Total Pageviews

Wednesday, 1 April 2015

Sa Aking Pagbabalik part 19



Sa Aking Pagbabalik part 19

Nang matapos ko ang aking awit ay biglang naghiyawan ang mga taong nanonood sa pageant, pati ang aking mga kaibigan at kaklase ay nagsisigawan din.

“grabe ang ganda ng boses nya” sambit nung isa sa mga nanood

“oo nga tama nga yung sinabi nila” tugon naman nung isa

Pagbaba ko ng entablado papunta ng backstage ay sinalubong naman ako ng yakap ni Josh at Harvey

“the best ka pa rin talaga Jey” sambit ni Josh

Bigla namang lumapit ang iba pang kandidato at kandidata para batiin ako

“best friend ko yata yan” pagmamalaki ni Harvey

Samantala si Roby ay nasa isang sulok at nakangiti habang pinagmamasdan ako, nung mapatingin ako sa kanya ay saka ko siya inasar.

“bleeh” pang aasar ko kay Roby

Bigla naman siyang natawa at sinenyasan ako na lagot daw ako mamaya, itinuloy ang competition hanggang sa tawagin na ang tatlong finalist, at gaya ng inaasahan ay pasok sa tatlong finalist si Josh at Roby, magkatabi at halatang may namumuong tensyon sa kanilang dalawa. Hindi naman ito napapansin ng mga nanonood dahil walang tigil ang mga ito sa paghiyaw at pag checheer sa mga nakapasok sa Finalist.

Ang huling round ng competition ay ang question and answer portion, unang tinanong ang unang finalist mula sa college of arts and sciences, maganda ang naging sagot nya at gaya ng inaasahan ay nagpalakpakan at naghiyawan ang mga kaklase at mga taga suporta nya. Pangalawang tinawag ay si Roby para tanungin.

“are you willing to forgive a friend who has betrayed you?” tanong ng host ng kompetisyon

“It will be hard for me to forgive that person but we are only humans and if God can forgive, then why can’t we?” sagot ni Roby

Bigla namang naghiyawan ang mga nanonood at kanyang mga taga suporta, Si Josh naman ay tahimik lamang at napaisip sa mga sinabi ni Roby. Ang huling tinawag ay si Josh at gaya din ng inaasahan nag umpisang maghiyawan ang aming mga kaklase at kaibigan pati na din ang kanyang mga taga suporta.
“If your girlfriend asked you to choose between her and your best friend, who will you choose?” tanong ng host

“definitely my best friend because if my girlfriend really loves me then she should accept all the people that I love and that includes my best friend” tugon ni Josh sabay kindat sa akin

Biglang naghiyawan ang aming mga kaklase at kaibigan pati na din ang mga taga suporta ni Josh ay walang tigil sa palakpakan, dahil magaganda lahat ng sagot ng mga contestants kaya binase kung sino ang mananalo sa overall performance ng bawat contestants. Hindi gaya ng nakagawian huling inannounce ang nanalo sa Mr. University.

“so guys are you all excited?” tanong ng host sa audience

“yes! Wooo” sigawan ng mga estudyante

“ok di ko na kayo bibitinin, our second runner up is from the colllege of ................ Nursing! Mr. Aaron Olivarez!” sigaw ng host

Biglang naghiyawan ang mga tao nung malamang dalawa na lang ang pagpipilan si Josh at Roby na lamang ang natitira.

“so we only have two candidates left, so who do you think will be our new Mr. University for this year?” tanong ng host sa mga audience

Kanya kanyang sigaw ng mga pangalan ang mga estudyante, mas nakakalamang nga lang ang mga maka Josh kesa maka Roby. At dun na nga ay inannounce na ang first runner up

“so our first runner up is from the college of ................... Business Administration! Mr. Roby Almendrez! so meaning our this year’s Mr. University is from the College of Engineering! Mr. Joshua Villareal!” sigaw ng host ng event.

Biglang naghiyawan at nagwala ang mga kaibigan, kaklase at mga taga suporta ni Josh, pati ako ay nagtatalon sa sobrang tuwa dahil sa pagkakapanalo ng aking matalik na kaibigan. Nilapitan siya ni Harvey para ilipat ang korona sa kanya.

“congrats pare!” bati ni Harvey habang tuwang tuwa

“haha tnx tol, si Jey nalang kulang na makakuha ng Mr. university kumpleto na tayo” pagbibiro ni Josh

“haha asa ka pang sasali sa Mr. University yun baka sa Ms. University pa” tugon ni Harvey habang natatawa

Samantala si Roby naman ay bagamat nakangiti ay halata parin sa kanyang mukha ang kalungkutan dahil sa pagka bigo. Pagkatapos ng paligsahan ay dinumog ng mga kaibigan, estudyante at mga taga suporta si Josh para batiin, nilapitan ko naman si Roby.

“uy congrats ha galing mo kanina” bati ko kay Roby

“salamat, pero teka ikaw ha may atraso ka nga pala sakin” tugon ni Roby habang naka ngiti

“ahh eh aalis nako hehe” paalam ko

“anong aalis? Ikaw ha tagal mo din ako pinagtripan kala mo ganun ko lang mapapalagpas yun” tugon ni Roby habang iniipit ako sa ulo at kinikiliti

Habang nagtatawanan kaming dalawa ay bigla naman kami nakarinig ng boses sa may likuran

“diba malinaw ang usapan natin? Na kapag nanalo ako lalayuan mo na ang kaibigan ko” seryosong sambit ni Josh habang papalapit sa amin kasama mga kaibigan, kaklase at mga taga suporta nya.

“wag ka mag alala tol natatandaan ko yun” tugon ni Roby

“yun naman pala, eh bakit lapit ka pa rin ng lapit sa kanya?” galit na tanong ni Josh

“ahh Josh pasensya ka na ako yung lumapit sa kanya kasi tingnan mo naman siya talunan oh nakakaawa naman siya hehe” pang aasar ko kay Roby

“ahh loko ka talaga ha” tugon ni Roby

“halika na nga” sabay hila sa akin ni Josh paalis

Habang naglalakad kami kasama mga kaibigan, kaklase at mga taga suporta ni Josh ay halatang nabwisit si Josh kay Roby.

“Josh sorry na binati ko lang naman siya eh” nahihiya kong sambit kay Josh

“talagang inuna mo pa siya kesa sa akin” tugon ni Josh na halatang inis

“di naman sa ganun kaso nakita mo naman dinudumog ka na nga ng mga estudyante di naman ako basta basta makakalapit sayo, sa kanya kaunti lang ang lumapit” tugon ko

“sus nagdadahilan ka pa” inis na tugon ni Josh

Maya maya pa habang papalabas kami sa gymnasium ay sinalubong na kami ni Harvey para sumama sa victory party ni Josh.

“congrats uli tol” bati ni harvey kay Josh sabay yakap sa kanya

“thanks pare, by the way pagsabihan mo yang kaibigan mo” sabay turo sa akin ni Josh

“o bakit ano nanaman ginawa nya?” tanong ni Harvey

“grabe ka naman Josh kaibigan mo din naman ako ahh” tugon ko habang nahihiya sa sinabi ni Josh

“kaibigan pala pero mas inuna pa yung iba” inis na tugon ni Josh

“hayan kasi si Jey nahuli ni Josh nakikipag harutan nanaman kay Roby” wika ni Fatima

“hayun kaya naman pala, tigas talaga ng ulo mo Jey” si Harvey habang umakbay sa akin

“Harvey di na talaga ako mahal ni Josh huhuhu” pagdadrama ko habang nakayakap ako kay harvey

“oi magtigil ka diyan sa kaartehan mo ha, naiinis nako sayo imbis na good mood dapat ako ngayon nasisira araw ko dahil sayo” inis na tugon ni Josh

Tumahimik na lamang ako dahil mukha ngang inis pa si Josh dahil sa mga nangyari, pumunta kami sa isang bar para mag celebrate, sumama din sila Abby at Carla sa grupo. Mababait naman sila at palakaibigan kung titingnan nga sila ang sweet sweet nilang apat. Lumalim ang gabi at isa isa naring naguwian mga kaibigan, kaklase at iba pang taga suporta ni Josh. Kami na lamang lima yung natira sa table, dahil nga medyo OP nako sa kanila kaya nagpaalam na lamang ako na mauuna nakong umuwi.

“guys mauuna nako umuwi ha, siya nga pala Abby and Carla nice meeting you” paalam ko habang naka ngiti

“ha? Uuwi ka na wag muna, kwentuhan pa tayo” tugon ni Abby

“inaantok na din kasi ako eh” tugon ko

“sasabay ka nga sa amin umuwi eh” tugon ni Josh habang naka akbay kay Carla

Wala na nga ako nagawa kundi maghintay na lamang at mabagot sa kakahintay. Pagdaan ng waiter ay nag order na lamang ako ng beer.

“boss isa nga pong san mig light” order ko sa waiter

Bigla namang hinarang ni Harvey ang order ko

“ahh boss coke lang yung sa kanya cancel mo na yung san mig light” sambit ni Harvey sa waiter

“ehh bakit kayo?” inis kong tanong

“hindi nga pwede kakagaling mo lang sa sakit eh” tugon ni Josh

“eh bakit ayaw nyo ako pauwiin? Diba dapat nga natutulog nako dahil bawal din ako mapuyat?” tugon ko

“hay tol ikaw na nga kumausap diyan nakaka badtrip eh” inis na sambit ni Josh

“o sige na lalakad lakad muna ako diyan sa labas” paalam ko

“mabuti pa nga” tugon ni Josh

Habang naglalakad ako sa labas para magpahangin ay biglang may tumutok ng isang matigas na bagay sa aking tagiliran

“waaaaaa wala po kayong makukuha sa akin anak lang po ako ng mahirap” sambit ko habang takot na takot

“sinungaling hindi ba anak ka ni Mr. dela Vega yung may ari ng dela Vega group?” tugon nung lalaki

“hindi po baka napagkamalan nyo lang po ako” tugon ko habang takot na takot

Bigla namang ibinalik ng lalaki ang kanyang tunay na boses saka ito tawa ng tawa, si Roby pala pinagtitripan ako.

“nanakainis ka talaga alam mo namang matatakutin ako eh” inis kong sambit

“oh ano ngayon quits na tayo para sa panloloko mo sa akin” tugon ni Roby habang tawa ng tawa

“teka bat ka nga pala andito? Siguro sinusundan mo ako noh?” tanong ko

“kapal hahaha pero lagi naman kasi ako andito, nakita kasi kita kanina palakad lakad” tugon ni Roby

“bakit ka nga pala andito diba dapat kasama mo si Josh saka Harvey?” tanong ni Roby

“busy sila sa mga babae nila ma a out of place lang ako dun” tugon ko

“hala nagseselos” pang aasar ni Roby

“hindi naman kaso ayoko talaga maka istorbo sa kanila” tugon ko

“tara Roby pasyal mo naman ako oh” pag aya ko sa kanya

“san naman tayo pupunta? Saka hindi ba may kasunduan kami ni Josh na lalayuan na kita” tugon nya

“oo nga pero nilapitan mo ako kanina, ano kaya yun hahaha” tugon ko habang natatawa

“haha sige na nga” tugon ni Roby

Dinala nya ako sa luneta park

“waaa ano binabalk mo sa akin?” biro ko habang naglalakad kami

“sira manonood lang tayo ng mga bituin” tugon ni Roby

Humiga kami sa may damuhan at pinagmasdan ang kalangitan

“alam mo Jey pag may problema ako lagi lang ako nandito pinagmamasdan ang mga bituin, ewan ko ba pero gumagaan talaga pakiramdam ko pag nakikita ko ang mga yan” sambit ni Roby

“isa na mama ko sa mga bituin, sana makita ko siyang muli” tugon ko

“sira wag ka nga magsalita ng ganyan, hindi maganda ang ganyan” tugon ni Roby

“para ka naman si Josh saka Harvey eh, ang ibig ko lang sabihin sana kahit papano makausap ko siya kahit sa panaginip lang” tugon ko

Habang nagkukwentuhan kami ay bigla naman nag ring ang cellphone ko, tumatawag si Harvey

Jey nasan ka ba kanina ka pa namin hinahanap ahh” pag aalalang tanong ni Harvey

nasa luneta nakahiga sa damuhan pinagmamasdan kalangitan” tugon ko

“seryoso ka? Putcha naman Jey alam mong delikado diyan ng ganitong oras eh” tugon ni Harvey

“dami kaya bantay dito saka dami din tao kaya ayos lang ako dito” tugon ko

“o wag kang aalis diyan pupuntahan ka namin diyan” tugon ni Harvey

“wag na pauwi na din ako kita na lang tayo sa bahay” tugon ko

maghintay ka nalang sabi diyan eh” galit na sambit ni Harvey

“o sige na maghihintay nako” tugon ko

“pano kailangan ko na mauna baka abutan pa tayo ng mga yun” wika ni  Roby

“o sige salamat uli ha” tugon ko

“pero wag ka mag alala andun lang ako sa malayo para nakikita parin kita aalis lang ako pag dumating na sila mahirap na baka may mangyaring masama sayo” tugon ni Roby

“sige salamat para namang may bawal na relasyon tayo nito” tugon ko habang natatawa ako

Dumating na nga si Josh at Harvey sa aking kinaroroonan ngunit di na nila kasama si Abby at Carla.

“o nasan na si Abby at Carla bat di nyo kasama?” tanong ko

“hinatid na namin sila” tugon ni Harvey

“diba sabi namin kanina sayo wag kang lalayo tapos heto ka ngayon andito” si Josh habang naiinis

“nakakainip dun eh puro inuman saka sayawan lang alam nyo namang di ako mahilig sa mga ganun eh” tugon ko

“kahit na dapat nagpaalam ka man lang, alam mo Jey dapat masaya ako ngayong araw pero nabubwisit ako dahil sayo” tugon ni Josh

“baka naman meron ka kaya wala ka sa mood” pang aasar ko

Lalapitan na sana ako ni Josh sa sobrang pikon pero pinigilan siya ni Harvey

“isa lang tol sapakin ko lang ng minsan” galit na sambit ni Josh

“tol naman para namang di natin kaibigan yan eh” pag awat ni Harvey

Bigla naman akong nagtago sa likod ni Harvey kasi alam ko na pikon na pikon na sa akin si Josh nung mga oras na yun. Sa sobrang inis ni Josh ay nauna na siyang maglakad papunta sa kotse.

“tingnan mo ginawa mo dapat espesyal araw na ito kay Josh, nasira dahil sayo” paninisi sa akin ni Harvey

“wala naman talaga ako ginagawang masama siya lang itong mainitin ang ulo eh” tugon ko

Pagdating namin sa sasakyan ay andun na si Josh naghihintay sa loob

“taxi nalang kaya ako Harvey baka ayaw ako isakay nyan eh” pag aalala ko

“alam mo pag di ka tumigil sa kaartehan mo ako sasapak sayo” inis na tugon ni Harvey

“ang susungit nyo naman” tugon ko habang papasakay na ng kotse ni Josh

Habang nasa biyahe kami papauwi ay hindi man lang ako iniimik ni Josh

“uy Josh bati na tayo”

Ngunit hindi nya ako pinansin, alam kong masama ang loob nya kanina pa mula nung matapos ang event dahil sa pakikipag usap ko sa mortal nyang kaaway, kahit gusto ko man iwasan na talaga si Roby ay hindi ko talaga magawa.

Pagkarating na pagkarating namin sa penthouse ay dumiretso na agad si Josh sa kanyang kwarto na di man lang ako kinakausap

“yan tingnan mo ginawa mo” sambit ni Harvey

“oo na kasalanan ko na” nahihiya kong tugon

Kinabukasan habang kumakain ay ayaw pa rin akong imikin ni Josh kahit anong pangungulit ko sa kanya ay ayaw man lang nya ako kausapin.

“uy Harvey sabihin mo naman kay Josh bati na kami oh” pakiusap ko kay Harvey

“kakatawa ka Jey bat di ikaw magsabi” tugon ni Harvey habang natatawa

“eh kanina ko pa kaya siya kinakausap ayaw naman ako imikin” tugon ko

Pinagpatuloy ko na lamang ang aking pagkain, dumiretso na kami sa school pagkatapos at nadatnan namin ang aming mga kaibigan na naghihintay sa amin, pagkakita pa lang nila kay Josh at naghiyawan at nagpalakpakan na ang mga ito.

“haha kayo talaga” si Josh

“siyempre proud na proud yata kami sayo” tugon ni Dindo

Pati pa ang ibang mga nagdaraang mga estudyante ay panay bati kay Josh

“hi Josh ang galing mo kagabi” wika nung isang estudyante

“oo nga deserve ka talaga manalo” sambit naman nung isa

“uy salamat ha” tugon naman ni Josh nang nakangiti

“tingnan mo ito ang bait bait sa iba pero sa sariling best friend ang sungit sungit” inis kong sambit

“sira ka talaga Jey baka marinig ka nyan lalo pang magalit sayo” tugon ni Harvey

“totoo naman eh” tugon ko

“ikaw naman kasi Jey alam mo namang mortal na kaaway nyan si Roby nagpapahalata ka pa dapat patago nalang kayo mag usap noh” bulong ni Fatima

“hehe naawa kasi talaga ako kagabi kay Roby” tugon ko

Habang papunta na kaming lahat sa classroom ay wala pa rin akong sawa sa pangungulit kay Josh para kausapin nako.

“uy Josh hanggang kelan mo ba talaga ako di kakausapin?” pangungulit ko

“Josh kausapin mo na nga si Jey para kayong mga bata eh” si Harvey

“oo nga naman Josh kausapin mo na para namang di mo kaibigan si Jey eh” si Beth

“Josh suntukin mo nalang ako mas maganda pa yun kesa yung hindi mo ako kinakausap” malungkot kong sambit

Bigla naman akong linapitan ni Josh at sinuntok ng malakas sa braso, sa sobrang lakas ay talagang tumunog ito.

“aray!” sigaw ko dahil sa sobrang sakit

Nagulat ang aming mga kaibigan sa ginawa ni Josh

“tangina naman tol eh, ang lakas kaya nun” si Harvey habang galit na galit kay Josh

“eh sabi suntukin ko eh, para kausapin ko siya” si Josh habang natatawa

“lakas naman kasi ng pagkakasuntok mo” wika ni Tom na halatang nainis din

Linapitan naman ako ni Marie para tingnan ang braso ko

“naku namaga talaga braso ni Jey sa sobrang lakas” wika ni Marie

“Jey ayos ka lang ba?” pag aalalang tanong ni Luke

“ayos lang ako hehe” wika ko habang ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit

“patingin nga” si Josh habang itinaas ang aking mangas para tingnan

“sorry Jey ha napalakas kasi kiss ko nalang para gumaling agad” paglalambing ni Josh

“ay Josh sapakin mo din ako sa mukha para kiss mo din” biro ko

“ulol hahaha” si Josh habang inakbayan ako at niyayakap

“araay!” sigaw ko dahil tinataamaan nya ang aking braso

“ay sorry hehe” si Josh

Pumasok na kami at naging maayos naman ang araw, bati na din kami ulit ni Josh. Kinagabihan sa penthouse habang nakaupo kami sa sala ni Josh

“patingin nga uli nung pasa mo” si Josh habang tinataas ang mangas ko

“pasensya ka na kanina Jey ha napalakas kasi, pero sana naman Jey wag na sana matigas ang ulo mo, umiwas ka nalang kay Roby alam mo namang wala kaming tiwala sa gagong yun eh, iniingatan ka lang namin kasi ayaw ka naming masaktan” paliwanag ni Josh

“sige kung yun talaga gusto nyo” tugon ko

Kahit gusto kong iwasan si Roby alam kong hindi ko magawa kaya kahit mali ay napipilitan akong magsinungaling sa dalawa kong matalik na kaibigan. Lumipas ang mga araw naging maayos din ang lahat, patago pa rin kami kung magkita ni Roby ngunit mas madalas ko na kasama si Josh at Harvey

Disyembre ng taon malamig ang simoy ng hangin, madaling araw ay ginigising ako ni Josh at Harvey para sa misa de gallo

“Jey gising na heto unang araw ng simbang gabi baka mahuli tayo” pagtapik sa akin ni Josh habang bihis na bihis na siya

“kayo nalang mamaya nakong gabi” tugon ko habang bumalik ako sa pagtulog

“Jey naman nakagawian na natin ito diba noon pa, dalawang taon ka din nawala kaya dapat kasama ka na uli ngayon” tugon ni Josh habang pilit akong ginigising

“sus konsensyahin pa ako, sige na tatayo nako pero buhat mo muna ako tinatamad ako eh hehe” paglalambing ko

“o sige ihuhulog kita sa building” biro ni Josh

“sungit naman” tugon ko habang tumatayo na

Pagkabihis ko ay dumiretso na kami pababa para sumakay sa sasakyan ni Harvey andun na din siya at naghihintay.

“bat ba ang tagal nyo male late na tayo sa misa ahh” tanong ni Harvey

“eh yang si Jey ang tagal gumising eh” tugon ni Josh

Pagdating namin sa simbahan ay nagsisimula na ang misa buti na lang ay may mga bakante pang upuan kaya nakaupo din kami.

“ayan kasi na late tuloy tayo” inis na sambit ni Harvey

“tatlong minuto lang naman eh” tugon ko

Habang nasa misa ay di ko sinasadya napapapikit ako at napapasandal sa balikat ni Harvey

“Jey ano ba nagmimisa eh” sambit ni Harvey

“pasensya na inaantok kasi ako” tugon ko

“maya ka na matulog uli pagkatapos nalang ng misa” si Harvey

Napigilan ko din ang aking sarili, pagdating sa rite of peace ay niyakap ako ng mahigpit ng dalawa

“Jey masayang masaya kami kasi kasama ka na uli namin akala namin hindi na mauulit ito” sambit ni Josh habang yakap ako

“namiss nyo talaga ako noh?”

“oo naman” tugon ni Harvey

Pagkatapos ng misa ay sinalubong kami sa labas ng iba pa naming mga kaibigan.

“o bat di namin kayo nakita kanina?” tanong ni luke

“nalate kasi kami tagal kasi nitong si Jey” tugon ni Josh

“o tara na kain muna ng bibingka saka putobumbong” aya ni Fatima

Habang kumakain sila ako naman ay natutulog lang at nakasandal sa balikat ni Josh, ginawa ko na din siyang parang unan dahil nakayakap din ako

“bat di nyo pala kasama si Abby at Carla?” tanong ni Beth

“kasama din nila family nila saka nakagawian talaga pag simbang gabi kami kami lang ni Josh at Jey, matagal nawala si Jey kaya gusto namin siya lang muna kasama namin” tugon ni Harvey

“kasama pero tinulugan tayo” tugon ni Fatima

“nagpuyat kasi yan kagabi hilig kasi manood ng horror” tugon ni Josh

“buti nalang nakatulog pa eh diba matatakutin yan?” tanong ni Dindo

“pinuyat kamo kami kagabi hindi namin iniwan sa kwarto nya hanggat di nakakatulog” tugon ni Harvey

“buti di na nananaginip na greek mythology sya” tugon ni Tom

“ahh wala na yun hahaha” si Josh habang tumatawa

“kakainggit naman si Jey talagang mahal na mahal nyo siya” wika ni Marie

“oo naman kahit pasaway mokong na toh, mahal namin toh” sabay kurot sa ilong ko ni Josh

“sana nga hindi magbago ang tingin nyo sa kanya kahit malaman nyo ang totoo” bulong ni fatima

“ano yun?” tanong ni Harvey

“wala sabi ko ganyan naman talaga dapat sa mga magkakaibigan” palusot ni Fatima

Nagising ako sa kwentuhan at tawanan ng aking mga kaibigan

“o ano ayos ka na?” tanong ni Josh

“uu ok nako sarap talaga gawin unan katawan mo Josh sarap yakapin” tugon ko sabay yakap uli sa kanya

“oi Jey mamaya nga pala start na ng christmas shopping natin ha, para di na tayo mag rush bago pasko” paalala ni Harvey

“wow bibilhin nyo ba mga regalo namin?” tanong ni Marie

“secret hehe” tugon ni Josh

“wag kayo mag alala alam ko na ibibili ko sa inyo hehe” tugon ko

“by the way Josh malapit na Foundation day sikat ka nanaman uli niyan, diba kayo ng Ms. University yung special guest sa araw na yun?” si Robert

“dalawang buwan pa naman yun pero oo sobra akong magiging busy pati practice namin sa basketball sunod sunod yun kailangan na din namin ng mga bagong recruit sa basketball, unexpected kasi marami ang nawala samin” tugon ni Josh

“kelan naman daw tryout? Sali ako” si Luke

“sure tol alam ko naging player ka din sa dati mong school, aasahan kita sya nga pala sa biyernes pala gaganapin wag ka mawawala ha” tugon ni Josh

“magiging busy na din kami sa football” wika ni Harvey

“mukhang mapapagod kayo ng husto nyan” tugon ni Marie

“ganyan na talaga mga yan pag malapit na foundation day sobrang busy” tugon ni Beth

Pagdating ng hapon gaya ng napag usapan ay diretso agad kami sa mall para mamili ng mga panreregalo sa pasko.

“kanina pa tayo ikot ng ikot halos napamili ko na lahat ng bibilhan ko eh, pabalik balik na din ako sa kotse para ilagay mga yun, kayo iilan pa lang, pagod nako” reklamo ko

“wala pa kasi kami nabibili para sa mga kaibigan natin pati sila Abby at Carla wala pa kami nabibili” tugon ni Harvey

“eh sakin ano regalo nyo?” tanong ko

“wala” ngiting tugon ni Josh

“ok lang naman kahit wala hehe” tugon ko

“sus ikaw pa mawawala makalimutan na namin lahat wag lang ikaw” tugon ni Harvey sabay kurot sa pisngi ko

“ano iwan ka muna dito kung pagod ka na kami nalang dalawa mamimili, at pakibantay na din itong mga pinabili namin” si Josh sabay abot ng mga pinamili nila sakin

“ano pa nga ba” tugon ko

“o baka maglibot ka nanaman nyan” si Harvey

“edi andami ko dala dala pag ginawa ko yun” tugon ko

Iniwan na nga nila ako at itinuloy ang kanilang pamimili ako naman ay nakaupo lamang sa isa sa mga upuan sa mall at pinapanood na lamang ang mga nagdadaang mga tao. Hindi naman ako nainip dahil nag eenjoy talaga ako sa kakapanood sa mga ibat ibang taong nagdadaan, ganun yata talaga ako mababaw kaligayahan hehe, habang pinapanood ko sila ay biglang may lumitaw na ice cream sa aking harapan.

“o para di ka mainip” si Roby

“waaa salamat, andito ka pala” tugon ko habang kinuha ang ice cream

“napadaan lang ako may binili kasi ako kanina, sakto nakita kitang nakaupo diyan, bat nga pala mag isa ka lang?” si Roby

“hindi kasama ko sila Josh saka Harvey kanina namili lang ng mga panreregalo napagod kasi ako kaya pinaghintay nalang nila ako dito” paliwanag ko

“ahh ganun ba? dito muna ako ha para may kasama ka” tugon ni Roby habang umupo sa tabi ko

“ano pala regalo mo sa akin sa pasko hehe?” tanong ko

“hmm wala eh” biro ni Roby

“ahh ganun ba? sige ok lang” tugon ko habang kunwari medyo malungkot

“biro lang heto naman pero siyempre surpresa yun” tugon ni Roby

“waaa grabe kinikilig ako, ano kaya regalo nya sakin” bulong ko sa aking sarili habang napapangiti

“oi ano nginingiti ngiti mo diyan ha?” tanong ni Roby

“wala may naaalala lang ako hehe” palusot ko

“siya nga pala mag tatryout ako sa basketball team sa Friday ha, gusto ko manood ka” si Roby

“ha? naloloko ka na ba? nakakalimutan mo na yatang si Josh yung captain ng basketball team para namang makakapasa ka” tugon ko habang nagulat sa kanyang mga sinabi

“yung coach naman ang mamimili hindi siya” tugon ni Roby

“alam mo namang nag iinit ulo nun pag nakikita ka nya makasama ka pa kaya sa team nya, edi lalong nagwala yun” pag aalala kong tugon

“edi matuto na siyang pakisamahan ako professionally” tugon ni Roby

“pero” itutuloy ko pa sana nang bigla siyang sumabat

“wag ka na mag alala Jey ako na ang bahala basta gusto ko manood ka ha, o sige mauuna nako” paalam ni Roby

“oi wag ka mawawala dun lagot ka sakin pag di kita nakita” paalala ni Roby habang papaalis na siya

“patay malaki nanamang gulo sigurado ito” sambit ko sa aking sarili

Maya maya lang ay dumating na si Josh at Harvey dala dala ang kanilang mga pinamili.

“oi Jey lalim yata ng iniisip mo” tanong ni Josh

“ahh eh wala yung mga ireregalo ko lang kila Inay at Itay pati na din kay Anghelo, iniisip ko lang kung tama na ba ang lahat” tugon ko

“ano ba yan Jey kakain ka nalang ng ice cream para kang bata punong puno yang bibig mo” si Harvey habang kinuha ang kanyang panyo at pinunasan ang aking bibig.

“Harvey naman para naman akong bata nyan eh nakakahiya” inis kong sambit habang pinupunasan nya bibig ko

“oo bata ka nga di mo nga ayusin pagkain mo ng ice cream mas nakakahiya sa mga nakakakita sayo” tugon ni Harvey habang pinupunasan bibig ko

“o tara na uwi na tayo” aya ni Josh

Pagkarating namin sa penthouse ay agad nila itinabi ang mga pinamili nila at naupo muna sa sofa para magpahinga, ako naman ay pasimpleng tinitingnan ang mga pinamili nila para tingnan kung ano ireregalo nila sa akin.

“oi ano tinitingnan mo diyan?” tanong ni Harvey

“wala inaayos ko lang” palusot ko

“asus kunwari ka pa hinahanap mo lang niyan yung regalo namin sayo eh” tugon ni Josh habang natatawa

“bat parang wala sakin, sila Fatima, Beth, Abby, Carla, Marie, Dindo, Tom at iba pa nandito lahat bat sakin wala?” malungkot kong tanong

“eh wala naman talaga kami regalo sayo eh, diba sabi mo kahit wala na” biro ni Harvey

“ahh sabagay pero ok lang yun hehe” tugon ko

“halika nga rito” si Josh habang pinapalapit ako sa kanila

“bakit?” tanong ko habang nasa harapan na nila ako

“upo ka dito” si Josh habang pinapaupo ako sa gitna nila

“yoko nga” tugon ko habang papaalis

“ang arte” sabay hila sa akin nila Josh para paupuin ako

“bat ba gusto mo pa ng regalo ang yaman yaman nyo na lahat naman mabibili mo” tanong ni Harvey habang natatawa

“ok nga lang yun kahit wala kayo naman niloloko ko lang kayo kanina” tugon ko

“naks nagtatampo na baby namin” biro ni Harvey habang niyayakap ako

“baby ka diyan” tugon ko


Sa totoo lang ayos nga lang talaga sa akin kahit wala sila regalo kasi hindi ko naman talaga kailangan yun dahil nararamdaman ko naman kung gaano nila ako kamahal kaya sapat na yun kahit wala ako matanggap mula sa kanila sa pasko.


“oo nga pala Jey punta ka sa tryout namin sa Friday ha” paalala ni Josh

“di ko nga alam kung ano itsura ng bola ng basketball, tapos pag tatryout mo pa ako” biro ko

“sira sabi ko manood ka saka suportahan mo si Luke” tugon ni Josh habang kiniliti ako

Kinabukasan sa school ay agad ko hinanap si Fatima para sabihin ang balak ni Roby na pagsali sa tryout ng basketball.

“what? Edi lalong nagkagulo kung sasali siya dun” gulat na sambit ni Fatima

“yun nga sinabi ko pero mapilit talaga siya eh” tugon ko

“kung tutuusin nga Jey magaling naman talaga si Roby sa basketball diba nga magkasama pa sila dati sa team nung highschool tayo, kaya di malayong makuha siya kung yung coach ang mamimili” si Fatima

“walang duda makakapasa nga siya, ang problema lang niya kung paano siya pakikisamahan ni Josh” tugon ko

Lumipas ang mga araw at dumating ang araw ng tryout, yun na din ang huling araw ng klase para sa christmas vacation kaya mapapansin mo ang tuwa sa mga estudyante dahil sa mahabang bakasyon, pagdating namin sa basketball court ay andun din ang iba pang mga estudyante para manood. Dumiretso kami ng aking mga kaibigan sa VIP area para manood ng laban andun na din si Harvey kasama si Carla, naroon din ang special someone ni Josh na si Abby para manood.

“oi Jey dito ka sa tabi ko maupo” si Harvey habang pinapalipat ako

Dahil alam kong darating si Roby at ayaw naming magpahalata ni fatima na may alam kami kaya mas minabuti na lang namin ni Fatima na maupo na lang sa may likuran ng VIP area.

“hindi dito nalang kami ni Fatima” tugon ko

Pagdating na pagdating ni Roby ay nabigla ang mga kaibigan namin pati si Josh ay hindi maipinta ang mukha pagkakita nya kay Roby. Hindi pa nga nag uumpisa ang laban ay nagkakaroon na agad ng tensyon sa pagitan ni Josh at Roby.

“ano magtatryout si Roby?” gulat na tanong ni Tom

“omg hindi maganda ito, magkakagulo sigurado” wika ni Beth

“talagang nakakaloko na yung gagong yan ahh parang nananadya talaga” galit na sambit ni Harvey

“Harvey easy ka lang wag ka na makidagdag pa sa tensyon” pagpigil sa kanya ni Carla

Samantala sa court kung saan ang kinaroroonan ni Josh at Roby ay mas malala pa ang nangyayari

“ano ginagawa mo dito?” galit na tanong ni Josh

“magtatryout ako wala namang masama hindi ba?” tugon ni Roby

“talaga bang nananadya ka? Nakakaloko ka na ahh, ano ba gusto mong mangyari?” si Josh habang nilalapitan si Roby

“wala akong problema sayo ikaw itong may problema sa akin” matigas na tugon ni Roby

Magkakagulo na sana nung bigla silang awatin ng mga team mates ni Josh pati sila Harvey, Dindo at Tom ay napapunta sa may court para pigilan ang namumuong tensyon.

“sinasabi ko na nga ba Jey magkakagulo eh” pag aalalang sambit ni Fatima

“hayan na nga eh, ano pa ba magagawa natin” tugon ko habang nag aalala din

Mabuti na lamang ay dumating ang coach at napigilan ang namumuong tensyon sa pagitan ng dalawa.

“ano nangyayari dito? Kung may problema kayong dalawa ayusin nyo yan sa labas ng court wag dito sa loob” seryosong sambit ng coach

Wala na din nagawa si Josh kundi maghanda sa laban dahil makakalaban ng kanilang grupo ang isang grupo na kinabibilangan ng mga magta tryout sa basketball team kasama na si Luke at Roby. Maya maya pa ay ibinigay na ng coach ang hudyat para umpisahan na ang laban. Makikita pati sa laban ang namumuong tensyon sa pagitan ni Josh at Roby.

“ang galing ng laban, si Roby hindi magpapahuli kay Josh” si Dindo habang bilib na bilib

“eh dati kasing basketball player din yan nung highschool kasamahan siya ni Josh” paliwanag ni Beth

“pero mukhang personalan na laban nila eh” si Marie

Naging mahigpit ang laban ng dalawang koponan hindi maitatanggi na napakahusay ng ipinamamalas na galing ni Roby sa laban, kaya pati ang coach ay talagang makikita mong napapabilib talaga sa kanya. Natapos ang laban at nanalo ang koponan nila Josh.

“Gratz pare” si Roby habang inaabot sa kanya ang kamay nito

Ngunit tinalikuran lamang siya ni Josh at dumiretso ito sa upuan kasama ng ibang team mates nya. Samantala si Luke naman ay pumunta muna sa aming kinaroroonan.

“galing mo Luke kanina” bati nila Tom

“oo nga pare, I’m sure isa ka sa mga makukuha” si Harvey

“salamat pero ibang klase ang galing talaga nila Josh” tugon ni Luke habang pinupunasan ang kanyang pawis

“Luke ang galing mo kanina, pakasal na tayo in real life hehe” biro ko

“sure kahit saang simbahan pa yan hahaha” pagsakay naman ni Luke sa biro ko

“oi Jey umayos ka ha ang harot mo nanaman” si Harvey

“binibiro ko lang eh” tugon ko

“o sige guys balik na muna ako dun sasabihin na kasi mga nakuha eh” paalam ni Luke habang papaalis

Inumpisahan nang i announce ang mga nakuha sa tryout, pati ang mga nasa gym ay excited din kung sino ang mga makukuha. Naghihiyawan ang mga estudyante pag nakapasok ang mga kaibigan nila.

“our second to the last who made the cut is Mr. Luke Mendoza” announce ng coach

naghiyawan kaming mga kaibigan nya pati si Josh ay linapitan pa siya upang personal na batiin.

“mukhang di pasok si Roby ahh” sambit ni Fatima sa akin

“oo nga sayang deserve pa naman nya kaya lang mahirap talaga banggain si Josh” tugon ko

At dun nga ay inumpisahan nang i announce ang huling magiging miyembro ng team

“and the last member to join our team is Mr. Roby Almendrez” announce ng coach

Sa sobrang tuwa namin ni Fatima ay napasigaw kami at napa palakpak, napatingin naman sa amin ang aming kaibigan lalo na si Harvey ay ang sama ng tingin sa amin.

“naku Jey nahalata tayo haha” bulong ni fatima habang natatawa

“oo nga eh hahaha” tugon ko habang natatawa din

Gaya ng inaasahan ay masama ang loob ni Josh sa nangyari pero wala na din siyang magawa kundi tanggapin ito. Natapos ang tryout at magkakasama kaming lumabas ng gym, dahil alas sais na ng gabi natapos ay napagpasiyahan nilang sabay sabay nalang kaming lahat na mag dinner para na din i celebrate ang pagpasok ni Luke sa team nila Josh.

“Fatima si Roby nalang samahan natin, kasi kasama naman nila iba pa nating mga kaibigan saka andyan din sila Abby at carla kaya di na tayo kailangan pa sa dinner nila” bulong ko kay fatima

“yun din iniisip ko eh, sige paalam nalang tayo sa kanila ako na ang bahala tutal mas magaling naman akong magsinungaling sayo hehe” tugon ni Fatima

At kinausap na nga ni Fatima sila Josh at Harvey pati na din ang mga iba pa naming mga kaibigan para magpaalam.

“guys mauna nako ha may gagawin pa kasi ako and sasama ko na din itong si Jey hehe” paalam ni Fatima

“teka san ka ba pupunta? di ba pwedeng mamaya na yan after dinner” si Josh

“ahh hindi na, importante kasi yun” tugon ni Fatima

“bat mo pa isasama si Jey?” tanong ni Harvey

“eh best friend ko din ito noh di nga lang kasing close ninyo pero may karapatan din ako sa kanya hmph” tugon ni Fatima

“o wala na kami sinabi, sige mag iingat nalang kayo” tugon ni Josh

Habang pabalik kami sa Gym ay kinausap ako ni Fatima

“ang galing ko kanina noh?” si Fatima

“oo nga talagang di natuloy pang iinterrogate sayo hahaha” tugon ko habang tawa ako ng tawa

“o nandito na tayo nasan kaya si Roby?”si Fatima

Pinag tanong tanong namin sa mga andun kung nasan siya, at sinabi naman samin na nasa locker room pa.

“o jey puntahan mo na” sambit ni Fatima

“ayoko nga ano pa makita ko dun wahaha” tugon ko

“ang arte mo pareho naman kayong lalaki” si Fatima

“tseh!” tugon ko

Pagpunta ko sa locker room ay sumalubong ang mga kaibigan at team mates ni Josh

“o jey ikaw pala wala na si Josh nauna na kanina pa si Roby nalang andyan” wika nung isang player habang papalabas

“ahh sige salamat” tugon ko

Biglang may nagsalita sa may likod ko

“oi ano ginagawa mo dito binobosohan mo ako noh?” pang aasar ni Roby

“di ahh teka nakahubad ka ba? para pipikit muna ako hehe” tugon ko

“hahaha hindi, kanina pa ako nakabihis ikaw talaga” tugon ni Roby habang natatawa

“ano nga pala ginagawa mo dito?” tanong ni Roby

“wala kasama ko si Fatima diyan sa labas libre mo kami dinner hehe” tugon ko habang humarap nako sa kanya

“haha sige ba nagugutom na din ako eh” tugon ni Roby

Pumunta na nga kami sa isang restaurant kasama si Fatima para mag dinner. Habang kumakain kami

“galing mo kanina ahh” si Fatima

“salamat pero mas magaling parin talaga si Josh” tugon ni Roby

“natural wala ka sa kalingkingan ni Josh” pang aasar ko

“loko ka talaga Jey hilig mo din ako asarin” tugon ni Roby

Maya maya habang nagtatawanan kami habang nagkukwentuhan ay dumating sa restaurant sila Josh at Harvey kasama ang buong grupo.

“teka hindi ba sila Josh yun?” sabay turo ni Roby sa may pinto

Pagtingin namin ay sila nga kaya dali dali kaming nagtago ni Fatima sa ilalim ng lamesa

“naku Jey yari tayo nito pag nahuli tayo” si Fatima habang kinakabahan

“ano pa nga ba pero sana wag sila pumunta banda rito” tugon ko habang kinakabahan din

Ngunit tila mapaglaro talaga ang tadhana dahil lumapit pa sila Josh kay Roby

“liit talaga ng mundo hanggang dito makikita kita” sambit ni Josh

“at least ako naman ang nauna dito” tugon ni Roby

“heto lang masasabi ko sayo kahit pasok ka na sa team hindi ibig sabihin nun na tanggap ka na talaga namin” si Josh

“wag ka mag alala andun naman ako para maglaro hindi para makipag kaibigan” tugon ni Roby

Naupo sila Josh at Harvey kasama ang aming mga kaibigan sa isang table, samantala kami naman ni fatima ay dali daling pumunta sa may CR, maya maya ay sumunod na rin samin si Roby

“hahaha nakakatawa kayong dalawa” si Roby habang tawa ng tawa

“natatawa ka pa diyan alam mo nang malapit na kami malintikan” tugon ni fatima

“sige una nako lumabas ng restaurant sumunod na lang kayo maya maya” paalam ni Roby

Medyo kinakabahan kami habang nasa may labas kami ng CR dahil baka isa sa kanila ay pumunta dun kaya kailangan naming magmadali palabas. Habang nagkukwentuhan at tawanan sila ay sinamantala namin ni Fatima ang pagkakataon para makalabas ng restaurant.

Samantala sa kinaroroonan ng aming mga kaibigan...

“hahaha sayang wala sila Jey saka Fatima mas lalo sana tayong masaya ngayon, kalog pa naman mga yun” wika ni Beth

“speaking of Jey and fatima hindi ba sila yun?” sabay turo samin ni Luke habang nagmamadali kami palabas

“oo nga noh, ano ginagawa ng mga yun dito?” tanong ni Dindo

Bigla kaming nakarinig ng pagtawag mula sa aming mga kaibigan

“Jey! Fatima!” pagtawag nila

“naku patay nabuking na tayo” sambit ko

“basta relax ka lang ako na ang bahala” tugon ni Fatima

Lumapit kami sa kanilang kinaroroonan

“uy andito pala kayo hehe” sambit ko

“ano ginagawa nyo dito?” pagtatakang tanong ni Harvey

“ahh wala naki CR lang kami” pagsisinungaling ni Fatima

“wag nyo kami pinagloloko ha, ano ginagawa nyo dito?” seryosong tanong ni Josh

Di ako makapagsalita nung mga oras na yun, mabuti nalang ay mabilis talaga mag isip si fatima

“oo na aaminin ko na nakipag blind date ako kaso di sumipot yung ka date ko, ano masaya ka na? alam ko aasarin nyo ako kaya hindi namin sinabi sa inyo” kunwaring inis na sambit ni Fatima

Bigla namang nagtawanan sila Josh at Harvey pati na din ang iba pa naming mga kaibigan sa kanilang narinig.

“ayos lang yun Fatima makakahanap ka din ng para talaga sayo” tugon ni Harvey habang natatawa

“o sige mauna na kaming umuwi” paalam ni fatima

“teka sabay sabay na tayo hintayin nyo nalang kami” tugon ni Josh

Mabuti na lang ay nasenyasan namin si Roby na mauna na siya sa amin at hindi naman yun nahalata ng aming mga kaibigan. Umupo na kami sa table kasama sila na kunwari ay inosenteng inosente.

“kumain na ba kayo? kain muna kayo” aya ni Abby

“ahh salamat kumain na kasi kami” tugon ko habang naka ngiti

“kain ka pa Jey para di ka na nagkakasakit” si Harvey

“mamamatay ako sa impatcho niyan” tugon ko

“loko ka talaga Jey” si Josh

Natapos ang hapunan at kwentuhan, dumiretso na kaming umuwi pagkahatid nila kay Abby at Carla. Habang nasa sasakyan kami ay kinausap ko ang dalawa

“Mukhang nagkakaigihan na kayo nila Abby at Carla ahh” sambit ko

“medyo, bat mo naman natanong?” tanong ni Harvey habang nagmamaneho

“wala naman napansin ko lang, edi pede narin akong mag boyfriend?” tugon ko

“hindi nga pwede Jey wag na matigas ang ulo mo pwede?” tugon ni Josh

“eh bat kayo pwede ako hindi?” padabog kong tanong

“ano yan uumpisahan nanaman ba natin uli ito? Alam ko nagtampo ka sakin nung sinabi kong lolokohin ka lang ng mga yun, pero totoo naman sinabi ko eh, ayaw ka lang namin masaktan baka kung ano pa magawa namin sa lalaking yun” seryosong tugon ni Harvey

“o sige na wala nako sinabi” inis kong tugon

Habang nasa elevator kami at papaakyat kami sa penthouse ay panay ang bulong ko sa sobra kong inis.

“wala na nga ako regalo di pako payagan magka bf, kainis talaga” bulong ko habang palabas ng elevator at papasok sa penthouse

“tingnan mo yan tol nabadtrip na hahaha” si Harvey habang tumatawa

“hayaan mo magsabi sabi hahaha” si Josh habang natatawa din

Lumipas ang mga araw at nag umpisa na ang kanya kanyang training nila Josh at Harvey. Si Roby naman ay nahihirapan makisama sa kanyang team mates gawa na din ng loyalty nila kay Josh pero mas lalo pang pinagbubutihan ni Roby ang kanyang paglalaro para hindi mapahiya sa coach. Dumating ang araw ng pasko at nakumpleto din namin ang misa de gallo, umuwi muna kami nila Josh at Harvey sa aming mga pamilya.

“Papa! Kuya!” sigaw ko nung makita ko silang nagkukwentuhan sala

“o anak nakauwi ka na pala, ano musta naman pag aaral?” tanong ni Papa

“ok naman po teka namiss nyo ba ako?” tanong ko sa kanila

“oo naman” tugon ni Kuya John

“kiss moko kuya plsss” paglalambing ko

“yoko laki laki mo na eh hahaha” tugon ni Kuya John habang naka akbay sa akin

“ikaw nalang kuya Justin kiss moko” paglalambing ko kay Kuya Justin

“di ka na bata hahaha” tugon ni Kuya justin

“sige kay Papa nalang ako” sabay lipat ko kay Papa at yumakap sa kanya

“kayo lagi nyo pinagtitripan kapatid nyo” si papa habang natatawa

“o sige na halika na dito kiss ka na nila kuya” pang aasar sakin nila kuya

“hmph wag na kay Papa nalang ako hehe” tugon ko

Masaya kaming buong pamilyang nagsalo salo sa noche buena, nakausap ko din sila Inay at Itay sa cellphone ni Anghelo nagpasalamat sila sa mga regalong ipinadala namin sa kanila. Habang kumakain kami ay hinawakan ni Papa ang aking kamay.

“Anak masayang masaya kami at nagbalik ka na, heto ang unang pasko na magkakasama tayong muli” ngiti ni Papa

“wag po kayo mag alala papa hindi na po ako aalis” tugon ko habang nakangiti din

Matapos kumain ay dumiretso na kami sa sala para buksan ang mga regalo, talagang nagustuhan ko ang aking mga natanggap at nagustuhan din nila ang aking mga binigay.

“Payakap nga sa bunso namin” si kuya Justin habang niyakap ako ng mahigpit

“kiss mo na din ako kuya hehe” paglalambing ko

“o sige na” sabay kiss sa pisngi ko ni Kuya Justin

“teka bat si Kuya John walang kiss hehe” biro ko

“loko ka Jey ha dadamay nyo pa ako sa ka kornihan nyong dalawa” tugon ni kuya John habang natatawa

Tuwang tuwa si Papa habang pinagmamasdan kami parang nanumbalik sa kanya ang alaala namin nung mga bata pa kami.

Kinabukasan ay nagkita kita naman kaming magkakaibigan sa bahay ni Josh, inanyayahan din kasi kami ng kanyang mga magulang na mananghalian sa kanila.

“mommy!” sigaw ko habang patakbo ako sa mama ni Josh para yakapin

“kamusta ka na iho tagal na din mula nung huli tayong nagkita ahh, medyo pumayat at namutla ka yata ngayon” mama ni Josh habang yakap ako

“ma sakitin kasi yan hilig pa magpalipas ng gutom” paliwanag ni Josh

“ikaw talaga Jey, inaalagaan ka ba ni Josh saka Harvey dun?” tanong ng mama ni Josh

“hindi po eh” biro ko

“hayan ka nanaman Jey ha, pati si mama niloloko mo” si Josh

“hehe biro lang po, alaga po talaga nila ako” tugon ko

Binati din ng mga kaibigan namin ang mama at papa ni Josh, pati si Harvey ay halatang halatang namiss din nila.

“siya nga pala ma si Abby, girlfriend ko” pakilala ni Josh kay Abby

“waaaaa bat di ko alam na kayo na??” gulat kong tanong

“ikaw naman Jey nung bisperas ng pasko lang naging kami” tugon ni Abby

“eh araw ng pasko magkasama pa kami nila Josh ahh bat di ko alam” tugon ko

“sakin pa lang niya sinabi kasi balak nga nya ngayon sabihin” tugon ni Harvey

Bigla naman akong nilapitan ni Fatima at binulungan.

“hayaan mo na Jey kahit hindi pinaalam sayo hindi rin naman nila alam yung sa inyo ni Roby eh kaya quits nalang kayo hahaha” bulong ni Fatima habang tumatawa

“hahaha oo nga pala” tugon ko habang natatawa din

“oi ano tinatawa tawa nyong dalawa?” tanong ni Josh

“wala masaya lang kami para sa inyo” tugon ni Fatima

“anyway iha feel at home lang ha, dun na muna kayo sa hardin at inaayos pa namin ang tanghalian” tugon ng mama ni Josh

Habang nasa hardin kami ng bahay nila Josh at nagkukwentuhan ay nakaisip nanaman ako ng kalokohan.

“uy Abby nakwento na ba sayo ni Josh yung tungkol kay Jenny?” pang aasar ko kay Josh

“oo naikwento na” si Abby habang natatawa

“oi Jey manahimik ka diyan pwede?” inis na sambit ni Josh

Nagtatawanan naman ang iba naming mga kaibigan sa kanilang narinig.

“baka may gusto pa rin siya dun di pa nya nakakalimutan, kasi tingnan mo pag nakikita nya si Roby grabe pa rin galit nya, diba dapat naka move on na siya kung wala na talaga siya nararamdaman kay Jenny? Diba diba?” sambit ko

“hahahaha! May point ka Jey” tugon ni Beth

“pano ba yan Josh tama nga naman si jey” si Tom

“loko talaga itong si jey eh” si Luke habang natatawa

Bigla namang naging seryoso si Josh

“wala na sakin kung maging sila pa ngayon ni Jenny ang issue kasi dun yung pagtatraydor nya sakin pano kaya kung sa inyo gawin yun? Pagtraydoran ka ng kaibigang pinagkatiwalaan at minahal mo, ganun nyo lang ba siya agad mapapatawad?” seryosong tugon ni Josh

“tama si Josh alam nyo naman kaming dalawa sa lahat ng ayaw namin ay yung tinatraydor kami” wika ni Harvey

Bigla naman akong natahimik sa kanilang mga sinabi dahil yung ginagawa kong pagsisinungaling sa kanila tungkol sa amin ni Roby ay pagtatraydor din, hindi ko alam kung mapapatawad pa nila ako pag nalaman nila ang totoo, kahit gustuhin ko mang iwasan si Roby ay hindi ko talaga magawa.

“o bat natahimik ka yata Jey” tanong ni Dindo

“ahh wala may iniisip lang ako” tugon ko

Si Fatima naman ay mukhang alam ang aking iniiisip at naiintindihan nya ako

“wag mo na isipin yun Jey ang mahalaga masaya ka” bulong ni Fatima sa akin

“oi Jey humanda ka talaga mamaya sakin” sambit ni Josh habang naka akbay siya kay Abby

“hala ka Jey lagot ka” pang aasar ng mga kaibigan namin

“matitiis mo bang saktan ang best friend mo? Na mahal na mahal mo?” paawa effect ko kunwari

“best friend pala ha matapos mo akong ibenta kanina, yari ka talaga sakin mamaya” tugon ni Josh

“Harvey oh sasapakin daw ako papayag ka ba nun? Hehe”

“oh bat mo ako dinadamay diyan?” si Harvey habang natatawa

Matapos ang tanghalian ay binigay na namin ang mga regalo namin sa isat isa, lahat kami ay tuwang tuwa sa mga natanggap naming regalo lalong lalo na sila Dindo at Marie.

“omg laptop” gulat na sambit ni Marie

“naku ang mahal nito ahh, nakakahiya naman sa inyo” si Dindo habang hindi makapaniwala

“galing sa aming tatlo ni Jey at Josh yan, alam kasi naming lagi kayo nagpupunta sa mga internet cafe para lang mag research, kaya para hindi na kayo mahirapan yan na lang niregalo namin sa inyo.

“daig ka pa nila Jey may tig isang laptop sila ikaw wala hahaha” pang aasar ni Fatima

“oo nga nakakatamad kasi bumili saka lagi naman ako nakikigamit kila Josh at Harvey kaya ok lang hehe” tugon ko

“maraming salamat talaga ha, grabe naiiyak talaga ako” si Marie habang naluluha pa

Naging masaya ang araw at gaya ng inaasahan wala nga ako natanggap na regalo mula kay Josh at Harvey pero ayos lang ang importante masaya lahat ng kaibigan namin. Kinagabihan sa penthouse pag uwi naming tatlo.

“oi Jey baka akala mo nakalimutan ko na atraso mo sa akin ha” sambit ni Josh habang nilalapitan ako

“hehe biro lang yung kanina” tugon ko

Biglang tinakpan ni Josh ang aking mga mata ng kanyang mga kamay

“oh ano toh?” tanong ko

Pagkaalis ni Josh ng kanyang mga kamay sa aking mga mata ay nagulat ako sa dala ni Harvey na isang regalo.

“akala mo nakalimutan ka namin noh?” sambit ni Harvey habang nakangiti

“wow may regalo ako” tugon ko habang nagulat

Agad agad ko binuksan ang kanilang regalo sa akin, isa itong photo album na naglalam ng aming mga litrato magmula nung maging kaming mga magkakaibigan. Lahat ng mga masasaya kaming magkakasama.

“siya nga pala Jey yung dalawang taon diyan nung mga wala ka pa, pero nakita mo naman wala kaming inilagay na ibang tao diyan, kaya alam mong hinding hindi ka namin ipagpapalit kahit kanino” seryosong sambit ni Harvey

Niyakap nila ako ng mahigpit, nung mga oras na yun ay ramdam na ramdam ko ang kanilang pagmamahal sa akin.

Lumipas ang mga araw at nagdaan ang bagong taon, sinabi din samin ni Harvey na sila na ni carla, masaya kami para sa kanila. Napapadalas na din ang pagde date ng dalawa at ako na lang ang laging naiiwan sa penthouse, malungkot man ngunit kailangan ko talagang tanggapin na malalayo din sila sa akin. Nagbukas ang klase at naging maayos naman ang unang araw ng pasukan sa buwan ng enero at gaya ng inaasahan hindi na sumabay umuwi sa akin si Josh at Harvey dahil kasama na nila ang kanilang mga kasintahan. Habang papalakad ako pauwi ay may biglang tumakip sa aking mga mata

“holdap uli ito” biro nung lalaki

“waaaa Roby ikaw ba yan?” tugon ko habang tuwang tuwa

“ako nga bakit?” tugon ni Roby habang humarap sa akin

Sa sobrang tuwa ko ay bigla ko siyang niyakap ng mahigpit

“miss na miss kita ang tagal din nating hindi nagkita” tugon ko habang nakayakap ako sa kanya

“pasensya ka na ha bumalik muna kasi kami sa states, pero wag kang mag alala andito na uli ako ngayon” tugon nya

“tara sama ka muna sakin may pupuntahan uli tayo” aya ni Roby

“san naman? Magdidilim na eh” tanong ko

“edi saan pa edi sa dati sa luneta, titingnan uli natin ang mga bituin” tugon ni Roby

Pagdating namin sa luneta habang nakahiga kami at nakatingin sa kalangitan ay may biglang iniabot sa akin si Roby.

“Merry Christmas nga pala pasensya ka na ngayon ko lang binigay” wika ni Roby

“naku salamat heto pala dala dala mo kanina” tugon ko habang binubuksan ang kanyang regalo

Pagbukas ko ay telescope ang laman ng kanyang regalo.

“diba sinabi mo sa akin na isa na ang mama mo diyan sa mga bituin, kaya yan ang niregalo ko sayo para mas makikita mo ng malapitan ang mama mo” paliwanag ni Roby

“maraming salamat, pasensya ka na wala ako regalo sayo eh” tugon ko

“ayos lang yun ang importante magkasama tayo” tugon ni Roby habang nakangiti

Malamig ang simoy ng hangin nung gabing yun kaya medyo giniginaw ako dahil hindi naman ako nakapagdala ng Jacket

“Nalalamigan ka ba?” tanong ni Roby

“medyo pero ayos lang ako” tugon ko habang nakahiga kami sa damuhan at pinagmamasdan ang mga bituin

“halika nga” si Roby habang pinapatabi ako sa kanya

Bigla akong niyakap ni Roby nung mga oras na yun

“waa nakakahiya sa mga makakakita” sambit ko

“hayaan mo sila ang importante wag kang ginawin” tugon ni Roby habang yakap yakap ako

Nung mga oras na yun ay nawala ang lamig na aking nararamdaman kahit malungkot ako kanina ay sumaya naman ako sa oras na ito.

“Roby hindi ka ba pinapahirapan nila Josh sa basketball?” tanong ko

“pinapahirapan pero ayos lang yun ang importante naglalaro ako para sa team” tugon ni Roby

“wag kang mag alala mabait naman si Josh eh matindi lang talaga ang galit sayo” tugon ko

“alam ko naman yun at hindi naman masama ang loob ko sa kanya” si Roby

“goodluck pala sa laban nyo next month na yun hindi ba?” tanong ko

“oo wag kang mag alala pagbubutihan ko” ngiting tugon ni Roby

Inihatid ako ni Roby sa penthouse at andun na din si Josh at Harvey, pero hindi tulad ng dati ay parang hindi man nila ako hinintay na makauwi dahil busy sila sa pakikipag chat sa kani kanilang mga girlfriend. Pero ayos lang sa akin ang importante ay masaya sila. Lumipas pa ang mga araw mas lalo pang naging busy si Josh at Harvey sa kanilang training ang mga girlfriend na din nila ang lagi nilang kasa kasama. Dahil player na din si Roby ng basketball team ay hindi ko na rin siya madalas kasama dahil na din sa paghahanda nila sa papalapit na foundation day. Habang nakaupo ako sa dulong bench sa oval at pinapanood si Harvey sa kanyang training ay dumating naman si Fatima at tinabihan ako

“ayos ka lang ba?” tanong  sa akin ni Fatima

“bakit mo naman naitanong yan?

“kahit di mo naman sabihin alam kong miss na miss mo na din mga best friend mo” tugon ni Fatima

“halata ba?” tanong ko

“kahit naman kami ng mga kaibigan natin napapansin din na medyo nagkakalayo na kayong tatlo” tugon ni Fatima

“ganun yata talaga pag nagkaroon ka ng girlfriend mababali wala na ang matalik mong kaibigan” tugon ko

“hayaan mo na Jey andito pa naman kami eh” tugon ni Fatima habang inakbayan ako

“salamat ha pero wag kang mag alala masaya ako para sa kanila kasi alam kong masaya sila” tugon ko

Lumipas ang buwan at dumating ang foundation week ng eskwelahan, abala ang mga estudyante, guro at opisyal ng paaralan sa kanilang mga gawain. Sa opening ng Foundation celebration ng eskwelahan ay kasama si Josh bilang Mr. University sa mga pararangalan, isang contractor ang gumawa ng  temporary na entablado sa gitna ng Oval para talaga sa Foundation week ng eskwelahan pero kung titingnan mo ito ay mukhang hindi matibay ang pagkakagawa. Habang nag uumpisa ang programa at nakaupo lahat ng mga bisita at pararangalan sa entablado kabilang na si Josh ay pumunta muna ako sa backstage para tulungan si Mr. ferrer.

Pagdating ko sa backstage ay nadatnan ko si Mr. Ferrer na tinatapos na lang ang mga props

“sir kailangan nyo pa po ba ng tulong?” tanong ko

“ahh Jey ikaw pala, salamat nalang pero patapos na din ako” tugon ni sir

Lumabas na lang ako sa may likod at sakto nakita ko si Roby

“o Jey kamusta na? namiss kita ahh” si Roby habang niyakap ako

“kamusta ka na rin? Oo nga tagal din nating di nagkita busy na din kasi kayo” tugon ko

Habang nagkukwentuhan kami ay may narinig kaming ingay na nanggagaling sa bagong tayong stage. Lumabas din si Mr. Ferrer na sumisigaw.

“lumayo na kayo guguho ang stage” sigaw ni Mr. Ferrer sa amin

Agad agad naman kaming tumakbo papalayo ni Roby papunta sa isang ligtas na lugar.

Samantala sa kinaroroonan ng aming mga kaibigan ay nagpapanic na din ang mga tao at nag umpisa na silang magtakbuhan.

“Umalis na tayo dito delikado” sambit ni Harvey sa aming mga kaibigan habang hawak hawak nya si Carla

Bumaba na rin ng stage si Josh para puntahan ang aming mga kaibigan

“tara na delikado na, ano mang oras babagsak ang ang stage” si Josh habang inaalalayan ang aming mga kaibigan.

“teka bakit wala si jey?” pag aalalang tanong ni Beth

“oo nga pala nasa backstage siya tinulungan nya si Mr. ferrer” tugon ni fatima habang kinakabahan

Biglang nagmamadaling tumakbo si Josh at Harvey papunta sa backstage para hanapin ako.

“Jey! Nasan ka!” sigaw nila Josh at Harvey habang hinahanap ako

Dahil hindi nila ako nakita ay lalabas na sana silang dalawa nang biglang gumuho ang buong entablado na naging sanhi nang pagkakadagan kay Josh. Mabuti naman at si Harvey ay mabilis na nakaiwas sa mga nahulog na parte ng entablado. Nagsigawan ang mga tao nung makita nilang nadaganan si Josh at nawalan ng malay. Mabuti na lamang ay may mga naka standby na mga ambulansya kapag Foundation Week ng eskwelahan kaya mabilis nilang nadala sa hospital si Josh, sumunod din si Harvey sa pagdala kay Josh sa hospital.

Samantala habang nasa ligtas kaming lugar ni Roby malayo sa pinangyarihan ng aksidente ay biglang tumawag si Fatima sa aking cellphone.

Jey nasan ka ba? alam mo bang naaksidente si Josh dahil dun sa nagibang entablado? Pumunta ka na agad sa hospital” wika ni Fatima habang nag aalala

ha pano nangyari yun?” pag aalala kong tanong

“hinanap ka kasi nila sa backstage akala nila andun ka pa, papalabas na sana sila nung biglang gumuho ang buong stage” paliwanag ni fatima

“ahh Roby pwede mo ba akong ihatid sa hospital? Naaksidente kasi si Josh eh” pag aalala kong pakiusap kay Roby

“ha? Anong nangyari?” pag aalalang tanong ni Roby

“mamaya ko na papaliwanag kailangan ko muna siyang puntahan” tugon ko

Ihinatid na nga ako ni Roby sa hospital, pagdating namin dun ay andun na din ang mama at papa ni Josh kasama ang iba pa naming mga kaibigan andun din ang girlfriend niyang si Abby. Niyakap ako ng mga magulang ni Josh nung makita nila ako.

“mommy kamusta na po si Josh?” pag aalala kong tanong

“nasa loob pa ginagamot pa mga sugat nya” tugon ng mama ni Josh

“bukod sa sugat ay nawalan lang daw siya ng malay” dagdag pa ng Papa ni Josh

Bigla namang dumating si Harvey galing sa CR pagkakita niya sa akin ay galit na galit ito.

“san ka ba galing? Kanina ka pa namin hinahanap ahh, tingnan mo ngayon ang nangyari kay Josh” galit na sambit ni Harvey

“pasensya na sa likod kasi ako dumaan hindi kasi natuloy pagtulong ko kay Mr. ferrer” tugon ko habang nakayuko

“Jey naman sabihan mo naman kami kung aalis ka tingnan mo ngayon yung nangyari kay Josh eh kung mas malala yung sinapit nya ano gagawin mo?” si Harvey habang galit na galit pa rin

“it’s ok iho wala namang kasalanan si Jey, magpasalamat nalang tayo at yun lang ang inabot ni Josh” sambit ng Papa ni Josh

Hiyang hiya ako sa mga nangyari at nakunsensya sa aking pagsisinungaling, makalipas ang ilang oras ay nilipat na din si Josh sa isang private room. Mama at Papa lang muna ni Josh ang pinayagang makapasok sa kwarto at kaming mga kaibigan niya ay nanatili sa labas para maghintay.

“Harvey sobra naman yata mga sinabi mo kay Jey kanina” sambit ni Carla

“hayaan mo siya, lagi nalang niya ginagawa yan” tugon ni harvey na halatang masama pa din ang loob dahil sa sinapit ni Josh

“pero best friend nyo pa rin si Jey unawain mo nalang” si carla

“pwede wag na muna nating pag usapan yan, si Josh ang importante ngayon” tugon ni Harvey

Makalipas ang ilang oras ay nagising na din si Josh at pinayagan na kaming makapasok sa loob. Pagkagising ni Josh ay agad nya nakita ang kanyang mga magulang

“ma nasaan po ako?” tanong ni Josh

“nasa hospital ka anak, naaksidente ka kasi kanina sa school” tugon ng mama nya

“si Jey nasan siya? Ayos lang ba siya?” tanong ni Josh

Bigla ako lumapit kay Josh at niyakap siya habang umiiyak ako

“sorry Josh hindi ka sana naaksidente kundi dahil sakin” sambit ko habang nakayakap ako kay Josh at umiiyak

“ayos lang yun ang mahalaga hindi ka nasaktan” tugon ni Josh habang hinaplos ang mukha ko

“ma, pa kailan daw po ako makakalabas” tanong ni Josh

“hindi pa namin alam anak, hinihintay pa mga results ng test mo” tugon ng mama nya

Maya maya pa ay dumating na din ang coach at team mates ni Josh para dalawin siya.

“oh Josh kamusta ka na?” tanong ng coach

“ayos na po ako coach” tugon ni Josh

“o sige pagaling ka agad aasahan namin pagbabalik mo sa team” tugon ng coach nila Josh

Bigla namang dumating ang doktor at narinig ang usapan ni Josh at ng kanyang coach.

“I’m sorry to say pero kakailanganin mo muna mag stay dito sa hospital for at least one week” sambit ng doktor

Nagulat naman kami sa sinabi ng doktor pati ang mama at papa ni Josh ay nagulat din.

“doc what do you mean by that?” pag aalalang tanong ng papa ni Josh

“lumabas na kasi resulta ng x-ray ng anak nyo and may pilay siya sa may paa nya, and kahit makalabas pa siya this week it will take a month bago siya mag fully recover” tugon ng doktor

“dok hindi pwede may laban kami this week kailangan ko makapag laro” pag mamakaawa ni Josh

“I’m sorry pero hindi talaga pwede” tugon ng doktor

“ma, pa importante sakin yung larong yun matagal ko pinaghandaan yun hindi pwedeng hindi ako maglaro” si Josh habang umiiyak na.

“Josh may next year pa naman eh, ang importante ay gumaling ka” wika ng Coach nila

“hindi coach kailangan ko talaga maglaro” si Josh habang iyak ng iyak

“anak tahan na tama ang coach nyo makakapag laro ka pa naman uli eh pero hindi pa nga lang ngayon” mama ni Josh habang umiiyak na din.

“wag ka mag aalala Josh andyan pa naman si Roby sa team, malaki parin chance nating manalo kahit wala ka” paliwanag ng coach

Bigla namang nagalit si Josh sa kanyang mga narinig

“si Roby nananaman? Yung gagong yun! bakit ba lahat na lang ng mahalaga sa akin inaagaw nya” galit na sambit ni Josh habang umiiyak

Nilapitan si Josh ni Abby at ng mga magulang nya para pakalmahin, awang awa ako kay Josh nung mga oras na yun kung pwede ko nga lang saluhin ang kanyang mga nararamdaman ay matagal ko nang ginawa. Si Harvey naman sa sobrang galit at awa sa nangyari kay Josh ay lumabas ng kwarto, sinundan din siya ni carla sa labas. Paglabas namin ni fatima ay nakita naming nagwawala si Harvey habang pinapakalma siya ni Carla

“putangina naman! Bakit kay Josh pa nangyari ito! Bakit sa kaibigan ko pa!” si Harvey habang nagsisisigaw at pinag sisipa ang mga upuan

“huminahon ka Harvey hindi naman makakatulong yang pagwawala mo eh” si carla habang pinapahinahon si harvey

“pano ako hihinahon nakita mo ba ang lagay ng kaibigan ko? Ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman nya” si harvey habang umiiyak na

“tara na Jey umalis na tayo hayaan mo na muna sila” aya sakin ni fatima

Habang papaalis kami ng hospital ay kinausap ako ni Fatima

“o wag mo sisihin ang sarili mo wala ka namang kasalanan aksidente ang lahat” si Fatima habang pinapalakas ang loob ko

“parang napakasama ko noh kundi dahil sa akin hindi mangyayari kay Josh ang kamalasang ito, Fatima nakokonsensya nako sasabihin ko na ang lahat sa kanila bukas” tugon ko

“ha? Nasisiraan ka na ba? gusto mo bang nagwala ang mga yun pag nalaman nila?” si Fatima habang nagulat sa aking mga sinabi

“ok na yun para minsanan nalang ang galit nila saka malalaman din naman nila ang totoo eh mas maganda na kung sakin na mismo manggagaling, kasalanan ko naman talaga eh” tugon ko

“Jey baka hindi ka nila mapatawad sa gagawin mong yan” si Fatima habang kinakabahan

“mas matatanggap ko pa yun kesa patuloy ko silang sinasaktan dahil sa pagsisinungaling ko” mahina kong tugon

Pagkauwi ko sa penthouse ay lalo lang ako nabalot ng kalungkutan, dahil na din sa mga nangyari kay Josh, hindi nako nagtagal pa sa hospital dahil pinauna na din kami ng parents ni Josh, tanging si Harvey lang ang pinaiwan ni Josh para makasama nya. Maya maya ay dumating na si Harvey sa penthouse.

“Kamusta na si Josh?” nahihiya kong tanong

“saka na tayo mag usap kukuha lang ako ng mga damit ko at iba pang gamit ni Josh, dun na din ako sa hospital matutulog” malamig na tugon ni Harvey

“Harvey galit ka ba sa akin?” mahina kong tanong

“nagmamadali talaga ako Jey saka na tayo mag usap” tugon ni Harvey habang papasok sa kanyang kwarto.

Kinabukasan pagkagising ko ay nababalot pa din ako ng kalungkutan, nakipagkita ako kay Fatima at Roby para makausap sila.

“sasabihin ko na sa kanila ang totoo hindi ko na kayang magtago pa” wika ko

“sinabi mo na sakin kagabi yan kahit ano mang pigil ang gawin ko, mukhang buo na talaga ang desisyon mo” tugon ni Fatima

“kung alam mong yun ang makakabuti hindi kita pipigilan” tugon ni Roby

Maya maya ay dumating si Kate at humahangos

“Jey papunta si Elton ngayon dun sa hospital balak nya sabihin kay Josh ang totoo kung sino ang kasama mo kahapon sinubukan ko siyang pigilan pero hindi siya nakinig sa akin” wika ni kate habang hinihingal

“ha? Ang lakas naman ng loob nya sigurado naman ako hindi siya paniniwalaan nila Josh at Harvey” tugon ni Fatima

“maniniwala sila dahil nakuhanan ni Elton ng litrato si Jey saka Roby na magkasama bago nangyari ang aksidente” tugon ni kate

“naku Jey kailangan na nating magmadali papunta sa hospital baka maunahan ka ni Elton” si Fatima habang nag aalala

Samantala sa hospital ay nandun din sila Harvey, Abby at ang aming mga kaibigan para dalawin si Josh, sila na muna ang nagbabantay habang kumain muna ang mga magulang ni Josh. Bigla namang dumating si Elton.

“anong ginagawa mo dito?” tanong ni Marie

“masama bang dalawin ang dati kong kaibigan?” tugon ni Elton

“kung gagawa ka lang ng gulo pwede ba umalis ka na” tugon ni Beth

“hindi guys hayaan nyo siya” si Josh

“kamusta ka na Josh?” tanong ni Elton

“ok naman ako, ano ba talaga pinunta mo dito” tanong ni Josh

“wala naman gusto lang kita dalawin at sabihin din sayo ang mga pinag gagawa ng matalik mong kaibigang si Jey nung oras na maaksidente ka” tugon ni Elton

“sinasabi ko na nga ba gagawa ka lang ng gulo eh pwede ba umalis ka na” galit na sambit ni Marie

“pwede ba Elton umalis ka na bago pa kita kaladkarin palabas dito” banta ni Harvey

“o sige lalabas nako pero gusto ko munang sabihin kay Josh na si Roby ang kasama ni Jey nung oras na maaksidente ka, ang sweet sweet nga nila eh may payakap yakap pa si Roby sa kanya” si Elton habang natatawa

Bigla namang nagulat ang aming mga kaibigan sa kanilang mga narinig.

“pwede ba wag mo kami pinagloloko hindi magagawa ni Jey yun” galit na tugon ni Josh

“talagang gagawin mo ang lahat para masiraan lang si Jey noh” si Robert

“kung ayaw nyong maniwala heto ang ebidensya at pina lakihan ko pa yan” si Elton habang inilabas ang mga litrato na kuhang magkasama kaming dalawa ni Roby.

“hindi hindi totoo ito, putangina hindi totoo ito!” si Josh habang tinitingnan ang mga litrato at nagwawala

“Josh huminahon ka makakasama sayo ang magalit” si Abby habang pinapahinahon si Josh

“oo nga Josh baka may magandang paliwanag naman sa mga yan” si Marie

Pagdating namin sa kwarto ni Josh ay naabutan namin siyang nagwawala, nakita din namin si Elton sa loob ng kwarto tila ay alam na nga nila Josh ang lahat. Pagkakita sa akin ni Josh ay galit na galit ito at hiningan ako ng paliwanag sa mga litrato na nasa kanyang mga kamay.

“Anong ibig sabihin nito?” galit na tanong ni Josh

Pero napayuko na lamang ako at di makapag salita

“putangina Jey! Magsalita ka! Anong ibig sabihin nito!” sigaw ni Josh habang galit na galit

“totoo ba ang lahat ng yan na kinunan yan bago ang aksidente sa school?” galit na tanong ni Harvey

“kita nyo naman meron pa diyan na niyakap pa siya ni Roby ibig sabihin close na close na talaga sila” sabat ni Elton.

“hindi totoo ito sabihin mo Jey nagsisinungaling lang si Elton at wala kang anumang kaugnayan kay Roby” si Josh

“tama sinabi ni Elton matagal na kaming magkasama ni Roby” tugon ko habang nakayuko

“kailan pa kayo magkaibigan?” galit na tanong ni Josh

Ngunit hindi ko tinugon ang kanyang tanong

“sumagot ka!!  kailan pa kayo may ugnayan!” galit na sigaw ni Josh

“magmula nung enrollment nung una nyo siyang makita” tugon ko

“ibig sabihin nung halos mamatay na kami sa kakahanap sayo wala ka talaga sa frat party kasama mo si Roby nun?” tanong ni Harvey habang naluluha

“oo yun yung unang nagkasama kami” tugon ko habang nakayuko pa rin

“nakalimutan mo yata Jey pati yung sa project nyo sa Religion hindi ba magkapartner din kayo ni Roby dun siya pa nga kasama mo lagi dun eh, wala lang naikwento lang ng mga kaibigan ko sa business administration, matagal ko na rin alam ang lihim nyo kumukuha lang talaga ako ng tiyempo” sambit ni Elton

“totoo ba yun?” tanong ni Josh habang lumuluha ito

“oo totoo yun” tugon ko habang nakayuko padin

“baka gusto nyo pang marinig ang iba marami pa” si Elton

“tumahimik ka Elton! Hindi na namin kailangan pa marinig ang mga sasabihin mo” galit na tugon ni Harvey

“hayop ka talaga wala ka kasing sama!” si fatima habang galit na galit kay Elton

“pwede ba Elton umalis ka na dito baka kung ano pa ang magawa ko sayo” banta ni Tom

“fine aalis nako, nagawa ko na rin naman ang sadya ko eh” tugon ni Elton habang papalabas na ng kwarto.

“Ngayon Jey sabihin mo sa aming ang lahat lahat at wag na wag kang magsisinungaling” galit na sambit ni Josh

At dun nga ay ikinwento ko ang lahat sa mga lihim na pagkikita at pakikipagkaibigan ko kay Roby

Nagulat si Josh at Harvey sa kanilang mga narinig pati ang aming mga kaibigan ay hindi rin makapaniwala sa aking mga sinabi

“paano mo nagawa sa amin yun hindi ka naman dating ganyan eh, pano mo kami nagawang traydorin!?” sigaw ni Harvey

Ngunit hindi ako naka imik sa kanyang tanong, biglang nabigla si Harvey sa nakita nya sa aking mukha

“hindi hindi ito maari, hindi pwede mangyari ito, umiibig ka ba sa kanya?” malumanay na tanong ni Harvey

Ngunit hindi uli ako naka imik

“putangina Jey! Sagutin mo ang tinatanong ko! Umiibig ka ba sa kanya!” sigaw ni Harvey habang lumuluha ito

Tumango na lamang ako, at dun na nag umpisang magwala si Josh

“aaaaaaaaaaaaaaaaaah!” sigaw ni Josh habang nagwawala

“Best friend ka namin pano mo kami nagawang traydorin! Jey niloko mo kami pinaniwala mo kami sa lahat ng mga kasinungalingan mo! Pano mo nagawa sa amin ito” si Josh habang nagwawala

Nung mga oras na yun habang pinapakalma nila Abby at Carla pati na din ng mga kaibigan ko sila Josh at Harvey ay biglang pumasok sa pinto si Roby na ikinagulat naming lahat.

“wag kayo kay Jey magalit sakin kayo magalit ako yung lumalapit sa kanya wala siyang kasalanan” sambit ni Roby

Biglang nagdilim ang paningin ni Harvey nung makita nya si Roby kaya agad niya itong sinugod.

“hayop ka! Puro kamalasan na nga ibinigay mo kay Josh pati si Jey balak mo pang lokohin! Mapapatay kitang hayop ka” galit na sambit ni Harvey habang nilapitan si Roby at pinagsusuntok.

Hindi lumaban si Roby buti nalang at mabilis namang naawat ng mga kaibigan namin si Harvey pero talagang galit na galit si Harvey at nagwawala ito.

“Bitawan nyo ako! Mapapatay ko yang hayop na yan!” si Harvey habang nagwawala

Tatayo din sana si Josh para sugurin si Roby pero mabuti na lang ay madali siyang napigilan ni Abby at Carla dahil na din sa nanghihina pa ito.

Itinayo ni fatima si Roby mula sa pagkakabagsak sa sahig

“sakin nalang kayo magalit wala naman talagang kasalanan si Roby eh, ako yung nagsinungaling sa inyo tugon ko“

“tumahimik ka diyan!” sigaw ni Harvey

“tara na Jey hindi mo naman sila kailangan, hindi mo sila kaibigan kung hindi ka nila maiintindihan” aya sakin ni Roby

“sige sumama ka sa kanya pero kalimutan mo nang magkaibigan pa tayo” galit na sambit ni Josh

“pasensya ka na Roby pero mas kailangan nila ako ngayon”

“wag kang mag alala naiintindihan kita andito lang ako kung kailangan mo ako” tugon ni Roby habang papalabas ng kwarto.

Makalipas ang ilang minutong katahimikan sa loob ng kwarto ni Josh sa hospital ay kinausap ako ni fatima.

“tara na Jey mas makakabuti sigurong lumayo ka na muna” si Fatima

Ngunit bago ako umalis ay kinausap ko muna silang dalawa

“Josh sana mapatawad mo din ako balang araw” sambit ko

Ngunit hindi man lang tumugon si Josh at halatang masakit pa rin sa kanya ang mga nangyari.

“Harvey sana mapatawad mo din ako kahit hindi pa ngayon sana balang araw” malungkot kong pakiusap

“tama si fatima umalis ka na muna jey” tugon ni Harvey

Lumipas ang mga araw at linggo at nakauwi na din si Josh sa kanila samantala si Harvey ay hindi na umuuwi sa penthouse dahil kila Josh na muna siya tumuloy para may makasama si Josh at dahil na din sa iniiwasan nya din ako. Dalawang linggo ko nang pinupuntahan si Josh sa kanila, walang araw na hindi ako dumalaw sa kanila ngunit wala ding araw na pumayag siyang makita ko sila.

Samantala sa kwarto ni Josh kasama si harvey ay pumasok ang mama nya

“Josh andyan si Jey sa baba, dinadalaw ka” sambit ng mama nya

“pauwiin mo na lang siya ma, sabihin mo pagod ako” tugon ni Josh

“ano ba naman Josh dalawang linggo ka na pinupuntahan ng kaibigan mo, hindi ka man lang ba naaawa sa kanya?” tanong ng mama nya

“kayo ma tingnan nyo ang lagay ko, hirap ako maglakad hindi ako makapag basketball hindi ba kayo naawa sa akin?” tugon ni Josh

“o sige na wala nako sinabi, eh ikaw Harvey iho hindi mo ba bababain si Jey?” tanong ng mama ni Josh

“saka nalang po tita hindi pa rin po kasi ako handa” tugon ni Harvey

“bahala na nga kayo sana hindi nyo pagsisihan ang pag babale wala nyo sa kaibigan nyo” tugon ng mama ni Josh habang papalabas ng kanyang kwarto.

Pagbaba ng mama ni Josh ay agad ako tumayo

“pasensya ka na talaga iho, ayaw ka parin makausap eh” tugon ng mama ni Josh

“ahh ganun po ba? salamat nalang po uli” malungkot kong tugon habang papaalis

Humarap ako muli sa mama ni Josh

“mommy pwede ko pa rin po ba kayong tawaging mommy kahit hindi na po ako kaibigan ng anak nyo?” malungkot kong tanong

“oo naman iho, para ka na naming anak ng tito mo at hindi na magbabago yun” tugon ng mama ni Josh habang napaiyak at niyakap ako ng mahigpit

“salamat po kailangang kailangan ko lang po ng ina ngayon” tugon ko habang umiiyak

Pagkalabas ko ng bahay nila Josh ay sinalubong ako ni fatima

“ano hindi ka pa rin ba hinarap nung dalawa” tanong ni Fatima

“hindi pa rin eh, subukan ko nalang uli bukas” tugon ko

“ano ba naman Jey nagmumukha ka nang tanga eh ipagpapatuloy mo pa rin ba yan?” si Fatima habang awang awa sa akin.

“ok lang yun kahit magmukha akong tanga basta mapatawad lang nila ako, kahit hindi na nila ako ituring na kaibigan basta mapatawad lang nila ako” malungkot kong tugon

Maya maya pa habang papalapit kami sa kotse ni fatima ay may naramdaman akong pagtulo galing sa aking ilong.

“Jey dumudugo ang ilong mo” wika ni fatima

Itutuloy...




Preview for the last chapter

(Paki play po)




“Papa magpapaalam nanaman po ba ako?” malungkot kong tanong kay Papa

“hindi anak hindi nako papayag na mawala kang muli” si Papa habang umiiyak



“Hindi kaya ipinahiram lang talaga ako ng diyos, hindi nga naman ako nakapag paalam sayo baka heto na ang tamang panahon para magpaalam sayo” sambit ko habang hinahaplos ko ang mukha ni Harvey

“hindi ko na kakayanin pag nawala kang muli mamamatay ako” si Harvey habang iyak ng iyak

No comments :

Post a Comment