Sa Aking Pagbabalik part 15
“totoo? andito si Anghelo?” tanong ko sa
receptionist
“opo sir nasa taas po siya ngayon hinihintay
po kayo” tugon ng receptionist
“hayan na Jey andito na hinihintay mo,
matutulungan ka na namin kumbinsihin siya” tugon nila Dindo
Pag akyat namin ay nakita ko nga na naka upo
siya sa isa sa mga upuan malapit sa opisina ni Papa. Nung makita ako ay nagulat
pa siya nung makita nya sila Dindo at Marie na kasama ko.
“Anghelo!” sigaw ni Marie at Dindo habang
nilapitan siya ng mga ito para yakapin
“Dindo, Marie, ano ang ginagawa nyo dito?”
tanong ni Anghelo habang nagtataka
“kaibigan at kaklase kasi namin yang si Jey,
kamusta ka na? hindi talaga kami makapaniwala nung malaman naming buhay ka pa
at heto na nga totoo nga” si Marie habang tuwang tuwa
“dun nalang tayo sa conference room paalam
lang ako kay Papa wala naman yata gagamit” sambit ko
Pinayagan naman kami, kasama din namin si
Josh, Harvey at Fatima sa loob ng conference room
“ahh Jey pasensya ka na nga pala kung
nagalit ako sayo kahapon at iniwan nalang kita basta basta” si Anghelo habang
humihingi ng paumanhin
“ayos lang na magalit ka pero sana hindi mo
muna ako iniwan nakakatakot kasi dun sa sementeryo grabe” tugon ko
“oi Jey mahiya ka nga hanggang dito
nagkakalat ka na matatakutin ka” si Josh
“haha ganun ba? pasensya ka na talaga Jey di
lang kasi talaga ako makapaniwala sa mga sinabi mo kahapon kaya ganun” tugon ni
Anghelo
“so ibig ba sabihin naniniwala ka na ngayon
sa akin na buhay ang Inay at Itay mo? Bat mo nga pala nasabi na patay na ang
Inay at Itay mo saka pano ka nakaligtas sa bangka?” sunod sunod kong mga tanong
“oo naniniwala nako kinumpronta ko kasi si
tiya kagabi at umamin din siya sa akin na nagsinungaling nga sila ng pinsan ko”
tugon ni Anghelo
“wag mo sabihing ganun ka kadaling naniwala
sa tiya mo na patay na mga magulang mo” tanong naman ni Dindo
“ahh hindi naman, yung kay Itay naniwala ako agad dahil alam ko
mahihirapan din siya makaligtas dun pero kay Inay magbabalik na dapat ako sa isla
hanggang sa makita ko si tiya dahil binisita nya ako dati sinabi nya sa akin na
pumanaw si Inay dahil sa pagkakasakit sa sobrang kalungkutan dahil sa pagpanaw
daw namin ni Itay di ako naniwala pero ipinakita nya sa akin ang litrato ng
puntod ni Inay at Itay na nakasulat pa ang kanilang mga pangalan, masyado akong
nalungkot sa mga pangyayari kaya hindi na lamang ako tumuloy sa pagbabalik
dahil puno lang ng alaala nila Inay at Itay ang islang yun baka hindi ko
kayanin” malungkot na kwento ni Anghelo
“bat naman gagawin ng tiya mo yun?” tanong
ni marie
“hindi ko alam nung una pero napagtanto ko
na gusto lamang pala nya na mapunta sa kanila ang kinikita ko, kahit papano
kasi nagka trabaho naman ako dito sa maynila maliit lamang ang sweldo pero
sapat na iyon para mabuhay ako at makapag ipon ng kaunti, matagal na pala alam
ng aking pinsan na buhay ako at pinlano nila ni tiya ang lahat ng ito, kaya ang
tanga tanga ko ilang taon akong nagpaloko” malungkot na kwento ni Anghelo
habang naluluha ito.
“wag mo na alalahanin yun ang mahalaga
magkikita na kayo ng Inay at Itay mo” tugon ko
“gustong gusto ko na talaga sila makita,
nasasabik na akong mayakap silang muli kaso kailangan ko muna talagang mag ipon
para makabalik na ako sa amin” tugon ni Anghelo
“wag mo na alalahanin yun, kung gusto mo
tutulungan kita kahit bukas din makakuha ka na ng flight pabalik dun para mas
mabilis, gusto ko sana makasama kaso sigurado ako di ako papayagan nila Papa at
Kuya pero ang importante naman eh malaman nilang buhay ka at makasama mo na
sila ulit” tugon ko
Ngunit napayuko na lamang si Anghelo
“maganda nga sana yun pero nag aaral din
kasi ako dito matatapos na ang semester sayang naman kasi kung hindi ko
tatapusin sigurado kasi ako pag nakabalik na ako dun di nako papayagang bumalik
dito nila Inay at Itay, at isa pa working student din kasi ako nakakahiya naman
kung iiwan ko nalang basta basta ang responsibilidad ko” malungkot na tugon ni
Anghelo
“ahh ganun ba?” malungkot kong tugon
“eh kung pabalikin mo nalang dito sa maynila
ang inay at itay nya” mungkahi ni Dindo
“ayaw nga bumalik hindi ba, saka babalik
lang yun pag nalaman nilang buhay si Anghelo pero sa palagay ko mas gusto ni
Anghelo kung dun sila magkikita kita” tugon ko
“eh bat di nalang sumabay ka sa kanila sa
sem break pupunta lahat sila sa isla, sasama din pala ako malapit na din naman
yun, kaya mo naman siguro magtiis muna” mungkahi ni Fatima
Bigla namang lumiwanag ang mukha ni Anghelo
“sige maganda ngang ideya yan, kaya ko pa
naman magtiis at kahit papano makakapag ipon pa ako para may maipasalubong
naman kila Inay at Itay” masayang tugon ni Anghelo
“siya nga pala Jey bat hindi siya nakita
nung private investigator ng papa mo eh diba pina imbestigahan ka ng papa mo?”
tanong ni Josh
“yun ang di ko alam” tugon ko
“hindi nga nila ako madidiskubre dahil kilala
lang ako dito sa maynila sa palayaw kong Leo, mula nung masagip ako nung
dumadaang barko may nag magandang loob na isa sa mga pasahero at kinupkop ako
dahil wala naman akong mga dalang papeles kaya naging mahirap din ang pagpasok
ko sa eskwelahan at paghanap ng trabaho”
paliwanag ni Anghelo
“ahh yung kumupkop ba sayo yung dinalaw mo
sa sementeryo?” tanong ko
“oo siya nga, napaka buti nya sa akin kaso
isang taon ko lang siya nakasama nagkaron kasi siya ng malubhang karamdaman
kaya magmula nung pumanaw siya ay natutunan ko nang tumayo sa sarili kong mga paa”
malungkot na tugon ni Anghelo
“naku Jey parehong pareho pala nangyari sa
inyo ni Anghelo kaso ikaw nagpanggap kang siya” sambit ni Marie
“ha? Nagpanggap kang ako?” pagtatakang
tanong ni Anghelo
“ahh eh oo eh, hehe mahabang istorya kasi,
naakisdente kasi ako sa barko tinulak kasi ako ni Josh eh hahaha” pagbibiro ko
“oi sira ka ano nanaman pinagsasabi mo” inis
na tugon ni Josh
“heto talagang Jey na toh seryoso usapan
hinahaluan ng biro” si Harvey
“biro lang yun pero Anghelo nagpanggap kasi
ako bilang ikaw, kinupkop din kasi ako ng mga magulang mo nung mapadpad ako sa
isla nyo” tugon ko
Ikinwento ko lahat ang buong pangyayari kay
Anghelo pati na din ang naging buhay ko nung hindi ko pa maalala ang aking
tunay na pagkatao.
“Grabe pala mas malala naman pala sinapit mo
kesa sa akin, nakalimutan mo na nakaraan mo naghirap ka pa” tugon ni Anghelo
“ayos lang sa katunayan nga naging masaya
naman ang buhay ko bilang Anghelo, pasensya ka na pala sa pagpapanggap ko bilang
ikaw ha, ayaw ko nga sana nung una kaso yun lang talaga naisip naming paraan
eh” paliwanag ko
“ayos lang yun, kung ako din naman nasa
katayuan nila Inay at Itay ganun din naman ang gagawin ko” ngiting tugon ni
Anghelo
“naku kung ako sayo magalit ka kasi nung
nasa isla pa kasi yang si jey at nagpapanggap pa siya bilang ikaw andami naging
boyfriend nyan” pang aasar ni Harvey
Namula naman ako sa sinabi ni Harvey
“waaaa wala ha, saka mahiyain nga ako nun
eh” tugon ko habang hiyang hiya
“’oo nga Jey diba yun sabi mo sa amin?
Papalit palit ka pa nga ng boyfriend eh hindi ba? tapos sasabihin mo wala, ikaw
talaga tsk tsk” pang aasar din ni Josh
“Anghelo wala talaga, promise tame ako nun
wag ka maniwala sa mga yan pinagtitripan lang nila ako” tugon ko habang hiyang
hiya
“sus tama sinabi nila Josh at Harvey paiba
iba nga ng boyfriend yang si Jey nung andun kami” dagdag pa ni Marie habang natatawa
“humanda ka talaga marie hindi kita ililibre
mamaya” inis kong tugon
“heto naman nagbibiro lang eh” tugon ni
Marie
“o yan Jey alam mo na ngayon nararamdaman
namin pag pinagtitripan mo kami” sambit ni Harvey
Natahimik na lamang ako at napayuko sa hiya dahil
sa sinabi ni Harvey
“Nakakatuwa pala kayo magbiruan, siya nga
pala Jey ikinagagalak kong makilala ka saka marami palang salamat at napasaya
mo sila Inay at Itay” sambit ni Anghelo
“naku walang anuman yun sa pag aalaga nila
sa akin kulang pa nga mga naitulong ko eh” tugon ko
Nagpaalam na si Anghelo at sinabi na magkita
kita nalang uli kami. Dumating ang hapon at kasama kong namili ng mga bagong
gamit sila Dindo at Marie si Josh at Harvey naman ay pumunta ng school para
makapag training. Habang nasa mall kami...
“Jey tama na sobrang dami na ng mga pinamili
natin eh, pang isang buwan na damit at mga gamit na yata ito eh” si Dindo
habang pagod na pagod
“ako hindi pa, kulang pa mga pinamili ko
hahaha” si Marie habang tuwang tuwa
“kj mo naman Dindo wala pa nga kayo mga
cellphone pano tayo magtatawagan pag may emergency noh” tugon ko
“waaa grabe pati pala cellphone, ma lilips
to lips yata kita Jey” si Marie habang tuwang tuwa
“eeew” tugon ko
Gabi na nung matapos kami sa pamimili halos magsasara
na nga yung mall nung mga oras na yun, tinawagan naman ako ni Josh para tanungin kung nasaan na ako.
“Jey
nasan ka na ba? bat wala ka pa dito?” tanong ni Josh
“katatapos
lang kasi namin mamili nila Dindo at Marie eh, saka susunduin naman kami ng
driver at samin na muna ako uuwi” tugon ko
“o
sige mag ingat kayo ha” paalam ni Josh
Dumating ang aming sundo at ihinatid na
namin sila Dindo at Marie, samantalang ako naman ay sa bahay umuwi.
“oh kamusta pamimili nyo?” tanong ni Papa
“ok naman po Pa si Dindo napapagod agad si
Marie naman naku parang walang kapaguran” tugon ko
“haha ganun ba? siya nga pala anak
magpahinga ka na may pasok pa kayo bukas” si Papa
Kinabukasan sa eskwela ay dinatnan ko si
Fatima at Marie na para bang may inaabangan
“oi kayong dalawa sino hinihintay ninyo?”
tanong ko
“hinihintay namin bruhang Grace na yun para
maturuan na ng leksyon” tugon ni Fatima
“sus kayo talaga, hayaan nyo na yung tao
nakakaawa na nga yung nangyari sa kanila eh” tugon ko
“matapos ng mga ginawa nya sa atin?
Pababayaan ko nalang?” tanong ni Marie
“mas grabe naman siguro nangyari sa kanila
kahapon kaya hayaan nyo na siya” tugon ko
“sabagay pero nakakagigil pa rin siya” tugon
ni Fatima
Dumating naman si Josh at Harvey
“oi bat di ka umuwi kagabi ha?” tanong ni
Harvey
“nagpaalam ako kay Josh ha sabi ko sa bahay
na muna ako uuwi” tugon ko
“oo tol nakalimutan ko lang sabihin sayo
pero nagpaalam siya sa akin” sambit ni Josh
“akala ko kung san san ka nanaman nagpupunta
eh” si Harvey
“masyado mo akong mahal nasasakal na ako
sayo!” pang aasar ko
“eh kung sakalin kaya talaga kita gusto mo?”
tugon ni Harvey
“heto naman parang nagbibiro lang eh” tugon
ko habang medyo napayuko
“tama na nga kayong dalawa ang aga aga eh”
si Josh
Dumating naman ang iba pa naming kaibigan
kasama ang isang opisyal ng school
“o Josh ready ka na ba sa darating na Mr.
University? Kahit next sem pa yun kailangan mo na din maghanda” sambit ng
opisyal ng school
“ma’am wag po kayo mag alala pinaghahandaan
ko na po” tugon ni Josh habang naka ngiti
“ok good” tugon ng opisyal habang papaalis
“nice Josh galingan mo, ang ganda siguro
kung sayo ipapasa ni Harvey yung korona” sambit ni Beth
“oo nga tol goodluck” ngiti ni Harvey
“wow ikaw Harvey Mr. University last year?”
tanong ni Marie
“oo halos formality na nga lang yung
pagkakapanalo nya, bukod kasi sa crowd favorite yang si Harvey, halos lahat pa
ng award hinakot nya” kwento ni Fatima
“wala siguro taste mga judges nun” mahina
kong sambit
Bigla naman akong sinuntok sa braso ni Harvey
“narinig ko yun” inis na sambit ni Harvey
“aray! Bat ba ang sungit mo ngayon meron ka
siguro noh?” pang aasar ko
“meron ka diyan, wag moko itulad sayo ha”
tugon ni harvey
“Josh si Harvey oh kanina pa masungit”
sumbong ko kay Josh
“tol hayaan mo na si Jey parang di ka na
nasanay diyan, at Jey tinotopak lang yang si Harvey kaya ganyan” tugon ni Josh
“oi Harvey pag namatay ba uli ako iiyak ka
uli?” pang aasar ko
“hinde!” tugon ni Harvey
“sus may topak nga” bulong ko
“Tara na nga guys baka ma late pa tayo” aya
ni Josh habang naka akbay sa akin
Naging maayos naman ang araw at gaya ng
inaasahan hindi pumasok si Grace sa school. Pagkadating ng dismissal ay
nagpaalam muna ako sa dalawa kong matalik na kaibigan.
“guys mauna na ako dadaan muna ako sa puntod
ni mama” paalam ko
“ok pero Jey uwi ka agad maaga tayo bukas
ang hirap mo pa naman gisingin” tugon ni Josh
“oi baka san san ka nanaman pumunta ha, uwi
agad mamaya mapano ka nanaman” si Harvey
“wushus concern kunwari kanina ang sungit
sungit” pang aasar ko
“tingnan mo toh kinakausap ng matino puro ka
kalokohan” inis na tugon ni Harvey
“heto naman di na mabiro, teka wala ba ako
kiss bago umalis malay nyo heto nalang huli nating pagkikita maaksidente uli
ako mamaya” pahabol kong pang aasar
“heto gusto mo?” si Harvey habang itinaas
ang kamao nya
“Jey ano ba alam mo namang ayaw namin ng
birong ganyan eh, kaya ayaw ka namin walang kasama eh baka mapahamak ka
nanaman” tugon ni Josh habang naiinis
“joke lang o sige na bye bye na” paalam ko
Pagdating ko sa puntod ng aking ina ay
napatingin ako sa dating kinalalagyan ng aking himlayan
“naalis na din pala nila pangalan ko,
pasensya ka na Henry ha kung maibabalik ko lang sana ang nakaraan pinigilan nalang sana kita bumalik sa kwarto
mo, sana maging maligaya ka kung san ka man naroroon ngayon” malungkot kong
sambit
Umupo naman ako sa harap ng puntod ng aking
ina at inilagay ang aking mga dalang bulaklak.
“Ma, pasensya na po kayo ha nakalimutan ko
kayo ng dalawang taon hindi ko po tuloy kayo nadadalaw, pero naalala ko na po
ang lahat, hinding hindi ko na po kayo uli makakalimutan” sambit ko
Dahil wala namang tao sa aking kinaroroonan
ay kinanta ko na lamang ang awit nag nagpapaalala kay mama sa mga oras na yun
(paki play po)
She's Out Of My Life
She's Out Of My Life
And I Don't Know Whether To Laugh Or Cry
I Don't Know Whether To Live Or Die
And It Cuts Like A Knife
She's Out Of My Life
It's Out Of My Hands
It's Out Of My Hands
To Think For Two Years She Was Here
And I Took Her For Granted I Was So Cavalier
Now The Way That It Stands
She's Out Of My Hands
So I've Learned That Love's Not Possession
And I've Learned That Love Won't Wait
Now I've Learned That Love Needs Expression
But I Learned Too Late
She's Out Of My Life
She's Out Of My Life
Damned Indecision And Cursed Pride
Kept My Love For Her Locked Deep Inside
And It Cuts Like A Knife
She's Out Of My
Life
(Paki stop na po)
Pinunasan ko ang luha ko nung matapos ko ang
kanta
“hayan ma ha baka magtampo kasi kayo sabihin nyo si Papa lang kinantahan ko
kahit medyo malungkot yung kanta hehe” sambit ko habang papatayo nako
Bigla namang may nagsalita sa likod ko
“wala parin talagang katulad ang tinig mo
napaka ganda parin talaga” sambit ni Josh
Pagtingin ko ay nakatayo si Josh at Harvey
sa likod ko
“andito pala kayo akala ko ba may gagawin pa
kayo?” tanong ko habang pinupunasan ko ang aking mga luha
Nilapitan naman ako ni Harvey at niyakap
“namimis mo parin pala mama mo hanggang
ngayon” sambit ni Harvey habang yakap ako
“kala ko ba inis ka sa akin” sambit ko
“wala yun tinotopak lang ako kanina pag
pasensyahan mo nako” tugon ni Harvey
“talagang sinundan nyo pa ako wala talaga
kayong tiwala sa akin” biro ko
“ganun na nga hehe” si Josh habang kinurot
ako sa pisngi
“sabi ko na, sabagay kahit nga ako wala ako
tiwala sa sarili ko minsan kayo pa kaya hehe” tugon ko
“o tara na nagdidilim na, kaw talaga Jey di
mo nanaman napansin oras noh” sambit ni Harvey
“waaaa oo nga pala buti nalang pinuntahan
nyo ako kundi magbobonding nanaman uli kami mamaya ni manong guard” tugon ko
habang papalakad na kami paalis
Habang naglalakad kami sa sementeryo at
medyo madilim na din
“oi Jey ano yang kamay sa may paa mo”
pananakot ni Harvey
“waaaaaaaaaaa” sabay talon ko kay Josh
“tol ano ba, alam mo namang matatakutin ito
eh lalo mo pang tinatakot” inis na sambit ni Josh habang buhat buhat ako
“hahaha! Nakita mo ba itsura nya? Hahaha” si
Harvey habang tawa ng tawa
“unggoy ka makakaganti din ako sayo” inis na
tugon ko kay Harvey
“ahh Josh pede ba dun mo nalang ako ibaba sa
may daan dami kasi puntod dito hehe kung pwede lang naman” pakiusap ko kay Josh
“o sige na para naman tayong bagong kasal
nito eh” tugon ni Josh
“totohanin na natin pa kiss na din” pang
aasar ko
“kiss mo mukha mo” tugon ni Josh
“baba ka na kasi diyan ang ganda ganda
maglakad eh” sambit ni Harvey habang hinila ako at nahulog ako sa pagkakabuhat
ni Josh
tumakbo naman agad ako papunta sa may daan
kung san walang mga puntod hinabol naman ako ni Harvey para patuloy na asarin
“para kayong mga bata eh” sambit ni Josh
Nakaalis na kami sa sementeryo at nakauwi sa
penthouse habang kumakain kami ng dinner...
“Jey matulog ka agad ha maaga tayo bukas, sa
bahay namin tayo mag aalmusal tapos dadaan tayo kila Harvey para makita ka na
nila Mama at Papa” sambit ni Josh
“oo excited na nga sila mama at papa eh”
tugon ni Harvey
“sige excited na din ako makikita ko na
sila” tugon ko
Nung matapos na kami kumain ay agad nako
naghanda sa pagtulog, yun din ang unang gabi ko na matutulog bilang Jey sa
sarili kong kwarto.
Kinabukasan...
“Jey gising na, maghanda ka na aalis na tayo
maya maya lang” si Josh habang tinatapik ako
“yoko na sumama inaantok pa ako” tugon ko
Pumasok naman si Harvey at bigla akong
dinaganan
“gising na sabi” pangungulit ni Harvey
“ano ba Harvey alis na diyan di ako
makahinga ang bigat mo” habang tinutulak ko siya paalis
Tumayo siya mula sa pagkakadagan sa akin at
hinila ako
“oo na tatayo nako ang gulo mo eh” inis kong
sambit
Inabot pa nang isang oras bago ako
nakapaghanda kaya medyo nainis yung dalawa sa akin. Kotse ni Josh ang ginamit
namin si Harvey naman ang nasa harap at ako ang nasa likod.
“as usual tagal nanaman magbihis nung isa
diyan” inis na sambit ni Harvey
“matagal naman talaga ako eh hehe” tugon ko
“o guys kila mama muna tayo ha tapos kila
Harvey na then akyat na tayo ng baguio” sambit ni Josh
Pagdating namin sa bahay nila Josh, pagpasok
palang namin ng pintuan nang makita sila tito at tita ay agad ako tumakbo
papunta sa kanila para yakapin sila
“mommy!” sigaw ko habang yakap ang mama ni
Josh, yun kasi tawag ko sa mama nya
“Jey iho, totoo nga buhay ka nga salamat
naman sa diyos at ibinalik ka nya” mama ni Josh habang hawak hawak mukha ko at
umiiyak
“opo nagbalik na po ako” ngiti kong tugon
“nangayayat ka yata, di ka siguro nakakakain
ng maigi dun” malungkot na sambit ng mama ni Josh habang hinahaplos ang aking
mukha
“hindi naman po mommy, sila Josh at Harvey
po kasi hindi po ako pinapakain sa penthouse inaalila po ako” pagbibiro ko
“anak totoo ba yun? Dapat inaalagaan nyo si Jey
ahh” seryosong tanong ng mama ni Josh
“ma naman nagpapaniwala ka diyan, alam mo
namang alaga namin yan eh, mapang asar lang talaga yan” paliwanag ni Josh
“ganun ba? naku ikaw talaga Jey hanggang
ngayon pala puro ka parin biro” sambit ng mama ni Josh
Nilapitan naman ako ng papa ni Josh at
niyakap tapos inakbayan
“musta ka na anak madami ka ba chicks dun sa
isla, magaganda mga babae dun ahh” biro ng Papa ni Josh
“tito baka po boyfriend, dami po boyfriend
yan dun eh” pang aasar ni Harvey
“boyfriend ka diyan, wala noh” inis na tugon
ko
“wag po kayo maniwala diyan” dagdag ko pa
“hahaha hindi pa rin pala talaga kayo
nagbabago para pa din kayong nasa highschool kung magbiruan” tugon ng Papa ni
Josh
“o tayo na sa hapagkainan, niluto ko lahat
ng paaborito mong almusal Jey” ngiti ng mama ni Josh
“wow salamat mommy namis ko na din kasi mga
luto nyo” tugon ko
Habang kumakain kami ng almusal...
“Josh ,Harvey paiwan nalang ako dito ha kayo
nalang tumuloy ng baguio” sambit ko habang kumakain
“oo nga naman mga iho pahiram nyo na muna
samin si Jey tagal na din namin siya di nakasama eh” sambit ng Papa ni Josh
“Pa naman may plano kami eh saka pupunta pa
kami sa bahay nila Harvey para makita din sila tito at tita” paliwanang ni Josh
“ay uu nga pala pupuntahan pa pala sila Tito
at tita, sige next time nalang po pala hehe” tugon ko
Pagkatapos kumain ay nagpaalam na kami sa
mga magulang ni Josh, pinabaunan pa nga kami ng mga pagkain para di kami
magutom sa biyahe. Habang nasa kotse kami at pinapapak ko na agad ang pabaon ng
mama ni Josh
“oi Jey di pa nga tayo nakakalayo
nilalantakan mo na agad yan” sambit ni Harvey
“eh namis ko talaga kasi luto ng mama ni
Josh eh” tugon ko habang kumakain ako
“kung buhay pa sana si mama may magluluto
din para sa akin “ dagdag ko habang biglang nakaramdam ako ng kalungkutan
“Jey hayan ka nanaman wag mo na kasi isipin
yun, nalulungkot ka tuloy” tugon ni Josh habang nagmamaneho
Pagkadating namin kila Harvey ay nakita
namin na naghihintay na ang mama at papa nya, agad ko nilapitan at niyakap ng
mahigpit ang mama at papa ni Harvey
“Jey miss na miss kita, kamusta ka na?
salamat naman at buhay ka” habang umiiyak mama ni harvey at yakap ako
“mabuti naman po miss na miss ko na din po
kayo” tugon ko habang nakayakap ako
Nilapitan naman ako ng Papa ni Harvey at
niyakap
“iho ang saya saya talaga namin nung malaman
naming buhay ka pa” papa ni Harvey habang
yakap ako
“siguro naging mahirap buhay mo sa isla
noh?” tanong ng Papa ni Harvey
“medyo po pero naging masaya naman po ako
dun” tugon ko
“mabuti naman kung ganun” tugon ng Papa ni
Harvey
“kumain na ba kayo?” tanong ng mama ni
Harvey
“opo tita nakakain na po kami sa bahay
kanina” tugon ni Josh
Nagkwentuhan muna kami sa sala dahil namiss
ko talaga ang mga magulang ni Harvey
“Jey alam mo ba nung akala naming patay ka
na, ang lungkot lungkot nitong anak ko ni ayaw nga nyan kumain at lumabas ng
kwarto lagi lang siya nagkukulong dun” sambit ng mama ni Harvey
“ma naman” si Harvey habang nahihiya
“natural lang po yun mahal na mahal po kasi
ako niyan kaya di po talaga nya matatanggap agad yun” biro ko
Natawa naman mga magulang ni Harvey at si
Josh
“ang kapal talaga” tugon ni Harvey habang
medyo naiinis
“bakit di mo ba ako mahal?” tanong ko
“oo na para matahimik ka na diyan” inis na
tugon ni Harvey
“para pa din talaga kayong nasa highschool
kung mag asaran” Papa ni harvey habang natatawa
“tito yan din po sabi ni Papa kanina” tugon
ni Josh
Nagpaalam na kami at tumuloy na sa baguio,
habang nasa biyahe kami...
“nagugutom nako anong oras ba tayo magla
lunch” tanong ko
“nagugutom ka pa niyan? Halos ikaw na nga
kumain sa mga baon natin eh” tugon ni Josh
“sobra ka naman si Harvey kaya umubos” tugon
ko
“oi wag mo sakin isisi ha pati nga sa akin
binigay ko na sayo eh” tugon ni Harvey
“o sige na para wala nang gulo hanap nalang
tayo resto dito” si Josh
Nakakita kami ng Max’s restaurant at dun
nalang kami nag lunch
“Jey ano sayo?” tanong ni Harvey
“platter sa akin” tugon ko
Habang kumakain kami gaya ng dati may grupo
nanaman ng mga bading na kumakain sa isang table at tingin ng tingin sa aming
kinaroroonan. Napansin naman ni Josh at Harvey ang mga yun.
“Tol tingnan mo mga yun tingin ng tingin sa
atin” si Josh habang kumakain
“oo alam ko, maya maya lang niyan may
gagawin nang kalokohan yang si Jey” tugon ni Harvey
“ano naman gagawin ko? Saka hayaan nyo sila”
tugon ko
“ba talagang nagbago ka na Jey ahh” si Josh
habang kinurot ako sa pisngi
“sino gusto atay nitong sahog sa pancit di
ako kumakain ng ganito eh” sambit ko
“akin na ilipat mo sa akin, maarte ka pa rin
pala pagdating sa mga lamang loob” tugon ni Harvey
Natapos kami kumain at nagpahinga muna kami
sa restaurant habang hinihintay ang bill
“sama pakiramdam mo noh? Ikaw kasi ang dami
mong kinain eh” si Harvey
Sumandal naman ako sa balikat ni Josh para
mawala sama ng pakiramdam ko, lalo naman kaming pinagtinginan nung mga bading
sa kabilang table.
“Lalong nakatingin yung mga bading sa
kabilang table oh” sambit ni Harvey
“kiss mo na din ako Josh para lalong magwala
mga yan hehe” biro ko
“hahaha puro ka talaga kalokohan” tugon ni
Josh
Makalipas ang ilang minuto ay nagpaalam
naman ako para mag CR
Habang nasa CR ako at naghuhugas ng kamay,
pumasok yung dalawang bading galing sa mga magkakaibigan na tingin ng tingin sa
amin kanina.
“uy ikaw yung friend nung dalawang gwapong
guy hindi ba?” tanong nung isa
“ahh eh oo hehe” tugon ko
“pakilala mo naman kami, ako nga pala si
Jessie, heto naman si Mandy” pakilala ni Jessie
“hi ako nga pala si Jey hehe” tugon ko
“ahh kayo nalang magpakilala sa kanila
mababait naman yung mga yun eh” sambit ko
Lumabas nako sa CR at bumalik sa table namin
“tagal mo ahh” sambit ni Harvey
“eh nakipagkilala pa si Jessie saka Mandy
yung dalawa sa mga tingin ng tingin sa inyo kanina” tugon ko
“ang friendly naman yata nila” tugon ni Josh
“haha kasi gusto daw kayo makilala eh sabi
ko sila nalang magpakilala sa inyo” tugon ko
“sira ka talaga binebenta mo nanaman kami”
si Harvey
“hindi ahh nahihiya lang ako baka sabihin
suplado ako kaya ganun sinabi ko, baka kasi ayaw nyo din ipasabi pangalan nyo
kaya sinabi ko kayo nalang tanungin” tugon ko
“tara na para makapag check in na tayo agad
sa hotel sa baguio” aya ni Josh
Nung patayo na kami ay agad naman lumapit
yung mga bading sa amin
“hi ako nga pala si jessie, this is Mandy,
Larry and Vin. Nakilala na namin friend nyo si Jey, may we know your name?”
ngiti ni jessie
“ahh ako nga pala si Josh and this is my
best friend Harvey and of course nakilala nyo na isa sa best friend ko si Jey”
tugon ni Josh habang nakangiti
“paalis na ba kayo? Sayang naman baka
pwedeng tumambay muna tayo dito” tugon ni Mandy
“ahh oo eh nagmamadali kasi kami pupunta pa
kaming ng baguio nag stop over lang kami para mag lunch” tugon ni Josh
“really? We’re on our way din papuntang
baguio baka pedeng makisabay na kami ni mandy sa inyo hindi naman kami
masasamang tao” tugon ni Jessie
“madami pa kasi kaming dadaanan eh” tugon ni
Josh
“ahh ganun ba? anyway kita kita nalang tayo
sa baguio labas naman tayo minsan dun” tugon ni Jessie
“ganda nga sana yan kaso nagcecelebrate kasi
kami sa pagbabalik nitong best friend namin, dalawang taon kasi nawala ito eh”
tugon ni Harvey habang naka akbay sa akin
“pahingi naman ng no. nyo para maka text
naman kami sa inyo” si jessie
“di kasi namin memorize eh saka di namin
dala cell namin pasensya na talaga” pagsisinungaling ni Josh
“miss talaga kita Jey tagal mo kasi kami
iniwan eh” habang akbay ako ni Harvey at hinalikan sa pisngi
“eeew para san yun” mahina kong sambit
“inaasar ko lang sila para lalo maglaway
hehe” tugon ni Harvey
“ang sweet mo naman kay jey” sambit ni Larry
“oo naman mahal na mahal ko yata ito” tugon
ni Harvey sabay higpit ng kanyang pagkakaakbay
Hindi na nangulit yung mga magbabarkada at
sumakay na kami sa kotse para tumuloy na ng baguio
“tol ang tindi ng mga yun noh talagang gusto
pa sumabay” si Harvey habang natatawa
“oo nga eh meron palang mga taong ganun kala
ko sa pelikula lang nangyayari yun” si Josh habang natatawa din
“basta wala ako kasalanan diyan ha” tugon ko
“bakit sinabi ba naming kasalanan mo?” tugon
ni Harvey
“baka lang ako nanaman iniisip nyo eh” tugon
ko
“siyado ka naman defensive Jey, teka ok na
ba pakiramdam mo?” tanong ni Josh
“uu ok nako pero nasusuka uli ako” tugon ko
“kala ko ba ok ka na bat nasusuka ka?”
tanong ni Josh
“eh kasi may pakiss kiss pa isa diyan,
kadiri eew” pang aasar ko
“ulol asa ka naman lagi mo kami hinihingan
ng kiss tapos ngayong kiniss ka nag iinarte ka diyan” tugon ni Harvey
“nagbibiro lang ako nun noh malay ko bang
totohanin mo nga” pang aasar ko pa
“oh edi wag punasan mo ng alcohol pisngi mo
kung gusto mo” si Harvey habang halatang napipikon na
“uuy napipikon na yan” pang aasar ko pa
“panong di ako mapipikon kung magsalita ka
parang may sakit ako eh” inis na tugon ni Harvey
“binibiro ka lang heto naman masyadong pikon
eh” tugon ko
Pero di na umimik si Harvey
“oi bati na tayo” sambit ko
Ngunit ayaw pa rin nya akong kausapin
“kiss na din kita para di ka na magalit
hehe” sabay halik ko sa pisngi nya ng matagal
“mwaaaaaaaaaaaaaah”
Tawa naman ng tawa si Josh
“meron ka din Josh wag ka mag alala” sabay
halik ko din sa pisngi ni Josh
“mwaaaaaaaaaaaaah”
“loko ka Jey wag moko isali sa kalokohan nyo
mamaya mabangga tayo” tugon ni Josh habang natatawa
“gago talaga yang si Jey” sambit ni Harvey
“yey di na galit sakin” tugon ko
“kaya namiss kita eh dahil diyan sa mga
kalokohan mo” si Harvey sabay pisil sa ilong ko
Pagdating namin ng baguio ay nagcheck in na
kami sa tutuluyan naming hotel, gaya ng nakasanayan nung highschool kami isang
malaking kama at isang maliit ang nasa loob ng room, lumabas din kami agad para
ma sulit na din ang pamamasyal, puro kami tawanan at kuhanan ng litrato sa mga
parke ng baguio. Habang naka upo kami sa isang park at nagpapahinga ay patuloy
pa din ang pagkuha ng litrato si Josh sa amin.
“Josh nakaka ilang shots ka na mauubos na
niyan mukha ko eh” sambit ko
“eto naman, kung titingnan mo album natin ni
Harvey dalawang taon kang walang mga litrato kaya gusto ko lang samantalahin
ito para mapuno uli yun ng litrato mo” tugon ni Josh
“wow ang sweet, pakiss nga” biro ko kay Josh
“sige mamaya kikiss kita” tugon ni Josh
“tara na guys uwi na tayo, dumidilim na
gusto ko din makahiga napagod kasi ako eh” aya ni Harvey
“di ka naman nag drive pano ka napagod” pang
aasar ni Josh
“loko ka tol ha nakikigaya ka na kay Jey,
mapang asar ka na din” si Harvey habang natatawa
“kung ako nagsabi nun malamang nasapok nako”
sambit ko
“haha buti alam mo” tugon ni Harvey
Pagdating namin sa room ay nagpa room service
nalang kami dahil nga ayaw na din nila lumabas sa sobrang pagod. Kaunti lang
ang nakain ko kasi busog pa ako at mas gusto ko nalang manood ng cable.
Magkasama sila sa malaking higaan at ako naman dun sa maliit na higaan.
“Jey kain ka pa konti lang kinain mo baka
magutom ka mamaya nyan eh” si Josh
“sa inyo na lang busog nako eh” tugon ko
“oi Jey halika nga dito” si Harvey habang
tinatawag ako
“bakit?” sabay upo ko sa higaan nila
“kain mo na toh” si Harvey habang sinusubuan
ako
“weh kala ko pa naman kung ano, busog na nga
ako” tugon ko
“sige na Jey” pamimilit ni Harvey
Kumain na din ako dahil medyo makulit na si
Harvey, nung matutulog na dahil hindi pa ako inaantok naghanap na lamang ako ng
mapapanood sa cable, sakto pang nakakatakot yung nagustuhan ko, matatakutin ako
pero ang hilig ko talaga sa mga nakakatakot na palabas.
“Jey dito ka na kasi matulog eh” si Josh
“oi Jey yan ka nanaman ha nakakatakot
nanaman yang pinapanood mo tapos di ka nanaman makakatulog niyan” si Harvey
Ngumiti na lamang ako at pinagpatuloy ang
panonood samantalang silang dalawa ay nakatulog na din agad gawa na din ng
sobrang pagod mula kanina. Nung matapos ang pinapanood ko ay di ako makatulog
dahil na din sa sobrang takot kaya lumipat na ako sa kama nila. Pagkagising
nilang dalawa ay nakita na lang nila akong nasa tabi nila at naka yakap kay
Josh.
“oh lumipat pala dito si Jey” sambit ni Josh
habang naka yakap ako sa kanya
“malamang natakot yan kagabi” tugon ni
Harvey habang natatawa
Ginising na nila ako para makapag handa at
maka baba na para mag almusal, natapos kami mag almusal at dumiretso kami sa
botanical garden, habang nakahiga kami at pinagmamasdan ang kalangitan ay may
ibinigay si Harvey sa akin
“o Jey oh matagal mo nang di sunusuot ito”
si Harvey habang ibinigay ang bracelet na may pangalan naming tatlo
“waaaaaa nasa inyo pa pala ito kaya pala
dito nyo ako dinala, salamat salamat” tugon ko habang tuwang tuwa ako
“oh pano edi iingatan mo na yan” si Josh
“pero mukhang jinx nga itong bracelet eh
kasi minalas ako nun diba?” tugon ko
“minalas ka nung tinanggal mo at ibang
bracelet ang nakuha mo” tugon ni Harvey
“ahh oo nga pala hehe” tugon ko
“teka diba dapat may I love you, kasi
naaalala ko pa nun may I love you eh nung binigay mo ito” pang aasar ko
“hahaha sige I love you Jey” si Harvey
“wala kiss?” biro ko
“sira puro ka kalokohan, halika nga rito” si
Harvey habang pinahiga ako sa dibdib nya
“pero seryosong usapan namiss talaga kita,
lalo na yang pagka makulit mo saka pagka pasaway mo pero di nako papayag na
mawala ka pa sa amin ni Josh baka di ko na kayanin yun Jey” seryosong sambit ni
Harvey
“bakit saan ba ako pupunta di nako mawawala
noh, saka bantay sarado nyo na din naman ako eh hehe” tugon ko
“pero Harvey sakit talaga ng sapak mo sa
akin dahil kay Diane dati hehe” sambit ko
“yan ka nanaman pinapa alala mo nanaman yan,
ayaw ko na nga maalala mga ginawa ko dati sayo eh naiinis lang ako sa sarili
ko” tugon ni Harvey
“oh sorry na po” tugon ko
“tol bat ang tahimik mo?” tanong ni Harvey
kay Josh
“wala lang naaalala ko lahat ng masasayang
pinagdaanan natin kasama si Jey tapos bigla nalang siya nawala sa atin, ayoko
na uli pagdaanan yung mawala siya uli satin di ko na kakayanin yun” malungkot
na tugon ni Josh
Tumabi naman ako kay Josh at niyakap siya
“Josh sorry ha, kung nakinig lang siguro ako
sayo di sana tayo nagkalayo, pero maganda din nangyari sa akin kasi kundi dahil
dun hindi ko makikilala sila Inay at Itay pati na din sila Marie at Dindo kaya
kahit papano nagpapasalamat na din ako sa nangyari” sambit ko
“Hayaan mo na yun Jey ang importante andito
ka na ulit at hindi ka na aalis” tugon ni Josh habang hinalikan ako sa ulo.
“pangako di nako mawawala sa inyo” tugon ko
Naging masaya ang buong araw dahil puro
tawanan at biruan kaming magkakaibigan, kinagabihan habang nakahiga ako sa
tiyan ni Josh
“Josh kanta ka naman di ako makatulog eh”
sambit ko
“pagod ako Jey eh la ako sa mood kumanta
himasin ko nalang likod mo para makatulog ka na” tugon ni Josh habang naka
pikit
“di nako namamahay mula nung maghirap ako
kaya kahit himas na yan wala na sakin, di lang talaga ako makatulog hehe” tugon
ko
“ikaw nalang Harvey kanta ka para antukin
ako, sige na kukulitin ko talaga kayo” sambit ko
“sige na tol pagbigyan mo na para makatulog
na yan” si Josh
“o sige na kaya pala pinadala mo yung gitara
gagawin mo lang kami taga kanta mo” tugon ni harvey
“hehe ganun na nga” biro ko
“o ano gusto mong kantahin ko?” tanong ni
Harvey
“yung and I love you so tutal labs mo naman
ako eh hahahaha” tugon ko habang natatawa
“haha talagang yun pa ha, loko ka parang
planado yan ahh, pero sige na para makatulog ka na” tugon ni harvey
Kinanta na nga ni Harvey habang nakahiga ako
sa tiyan ni Josh at nakikinig
(Paki play po)
And I love you so.
The people ask me how,
How I’ve lived till now.
I tell them I don’t know.
I guess they understand
How lonely life has been.
But life began again
The day you took my hand.
And, yes, I know how lonely life can be.
The shadows follow me, and the night won’t
set me free.
But I don’t let the evening get me down
Now that you’re around me.
And you love me, too.
Your thoughts are just for me;
You set my spirit free.
I’m happy that you do.
The book of life is brief
And once a page is read,
All but love is dead.
That is my belief.
And, yes, I know how loveless life can be.
The shadows follow me, and the night won’t
set me free.
But I don’t let the evening bring me down
Now that you’re around me.
And I love you so.
The people ask me how,
How I’ve lived till now.
I tell them, "i don’t know."
“oh ano ayos ba? may I love you pa yun ha”
tanong ni Harvey
“wala na tol tulog na, yan gusto ko kay jey
kahit isang request lang makakatulog agad hehe” tugon ni Josh
“loko talaga yan hehe” tugon ni Harvey
habang pinisil pisngi ko
“teka ayusin ko lang pagkakahiga ni Jey para
di ka mahirapan” sambit ni Harvey kay Josh
“hayaan mo na siya ma muscle naman yung
tiyan ko kayang kaya siya nyan” biro ni Josh
Kinabukasan ay naghanda na kami pauwi ng
manila, naging maayos naman ang biyahe dahil ginabi kami dahil na din sa
pamimili ng mga pasalubong, dumaan din kami sa bahay para dalhin mga pasalubong
kila papa, pagdating namin sa penthouse ay diretso na kaming natulog matapos
namin maligo.
KInabukasan sa school...
“guys musta bakasyon?” bati ni Fatima
“ok masaya naman” tugon ni Josh
“naks jey suot mo na uli yung bracelet nyo”
si Beth habang hinawakan kamay ko
“oo matitigok na uli ako niyan” biro ko
“sira ulo toh, wag ka nga nagsasabi ng
ganyan” inis na tugon ni Harvey
“biro lang, siya nga pala guys heto nga pala
mga pasalubong nyo hehe” sambit ko
“wow guys salamat” tugon nila
“oi baka inaasar nyo si Grace ha, absent pa
naman kami kahapon” si Harvey
“di ahh pinabayaan na nga namin siya eh”
tugon ni Fatima
“naks concern siya” pang aasar ko
“di naman nakakaawa lang talaga” tugon ni
Harvey
“sabagay kasalanan ko din naman sana di nako
nagbalik para di ko na nagulo yung pagsasamahan nyong lahat edi sana masasaya
pa sana kayo nila Grace at Elton” tugon ko habang malungkot ako kunwari
“hay Jey yan ka nanaman ha, para namang
ipagpapalit kita sa mga yun ayoko ng ganyan ha nakakapikon ka na” inis na tugon
ni Harvey
“ito naman di na mabiro pero tama ka
nakakaawa nga siya, papakiusapan ko sana si papa kaso nagnanakaw pa pala sa
kumpanya papa nya kaya kahit di siya sampahan ng kaso ni Papa sigurado
magsasampa yung board” tugon ko
“speaking of the new vice-president for
marketing yung Papa ni Luke ang pumalit kasi halos mga ideas nya din pala yung
mga ginagamit sa mga marketing strategies kahit assistant lang sya” sambit ni
Fatima
“wow talaga? Galing naman” tugon ko
“oo Jey at samin na sumasama si Luke ngayon
dahil di na daw siya tali kila Grace, kaya madadagdagan naman tayo” tugon ni
Fatima
“ok yun mabait naman talaga si Luke noon pa eh”
tugon ni Josh
Nagdaan ang mga araw at linggo nakasama
namin sa aming grupo si Luke naging malapit na kaibigan din namin si Anghelo,
lagi namin siya niyayayang lumabas. Dumating na ang pinakahihintay naming sem
break, pinuntahan kami ni Anghelo sa bisperas ng pag alis namin pabalik sa
isla.
“o Jey bakit? Bukas na diba alis natin
pabalik ng isla?” tanong ni Anghelo
“tara buong araw tayo mamimili ng mga
pasalubong kila Inay at Itay hehe samahan kita” tugon ko
“nakapamili nako saka konti nalang ipon ko para
kila Inay at Itay ito ayaw ko nang galawin” tugon ni Anghelo
“ayos lang yun ako na bahala hehe” tugon ko
Pumayag na din si Anghelo at buong araw nga
kami namili ng mga pasalubong kila Inay at Itay
“Jey andami na nito nakakahiya naman sayo”
sambit ni Anghelo
“ok lang yan dami kaya nila naitulong sa
akin saka parang tunay na magulang na turing ko sa kanila” tugon ko
Natapos kami sa pamimili, kinabukasan ay
sabay sabay na kami sa airport kasama si Papa sila kuya, josh, Harvey, Fatima,
Dindo, Marie at Anghelo. Habang naghihintay ng flight namin
“sana nag barko nalang tayo para masaya”
pagbibiro ko
“gusto mo tamaan sakin Jey?” si Kuya Justin
“kuya ako nalang mas malapit siya sa akin
walang mintis pag sinapak ko siya” sagot naman ni Harvey
“sarap mo sakalin ngayon Jey” si Josh
“ikaw talaga anak hilig mo mang asar” tugon
ni Papa
“nagbibiro lang po ako papa hehe” tugon ko
Dumating ang boarding time habang nasa
eroplano kami ay di mapakali si Marie at Dindo
“grabe kinakabahan ako first time ko sa eroplano”
sambit ni Marie
“ako nga din eh” tugon naman ni Dindo
“ikaw Anghelo hindi ka ba kinakabahan?”
tanong ko
“kinakabahan ako sa muli naming pagkikita
nila Inay at Itay hindi ko alam kung ano mga sasabihin ko sa kanila” tugon ni
Anghelo
“sabihin mo magpapakasal na tayong dalawa at
hindi na nila tayo mapipigilan pa” biro ko
“hahaha ikaw talaga Jey puro ka biro” tugon
ni Anghelo habang tumatawa
Pagkadating namin sa probinsya ay agad kami
sinundo ng Van para ihatid sa Hotel na tutuluyan namin. Nung nasa hotel kami ay
hindi na kami mapakali ni Anghelo.
“Pa mauna na po kami ni Anghelo sa isla ha”
paalam ko
“naka schedule nga daw mga boat trip papunta
doon, mamayang hapon pa nga daw ang next trip eh” paliwanag ni Kuya John
“ay uu nga pala, Anghelo lumangoy na lang
tayo papunta doon” tugon ko
“kung pwede nga lang eh kaso medyo malayo”
tugon ni Anghelo habang natatawa
“eh Pa kung renta nalang tayo bangka”
mungkahi ko
“natanong ko na din kanina yan sa
information, medyo maalon daw kaya ayaw ng mga maliliit na bangka yung iba
naman ay mamaya pa nga raw hapon darating” paliwanag ni papa
“Jey wag ka na magmadali makakapunta rin
naman tayo dun mamaya eh, magpahinga na lang muna kayo” tugon ni Kuya Justin
“oo nga naman Jey tingnan mo si Anghelo
relax lang” si Fatima
“mukha lang ako relax pero di na talaga ako
mapakali pero tama naman papa mo Jey baka mamaya may masama pa mangyari sa atin
pag nagpumilit tayo ngayong medyo maalon ang karagatan” tugon ni Anghelo
“basta ako maghahanda ako mamaya sa pagbabalik
ko dun, mamatay sa inggit lahat ng kaaway ko wahahaha” si Marie habang excited
sa pagpili ng mga susuotin para mamaya
Dumating ang oras ng pagpunta namin sa Isla
“sir paki suot nyo po muna mga life vest
nyo” pakiusap nung isa sa mga bangkero
Sinuot naman nila ang mga life vest maliban
sa akin
“pwedeng wag na ako? Marunong naman po ako
lumangoy kung may mangyari mang masama hehe” tugon ko
“Jey suotin mo na yan ano ba” inis na tugon
ni Josh
Sinuot ko na din dahil sa baka magalit pa
sila sakin, pagdating namin sa isla ay agad kami napatakbo ni Anghelo papunta
sa bahay nila Inay at Itay
“teka hintayin nyo kami” si Marie at Dindo
habang hinahabol kami
“para talagang bata yang si Jey nahawa pa
tuloy sila Anghelo” sambit ni Harvey
“ganyan talaga namiss kasi nya Inay at Itay
nya” tugon ni Josh
Pagdating namin malapit sa bahay ay nakita
namin si Inay na nagwawalis at si Itay na inaayos ang lambat
“Anghelo magtago ka muna sa likod nila para
ma surpresa sila Inay at Itay” mahina kong sambit
Nagtago nga si Anghelo sa likod ng aming mga
kasama, ako naman ay unti unting lumapit kila Inay at Itay, pagkakita nila sa
akin ay laking gulat nila.
“Anghelo anak!” sigaw ni Inay na napatakbo
sa akin at niyakap ako ng mahigpit
“Anak nagbalik ka” sigaw naman ni Itay
habang tumakbo din papalapit sa akin at niyakap ako
“Jey po ang tunay kong pangalan at naaalala
ko na po ang lahat pero hindi ko po makakalimutan ang mga kabutihan nyo sa
akin” tugon ko habang yakap yakap ko sila Inay at Itay
“bat nyo naman po ako iniwan Nay, Tay?”
tanong ko
“bago kasi kami pinalayas nalaman naming
nakita mo na ang tunay mong pamilya, at masayang masaya kami para sayo saka
ayaw na namin mahirapan ka pa kaya hindi na lang kami nagpaalam” tugon ni Inay
“ang lungkot lungkot ko nga po nung umalis
kayo” tugon ko
“siya nga po pala Inay, Itay may sorpresa po
ako sa inyo” dagdag ko habang nakangiti
“ano naman ba yun anak? Makita ka lang namin
muli pinaka maganda nang sorpresa yun” tugon ni Itay
“ay hindi po wala pong sinabi yung pagkikita
nating muli sa makikita nyo ngayon, alam kong heto na ang magiging pinaka
masayang araw ninyo” tugon ko
“ha? Ano naman yun anak?” tanong ni Inay
At yun nga ay lumabas na si Anghelo mula sa
likod nila Josh at Kuya
(Paki play po)
“Inay, Itay andito na po ako” si Anghelo
habang lumuluha
“A-anak?” si Itay habang nauutal sa
pagkabigla
Si Inay naman ay natulala
Itutuloy...
Preview for the next part:
“hayop na yun hanggang dito ba naman
makikita ko uli siya” si Josh habang galit na galit
Author’s note:
Ready nyo na uli mga sarili nyo hehe
No comments :
Post a Comment