Sa Aking Pagbabalik part 16
(Paki play po)
“Anak ikaw nga ba talaga yan?” si Itay
habang naluluha, nilapitan si Anghelo at hinaplos ang pisngi nito
“opo Itay ako nga po ito” si Anghelo habang
lumuluha
Dahang dahang lumapit din si Inay at
hinawakan ang mukha ni Anghelo
“anak ko, ikaw nga ang anak ko” si Inay
habang iyak ng iyak
Bigla namang niyakap ng sabay ni Anghelo ang
mga magulang nya
“Nay, Tay patawarin nyo po ako ngayon lang
po ako nakabalik hindi ko po kasi alam patawarin nyo po ako” si Anghelo habang
iyak ng iyak
“anak san ka ba nagpunta bakit ngayon ka
lang nagpakita? Napakalungkot namin nung inakala naming wala ka na” si Itay
habang naka yakap kay Anghelo
“wag po kayo mag alala hinding hindi ko na
po kayo uli iiwan” tugon ni Anghelo habang nakayakap sa kanyang mga magulang
Napuno ng emosyon ang paligid nung mga oras
na yun, pati ako ay naluluha sa pagkakabuo ng kanilang pamilya, linapitan naman
ako ni Papa at inakbayan
“Jey anak I’m so proud of you” sambit ni
Papa
“kaunti lang po ang naitulong ko kumpara po
sa naitulong nila sa akin” tugon ko
“kung hindi dahil sayo hindi mabubuo ang
pamilya nila” tugon ni papa habang naka akbay sa akin
Pumasok na ang buo nilang pamilya sa loob
para makapag usap silang tatlo ng masinsinan kami naman ay nagpaiwan na muna sa
labas at naglakad lakad muna sa may dalampasigan ayaw kasi namin maka istorbo
muna sa pamilya nila. Sila Marie at Dindo ay umuwi na muna sa kanila, dinala ko
naman sila Papa sa parte ng dalampasigan kung saan ako natagpuan nila Inay at
Itay.
(Paki stop na po)
“dito po ako natagpuan nila Inay at Itay na
walang malay” sabay turo ko sa lugar
“grabe Jey buti ganun lang nangyari sayo,
pano mo aakalain na dito ka lang mapapadpad” tugon ni Fatima
“puro sugat lang ako sa ulo nun, pero dinala
ako nila Inay at Itay sa bahay nila para gamutin” paliwanag ko
“kung alam lang namin na dito ka lang
napadpad pumunta na sana kami agad dito” tugon ni Harvey
“eh inassume nyo kasi agad na patay nako
dahil sa bracelet na toh” tugon ko
“pasensya ka na Jey, hindi kasi namin talaga
kaya tingnan yung bangkay na inakala naming ikaw, ang sakit sakit kasi samin
nung mga panahong yun” paliwanag ni Kuya John
“ok lang yun kuya wala naman ako sinisisi sa
katunayan nga nyan masaya ako dahil nakilala ko sila Inay at Itay pati narin
sila Dindo at Marie, naging mababait din sa akin yung mga taga rito” tugon ko
Bigla naman ako binasa nila kuya at Josh,
kaya nakipaglaro narin ako, para nga kaming mga batang naghahabulan.
“hoy wag ako bago sapatos ko noh” sambit ni
Fatima
“eh sino ba kasing nagsabi na mag sapatos ka
sa beach” tugon ni Harvey habang nakikipaglaro na din sa amin.
Natatawa na lamang sila Papa sa amin dahil
para nga kaming mga bata, maya maya pa ay dumating na sila Inay at Itay kasama
si Anghelo pati narin sila Dindo at Marie kasama yata buong mga taga Isla.
Nilapitan nila kami at ipinakilala ko sila Inay at Itay kila Papa pati narin
kila Josh.
“Inay, Itay heto nga po pala si Papa, si
Kuya Justin panganay kong kapatid, si Kuya John yung gitna tapos heto po mga
matalik kong kaibigan si Josh, Harvey at Fatima” pagpapakilala ko
“naku sir pasensya na po hindi man namin
kayo masyadong naasikaso kanina masyado kasi kaming nagalak sa pagbabalik ng
anak namin” paliwanag ni Itay habang naka akbay kay Anghelo
“walang anuman yun kahit naman sinong mga
magulang na nawalay ng matagal sa anak ganun din sigurado gagawin, nung malaman
ko nga na tama hinala ko na si Jey nga yung anak ko nung kaarawan ko, halos
nakalimutan ko nang magpaalam sa aking mga bisita sa sobrang pananabik sa anak
ko” paliwanag ni Papa habang naka akbay sa akin
Nagpakilala at nagpasalamat din kay Papa mga
magulang ni Marie at Dindo pati nga mga taong taga isla na kasama nila ay isa
isang nagpakilala kay Papa.
“ikaw kasi Marie pinagkalat mo pa eh sabi ko
na sayo ilihim nalang natin eh” sambit ni Dindo
“nakalimutan kong napaka daldal nga pala ni
Elena, hayan tuloy nalaman ng buong bario na kasama natin si Mr. dela Vega” si
Marie habang nagsisisi
“bakit kilala ba nila si Papa?” tanong ni
Kuya John
“ahh kuya nakalimutan ko nga pala sabihin
napaka big deal kasi dito sa bario yung dela Vega foundation, halos lahat yata
na mag kokolehiyo dito yun ang pinapangarap makuha kaso mailap din kasi dito
yang scholarship hindi lahat sinuswerte buti na nga lang sinwerte kami nila
Marie, kaya ganyan nalang reaksyon nila nung malaman nilang si Papa ang may ari”
paliwanag ko
“bakit hindi ba merong kolehiyo dun sa bayan
kung saan kayo nag aral nila Marie?” tanong ni Kuya Justin
“opo kuya pero bihira din kasi nakakapag
kolehiyo dito kahit naman kasi pampublikong eskwelahan yun magastos pa din kaya
karaniwan na dito na pagkatapos ng highschool tumutulong na lamang sila sa mga
magulang nila, di tulad pag nakuha mo scholarship sa dela Vega foundation hindi
mo na kailangan pa problemahin kung san kukuha ng pang gastos dahil pati
allowance, tirahan at iba pang expenses sagot na nung foundation, kaya pag
nakakuha sila ng ganun dito para na din silang tumama sa lotto” paliwanag ko
“nakakaawa naman pala sila” tugon ni Fatima
“oo nga, tingnan mo Jey maswerte ka pa din
kaya nakuha ka sa scholarship kundi dahil dun malamang hindi ka pa nakabalik sa
amin” tugon ni Harvey
“oo nga eh kung may maitutulong lang talaga
ako sa mga taga rito” tugon ko
“ako na bahala anak uutusan ko si Ms.
Vasquez na magpadala ng mga application form dito, para kahit dun man lang
makaganti tayo sa mga kabutihan ng mga taga rito sayo” tugon ni Papa
“naku Papa salamat po alam ko malaki po
maitutulong nun sa pamilya ng mga taga rito” tugon ko
Bigla namang natuwa ang mga taga roon nung malaman
nila ang balak ni Papa, inanyayahan kaming mag hapunan nila Inay at Itay sa
bahay. Habang kumakain...
“Inay, Itay bat nyo naman po ako iniwan
hinanap ko po kayo kinabukasan ahh” tanong ko
“nakakahiya na kasi anak nung pinalayas kasi
kami sinabi din nila sa amin na nakita mo na tunay mong pamilya, ayaw na namin
bigyan ka pa ng alalahanin kaya di na kami nagpaalam pa pero masayang masaya
talaga kami para sayo nung mga panahong yun” tugon ni Inay
“di naman po ako lubos na magiging masaya
pag wala kayo eh” malungkot kong tugon
“ikaw naman anak wag ka na malungkot ang
importante magkikita kita pa naman tayo eh” tugon ni Itay
“siya nga pala pasensya na kayo ha heto lang
naihanda namin hindi kasi namin alam na darating kayo eh” paliwanag ni Inay
“ang dami na nga po nito eh” tugon ni Fatima
“Inay naman kaya nga po sorpresa eh” tugon
ni Anghelo habang natatawa
“naku heto talagang anak ko, pero humanda
talaga yang tiya mo sa akin pag nakita ko siya” inis na tugon ni Inay
“hayaan nyo na po inay ang importante po
magkakasama na tayo” tugon ni Anghelo
Ikinwento din namin ang nangyari sa pamilya
Villegas
“grabe naman pala talaga yung pamilyang yun,
ayos lang sana kung kami nalang sinasaktan nila dati kaso pati itong si jey
sinasaktan nila, saka sa mga ginawa ni Mr. Villegas sa kumpanya nyo nararapat
lang ang nangyari sa kanila” tugon ni Itay
“hayaan nyo na po yun pinagbayaran na din naman
nila lahat ng mga ginawa nila sa atin” tugon ko
Gabi na nung matapos ang kwentuhan,
nagpaalam na kami kila Inay at Itay
“Bat di nalang po kasi kayo sumama sa amin
pabalik ng Maynila” pangungulit ko sa kanila
“wag na anak masaya na kami dito, saka gusto
din naming magkasama samang buong pamilya dito matagal na din kasi nawalay
itong anak namin sa amin eh” tugon ni Inay
“eh pano ka Anghelo? hindi ba nag aaral ka
doon?” tanong ko
“dito ko na muna ipagpapatuloy ang pag aaral
ko gusto ko din kasi makasama muna ng matagal sila Inay at Itay wag ka mag
alala kung babalik ako ng maynila, una kong ipapaalam sayo” tugon ni Anghelo
“o sige po hindi ko na po kayo pipilitin
pero tutulungan ko pa rin po kayo ha, wag po kayo tatanggi” tugon ko
“ikaw talaga pero sige para di na sumama
loob mo” ngiting tugon ni Itay
“o pano mauuna na po kami naghihintay na
kasi yung bangkang inupahan namin” paalam ni Papa
“sir salamat po uli ha saka alagaan nyo pong
mabuti si Jey mahal na mahal po namin ang batang yan” paalam ni Inay habang
naluluha
“wag po kayo mag alala di naman kami
nagkulang ng yumao kong asawa sa pagmamahal sa mga anak namin eh” tugon ni Papa
May iniabot namang sobre si Papa na
naglalaman ng checke kila Inay at Itay
“sir para saan po ito? Wag na po nakakahiya
naman po sa inyo” si Itay
“tanggapin nyo na yan, maliit lang yan
kumpara sa mga naitulong nyo sa anak ko, wag po kayo mag alala hindi yan
kabayaran kundi tulong lang para sa pag uumpisa nyo ng panibagong buhay kasama
ang anak nyo” tugon ni Papa
“naku marami po talagang salamat” tugon ni
Inay
Niyakap ko ng mahigpit sila Inay at Itay
“pakabait ka dun anak ha saka wag ka
masyadong magpapagod napaka sakitin mo pa naman” bilin ni Itay
“opo wag po kayo mag alala aalagaan ko po
ang sarili ko” tugon ko
Nilisan na namin ang lugar samantalang sila
Marie at Dindo naman ay sa kanila na muna natulog at pupuntahan nalang kami sa
Hotel kinabukasan para makabalik na ng Maynila.
“Grabe Jey ang sarap ng pagkain puro sea
foods, tataba ako nito lalo akong hindi magkaka boyfriend” biro ni Fatima
“bigay din kasi ng mga kapit bahay yun
kanina, ganyan din talaga dito pag may dayo nagtutulungan sila para sa bisita,
tingnan nyo kahit hindi handa sila Inay at Itay andami parin nila naihanda”
tugon ko
“kahit naghirap ako dito naging masaya naman
ako, yun nga siguro sinasabi nilang hindi nabibili ng pera” dagdag ko pa
“wag ka mag alala Jey hindi ka na uli
malalayo pa sa amin” si Kuya Justin habang inakbayan ako
“uu kung kinakailangan igagapos ka namin sa
sarili namin para di ka na mawala” si Josh
“eh pano pag mag CCR kayo?” tanong ni Fatima
“gustong gusto ni Jey nun libre show” biro
ni Harvey
“show ka diyan, lagi ko naman nakikita wala
na thrill” tugon ko
“eh binobosohan mo kasi kami eh” tugon ni
Josh habang tawa ng tawa
“oi di ahh, maglock naman kasi kayo ng CR
pag naliligo kayo” tugon ko habang natatawa
“hahaha sira ka talaga Jey” si Harvey habang
tawa ng tawa
“By the way guys 10am flight natin kaya
maaga tayo sa airport bukas, dun na din tayo mag breakfast” bilin ni Kuya John
“Pasensya ka na anak alam ko gusto mo pa
magtagal dito pero enrollment nyo na kasi bukas maglilipat ka pa ng mga gamit
mo sa penthouse, dun ka na kasi uuwi” paliwanag ni Papa
“ayos lang po yun Pa naiintindihan ko naman
po” tugon ko
Pagdating namin sa Hotel ay dumiretso na
kami sa aming mga kwarto, si Papa at sila Kuya ay magkakasama, kami namang
tatlo nila Harvey at Josh ang magkakasama samantalang si Fatima ay mag isa sa
kwarto.
“oi Fatima diyan nalang ako matulog sa
kwarto mo, para makapag tsismisan naman tayo” sambit ko
“sige sige dami din ako gusto ikwento sayo”
tugon ni fatima
“ulol dun ka sa kwarto noh” si Josh habang
hinihila ako
Kinabukasan pagbaba namin sa lobby ay
naghihintay na sa amin sila Dindo at Marie
“Kanina pa ba kayo?” tanong ko
“hindi kararating lang namin” tugon ni Dindo
“sana nag enjoy kayo kahit isang araw lang
tayo, alam nyo na enrollment nyo na kasi eh” si Papa
“wag po kayo mag alala kahit isang araw lang
po kami nakadalaw sa amin sulit naman po maraming salamat po talaga tito” tugon
ni Marie
Habang naghihintay kami sa airport at
nakaupo ay bigla naman ako kinausap ni Fatima
“oi Jey alam mo na ba ang tsismis?” si
fatima
“ano yun?” tanong ko
“tinawagan ako ni Beth kanina, alam mo ba
kung sino yung nakita nila sa school kahapon?” si Fatima na halatang
pinapasabik ako
“eh sino daw?” tanong
“si Roby” tugon ni Fatima
“omg as in Roby Almendrez?” gulat na tanong
ko kay Fatima
“mismo” tugon ni Fatima
“ano naman ginagawa nya sa school?” tanong
ko
“well ayon sa sources, magtatransfer daw sya
sa school natin for this coming semester may mga sina submit daw siya kahapong
mga kulang niyang requirements” tugon ni Fatima
“omg again, alam na ba ni Josh ito?” tanong
ko habang di ako makapaniwala
“ay pwede ba Jey kaya nga sayo ko pa lang
sinasabi eh alam mo naman siguro yung nangyari nung last na magkita sila hindi
ba? halos magpatayan na yung dalawa” tugon ni Fatima
“oo alam ko noh at wala rin akong balak
sabihin sa kanya, mamaya masira pa mood nya” tugon ko
“oi ano pinag uusapan nyo diyan?” tanong ni
Harvey
“wala tungkol lang sa enrollment”
pagsisinungaling ko
“enrollment ka diyan, patago tago ka pa ha”
tugon ni Harvey
Si Roby Almendrez ang dating close friend ni
Josh at Harvey nung Highschool pa kami isa siya sa mga pinagkakaguluhan ng mga
babae at bading sa school kasi sa totoo lang kung sa pa gwapuhan eh maihahalera
mo siya kay Josh at Harvey, kung nga magpapa survey ka school kung sino ang mga
campus hearthrobs eh lagi siyang nasa listahan kasama ni Josh at Harvey, choir
member din siya nung mga panahong yun dahil maganda rin ang boses nya pero
umalis siya nung mag away nga sila ni Josh mayaman din ang pamilya nya,
hanggang third year highschool lang siya sa school tapos pumunta na sila ng
states para dun nya ipagpatuloy ang pag aaral nya.
Matindi ang galit sa kanya ni Josh dahil
pareho silang umibig sa iisang babae, girlfriend ni Josh that time si Jenny at
mahal na mahal nya ito pero nakipaghiwalay si Jenny sa kanya sa di malaman na
dahilan hanggang sa mabalitaan niyang sila na ni Roby, galit na galit si Josh
kay Roby sa katunayan nga doon ko unang makitang sobrang galit ni Josh.
Nagkahiwalay din si Jenny at Roby at nakikipagbalikan si Jenny kay Josh pero
ayaw na siya tanggapin nito, at yung pagkamuhi ni Josh kay Roby ay lalo pang
nadagdagan mabuti na lang ay pumunta na ng states si Roby dahil lagi nalang pag
nagkikita yung dalawa imposible talagang hindi sila mag away.
Doon na kami nag breakfast sa airport habang
kumakain kami ay kinausap ako ni Josh
“Jey ano ba pinag uusapan nyo kanina ni
Fatima bat parang seryosong seryoso?” tanong ni Josh
“ahh wala yun tungkol lang sa enrollment”
tugon ko habang kinabahan ako
“Jey nagsisinungaling ka ba sa akin?” tanong
ni Josh
“hindi ahh bat naman ako magsisinungaling”
tugon ko habang lalo akong kinabahan
“Jey best friend mo ako, kahit hindi ka
magsalita alam ko pag may tinatago ka” seryosong sambit ni Josh
“Papa iniinterrogate po ako ni Josh” sumbong
ko kay Papa
Napatingin naman sila Papa at Kuya sa amin
“loko ka talaga Jey, hindi pa tayo tapos
humanda ka talaga sa akin mamaya” inis na tugon ni Josh
Sa check-in counter ay kinausap ko sila Papa
at Kuya
“Pa, wag nyo kami ipagtabi ni Josh sa eroplano
ha, kahit sino ipatabi nyo sa akin wag lang sya” pakiusap ko
“bakit naman Jey nag away ba kayo?” tanong
ni Kuya John
“hindi naman kuya kaso kilala mo ba si Roby
Almendrez?” tugon ko
“oo hindi ba yun yung dating kaibigan ni
Josh na mortal na kaaway na nya ngayon? Bakit napano ba siya?” tanong ni Kuya
John
“eh kasi kuya sa school pala siya magtatransfer alam mo
naman siguro mangyayari pag nalaman ni Josh yan baka sa eroplano pa lang
magwala na yan, kanina nung iniinterrogate nya ako yun kasi tinatanong nya sa
akin, alam mo namang kahit pakagalingan ko pa mag sinungaling hindi talaga ako
makalusot sa dalawang yan eh kaya sigurado pag nakatabi ko yan kukulitin nila
ako” paliwanag ko
“naku patay nga tayo diyan, sige kami na
bahala” tugon ni Kuya John
Pagdating namin sa eroplano ay sa gitna ako
nila Fatima at Marie naupo samantalang sila Josh at Harvey ay sa may unahan
kasama si Dindo.
“oi kayong dalawa, ano ba tinatago nyo
narinig ko kanina si Harvey at Josh pinag uusapan kayo” si Marie
Ikinwento namin kay Marie lahat lahat at
sinabihan siya na wag ipapaalam kay Josh
“ay grabe naman pala hindi nga pwedeng
malaman ni Josh yan” tugon ni Marie
Pagkadating namin sa airport sa manila
habang papalakad kami ay bigla akong inakbayan ni Josh
“ikaw ha Jey akala mo nakalusot ka na sa
akin ha, bilis na ano yung tinatago mo?” tanong ni Josh
“wala nga saka surpresa yun malalaman mo din
hehe” palusot ko
“sige na di na kita kukulitin” si Josh
habang naka akbay sa akin
“Josh diba labs moko?” tanong ko
“oo naman bat mo naman naitanong yan?” si
Josh
“wala lang, basta sabi mo yan ha” tugon ko
“ikaw talaga ano ano mga naiisip mo” si Josh
habang hinigpitan pagka akbay sa akin
“malamang kasi pag nalaman mong
nagsinungaling ako mapalitan ng galit yang pagmamahal mo hehe” bulong ko
“ano sabi mo?” tanong ni Josh
“sabi ko bingi ka” biro ko
Nakauwi na kami ako ay dumiretso sa bahay
samantalang sila Josh at Harvey naman ay sa penthouse. Kinabukasan araw ng
enrollment kumpleto kaming magkakaibigan sa tambayan.
“Marie, Jey naalala nyo pa ba nung
enrollment din natin dati, dun tayo nakaupo nakatingin tayo sa kanila tapos
pinakilala sila isa isa satin ni Michael, naalala ko pa nun Jey nung sinasabi
na mga pangalan nila napapangiti ka dahil parang matagal mo na sila kilala,
tama ka pala mga kaibigan mo nga sila” kwento ni Dindo
“totoo nandun kayo nakaupo?” tanong ni
Fatima
“oo kinikilig pa nga yang si Marie kila Josh
at Harvey eh” tugon ko
“hahaha oo, pero di ko akalaing mapapasama
pala ako sa grupong dati lang naming pinagmamasdan” tugon ni Marie
“oo nga pala guys kamusta pala bakasyon
nyo?” tanong ni Luke
“ok naman masaya at malungkot, masaya kasi
nakita ko na uli sila Inay at Itay saka nakabalik na sa kanila si Anghelo,
malungkot dahil napalayo uli ako sa kanila” tugon ko
“sigurado naman ako magkikita kita pa naman
kayon uli eh” tugon ni Luke
Pumunta muna ako sa office kasama si Harvey,
habang naglalakad kami ay kinausap nya ako
“oi Jey ano yung nililihim mo ha, may pa
surpresa surpresa ka pa diyan” tanong ni Harvey
“o sige sasabihin ko na, kilala mo diba si
Roby Almendrez?” tugon ko
“oo yung gagong yun na tumalo kay Josh, pano
naman napasok dito si Roby?” tanong ni Harvey
“eh kasi dito siya magtatransfer, yun yung
pinagkukwentuhan namin ni fatima kahapon sa airport sa palagay mo ba pwede kong
sabihin kay Josh yun? Edi nagwala yun dun” tugon ko
“puta! Totoo? Problema nga yan tol” tugon ni
Harvey
“eew tol ka diyan” tugon ko habang diring
diri
“sorry babes pala” biro ni Harvey
“ulol, anyway pag nalaman ni Josh na alam ko
at di ko sinabi sa kanya yari ako sigurado” tugon ko
“oo nga patay ka nga, pero don’t worry I got
your back” tugon ni Harvey
Pagbalik namin sa kinaroroonan ng aming mga
kaibigan ay nadatnan naming nagwawala si Josh
“hayop na yun hanggang dito ba naman
makikita ko uli siya!” si Josh habang galit na galit
“bakit hindi nyo sinabi agad sa akin alam
nyo na pala na dito papasok yung gagong yun kundi ko pa siya nakita kanina”
dagdag pa ni Josh habang di mapakali sa galit
“yan ang dahilan kaya hindi namin sinabi
sayo alam namin magwawala ka” tugon ni Tom
“sino pa nakakaalam nito?” si Josh habang
galit na galit
Bigla namang napatingin sila sa akin, sabay
talikod ko at aalis na sana
“Jey!” sigaw ni Josh
“ahh eh bakit?” nahihiya kong tanong habang
papaharap sa kanya
“heto siguro yung nililihim mo noh?” tanong
ni Josh habang galit na galit
Yumuko na lamang ako at tumango
“Tangina naman jey best friend moko eh pati
ba naman ako paglilihiman mo” si Josh habang galit na galit
“eh ayoko lang masira mood mo kaya di namin
sinabi sayo” tugon ko
“kahit na dapat ipinaalam mo pa din sa akin”
tugon ni Josh
“sorry na” tugon ko habang nakayuko
“bakit Josh kung ipinaalam ba namin sayo
agad may magagawa ka ba? eh dito nya gusto mag aral eh” wika ni Fatima
“hindi pero pwede ko siyang bugbugin para
hindi na nya dito ituloy yung pag aaral nya” galit na tugon ni Josh
“sobra ka naman Josh” tugon ni beth
“wala ako pakialam matapos ng mga ginawa nya
sa akin hinding hindi ko siya mapapatawad” tugon ni Josh habang galit na galit
pa rin.
“eh kung forgive and forget mo nalang kaya
siya hehe” tugon ko habang nagtatago sa likod ni Harvey
“eh kung mukha mo kaya i forgive and forget
ko, ikaw ha jey may atraso ka pa sakin” si Josh habang galit pa rin
“hehe Josh alalahanin mo kahapon labs na
labs moko” tugon ko habang nakatago pa din sa likod ni Harvey
“manahimik ka diyan” tugon ni Josh habang
galit na galit pa din
“tol naman wag naman si Jey pagbalingan mo
ng galit mo” tugon ni Harvey
“pasensya na, nadala lang ako ng emosyon ko”
tugon ni Josh
Makalipas ang ilang minuto ay kumalma na din
si Josh, biglang namang napadaan si Roby malapit sa amin.
“waaaa Jey tingnan mo grabe lalo siyang
gumwapo” si Fatima habang kinikilig
“ay oo nga fatima laki ng pinagbago nya noh”
tugon ko
Pagtingin namin kila Josh at Harvey ay ang
sama naman ng mga tingin nito sa amin
“Pero di hamak naman na mas gwapo kayo hehe”
sambit ko
Nagpaalam muna ako sa kanila para pumunta ng
canteen at bumili ng soft drinks. Habang naglalakad ako at tinitingnan mga
enrollment papers ko ay may nabunggo akong tao.
“ano ba tumingin ka naman sa dinaraanan mo”
inis na sambit nung lalaki
“ay sorry hindi ko sinasadya” habang
humihingi ako ng paumanhin
Pagtingin ko ay nakita ko si Roby pala ang
nabunggo ko
“ay ikaw lang pala bagay mo nga yan” pang
aasar ko
“tingnan mo nga naman what a small world
ikaw pala snookie kamusta ka na? balita ko isinuka ka uli ng lupa ahh” pang
aasar din ni Roby
“ok lang yun kesa maging amoy lupa” ganti
kong pang aasar din
“hahaha hindi ka pa rin talaga nagbabago snookie”
tugon ni Roby
“snookie ka diyan hanggang ngayon yan pa rin
tawag mo sa akin” inis na tugon ko
Hindi ko nga pala nasabi ang sa aming dalawa
ni Roby nung highschool kami, simple lang ayaw ko sa kanya at ayaw nya din sa
akin. Snookie tawag nya dahil merong nangyari sa akin nung highschool kung saan
hindi matanggal pag sinok ko nung mga panahong yu kaya naging tampulan ako ng tukso sa klase
kaya yun ang pinangalan nila sa akin.
Tumuloy nako sa canteen at bumili ng
softdrinks, pagbalik ko ay tinuloy na namin ang enrollment. Hapon na nung
matapos kami mag enroll, pinauna ko na silang umuwi at pinuntahan ko isa sa mga
dati naming instructor para tulungan mag ayos ng mga gagawing events para
nalalapit na foundation day, nangako kasi akong tutulungan ko siya pero gabi na
nung matapos namin lahat. Pauwi nako pero hindi ko na tinawagan driver namin o
sila Josh at Harvey para magpasundo, nag abang na lamang ako ng taxi sa may
harap ng school, hindi ko inaasahang mahihirapan pala akong mag abang ng taxi,
halos wala na nga taong dumaraan nung mga oras na yun.
Bigla namang may tumigil na magarang
sasakyan sa harap ko, pagbukas ng bintana ay nakita ko si Roby
“uy snookie anong ginagawa mo diyan?” tanong
ni Roby
“paki mo ba” masungit kong tugon
“sabay ka na sakin ihahatid na kita” aya ni
Roby
“haha nananaginip ka mas gusto ko pang
sumama sa holdaper kesa sumama sayo noh” tugon ko
“sige ka ang dilim dilim na mamaya may
aswang pa diyan” pananakot ni Roby
Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niyang
yun
“waaaa nakakatakot nga, gago talaga ito pano
kaya nya nalamang matatakutin ako” mahina kong sambit
“oh ano hindi ka pa din sasabay? Ikaw bahala
pero bukas nasa front page ka na ng diyaryo, isang estudyante nilapa ng aswang”
pananakot pa nya
“waaaa oo na sasabay nako” habang
nagmamadali akong sumakay sa sasakyan nya
Bigla namang tawa ng tawa si Roby dahil sa
reaksyon ko
“matatakutin ka pala snookie” pang aasar ni
Roby
“naku kung di ka lang talaga gwapo,
makakatikim ka talaga” bulong ko sa aking sarili
“ang yaman yaman nyo nag cocommute ka”
sambit ni Roby
“ano yan small talk? Feeling close ka naman
diyan” tugon ko
“aba sungit talaga nito ahh, tinatanong lang
eh” si Roby habang natatawa
“teka snookie dinner muna tayo nagugutom na
kasi ako eh” aya ni Roby
“weh masaya ka akala ko ba ihahatid mo ako
ikaw nalang kumain bababa nalang ako” tugon ko
“bakit sinong may sabing pwede kang
tumanggi? Hindi pwede sa ayaw at sa gusto mo sasamahan mo ako kumain” tugon ni
Roby habang nakangiti
At bigla nyang binilisan ang pagmamaneho
“waaaaaaa Roby grabe ka naman magpapakamatay
ka ba? wag mo ako idamay ha, kababalik ko lang sa pamilya ko ilalayo mo nanaman
ako, pero ok lang pala kung matigok ako kasi yun din bagsak ko pag nalaman ni
Josh na sumama ako sayo” tugon ko habang takot na takot ako sa sobra niyang
bilis
Itutuloy...
No comments :
Post a Comment