Sa aking Paglisan
part 2
Nagkamalay ako at pagmulat ng aking
mga mata naroon ako sa isang pamilyar na silid, nasa school clinic pala ako.
“oh nagising ka na pala kamusta
na pakiramdam mo” tinig ng isang babae na papalapit sa akin
“ay nurse kayo po pala maayos na
po ang aking pakiramdam” sagot ko na medyo hilo pa
“wag mo pilitin kung di mo pa
kaya magpahinga ka nalang muna” sabi ng nurse
Makalipas ang limang minuto
tumatakbong humahangos papasok ng pinto si Fatima
“Jey, nagising ka na pala” si
Fatima
“o bat humahangos ka?”
pagtatanong ko kay Fatima
“nagkakagulo kasi sila dun sa
Oval, hay naku yung dalawang kaibigan mo nagwawala dahil sa nangyari sayo”
sagot ni Fatima
“naku samahan mo naman ako gusto
ko mapanood hahaha! Joke lang!” pagbibiro ko
Inalalayan ako ni Fatima papunta
sa Oval dahil nga medyo hilo pa ako kaya lagi siyang nakahawak sa aking braso.
Pagkarating naman sa oval nabigla ako sa aking nadatnan, napakaraming mga
estudyanteng nagkukumpulan at tila may pinapanood pinilit naming makisiksik sa
mga miron at yun na nga nadatnan ko ang aking platoon leader na pinaparusahan
ni Harvy.
Eighty eighth
Eighty Nine
Ninety
pagbibilang ni Harvy habang
nagpupush up ang pagod na pagod kong masungit na platoon leader
“Josh ano dagdagan ko pa diba mukha
namang di pa pagod eh” wika ni Harvy
“Sige lang dagdagan mo pa mukhang
di pa nga siya pagod wala pa akong nakikitang pagod sa mukha nya para din yung
hindi nya nakita na may sakit si Jey pero pilit parin nya ito pinag training
diba?” ang sagot ni Josh
“naku Harvy kung di mo lang alam
lagi niyan pinagtitripan si Jey sa training namin kahit wala naman itong
nagawang mali” wika ni Romy ang isa kong ka grupo sa CAT.
“ahh ganun pala kaya pala ang
dami ko nakikitang pasa nya sa kamay, o dagdagan pa natin ng one hundred push
ups” ang galit na pag utos ni Harvy
Sa mga sandaling iyon bigla na
akong lumapit kay Josh at Harvy sabay drama
“hu hu hu ang sakit ng pakiramdam
ko hu hu hu” ang pagdadrama ko sa dalawa
kong kaibigan
“Jey ano masakit sayo? Ayos ka
lang ba?” sabay hawak sa noo ko ni Harvy
“hindi ako ayos alam nyo kanina may
dugo pa suka ko” ang pa baby effect ko, nang biglang may kumurot sa aking
tagiliran
“aray!” Ang masakit ko nalang na
nasabi at bigla naman napatingin si Harvy at Josh kay Fatima.
“wag ka nga mag inarte!
Nagdadrama lang yang si Jey wala naman dugo suka nya kanina. Naku ang lakas
talaga niya mang asar” wika ni Fatima.
“wag ka nga nagbibiro ng ganyan
alam mong ayaw na ayaw namin sa ganyang biro” sabay pingot ni Josh sa aking
tenga.
“aray kooooo, oo na tama na yan
wag nyo na parusahan si Arturo (platoon leader namin) saka ang sagwa nyang mag
push ups para siyang palakang di matae” ang natatawa kong sabi sabay pandidila
kay Arturo na medyo inis na inis na.
Tinapos na din ni Harvy ang
pagpaparusa sa kanya at isa isa narin nagsiuwian ang mga estudyante. Papunta na
kami sa parking lot nang kausapin ako ni Harvy at Josh.
“Jey bat di mo sinabi sa amin na
lagi ka palang pinagtitripan ni Arturo? Edi sana nung una palang na warningan
ko na siya” ang nag aalalang tanong ni Harvy.
“Eh ayaw ko na gumulo pa saka
baka sabihin pa ng iba gumagamit ako ng impluwensya noh” sagot ko
“bat naman di mo sinabi samin
kanina na masama pala pakiramdam mo kelangan pa umabot sa nangyari kanina?” Ang
inis na tanong ni Josh
“busy nga kayo sa preparations sa
intrams diba? Makikidagdag pa ba ako?” ang sarkastiko kong sagot
“kahit naman ganun we make sure
na we always have time for each other naman diba?” si Harvy
“saka alam mo naman na di ka
namin pababayaan” si Josh
Tumango na lamang ako at dire
diretso na kami sa aming mga sundo. Kinabukasan ay di ako pinayagan ng aking
ina pumasok kaya nagpahinga na lamang ako sa bahay. Binuksan ko na lamang ang
aking computer at nag online sa friendster at binisita mga account ng mga
kaibigan at kaklase ko alam nyo na baka lang naman makahanap ako ng panibagong
tsismis hehe. Pagbisita ko sa profile ni Josh as usual puro testimonials ng mga
babae at bading sa school na majority naman di nya kakilala puro mga sweet
thoughts na nakasulat na as if naman kilala nila yung tao lol. Kaya tawa ako ng
tawa. Pagdating naman sa profile ni Harvy ganun din dami bagong friends na from
school na di nya masyadong kilala, yung mga babae at bading nagpapa cute yung
mga lalaki naman nakiki close alam nyo na para sumikat.
Sinamantala ko na lamang ang
aking pahinga at natulog nalang ng buong araw. Kinabukasan ay pumasok na uli
ako sa school sa entrance palang kinamusta na ako ng aking mga kaklase at kamag
aral na nasasalubong ko. Sabi ko ok naman ako at nagpahinga lang, nakita ko si
Josh at Harvey na pinalilibutan ng mga estudyante at nakikipagbiruan sa mga
ito, pagkakita nila sa akin agad nila ako nilapitan sabay ayos ni Josh sa aking
buhok nakalimutan ko palang magsuklay hahaha! Si Harvey naman kinuha ang aking
mga gamit na medyo ang dami nga naman hehe.
“akin na yan ako na magdadala ng
mga yan baka kung mapano ka pa” pagaalalang sabi ni Harvy
“weh ang bait mo naman para naman
akong na confine kung ituring mo ako hehe” pabiro kong tugon.
At dumiretso na kami sa aming mga
klase... bandang hapon may kumatok sa aming classroom isang student assistant
ang sabi pinapatawag daw ako ng aming guidance councilor.
“hala ka ano nanaman ginawa mo”
pabirong sabi ng aking mga kaklase.
“shet baka may bagong tsismis na
ikukweto si Mr. Espiritu(guidance counselor)” ang pabiro kong tugon sa aking
mga kaklase na nagpatawa naman sa buong klase.
“oi Jey ang harot mo nanaman ha,
magtigil ka nga diyan” si Josh
Agad agad ako lumabas ng school
at tumungo sa opisina ng aming Guidance Counselor. Pagpasok ko sa loob ay
pinaupo ako ni Mr. Espiritu at agad ko naman ginawa.
“Pinatawag kita ngayon dahil may
problema sa iyong extra curricular activities hindi ka pwedeng mag graduate
kung wala ka kahit isang organization o sports na sasalihan dito sa school”
wika ng guidance counselor sa akin.
Napaisip ako sa sinabi ng aming
guidance counselor, kung mag boyscout ako ngeee naiimagine ko palang di nako
pwede hehe, kung mag basketball naman kaya? Naku di ko nga alam pagkakaiba ng
dalawang court hahaha!
Art guild? Di ako marunong mag
drawing at wala ako masyadong hilig dun
Student council? Hahaha! Baka mag
file palang ako ng application himatayin na agad ang aking mga guro.
Cheering? Wahahaha di pa ako
nawawala sa katinuan nandoon yata mga super aarteng mga babae ng school.
Book Club? Madali akong antukin
pag nagbabasa ng libro kaya mas gusto ko nalang panoorin yun sa sinehan hehe.
Pumasok sa aking isipan ang
grupong choir, kasama si Josh at Harvy sa grupong ito, at kung di nyo
naitatanong maganda ang boses ng dalawa kong matalik na kaibigan sa katunayan
nga si Josh pa ang presidente ng nasabing grupo kaya kung gugustuhin ko madali
akong makakapasok dito.
Pero hindi ko pa pala nasasabi sa
inyo walang nakaka alam sa school o kahit isa man sa aking mga kaibigan na
napaka ganda ng aking tinig hehe ang kapal ko pero totoo yun, naku kung
itatanong nyo kung sino mas magandang boses sa aming tatlo ni josh at harvey ay
pupulutin lang sila sa kangkungan hehe joke lang pero lagi kasi sila
nagjajamming at ako nakiki panood lang kuntento nako ng ganun lang. Ayaw ko
kasing nagiging centro ng atensyon kaya tinatago ko nalang sa aking sarili ang
aking talento.
Pero tulad nga ng sabi nila
walang sikretong di nabubunyag. Habang nag iisip isip ako naligaw ako sa isang
lumang room na may piano, stereo, mga bala ng minus one etc.., dahil wala
namang tao aba nangalikot nako tiningnan ko ang mga bala nakita ko ang paborito
kong kanta ni Gary V. “Ikaw Lamang” minus one at sinalang ko ito at nagsimula
ko nang kantahin ito.
(paki play po)
Ikaw lamang
ang tangi kong iniisip
ang lagi kong panaginip
tayong dalawa ay laging nagmamahalan
pangarap ko
na kailan ma'y di maglaho
ang pag-ibig kong ito
pagka't hinding-hindi ko makakayang mawalay sa'yo
ikaw lamang ang buhay ko
sana nama'y pakinggan mo
ang puso ko na mayroong sinasabi
Chorus:
ikaw lamang
ang tangi kong minamahal
ang lagi kong dinarasal
sana'y habang buhay tayong magkasama
ang puso ko'y
ibibigay lamang sa'yo
ito ang aking pangako
mula ngayon hanggang magpakailan pa man..
ikaw lamang..
ikaw lamang ang buhay ko
sana giliw pakinggan mo
ang puso ko na mayroong sinasabi..
Nang matapos kong kumanta biglang may pumalakpak sa may likod ko.
Itutuloy...
No comments :
Post a Comment