Sa Aking
Pagbabalik part 11
Biglang
pumasok sa kusina si Grace at nagulat si Inay at Itay
“o bat
parang nakakita kayo ng multo?” tanong ni Grace
“ahh wala
po ma’am kanina pa po ba kayo diyan?” tanong ni Itay
“ano ba ang
pakialam mo? Sa pagkakaalam ko driver ka lang namin kaya wala kang karapatang
magtanong ng mga ganyan sa amo mo” masungit na tugon ni Grace
Natahimik
na lamang sila Itay at Inay, samantala ay nakangisi naman si Grace na parang
may pinaplano itong masama. Lumipas pa ang mga araw at linggo naging maayos
naman ang samahan namin lalong lalo na nila Josh, Harvey at Fatima itinuturing
na nila akong isang malapit na kaibigan
Samantala
habang kumakain ang apat sa isang restaurant..
“Grace
napapansin ko yata hinahayaan mo na lang si Anghelo kasama sila Josh at Harvey
don’t tell me sumuko ka na sa laban? Sige ka masyado na siyang napapalapit sa
mga yun” sambit ni Kate
“no my
dearest Kate hayaan mo lang siyang mapalapit ng husto kila Josh at Harvey yun
naman talaga ang balak ko eh para pag ibinunyag ko na ang kanyang lihim,
hinding hindi na siya mapapatawad ng mga pinaka mamahal niyang mga kaibigan”
tugon ni Grace habang naka ngisi
“anong
lihim yun?”tanong ni Elton
“malalaman
nyo din sa tamang panahon” tugon ni Grace habang nakangisi
“bat di nyo
nalang kaya pabayaan si Anghelo wala naman ginagawang masama yung tao sa inyo
eh” tugon ni Luke habang medyo naiinis
“pwede ba
Luke tumahimik ka nalang, wag kang makialam” tugon ni Grace
“basta
panalangin ko lang sana hindi bumalik sa inyo yung mga pinag gagagawa ninyo”
inis na sambit ni Luke habang paalis
Samantala
sa aming kinaroroonan habang kumakain kaming apat sa isang restaurant ay masaya
kaming nagkukwentuhan halos lahat nga ng sikreto nila ay nasabi na nila sa
akin, ako gustong gusto ko na sana sabihin sa kanila ang totoo kong pagkatao
ngunit pinapangunahan pa din ako ng takot.
“o Anghelo
tahimik ka yata?” tanong ni Fatima
“ahh wala
ito may iniisip lang ako” ngiti kong tugon
Lumipas ang
mga araw at dumating ang day off nila Inay at Itay, nagkita kami sa isang parke
sa Maynila.
“o anak
kamusta ka na?” tanong ni Inay
“ayos naman
po wag po kayong mag alala” tugon ko
“pero sa
nakikita namin sayo, mukhang may gumugulo sayong isip” tugon ni Itay
Hindi ko
narin naitago ang aking saloobin kaya kinausap ko sila Inay at Itay
“Inay ,
Itay alam nyo naman po siguro kung gaanon kabait sa akin sila Josh, Harvey at
Fatima di po ba?” sambit ko
“oo naman
anak, masaya nga kami dahil may mga kaibigan kang tulad nila kahit mayayaman
hindi tumitingin sa estado ng isang tao sa buhay” tugon ni Inay
“kasi po
Inay, Itay buo po ang tiwala nila sa akin halos lahat po ng sikreto nila
sinasabi nila sa akin, nakukunsensya lang po talaga ako sa pagsisinungaling ko”
tugon ko
“alam mo
anak sundin mo kung ano ang nararapat, andito lang naman kami para suportahan
ka eh” ngiting tugon ni Itay
“pero paano
po kapag nalaman ng iba ang sikreto ko, sigurado po hindi na po ako makakapag
aral bibiguin ko po kayo” sambit ko
“kailanman
ay hinding hindi mo kami bibiguin anak saka kahit itago mo pa yan malalaman din
naman nila ang totoo mas hindi nila matatanggap yun kung sa iba pa nila
malalaman ang sikreto mo saka mukhang mababait naman yang mga kaibigan mo
sigurado ako na magiging ligtas sa kanila ang iyong lihim” paliwanag ni Inay
Sumaya ako
sa aking mga narinig at sa wakas ay buo na ang pasya ko na sabihin ang totoo
kila Josh, Harvey at Fatima
Samantala
sa penthouse nila Josh at Harvey habang nag uusap usap ang tatlo
“ano
sigurado na ba kayo sa pasya nyo?” tanong ni Fatima
“oo kahit
naman hindi pa natin siya ganun katagal na kaibigan naging tapat naman siya sa
atin” tugon ni Josh
“tama ka
Josh pero alam mong may kailangan pa tayong gawin” si Harvey
“alam ko
namang matutuwa si Jey sa gagawin natin” tugon ni Josh
At
pinuntahan nga nilang tatlo ang aking himlayan, kinausap nila ako at nagpaalam sila
sa plano nilang gawin.
Lumipas ang
mga araw at dumating ang oras na kakausapin nila ako kasama ko si Marie at
Dindo andun kami sa tambayan nila Josh at Harvey kasama din sila Fatima, Beth,
Tom, Robert, Ricky at Ben.
“Anghelo
may gusto sana kaming sabihin sayo” sambit ni Josh habang nakangiti
“ano yun?”
pagtataka ko
“napagkasunduan
kasi namin ni Josh na dun ka na sa penthouse namin lumipat at tumira para hindi
ka na mahirapan pa” tugon ni Harvey habang nakangiti
“oo tutal
bakante naman yung isang kwarto wala naman gumagamit nun eh” dagdag pa ni Josh
habang nakangiti
Nagulat ako
sa aking mga narinig at hindi makapaniwala sa gusto nilang mangyari
“ha? Sobra
naman yata yun saka ayos na ako sa dorm hindi naman ako nahihirapan” tugon ko
“alam mo
Anghelo mas maganda nga na lumipat ka sa kanila at least alam namin na nasa
mabuting kamay ka” sambit ni Dindo
“oo nga
Anghelo napaka sakitin mo pa naman pag andun ka na sigurado ako maalagaan kang
mabuti” dagdag pa ni Marie
“saka
Anghelo di ka narin naman iba sa amin kahit ilang buwan palang tayo magkakaibigan
napalapit ka na ng husto sa amin kaya pumayag ka na sa gusto nila Josh at
Harvey” tugon ni Fatima
“yung dapat
na kay Jey na kwarto ba ang gusto nyong lipatan ko? Pero kalabisan naman yata
yun wala akong karapatang lumipat dun lalo pa sa dapat na kwarto ng best friend
nyo” pagtanggi ko
“alam mo
Anghelo mabait yun si Jey alam naman namin kung nasan man siya ngayon matutuwa
sigurado yun sa gustong mangyari nila Josh at Harvey” ngiti ni Beth
“wag ka na tumanggi
Anghelo sige ka magtatampo kami sayo” biro ni Harvey
Hindi na
lamang ako umimik
“o yan ha
hindi ka na nagsalita ibig sabihin niyan pumapayag ka na” ngiting sambit ni
Josh
“pero hindi
nyo pa naman ako lubusang kilala eh” tugon ko habang naka yuko
“anong
hindi? kilalang kilala ka na namin wala naman tayo tinatago sa isat isa diba?”
ngiting tugon ni Harvey
“ahh guys
may gusto pala ako sabihin sa inyo” mahina kong sambit
“ano yun?”
tanong ni Josh
Ipagtatapat
ko na sana sa kanila ang lahat lahat tungkol sa akin ng biglang lumabas ang
grupo ni Grace malapit sa amin kanina pa pala nila pinakikinggan ang pag uusap
namin
“kilalang
kilala? sigurado ba kayo diyan?” si Grace habang natatawa
“ano
nanaman ba ang ginagawa mo dito? Pwede ba umalis ka na dito baka hindi ako
makapag pigil ano pa magawa ko sayo” inis na sambit ni Fatima
“wag ka mag
alala sis nasa likod mo ako, matagal ko na din gustong turuan ng leksyon yang
babaeng yan” si Beth
“Grace kung
andito ka lang para manggulo makakaalis ka na” seryosong sambit ni Josh
“no guys
hindi ako nandito para manggulo, gusto ko lang ipaalam sa inyo na ang
pinakamamahal nyong kaibigan ay huwad tama ang narinig nyo isa siyang huwad”
tugon ni Grace
“ano
nanaman bang kasinungalingan ito ha Grace? Talagang gagawin mo ang lahat para
lang masira mo si Anghelo” galit na tugon ni Harvey
“Anghelo?
Hahaha kung yun nga ang tunay nyang pangalan” si Grace habang humahalakhak
Bigla
namang natahimik sila Josh at Harvey pati na din ang mga dati kong kaklase sa
kanilang mga narinig. Pati sila Kate, Elton at Luke ay nagulat din.
“Kahit ano
pa ang sabihin mo hinding hindi na kami maniniwala pa sayo” galit na tugon ni
Josh
“eh bat
hindi siya ang tanungin nyo” hamon ni Grace
Tiningnan
nila akong lahat ngunit yumuko lamang ako
“o ano
Anghelo bakit hindi ka magsalita sabihin mo sa kanilang nagsisinungaling lang
ako” sambit ni Grace
“a-anghelo
totoo ba yun?” nauutal na tanong ni Josh
“oo totoo
yun hindi nga Anghelo ang tunay kong pangalan” sambit ko habang nakayuko
“tama ang
narinig nyo hindi siya ang tunay na Anghelo nagpapanggap lamang siya para
makakuha ng scholarship sa dela Vega Foundation dahil ang tunay niyang pangalan
ay Jhun” paliwanang ni Grace
Magsasalita
sana ako ng biglang magsalita si Harvey
“so all
this time pala niloko mo lang kami?” si Harvey
“hindi ko
naman sinasadya gusto ko na sanang ipagtapat sa inyo ang totoo kaso
pinangunahan ako ng takot” paliwanag ko
“alam mo
Anghelo or Jhun itinuring ka naming kaibigan wala kami inilihim sayo
pinagkatiwalaan ka namin yun pala matagal mo na kaming niloloko” si Josh habang
hindi makapaniwala
“ahh guys
wag naman kayo magalit kay Anghelo napilitan lang naman kasi siyang itago ang
totoo kasi pag nalaman ng dela Vega foundation ang totoo mawawala ang pagka
scholarship nya saka maari siyang ma expel dito sa eskwelahan” paliwanag ni
Dindo
“so pati
pala kayo alam nyo din ang totoo? Kayong itinuring na din naming mga kaibigan
magkakasabwat sa panloloko sa amin?” galit na sambit ni Harvey
“maniwala
kayo hindi namin sinasadyang lokohin kayo kaya lang gusto lang talaga naming
protektahan si Anghelo” tugon ni Marie
“maniwala?
Don’t tell me you still expect us na maniniwala pa kami sa inyo matapos ang mga
panloloko nyo sa amin, ano pa ba ang hindi namin alam? Baka may mga itinatago
pa kayo sa amin? Sabihin nyo lang” si Harvey habang galit na galit
“no Harvey
hindi na natin kailangan pang marinig ang mga kasinungalingan nila mas mabuti
na ang ganito habang maaga pa lumabas na ang tunay na kulay nila” tugon ni Josh
Paalis na
sana sila ng biglang humarap muli sa akin si Josh at Harvey
“alam mo
mauunawaan ka pa namin kung una pa lang ipinagtapat mo na sa amin yung totoo
akala ko iba ka sa kanila, pero katulad ka din pala nila mga manloloko” galit
na sumbat ni Harvey habang papaalis
“by the way
about that cellphone we gave you just keep it pero mula ngayon pls stay away
from us” serysosong sambit ni Josh habang paalis at sinundan si Harvey
“alam mo
Anghelo gusto man kita intindihin pero tama sila Josh at Harvey mali ka talaga
dun eh” si Fatima habang papaalis na din
Nagsunuran
na din sa kanila ang iba ko pang mga dating kaklase, ang grupo nalang ni Grace
ang natira.
“ang lakas
talaga ng loob mo talagang gagawin mo ang lahat makaranas lang ng kaginhawaan,
at least ngayon alam mo na kung san ka nababagay, sa basura” si Grace habang
tumatawa papaalis
“pano ba
yan hindi ko na pala kailangang ilayo sila Josh at Harvey sayo, sila na pala
ang kusang lalayo, pero bilib ako sayo ang galing mo magpanggap isa ka naman
palang huwad” si Elton habang papalis na din
Si Kate
naman ay sumunod na din sa kanila habang natatawa, nilapitan naman ako ni Luke
“alam mo
Anghelo nakikita ko naman sayo na hindi mo sinasadya hayaan mo sigurado ako
mapapatawad ka din ng mga yun” sambit ni Luke habang papaalis
Bigla ako
napaupo nung makaalis na silang lahat at natira na lamang sila Marie at Dindo
“Anghelo
ayos ka lang ba? wag mo na isipin yun andito pa naman kami eh” si Marie
“oo nga
Anghelo kahit wala na sila hindi kami aalis sa tabi mo” si Dindo
“Salamat ha
pero tama naman talaga sila eh niloko ko lang sila” tugon ko
Nung mga
oras na yun ay parang gusto kong umiyak at ilabas lahat ng sama ng loob ko pero
hindi ko magawa kaya pinigil ko na lamang ang aking kalungkutan. Natapos ang
araw na hindi na ako kinakausap ng mga kaibigan ko lagi na din nila akong
iniiwasan si Dindo at Marie na lamang ang kasama ko hindi nila ako iniwan.
Kinabukasan ay ganun din ang nangyari patuloy pa din nila akong iniiwasan
nakipagpalit na din ako ng upuan sa isa kong kaklase dahil nararamdaman ko
naman na hindi na komportable si Josh at Harvey na makatabi pa ako, masyado ko
silang nasaktan kaya kahit sa ganung paraan man lang kahit papaano ay makabawi
ako. Pagdating ng dismissal ay napagpasyahan kong dalawin sila Inay at Itay
hindi ko na kasi mahintay pa ang day off nila gustong gusto ko na talaga sila
makausap.
“Anghelo
saan ka ba pupunta?” tanong ni Dindo
“puntahan
ko sila Inay at Itay” tugon ko
“ha? Bat di
nalang sa day off nila? Alalahanin mo Anghelo nung huling pumunta ka sa bahay
nila Grace kung ano ang nangyari sayo gusto mo bang maulit nanaman yun?” pag
aalala ni Marie
“ayos lang
yun kung yun ikaliligaya nila pero kailangan ko talagang makausap sila Inay at
Itay” paliwanag ko
“o sige
pero sasama kami sayo mahirap na baka ano pa ang mangyari sayo” si Dindo
Pumunta
kami sa bahay ng mga Villegas buti nalang ay wala pa si Grace dahil nasa school
pa ito, nakita ko naman sila Inay at Itay sa may gate kaya agad agad ko silang
nilapitan.
“Inay,
Itay” bati ko
“o anak ano
bang ginagawa mo dito diba sinabi namin sayo magkita nalang tayo pag day off
namin?” mahinang sambit ni Itay
“alam ko po
yun pero Inay, Itay gusto ko lang po ipaalam sa inyo na alam na po ng lahat ang
lihim ko sigurado po ako mawawala na po pagka scholar ko at ma eexpel na po ako
sa school” malungkot kong tugon
“ha? Paano
nangyari yun akala ko ba mapagkakatiwalaan yung mga kaibigan mo?” tanong ni
inay
“aling
Linda si Grace po yung nagsabi sa kanila bago pa po ma amin ni Anghelo naunahan
na po siya ni Grace sa pagsabi ng totoo” tugon ni Marie
“naku Anton
sinasabi ko na nga ba narinig tayo ni Grace nung nag uusap tayo sa kusina eh”
sambit ni Inay
“oo nga
kasalanan natin ito” tugon ni Itay
“ha? Bakit
po?” tanong ko
“anak
habang nag uusap kasi kami ng Inay mo nung isang araw pa, nadulas kasi nanay mo
at natawag kang Jhun at napag usapan din namin tungkol sa pagkatao mo nang
biglang pumasok sa kusina si Grace pero
wala naman siya sinabi, ngayon alam na namin na narinig pala nya ang lahat, pasensya
ka na anak kasalanan namin ito.” Malungkot na tugon ni Itay.
“ganun po
ba? wag po kayo mag alala wala po kayong kasalanan lalabas at lalabas din naman
po ang totoo napaaga nga lang po” tugon ko
“ibig
sabihin planado pala ni Grace ang lahat, matagal na pala nyang alam ang lihim
mo pero talagang tinaon pa nya na ibunyag ang sikreto mo kung kailan napalapit
na sayo ng husto si Josh at Harvey para talagang magalit sila sayo, ibang klase
talaga kasamaan ng babaeng yan” galit na sambit ni Marie
“wag ka mag
alala anak bumalik nalang tayo sa isla mas masaya pa dun, at dun mo na din
ipagpatuloy ang pag aaral mo, ayaw na din naman namin dito pero anak konting
tiis nalang malapit na din naman kami makaipon ng itay mo sapat na yun para sa
pamasahe natin pabalik sa isla” si Inay
“talaga po
ba inay? Babalik na tayo ng isla?” tanong ko habang natuwa ako
“oo anak
pero konting tiis muna ha, pumasok ka parin sayang naman din kasi ang mga
matututunan mo sa eskwelahan” si Itay
“sige po”
tugon ko habang naka ngiti
Bigla naman
lumabas ng kanilang bahay si Mr. Villegas at nakita ako
“o nandito
pala yung magaling nyong anak, ano ang ginagawa mo dito?” galit na tanong ni
Mr. Villegas
“ahh
dinalaw ko lang po sila Inay at Itay papaalis na din po kami” tugon ko
Ngunit nang
magpapaalam na sana ako kila Inay at Itay ay bigla akong linapitan ni Mr.
Villegas
“alam mo ba
nang dahil sayo muntik na akong mapahamak kay Mr. dela Vega, kundi pa nasabi sa
akin ng anak ko ang tunay mong pagkatao eh hindi ko pa ito malalaman, totoo nga
sabi nila isa kang oportunista hindi ko alam kung ano meron sayo bakit tuwang
tuwa si Mr. dela Vega bukod sa kamukha mo lang ang yumao niyang anak, pero
ngayon pag nalaman niya ang totoo tingnan natin kung matutuwa pa rin siya sayo”
galit na sambit ni Mr. Villegas
Tumahimik
na lamang ako at yumuko, ngunit ang susunod na pangyayari ang ikinabigla ng
lahat
“kaya
lumayas ka dito sa pamamahay ko! “ sigaw ni Mr. Villegas habang tinulak ako ng
malakas
Malakas ang
pagkakatulak sa akin ni Mr. Villegas kaya natumba at bumagsak ako sa semento na
naging sanhi ng aking pagkaka sugat sa magkabilang siko
“sir! Tama
na po paalis na po ang anak ko wag nyo naman po siyang itulak” si Itay habang
tinutulungan akong tumayo
“wag kang
makialam ang trabaho mo ang gawin mo!” galit na tugon ni Mr. Villegas
agad agad
ako inilayo nila Inay at Itay pati narin sila Dindo at Marie ay inilayo ako
“wag na wag
ka na uli makakatungtong dito sa pamamahay ko” banta ni Mr. Villegas habang
papasok na siya sa kanyang bahay
Nung mga
oras na yun ay parang wala akong naramdamang takot o hiya, hindi ko alam ngunit
sa dinami dami siguro nang nangyari sa akin ay hindi na ako makaramdam ng
emosyon dahil siguro narin sa pilit na pagtatago ko ng aking nararamdaman.
Umiyak si Inay sa sobrang awa sa akin si Itay naman hindi maitatago sa kanyang
mukha ang sobrang galit sa ginawa sa akin ni Mr. Villegas.
“anak
hayaan mo maayos din ang lahat makakaalis din kami sa impyernong bahay na toh
konting tiis na lang at makakauwi na din tayo sa atin” si Inay habang umiiyak
at inaayos ang aking sarili
“Dindo,
Marie kayo na muna bahala sa anak namin ha, wag nyo siyang pababayaan” bilin ni
Itay
“opo Mang
Anton kami na po bahala sa kanya” tugon ni Dindo
Nilisan na
nga namin ang tahanan ng mga Villegas at umuwi sa dorm, habang naglalakad kami
ay kinausap ako nila Dindo at Marie
“ayos ka
lang ba Anghelo?” pag aalalang tanong ni Marie
“ayos lang
ako wag kayo mag alala” tugon ko
“wala ka
man lang kasi reaksyon kanina sa mga
sinabi at ginawa sayo ni Mr. Villegas” sambit ni Dindo
“di ko alam
pero parang manhid na ako sa dami sigurong problema na dumating sa aking buhay
parang maliit lang na bagay yung ginawa sa akin ni Mr. Villegas” tugon ko
“o Anghelo
mamimis ka namin pag umalis ka na, gusto sana naming sumama sayo pauwi ng
probinsya natin kaso sayang talaga itong scholarship eh” sambit ni Marie
“wala yun
mamimis ko din naman kayo saka ayoko naman masira pag aaral nyo dahil lang sa
akin saka sigurado naman ako magkikita kita parin naman tayo eh kaya wag kayong
mag alala” ngiti kong tugon
Nagdaan pa
ang mga araw at linggo ganun pa din ang naging trato nila Josh at Harvey sa
akin si Fatima naman kahit papaano ay ngumingiti na sa akin, pinabayaan ko na
lamang sila dahil alam ko kahit paulit ulit akong humingi ng tawad sa kanila ay
sarado na ang kanilang mga puso.
Samantala
sa tambayan nila Josh at Harvey kasama ang iba ko pang mga kaklase ay dumating
ang grupo ni Grace.
“anong
ginagawa nyo dito?” tanong ni Josh
“masama ba?
hindi ba magkakaibigan tayo lalo pa kami ang naging daan upang malaman nyo ang
tunay na motibo ng Anghelo na yun dapat pa nga nagpapasalamat kayo sa amin eh”
tugon ni Grace
“pwede ba
wag ka magbiro, hindi nangangahulugan na tinulungan nyo kami eh matatanggap na
namin kayo, baka akala nyo nakalimutan na namin ang mga pinag gagagawa nyo, eh
mas masahol pa nga kayo kay Anghelo eh” kaya pwede ba umalis na kayo galit na
tugon ni Harvey
“pero Josh,
Harvey ginawa lang naman namin yun dahil mga kaibigan nyo kami” paliwanag ni
Elton
“ano ba
pinagkaiba nyo kay Anghelo? Pareho lang naman kayo nagpapanggap mas nauna pa
nga lumabas ang tunay na kulay nyo kesa sa kanya eh kaya wag kayong
magmalaki” galit na tugon ni Josh
“pero”
magsasalita pa sana si Grace nang biglang magsalita si Fatima
“narinig nyo
sila hindi ba? malinaw naman ang gusto nilang mangyari kaya umalis na kayo
pwede?” galit na sambit ni Fatima
Wala nang
nagawa ang grupo ni Grace kundi lisanin ang tambayan nila Josh at Harvey,
natapos ang araw na puno pa din ako ng kalungkutan.
Samantala
sa opisina ni Papa habang papasok si Ms. Vasquez sa opisina ni Papa ay nakita
nyang lumabas mula doon si Mr. Villegas, pagpasok nya dito ay nakita nya si
Papa na nag iisip ng malalim
“ahh sir
siguro naman po alam nyo na yung tungkol kay Anghelo” sambit ni Ms. Vasquez
“oo nasabi
na sa akin lahat ni Mr. Villegas” tugon ni Papa
“totoo po
lahat ang nang narinig nyo hindi po siya ang tunay na Anghelo” paliwanag ni Ms.
Vasquez
“oo alam ko
yun” tugon ni Papa
“ahh sir
tatanggalin ko na po ba siya sa scholarship?” tanong ni Ms. Vasquez
“hindi
hayaan mo na muna” tugon ni Papa
“sige po
sir kayo po ang masusunod” tugon ni Ms. Vasquez habang papalabas na ng opisina
ni Papa
Pagkalabas
ni Ms. Vasquez ay agad tinawag ni Papa ang kanyang sekretarya
“Donna”
tawag ni Papa
“sir bakit
po?” tugon ng kanyang sekretarya
“wala pa
bang tawag galing sa private investigator?” tanong ni Papa
“sir wala
pa po eh” tugon ng kanyang sekretarya
“ganun ba?
o sige bumalik ka na sa ginagawa mo” si Papa
Samantala
sa penthouse nila Josh at Harvey habang nakaupo sa sala ang tatlo
“ahh guys
talaga bang hindi nyo na mapapatawad si Anghelo? Alam ko mali ang nagawa nya
maling mali pero sapat na ba talaga yun para kalimutan nyo yung mga masasayang
pinagsamahan nyo?” tanong ni Fatima
Sa sinabi
ni Fatima ay biglang napaisip si Josh at Harvey
“alam nyo
kahit naman siguro sa akin mangyari yun malamang ganun din ang gawin ko kung
kinabukasan at pag aaral ko ang nakataya dito matatakot din siguro ako sabihin
ang totoo” dagdag pa ni Fatima
“tama ka
Fatima naging mabait nga naman sa atin si Anghelo saka yun lang naman ang
nagawa nya sa atin, ang lahat na ay puro magagandang bagay naman, kaya hindi sapat yung kasalanan nya para
kalimutan nalang pagkakaibigan namin” tugon ni josh
“sang ayon
ako, kung iisipin mo nga naman naging tapat naman siya sa atin yung isang bagay
lang talagang yun ang nagawa nyang itago sa atin dapat kalimutan na nga natin
ang galit natin sa kanya” tugon ni Harvey
“o yan
ganyan dapat” masayang sambit ni Fatima
“ibang klase
talaga yang Anghelo na yan ano kaya gayuma pinainom niya sa atin hahaha”
natatawang sambit ni Josh
“oo nga tol
tama ka, pano kausapin nalang natin siya bukas” tugon ni Harvey
At yun nga
napagkasunduan nila na makipag ayos na sa akin, kinabukasan ay hindi na ako
pumasok sa eskwelahan, hinanap nila ako kila Dindo at Marie.
“guys
nakita nyo ba si Anghelo?” tanong ni Josh
“ahh wala
eh hindi siya pumasok ngayon may pinuntahan kasi siya” tugon ni Marie
“ganun ba?
kailangan kasi namin siyang makausap eh” tugon ni Harvey
“bukas baka
pumasok na siya, oo nga pala heto pala pinabibigay nya” si Dindo habang inaabot
ang cellphone na bigay nila sa akin
“ano ito
bakit nyo ibinabalik sa amin ito? Binigay na namin sa kanya iro ahh” si Harvey
“nahihiya
na kasi siya sa inyo, kaya kunin nyo na ulit, napakiusapan lang naman ako eh”
tugon ni Dindo
Ngunit
hindi pumayag sila Josh at Harvey sa halip ay ipinabalik nila ito sa akin.
“Pakisabi
nalang kay Anghelo gusto namin siya makausap ha saka pasensya na pala sa mga nasabi
namin dati” si Josh
“wala yun
ayos lang yun naiintindihan naman namin kayo eh, wag kayo mag alala sasabihin
nalang namin kay Anghelo pag nakita namin siya” ngiting tugon ni Marie
Samantala
sa aking kinaroroonan habang naglalakad lakad ako kahit hindi ko alam kung saan
ako pupunta basta makapagpalipas lang ng oras biglang may sasakyan na huminto
sa tapat ko, pagbukas nya ng bintana ay nakita ko si Kuya John
“o Anghelo
saan ka pupunta?” tanong ni Kuya John
“ahh kuya
ikaw pala, wala kahit saan lang, nagpapalipas lang naman ako ng oras eh” tugon
ko
“kumain ka
na ba? halika sakay ka na samahan mo ako mag lunch” aya ni Kuya John
Sumakay
nako, habang nagdadrive si kuya John ay kinausap nya ako
“saan ka ba
talaga pupunta? Tanghaling tanghali ahh di ba may pasok ka?” tanong ni Kuya
John
“hindi po
ako pumasok eh wala po kasi akong gana pumasok kaya nagpapalipas nalang po ako
ng oras” paliwanag ko
“mukhang
may problema ka nga, sige kain muna tayo” ngiting tugon ni Kuya John
Dinala nya
ako muli sa jey’s restaurant at gaya ng inaasahan nung makita nung manager at
mga waiter si kuya ay nagmamadali ang mga ito para alalayan kami, dinala nila
kami sa VIP area. Habang kumakain kami ni kuya ay kinausap ko siya
“kuya
siguro alam mo na talaga na hindi ako ang tunay na Anghelo hindi ba?” nahihiya
kong tanong
“ahh yun
ba? oo nasabi na nga sa akin ni Papa, wag ka mag alala hindi kita huhusgahan
alam ko at nararamdaman ko naman na mabuti kang tao kaya wag mo na isipin yun”
ngiting tugon ni Kuya John
“si Mr.
dela Vega po ba galit sa akin?” tanong ko
“hindi
naman, kasi kung naiintindihan kita sigurado ako mas naiintindihan ka ni Papa
saka kung galit yun edi sana pina cancel na nya yung scholarship mo pero hindi
nya ginawa” tugon ni Kuya John
“po? Hindi
po nya pina cancel scholarship ko?” tanong ko habang nagtataka
“hindi saka
wag mo na isipin yun, o sige na ubusin mo na yang pagkain mo” tugon ni Kuya
John
(Paki play
po) )(yung mga di po maka play “I’ll be there by Martin Nievera po)
<iframe
src="http://firesoul.opendrive.com/files/listen.php?file_id=49285057_0mTGp&autoplay=false"
height="35" width="370" style="border:0"
scrolling="no" frameborder="0"
allowtransparency="true"></iframe>
Natapos
kami kumain at ihinatid nya ako sa dorm habang nakatayo siya sa may kotse nya
at hinihintay nya akong makapasok sa dorm, nung nasa may pinto na ako ng dorm ay
bigla akong tumakbo pabalik sa kanya at niyakap siya ng mahigpit at humagulgol
ako
“sige lang
umiyak ka, ilabas mo lahat yan” si Kuya habang yakap ako at hinihimas ang aking
buhok
“pasensya
na po kuya hindi ko na po kasi kaya eh, ang sakit sakit po kasi talaga eh”
sambit ko habang umiiyak ako
“alam ko
nasasaktan ka, wag ka mag alala andito lang ako hindi kita iiwan hanggat di mo
nailalabas lahat ng iyong kalungkutan” si Kuya John habang patuloy ang yakap sa
akin
Nung mga
oras na yun habang yakap ko si Kuya John naramdaman ko kung ano ang naramdaman
ko habang yakap ko si Kuya Justin, parang ayaw ko nang bumitaw nung mga oras na
yun at umiyak ng umiyak na lamang parang naramdaman ko ang pagmamahal ng isang
kuya sa matagal nang nawalay na kapatid, hindi ko maintindihan pero biglang
gumaan ang aking pakiramdam. Makalipas ang ilang minuto ay tumigil na din ako
sa pag iyak
“ano ayos
ka na ba?” ngiting tanong ni Kuya John
“opo kuya
salamat po” tugon ko
“o sige
basta kung kailangan mo ng malalabasan ng sama ng loob tawagan mo lang ako”
ngiting tugon ni Kuya John
(paki stop
na po)( maganda po tapusin nyo yung kanta :))
Pumasok na
ako sa dorm at umalis na din si Kuya John, nakatulog ako sa sobrang iyak ko
pagkagising ko ay nandoon na si Dindo.
“o Anghelo
kamusta ka na?” tanong ni Dindo
“ayos lang
ako” tugon ko
“heto nga
pala yung cellphone hindi kasi nila tinanggap saka mukhang gusto ka nilang
makausap eh” sambit ni Dindo
“ahh ganun
ba? sige salamat ha” tugon ko
Samantala
kinagabihan habang kumakain ang aking pamilya...
“o John
bakit kanina ka pa walang imik diyan?” tanong ni Kuya Justin
“may
problema ka ba anak?” tanong ni Papa
“kasama ko
kasi kanina si Anghelo sobrang lungkot nya niyakap nya ako at iyak siya ng
iyak, alam mo kuya, naramdaman ko din yung naramdaman mo nung yakap mo siya
parang si jey yung yakap ko hindi ko alam pero bumilis bigla ang pintig ng puso
ko nung mga oras na yun” paliwanag ni Kuya John
Muli ay
napaisip si Papa at di na lamang ito umimik.
Sa bahay
naman ng mga Villegas habang kumakain sila...
“hon bukas
na ang kaarawan ni Mr. dela Vega dapat maganda ang ayos natin I heard madaming
mga kilalang tao at politiko ang mga darating sa araw na yun” sambit ni Mrs.
Villegas
“siyempre
pahuhuli ba tayo eh halos lahat yata ng mga mayayaman dito sa maynila eh dadalo
sa kaarawan ni Chairman” ngiting tugon ni Mr. Villegas
“Naku
gagandahan ko talaga ang suot ko baka sakali bumalik ang pagtingin ni Harvey sa
akin” sambit naman ni Grace
“Lisa iha
paganda ka ha malay mo yung kaarawan na yun maging engagement party na din
malay mo bukas mag propose na sayo si Justin” biro ng kanilang ina
“ikaw
talaga ma puro ka biro pero wag kayo mag alala nakahanda na ang lahat ng aking
susuotin” tugon ni Lisa
Kinabukasan
ay hindi nanaman ako pumasok para makapaghanap ng ireregalo sa kaarawan ni Papa
mamayang gabi
“Guys hindi
parin ba papasok si Anghelo?” tanong nila Josh at Harvey
“hindi eh
naghahanap kasi ng ireregalo para sa kaarawan mamaya ni Mr. dela Vega” tugon ni
Marie
“ahh ganun
ba? o sige kausapin nalang namin siya mamaya sa kaarawan ni tito wil” tugon ni
Harvey
Samantala
ay patuloy pa din akong ikot ng ikot sa mall naghahanap ng ipangreregalo kay
papa, ngunit halos lahat ng mga napipili ko ay may kamahalan, kaunti lang kasi
ang pera ko kaya hindi ko ito mabili, naupo nalang ako sa isang tabi at nag
isip, makalipas ang ilang minuto ay may naisip ako at sana magustuhan nya yun.
“tama yun
nalang” sambit ko sa aking sarili
Dumating
ang oras ng party halos lahat ng mayayaman at mga kilalang personalidad ay
dumalo sa pagtitipon, pati mga kaklase ko dati nung highschool ay kumpleto din
halos lahat na yata ng tao na naging parte ng buhay ko ay dumalo sa pagtitipon.
“bat wala
pa si Anghelo?” tanong ni Josh
“hindi ko
alam eh pero baka parating na yun” tugon ni Dindo
“sige
hintayin nalang namin siya” si Harvey
Dumating
din ang pamilya Villegas kasama ni Grace sila Kate, Elton at Luke at linapitan
nila ang grupo nila Josh at Harvey
“hi guys
tara dun nalang tayo sa isang table” aya ni Grace
“hindi ka
ba talaga maka intindi? Ayaw namin sayo” inis na tugon ni Fatima
“hanggang
ngayon ba naman galit parin kayo sa amin? Kalimutan nalang natin ang lahat”
pakiusap ni Elton
“pwede ba
wala kami sa mood makipag lokohan sa inyo kaya iwan nyo nalang kami” tugon ni
Harvey
Wala na din
nagawa ng grupo ni Grace kundi iwanan ang grupo nila Josh at Harvey, puro
kasiyahan kantahan at sayawan ang nangyari halos nakalahati na ang programa
ngunit hindi pa rin ako dumarating.
“wala pa
rin ba si Anghelo?” tanong ni Harvey
“wala parin
eh di ko pa siya nakikita” tugon ni Marie
Magsasalita
na sana si Josh nang biglang lumabas ako sa stage kung nasaan ang orchestra at
banda. Napatingin lahat ng nasa pagtitipon sa akin kabilang na sila Papa, Kuya
John, Kuya Justin, Josh, Harvey, Fatima, Beth, Tom, Dindo, Marie at ang mga
naging kaklase ko pati narin ang pamilya Villegas at grupo ni Grace.
Nagsalita
ako sa stage..
“Mr. dela
Vega una po sa lahat gusto kong humingi ng paumanhin dahil sa nagawa kong
pagsisinungaling sa aking tunay na pagkatao, napakabuti nyo po sa akin para
sirain ko lang po ang inyong pagtitiwala, sasabihin ko na po ang totoo, tama po
kayo hindi nga po Anghelo ang aking tunay na pangalan hindi rin po Jhun, hindi
nga po ako tunay na anak nila Inay at Itay nagawa ko lang po magpanggap na anak
nila para makapag aral kasi ang totoo po niyan matagal po daw kasi ang pag
proseso ng dokumento sa mga katulad ko na hindi maalala ang nakaraan.”
Paliwanag ko
Nagulat
sila Papa, Kuya, Josh, Harvey, Fatima at mga dati kong kaklase sa kanilang mga narinig
“tama po
kayo hindi ko po kasi talaga maalala ang aking nakaraan, kaya pasensya na po
kayo kung hindi ko maibibigay sa inyo ang tunay kong pangalan kasi hindi ko din
po talaga alam kung ano ang tunay kong pangalan,” malungkot kong paliwanag
“natagpuan
po ako nila Inay at Itay sa may dalampasigan sa isla isabel na walang malay
tinulungan po nila ako at kinupkop at itinuring na parang tunay na anak, nung
makuha po ako sa scholarship ng dela Vega foundation natuwa po kami dahil
makakabalik na po ako ng Maynila at maaari ko na pong mahanap ang aking tunay
na pamilya. Mr. dela Vega alam nyo po kahit sandali lang po tayong nagkasama
itinuring ko na po kayong parang tunay na ama kaya dahil po diyan gusto ko pong
i alay sa inyo itong paboritong awit ng inyong yumaong asawa gaya po ng naikwento
niyo po sa akin dati na lagi din ito inaawit ng bunso nyong anak, pasensya na
po kayo wala po kasi talaga akong pera pambili ng regalo kaya heto lang po ang
maiaalay ko para sa inyo sana po magustuhan nyo.” Sambit ko habang naghahanda sa
pag awit
At dun na
nga ay nagsimula ng tumugtog ang orchestra at nagsimula na akong umawit.
(Paki Play
po)
Ikaw lamang
ang tangi kong iniisip
ang lagi kong panaginip
tayong dalawa aylaging nagmamahalan
pangarap ko
na kailan ma'y 'di maglaho
ang pag-ibig kong ito
pagka't hinding-hindi ko makakayang mawalay sa'yo
ikaw lamang ang buhay ko
sana nama'y pakinggan mo
ang puso ko na mayroong sinasabi
Chorus:
ikaw lamang
ang tangi kong minamahal
ang lagi kong dinarasal
sana'y habangbuhay tayong magkasama
ang puso ko'y
ibibigaylamang sa'yo
ito ang aking pangako
mula ngayon hanggang magpakailan pa man..
ikaw lamang..
ikaw lamang ang buhay ko
sana giliw pakinggan mo
ang puso ko na mayroong sinasabi..
repeat chorus:
ikaw lamang
ang tangi kong iniisip
ang lagi kong panaginip
tayong dalawa aylaging nagmamahalan
pangarap ko
na kailan ma'y 'di maglaho
ang pag-ibig kong ito
pagka't hinding-hindi ko makakayang mawalay sa'yo
ikaw lamang ang buhay ko
sana nama'y pakinggan mo
ang puso ko na mayroong sinasabi
Chorus:
ikaw lamang
ang tangi kong minamahal
ang lagi kong dinarasal
sana'y habangbuhay tayong magkasama
ang puso ko'y
ibibigaylamang sa'yo
ito ang aking pangako
mula ngayon hanggang magpakailan pa man..
ikaw lamang..
ikaw lamang ang buhay ko
sana giliw pakinggan mo
ang puso ko na mayroong sinasabi..
repeat chorus:
ikaw lamang
Habang ako ay umaawit ay napuno ng iyakan sa pagtitipon
“a-ang tinig na yun hindi ako
maaaring magkamali, ang anak ko” si Papa
habang tumutulo ang mga luha
Biglang humagulgol sila Kuya pati na
din si Josh, Harvey at Fatima nung marinig nila ang aking tinig
Itutuloy...
No comments :
Post a Comment