Sa Aking Pagbabalik part 18
Samantala sa clinic ay sinamahan muna ako ni
Roby habang nagpapahinga ako
“oi snookie bat ba nahilo ka? Buntis ka ba?”
pang aasar ni Roby
“hindi nahilo ako kasi feel ko lang mahilo” ganti
ko
“hahaha ibang klase ka snookie, pag gusto
mong mahilo nahihilo ka” tugon ni Roby habang natatawa
Habang nagtatawanan kami sa loob ay bigla
namang dumating ang aking mga kaibigan pero hindi kasama si Josh.
“uh oh this is not good” gulat na sambit ni
Fatima nung makita nya si Roby
“anong ginagawa mo dito?” seryosong tanong
ni Harvey
“ahh Harvey hinatid nya lang ako dito sa
clinic” wika ko
Lumapit at tumabi naman sa akin si Harvey
“ok ka na ba?” pag aalalang tanong ni Harvey
“ayos nako medyo nawala na pagkahilo ko,
teka nasaan pala si Josh”
“Jey kinuha lang yung sasakyan para ipark
malapit dito” tugon ni Marie
“darating na din yun maya maya lang, pag
medyo ok ka na dadalhin ka na namin sa hospital para mapa check ka na” dagdag
pa ni Harvey
“ha? Ayoko nga mamaya injectionin pa ako”
pagtanggi ko
“o sige sasabihin nalang namin sa Papa mo
mga nangyayari mas lalong malilintikan ka” pananakot ni Harvey
“o sige na nga” tugon ko habang napilitan
ako
“ahh Roby salamat nga pala sa pagdala mo kay
jey dito ha pero mas makakabuti siguro kung umalis ka na baka kasi abutan ka pa
ni Josh magkaron pa ng gulo” pakiusap ni Beth
“wala naman akong ginagawang masama ahh
hinatid ko lang naman kaibigan nyo” tugon ni Roby
“oo nga Roby pero alam mo naman siguro yung
nangyayari pag nagkakaharap kayong dalawa hindi ba? Halos magpatayan na kayo”
tugon ni Fatima
“wala akong problema sa kanya siya itong may
problema sa akin, pero sige kung yan ang gusto nyo aalis na ako” tugon ni Roby
habang paalis
Ngunit huli na ang lahat dahil palabas pa
lang siya ay bigla namang pumasok si Josh sa clinic
“anong ginagawa mo dito?!” galit na tanong
ni Josh kay Roby
“ahh Josh siya yung naghatid kay Jey dito
kanina, paalis na din naman siya” sambit ni Marie
“tingnan mo nga naman pati sa best friend ko
pumapapel ka” pang iinsulto ni Josh
“bakit hindi ba ako pwedeng makipag kaibigan
sa kanya?” tugon ni Roby
“hanggat andito ako hinding hindi mangyayari
yun” tugon ni Josh
“pasensya ka na pare pero magkaibigan na
kasi kami, so wala ka na magagawa” ngiti ni Roby
Bigla namang napikon si Josh at lalapitan na
sana si Roby para suntukin pero mabilis siyang naawat nila Dindo, Tom at
Harvey. Mabuti na lamang ay lumabas sandali yung nurse at kami kami lang ang
nandun nung mga oras na yun
“tol relax lang wag ka magpadala sa emosyon
mo” awat ni Tom
“ikaw ang talo pag pinatulan mo siya” dagdag
pa ni Dindo
“totoo naman sinasabi ko ahh magkaibigan na
talaga kami” diin ni Roby
“sus feeling ka diyan nakasabay lang kita
maglakad kanina, magkaibigan na tayo? Hindi noh” pang aasar ko habang natatawa
ako
“aba loko toh ahh ipapahiya pa ako” inis na
tugon ni Roby habang sama ng tingin sa akin
Ako naman ay di matigil sa kakatawa, hindi
ko alam pero gustong gusto kong nakikitang napipikon si Roby sa akin.
“anyway paalis na din naman ako eh, siya nga
pala Josh kita na lang tayo sa pageant may the best man wins” paalam ni Roby
“omg don’t tell us sasali ka sa pageant?”
tanong ni Fatima na halatang nabigla
“Josh magiging magkalaban kayo” si Beth
habang di mapakali
“don’t worry guys hindi ako umuurong sa
hamon” seryosong tugon ni Josh
“yun naman pala eh pano kita nalang tayo
dun?” sabay abot ni Roby ng kamay nya kay Josh
Ngunit tiningnan lang siya ng masama ni Josh
“ok to make this more interesting, ganito
nalang tol pag nanalo ako bilang Mr. University papayag kang makipag kaibigan
ako kay Jey, pero pag natalo ako lalayuan ko na siya, ano payag ka ba?” hamon
ni Roby
“tarantado ka rin noh, ano yan pagpupustahan
nyo si Jey? Ano siya kasangkapan?” galit na tugon ni Harvey
“ok lang kung natatakot si Josh
naiintindihan ko naman pero hindi nyo ako mapipigilan na makipag kaibigan kay
Jey” tugon ni Roby
“tarantado ka ahh” si Harvey habang
lalapitan na sana si Roby para suntukin
Ngunit pinigilan siya ni Josh
“hayaan mo siya tol hindi naman ako
natatakot sa hamon niya eh, at ikaw Roby ihanda mo ang sarili mo dahil
pagsisisihan mo ang lahat ng ito” galit na sambit ni Josh
“yun naman pala eh, pano kita kita nalang sa
competition ha?” ngiting tugon ni Roby
“sus para namang aabot yan sa coronation
night, I’m sure dun palang sa department nila eliminated na yan hahaha” pang
aasar ko
“loko toh ahh, oi snookie nakakarami ka na
ha” inis na tugon ni Roby
“nasabi mo na ang lahat ng dapat mong
sabihin kaya makakaalis ka na” si Josh
“oh pano snookie aalis nako pagaling ka ha”
sabay kindat ni Roby habang papalabas ng clinic
“and pwede ba tol stop calling him snookie
hindi na tayo mga highschool, may pangalan siya konting respeto naman” inis na
sambit ni Harvey
“hindi Harvey ok lang hayaan mo na siya”
tugon ko
“oh ok lang daw besides ang cute nga ng pet
name ko sa kanya eh” sabay kindat sa akin ni Roby habang tuluyan na niyang
nilisan ang clinic.
Samantala ang sama naman ng tingin sa akin
ng aking mga kaibigan
“bat ganyan kayo makatingin” tanong ko
habang napapayuko
“harvey ok lang na snookie tawag nya sakin”
pang aasar ni Tom habang ginagaya ako
“hindi naman siya aabot sa coronation eh
ahihihi” dagdag pa ni Dindo habang inaasar din ako
“ang haba ng hair mo girl, parang gustong
gusto mo pinag aawayan ka” pang aasar din ni Fatima
“ay kaya nga Fatima, umaabot na nga sa sahig
eh pakitirintas naman oh” pabiro kong tugon
Sabay apir kaming dalawa habang
nagtatawanan, bigla namang nagalit sila Josh at Harvey sa akin
“sige tumawa ka pa akala mo ba nakakatawa
yung nangyari? Muntik na nga magkagulo tuwang tuwa ka pa diyan” sambit ni
Harvey habang galit na galit
“heto naman oh, kinikilig lang ako pinag
aawayan nyo kasi ako eh hehe” tugon ko
Nilapitan naman ako ni Josh at umupo sa tabi
ko habang hinawi ang buhok ko sa may noo
“nahihilo ka pa ba?” pag aalalang tanong ni
Josh
“wag ka mag alala, ok nako” tugon ko
“o halika na dalhin ka na namin sa hospital
para mapa check ka na” aya ni Josh
“tutuloy pa rin ba yun? Pwedeng wag na
lang?” pakiusap ko
“hindi pwede kailangan ma pa check ka na”
seryosong tugon ni Josh habang tinatayo ako
Habang nasa sasakyan kami papunta sa
hospital ay kinausap ko si Josh
“Josh galit ka ba sa akin?” nahihiya kong
tanong
“hindi bat naman ako magagalit?” tugon niya
habang nagdadrive
Hindi na lamang ako nagsalita, pagdating
namin sa hospital ay tinanong lang ako nung doktor kung ano mga nararamdaman ko
at sinabi ko naman lahat sa kanya.
“doc iinjectionan nyo po ba ako?” habang
takot na takot at nakayakap kay Harvey
“hindi, tinatanong ko lang mga nararamdaman
mo” tugon ng doktor habang medyo natatawa
“pagpasensyahan nyo na po doc itong kaibigan
namin, takot lang po talaga sa karayom” tugon ni Harvey
“well anyway base sa mga sinabi mo mukhang
anemic ka nga dahil na din sa sinabi mong mga nararamdan mo lagi ka ding
nalilipasan ng gutom and medyo maputla ka nga” tugon ng doktor
“hay salamat di ako ma iinjection” tugon ko
habang nawala ang aking kaba
“basta magpahinga ka lang at huwag kalimutan
kumain ng mga masusustansyang pagkain” bilin ng doktor
Nilisan na namin ang hospital at diniretso
na nila ako sa penthouse para makapagpahinga
“Jey narinig mo sinabi ng doktor ha
magpahinga ka lang saka kumain ng masusustansyang pagkain” paalala ni Harvey
“By the way tol ikaw na kumuha ng mga gamit
ni Jey sa bahay nila maiiwan nalang ako dito para bantayan siya” si Josh
“sige tol ikaw na muna bahala sa kanya
sandali lang naman ako eh” si Harvey habang papaalis papunta sa bahay namin
para kunin ang mga gamit ko.
“oi Jey ano pa hinihintay mo diyan sige na
punta ka na sa kwarto mo magpahinga ka na” si Harvey
Kanina ko pa napapansin si Josh na para bang
may gumugulo sa kanyang isip, dumiretso siya sa kanyang kwarto. Kaya
napagpasyahan ko na lang na puntahan na lamang siya, pagpasok ko sa kanyang
kwarto ay andun lamang siya at nakahiga at halatang malalim ang iniisip.
“oh Jey diba dapat nagpapahinga ka na”
sambit ni Josh habang nakatingin pa din sa kisame
Humiga ako sa kama nya at tumabi sa kanya
“Josh may problema ka ba?” pag aalala kong
tanong
“wala, bat mo naman natanong yun” tugon nya
“eh kasi napapansin ko kanina ka pa tahimik,
si Roby ba ang iniisip mo?” tanong ko ngunit di na niya ako tinugon
“si Roby nga noh, Josh mukhang gusto narin
naman talaga niyang magkaayos kayo eh bat di mo nalang siya patawarin” sambit
ko
Bigla naman napalitan ng galit ang mukha ni
Josh sa mga sinabi ko
“patawarin? Ang sakit ng mga ginawa niya sa
akin tapos patatawarin ko siya? Itinuring ko siyang kaibigan tapos tatraydorin
niya lang pala ako.. Sa lahat ng ayoko yung mga taong ganun” galit na tugon ni
Josh
“aray ko tinamaan yata ako dun” sambit ko sa
aking sarili
“eh bakit ako tinraydor rin naman kita ahh,
diba di ko sinabi sa inyo na ako talaga si Heaven dati diba parang pagtatraydor
din yun pero pinatawad nyo pa din ako, kaya bakit di mo siya magawang
patawarin?” tugon ko
“masyadong masakit kasi yung ginawa niya sa
akin saka magkaiba naman kayo alam mo namang best friend kita eh, sanay na kami
sa mga puro kalokohan mo, saka ikaw pa kahit ganyan ka mahal na mahal ka namin”
si Josh sabay kurot sa ilong ko
“kaya sana Jey lumayo ka nalang sa kanya”
bilin ni Josh
Hindi na lamang ako umimik, dun nako natulog
sa kwarto ni Josh kahit nga kinagabihan dun narin ako natulog para nababantayan
din nya ako, lumipas ang mga araw dumating ang undas at gaya ng nakagawian
dinalaw namin ng aking pamilya ang puntod ni Mama sumama din ang dalawa kong
matalik na kaibigan dahil wala din naman silang ibang dadalawin.
“Pa lagi nyo ba akong dinadalaw nung ako pa
nakalibing dyan? Hehe” sabay turo ko sa dati kong himlayan habang nakahiga ako
sa kandungan ni Kuya Justin
“hindi ni ayaw nga yan makita ni Papa, lagi
kasi umiiyak si papa nung mga panahong yun pag nakikita nya yan” tugon ni Kuya
john habang inaayos mga bulaklak sa puntod ni mama
“oo anak di ko pa kaya kasi nun” tugon ni
Papa
“siya nga pala anak nahilo ka daw nung isang
araw sabi nung mga kaibigan mo?” tanong ni Papa
“oo papa kulang lang ako sa pahinga pero
ayos nako di na bumalik pagkahilo ko” tugon ko
“mabuti naman kung ganun, alam mo namang
ayaw ko kayong nagkakasakit” tugon ni Papa
“wag po kayo magalala tito bantay sarado po
yan” si Harvey
“Siya nga pala next week na ang pasukan
nakahanda na ba kayo?” tanong ni Papa
“opo tito naayos na po namin lahat” tugon ni
Josh
Lumipas ang mga araw at nagbukas na ang
klase, gaya ng inaasahan ay lumipat na ng eskwelahan si Grace tanging sila
Elton at Kate na lamang ang natira sa kanilang grupo, si kate naman ay
palakaibigan na samantalang si Elton ay tulad pa rin ng dati. Regular pa naman
ako may mga iilang back subjects nalang ako pero kinuha ko naman sa college of
business administration yung isang subject. Naging maayos naman at masaya ang
aking unang araw dahil halos pareho din ang aking mga kaklase. Kinabukasan
medyo kabado ako dahil papasok ako sa subject sa religion kung saan wala akong
kakilala sa aking mga makakaklase. Pagpasok ko palang ay andun na ang aming
guro at ang aking mga magiging kaklase dahil as usual late nanaman ako.
“Mr. dela Vega right?” tanong ng aming guro
“opo ma’am” tugon ko
“by the way class you have a new classmate
for this subject, he’s from the college of Engineering, Mr. dela Vega pls. take
your seat” sambit ng aming guro
Bigla namang may sumigaw mula sa aking mga
kaklase
“uy snookie long time no see ahh, halika
dito ka sa tabi ko” aya ni Roby
“waaa pag minamalas nga naman sa dinami dami
ng mga makakaklase ko yung mokong pa natoh” bulong ko sa aking sarili
Bigla namang nagtawanan ang aming mga
kaklase nung tawagin niya akong snookie, dahil wala na din naman ibang upuan ay
dun na din ako umupo.
“namiss kita snookie musta na? ok ka na ba?”
tanong ni Roby habang nakangiti
“oo ayos nako, teka milagro wala ka yatang
katabi mukhang wala na yata papogi effect mo hehe” pang aasar ko
“dami nga gustong tumabi sa akin pero
sinadya ko talaga yang upuan na yan para sayo alam ko kasi makakaklase kita”
tugon ni Roby habang naka ngiti
“weh pano mo naman nalaman” tanong ko
“eh nakita ko yung listahan eh” tugon ni
Roby
Nag umpisa na mag announce ang aming guro
“class by the way we will be having our out
of town activity , two weeks from now, bibisita tayo sa isang ampunan so choose
your partner, sila yung makakasama nyo sa duration ng project” paliwanag ng
aming guro
“sino kaya makaka partner ko, wala pa naman
ako kilala dito” sambit ko sa aking sarili
“oi snookie ano iniisip mo? Ako
makakapartner mo wag ka mag alala” wika ni Roby
“weh masaya ka, mamaya malaman pa nila Josh
mayari pa ako” tugon ko
“oh ikaw ang bahala hanap ka ng ka partner
mo” si Roby habang natatawa
Pagtingin ko palang sa paligid ay halatang
halos lahat na ng aming mga kaklase ay may mga nakuha ng ka partner.
“oh ano pahiya ka noh, ang arte mo kasi eh
sabi ko na sayo tayo nalang eh” pang aasar ni Roby
“ano pa nga ba magagawa ko” tugon ko
Wala nako nagawa kundi pumayag na din, hindi
ko alam pero parang natutuwa ako pag nakakasama ko siya, kahit alam kong
magagalit sila Josh pag nalaman nilang sumasama ako sa kanya. Nung matapos ang
subject habang naglalakad kami sa hallway ay kinausap ako ni Roby.
“oi snookie bukas na pala kukunin yung
magiging representative namin sa department para sa pageant manood ka ha” sabay
kindat ni Roby
“excited nako makita itsura mo pag na
eliminate ka” pang aasar ko
“loko talaga toh ahh pero aasahan kita ha”
si Roby habang paalis na
Kinagabihan habang kumakain kaming tatlo ng
dinner sa isang restaurant. Ay di ako mapakali kung papaano ako magpapaalam sa
kanila para manood ng pre-pageant sa department nila Roby dahil nga gabi
gagawin yun, nag aalala ako sigurado hahanapin nila ako pag di ako nagpaaalam.
“ahh guys magpapaalam lang sana kasi ako
bukas kung pwede ako manood ng pre pageant ng isang department bukas ng gabi
gagawin” habang nahihiya ako
“oo naman yun lang pala eh” tugon ni Josh
“nakakatawa ka naman Jey bat parang takot na
takot ka diyan” si Harvey habang natatawa
“eh kasi sa college of business
administration kasi yun eh hehe” nahihiya kong tugon
“hindi ba dun sasali yung gagong Roby na
yun?” galit na tugon ni Josh
“hayun kaya pala nagkakaganyan ka” si Harvey
“ganun na nga hehe, gusto ko lang naman
makita kung paano siya matalo hehe” palusot ko
“hindi pwede” pagtutol ni Josh
“sige na isang beses lang naman eh” pakiusap
ko
“jey wag na matigas ang ulo mo hindi nga
pwede” tugon ni Harvey
“para namang mapipigilan niyo ako may sarili
nakong buhay noh, wala kayong pakialam kung ano ang gusto kong gawin” matigas
kong sambit
“oi wag ka magdrama diyan, may pa ganyan
ganyan ka pa eh kung batukan kaya kita diyan” si Harvey
“halata ba? hehe” tugon ko
“oo lumalaki kasi butas ng ilong mo eh” pang
aasar ni Josh
“waaa sobra naman kayo” nahihiya kong tugon
“sige na naman isang beses lang naman ito
eh, saka nasa audience naman ako di ko naman pupuntahan si Roby” pangungulit ko
“tol pagbigyan na natin hanggang mamaya kasi
mangungulit ito eh” si Harvey
“o sige na may practice naman kami bukas
kaya hihintayin ka na din namin” tugon ni Josh
Masaya ako at napapayag ko din sila,
kinabukasan sa school ay kinausap ko si Fatima at Marie
“uy sama kayo mamaya ha” aya ko sa kanila
“saan naman?” tanong nila Fatima
“nood tayo pre pageant ng college of
business administration mamayang gabi” tugon ko
“waaa sige sige maganda yan” excited na
tugon ni Marie
“eh diba dun sasali si Roby? Alam na ba nila
Josh yan?” tanong ni fatima
“oo nagpaalam nako kagabi nung una ayaw
pumayag pero pumayag din sa bandang huli” tugon ko
“yun naman pala eh, go na tayo mamaya haha”
si Fatima
“di nyo ba isasama si Beth?” tanong ko
“naku may date silang dalawa ni Tom” tugon
ni Fatima
“ahh ganun ba? o sige tayo nalang” tugon ko
Kinagabihan gaya nga ng napagusapan ay
pumunta kami sa auditorium para manood ng contest. Medyo late kami kaya yung
formal wear nalang inabutan namin
“grabe Jey ang gugwapo ng mga contestants”
si Marie
“oo nga teka asan na ba si Roby?” tanong ni
Fatima
“di ko din alam wala pa yata” tugon ko
Nung tawagin ang huling kalahok bigla namang
naghiyawan ang mga estudyante sa loob ng auditorium dahil si Roby na pala yun,
halatang crowd favorite siya. Panay pa cute pa siya sa stage, nung makita nya
kami ay kumindat pa ito sa amin.
“waaaaa grabe ang gwapo nya” si Marie habang
kinikilig
“iba talaga itsura nya pag nakabihis” tugon
ko habang kinikilig din pero di ko pinapahalata
“ang gwapo nga iba talaga itsura nya kesa sa
ibang contestant” tugon ni Fatima
Pagdating sa question and answer portion ang
sagot din ni Roby ang pinaka maganda sa lahat kaya nung i aannounce na ang
mananalo ay walang tigil sa pagsigaw ang mga estudyante sa pangalan ni Roby.
“mukhang si Roby nga mananalo” wika ko
“oo tingnan mo naman ang layo talaga nya sa
ibang contestants” tugon ni Fatima
inannounce na ang 3rd at 2nd
runner up tanging si Roby at yung isang kalahok na lamang ang natitira
“And our first runner up is Mr. Dennis
Garcia! So this means our official representative for this year’s Mr. and Ms.
University is no other than Mr. Roby Almendrez!” sigaw ng emcee
At dun ay nag umpisa nang maghiyawan ang mga
tao, hindi ko alam pero talagang napalakpak ako nung malaman kong siya yung
nanalo.
“hoy Jey, talagang tuwang tuwa ka pa nakita
mo nang siya makakalaban ng matalik mong kaibigan” sita ni Fatima
“ahh eh natuwa lang naman ako hehe” palusot
ko
Natapos ang programa at gaya ng inaasahan
dinumog ng mga estudyante si Roby para batiin, kami namang tatlo ay lumabas na
ng auditorium para umuwi. Habang papalabas ako ay bigla namang may tumawag sa
akin.
“oi snookie san kayo pupunta?” si Roby
habang papunta sa aming kinaroroonan
“uuwi na bakit? By the way congrats nga
pala” tugon ko
“aalis na agad kayo? Tara celebrate muna
tayo” aya ni Roby
“diyan ka lang nanalo cecelebrate na agad?”
pang aasar ko
“aba loko toh ahh” inis na tugon ni Roby
“ahh Roby salamat na lang pero kailangan na
namin umuwi eh saka naghihintay na sila Josh at Harvey, ang paalam kasi namin
manonood lang kami” tugon ni Fatima
“minsan lang naman ito, sige na” pangungulit
ni Roby
“pasensya na talaga pero nangako kasi ako
eh” tugon ko
Di narin nya kami nakulit, pagdating namin
sa labas ay naghihintay na sa amin sila Josh at Harvey
“oh kamusta?” tanong ni Josh
“hayun panalo yung kaaway mo” tugon ni Marie
“mabuti yun para magkaalamanan na” seryosong
tugon ni Josh
“pero ang gwapo nya grabe” sambit ko habang
kinikilig
“sino gwapo ha?” si Harvey habang iniipit
yung ulo ko
“aray, o sige sige kayo na” tugon ko habang
napaupo sa semento
“yun akala ko kung sino eh” tugon ni Harvey
habang tinatayo ako
“seselos kasi agad eh” pang aasar ko
“oo naman dapat kami lang gwapo para sayo”
sabay kurot ni Harvey sa tagiliran ko
“naks naglalambing pakiss nga” pang aasar ko
“sige mamaya lips to lips” biro ni Harvey
Lumipas ang dalawang linggo marami na din
akong mga naging bagong kaibigan sa mga kaklase ko sa religion, dumating ang
araw ng pagpunta namin sa probinsya para sa project namin. Habang nasa
penthouse ako at inaayos ang aking mga gamit...
“ayos na ba mga gamit mo?” tanong ni Josh
“ilan nalang kulang pero maaayos ko na din”
tugon ko
“yung gamot mo? Yung mga vitamins mo dala mo
ba?” tanong ni Harvey
“opo nay dala ko po lahat” pang aasar ko
“puro ka naman biro eh, pero nag aalala
talaga ako sayo hindi mo pa naman ganun kakilala mga kaklase mo tapos tatlong
araw mo pa silang makakasama pano kung may mangyaring masama sayo? Sino mag
aalaga sayo?” tugon ni Harvey
“dalawang taon naman ako nawalay sa inyo
hindi ba? pero wala naman nangyaring masama sa akin kaya wag na kayo mag alala
ayos lang ako saka medyo ka close ko na din naman iba kong mga kaklase dun”
tugon ko habang naka ngiti
“bat naman kasi hindi mo nalang kinuha yung
subject na yan kasama sila Dindo at Marie para naman may makakasama ka di tulad
nito na nag aalala kami sayo” si Josh
“sarado na nga yung sa kanila yung dun
nalang sa business administration ang bukas” tugon ko
“o sige na pero pag may problema tawagan mo
kami agad ha” tugon ni Josh
“uy Harvey payakap naman oh mamimiss kasi
kita kahit tatlong araw lang ako mawawala”
“halika nga rito” si Harvey habang pinalapit
ako para yakapin
“ikaw ha wag kang gagawa ng kalokohan dun
ha, saka wag mo kakalimutan yung mga bilin namin sayo masyado ka pa naman
makakalimutin, basta pag may problema tawagan mo kami agad” bilin ni Harvey
habang yakap yakap ako
Wala silang alam na si Roby ang makakapareha
ko dun ayaw ko na rin ipaalam dahil sigurado ako hindi rin sila papayag, saka
wala naman masama sa gagawin ko. Inihatid ako ni Josh sa meeting place kung
saan naghihintay ang sasakyan naming bus, pagbaba ko ay sinamahan ako ni Josh
habang dala dala nya iba kong mga gamit, para namang nakakita ng artista mga
kaklase kong babae nung makita nila si Josh.
“hindi ba si Josh yun?” sambit nung isa
habang kinikilig
“ang gwapo talaga nya, kainggit naman si Jey
hinatid pa talaga siya” tugon naman nung isa
“huy Jey pakilala mo naman kami” pagtawag
nung isa sa aking mga kaklase
“ha? Oh sige yun lang pala” tugon ko habang
ipinapakilala ko ang aking mga kaklase
Dahil hindi ko pa kabisado lahat ng pangalan
ng mga kaklase kong babae kaya medyo nahihiya talaga ako sa kanila, mabuti
nalang at mabait talaga si Josh at hindi naman sila napahiya.
“Pano kita nalang tayo sa linggo ha” paalam
ko kay Josh
“di mo ba ako yayakapin? Si Harvey niyakap
mo ahh” tugon ni Josh
“kakahiya eh hehe” tugon ko
“sus halika nga rito” si Josh habang hinila
ako at niyakap
“wag mo kalimutan yung mga binilin namin ni
Harvey sayo ha, basta pag may problema tawagan mo lang kami ” si Josh habang
yakap ako
“uy ang sweet nila” pang aasar nung mga
kaklase ko
“ingatan nyo best friend ko ha sige kayo pag
may nangyaring masama dito hindi ko kayo ide date” biro ni Josh sa mga kaklase
kong babae
“hay sure Josh kung gusto mo kahit saan pa
yan pumunta susundan talaga namin” biro ng mga kaklase ko habang tumatawa sila.
Pag akyat ko sa bus habang naghahanap ako ng
mauupuan ay bigla naman akong hinila ni Roby paupo sa tabi nya
“tamang tama dating mo snookie, tabi tayo” si
Roby habang nakangiti
“ang sweet nyo kanina ng best friend mo ahh”
wika ni Roby
“matagal na noh” tugon ko
Habang papunta kami sa probinsya dahil nga
medyo malayo ang biyahe ay nakipag kwentuhan muna sa akin si Roby.
“magkwento ka muna, dalawang taon kang
nawala hindi ba? kamusta naman yung naging buhay mo?” tanong ni Roby
“ayos naman nawala kasi alaala ng aking
nakaraan nung mga panahong yun mabuti nalang may kumupkop sa aking mag asawang
taga isla, itinuring nila akong parang tunay na anak, alam mo kahit naghirap
ako naging masaya naman ako naging mabuti rin naman kasi sa akin yung mga taga
roon” tugon ko
Bigla namang naging seryoso si Roby
“mabuti ka pa nga kahit nawalay ka sayong
pamilya may nagmahal naman sayo na bagong pamilya sa akin kahit andyan sila
parang wala din” malungkot na tugon ni Roby
“baka naman iniisip mo lang yan, ganyan
naman talaga minsan sa sobrang busy ng pamilya natin minsan nakakalimutan tayo
pero di naman ibig sabihin na hindi nila tayo mahal” tugon ko
“ewan ko pero parang wala naman talaga silang pakialam sa akin” tugon ni Roby
Nakatulog ako sa haba ng biyahe, nagising
ako ng biglang may tumatapik sa aking mukha
“oi snookie gising na andito na tayo” si
Roby habang tinatapik ang aking mukha
“ha? Andito na ba tayo?” habang iminumulat
ko ang aking mga mata
Nakasandal pala ako sa balikat niya
“sorry ha, di ko kasi alam” paghingi ko ng
paumanhin
“sus ok lang yun, magkaibigan narin naman
tayo eh” ngiti ni Roby
Unang araw namin sa ampunan ay medyo
nakakapagod, makukulit ang mga bata pero si Roby halatang mahilig sa mga bata
hindi siya napapagod makipag laro sa mga ito. Nakakaawa ang mga bata dahil
ulila na silang lubos kundi namatay na ang kanilang mga magulang ay iniwan
naman sila nito. Kung tutuusin nga ay maswerte pa ako dahil kahit pumanaw na
ang aking ina andyan pa naman si papa at sila kuya para alagaan ako at siyempre
lagi din andyan ang dalawa kong matalik na kaibigan para alagaan din ako.
Kinagabihan nung matutulog na kami dahil si
Roby din ang kasama ko sa kwarto at isang kama lang ang andun.
“oi snookie hindi ka ba nanggagapang?” pang
aasar ni Roby
“eew kadiri ka ha bat naman kita gagapangin”
tugon ko
“hahaha binibiro lang kita” si Roby habang
natatawa
Habang nakahiga kami ay di ako makatulog ewan
ko ba pero ang pagkakaalam ko ay naalis na ang pamamahay ko mula nung maghirap
ako dati, pero ngayon parang bumalik nanaman ito.
“hindi ka ba makatulog?” tanong ni Roby
“hindi eh” tugon ko
“ako din eh” tugon nya
“ahh Roby pwede ba akong magtanong sayo?
Kung ok lang medyo personal kasi” nahihiya kong sambit
“sige ayos lang, ano ba yun?” tanong nya
“bakit inagaw mo si Jenny kay Josh? Hindi ba
kaibigan mo si Josh at mahal na mahal niya si Jenny pero bakit mo ginawa sa
kanya yun?” nahihiya kong tanong
Ngunit tahimik lamang si Roby at di umiimik
“sige ayos lang kahit hindi mo sagutin,
pasensya ka na ha kung medyo nanghimasok ako”
“aaminin ko sayo may lihim na pagtingin ako
kay Jenny nung mga panahong yun, masaya sila ni Josh nun, makita ko lang na
masaya si jenny ay masaya na ako at kuntento na ako sa ganun. Pero nung isang
araw nakita kong umiiyak si Jenny nilapitan ko siya at kinausap, sinabi nya sa
akin na nagkaron sila ng di pagkakaunawaan ni Josh. Naging mabuting kaibigan
ako kay jenny ako naging hingahan nya ng kanyang mga problema nung mga panahong
yun, hanggang sa isang araw sinabi nya sa akin na hiwalay na sila ni Josh,
dahil na din meron kaming di pakakaunawaan ni Josh nung mga panahong yun kaya
hindi ko nakakausap si Josh kayong dalawa naman ni Harvey ay wala din nalalaman
hindi ba? ganun maglihim si Josh tinatago lang nya sa kanyang sarili ang
problema nya, umabot ng isang linggo bago ko siya ligawan at agad agad din
naman nya akong sinagot naging kami pero inilihim muna namin yun, yun kasi ang
gusto nya, makalipas ang isang buwan ng aming relasyon nalaman ni Josh ang
tungkol sa amin kaya galit na galit siya sa amin, dun ko rin nalaman na
nagkaron lamang pala sila ng di pagkakaunawaan ni Josh at cool off lamang pala
ang dalawa. Nagalit ako dahil niloko nya ako at niloko din nya si Josh agad
agad akong nakipaghiwalay kay Jenny at nalaman ko na nakikipagbalikan siya kay
Josh pero ayaw na siya tanggapin nito, sinubukan ko makipag ayos kay Josh
ngunit masyadong malaki ang galit nya sa akin hindi naman lingid sa inyo na
tuwing magkikita kami ni Josh ay laging nauuwi lang sa gulo hindi ba? Pati si
Harvey ay galit na rin sa akin. Hanggang sa matapos na nga ang school year at
pumunta na ako ng states para dun na ipagpatuloy ang pag aaral ko, hindi man
lang kami nakapag ayos” kwento ni Roby
“bakit hindi mo sinabi sa kanya ang totoo
kahit man lang sana sa sulat o sa text” tugon ko
“minahal ko si Jenny kaya ayos lang kahit
ako nalang ang lumabas na masama, ayoko rin naman kasing masira si Jenny kasi umaasa
ako noon na magkakabalikan pa sila pero hindi na rin pala” tugon ni Roby
“sasabihin ko sa kanila ang totoong nangyari
maiintindihan ka naman nila” tugon ko
“sa palagay mo ba paniniwalaan ka nila?
Sasabihin lang ng mga yun na ginagamit lang kita. Wag mo nang alalahanin yun
darating din ang panahon na maayos din ang lahat” tugon ni Roby
“sa bagay tama ka, pero naalala ko pa nun
lagi kayong tatlo nagkakantahan natutuwa ako nun pag napapanood ko kayo, sayang
naman yun” tugon ko
“eh kami lang naman yung magagaling sa
school nung mga panahong yun eh, pero namimis ko na nga rin yun” tugon ni Roby
“eh yung kakanta sa coronation night? Diba
galing din sa school yun magaling din daw yun eh” pang aasar ko
“sus wala yun malamang nakuha lang nila sa
tabi tabi yun” pagmamayabang ni Roby
“talaga lang ha” tugon ko habang natatawa
ako
Bigla namang nag ring ang cellphone ko at
nakita kong si Josh tumatawag, agad ko naman itong sinagot
“Jey
kamusta ka diyan? Yung mga binilin namin sayo ginawa mo ba?” tanong ni Josh
“oo
nagawa ko na mga yun saka ok lang ako medyo di lang ako makatulog” tugon ko
“haha
ganun ba? Pare pareho pala tayo ni Harvey hindi makatulog, nag aalala kasi kami
sayo eh” tugon ni Josh
“ganun
ba? pakiss nalang sa inyo para makatulog nako” pagbibiro ko
“sira
puro ka kalokohan sige na matulog ka na, yung mga binilin namin ha, saka mag
iingat ka” paalam ni Josh
“Mahal na mahal ka talaga ng mga kaibigan mo
noh” wika ni Roby
“masyado lang sila nag aalala para sa akin
dalawang taon nga naman ako nawalay sa kanila, kahit naman si Papa at sila kuya
ganyan din sa akin, kung nakita mo lang nung kababalik ko lang sa aking pamilya
pati sa opisina ni Papa kasa kasama nya ako hehe” tugon ko
“haha ganun ba? walang duda mahal na mahal
ka nga ng pamilya mo di tulad ko” tugon ni Roby
“nasasabi mo lang yan pero sigurado ako
mahal na mahal ka din ng pamilya mo” tugon ko
Dinalaw na rin ako ng antok at nakatulog na
din, kinabukasan pag gising ko ay mukha ni Roby na nakangiti ang una kong
nakita
“good morning” bati ni Roby habang nakangiti
Dun ko lang napansin na nakayakap pala ako
sa kanya
“waaaaaa pasensya na” sambit ko habang bumitaw
ako sa pagkakayakap sa kanya
“pilyo ka snookie ha kung san san ka pa
nakahawak kagabi ha” pang aasar ni Roby
“oi di ako ganun ha” nahihiya kong tugon
“binibiro lang kita hahaha” tugon ni Roby
habang tawa ng tawa
“pasensya na talaga ha nasanay lang kasi
talaga ako na nakayakap kay Josh saka Harvey pag katabi ko sila matulog hehe”
tugon ko habang hiyang hiya kay Roby
“hahaha ganun ba? wag ka mag alala ayos lang
yun” si Roby habang natatawa
Naghanda na kami ng mga kakailanganin para
sa magiging mga activity ng mga bata sa buong araw habang papalabas na kami ng
kwarto, naiwan ni Roby sa kwarto nya ang kanyang wallet dahil hindi naman
nailalock ang mga kwarto dun ay kinuha ko ito para ibigay sa kanya nang biglang
mahulog ang lisensya nya. Agad ko naman iniabot sa kanya ito.
“nakita ko pala lisensya mo kaarawan mo na
pala next week ahh, lalabas ba kayo ng pamilya mo?” tanong ko
“asa pang maalala nila ang kaarawan ko,
pangalan ko nga di nila maalala yun pa kaya” tugon ni Roby
Nalungkot ako sa kanyang mga sinabi, natapos
namin ang mga activities namin sa araw na yun, dahil na din sa sobrang pagod ay
madali na kami nakatulog kinagabihan,
kinabukasan ay ang araw ng pagbalik namin ng Maynila maaga namin nilisan
ang ampunan, nakakalungkot din dahil kahit sandali lang namin nakasama ang mga
bata ay napalapit na kami sa mga ito. Habang nasa biyahe dahil di naman ako
inaantok kaya nakikipag kwentuhan nalang ako sa aking mga kaklase.
“Jey kwento ka pa tungkol kay Josh”
pangungulit ng mga kaklase kong babae
“ha? Eh kanina pa ako nagkukwento tungkol sa
kanya eh” tugon ko
“eh may girlfriend na ba siya ngayon?”
tanong nung isa kong kaklase
“wala puro date lang ginagawa nila ni
Harvey, pihikan din kasi dalawang yun” tugon ko
“ano? Kaibigan mo din si Harvey?” gulat na
tanong ng mga kaklase ko
“as in yung Mr. University last year?”
tanong nung isa
“oo bakit?” tanong ko
Bigla namang nagsalita si Roby
“Best friend po nya dalawang yun, saka bat
naghahanap pa kayo ng iba eh andito naman ako eh” sabay pa cute ni Roby
“hay naku Roby sawang sawa na kami sayo noh saka
alam ko naman wala kang type samin hahaha” pang aasar nung mga kaklase namin
“oh ano Jey tungkol naman kay Harvey yung
mga ikwento mo” pangungulit nung mga kaklase ko
Hanggang sa matapos ang biyahe ay kwento pa
din ako ng kwento halos yata maubos na ang boses ko kakasalita, medyo makulit
lang talaga kasi mga kaklase ko. Pagdating namin kung saan kami ibababa ay
nakita kong andun na si Harvey at naghihintay na sa akin. Pagkababa namin ay
sinasakal ako kunwari ng mga kaklase ko nung makita nilang hinihintay ako ni
Harvey
“nakakainis ka talaga Jey bakit napupunta
lahat sayo yung mga gwapo” biro ng mga kaklase ko
“hehe ganun
talaga” tugon ko
“basta ipakilala mo din kami dapat” wika
nung isa sa mga kaklase ko
Agad ko naman nilapitan si Harvey sabay
yakap ng mahigpit sa kanya
“namis kita Harvey kahit dalawang gabi lang
ako nawala” sambit ko habang nakayakap sa kanya
“musta na baby ko kumakain ka ba ng maigi
dun ha? Hehe” biro ni Harvey habang nakayakap sa akin
“opo daddy sarap nga po ng mga pagkain eh” pagsakay
ko sa biro nya
“ehem” paramdam ng mga kaklase kong babae
“siya nga pala Harvey mga kaklase ko pala”
pakilala ko
Isa isa ko silang pinakilala at gaya ni Josh
naging mabait naman sa kanila si Harvey. Mukhang sinuswerte talaga ako dahil
hindi napansin ni harvey na isa sa mga bumaba ng bus si Roby. Pagkadating namin
sa penthouse ay naghihintay na si Josh sa akin.
“Josh!” sabay yakap ko sa kanya ng mahigpit
“o ano musta?” si Josh
“ok naman kaso ginutom ako kanina sa biyahe,
libre nyo naman ako oh” paglalambing ko
“o sige sige sa labas na tayo mag dinner
mamaya” ngiting tugon ni Josh
Natapos ang gabi na puro kwentuhan tungkol
sa karanasan ko sa ampunan, pero siyempre hindi ko sinabi na kasama ko si Roby.
Kinabukasan kinausap ko si Fatima tungkol kay Roby at sa lahat ng mga napag
usapan namin
“what? Siya yung kasama mo sa project nyo?”
gulat na tanong ni fatima
“oo diba sinabi ko na nga” tugon ko
“pero Jey kung totoo yung sinasabi mo
meaning wala nga talaga kasalanan si Roby, misunderstanding lang talaga yung
nangyari” si Fatima
“yun nga eh pero tama naman siya kung
sasbaihin ko kila Josh yung totoo baka di naman maniwala sila Josh magalit pa
sakin mga yun” tugon ko
“oo nga tama ka, pero Jey nakakaawa din si
Roby noh kasi sa kwento mo parang wala nga pakialam pamilya niya sa kanya” wika
ni Fatima
“Mag bibirthday pa naman siya next week,
sana maging masaya naman kaarawan niya” tugon ko
“oo nga mukha namang mabait si Roby kaya
sana nga maging masaya kaarawan niya” tugon ni Fatima
Bigla naman akong nakaisip ng paraan at agad
agad ko kinausap si Fatima upang tulungan ako
“Fatima may binabalak akong gawin para sa
kaarawan ni Roby pwede mo ba akong tulungan?”
“ha? Mukhang delikado yan pano pag nalaman
nila Josh tiyak magagalit sayo mga yun” tugon ni Fatima
“oo nga kaya kailangan nating mag ingat,
naaawa talaga ako sa kanya” tugon ko
“o sige na nga pero patulong na din tayo kay
Beth at Marie, wag na natin isali mga lalaki sigurado kasi ako malalaman nila
Josh at Harvey yung balak natin pag sinali natin sila Tom” tugon ni Fatima
At gaya nga ng napagkasunduan kinausap namin
si Marie at Beth para magpatulong sinabi ko rin sa kanila ang plano. Makalipas
ang isang linggo sa mismong araw ni Roby habang nagkaklase kami...
“oi snookie ano kasi petsa ngayon?” tanong
ni Roby
“hindi ko alam eh” pagsisinungaling ko
“wala ka ba talaga naalala ngayon?” tanong
uli ni Roby
“wala talaga eh” tugon ko
“nakalimutan na agad eh nung isang linggo
tuwang tuwa pa siya nung nalaman niyang magbibirthday ako” bulong ni Roby
habang naiinis
Pagkatapos ng klase, kinagabihan ay hinintay
ko siyang lumabas sa huling subject nya saka ko siya nilapitan
“oi Roby diba sabi mo dati lilibre mo ako
kasi nanalo ka as representative ng department nyo, libre mo nako hehe” aya ko
“dahil lang dun? Di dahil sa alam mo na”
tugon ni Roby
“anong alam mo na?” tanong ko
“badtrip talaga ito oh, wala nga kayo
pinagkaiba ng pamilya ko” bulong ni Roby habang inis na inis
Pinipigilan ko na lamang ang aking sarili
pero gusto ko na talaga tumawa nung mga oras na yun.
“ano tara na libre mo na ako” aya ko
“o sige na para matigil ka na” si Roby
habang naiinis pa rin
Niyaya ko siya sa isang restaurant nung una
ayaw niya dahil ang gusto nya sa malapit nalang pero napapayag ko din sya,
pagdating namin sa restaurant ay kinausap nya ako
“oi snookie bat ang dilim naman dito? Ikaw
ha may binabalak ka siguro sa akin noh?” biro ni Roby
“oo gagahasain kita dito kasi wala
makakarinig sayo” tugon ko
Natawa naman si Roby sa sinabi ko, pagpasok
namin ay madilim nga ang paligid
“tara na sarado yata restaurant na ito eh”
pag aya ni Roby
Nung tatalikod na sana si Roby ay biglang
nagliwanag ang buong paligid
“surprise!” sigaw ng mga bisita
“happy birthday anak” bati ng mama at papa
ni Roby sabay yakap ng mga ito sa kanya
“pa, ma naalala nyo kaarawan ko?” tanong ni
Roby habang nasurpresa pa rin
“oo naman anak, pasensya ka na pala sa lahat
ha, akala kasi namin ayaw mong pinapakialamanan ka namin sa sobrang pagbibigay
namin sayo di namin akalaing napapabayaan ka na pala namin, kaya pasensya ka na
talaga anak” mama ni Roby habang niyakap siyang muli
“wag ka mag alala anak hindi na kami aalis
dito nalang kami ng mama mo” dagdag pa ng papa nya
“talaga po? Salamat naman” si Roby habang
naluluha at yakap yakap ang kanyang mga magulang
Bigla naman dumating ang kuya ni Roby
“utol!” sigaw ng kuya nya
Nagulat siya nung makita nya ang kuya nya
dahil ang akala nya ay bago magpasko pa ang uwi nito
“kuya! Ano ginagawa mo dito? Akala ko ba sa
pasko ka pa uuwi?” tanong ni Roby habang tuwang tuwa ito na makita ang kuya nya
“palalagpasin ko ba naman kaarawan ng kaisa
isa kong kapatid” kuya ni Roby habang inakbayan siya
Naging masaya ang kaarawan ni Roby pati mga
kamag anak at mga kaibigan niya ay dumalo din para sa kanyang kaarawan, habang
abala si Roby sa pag aasikaso ng kanyang mga bisita ay nilapitan naman ako nila
Fatima, Beth at Marie.
“ano jey mukhang masayang masaya na siya”
sambit ni Fatima
“oo nga at least ngayon alam niyang mahal
siya ng pamilya niya” tugon ko
“hindi naman mangyayari lahat ang lahat ng
ito kundi rin dahil sayo eh” si Beth
“sus kayo naman kaunti lang nagawa ko noh”
tugon ko
“konti ka diyan halos ikaw na nga gumawa ng
paraan para mangyari lang ito” tugon naman ni Marie
“yung kay Josh nalang makukumpleto na
kaligayahan nya” sambit ko
“oo nga sana nga magkaayos na din sila”
tugon ni fatima
“teka anong oras na pala?” tanong ko
“7:30 na bakit?” si Beth
“mauuna nako kayo nalang muna bahala dito,
salamat uli ha” paalam ko
“teka hindi ka muna ba magpapaalam kay
Roby?” tanong ni Fatima
“ahh hindi na, ayoko na siya istorbohin
kailangan ko narin talaga umuwi baka kasi hinahanap nako nila Josh” paalam ko
Pagkaalis ko ay saka naman dumating si Roby
sa kinaroroonan ng mga kaibigan ko. Sa sobrang tuwa ni Roby at pagpapasalamat
ay niyakap nya ang mga ito.
“guys salamat talaga hindi ko akalaing
gagawin nyo ito para sa akin, nasurpresa talaga ako” pagpapsalamat ni Roby
“sus wala yun saka si jey naman ang gumawa
ng lahat ng ito tumulong lang naman kami” tugon ni Fatima
“maraming salamat pa din kundi dahil sa inyo
hindi ako magiging ganito kasaya, teka asan na nga pala si snookie bat di ko
siya nakikita?” tanong ni Roby habang hinahanap ako
“umuwi na siya baka kasi hinahanap na siya
nila Josh at Harvey” tugon ni Beth
“loko talaga yun ahh di man lang nagpaalam
sakin” inis na tugon ni Roby
Samantala sa penthouse pagpasok ko ay nakita
kong nakapatay lahat ng ilaw, pagbukas ko ng ilaw ay walang tao sa loob.
“Bat wala pa kaya mga yun iniwan pa ako
dito” sambit ko sa aking sarili
Maya maya pa ay tumawag na sa cellphone ko
si Josh
“Jey
maya pa uwi namin ha may double date kasi kami ni Harvey, mauna ka na kumain ha
wag mo na kami hintayin” si Josh
“ha?
Oh sige enjoy nalang kayo” paalam ko
“di man lang ako sinama, sabagay makakagulo
lang ako dun sana pala hindi muna ako umalis sa party ni Roby” malungkot kong
sambit sa aking sarili
Nanood na lamang ako ng TV para magpalipas
ng oras, hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako sa sala. Maya maya ay may
tumatapik sa aking pisngi para gisingin ako pagmulat ko ay si Harvey habang bihis
na bihis pa ito.
“Jey bat dito ka natulog lipat ka na sa
kwarto mo”
Bigla naman nagsalita sa may dining table si
Josh
“Jey hindi ka ba nag dinner? Bat di nagalaw
pagkain dito?” tanong ni Josh
“pasensya na nakalimutan ko kasi saka
nakatulog din kasi ako” tugon ko
“Jey naman kakagaling mo lang sa sakit eh di
ka dapat nagpapalipas ng gutom alam mo naman yun eh” si Harvey habang medyo
naiinis
“o sige na kakain nako” tugon ko habang
papunta na sa dining table
Habang kumakain ako ay kinamusta ko naman
ang dalawa sa naging date nila
“kamusta pala date nyo?” tanong ko
“ok naman, masaya naman kasama sila Abby at
Carla” tugon ni Harvey
Masaya at malungkot ang nararamdaman ko nung
gabing yun, masaya dahil nakikita ko silang masaya at malungkot dahil alam ko
darating din ang araw na iiwanan na din nila ako.
“o bat tahimik ka diyan? May problema ka
ba?” tanong ni Josh
“wala naman, kakagising ko lang kasi” tugon
ko
Kinabukasan sa school ay sinalubong ako agad
nila Fatima, Marie at Beth
“Jey hinahanap ka kagabi ni Roby, pero ang
saya pala talaga kasama niyang si Roby nakakatawa siya” si Beth
“oo nga di ko akalain na ganun siya, enjoy
na enjoy talaga kami habang kasama siya” wika naman ni Fatima
“sabi ko naman sa inyo mabait talaga yun eh”
tugon ko
“buti nalang kamo hindi naka halata sila
Josh at Harvey kundi lagot tayo kung nagkataon” wika ni Marie
“wala naman sila kagabi may date yung
dalawa, ako nga lang naiwan sa penthouse eh” malungkot kong tugon
“ha? Oh eh bat di ka nalang bumalik sa party
ni Roby dapat nga ikaw yung andun dahil halos ikaw yung nag ayos nun eh” tugon
ni Fatima
“hayaan nyo na nagi guilty din kasi ako sa
pagsisinungaling ko kila Josh” malungkot kong tugon
Napansin ni Fatima ang aking kalungkutan
kaya pinauna na nya si Marie at Beth para makausap ako ng sarilinan. Habang
nakaupo kami sa may hardin ng school
“Jey kilala kita kahit si Josh at Harvey
yung pinaka close sayo pagdating naman sa pag ibig alam kong ako ang mas nakaka
intindi sayo, ngayon tapatin mo ako may gusto ka ba kay Roby?” seryosong tanong
ni Fatima
Bigla naman akong natahimik at napayuko
“hindi ko alam pero kahit mapang asar siya
at may pagka mayabang natutuwa talaga ako sa kanya” tugon ko
“may gusto ka nga sa kanya, pano pag nalaman
nila Harvey ito alam mong magkakagulo” tugon ni Fatima
“alam ko kaya nga kahit alam kong masama
pagsisinungaling ko sa kanila, ginagawa ko pa rin eh” tugon ko
“sabagay hindi naman kita masisisi ganyan
talaga pag umiibig” tugon ni Fatima
Naging maayos naman ang buong araw, pag uwi
ay nagpaalam sila Josh at Harvey sa akin at mauna nalang daw ako dahil may
practice pa ang mga ito. Dahil alam kong maiinip lamang ako sa bahay ay nanood
na lamang ako ng practice ng aking mga kaibigan. Naupo ako sa isa sa mga
benches sa oval at pinapanood ko ang practice nila Harvey, napansin kong andun
din si carla nakaupo katabi ng iba pang mga players ng football dala dala ang
tubig ni Harvey, mukhang nagkakaigihan na nga ang dalawa, kahit hindi ko pa
siya personal na nakikilala alam ko namang mabait ito. Linisan ko ang lugar at
pumunta naman sa basketball court para panoorin si Josh, at gaya kay Harvey
andun din si Abby sa VIP area, hindi pa nag uumpisa ang practice kaya magkatabi
pa sila ni Josh at nagtatawanan, halatang masayang masaya ang dalawa. Nung
makita ako ni Roy isa sa mga team mates ni Josh ay linapitan ako nito
“o Jey andito ka pala, bat di ka lumipat sa
VIP area mas kumportable dun” sambit ni Roy
“ayos lang ako dito napadaan lang naman ako
eh” tugon ko
“o sige ikaw bahala, sige una nako” paalam
ni Roy
Papalubog na ang araw nung mapagpasiyahan
kong umuwi na, habang naglalakad ako sa campus ay may biglang umakbay sa akin.
“ikaw ha bat mo ako iniwan kagabi ha?”
tanong ni Roby
“ahh pasensya ka na ha kailangan ko na kasi
talagang umuwi nung mga oras na yun alam mo na baka kasi hanapin ako nung
dalawa” tugon ko
“halika sama ka muna sa akin may pupuntahan
tayo” aya ni Roby
“ikaw nalang magdidilim na eh” tugon ko
“sandali lang tayo, basta sasama ka sa akin”
si Roby habang hila hila ako
Wala na nga ako nagawa kundi sumama sa
kanya, habang nasa kotse nya ako ay kinausap ko siya
“san ba talaga tayo pupunta?” tanong ko
“basta maghintay ka nalang” tugon nya
Dinala nya ako sa Manila bay at pinaupo sa
tabi nya kitang kita doon ang hampas ng mga alon at paglubog ng araw.
“oh ano naman gagawin natin dito?” tanong ko
habang natatawa ako
“wag ka nga tumawa diyan, panoorin natin
paglubog ng araw” tugon ni Roby
“naks ang korny mo ha hahaha” habang tawa
ako ng tawa
“ikaw talaga Jey puro ka naman biro eh” inis
na tugon ni Roby
“wow tinawag mo talaga akong Jey? Himala
yata” tugon ko habang natatawa pa rin
“oo naman, alam mo Jey aaminin ko sayo nung
highschool tayo ayoko talaga sayo hindi ko nga alam kung ano mga nagustuhan ni
Josh at Harvey sayo at sobra ka nilang mahal” seryosong sambit ni Roby
“alam ko naman yun ayaw mo talaga sa akin
pero ayos lang yun, ayaw ko rin naman talaga sayo nun eh hehe so the feeling is
mutual hehe” tugon ko
“loko ka talaga, pero tama nga sila espesyal
ka nga at nagkamali ako ng pagkakakilala sayo dati” tugon ni Roby
“naks edi mahal mo na din ako?” biro ko
“oo naman” seryosong tugon ni Roby
“pero salamat nga pala sa lahat ng mga
ginawa mo para sa akin ha, di ko akalaing liligaya ako sa kaarawan ko hindi
mangyayari ang lahat ng yun kundi dahil sayo.” Seryosong sambit ni Roby
“wala yun sabi ko naman sayo mahal ka ng
pamilya mo di lang kayo nagkaintindihan” tugon ko
Bigla namang hinawakan ni Roby ang kamay ko
“alam mo Jey alam ko nangako ako kila Josh
at Harvey na lulubayan na kita pag natalo ako ni Josh sa contest pero kahit
mahirap gagawin ko ang lahat para manalo, ayoko kasing malayo ka sa akin”
seryosong sambit ni Roby habang hawak hawak nya ang kamay ko.
“waaaaaaaaa kinikilig akoooooo” sambit ko sa
aking sarili
Nilisan namin ang lugar at hinatid nya ako
sa penthouse, pagdating ko dun ay nakauwi na si Josh at Harvey na nasa sala at
nanonood ng TV. Bigla akong tumalon pahiga sa mga kandungan nila.
“ano ba Jey nakakagulat ka naman” si Harvey
“at bakit masayang masaya ka yata” tanong ni
Josh
“dahil may boy friend nako!” biro ko habang
nakahiga parin ako sa mga kandungan nila
“ulol para namang papayag kaming magka
boyfriend ka” tugon ni Josh
“eh bakit kayo may Abby at Carla, tapos ako
hindi pwede? Unfair naman yata yun” tugon ko
“kami nga boyfriend mo eh, saka magtigil ka
nga diyan Jey di ka seseryosohin nun lolokohin ka lang nun” tugon ni Harvey
Bigla naman akong nalungkot sa aking mga
narinig, dahil marahil nga ay tama siya sino nga ba ang magseseryoso sa isang
katulad ko? Tumayo ako mula sa paghiga sa kanila at naglakad papunta sa aking
kwarto. Napansin naman nilang biglang lumungkot ang aking mukha. Bigla sinuntok
ng mahina ni Josh si Harvey
“Ikaw talaga tol, tingnan mo ginawa mo”
mahinang sambit ni Josh habang naiinis kay Harvey
“hala ayusin mo yan” dagdag pa ni Josh
“Jey san ka pupunta?” tanong ni Harvey
“sa kwarto, tama naman kayo eh sino nga
naman magseseryoso sa isang katulad ko” malungkot kong tugon habang papasok sa
kwarto ko
Nilock ko ang pinto at nahiga na lamang sa
kama ko, habang iniisip ko ang mga sinabi ni Harvey sa akin. Panay naman ang
katok ni Harvey sa aking pinto
“jey naman buksan mo pinto mag usap tayo
hindi naman yun ang ibig kong sabihin eh” si Harvey habang kinakatok ako
“matutulog nako” tugon ko
“anong matutulog ka na? hindi ka pa nga
kumakain eh, buksan mo na yung pinto pls” tugon ni Harvey habang kinakatok pa
rin ako
“di ako nagugutom kayo nalang kumain” tugon
ko
“di pwedeng di ka kumain magagalit ako sayo
niyan eh, gusto mo bang magalit uli ako sayo?” seryosong tanong ni Harvey
“edi magalit ka” tugon ko
“tol ako na nga kakausap sa kanya” si Josh
Si Josh naman ang kumatok sa aking pinto
para kausapin ako
“Jey si Josh ito buksan mo na itong pinto
oh” si Josh habang kinakatok ako
“obvious namang si Josh ka kasi hindi ikaw
si Harvey at tatlo lang naman tayo dito noh” pamimilosopo ko
“loko talaga tong si jey ahh” inis na sambit
ni Josh
Wala na nga sila nagawa kundi hayaan nalang
ako, nakatulog din ako agad pero pagsapit ng alas dose ay nagising din ako
dahil kumakalam ang sikmura ko, lumabas ako ng kwarto at dahan dahang nagpunta
sa kusina para maghanap ng makakain. Habang nangangalkal ako ng ref ay bigla
namang nagbukas ang ilaw.
“Sabi ko na nga ba magugutom ka din eh”
sambit ni Harvey
“hehe ganun na nga” nahihiya kong tugon
“hayan nasa lamesa na pagkain mo mainit pa
yan, kaluluto ko lang diyan” si Harvey
“pano mo nalaman na lalabas ako? Hehe”
nahihiya kong tanong
“best friend mo ako alam ko na ugali mo,
kaya alam kong lalabas ka din ng kwarto mo para maghanap ng pagkain” tugon ni
Harvey
Habang kumakain ako ay kinausap ako ni
Harvey
“Jey ano ba yung kanina? Bat ba atat na atat
ka magka bf? Hindi ka naman dating ganyan ahh” seryosong tanong ni Harvey
“eh kasi may carla ka na tapos si Josh may
Abby na, balang araw iiwanan nyo din naman ako eh kaya maghahanap nako ng
magmamahal sa akin” tugon ko habang kumakain ako
“hayun kaya naman pala, bakit Jey sa palagay
mo ba ganun kami kababaw? Iiwanan ka namin dahil lang dun? Kung gusto mo
lalayuan ko na si carla para sayo eh” tugon ni Harvey
“talaga? Gagawin mo yun para sa akin?”
tanong ko
“oo naman ganun ka namin kamahal” tugon ni
Harvey
“wow ang sweet hehe pero nagbibiro lang ako
wag mo naman gawin yun” tugon ko
Natapos ako kumain at iniligpit namin ang
pinagkainan ko, papasok na sana ako ng kwarto ng tawagin ako ni Harvey
“halika nga muna rito Jey” si Harvey habang
pinapalapit ako
Pagkalapit ko ay niyakap ako ng mahigpit ni
Harvey
“ikaw ha kung ano ano naiisip mo, pero heto
tatandaan mo hindi ka namin iiwan kahit kailan” si Harvey habang yakap ako
Lumipas ang mga araw at linggo lalo akong
napalapit kay Roby, dumating na din ang araw ng competition, dahil malapit ako
kila Josh at Harvey ay malaya akong makapasok sa backstage kung nasaan ang mga
dressing rooms at dahil na din ako ang kakanta sa pageant. Dumating naman si
Roby na napakaganda ng ayos at talagang pormang porma.
“o Jey andito ka pala naks bat ayos na ayos
ka ha?” tanong ni Roby
“wala lang dapat di rin ako pahuhuli hehe,
siya nga pala nakita mo na ba schoolmate natin na kakanta?” biro ko
“di pa nga eh, tayo tayo lang mga andito eh”
tugon ni Roby
Habang nagkukwentuhan at nagtatawanan kami
ni Roby ay bigla namang dumating si Josh at Harvey
“lumayo ka nga sa kanya” si Josh habang
hinila ako papalayo kay Roby
“nagkukwentuhan lang naman kami eh” tugon ko
“tigas nanaman ng ulo mo Jey diba sinabi na
namin sayong layuan mo na siya” tugon ni Harvey
“wag ka mag alala Jey pagkatapos nitong
laban sigurado ako makakasama mo na ako” ngiti ni Roby habang papaalis
“pare wag ka pakakasigurado hindi pa nga nag
uumpisa ang laban nagyayabang ka na baka mapahiya ka lang” seryosong tugon ni
Josh
Pag alis ni Roby ay masama nanaman ang
tingin ng dalawa sa akin, dahil napapangiti pa ako
“parang gustong gusto mo pa talagang pinag
aawayan ka noh” inis na sambit ni Harvey
“hehe ganun na nga” nahihiya kong tugon
Bigla naman akong binatukan ni Josh
“nagbibiro lang naman ako eh” sambit ko
habang hinahawakan ko ulo ko
“di ka nakakatawa, umayos ka nga” seryosong
tugon ni Josh
“pero Josh ang gwapo mo sa suot mo payakap
nga” sabay yakap ko ng mahigpit kay Josh
“oh tama na Jey nalulukot na damit ko eh
baka matalo ako niyan” si Josh
Nag umpisa na ang competition, pagkalabas
palang ng mga kandidato at kandidata ay naghiyawan na ang mga tao kanya kanyang
cheer ang mga estudyante pero si Roby at Josh ang may pinakamaraming taga
suporta, pati sila Fatima, Marie, Tom at iba pa naming mga kaibigan ay todo ang
suporta kay Josh sa kalagitnaan ng laban ay dumating ang oras ng aking pag
awit. Pagdating ko pa lang sa entablado
ay nagsisigawan na ang aking mga kaklase at kaibigan pati si Josh at Harvey ay
pumapalakpak din. Si Roby naman ay nagtataka kung ano ang ginagawa ko sa stage,
hindi pa rin nya alam na ako ang tinutukoy na galing sa St. Catherine na aawit
sa coronation night. Nung mag umpisa nang tumugtog ay tumahimik na ang lahat
para makinig pati ang mga kalahok sa paligsahan ay pinanood ako. At dun nga ay
nag umpisa na akong umawit...
(paki play po)
I remember so well
The day that you came into my life
You asked for my name
You had the most beautiful smile
My life started to change
I'd wake up each day feeling alright
With you right by my side
Makes me feel things will work out just fine
CHORUS
How did you know
I needed someone like you in my life
That there's an empty space in my heart
You came at the right time in my life
I'll never forget
How you brought the sun to shine in my life
And took all the worries and fears that I
had
I guess what I'm really trying to say
It's not everyday that someone like you
comes my way
No words can express how much I love you
Biglang natulala si Roby nung marinig nya
ang aking tinig
Itutuloy...
No comments :
Post a Comment