Sa Aking
Pagbabalik part 5
Lumipas ang
isang buwan at dumating ang oras ng aming pag alis papunta nang Maynila, habang
naghihintay kami sa pier ay napansin nila Inay at Itay pati na din si Dindo at
Marie na parang balisa at di ako mapakali
“namumutla
ka anak” pag aalala ni Inay
“oo nga may
nararamdaman ka bang masama?” tanong ni Itay
“ayos lang
po ako parang may nararamdaman lang po akong takot hindi ko maipaliwanag kung
bakit pero pag nakakakita po ako ng barko may kakaibang takot akong
nararamdaman” paliwanag ko
“baka naman
may phobia ka lang sa barko” tugon ni Marie
“hindi ko
alam pero siguro nga” tugon ko
Binale wala
ko na lamang ang aking nararamdaman at tiniis na lamang ang takot, dumating ang
oras ng pagsakay at pag alis ng barko, habang nasa barko kami
“Anton ano
kayang naghihintay na kinabukasan sa atin dun sa Maynila” tanong ni Aling Linda
“hindi ko
rin alam pero mas may kinabukasan naman siguro tayo doon kesa sa isla natin”
paliwanag ni Mang Anton
Si Dindo at
Marie naman ay sobrang excited nang makarating sa Maynila
“excited na
excited kayong dalawa ahh” biro ko
“oo naman
unang beses kasi naming makarating ng Maynila, mas lalo na itong si Marie eh
halos lahat yata ng mga taga Maynila artista tingin nya eh pano pa kaya pag dun
na tayo mismo sa maynila hahaha” pang aasar ni Dindo
“hoy sobra
ka naman hindi naman ako ganun noh” tugon ni Marie
Bigla naman
ako kinausap ni Inay at Itay
“anak alam
mo dalawang taon na pala nung una ka naming matagpuan sa dalampasigan ang laki
na ng pinagbago ng itsura mo” si Inay
“oo nga anak
at sana makita mo na din ang pamilya mo, alam ko nag aalala na sila sayo” ngiti
ni Itay
“sana nga
po” tugon ko
Samantala
sa penthouse ni Josh at Harvey sa Makati
“Tol
dumating ka na pala siya nga pala hinahanap ka ni Grace kanina” sambit ni Josh
kay Harvey
“Si Grace
nanaman? sinabi ko na naman sa kanya na matagal na kaming tapos” si Harvey na
medyo naiinis
Naging
magkasintahan si Grace at Harvey pero tumagal lamang sila ng dalawang buwan
dahil hindi rin nagustuhan ni Harvey ang ugali ni Grace. Pero si Grace ay
patuloy pa din ang pagsuyo kay Harvey upang makipagbalikan sa kanya.
“siya nga
pala tol bakit bihis na bihis ka yata ngayon?” tanong ni Harvey
“wala ka
bang naalala ngayong araw?” tanong ni Josh
“wala
naman” pagsisinungaling ni Harvey
“Tol diba 2nd death anniversary ni Jey”
sambit ni Josh
“ahh ngayon
ba yun gagawin? Ah ok” malamig na tugon ni Harvey
Bigla naman
dumating si Fatima
“o Josh
handa ka na ba? tayo na baka mainip pa si Jey” ngiti ni Fatima
“teka
Harvey hindi ka ba sasama?” tanong ni Josh
“hindi kayo
nalang marami pa akong gagawin” tugon ni Harvey
“ano ka ba
naman death anniversary ng best friend natin di mo man lang dadalawin? Wala ka
na ba talagang pakialam sa kanya?” si Josh habang galit na ang tono.
“Josh pls
pagtatalunan nanaman ba natin uli ito? Pagod ako ayaw kong makipag talo sayo”
inis na sambit ni Harvey habang papasok sa kanyang kwarto.
“Josh
hayaan mo na si Harvey, intindihin mo nalang siya unlike satin di man nga nya
nayakap at nakausap si Jey sa huling pagkakataon” paliwanag ni Fatima
“ano pa nga
ba magagawa ko kundi lagi nalang siyang intindihin” tugon ni Josh
“Tara na
naghihintay na dun sila Tom at Beth pati yung iba pa nating mga dating kaklase”
aya ni Fatima
Samantala
sa kwarto ni Harvey habang nakahiga siya
“Mali ka
Josh, hanggang ngayon napakasakit pa rin sa akin ang pagkamatay ni Jey”
mahinang sambit ni Harvey habang lumuluha ito.
Samantala
sa aming kinaroroonan...
Dumating
ang oras ng pagdaong ng barko sa pier sa maynila
“anak
susunduin daw tayo ng Van na pag aari ng dela Vega group, ihahatid kami sa
aming papasukan” si Inay
“ahh Inay
pwede po bang sumama sa inyo para malaman ko naman kung saan kayo tutuloy”
tugon ko
“oo naman
anak mas mabuti pa nga” tugon ni Inay
“kami din
po sasama muna para sabay sabay na kami nila Anghelo sa lilipatan naming dorm” wika
ni Marie.
Dumating na
ang susundong Van at sumakay na kami papunta sa bahay ng magiging amo ni Inay
at Itay.
Samantala
sa bahay nila Grace habang kumakain siya kasama ang kanyang pamilya.
“By the way
Lisa kamusta na pala kayo ni Justin?” tanong ng Mama nila
“Si Lisa
Villegas ang panganay na anak ng pamilya Villegas ang nakakatandang kapatid ni
Grace, kung ano ang ugali ni Grace ay ganun din ang ate nya. Naging
magkasintahan si Kuya Justin at Lisa nung magkakilala sila sa law school,
naging magkaklase kasi silang dalawa at hanggang ngayon magkaklase pa din sila.
“ok lang ma
ayos naman kami” ngiting tugon ni Lisa
“good now I
can hear some wedding bells” biro ng mama nila
“ikaw
talaga ma, ineenjoy parin namin ang isat isa noh” ngiting tugon ni Lisa
“oo nga
naman anak tama ang mama mo just imagine kung mapapangasawa mo ang panganay na
anak ni Mr. dela Vega magiging isa na tayo sa may ari ng kumpanya” tugon ng
Papa nila
“eh ikaw
Grace kamusta na kayo ni Harvey?” tanong ng mama nila
“ganun
parin iniiwasan pa rin nya ako, pero I really want him back” malungkot na tugon
ni Grace
“don’t
worry magkakaayos din kayong dalawa” tugon ng papa nila.
“by the way
ma diba ngayon darating yung bagong katulong at driver?” tanong ni Lisa
“oo nga
dapat andito na mga yun, bat kaya wala pa sila?” pagtataka ng mama nila
“basta ma
don’t forget to remind them na pls. no eye contact lalong lalo na sa akin”
bilin ni Grace
“I know iha
don’t worry ako na ang bahala” tugon ng mama nila
Dumating
kami sa bahay ng pamilya Villegas, pinagbuksan kami ng pinto ng isa pa nilang
katulong, pagpasok naman sa may dining area ay nadatnan namin silang kumakain.
Hindi ako nakilala ng parents nila Grace dahil nung mawala ako ay kapapasok
lang ng kanyang ama sa kumpanya bilang bise presidente ng marketing department.
Kung matatandaan ninyo ipinatago ni Papa lahat ng bagay na magpapaalala sa akin
kabilang na ang aking mga larawan para di nya ako maalala. Si Grace naman at
Lisa dahil nga sa pagka matapobre ni tumingin sa mga kasambahay ay ayaw nila
kaya hindi nila ako nakita.
“Good
afternoon po madam” bati ni Itay at Inay
“o bakit
ngayon lang kayo?” masungit na tanong ng mama nila
“medyo
nahuli po kasi yung pagdaong ng barko” paliwanag ni Itay
“anyway
siguro naman naipaliwanag na sa inyo kung ano ang magiging trabaho ninyo dito
hindi ba?” tugon ng mama nila
“opo madam
naipaliwanag na po sa amin” tugon ni Inay
“tandaan
nyo ayoko ng papatay patay sa trabaho gusto ko lahat ng sulok ng bahay malinis,
naka monitor din ang pagkain ninyo at tandaan nyo bilang ko ang mga delata sa
kusina kaya alam ko kung may nagkukulang” masungit na sambit ng mama nila
“at ikaw
ano kasi pangalan mo?” tanong ng papa nila habang nakaturo kay Itay
“Anton po”
tugon ng papa nila
“ayoko ng
kaskasero sa pagmamaneho ha” bilin ng papa nila
“opo wag po
kayo mag alala maingat po ako” tugon ni Itay
Tumayo
naman si Grace at Lisa para pumunta na sa kani kanilang mga kwarto
“ma
remember yung bilin ko ha, saka ayaw ko nang haharang harang sila sa dinadaanan
ko” masungit na sambit ni Grace habang papaakyat na sa kanyang kwarto
“ipa
background check nyo din mga yan ma baka katulad din yan ng mga dati nating
katulong malilikot ang mga kamay” sambit naman ni Lisa habang papaakyat na din
sa kanyang silid
“oo iha ako
na ang bahala” ngiting tugon ng mama nila
“siya nga
pala sino nga pala mga kasama mo?” tanong ng mama nila
“ahh heto
nga pala ang anak namin si anghelo saka mga kaibigan nya si Dindo at Marie” pakilala
ni Inay
“good
afternoon po” bati namin sa mag asawa
“eh bat
kasama nyo yung mga yan? Wag nyo sabihing dito nyo din sila patitirahin?”
masungit na tanong ni Mr. Villegas
“ahh hindi
po sinamahan lang nila po kami sa dorm po malapit sa school ang titirhan nila”
paliwanag ni Itay
“aba
talagang ginawa nyo pang pasyalan itong pamamahay namin” tugon ni Mrs. Villegas
Medyo
nahiya naman kami sa mga sinabi ng mag asawa kaya nagpasya na kami nila Marie
at Dindo na magpaalam.
“ahh mauuna
na po kami pasensya na po uli sa abala” paalam ko
Nagpaalam
na kami at lumabas ng bahay, habang nasa labas ng bahay ay kinausap ko si Inay
at Itay.
“Nay , Tay
ayos lang po ba talaga kayo dito grabe naman po palang pagka masungit at
matapobre ng pamilyang yun” pag aalala kong tanong
“oo nga po
Mang Anton, Aling Linda dinaig pa nga nila mga napapanood kong telenovela sa TV
sa pagka matapobre” dagdag ni Marie
“wag kayo
mag alala ayos lang kami, mag iipon lang naman kami ng itay mo at pag nakaipon
na kami maari na kaming bumalik sa atin” ngiting tugon ni Inay
“oo nga
anak kaya wag na kayong mag alala mapag titiisan naman namin ito” tugon ni Itay
“basta mag
iingat na lang po kayo” si Dindo
“Siya nga
pala pasensya na kayo hindi na namin kayo maihahatid pa sa dorm ninyo hindi na
rin kasi kami pinayagan ni madam at sir” paliwanag ni Inay
“ayos lang
po yun Inay basta mag iingat na lang po kayo” tugon ko
Nilisan na
namin ang bahay ng pamilya Villegas at dumiretso na sa dela Vega Foundation
para mag full up ng mga papeles na gagamitin namin sa pag aaral. Naging maayos
naman ang pagtanggap sa amin ng mga empleyado at gaya ng inaasahan walang
nakakilala sa akin. Dumiretso kami sa aming magiging dorm, si Marie ay napunta
sa Female dormitory kami naman ni Dindo ay sa male dormitory. Maliit lamang ang
dorm pero pupwede na dahil gagamitin lang naman namin sa pag aaral. Nakilala pa
namin ang iba pa sa mga makakasama namin at maayos naman sila sa pagtanggap sa
amin.
“kailan
pala kayo mag eenroll?” tanong ni Michael isa naming ka dorm
“ahh bukas
na din sana” tugon ni Dindo
“ganun ba?
edi sumabay na kayo sa akin” ngiting tugon ni Michael
“sige
salamat ha” tugon ko
Pagsapit ng
hapunan ay sumabay na din sa aming tatlo si Michael na kumain, puno ng
kwentuhan tungkol sa buhay namin sa isla at tungkol din sa pamilya nya, ngunit
hindi ko sinabi ang totoo na hindi ako tunay na anak ni Inay at Itay yun ay sa
dahilan na gusto kong ma protektahan sila Inay at Itay pati narin ang aking
sarili dahil kapag nalaman ng dela Vega foundation ang aming pagsisinungaling
ay nakakasiguro akong hindi na ako makakapag aral pang muli.
“alam nyo
maswerte talaga tayo dahil sa isang sikat na eskwelahan tayo mag aaral kaya
ganun na lamang ang pagnanais ng karamihan na matanggap dito sa scholarship ng
dela Vega, napaka bait nga naman ng pamilyang may ari nito gusto nya makapag
aral sa magandang eskwelahan kahit ang mga mahihirap na mag aaral na tulad
natin” paliwanag ni Michael
Kinabukasan
kasama si Michael ay tumuloy na kami sa school para makapag enroll.. Habang nag
eenroll kami ay nakita namin ang isang grupo ng mga estudyante na masayang
nagtatawanan at nagkukwentuhan. Nung makita ko sila parang ang gaan gaan ng
loob ko sa iba sa kanila kaya tinanong ko si Michael kung sino sila.
“Michael
sino mga yun?” tanong ko
“ahh yung
mga yun ba? sila lang naman ang grupong pinaka sikat dito sa campus” tugon ni
Michael
“grabe ang
gugwapo ng iba” si Marie habang kinikilig
“itsura
palang mukhang mga anak mayaman na” dagdag ni Dindo
Ngunit ako
ay tahimik lamang na pinagmamasdan ang iba sa kanila na para bang matagal ko na
silang kakilala. At isa isang pinakilala ni Michael sa pamamagitan ng pagsabi
ng mga detalye tungkol sa kanila
“Yun si
Luke original na kabarkada ni Grace, Kate at Elton.. tahimik lang sya pero
mabait. Yun naman si Kate ang best friend ni Grace, naku sama ugali ng dalawang
yan sobra yabang at matapobre” wika ni Michael
“oo alam na
namin yan yung Grace na anak nung amo ng mga magulang ni Anghelo, masama talaga
ugali nyan” tugon ni Marie
Nagpatuloy
naman si Michael sa pagpapakilala
“yun naman
si Elton malapit yan kay Josh at Harvey panay nga dikit nya sa dalawa eh”
kwento ni Michael
“yung mga
original na grupo naman ng magkakaibigan, yun si Ricky, Ben at Robert mga anak
mayaman din ang mga yan, si Tom at Beth yung magkatabi sila lang yung naiibang
course sa mga magkakaibigan mayaman din ang pamilya nila” kwento pa ni Michael
Natuwa ako
nung marinig ko ang kanilang mga pangalan, nagpatuloy naman sa pagkukwento si
Michael.
“At yun
naman si Fatima anak mayaman din yan pero alam nyo napakabait nyan at palabiro
kaya madami ang natutuwa sa kanya dito” patuloy ni Michael
“Fatima?”
sambit ko habang napapangiti ako
“o bakit
Anghelo kilala mo ba?” tanong ni Dindo
“ahh hindi
pero ang gaan gaan ng loob ko sa kanya” ngiti kong tugon
At
nagpatuloy uli si Michael sa kanyang pagpapakilala
“At yung
dalawang yun naman ay si Josh at Harvey ang dalawang pinaka gwapo, pinaka sikat
at pinaka mayaman na estudyante dito sa campus, Si Josh na ngayon ang team
captain ng basketball team at si Harvey naman sa football team, mabait yung
dalawang yan at palakaibigan kaya andaming estudyante dito ang gustong gustong
mapalapit sa kanila” kwento ni Michael
“Josh at
Harvey?” tugon ko na nagpangiti muli sa akin
“grabe ang
gugwapo nila hayz sana makilala at maging kaibigan ko din sila” tugon ni Marie
habang patuloy na kinikilig
“magtigil
ka nga marie alam mo namang langit sila at lupa tayo, malabong makipag kaibigan
yan sa mga tulad nating mahihirap noh” tugon ni Dindo
“o Anghelo
bat tulala ka diyan wag mo sabihing pati ako uunahan mo pang makipag kaibigan
sa kanila ha” biro ni Marie
“hindi parang
may nararamdaman lang ako na parang kilalang kilala ko sila” ngiti kong tugon
“ikaw
talaga Anghelo ano ano naiisip mo eh, imposible naman yun noh” tugon ni Dindo
“alam nyo
at least ngayon si Harvey makikita mo nang tumatawa at ngumingiti dati kasi
lagi seryoso yung mukha niyan” wika ni Michael
“bakit
naman?” tanong ni Dindo at Marie
“kasi
naging malungkutin yang si Harvey mula nung mamatay yung matalik nilang
kaibigan ni Josh, ang balita ko namatay daw sa aksidente sa barko, hindi
matanggap ni Harvey yung pagkamatay nung matalik nilang kaibigan kasi mukhang
hindi man siya dito nakapag paaalam at may samaan sila ng loob bago ito mamatay”
kwento ni Michael
“naku grabe
naman pala yung nangyari” tugon ni Marie
“kung sakin
din siguro mangyari yun ganun din ang mararamdaman ko” tugon ni Dindo
“oo mahal
na mahal nila yung kaibigan nilang yun, kaya ganyan nalang ang epekto nito kay
Josh at Harvey” tugon ni Michael
Samantala
sa kinaroroonan nila Josh at Harvey...
“guys libre
nyo naman ako plsss” paglalambing ni Elton sa dalawa habang hinahawakan ang mga
braso nito
“kayo
nalang tinatamad ako eh” tugon ni Harvey
“saka
nalang Elton masakit pa nga katawan ko sa practice namin kanina sa basketball
eh” ngiting tugon ni Josh
Nilapitan
naman ni Tom at Beth kasama ang mga dati kong kaklase si Fatima
“Fatima
look at Elton is he trying to be Jey?” natatawang tanong ni Beth
“huh? Ok ka
lang? that will never happen ang layo sa kanya ni Jey noh, besides si Jey pa
usually sinusuyo ni Josh at Harvey eh siya tingnan mo nga kulang nalang
gayumahin nya yung dalawa para mapalapit lang sa kanya hahaha” natatawang tugon
ni Fatima
“tama ka
diyan Fatima hahaha” tugon ni Tom habang tumatawa
“by the way
guys nood kayo laban namin bukas sa basketball ha, wag kayo mawawala” ngiting
sambit ni Josh
“sure ikaw
pa” ngiting tugon ni Kate
“hinding
hindi kami mawawala” ngiting tugon ni Grace
“ay baka
hindi ako makarating busy kasi ako eh” tugon ni Elton na halatang sinusubukan
si Josh kung pipilitin siya nito
“sige ok
lang Elton” ngiting tugon ni Josh
Bigla
namang natawa sila Fatima at mga dati ko pang kaklase sa tugon ni Josh
“kita nyo
na guys kasi kung si Jey yan malamang nabatukan na ni Josh at Harvey yan pag
tumanggi manood sa kanila” mahinang sambit ni Fatima habang natatawa
“oo nga eh”
dagdag ni Robert habang natatawa din
“oo
naaalala ko pa nun si Jey hindi makatakas pag may laro si Josh” natatawang
tugon ni Beth
Kinabukasan
ay bumalik kami sa school upang tapusin ang enrollment, maaga naman kaming
natapos kaya naisipan naming tumambay muna.
“tara dun
muna tayo sa Gym” aya ni Michael
“bakit ano
meron dun?” tanong ko
“may laban
yung basketball team natin, kalaban yung kabilang school” tugon ni Michael
Nauna kami
kay Michael at pumunta kami sa Gymnasium, grabe ang dami ng tao na nanonood at
napakalakas pa ng hiyawan maririnig mo din ang pagsigaw lalo na ang mga
kababaihan at kalalakihan sa pangalan ni Josh. Habang naghahanap kami ng
mauupuan ay nakakita kami ng mga bakanteng upuan sa may harap kung saan
makikita mo kung ilan lamang ang mga nakaupo ngunit nung papasok kami ay
pinigilan kami ng isang estudyante.
“excuse me
pero hindi pwedeng pumasok dito sa area na ito, naka reserba ito para sa mga
kaibigan at malapit sa players ng basketball team” wika nung estudyante
Bigla naman
dumating si Michael
“o ano
ginagawa nyo? Hindi tayo pwede pumasok diyan VIP area ng mga kaibigan at
malapit lang sa basketball team ang pwedeng umupo diyan” paliwanag ni Michael
“di naman
namin alam” tugon ni marie
Naghanap
nalang kami ng ibang mauupuan at nakakita kami sa taas sa may dulong bahagi ng
gymnasium ng mga bakanteng upuan at umupo na lamang dun. Kahit malayo ay kitang
kita namin ang galing ng basketball team lalong lalo na ang team captain nilang
si Josh sa paglalaro. Maya maya ay nakita namin ang grupo ni Harvey na pumasok
na sa VIP area upang manood ng laro. Pinagmamasdan ko sila Ricky, Ben, Robert,
Tom at Beth lalong lalo na sila Fatima at Harvey may kakaibang tuwa akong
nararamdaman pag nakikita ko sila.
“Grabe ang
guwapo talaga ni Josh” si Marie habang kinikilig
“naku Marie
nag ilusyon ka nanaman, goodluck nalang sayo kung mapansin ka nya” biro ni
Dindo
“actually
may mga naging girlfriend yang si Josh puro pa mga naging Ms. University, kaso
hindi din sila nagtagal ng mga naka relasyon nya karamihan naman kasi sa kanila
kung ano iginanda ganun naman kapangit mga ugali, parang si Harvey may mga naka
relasyon din pero di sila nagtatagal dahil din sa ugali ng mga babae pero bilib
naman ako kay Grace talagang ayaw sumuko sa paghahabol kay Harvey kahit matagal
na silang tapos” natatawang kwento ni Michael
“pabayaan
nyo na ako noh hindi naman masamang mangarap eh” tugon ni Marie habang
nakatingin parin kay Josh
Makalipas
ang isang oras, dahil tinambakan na din ng basketball team ang kalaban ay
naisipan na ng aking mga kaibigan na umalis para di na kami mahirapan pa
pagkatapos ng laro.
“Guys tara
na sigurado mahihirapan tayong lumabas nyan pag natapos yung laro sigurado na
din naman panalo ng team natin eh” aya ni Michael
Tumayo na
din si Marie at Dindo ngunit ako ay patuloy pa din nanonood at parang walang
narinig.
Samantala
sa kinaroroonan ni Josh
“o Guys
puntos pa ulit tayo kahit malaki na lamang natin di tayo dapat pakampante” utos
ni Josh
“ok!” sigaw
ng kanyang team mates
Habang
nagdidrible si Josh at bumubwelo ay bigla siyang napatingin sa taas sa aking
kinaroroonan at nakita ako
(Paki play
po)
“J- Jey”
nauutal na sambit ni Josh habang natulala siya
Itutuloy...
Author’s
note:
Hayan na po
ang wakas wala na imaginin nyo nalang mangyayari hahaha! Joke lang!
No comments :
Post a Comment