Sa aking paglisan part 6
Inalalayan ako ng aking kuya palabas
ng silid at tuluyan na namin nilisan ang eskwela para puntahan si mama. Nang
dumating kami sa Hospital nakita kong si Papa nakatayo sa labas ng kwarto ni
mama at tuluyan na akong tumakbo sa kanya at niyakap ko siya ng mahigpit.
“Papa, papa wala na si mama, papa”
“Tahan na Jey andito pa naman ako di
ko kayo pababayaan tahan na anak” ang umiiyak na sambit ng aking ama
Nang mailabas ko na ang aking sakit na
nadarama ay kinausap ako nila Papa at kuya.
“Jey puntahan mo na mama mo sa loob”
si Papa
“Ayoko papa hindi pa ako handa”
“Hindi ka ba magpapaalam kay mama?”
umiiyak na tanong ni Kuya John
Niyuko ko lang ang aking ulo at
yumakap kay papa
“kung yan ang gusto mo anak alam ko
maiintindihan naman ng mama mo”
Habang naka yakap ako kay papa unti
unting nakaramdam ako nang panghihina at tuluyan na nga akong nawalan ng malay.
“Jey! Jey! Gumising ka Jey!” Tarantang
pagsigaw ni Papa
“Pa! ano nangyari kay Jey!” sila kuya
At sa mga oras na yun ay nagtakbuhan
na nga ang mga nurse at doctor para tulungan ako, dinala ako sa emergency room
para tignan. Matapos ang dalawampung minuto lumabas na ang doctor mula sa
emergency room para kausapin si Papa.
“Stable na po ang condition ng anak
nyo dala na din siguro ng matinding emosyon at pagkalipas nya ng gutom kaya
nanghina ang kanyang katawan, kailangan nya lang pong magpahinga” ang doctor.
“Salamat po doc” si papa
Nilipat na ako sa isang private room
ng hospital ngunit hindi pa rin ako nagigising. Dumating ang aking mga kaklase
at mga guro sa hospital kasama na din ang aking mga kaibigan nung mabalitaan
nila ang nangyari sa akin. Sinalubong sila nila Papa at Kuya.
“tito kamusta na po si Jey” pag
aalalang tanong nila Harvey at Josh
“ok na siya kailangan lang daw ng
pahinga sabi ng doktor” si Papa
“pede po ba namin siyang dalawin?”
tanong ni Fatima
“Pasensya na pero bilin kasi ng doktor
hindi muna daw siya pwedeng tumanggap ng bisita” si kuya John
“Baka pwede kahit masilip man lang
namin siya” pagmamakaawa ni Harvey
“mahigpit kasi ang bilin sa amin ng
doktor kaya kahit gustuhin man namin para na din yun sa ikabubuti ni Jey” si kuya
John.
“Salamat pala sa pagdalaw nyo alam
kong nagaalala kayo kay Jey pero mas makakabuti narin siguro kung hahayaan na
din muna natin siyang mapag isa” si papa.
At tuluyan na nga nagpaalam ang aking
mga kaklase at mga guro kasama nang aking matatalik na mga kaibigan. Dumaan sa
parke sila Josh, Harvey at Fatima para makapag usap.
“Fatima matagal mo na diba alam ang
nangyayari kay Jey bat di mo sinabi sa amin” galit na tanong ni Josh
“diba kaibigan ka namin bat mo nilihim
sa amin ito!” dagdag ni Harvey
“wag nyo ako sisihin! Ang sisihin nyo
ang mga sarili nyo! Bakit ilang beses na ba nya kayo nilapitan dati? at ni isa
ba sa mga yun sinubukan nyo man lang ba siya pansinin o pakinggan? Tugon ni
Fatima
Natahimik ang dalawa kong matalik na
kaibigan.
“o ano? Hindi kayo makapag salita,
inaamin ko may nagawang pagkakamali si Jey pero sa tingin nyo sapat na ba yun
para kalimutan nyo lahat ng pinagsamahan nyo? si Fatima
Naupo si Harvey sa isa sa mga upuan
dun habang nakahawak sya sa kanyang ulo.
“Hindi ko mapapatawad ang aking sarili
kapag may masamang nangyari kay Jey” malungkot na tugon ni Harvey
“wag mo sabihin yan magiging maayos
din ang lahat” si Josh
Naiwan si kuya John sa hospital upang
magbantay sa akin samantalang si Papa at kuya Justin ay busy sa pag aasikaso sa
burol ni Mama. Makalipas ang isat kalahating araw ay nagising na din ako at
dinatnan ko si kuya na natutulog sa may upuan ng aking silid.
“kuya nasaan ako” ang mahina kong
sambit
Nagising si kuya at agad agad na
tumayo para lapitan ako.
“kamusta ka na Jey ayos na ba
pakiramdam mo? Si kuya John
“medyo nahihilo lang pero ayos nako,
sila papa asan?”
“inaasikaso nila burol ni mama sa
school mo” si kuya
At sa aking mga narinig bumigat
nanaman ang aking damdamin dahil sa pagkaka alala ko sa nangyari kay Mama.
Maiiyak nanaman sana ako nung mga oras na yun ngunit pinigilan ako ni kuya.
“Maghunos dili ka Jey kailangan mo
magpakatatag bilin ng doktor hindi ka muna pwede umiyak o maging emosyonal
dahil makakasama ito sayo baka di ka nila payagang makalabas bukas.” Si Kuya
John
Nagpakatatag ako at pinilit kong
kalimutan muna ang aking kalungkutan. Kinabukasan ay nag handa na ako para sa
paglabas sa hospital nang may dumating akong dalawang bisita. Si Mr. Santos at
Paul.
“Kamusta ka na Jey ayos ka na ba”
ngiting tanong ni Paul
“Ayos na ako salamat”
“Mabuti naman kung ganun alam mo
pinagalala mo kaming lahat” si Paul
Nabawasan ang aking kalungkutan sa
aking mga narinig at least alam kong may nag aalala parin pala na kaibigan para
sa akin.
“Pano ba yan Jey ano gagawin mo sa
burol ng mama mo diba sa stadium ng school gagawin para magbigay respeto na din
ang buong eskwela para sa kanya? Si Mr. Santos
“Pagod na po ako magtago at magkunwari
tutuparin ko ang ipinangako ko kay Mama ako ang kakanta sa burol nya” ang
matapang kong tugon
At tuluyan na nga akong nakalabas ng
hospital at dumiretso sa bahay para makapag pahinga narin dahil pinapapunta na
lang ako ng aking ama sa araw ng libing ni mama na dadaluhan din ng mga
estudyante, guro, opisyal at iba pa.
(Sa araw ng libing)
Dumating ako sa eskwela na puno nang
kalungkutan, sinalubong ko ng yakap sila kuya at Papa.
“Ayos ka na ba anak?” si Papa
“opo pa ayos na po ako” tugon ko
“Gusto mo bang tingnan ang mama mo?”
tanong ni Papa
“ayoko pa po papa hindi pa po ako
handa” ang nalulungkot kong tugon
“Jey tandaan mo bilin ng doktor wag ka
muna magpadala sa emosyon mo baka kung mapano ka” sila kuya at papa.
“opo” ang malungkot kong tugon
Puno ang stadium ng mga nakikiramay
andun ang aking mga guro, kaklase, kamag aral, principal at ibang pang mga
kasamahang administrator ng aking ina. Nilapitan ako ng aking mga kaklase at
guro para makiramay.
“Jey condolence and be strong” aking
math teacher
“ayos ka na ba Jey? Condolence ha” isa
sa aking mga kaklase
“wag ka mag alala andito lang kami
para sayo” si Fatima
“Salamat sa inyo wag kayo mag alala
ayos lang ako” ang ngiti kong tugon na may halong kalungkutan
Pati rin si Arturo ang aking
kinaiinisang platoon leader ay dumalo para makiramay.
“Jey sana ayos ka lang, sya nga pala
sorry dati ha sa lahat nang nagawa ko sana mapatawad mo ako” si Arturo
“wala yun kalimutan mo na yun” ngiti
kong tugon
Nilapitan din ako ng dalawa kong
matalik na kaibigan
“Jey kamusta ka na?” pagaalalang
tanong ni Harvey
“Ayos lang ako salamat sa pag aalala”
ngiti kong tugon kay harvey
“Sorry di namin alam” naiiyak na
sambit ni Josh
“wala yun ayos lang yun” ngiti kong
tugon
Yayakapin na sana nila ako pero umiwas
ako.
“wag na, sigurado pagkatapos ng
mangyayari mamaya ay tuluyan nyo na din akong hindi mapapatawad” ang nakangiti
kong tugon sa aking matatalik na kaibigan at tuluyan na nga ako umalis para
puntahan sila Papa para maghanda sa misa.
Puno ng pagtataka ang mga itsura ni
Josh at Harvey nung iwan ko sila, pati narin sila Fatima at aking mga kaklase
ay nagtaka sa aking mga sinabi.
Natapos ang misa at nag umpisa nang
magsalita ang mga taong malalapit sa aking ina at ang mga huli ngang nagsalita
ay sila kuya at Papa. Marami sinabi si papa na tuluyang nagpaluha sa mga nakikiramay
sa aking ina. Huling nagsalita si Kuya John.
“Salamat po sa lahat nang nakiramay
alam nyo po maswerte siguro kami ng mga kapatid ko at si mama ang pinili ng
diyos para sa amin kahit maikling oras lamang nya ito pinahiram sa amin ay
nagpapasalamat parin kami sa kanya. Ang naiiyak na si Kuya John
“May isang tao na mahal na mahal namin
lalo na ni mama ang nais ibahagi ang isang pangako” at tumingin na nga sa akin
si kuya John.
Tumayo ako at pumunta sa harap upang
ibigay ang aking pamamaalam sa aking ina.
“ma kung nasaan ka man maraming
salamat sa lahat at pangako hinding hindi na muli akong magtatago sa aking
sarili, at tulad nang ipinangako ko para sayo ito ma ang iyong paboritong
kanta. At dun na nga ay nag umpisa nang tugtugin ang awit para sa aking ina.
(Paki play po ito)
Ikaw lamang
ang tangi kong iniisip
ang lagi kong panaginip
tayong dalawa ay laging nagmamahalan
pangarap ko
na kailan ma'y di maglaho
ang pag-ibig kong ito
pagka't hinding-hindi ko makakayang mawalay sa'yo
ikaw lamang ang buhay ko
sana nama'y pakinggan mo
ang puso ko na mayroong sinasabi
Chorus:
ikaw lamang
ang tangi kong minamahal
ang lagi kong dinarasal
sana'y habang buhay tayong magkasama
ang puso ko'y
ibibigay lamang sa'yo
ito ang aking pangako
mula ngayon hanggang magpakailan pa man..
ikaw lamang..
ikaw lamang ang buhay ko
ang tangi kong iniisip
ang lagi kong panaginip
tayong dalawa ay laging nagmamahalan
pangarap ko
na kailan ma'y di maglaho
ang pag-ibig kong ito
pagka't hinding-hindi ko makakayang mawalay sa'yo
ikaw lamang ang buhay ko
sana nama'y pakinggan mo
ang puso ko na mayroong sinasabi
Chorus:
ikaw lamang
ang tangi kong minamahal
ang lagi kong dinarasal
sana'y habang buhay tayong magkasama
ang puso ko'y
ibibigay lamang sa'yo
ito ang aking pangako
mula ngayon hanggang magpakailan pa man..
ikaw lamang..
ikaw lamang ang buhay ko
Itutuloy...
No comments :
Post a Comment