahala ka diyan” tugon
naman ni Josh
“Josh pagamit nalang laptop mo check
ko lang friendster saka facebook ko” paalam ko
“sige lang” habang nakadapa parin sila
pareho ni Harvey at patuloy na nanonood.
Nang buksan ko ang laptop, agad naman
ako nagpunta sa friendster para i check ang account ko pero ganun pa din wala
parin pinagbago mga typical na mga kamag aral ko na inadd ako. Lumipat naman
ako sa facebook ngunit pagbukas ko ng facebook ay naka login pa account ni
Josh, pagtingin ko as usual andami daming nag aadd sa kanya pero di nya kasi
ina aapprove lahat lalo na pag hindi nya kakilala, tiningnan ko lahat mga
pending request nya halos nasa 200+, grabe sobra sikat talaga nilang dalawa ni
Harvey, habang tinitingnan ko napansin ko na andun yung dalawang baklang si
Nixon at Perry sa mga pending friend requests. Kung matatandaan nyo sila yung
nagligtas sa akin mula kay Neil at mga die hard fans sila nila Josh at Harvey
kaya kinausap ko si Josh
“Josh andami mo pending friend
requests ahh”
“oo hayaan mo lang hindi ko naman
kilala halos mga yan” tugon naman ni Josh habang nakatutok pa din sa pinapanood
“andito rin sa list si Nixon at Perry
yung dalawang tumulong sa akin dati” sambit ko
“ahh oo naaalala ko na sige i approve
mo sila” tugon naman ni Josh
“ssshh ingay nyo” sabat ni Harvey
“para namang di mo pa alam yung ending
nyan” natatawa ko namang tugon
At inapprove ko nga yung request ni
Nixon at Perry, pagka approve ko ay sakto namang naka online pala si Perry at
biglang nagpm.
“naku Josh salamat talaga at inapprove
mo” sambit ni Perry
At as usual ako nakaisip naman ako ng
kalokohan at nag umpisa na akong mag reply.
“Hi
Perry alam mo ba una ko palang makita ang iyong mga mata ay di ko na maalis ang
tingin ko sayo, sa pagtulog lagi kita napapanaginipan, sa pag gising lagi
kitang naaalala” reply ko habang natatawa ako
“waaaaaaa
Josh wag ka naman magbiro ng ganyan kinikilig ako, grabe kelangan malaman ni
Nixon ito” tugon ni Perry
“no
pls kelangan muna natin ilihim ang ating nararamdaman para sa isat isa” tugon
ko habang patuloy pa din ako sa pagtawa
“waaaaaaa
Josh seyoso ka ba talaga nakakainis ka wag ka naman magbiro ng ganyan baka
himatayin ako” tugon ni Perry
Tawa ako ng tawa ng malakas kaya
kumapit na sila Josh at tiningnan kung ano ginagawa ko, nabasa nga nila mga
reply ko.
“hahaha langya pare binenta ka ni jey”
si Harvey habang walang tigil sa kakatawa
“anak nang, Jey talaga puro ka
kalokohan” si Josh habang nagtype ng reply kay Perry
“Hi
Perry this is now the real Josh pasensya ka na ha si Jey yung kausap mo kanina
pinagtripan ka lang sige log off ko na
ito bye” reply ni Josh
Bigla namang piningot ni Josh yung
tenga ko
“araaaay masakit yun” habang hawak
hawak ko ang aking tenga na namula talaga
“hmph kj talaga nito makauwi na nga”
paalam ko
Palabas na sana ako ng pinto nang
biglang magsalita si Josh
“ikaw na nga ang may kasalanan ikaw pa
umaasta ng ganyan, sige umuwi ka pero wag mo nako kakausapin kahit kailan”
galit na sambit ni Josh
Natigilan naman ako sa sinabi ni Josh
at medyo nahiya sa aking inasal. Kaya dumapa ako sa gitna ni Josh at Harvey.
“huy Josh galit ka pa ba?” tanong ko
Ngunit hindi man lang ito kumibo, at
patuloy pa din sa panonood ng TV
“tsk tsk hala ka Jey, pero natawa
talaga ako sa ginawa mo hahaha” si Harvey habang tumatawa
“sige login mo din account mo pm ko si
Nixon hehe” pang aasar ko kay Harvey
“haha subukan mo baka di lang yan
abutin mo tatadyakan talaga kita” panakot ni Harvey
At bumalik na nga ako sa pang susuyo
kay Josh
“uy Josh wag ka na kasi magalit sorry
na, hindi mo na ba ako mahal?” biro ko habang nagmakakaawa kunwari
“akala ko ba uuwi ka na sige umuwi ka
na” malamig na tugon ni Josh habang nakatutok pa din sa TV
Niyakap ko nalang na parang unan si
Josh at nagmaakaawa
“Josh sige na wag ka na magalit, hmm
bango mo talaga Josh” habang yakap yakap ko siya at inaamoy amoy kunwari
“sira ka talaga, o sige na di nako
galit” tugon ni Josh at bigla akong kiniliti
Natapos ang palabas saktong
tanghalian, tinawag na kami ng mama ni Josh para kumain. Habang kumakain ay
nakukwentuhan at nagtatawanan sila kasama mama at papa ni Josh at ano pa nga ba
kasi, ako nanaman ang topic nila yung nangyari sa akin sa mangga. After lunch
ay bumalik na kami sa kwarto ni Josh para magpatuloy sa panonood. Action naman
ang sunod nilang isalang yung buong Die Hard series ang pinanood namin, ok
naman medyo gusto ko kasi yung pelikulang yun. Nung sumapit ang gabi after
naming mag dinner ay niyaya naman nila akong manood ng Child’s play.
“Tara heto naman” ngiti ni Josh
“sige maganda yan” tugon ni Harvey
“asa naman kayo ayoko nga uuwi nako”
paaalam ko
“oi wag ka kj ha alalahanin mo may
atraso ka pa sa akin kanina” tugon ni Josh habang pinipigilan ako
Wala na din ako nagawa kundi makisama
nalang, tahimik lamang sila habang nanonood pero ako nakatakip lang ng mga
unan.
“pano mo mapapanood kung lagi kang
nagtatakip ng unan” tanong ni Josh
“alisin mo nga yan” si Harvey sabay
hila sa unan
“wag ayos lang ako saka alam ko na
istorya nyan” sabay tago ko ulit sa unan
Habang nakatago ako hindi ko napansin
na isa isang umalis si Josh at Harvey para iwanan ako, pagtingin ko uli ay wala
na sila sa loob ng kwarto.
“waaaaaaaaaaaaaa” sabay takbo ko sa
labas ng kwarto
Nagulat naman ang parents ni Josh nang
makita nila akong takot na takot
“o Jey anong nangyari sayo?” tanong ng
papa ni Josh
“iho bat namumutla ka?” mama ni Josh
na halatang nag aalala
“good evening po, sige po uwi na po
ako salamat po” paalam ko habang papatakbo palabas ng bahay
Lumabas naman ng kabilang kwarto si
Josh at harvey na nagtatawanan at hinahanap ako
“ma nasan na po si Jey?” tanong ni
Josh habang wala paring tigil sa pagtawa
“naku iho tumakbo palabas eh namumutla
nga eh” pag aalalang tugon ng mama ni Josh
Samantala sa labas ng bahay buti
napaaga ang driver ko, bilin ko kasi 9pm pa ako susunduin eh 7:30pm palang,
hinintay nalang pala niya ako. Kaya agad agad ako sumakay sa kotse at umalis
“Manong Gerry tayo na po sa bahay”
kabado kong tugon
“sir, ayos lang po ba kayo? Mukhang
namumutla kayo eh” tanong ng aming driver
“opo ayos lang po ako” tugon ko naman
“mga walang hiyang yun makakaganti din
ako sa kanila” pabulong ko habang naiinis
Pagdating namin sa bahay dinatnan ko
sila kuya at papa na nagkukwentuhan
“o anak ang aga mo yata diba mamaya pa
dapat uwi mo?” tanong ni papa
“naku di ko na po kasi tinuloy
inaantok na din po kasi ako” tugon ko habang papasok sa kwarto
Samantala sa bahay nila Josh ay
dumating na si Josh at Harvey mula sa paghahanap sa akin sa subdivision.
“ma sigurado po ba kayo lumabas si Jey
kasi nilibot na po namin buong subdivision eh wala po siya” tanong ni Josh
“oo nagmamadali pa nga lumabas eh”
tugon naman ng mama ni Josh
“baka naman umuwi na” sambit naman ng
papa ni Josh
“wala pa po yun sundo, mamayang 9pm pa
po sundo nun” tugon ni Josh na halatang medyo nagaalala na
Tumawag agad sila sa bahay upang
tanungin kung nakauwi na ako, mabuti na lamang ay nakakuntsaba ko agad yung
katulong namin.
“hello
manang andyan na po ba si Jey” tanong ni Josh habang nag aalala
“eh
sir wala po po eh” tugon naman ni manang
“di
kaya sinundo na ni manong gerry?” tanong naman ni Josh
“di
pa po siya sinusundo andito pa po yung driver” tugon naman ni manang
“ahh
salamat manang” at binaba na nga ni Josh ang telepono
Makalipas ang isang oras ay dumating
sa bahay si Josh at Harvey, pagdating palang nila sa gate ay sinalubong na sila
ni manang.
“Andyan na po ba si Jey?” tanong ni
Harvey
“naku sir kayo po pala wala pong tao
ngayon dito nasa hospital po si Jey, nabangga po daw siya ng kotse kanina dead
on arrival na nga daw po eh” tugon ni manang na kunwari malungkot
Parang pinagsakluban ng langit at lupa
ang naramdaman ni Josh at Harvey nung mga oras na yun, ni hindi sila makapag salita
at napaupo na lamang sa may gate dahil sa narinig.
At bigla akong lumabas sa harapan nila
sabay
“bulaga!”
Hindi naman maipinta ang mukha ng
dalawa kong matalik na kaibigan nung makita nila ako, maluha luha pa si Harvey
at Josh nung mga oras na yun. Ang labis na kalungkutan ay napalitan ng sobrang
inis, agad agad ako hinabol ng dalawa, sa mga itsura nila halatang yari ako
kaya agad agad ako tumakbo.
“Gago ka Jey humanda ka talaga pag
naabutan kita!” si Harvey na halatang sobrang inis
“Alam mo namang ayaw na ayaw namin ng
birong ganun, ginawa mo pa humanda ka talaga” dagdag pa ni Josh
Habang nagkakagulo kami ay biglang
lumabas si kuya John
“anong kaguluhan ito” tanong ni Kuya
John
At yun na nga ay kinwento nila ang
buong pangyayari, tiningnan naman ako ng masama ni Kuya John sabay hawak sa
akin.
“o Josh, Harvey heto na siya sige
suntukin nyo na” sambit ni kuya john habang hawak hawak ako
“waaaa kuya bitawan mo ako plss”
pagmamakaawa ko
At yun nga ay sinuntok ako ng malakas
ni Josh at Harvey sa magkabila kong braso.
“o ano Jey ulitin mo pa uli yun ha” si
kuya John habang binitawan ako at pumasok na uli sa bahay
Grabe ang sakit ng mga suntok nila sa
akin, pero may kasalanan din naman ako di nga naman magandang biro yun.
“alam mong di nakakatawa yun” asar na
sambit ni Josh
“pasalamat ka nahiya lang kami sa kuya
mo kundi di lang yan ang aabutin mo” banta ni Harvey
Umuwi na sila sa kani kanilang tahanan
at ako naman ay pumasok na sa aking kwarto na masakit ang magkabilang braso
dahil sa suntok na inabot ko.
Kinabukasan sa school sinalubong ako
ni Fatima at niyakap
“oi good morning friend” sabay yakap
sa akin
“araaaaay” tugon ko habang hinawakan
ko ang magkabilang braso ko
“o napano ka?” tanong ni Fatima
“wala masakit lang mga braso ko may ginawa
nanaman kasi akong kagaguhan kagabi” paliwanag ko
At yun na nga kinwento ko ang buong
nangyari kay Fatima
“langya ka talaga eh bagay nga sayo
yan hahaha” pang aasar ni Fatima
Habang papalakad kami ay nakita namin
si Diane, napakaganda talaga niya mahahalata mong pinatitinginan siya ng mga
nagdadaang estudyante.
“Hayan na pala si Diane, pero akala ko
ba next week pa balik nila?” tanong ko kay Fatima
“Hindi ang papa lang nya ang next week
pa mag uumpisa pero siya ngayon palang kelangan na nya pumasok” tugon ni Fatima
“ahh ganun ba eh anong section nya?”
tanong ko
“kaklase niya sila Neil” tugon naman
ni fatima
“ahh ok”
“pero alam mo Jey balita ko magaling
din daw yang kumanta sa katunayan nga nakalista na daw name nya para sa mag o
audition sa choir mamayang hapon” dugtong pa ni Fatima
“edi mabuti madadagdagan magagaling
dun sa choir” tugon ko
“ikaw di ka ba talaga sasali sa
choir?” tanong ni Fatima
“wala pa ako balak hehe” tugon ko
At dumating na din sila Josh at
Harvey, pagkakita sa amin ay agad nila kaming nilapitan
“ano masakit pa?” tanong ni Josh
“konti nalang hehe” ngiti kong tugon
“gawin mo pa uli yun ha?” si Harvey habang seryoso
“by the way Harvey andyan na pala si
Diane mo hahaha” pang aasar ko kay Harvey
“oh e ano naman ngayon” tugon ni
harvey
“asus kunwari pa kundi ko pa alam
kinikilig ka na uli nyan” dagdag ko pa
“yeah about Diane mag o audtion nga
siya mamaya sa Choir kasama iba pang gustong sumali, baka ikaw Jey gusto mo na
ding sumali” tanong ni Josh
“wala pa rin ako balak hahaha”
natatawa kong tugon
“o bahala ka nga tara na pumasok na
tayo” aya ni Josh
Naging maganda naman ang araw na iyon,
kamustahan kwentuhan sa mga nangyari nung retreat at kung ano ano pa. Oras ng
dismissal ay agad agad nagpunta ang mga kaklase ko at kamag aral sa gymnasium
upang mapanood ang mga mag o audition sa Choir. Nagpunta na din kami ni Fatima
upang makipanood. Habang naghihintay kami ni Fatima
“Grabe Jey andami palang mag o
audition ngayon, mukha pang magagaling” si Fatima
“oo nga eh asan na ba sila Harvey at
Josh?” Tanong ko
“hayun dun sila nakaupo, yung mga
existing members kasi dun yung mga upuan nila” sabay turo ni Fatima
Tumayo na sa stage at opisyal na ngang
binuksan ni Josh ang audition
“Good afternoon to all I would like to remind all of you na pls.
avoid shouting, maari kayong pumalakpak bago at pagkatapos ng bawat performance
ok ” si Josh habang nagsasalita sa stage
At nag umpisa na nga mag audtion ang
mga gustong sumali sa choir, magagaling ang mga nag audition nagpapalakpakan
talaga ang mga estudyante, hanggang sa kumanta na si Diane, tahimik lang ang
mga estudyante habang papaakyat siya sa stage at hinintay siyang umawit. Nang
ma i play na ang kanyang kakantahin ay nag umpisa na siyang umawit
(Paki play po)
'Sang saglit ng ubod-tagal
Unang halik ng 'yong mahal
Isang saglit lang nang matikman
Isang saglit lang parang walang
hanggan
'Yan ang iyong unang halik
Kailan ba 'yon, kay tagal na
Ngunit tamis naroon pa
Tuwing ang mata'y mapipikit
Bakit tamis kusang nagbabalik
Kukupas pa ngunit hindi
Ang alaala mo ng una mong halik
REFRAIN
Puso mo'y maghahanap
Muli at muli kang magmamahal
Lahat ay malilimot mo
Ngunit hindi, ngunit hindi ang...
Iyong unang halik
Unang tibok ng pusong sabik
Isang saglit lang nang matikman
Isang saglit lang, parang walang
hanggan
Limutin mo man, mahirap gawin
Dahil damdamin mo sumisigaw
Mapipi man ang 'yong bibig
Kay tamis ng una mong halik
Matapos nyang umawit ay nagpalakpakan
at hiyawan ang mga estudyante sa loob ng auditorium nakalimutan na nila ang
sinabi ni Josh na bawal sumigaw, si Harvey naman ay naka tunganga parin dahil
sa kanyang narinig at hindi maialis ang tingin kay Diane.
“bravo Diane” bati ni Josh habang
pumapalakpak
“ay jey natalbugan ka ang galing pala
talaga nya” sambit ni Fatima
“oo nga eh grabe ang ganda ng boses”
tugon ko
Habang nag o audition pa yung ibang
gustong sumali ay niyaya ko si Fatima
“teka fatima tara punta tayo sa
backstage” aya ko kay Fatima
“ano naman gagawin natin dun” tanong
ni Fatima
“basta, sumama ka nalang” habang hawak
hawak ko kamay ni Fatima
Pagdating namin sa backstage ay
tinawag ko si Ruben siya kasi isa sa mga assistant ni Josh sa choir siya yung
nag organize sa mga mag o audition.
“hoy Ruben” tawag ko kay Ruben
“O Jey kaw pala, bakit?” tanong nya
“palagay naman pangalan ko diyan sa
mga mag o audition, ihuli mo hehe” tugon ko
“eh huli ka na tapos na yung
pagpapalista” tanggi ni Ruben
“sige susumbong kita kay Josh”
pananakot ko
“o sige na nga” Tugon ni Ruben na
napilitan
“Ilagay mo Heaven hahaha” sambit ko
“hahahaha sira ka talaga Jey sabi ko
na nga ba hindi ka magpapatalo eh” natatawang sambit ni Fatima
Matapos mailista ang pangalan ko ay
nagbalik na kami sa aming upuan, pinanood yung iba pang mga nag o audtion,
matapos ang lahat nang nag audition iko close na sana ni Josh ang audtion.
“Thank You to all who participated I
will now” biglang natigilan si Josh nang sensyasan sya ni Ruben
Nilapitan siya ni Ruben at binigay ang
isang papel
“guys meron pa palang pahabol”
announce ni Josh
“ok let’s give” biglang natigilan uli
si Josh nung mabasa nya
“heaven” bulong ni Josh na medyo
nabigla pero tinuloy din nya
“ok let’s give Heaven a round of
appluase” announce ni Josh
At dali dali na nga ako umakyat ng
stage, pagkakita sa akin ng mga estudyante at aking mga kaklase ay nasigawan at
nagpalakpakan na agad ang mga ito. Sama
naman ng tingin ni Josh sa akin at binulungan pa ako
“Humanda ka sakin mamaya” bulong ni
Josh
At dun na nga ay nag umpisa na akong
umawit
(Paki play po)
Nang Minsan ay Naranasan ko ang
mag-isa
Pilit ko na nilimot ang tulad nya
Na dati ay mahal na mahal
Nakita ka at nasabi kong ikaw na nga
Ang hinahanap at dinarasal na
Makapiling ko
Chorus:
Ngayo'y Naririto
Isang Katulad mo
Na sa akin ay nagmamahal
Ng buong tapat
Nangakong akin lamang
Pag-ibig na wagas
Ang syang naramdaman
Yan ay nagmumula sa sayo
Sa puso ko at kapwa
Ay hindi magbabago
Oh-ohhh
Nakita ka at nasabi kong ikaw na nga
Ang hinahanap at dinarasal na
Makapiling ko
Matapos kong umawit ay naghiyawan,
nagpalakpakan at nagsipag tayuan pa ang mga estudyante halos ang buong Gym ay
nabalot ng ingay.
“Jey! Walanghiya ka ibang klase ka
talaga! Galing!” sigaw nila fatima, Beth at Tom
Kumaway kaway naman ako na kunwari feel na
feel hahaha, pagbaba ko ay sinalubong agad ako ng pingot sa tenga ni Josh
“Araaaaaaaaaay” habang hawak ni Josh
ang tenga ko
“Jey kilala kita nainggit ka nanaman
kanina kaya mo ginawa ito noh?” inis na tanong ni Josh
“hindi ahh bat naman ako maiinggit”
palusot ko
“eh bat di ka nagpalista kanina pang
umaga habang kausap kita, tapos bigla bigla sumali ka dito may pa Heaven heaven
ka pang alias dyan” dagdag ni Josh
“bakit masama ba? buti pa si Diane,
pinalakpakan mo may pa bravo bravo ka pa diyan hmph!” tugon ko
“o yun edi lumabas din ang totoo” si
Josh habang inis pa rin
Samantala sa upuan ng mga Choir,
nagkukwentuhan yung mga members about sa audition
“galing ni Diane noh akalain mo yun”
sambit nung isang choir
“pero nagmukhang pangkaraniwan lang
yung boses nya nung kumanta na si Jey” tugon naman nung isa
“hahaha oo nga ibang klase parin
talaga boses ni Jey” tugon naman nung isa
“Hay jey ikaw talaga di ka parin
nagbago ayaw pa din patalo” bulong ni Harvey sa sarili nya
Samantala masama naman ang tingin ni
Diane sa akin mula sa kanyang kinauupuan.
Itutuloy...
No comments :
Post a Comment