Total Pageviews

Wednesday, 1 April 2015

Sa Aking Paglisan part 15



Hello readers heto na po yung part 15 by the way wag nyo na po muna isipin kung bakit heto ang title ng kwento malalaman nyo din po yung sagot, besides wala pang tumatama sa mga hula nyo hehehe

Nais ko po uling pasalamatan sina Jay, R.J., zekie, jayfinpa, Mars, Rue, ernes_aka_jun, darkboy13, dada, marclestermanila, wastedup, j.v, kokey, mcfrancis, blue, migz, Pink 5ive, kenrei_yu, Dave17, sfgiants, ram, David Thaddeus, Jhae17 , nate, brokenarmor, ron ron, russ, Marc, mat_dxb at sa lahat po ng anonymous na nag comment.

Pa rate lang po saka comment ha, mabasa ko lang po mga reactions nyo masaya na po talaga ako salamat po uli :)


_______________________________________

Sa Aking Paglisan part 15

At ganun na nga ang nangyari kailangan naming mag commute papuntang Ilocos Norte, tinawagan ni Josh si Ben isa sa mga kaklase namin na tubong Ilocos Norte, tinanong nya kung ano ang mga sasakyan papuntang Ilocos Norte.

“guys nakausap ko na si Ben sakay daw tayo jeep papuntang bus terminal” si Josh

“andami kayang jeep alin ba diyan?” tanong ko

“basta ipagtanong daw natin yung mga dumadaan sa terminal ng bus” si Josh

Napagtanungan namin ang isang mama na dumadaan at sinabi naman nya sa amin kung anong jeep ang dapat sakyan, pagsakay namin sa Jeep umupo ako sa pinaka gilid sa tabi ng pinto at si Josh at Harvey naman ay sa may looban.

“Jey dito ka na” si Harvey habang tinatawag ako para tumabi sa kanila

“dito nalang ako para nakikita ko ang view” tutol ko

“sige ka baka ma holdap ka diyan” pananakot ni Josh

“wala naman sila makukuha sa akin” natatawa kong tugon

Nakarating na kami sa terminal ng bus subalit minalas kami dahil kakaalis lang ng bus papuntang Ilocos Norte. Nakausap namin isa sa mga nagtatrabaho sa terminal at sinabihan kami na kung gusto daw namin eh yung papuntang Vigan para dalawang oras lang ang hihintayin namin tapos sumakay nalang daw kami uli ng bus doon papuntang Ilocos Norte. At yun na nga wala kami nagawa kundi maupo nalang at maghintay na lamang.

“Naku dalawang oras pa hihintayin natin ang malas naman” reklamo ko

Di naman ako pinansin nung dalawa kasi busy sila kakapanood ng mga chicks na dumadaan.

“aba at talagang inisnab ako” bulong ko sa aking sarili

“Jey bat di mo kami gayahin tingnan mo mga chicks oh ang seseksi” pang aasar ni Harvey

“oo Jey mamili ka na baka isa diyan maging first girlfriend mo” dagdag pa ni Josh habang natatawa

“eew” tugon ko na parang diring diri

Medyo nagugutom ako nung mga oras na yun kaya nagpaalam muna ako sa dalawa na bibili lang ng makakain.

“huy bili lang ako ng makakain ha nagugutom kasi ako eh” paalam ko sa kanila

Pero mukhang di yata ako narinig nang dalawang mokong kaya pinabayaan ko nalang at iniwan nalang sila. Pagbalik ko

“Jey san ka ba nagpunta?” alalang tanong ni Harvey

“bumili ng makakain nagugutom kasi ako” tugon ko

“bat di ka man lang nagpaalam? Nag aalala kami sayo” tanong ni Josh

“nagpaalam kaya ako eh masyado kayong busy sa ginagawa niyo baka di nyo lang ako narinig” paliwanag ko

“o sige sige na, teka binili mo din ba kami nagugutom na din kami” tanong ni Harvey

“oo naman ano kala mo sakin madamot hehe” biro ko kay Harvey

Dumating ang oras ng pag alis ng bus, nauna si Josh at Harvey sa pagsakay at umupo sila sa bandang unahan sa kaliwa ng bus kung saan pedeng tatlo ang umupo, ako naman ay umupo sa may likuran nila sa tabi ng bintana.

“Jey dito ka na umupo para tabi tabi tayo” si Josh na pinapalipat ako

“eh gusto ko sa may bintana nahihilo kasi ako pag hindi ko nakikita paligid” tugon ko

“hayaan mo na yan ang tigas ng ulo” inis na tugon ni Harvey

Akala ko hindi mapupuno ang bus pero napuno ito at yung ibang pasahero ay tumatabi na sa akin.

Dun na nag umpisang magalit si Harvey sa akin

“ano ba Jey dito ka na sabi eh” galit na wika ni Harvey

Nataranta naman ako at agad agad ako lumipat sa tabi nila

“sungit nito” pabulong ko

“eh ikaw eh umaandar nanaman yang katigasan ng ulo mo” tugon ni Harvey na halatang naiinis pa rin

Natatawa nalang si Josh sa amin, pinaupo nila ako sa tabi ng bintana katabi si Harvey at si Josh naman ay sa may dulo. Makalipas ang dalawang oras ay dinatnan ako ng antok kaya natulog nalang muna ako sa biyahe. Sa mga sasakyan madali naman ako nakakatulog hindi tulad pag nasa ibang lugar kami na pahirapan talaga ako sa pagtulog, sinandal ko ang aking ulo sa may bintana at madali naman ako nakatulog. Medyo malubak ang daan kaya nauumpog ang aking ulo pero di ko na nararamdaman yun  dahil sa himbing nang aking pag tulog. Kinuha naman ni Harvey ang aking ulo at ipinatong sa kanyang balikat.

“si Jey talaga nauumpog na nga siya di parin nagigising” mahinang sambit ni Josh habang natatawa

“oo ganyan kasi katigas ang ulo niyan kaya di talaga niya mararamdan” tugon naman ni harvey habang natatawa din

Pagsapit nang alas dose nang tanghali ay nag stop over muna ang bus para makapag lunch muna ang mga pasahero agad naman ako ginisng nila Josh at Harvey

“Jey gising na” si Harvey habang tinatapik ang pisngi ko

“nasa Vigan na ba tayo?” inaantok kong tanong habang nakasandal pa din ako sa balikat ni Harvey

“Lunch muna tayo Jey” tugon ni Josh

“ahh sige kayo nalang busog pa ako” tanggi ko habang papikit ko na ulit ang aking mga mata

Bigla nalang ako hinila ng dalawa, kaya wala na din ako nagawa kundi sumunod. Habang kumakain kami medyo wala akong gana dahil sa inaatok pa ako.

“Kain ka na Jey alalahanin mo di tayo nakapag alumusal kanina saka merienda lang kinain natin kanina” si Josh habang pinipilit ako kumain

“subuan nyo nalang ako di ko kasi maigalaw mga kamay ko eh” pang aasar ko

“sus ang arte mo nanaman ha, wala ka namang sakit nag iinarte ka lang” tugon ni Harvey

“oo na kakain na, sungit” pabulong kong tugon

“ano?” tanong ni Harvey

“wala sabi ko type kayo nung mga bading sa kabilang table kanina pa kasi nakatingin sa inyo” sabay turo ko na medyo natatawa

May dalawang bading kasi sa kabilang table tingin nang tingin sa direksyon namin halatang nagagwapuhan kila Josh at Harvey

“ikaw talaga Jey kung ano ano nakikita mo pabayaan mo lang sila” si Josh

“hmmm” habang nag iisip ako

“o o hayan ka nanaman Jey may binabalak ka nanamang kalokohan alam ko yang paganyan ganyan mo” si Harvey habang nakatingin sakin ng seryoso.

“hindi ahh ano naman gagawin ko” palusot ko

Natapos ang aming lunch at dumiretso na kami sa bus, pinaupo nila ako sa gitna nila, habang naghihintay kami biglang dumating yung dalawang bading at umupo sa katapat naming upuan. As usual tingin nanaman ng tingin sa dako namin, hindi na yata nakapag pigil yung isa nang biglang kausapin si Josh.

“Hi I’m Abby and this is Mitch, may I know your name?” bati nya kay Josh sabay abot ng kamay

“aba talagang Abby and Mitch ang pangalan nila talagang pinanindigan nila” natatawang bulong ko kila Harvey

“Hi, Josh here” tugon ni Josh pero kinawayan lang nya

“eh how about that Guy over there what’s his name” sabay turo kay Harvey ni Mitch

“sabihin mo tulog ako” pabulong na wika ni Harvey habang nagtutulog tulugan

“ahh eh siya nalang tanungin nyo, kaso natutulog pala eh” palusot ni Josh

“anywayz ang cute naman ng name mo, may girl friend ka na ba?” tanong ni Abby

“aba getting personal agad ang lola” natatawa kong bulong sa aking sarili

“wala eh pero kasama ko ngayon shota ko” si Josh sabay hila sa akin para iharap sa kanila

“huh?” tugon ko

“basta maki ride ka nalang Jey” bulong sa akin ni Josh

“ay yoko nga out ako diyan ha” pabulong na pagtanggi ko

“ows di nga? niloloko mo lang yata kami eh” ngiti ni Trisha

“hindi ahh, totoo yung sinasabi ko” ngiti din ni Josh tapos bigla akong hinalikan sa pisngi sabay yakap kunwari sa akin

“ahh ok” tugon ni Abby na sumimangot sabay tayo at bumalik na din sila sa mga dati nilang upuan

Samantala di parin matigil sa kakatawa si Harvey

“ang lakas ng trip mo tol” sambit ni Harvey sabay apir kay Josh habang wala parin sila tigil sa kakatawa

“eew kadiri ka” inis kong tugon habang pinupunasan ko pisngi ko

“arte mo ha parang di moko best friend” si Josh habang natatawa pa din

“tseh first kiss ko yun shet” pagdadrama ko

“bakit gusto mo pa ng second kiss?” sabay lapit ni Harvey sa kanyang mukha at hahalikan ako kunwari

“ahh sige subukan mo para ibigay ko kay wendell yung no. mo” pang aasar ko kay Harvey

“ahh loko ka ha subukan mo lang para di ka na magising” sabay kiliti nanaman sa akin ni Harvey

“hahahaha” malakas kong tawa na nagpatingin sa ibang pasahero sa amin

“huy tama na yan nakakahiya pinagtitinginan na tayo oh” si Josh habang natatawa sa amin

(Note: kung nabasa nyo yung Chapter 10 malalaman nyo kung sino si Wendell)

Natulog nalang kami sa biyahe matapos ang ilang oras ay nakarating na kami sa Vigan, pero ginabi na kami at kinailangan nalang namin magpalipas ng gabi sa isang Hotel.

“guys bukas nalang natin tuloy ang biyahe delikado na kasi eh tutal bukas pa naman ng hapon start ng retreat natin aabot pa tayo” paliwanag ni Josh

“yeah I agree hanap nalang tayo ng Hotel na matutuluyan” dagdag pa ni Harvey

“underage kaya tayo noh baka di tayo payagan” tugon ko

“Dun nalang tayo sa mga di maselan tutal mukhang papasa na tayo sa pagiging 18 hehe” biro ni Josh

“kayo lang coz I’m still young” pang aasar ko

“asa ka naman” si harvey habang biglang hinawakan ako sa leeg para kilitiin uli

“wahahahaha wag na tama suko nako” pagmamakaaawa ko sa kanya habang tawa ako ng tawa

Nakahanap kami ng Hotel pero di yun ganun kaganda sa katunayan nga ang daming kulang sa loob. Pagpasok namin sa kwarto ay may dalawang kama isang malaki at isang maliit, dahil sa sobra ko nang pagod agad nako naghilamos at humiga sa maliit na kama sa oras na yun ay hindi nako sinumpong nang pamamahay ko gawa nang sobrang pagod, agad agad din akong nakatulog di narin ako nakapag dinner.

“tingnan mo toh natulog na agad di pa tayo nagdidinner eh” sambit ni Josh kay Harvey

“Hayaan mo na alam mo namang ayaw nagbibiyahe nyan eh saka pagod na pagod na sya” tugon naman ni Harvey

Lumabas sila at nagdinner, pagbalik nila ay nadatnan nila ako na namamaluktot sa lamig gawa nang wala din kasi kumot yung kwarto namin sa hotel.

“Jey lipat ka na dun sa amin nilalamig ka eh” bulong ni Harvey sabay tapik nang mahina sa akin

Pero di parin ako nagising kaya binuhat na lamang ako ni Harvey papunta sa kama nila, niyakap naman ako ni Josh para hindi ako lamigin. Nagising ako ng madaling araw na nasa gitna ni Josh at Harvey habang sila ay mahimbing na natutulog, naiihi nako nung mga oras na yun kaya ginising ko si Harvey

“Harvey huy” mahina kong sambit habang tinatapik sya

“ano?” tugon ni Harvey na halatang inaantok pa

“samahan moko naiihi nako eh” mahina kong pakiusap kay Harvey

“ikaw na andyan lang CR eh” pagtanggi ni Harvey na nakapikit pa din

“ayoko natatakot ako madilim eh” pamimilit ko

“Hay Jey sige na nga para kang bata” sabay tayo ni Harvey at sinamahan nga ako sa CR

Pagkatapos ko umihi ay bumalik na kami sa higaan

“patayin na natin aircon ang lamig eh” pakiusap ko

“wag binayaran natin yan swerte naman nila, hinaan mo nalang” tugon ni Harvey

“yan na kaya pinakamahina” tugon ko

“halika nalang dito” si Harvey habang pinapalapit ako

Niyakap nalang ako ni Harvey para di ako lamigin at nakatulog naman agad ako. Kinabukasan pagkagising ko ay yakap parin ako ni Harvey.

“waaaaaaaaaaaaaa” sigaw ko na nagpagising sa dalawa

“Jey bakit?” tarantang tanong nila

“wala lang feel ko lang” pang aasar ko sa kanila

Sabay hampas nila sa akin ng unan.

“Ano ba Jey inaantok pa kami eh” reklamo ni Josh

“gising na kayo 7am na nasa Vigan tayo remember maganda dito libutin muna natin mga ancestral homes” excited kong tugon

“ok ok sige na para matahimik ka na” si Harvey habang nag uunat nang katawan

Pagkalabas namin sa Hotel ay para kaming mga batang nagtatakbuhan at naghahabulan, kung saan saan kami nagpunta at nagpa picture, matapos ang maikling pamamasyal ay niyaya na nila akong mag almusal

“guys tara almusal na tayo dun nalang sa Jollibee” yaya ni Harvey

“sige kayo nalang di pa ako nagugutom libutin ko lang mga tindahan dito” tugon ko

“loko ka Jey ha, ni hindi ka nga nag dinner kagabi tapos di ka nanaman mag aalmusal baka kung mapano ka na niyan” alalang tugon ni Josh

“sapukin kaya kita diyan” inis na tugon ni Harvey

“o cool lang kayo sige na kakain nako” tugon ko

Natapos kami mag almusal at mag check out sa hotel at dumiretso na kami papuntang Bus Terminal. Nakasakay na kami ng bus at agad naman tinawagan ni Josh ang aming adviser at sinabing papunta na kami, susunduin na rin daw nila kami pagdating namin sa Laoag. Habang nasa biyahe kami kinausap ko sila Josh at Harvey

“Guys diba may kasama pa tayong isang section sa retreat sino kaya yun?” tanong ko sa kanila

“no idea din ako wala naman kasi nasabi si sir” tugon ni Harvey

“wala din ako alam malalaman din natin yan mamaya” tugon naman ni Josh

Nakarating na kami sa bayan at nakita namin sila sir at iba pa naming kaklase kasama si fatima na naghihintay sa amin.

“o buti di kayo naligaw” bati ng aming adviser

“di naman po sir may napapagtanungan naman kasi” ngiting tugon ni Josh

“waaa Jey I miss you!” sabay yakap sa akin ni Fatima

“gaga di kita na miss” pang aasar ko

“tseh” tugon naman ni Fatima

Pagdating namin sa retreat house ay nagulat ako sa aking dinatnan

“Ikaw?? Ay sus pag minamalas nga naman” asar kong sambit

Itutuloy...

No comments :

Post a Comment