Sa Aking Pagbabalik part 17
Itinigil nya ang sasakyan sa harap ng Jey’s
restaurant
“dito tayo mag dinner” si Roby sabay kindat
sa akin
“weh nahihibang ka na ba? dito pa talaga sa
amin, gusto mo siguro ako ipahamak noh?” inis kong tugon
“alam mo snookie matagal ko nang gusto
kumain ulit dito, ilang taon na rin ang lumipas kaya halika na ilibre mo nako”
naka ngiting tugon ni Roby
“nanaginip ka bat naman kita ililibre?” inis
kong tanong
“ihahatid kita hindi ba? kaya yun nalang
kapalit, ilibre mo ako” si Roby habang naka ngiti
“sinasabi ko na nga ba may kabayaran yun eh”
inis kong tugon
“natural ano yun libre?” si Roby habang
natatawa
“magpapahatid nalang ako sa company car
namin diyan” tugon ko habang bumababa ng sasakyan ni Roby
Bumaba rin si Roby at nilapitan ako
“sige para sabihin ko kila Josh at Harvey na
magkasama tayong dalawa” si Roby habang naka ngisi
“asa ka pa, para namang maniniwala sayo yung
dalawang yun noh” pangaasar ko
Bigla naman akong tinabihan ni Roby at
inakbayan sabay kuha ng litrato sa cellphone nya na magkadikit pa mga mukha
namin.
“say cheese” si Roby habang kinuhanan kami
ng litrato
“Hayan may ebidensya na” si Roby habang
nakangiti ng nakakaloko
“waaaaa andumi mo talaga maglaro” inis kong
tugon
“o sige sige na nga para matapos na toh” habang
papasok na ako ng restaurant
Sa bungad pa lang ng restaurant ay
sinalubong na agad kami ng mga waiter at manager para ihatid sa VIP area.
“sir welcome po” bati ng manager
“salamat” tugon ko
Habang nakaupo kami at kumakain
“ang bait mo talaga snookie talagang sa VIP
area mo pa ako dinala” sambit ni Roby
“hindi dahil sa mabait ako kundi nag iingat
lang ako, ang VIP area kasi ay secure kaya hindi tayo basta basta makikita dito
mahirap na baka malaman pa nila Josh na kasama kita ma lintikan pa ako” tugon
ko
“talagang hindi pa din pala ako napapatawad
ni Josh ano?” seryosong tanong ni Roby
“matapos nang lahat ng ginawa mo sa kanya sa
palagay mo ba ganun lang kadali kalimutan yun?” tugon ko
“pareho lang naman kami nagmahal at nasaktan,
pinagsisihan ko din naman yung mga nangyari, kung maibabalik ko lang ang
nakaraan” seryosong tugon ni Roby
“aba totoo ba itong nakikita ko? Ang
mayabang na Roby may soft spot? Hahaha” tugon ko habang tawa ng tawa
“oi snookie magtigil ka nga diyan, mabuti pa
kumain ka nalang” tugon ni Roby
“talagang kakain ako noh ako yata magbabayad
ok ka lang” tugon ko
“kayo may ari bata ka pa magbabayad?” pang
aasar ni Roby
“sus wag mo ako igaya sa gawain mo hindi
naman ako katulad mo noh” tugon
“nagtatanong lang masyado ka naman kung
makapag react” tugon ni Roby
“pero seryoso, bakit ka ba nagbalik dito?”
tanong ko
“wala balik pinas na kasi uli parents ko eh
pero kahit naman andyan sila parang wala din” seryosong tugon ni Roby
“sabagay kahit naman siguro ako magulang mo
kung may anak akong katulad mo hindi ko rin papansinin” mahina kong tugon
“oi oi narinig ko yun ha ang yabang nito”
tugon ni Roby
“totoo naman eh” sabay ngiti ko nang
nakakaloko
Bigla naman nag ring ang cellphone ko
“Jey
nasan ka na ba? gabi na ahh” si Harvey habang nag aalala
“ahh
pauwi na ako kakatapos ko lang tulungan si sir” pagsisinungaling ko
“wag kang
aalis diyan sunduin na kita” tugon ni Harvey
“wag
na sasabay nalang ako kay sir, nagprisinta din kasi siya na ihatid ako eh hehe”
pagsisinungaling ko
“o
sige mag iingat ka ha” paalam ni Harvey
“nice sir na pala tawag mo sa akin ngayon
ahh snookie” pang aasar ni Roby
“magtigil ka diyan, ayoko pa malibing ng
buhay noh kaya hindi nila pwede malaman na kasama ko mortal nilang kaaway”
tugon ko
“hahaha! Para naman tayong may bawal na
relasyon nito” tugon ni Roby habang natatawa
“eew para namang papatulan kita, may taste
naman ako noh” tugon ko
“aba yabang talaga baka nakakalimutan mo, na
lapitin ako ng mga babae at bading sa school” tugon ni Roby sabay kindat
“pano ko makakalimutan eh ganun mo inagaw
yung girlfriend ni Josh hindi ba?” tugon ko
“oi sobra ka ha hindi mo naman alam ang
buong storya sa likod nun, kaya wag moko husgahan” tugon ni Roby na halatang
napikon
“Mr. Almendrez tama ba itong nakikita ko? Meron
ka nga talagang soft spot, hindi mo bagay hahaha!” tugon ko habang tawa ako ng
tawa
“tara na nga hindi ba hinahanap ka na?” aya
ni Roby na halatang naiinis
Nilisan na namin ang restaurant at sumakay
na sa kanyang sasakyan para ihatid ako pauwi, habang papauwi kami ay nag iba ng
routa si Roby.
“oi bat iba daan natin” pagtatakang tanong
ko
“di mo ba nakikita sobrang traffic dun,
aabutin tayo ng siyam siyam” tugon ni Roby
“ayoko nga papuntang balete drive yung daan
diyan eh” tugon ko habang kinakabahan
“wala ka na magagawa heto na pinakamabilis
na daan eh” tugon ni Roby habang nagdadrive
“eh kung may magpakita bigla diyan” tugon ko
habang takot na takot
“kung natatakot ka ipikit mo nalang mga mata
mo” tugon ni Roby
Habang nasa bungad kami Balete drive biglang
nag ring ang cellphone ko, si Josh tumatawag at agad ko naman sinagot ito.
“Jey!
Nasan ka na ba? gabing gabi na ahh” tanong ni Josh habang nag aalala
“ahh
Josh pauwi nako wag ka mag alala” tugon ko
Bigla namang nakaisip ng kalokohan si Roby
habang binabaybay namin ang kahabaan ng balete drive
“huy sino yang nasa may bintana mo” pananakot
ni Roby
Kaya bigla akong napasigaw sa sobrang takot
“waaaaaaaaa” sigaw ko
“Jey!
Jey! Napapano ka?? Ano nangyayari sayo?!” sigaw ni Josh sa telepono habang
nagpapanic
Nung magsasalita na sana ako bigla namang
nag lowbat ang aking cellphone kaya hindi ko na natuloy ang balak kong sabihin
lumabas tuloy na mayroong nangyayaring masama sa akin. Si Roby naman ay walang
tigil sa kakatawa.
“hahaha! Grabe kung nakita mo lang sarili
mo” si Roby habang tawa ng tawa
“magpakasaya ka na hanggat gusto mo dahil
heto na ang kahuli hulihang makakasama pa kita noh” masungit kong tugon
“bakit sino ba may sabing gustong gusto kita
kasama? Ayaw na rin kita makasama noh” tugon ni Roby habang wala pa ring tigil
sa kakatawa
Biglang namang itinigil ni Roby ang kanyang
sasakyan
“oi oi oi anong ginagawa mo bakit ka
tumigil?” taranta kong tanong
“putcha na flat pa yata gulong ko” inis na
tugon ni Roby
“unggoy ka sa lahat naman ng lugar kung sa
ka ma flatan dito pa sa balete drive, hindi kaya pinaglalaruan na tayo ng mga
maligno dito?” tanong ko habang takot na takot
“pwede ba wag ka paranoid, na flatan lang
talaga tayo” tugon ni Roby habang papalabas ng sasakyan
“oi san ka pupunta?” tanong ko
“edi aayusin, anong gusto mo tumunganga
nalang dito?” tugon ni Roby
“aba pilosopo mokong na toh, hmph kung di ka
lang talaga gwapo” bulong ko sa aking sarili
“siya nga pala mag ingat ka baka mamaya iba
na nakaupo sa driver seat” pananakot ni Roby habang natatawa
“waaaaaa” habang nagmamadali ako lumabas ng
sasakyan papunta kay Roby
Talagang napahawak ako sa kanya sa sobrang
takot ko
“oi umayos ka nga pano ko magagawa ito kung
dikit ka ng dikit diyan” si Roby habang tinitingnan ang na flat nyang gulong
“eh tinatakot mo ako eh” tugon ko
“mabuti pa tulungan mo nalang ako pakikuha
sa likod ng kotse yung lyabe” tugon ni Roby
“ayoko nga mamaya may lumabas pa dun”
pagtanggi ko
“o sige mas lalong hindi tayo makakaalis
dito, anong gusto mo magdamag tayo dito? Tugon ni Roby
“ikaw magdamag diyan ako mag aabang nalang
ako ng taxi dito may mga dumadaan pa naman dito eh” tugon ko
“bahala ka pero nakakasigurado ka bang taxi
driver nga ba talaga yung nagmamaneho nun?” pananakot ni Roby
“nyay oo nga noh, o sige sige kukunin ko na”
tugon ko
Hinanap ko nga sa likod ng sasakyan yung lyabe,
pero medyo natagalan ako
“oi snookie ano ba nasan na yung pinapakuha
ko kanina pa naka angat itong sasakyan” si Roby
“oh heto na” sabay abot ko sa kanya
“oh ano toh?” tanong ni Roby habang
napapakamot
“edi yung pinapakuha mo” tugon ko
“eh vise grip ito eh, lalo tayong magtatagal
niyan eh” tugon ni Roby habang naiinis
“lyabe as in wrench” dagdag pa ni Roby
“oo na kukunin na madilim kasi kaya namali
ako” palusot ko pero wala talaga ako alam kung ano pinapahanap nya
Habang kinakalkal ko ang trunk ng sasakyan
para hanapin yung lyabe...
“ano ba yan, bat di kasi ako nakikinig kila
Josh saka Harvey pag nag uusap sila tungkol sa sasakyan para tuloy akong tanga”
mahina kong sambit
Bigla namang lumabas mula sa likod ko si
Roby
“Hoy! Ang tagal mo ahh” sambit ni Roby
“waaaaa” pagkagulat ko ay may nadampot akong
bagay mula sa trunk at naihampas ko sa kanya
“aray ko, masakit yun ha” tugon ni Roby
habang hinihimas yung braso nya
“wag ka kasi nangugulat eh” inis kong tugon
“o yan na pala hawak mo na eh bat di mo pa
inabot kanina, lalo pa tuloy tayong nagtatagal eh” tugon ni Roby
“ahh eh pabigay ko na nga dapat sayo eh
hehe” palusot ko
Habang pinapalitan ni Roby ang gulong ng
kanyang sasakyan ay may narinig naman akong alulong ng aso, kaya lalo akong lumapit
kay Roby
“kanina ka pa dikit ng dikit diyan ha, kaya
di tayo matapos tapos eh” reklamo ni Roby
“eh kasi sabi ng mga matatanda pag may
umaalulong na aso may nakikita daw itong multo” tugon ko habang nakahawak pa
rin ako kay Roby
“infairness ang bango bango niya talaga,
kahit pinag papawisan na” sambit ko sa aking sarili
Samantala sa penthouse ay tumawag si Josh
kay Harvey para tanungin kung nakauwi na ako, dali dali kasing umalis si Josh
para hanapin ako.
“Tol
ano nakauwi na ba si Jey?” pag aalalang tanong ni Josh
“hindi
pa rin eh, napuntahan mo na ba lahat ng mga kaibigan niya?” tanong ni
Harvey
“nakapunta
nako kila tito saka ibang mga kaibigan nya pero wala siya dun” tugon ni
Josh
“sige
ipagpatuloy mo lang paghahanap mo tatawagan ko pa yung mga iba pa nating mga
kaibigan” tugon ni Harvey
“puta
naman tol eh kung may nangyari ngang masama kay Jey” si Josh habang nagpapanic
“tangina
naman Josh eh wala namang ganyanan, wag kang mag isip ng ganyan, lalo lang
tayong mag aalala niyan eh” tugon ni Harvey habang lalong di mapakali
“humanda
talaga gagong yun pag nakita ko siya” tugon ni Josh
Samantala sa aming kinaroroonan...
“o yan ayos na po” wika ni Roby
“hay salamat makakaalis nako sa impiyernong
lugar na toh na kasama ang demonyo” sabay tingin ko sa kanya
“eh kung iwanan kaya kita dito” tugon ni
Roby
“heto naman oh di na mabiro” tugon ko
Nilisan na namin ang lugar at ihinatid na
nga nya ako sa penthouse, ngunit sa harap ng building ay nakita ko si Harvey na
naghihintay at halatang alalang alala.
“teka wag mo ako ibaba diyan makikita ako ni
Harvey, patay ako niyan” pakiusap ko kay Roby
“ikaw ang bahala” tugon ni Roby habang
iniurong ang kanyang sasakyan
Pagbaba ko ng sasakyan ay binuksan naman ni
Roby ang bintana
“oi snookie salamat nga pala sa dinner ha”
sabay kindat
“salamat din sa paghatid kahit inabot ako ng
kamalasan” tugon ko
“aba loko toh ahh ikaw na nga hinatid ikaw
pa nagrereklamo diyan” tugon ni Roby
“bleeeh” pang aasar ko
Habang naglalakad ako papalapit sa entrance
ng building kung san nakatayo si harvey at naghihintay ay nakaramdam ako ng
kaba dahil hindi ko maisip ang sasabihin kong palusot sa dalawa. Nakayuko ako
papalapit para hindi ako mapansin ni Harvey at makatuloy nako sa taas, pero
napalingon siya kaya nakita din nya ako.
“Jey! Ikaw ha lulusot ka pa ha” galit na
sambit ni Harvey
“ahh hello” tugon ko habang hiyang hiya
“tangina Jey! San ka ba nanggaling kanina pa
kami alalang alala sayo ahh si Josh kanina pa umalis para lang hanapin ka kung
saan saan tapos yan isasagot mo sa akin “hello”??” si Harvey habang galit na
galit
Bigla akong yumakap kay Harvey
“waaa sorry na sorry na, hindi na mauulit
pls. wag ka na magalit sa akin” pagmamakaawa ko
“oi Jey di moko madadaan sa ganyan, ano na
saan ka galing?” tanong ni Harvey habang galit na galit pa rin
“isipin mo nalang yung pangbubugbog mo sa
akin dati dahil kay Diane, hindi ka ba naaawa sa akin? Saka diba labs moko?”
pagdadrama ko
“tangina naman Jey eh kinakausap ka ng
matino puro ka nanaman kalokohan, lalo akong magagalit sayo niyan eh” si Harvey
na halatang napipikon na
“alam mo ba tinawagan na namin halos lahat
ng mga kaibigan natin pero wala ka dun si Fatima lang ang di namin ma contact,
magkasama ba kayo? Tanong ni Harvey
“bukas ko nalang ikukwento lahat pagod na
pagod na talaga ako plsss” pagmamakaawa ko habang patalikod kay Harvey para
sumakay ng elevator.
“oi Jey san ka pupunta hindi pa tayo tapos?”
pagpigil ni Harvey
Ngunit mabilis akong nakasakay ng elevator
papunta sa penthouse
“pasensya ka na Harvey alam kong nangako ako
sa inyong hindi nako magsisinungaling pero hindi nyo kasi talaga pwede malaman
eh, alam kong lalo lang magkakagulo” malungkot kong sambit habang nasa elevator
ako
Pagpasok ko sa aking silid ay agad kong
nirecharge ang aking telepono at tinawagan si Fatima, buti na lamang ay
sinwerte ako at nag ring ang cellphone nya.
“o Jey
napatawag ka” si fatima
“Fatima
natawagan ka ba nila Josh at Harvey kanina?” tanong ko
“hindi
eh low bat kasi ako kanina kaka recharge ko lang” tugon ni fatima
“naku
mabuti naman kung ganun, Fatima favor naman oh pag nagtanong sila Josh saka
harvey sayo pakisabi magkasama tayo kanina pag tinanong naman kung saan tayo
nagpunta sabihin mo ako nalang tanungin, bukas ko nalang ikukwento sayo lahat,
sige na plsss” pakiusap ko
“naku
may ginawa ka nanamang kalokohan noh? O sige sige ako na bahala pero i kwento
mo bukas sa akin yan ha” tugon ni Fatima
“sige
pangako ikukwento ko sayo bukas” paalam ko
Hindi pa rin nakakaakyat si Harvey dahil sa
malamang tinawagan pa si Josh para sabihing nakuwi nako, dali dali akong
nagbihis at naghilamos para mahiga sa kama at magtulog tulugan na.
Samantala sabay pumasok sa penthouse si Josh
saka Harvey
“Humanda talaga sakin yung gagong yan” si
Josh habang galit na galit
“badtrip nga eh dinadramahan pa ako kanina”
tugon ni Harvey
“tangina pare nakausap ko si Mr. Perez,
kanina pa pala sila natapos ibig sabihin nagsisinungaling talaga yang si jey”
tugon ni Josh habang galit na galit
“totoo? Tangina badtrip nga” tugon ni Harvey
habang galit na galit din
“teka nasan na ba yun?” tanong ni Josh
“nasa kwarto na nya” tugon ni Harvey
Pagpasok nila sa aking kwarto ay nadatnan
nila akong natutulog, hindi narin ako nakapag panggap na magtulog tulugan dahil
diretso na din akong nakatulog sa sobrang pagod na din siguro.
“tol bukas nalang mukhang napagod na si Jey
eh” sambit ni Harvey
“sige bukas nalang hayaan na natin siyang
magpahinga” tugon ni Josh
Kinabukasan pagkagising ko habang inuunat ko
ang aking mga kamay ay nadatnan kong nakatayo si Josh at Harvey sa tabi ng
aking kama, para bang hinihintay talaga akong magising.
“o yan magpaliwanag ka na” seryosong sambit
ni Josh
“at wag mo na subukang magsinungaling uli,
gaya ng pagsisinungaling mo kagabi na kasama mo pa si Mr. Perez kahit matagal
nyo na pala natapos yung ginagawa nyo” dugtong pa ni Harvey habang seryosong
seryoso din
“teka bat ba concern na concern ka yata
ngayon Josh eh diba galit na galit ka sakin kahapon” tugon ko habang napapayuko
“pota Jey wag mo ibahin ang usapan sagutin
mo ang tinatanong namin san ka galing kagabi?” tugon ni Josh habang lumakas na
ang tono
Kagabi pa lang ay pinaghandaan ko na, na
mangyayari ito kaya nakaisip na ako ng idadahilan, at pinapanalangin ko na
hindi nila mahalata na nagsisinungaling ako.
“galing kami sa frat party nila Fatima”
mahina kong tugon
“frat party? Hindi ba sinabihan na namin
kayong wag kayong pupunta sa mga ganun dahil delikado dun?” tugon ni Harvey
“eh napasubo na kami eh, saka minsan lang
naman hindi na talaga mauulit” tugon ko habang nakayuko
“bat napasigaw ka kagabi tapos biglang di ka
na namin ma contact? Akala namin may nangyari nang masama sayo ah” si Josh
“ahh hindi pinagtripan lang ako nung isa
tinakot ako kaya napasigaw ako, nag low bat din kasi ang cellphone ko nung mga
oras na yun” paliwanag ko
“eh kung may nangyari ngang masama sa inyo
dun” tugon ni Josh
“eh wala naman nangyari eh” tugon ko habang
nakayuko pa din
“putcha Jey heto nanaman tayo eh, yung ugali
mong ganyan yung pinaka ayaw namin sayo eh, kagabi sobra pag aalala namin sayo tapos
heto ka parang wala lang sayo yung mga nangyari, bat ba gustong gusto mong nag
aalala kami? Alam mo ba kagabi naramdaman uli namin yung naramdaman namin
dalawang taon na ang nakalilipas.” Si Harvey
Napayuko na lamang ako habang nakikinig
“Tama ka yung pinaka ayaw naming maramdaman
yung naramdaman namin nung araw na mawala ka, yun din ang pinaramdam mo sa amin
kagabi alam mo ba yun? Jey naman eh alam mo namang mahalaga ka sa amin kaya wag
mo namang hayaang pagdaanan namin ulit yun alam mo namang di na namin kakayanin
pag may nangyari pang masama uli sayo eh” dagdag pa ni Harvey
Bigla ko namang niyakap ng mahigpit si
Harvey
“sorry na talaga Harvey hindi na mauulit”
tugon ko habang nakayakap ako sa kanya
“wag ka na mangako dahil sigurado naman ako
uulitin mo nanaman eh” tugon ni Harvey
“eh sa akin hindi ka magsosorry? Ako yung
pinagod mo kagabi kakahanap sayo ahh” si Josh
Lumipat naman ako kay Josh at siya naman ang
niyakap ko ng mahigpit
“sorry din Josh nag alala tuloy kayo sa akin
saka sorry din pala yung kahapon yung paglilihim ko sayo tungkol kay Roby”
habang nakayakap ako kay Josh
“badtrip naalala ko nanaman yung Roby na
yan, masisira nanaman ang araw ko niyan pag nakita ko yan mamaya” tugon ni Josh
habang naiinis nanaman
“sorry pinaalala ko, Josh pede pakiss na din
hehe” biro ko
“ulol sa mga ginawa mo sa amin kagabi mas
lalong wala kang kiss” tugon naman ni Josh
“tama din pala ang desisyon kong
magsinungaling, dahil sigurado akong magwawala lalo sila Josh pag nalaman
nilang kasama ko lang si Roby kagabi” sambit ko sa aking sarili
“by the way Jey hindi ba ngayon ka
maglilipat ng mga gamit mo sa bahay papunta dito” tanong ni Harvey
“oo after natin sa school, kaunti lang naman
kasi ililipat ko halos mga damit lang saka iba pang gamit” tugon ko
Pumunta kami ng school para isubmit iba pang
mga requrements, lalo ako may back subjects pa ako kasi hindi naman na credit
lahat galing sa dati kong school. Pagdating namin sa school nadatnan namin mga kaibigan namin sa
tambayan.
“uy Jey kamusta ka na alalang alala kami
sayo kagabi ahh, kala namin kung napano ka na” sambit ni Luke
“oo nga san ka ba nagpupupunta” si Tom
“magkasama sila ni Fatima” tugon ni Harvey
“oi Fatima bat kayo nagpunta sa frat party
kagabi ha?” seryosong tanong ni Josh
“ahh ehh” si Fatima habang nakatingin sa
akin na tila hindi alam sasabihin
“diba sinabihan na namin kayo na wag kayo
pupunta sa lugar na yun, pero ano? Nagpunta pa din kayo eh kung napahamak
kayo?” si Harvey habang galit ang tono
“ahh ehh sige wag kayo mag alala hindi na
mauulit hehe” tugon ni Fatima
“talagang ayaw na namin maulit yun” tugon
nila Josh
Bigla naman akong nilapitan ni Fatima at
binulungan
“naku Jey madami ka ipapaliwanag sa akin,
pati ako mapapahamak dahil sayo eh” bulong ni Fatima
Habang inaayos pa nila Josh at Harvey pati
na din ng iba pa naming mga kaklase mga requirements nila agad naman ako hinila
ni Fatima papunta sa malayo para makapag usap kami.
“hoy Jey ano na mag umpisa ka na, ikwento mo
na sa akin lahat lahat” si fatima
Ikinwento ko nga kay Fatima ang lahat nang
nangyari sa akin kahapon.
“omg Jey you did what??” gulat na tanong ni
Fatima
“oo alam ko mali nga ginawa ko
nagsinungaling ako kila Josh at Harvey” tugon ko
“hindi yun ang issue yung sinasabi ko yung
pagsama mo kay Roby, nahihibang ka na ba? eh kung nahuli ka nung dalawa edi mas
lalong nagalit mga yun sayo” tugon naman ni fatima
“eh kaya nga kailangan ko mag imbento ng
dahilan buti nalang binili nila Josh yung dahilan ko, nakatulong din siguro
yung pagyuko ko habang kinakausap nila ako hindi nila nakikita facial
expression ko hehe” tugon ko
“naku pasalamat ka kaibigan talaga kita pero
yun na ang huli” tugon ni fatima
“wag ka mag alala wala narin naman ako balak
gawin pa uli yun” tugon ko
Pagbalik namin sa tambayan ay nakita namin
sila Josh kinakausap si Ms. Dela Cruz yung isa sa mga organizers ng pageant.
“Sige po ma’am naghahanda na po ako” tugon ni
Josh sa organizer
“and you too Harvey kahit ikaw yung reigning
Mr. University kailangan mo pa din maghanda” si Ms. Dela Cruz
“don’t worry ma’am maghahanda rin po ako”
ngiting tugon ni Harvey
Nung makita ako ni Ms. Dela Cruz ay agad nya
akong nilapitan
“by the way Mr. dela Vega, I heard so many
good things about you lalo na sa pagkanta kaya gusto ko sana na magkaron ka ng
intermission no. sa coronation night, sana pagbigyan mo ako” pakiusap ni Ms.
Dela Cruz
“sige po ma’am yun lang po pala” tugon ko habang
nakangiti
Nagpaalam muna ako sa aking mga kaibigan
para ayusin mga back subjects ko, habang papunta ako sa college of business
administration para mag submit ng requirements dahil dun nalang ang open para
makuha ko iba ko pang mga back subjects, nag close na din kasi yung sa isang
department kung san nakakuha sila Marie at Dindo, nakasalubong ko naman si Roby
“uy snookie san ang punta mo?” tanong ni
Roby habang sinabayan ako sa paglakad
“sa impyerno dadalawin ko mga kamag anak mo
hehe” biro ko
“loko to ahh” tugon ni Roby
“oi layo ka nga ng konti mamaya may makakita
pa sa atin sabihin close tayo malaman pa nila Josh malintikan pa ako” sambit ko
“grabe ang yabang nito ahh parang pinag
aagawan ka naman ng mga campus hearthrobs nyan eh” tugon ni Roby
“naman!” tugon ko habang natatawa ako
“aba
ang yabang nga, teka nakita mo ba si Ms. Dela Cruz?” tanong ni Roby
“ahh oo kanina andun siya kinakausap sila
Josh saka Harvey para sa pageant” tugon ko
“about that pageant usap usapan din dito
yung kakanta sa coronation night magaling daw pero hindi pa nila alam kung sino
basta alam lang nila galing din sa St. Catherine yun, sabi ko nga imposible yun
si Josh at Harvey lang naman mahigpit kong kalaban sa kantahan dati sa school
mula nung mag transfer ako, kaya imposibleng galing sa St. Catherine yun”
sambit ni Roby
“ahh talaga? Wow gusto ko makilala kung sino
yun” tugon ko habang natatawa ako
“sus wala panama sa akin yun” pagmamayabang
ni Roby
“talaga lang ha” tugon ko habang natatawa
ako
“teka nga bat mo ba hinahanap si Ms. Dela
Cruz” tanong ko habang nauuna ako maglakad
“eh siya kasi organizer ng pageant eh” tugon
ni Roby
“oh eh ano ngayon” tugon ko
“gusto ko kasi sumali sa pageant wala pa
naman daw representative dito sa department namin eh, kumukuha pa lang daw
sila” tugon ni Roby
Bigla naman akong nagulat sa kanyang sinabi
kaya napatigil ako sa paglalakad. Bigla ko siya hinila sa isang sulok kung saan
wala nakakakita sa amin.
“oi snookie sabi ko na nga gusto mo akong
masarili, ikaw ha pilyo ka” sabay kindat ni Roby
“eew kadiri ka, di ako kumakain ng palaka”
tugon ko
“nahihibang ka na ba? edi lalong nagkagulo
kung kakalabanin mo si Josh” wika ko
“bakit siya lang ba pwede sumali? Nag aaral
din naman ako dito ahh kaya may karapatan ako” tugon ni Roby
“asus kagabi may pa emote emote ka pa diyan
na pinagsisisihan kunwari mga ginawa kay Josh, tapos heto ka naman ngayon
kakalabanin siya” tugon ko
“gusto kong magkaayos kami pero wala naman
koneksyon yung gagawin kong pagsali sa away namin ni Josh ahh” tugon ni Roby
“sabagay di ka naman mananalo eh baka mamaya
sa department nyo pa lang eliminated ka na agad wahahaha” pang aasar ko habang
pinagpatuloy namin paglalakad
“yabang nito” sabay batok ng mahina sakin ni
Roby
“aray ko, wahaha napikon” pang aasar ko
“Diyan ka na nga wala ka talagang kwentang
kausap” inis na tugon ni Roby habang papaalis
Bigla naman akong nakaramdam ng hilo kaya
bigla akong napaupo sa sahig sa tabi ng hallway, kaya biglang napasigaw at naglapitan
ang mga estudyanteng nakakita sa akin
“ayos ka lang ba?” tanong nung isang
estudyante
“mukhang nahilo siya” sambit naman nung
ibang estudyante
Nilapitan naman ako nung isa kong kaklase
“Jey ayos ka lang ba? tatawagan ko sila
Josh” yung kaklase ko habang kino contact sila Josh
Bigla naman napatingin sa likod si Roby
dahil na din sa narinig niyang sigaw ng ibang mga estudyante, at nakita nga nya
akong nanghihina habang naka upo sa sahig. Agad agad siyang tumakbo papunta sa
akin para itayo at alalayan.
“Ano ba kayo, titingnan nyo lang ba siya?”
galit na sambit ni Roby habang tinatayo ako para akayin papunta sa clinic.
Samantala sa kinaroroonan nila Josh at
harvey kasama ng mga kaibigan namin ay tinawagan siya ng kaklase naming si
Howard
“tol,
si Jey kasi biglang nahilo kanina kaya napaupo sa sahig sa may hallway papunta
sa opisina ng college of business administration” sambit ni Howard
“ha?
Nasaan na siya ngayon?” pag aalalang tanong ni Josh
“papunta
na ng clinic may nagdalang isang lalaki sa kanya kanina” tugon ni Howard
“tol anong nangyayari bat nagkakaganyan ka?”
tanong ni Tom
“bigla nalang daw nahilo si Jey kanina”
tugon ni Josh habang nag aalala
“putcha naman ano nanaman kaya nangyari dun”
si Harvey habang di mapakali
“tara na guys, puntahan nalang natin” si
Luke
At dali dali na nga nilisan ng aking mga
kaibigan ang kanilang kinaroroonan para puntahan ako.
Itutuloy...
No comments :
Post a Comment