Hello readers heto na po ang
pagwawakas nitong kwento pasensya na po hindi ko po kasi inexpect na ganito
kahaba yung wakas katumbas kasi ng apat na chapters yung haba hindi ko naman
maputol by part mawawala kasi emotions ng kwento kaya kelangan tuloy tuloy talaga.
Ipopost ko na dapat kanina ito kaso bigla namang nagkaproblema sa host ng mga
embedded files kasi nagka maintenance kaya kinailangan ko pa hintaying matapos
yung maintenance
Salamat po sa mga sumubaybay ng aking
kwento akala ko kasi nung una hindi ito bebenta kasi mostly mga nababasa dito
mga love story, honestly po hindi ko na sana itutuloy itong kwento kaso
nasubmit ko kay admin yung part 1 akala ko di na mapopost pero after 2 weeks
biglang na post yung part 1 kaya tinuloy ko na din. Kaya nagpapasalamat po
talaga ako kay admin
_________________________________
Sa Aking Paglisan ang pagwawakas
Dinala ako ng aking mga kaklase kasama
sila Fatima at Beth sa clinic, habang nasa clinic ako ay wala parin akong tigil
sa pagtangis. Habang ginagamot nung nurse yung sugat ko sa bibig at sa kamay ay
pinapatahan naman ako ng aking mga kaibigan.
“Jey tahan na magiging ayos din ang
lahat” malungkot na sambit ni Fatima
“oo nga Jey andito pa naman kami eh di
ka naman namin pababayaan” si Tom habang pinapalakas ang loob ko
“di ko naman talaga alam binibintang
nya eh” malumanay kong sambit habang umiiyak
“Jey tinawagan ko na driver nyo maya
maya lang darating na yun para sunduin ka” sambit naman ni Beth
“salamat sa inyo ha” tugon ko habang
umiiyak ako
Samantala hinahanap pa rin ni Josh si
Harvey at nakita nya ito malapit sa hardin ng school at umiiyak. Nilapitan niya
ito
“Harvey ayos ka lang ba?” tanong ni
Josh
“Josh di ko sinasadyang saktan siya,
di ko sinasadya” si Harvey habang walang tigil sa pag iyak
“tama na yan Harvey nangyari na eh” si
Josh
“nadala lang ako ng galit ko pero di
ko sinasadyang saktan siya Josh sana mapatawad nya ako” si Harvey habang
patuloy pa din sa pag iyak.
“tahan na Harvey puntahan nalang natin
siya mauunawaan ka naman ni Jey sigurado” si Josh habang yakap yakap si Harvey
Samantala dumating na ang aking driver
para sunduin ako hinatid naman ako ng aking mga kaklase sa parking lot di na
ako nakapag paalam sa aming adviser kaya pinasabi ko nalang sa aking mga
kaklase na uuwi na ako. Pagdating ko sa bahay ay nakita ko si Papa agad ako
tumakbo kay Papa at niyakap siya
“Papa, papa” habang patuloy ako sa pag
iyak
nagulat naman ang aking papa dahil sa
itsura ko at sa aking pag iyak
“ano nangyayari sayo anak sino ang may
gawa sayo nyan?” alalang tanong ni Papa
“wala po papa ayos lang po ako papa
pero pakiusap po pwede po bang kila tita na muna ako kahit dalawang linggo
lang” pakiusap ko kay Papa habang patuloy pa din ako sa pag iyak
Naintindihan naman ako ni Papa at
pinahatid niya agad ako sa bahay ng tita ko, at nangako siya na di nya
sasabihin kahit kanino kung nasaan ako, sinabi ko rin kay papa na hindi na ako
papasok mula bukas at hihintayin ko na lamang ang graduation tutal puro
practice na lang naman ang ginagawa.
Samantala ay pumasok na si Josh at
Harvey sa classroom at hinahanap ako
“Guys nakita nyo ba si Jey?” tanong ni
Harvey na medyo malungkot
“bakit mo hinahanap para saktan mo
nananaman?” Galit na tugon ni Fatima
“masyado ka nang maraming binigay na
sama na loob sa kanya he doesn’t deserve a friend like you” dagdag naman ni
Beth
“guys pls kailangan ko lang talaga
siya makausap” pakiusap ni Harvey
“bat di mo nalang tawagan” tugon ni
Tom
“wala kanina pa namin tina try pero
naka off cell nya pati sa bahay ay wala daw siya dun nakakailang text message
na din kami pero wala talaga ” sagot ni Josh
“matapos mo bugbugin at ipahiya yung
tao wag ka na umasa na magpapakita pa yun sa inyo” sagot ni Fatima na halatang
galit parin
“ano ba meron sa bruhang Diane na yan
at pati matalik mong kaibigan eh nagawa mong saktan? Bakit sigurado ka bang
nagsasabi ng totoo yang girlfriend mo?” galit na tanong ni Beth
Natahimik lamang si Harvey sa mga
ibinato sa kanya ni Fatima at Beth at lalong siya na guilty sa mga ginawa nya
sa akin.
“guys pls hindi ko sinasadyang saktan
siya, kaya pakiusap pag nakita nyo siya pakisabi kailangang kailangan ko talaga
siyang makausap” pakiusap ni Harvey
At yun na nga lumabas na si Josh at
Harvey upang patuloy akong hanapin, hindi na nga din sila pumasok para lang
makita ako. Pumunta sila sa bahay at si kuya John ang dinatnan nila.
“kuya andyan po ba si jey?” tanong ni
Harvey
“wala na siya at kung alam ko man
hinding hindi ko sasabihin sayo” galit na tugon ni Kuya John
“kuya pls nagsisisi na po ako kailangan
ko po talaga siyang makita” pagmamakaawa ni Harvey
“sana naisip mo yan bago mo siya
sinaktan” galit na tugon ni Kuya John
“alam mo pinagkatiwalaan kita naniwala
ako na aalagaan mo ang kapatid ko pero mali pala ako ikaw na matalik pa naman
nyang kaibigan ang mananakit lang pala sa kanya” dagdag pa ni Kuya John
At tumalikod na si kuya John at
pumasok na sa loob, sobrang kalungkutan at pagsisisi ang naramdaman ni Harvey
sa mga oras na yun, ngunit wala na silang nagawa kundi bumalik na sa school.
Kinabukasan ay di na nga nila ako
nakita pang muli, hinanap nila ako, tinawagan ang aking pamilya subalit bigo
sila dahil hindi na ako nagparamdam pang muli. Lumipas ang mga araw ngunit
ganun pa din ni tawag o text mula sa akin ay wala silang natatanggap. Kinausap
ni Diane sila Harvey at Josh
“Guys ano ba ilang araw na nya kayong
pinagtataguan, hayaan nyo na siya saka baka nakakalimutan nyo yung ginawa nya
sa akin” inis na sambit ni Diane
“pwede pabayaan mo nalang kami? Nag
aalala na kami kay Jey yung maitutulong mo lang samin ngayon eh suporta mo”
tugon naman ni Josh
“Harvey nawawalan ka na ng time para
sa akin tandaan mo akong ang girlfriend mo” galit na sambit ni Diane
“Pls Diane not now sobrang nag aalala
na kami kay Jey huwag ka nang dumagdag pa pwede?” pakiusap ni Harvey
“Diane pabayaan mo nalang sila besides
you’ve done enough” sabat ni Neil
Nagtaka naman si Josh at Harvey sa mga
sinabi ni Neil
“what do you mean by that Neil?”
tanong ni Josh
“ahh wala hayaan nyo lang yan, sige
tuloy nyo na paghahanap kay Jey” sabat ni Diane na medyo kinabahan
“hindi ko na kaya ito Diane” bulong
naman ni Neil sa kanyang sarili.
Samantala habang nagpapractice ng
graduation ay bigla akong tumawag kay Fatima.
“uy
Fatima kamusta na?” pangagamusta ko kay Fatima
“waaa
jey namiss kita sobra, kamusta ka na, saka iba na no. mo?” si Fatima na
sobrang saya
“mabuti
naman lagay ko saka oo iba na no. ko
pero wag mo nalang bigay kila Harvey at Josh ha saka don’t worry sa graduation
magkikita din tayo dadating ako sa araw na yun” pangako ko kay Fatima
“waaaaa sige Jey magkita nalang tayo” sigaw ni Fatima habang inend na yung call
Dahil sa sigaw ni Fatima ay narinig
siya nila Josh at Harvey, kaya agad agad nila itong nilapitan
“Fatima si Jey ba yun?” excited na
tanong ni Harvey
“oo siya nga yun pero iba na no. nya
at ayaw nya kayong makausap noh” tugon naman ni Fatima
“pati ako ayaw nya makausap?”
malungkot na tanong ni Josh
“eh basta yun ang bilin nya na huwag
ko bibigay sa inyo no. nya” tugon ni Fatima
“pls Fatima kailangan talaga namin
siyang makausap kaya bigay mo na samin no. nya” pakiusap ni Harvey
“hay naku wala na no. nya sa akin
binura ko na agad yung registered no. dahil alam ko kukulitin nyo ako” tugon ni
fatima
Bigla naman lumungkot ang mukha ni
Josh at Harvey dahil sa kanilang mga narinig
“o wag na kayo malungkot heto ha sabi
sakin ni Jey darating siya sa graduation dun makikita nyo siya” tugon ni Fatima
Ang kanilang kalungkutan ay napalitan
ng saya dahil sa sinabi ni Fatima at least kahit papano makikita na nila ang
kanilang matalik na kaibigan.
At dumating nga ang araw ng graduation
pilit nila akong hinahanap ngunit wala parin ako, hanggang sa isa isa nang tawagin
ang mga pangalan ng mga mag gagraduate, Pagtawag sa aking pangalan ay bigla
akong lumitaw galing sa gilid kasama ko ang aking papa ay tinanggap ko ang
aking diploma. Nagulat ang aking mga kaklase sa bigla kong pagpapakita bakas
parin ang sugat sa aking bibig mula sa suntok ni Harvey ngunit di tulad ng dati
at least ngayon ay nakakangiti na ako. Natapos ang graduation at nakausap ko pa
ng saglit si Fatima
Niyakap ko ng mahigpit si Fatima nung
makita ko siya.
“Jey pupunta ka ba sa after graduation
party mamaya?” tanong ni Fatima
“naku hindi na ako makakapunta madami
din kasi ako inaasikaso aalis na ako next month papuntang US dun ko na kasi
ipagpapatuloy ang pag aaral ko” ngiti kong tugon kay Fatima
Nalungkot naman si Fatima sa kanyang
narinig
“eh pano sila Harvey? alam na ba nila
yung balak mo?” tanong ni Fatima
“ahh kwan hindi pa eh pero mas mabuti
na siguro yun diba nga nangako ako kay Diane na lalayuan ko na si Harvey kaya
tutuparin ko yun” ngiti kong tugon kay Fatima
“eh pano si Josh pagkakaalam ko wala
ka naman ibang kasunduan regarding kay Josh , alam mo matagal ka na nilang
hinahanap talagang alalang alala sila sayo matitiis mo ba sila?” tanong ni
fatima
“oo nga pala si Josh, heto no. ko
bigay mo nalang sa kanya mamaya” tugon ko habang inaabot ang no. ko
Nakita ko si Josh at Harvey na
papatakbo palapit sa akin, kaya nagpaalam na ako agad kay Fatima at nagmadali
na akong umalis.
“Jey! Sandali wag kang umalis!” si
Harvey habang hinahabol ako
Ngunit huli na ang lahat dahil naka
alis na ako, nilapitan naman ni Fatima si Josh at kinausap
“josh mamaya sa party mag usap tayo
may ibibigay din ako sayo” bulong ni Fatima kay Josh
Kinagabihan sa party dinaluhan ito ng
mga kabilang sa senior class, puro kasiyahan, sayawan at kwentuhan ang naganap habang nagkakasiyahan
ang mga graduates ay biglang dumating ang ex-bf ni Diane. Nabigla si Diane at
nilapitan nya ito agad
“Rey ano ba ginagawa mo dito diba
sinabi ko na sayong matagal na tayong tapos?” pabulong ni Diane sa kanyang ex
boyfriend
“Diane I’m sorry kung nasaktan kita di
ko sinasadya mahal na mahal lang kasi talaga kita eh” pagmamakaawa ni Rey at
biglang niyakap si Diane
“ano ba bitawan mo ako” si Diane
habang kumakalas sa pagkakayakap ni Rey
Dahil sa nangyaring eksena ay
napatingin halos lahat ng nasa pagtitipon. Agad naman lumapit si Harvey para
tanungin kung anong nangyayari.
“ano nangyayari dito?” tanong ni
Harvey
“pare wag ka makialam this is between
me and Diane” sagot ni Rey na may halong pagbabanta
“eh gago ka pala eh girlfriend ko yang
sinasaktan mo eh” galit na tugon ni Harvey
“baka girlfriend nating pareho, eh nung
maging boyfriend ka nyan nagkikita parin kami eh” pang iinsulto ni Rey kay
Harvey
“Tarantado ka pala eh” at biglang
sinuntok ng malakas ni Harvey si Rey
Gaganti sana si Rey ng biglang
humarang ang mga kaklase kong lalaki
“dadaan ka muna sa amin gago ka” banta
ni Tom
Natigilan naman si Rey sa pagharang ng
mga kaklase kong lalaki, sa pagkakataong yun ay nag umpisa nang magsalita si
Neil
“Guys stop it! I can’t take this
anymore” sigaw ni Neil
“I’m sorry Diane pero kailangan na
nilang malaman ang totoo! Di ko na kaya pang itago ang mga kasinungalingan mo”
dagdag pa ni Neil
“anong totoo?” tanong ni Josh
“pls Neil wag” pagmamakaawa ni Diane
Ngunit hindi na nya napigil si Neil na
isiwalat ang lahat ng katotohanan
“oo tama yung sinabi ni Rey, boyfriend
ka na nya pero palihim parin silang nagkikita ni Rey. Yung pasa pasa nyong
nakita sa katawan ni Diane hindi si Jey ang may gawa nun kundi si Rey dahil yun
sa sobrang selos ni Rey kaya nya sinaktan si Diane, yung away ni Jey saka Diane
dati sa may staircase nung pinagbintangan nyang si Jey ang nanakit sa kanya
hindi totoo yun kasi andun ako nung maganap ang buong pangyayari. Galit na
galit siya kay Jey dahil nalaman nyang nilapitan mo si Jey para ayaing lumabas
pero tinanggihan ka ni Jey hindi ba?” kwento ni Neil
Bigla naman pinatotohanan nila Fatima
ang nangyari
“oo Harvey naalala mo ba nun nung
datnan nyo kami sa may labas ng kwarto nung prom night? Narinig kasi namin yung
buong pag uusap nyo ni Josh, nalungkot si Jey sa mga narinig nya kaya napilitan
siyang pumayag sa gusto ni Diane na layuan ka nya. Sabi pa nya lagi nalang daw
siya ang inuuna nyo kaya siya naman daw ang mag sasakripisyo at kayo naman daw
ang uunahin nya, kaya kinabukasan ay hinanap nya si Diane para makipag kasundo
kapalit ay lalayo na sayo si Jey ” kwento ni Fatima
Nagpatuloy naman si Neil sa
pagkukwento habang nakikinig ang lahat
At yun nga nung araw na ma aksidente
si Diane akala nya ay di tinupad ni Jey ang pangako sa kanya na lalayuan ka na
nya kaya kinumpronta nya si Jey sa may staircase naging bayolente si Diane kaya
itinulak nya si Jey pero hindi gumanti si Jey, ngunit itutulak uli sana ni
Diane si Jey kaso biglang humilag si Jey kaya na out of balance si Diane na
naging sanhi ng kanyang pagkaka aksidente tinutulungan pa nga siya tumayo ni
jey nung mga oras na yun kaso bigla nalang siyang nagsisigaw na parang
pinalilitaw nya na si Jey ang may gawa ng lahat ng yun, nung makausap nyo si
Diane sa clinic ibinintang nya kay Jey ang nangyari sa kanya pero wala talagang
katotohanan yun” patuloy na pagkukwento ni Neil
Bigla namang napaupo sa sahig si
Harvey dahil sa kanyang mga narinig, parang pinagsakluban ng langit at lupa ang
kanyang naramdaman nung mga oras na yun
“bakit hindi sinabi sakin ni Jey ang
totoo?” nanginginig na tono ni Harvey
“Hinayaan nalang kasi nya na ganun
nalang ang isipin nyo at least daw hindi na siya mahihirapan pang lumayo sa
inyo kasi kayo nalang daw ang kusang lalayo para na din tuparin ang pangako nya
kay Diane” paliwanag ni Fatima
“Inuna nya kami bago ang sarili nya,
tapos nagawa ko pa siyang saktan” nanginginig na boses ni Harvey
At dun nga ay bigla nang nagawala si
Harvey
“ang tanga tanga ko! Nagpagamit ako sa
walang kwentang babae! Pati pinakamamahal kong kaibigan nagawa kong saktan! Ang
tangaaa kooo!” sigaw ni Harvey habang umiiyak
“Harvey pls nagawa ko lang naman yun
dahil mahal na mahal kita eh, naiinggit kasi ako kay Jey ang dami nyo kasing
mga nagmamahal sa kanya, ayaw ko ng kahati” paliwanag ni Diane
Lalapitan na sana nya si Harvey ng
biglang
“Layuan mo ako! Ayaw na kitang makita
manloloko ka!” galit na galit na sambit ni Harvey
At linapitan naman ni Diane si Josh
para kausapin
“Josh kausapin mo naman si Harvey pls
kumbinsihin mo siya” pakiusap ni Diane kay Josh
“umalis ka na dito bago ko pa
makalimutang babae ka” galit na tugon ni Josh
Ngunit lumapit muli si Diane kay
Harvey sa huling pagkakataon
“Harvey pls mas mahal mo pa ba si Jey
kesa sa akin?” si Diane habang umiiyak
“wag mo nang itanong yan dahil hindi
mo magugustuhan ang isasagot ko” galit na tugon ni Harvey
Linapitan na ni Rey si Diane at
niyayang umalis
“halika na diane umalis na tayo” aya
ni Rey kay Diane
Tatalikod na sana si Diane ng biglang
tawagin siya ni Fatima
“Diane sandali” pagpigil ni Fatima kay
Diane
Pagharap ni Diane ay isang malakas na
sampal ang binigay ni Fatima
Pak!!
“hayop ka! Kulang pa yan para sa mga
ginawa mo kay Jey!” galit na sambit ni Fatima
“talagang kulang pa!” galit naman na
sambit ni Beth
At biglang sinabunutan ni Beth si
Diane hanggang sa makaladkad si Diane sa sahig, sa sobrang galit nagsunuran din
ang iba kong kaklaseng babae para saktan si Diane.
“tama na tama na” pagmamakaawa ni
Diane
Aawatin na sana sila ni rey ng biglang
harangin siya ng mga kaklase kong lalaki.
“Ikaw gusto mo mabugbog? Tamang tama
para dalawa kayo ni Diane na dadalhin sa hospital” banta nila Tom
Natigil lamang yun nung magsalita na
si Josh
“Tama na yan guys she’s not worth it”
pagpigil ni Josh
Tinigilan na nga ng mga kaklase ko ang
pananakit kay Diane, tumayo si Diane pero nahihirapan siya kaya inalalayan siya
ni Rey, habang papalabas sila ay pinagtitinginan at pinagbubulungan sila ng mga
tao.
“ang kapal talaga ng mukha ng babaeng
yan kunwari lang palang mabait” sambit nung isa
“sinungaling na pokpok nagawa pang
mamangka sa dalawang ilog hindi na nahiya” tugon naman ng isa
“pati pagkakaibigan ng tatlo sinira
nya para lang makuha yung gusto nya, naku buti nakapag pigil ako kanina kundi
di lang yan aabutin nya” galit na tugon naman nung isa
Hiyang hiya si Diane sa mga nangyari
sa kanya at mga naririnig kaya yumuko na lamang siya pero habang papalabas na
siya ng pinto ay biglang may humila pa sa buhok nya na naging sanhi ng
pagkakatumba nya. Inilabas naman agad siya ni Rey.
Habang nagrerecover pa ang lahat dahil
sa mga nangyari nilapitan naman ni Fatima si Josh
“heto nga pala no. ni Jey pinapabigay
nya yan sayo” sambit ni fatima habang inaabot kay Josh yung papel
Narinig naman ni Harvey ang usapan ni
Josh at Fatima
“Guys yan ba no. ni jey pede ko
malaman I really need to talk to him” pakiusap ni Harvey
“no Harvey ako na muna ang kakausap sa
kanya saka mo na siya kausapin pag handa na kayong pareho” paliwanag ni Josh
“pero Josh pls” pagmamakaawa ni Harvey
Ngunit tumanggi pa rin si josh wala na
din nagawa si Harvey kundi sundin ang sinabi ni Josh dahil tama nga si Josh
masyado pang emotional si Harvey nung mga oras na yun.
Ikinagulat naman nila ang sumunod na
sinabi ni Fatima
“Sana lang makumbinsi mo siya Josh
dahil next month aalis na siya papuntang states dun na nya itutuloy ang pag
aaral nya” wika ni Fatima
“hindi pwede yun may usapan kami sa
iisang eskwela lang kami magka college” tarantang sagot ni Josh
“ayoko di ako papayag na umalis siya” malakas
na tugon ni Harvey
“Guys why don’t you convince him na
sumama sating magkakaklase na mag out of town diba napag usapan na natin yun
noon pa, kasi kung makakasama natin siya at least malaki posibilidad na magbago
ang isip nya na wag na pumunta sa states” mungkahi ni Fatima
“Good idea” tugon ni Josh
At tinawagan nga ako ni Josh
“hello?”
sagot ko sa cell ko
“Jey josh toh kamusta ka na? miss na miss ka na namin” wika ni Josh
“ok lang ako wag kayo mag alala” tugon ko
“Jey
pupunta yung buong klase sa cebu next week sama ka samin ha” aya ni Josh
“di ako sigurado eh” tugon ko
“pls Jey kahit gawin mo lang para sa amin” pakiusap ni Josh
Pumayag na din ako ngunit medyo nag
aalangan din kasi ako nahihiya parin kasi ako kay Harvey. Dumating ang araw ng
pag alis papuntang cebu hindi ko alam na barko pala ang sasakyan namin
papuntang Cebu yun daw kasi ang napagkasunduan ng buong klase ayaw kasi nila sa
eroplano dahil majority samin ay puro eroplano ang lagi sinasakyan kaya gusto
naman daw nilang maranasan ang sumakay ng barko. Habang naghihintay lahat sila
sa pier ay tinawagan ko si fatima sinabi
ko na di ako makakasama, sinabi naman nya ito sa aming mga kaklase pati na din
kay Josh at Harvey. Nalungkot ang mga kaklase ko pati si Josh at Harvey sa
kanilang narinig, sinubukan nila akong tawagan ngunit nakapatay na ang aking
cellphone.
Habang papasakay sila ng barko
“andaya talaga ni jey nangako siya eh”
inis na sambit ni Josh
“hayaan nyo na guys baka naman hindi
pa talaga siya handa” tugon ni fatima
“pero kelan pa siya magiging handa”
malungkot na tugon ni Harvey
Nakaalis na ang barko, naging masaya
naman sila kahit papano ngunit mapapansin mo ang kalungkutan sa mga mukha ni
Josh at Harvey dahil wala ako, makalipas ang ilang oras ay humiwalay si Josh
para pumunta sa deck ng barko para magpahangin si fatima naman ay nag CR muna.
Papasok na si Fatima nang bigla ko siyang ginulat
“bulaga”
“ay kabayo” tugon ni Fatima
“waaaaaa Jey andito ka akala ko ba
hindi ka sasama ha?” si Fatima habang tuwang tuwa
“ssshhh wag ka maingay gusto ko lang
kayo sorpresahin” tugon ko kay Fatima
“grabe ka nasorpresa talaga ako”
“teka nga pala asan si Josh at Harvey?
si Josh na nga lang pala galit pa pala si harvey sa akin” sambit ko
“uy hindi miss na miss ka na nga ni
Harvey eh alam na naming lahat ang buong katotohanan sinabi na ni Neil” tugon
ni Fatima
“huh?” pagtataka ko
At kinwento nga ni Fatima ang buong
nangyari sa party, natuwa naman ako dahil hindi na galit si Harvey sa akin pero
medyo naawa din ako kay Diane kahit papano. Nagpaalam nako kay Fatima at
sinabing susurpresahin ko si Josh at Harvey.
Habang naglalakad ako sa barko ay
nakita ko si Josh mag isa at nakatingin sa dagat, nilapitan ko siya
“hmm mukhang malalim ang iniisip mo
ha”
Nagulat naman si Josh nung marinig ang
aking tinig kaya agad agad siyang humarap sa akin. Laking gulat nya nung makita
nya ako.
“Jey sabi ko na eh, ikaw ha
pinagtitripan mo nanaman kami” si Josh habang tuwang tuwa
Bigla akong niyakap ng mahigpit ni
Josh
“Ikaw Jey ha wag mo na ulit gagawin
yung ginawa mong pagsisinungaling para lang samin, alam mo namang hindi ka
namin pagpapalit kahit sino pang babae diyan” sambit ni Josh habang yakap yakap
ako
Lumipas na ang ilang minuto ngunit
ayaw parin nya akong bitawan sa pagkakayakap
“uy Josh bitaw ka na kanina mo pa ako
niyayakap eh nakakahiya na oh pinagtitinginan tayo ng mga tao baka sabihin pa
nila shota kita noh eew” biro ko
“hayaan mo nga sila bakit kinakahiya
mo ba ako? Sobra ko lang namiss best friend ko kaya wala sila pakialam” tugon
ni Josh habang yakap yakap pa din ako
“ano nga pala nabalitaan ko na iiwan
mo na kami at pupunta ka na sa states? Loko ka ahh baka nakalimutan mo may
usapan tayo” tanong ni Josh habang yakap ako
“ahh eh yun lang ay kung makakalusot
ako sa inyo hehe” tugon ko
“uy Josh bitaw ka na masakit na
katawan ko eh” pagmamakaawa ko
“ayoko pa, basta Jey subukan mo lang
iwan kami pupuntahan ka talaga namin dun para gulpihin” biro ni Josh
Makalipas ang ilang minuto ay bumitaw
na din si Josh sa pagkakayakap at tiningnan ang aking mukha napansin nya ang
sugat mula sa pagkakasuntok dati ni Harvey
“o gumagaling na pala sugat mo eh,
gusto mo kiss ko para gumaling na” biro ni Josh
“eew ano ako baby” habang tumatawa ako
“eew ka diyan” sabay kiliti sakin ni
Josh
“hahaha tama na Josh” habang tawa ako
ng tawa
Makalipas ang ilang minuto ay
nagpaalam na ako kay Josh para surpresahin naman si Harvey. Samantala sa
tambayan ng mga kaklase namin kung asan si harvey ay dumating na si fatima.
“uy Harvey may surpresa ako sayo na
siguradong magugustuhan mo”
“ano naman surpresa yun?” tanong ni
Harvey
“isipin mo kung sino ang taong gustong
gusto mo makasama ngayon” clue ni Fatima
Biglang lumiwanag ang mukha ni Harvey
sa kanyang narinig
“Si Jey andito si Jey?” tanong ni
Harvey
“waaaa ang galing mo naman naku patay
ako kay Jey nito sabi pa naman nya susurpresahin ka nya” kabadong tugon ni
Fatima
At sa mga oras na yun ay dali dali
ngang tumayo si Harvey para hanapin ako.
Samantala ay nagpaalam muna ako kay
Josh na maghihilamos muna ako sa CR bago ko puntahan si Harvey.
Paglabas ko ng CR ay bigla akong
nakarinig ng malakas na pagsabog, at nakita kong nagkakagulo na ang mga tao,
malaki na ang sunog nang tingnan ko ay nagmumula ito sa makina ng barko mabilis
din kumakalat ang sunog kaya napilitan nang magsipag talunan ang mga pasahero.
Hinanap ko agad ang aking mga kaibigan at kaklase. Ngunit dahil sa sobrang
bilis ng pagkalat ng apoy ay napilitan na din akong tumalon mula sa barko. Di
tulad nang aking mga kaklase,magaling ako lumangoy kahit isang oras ay kaya
kong manatili sa gitna ng dagat na di gumagamit ng kahit anong pampalutang,
agad agad kong hinanap ang aking mga kaibigan at kaklase, puro mga sigawan at
iyakan ang pawang mga naririnig ko. May dumating na rescue boat galing din sa
barko na napadaan sa akin kaya agad akong nailigtas. Pilit ko pa ding hinahanap
ang aking mga kaibigan at kaklase at sa wakas ay nakita ko din sila na hirap na
hirap sa pag langoy kaya kinausap ko agad ang mga rescuer.
“Boss baka pwedeng iligtas nyo po yung
mga kaklase at kaibigan ko” pakiusap ko
Ngunit di man lang nila ako pinansin
at patuloy pa din sila sa pag rescue ng ibang pasahero, kaya wala nakong nagawa
kundi ako na mismo ang kikilos upang sagipin ang aking mga kaklase. Lumundag
ako at lumangoy papunta sa aking mga kaklase.
“Jey si Harvey nasaktan siya” sambit
ni Fatima na halatang pagod na pagod na sa paglangoy
“nasaan siya?” nag aalala kong tanong
“hayun siya kasama ng iba pa nating
kaklase tinamaan kasi sya nung bumagsak na bagay” sagot ni Fatima
“puntahan ko lang siya, Fatima at
classmates wag kayong aalis diyan babalikan ko kayong lahat pangako”
At pinuntahan ko nga si Harvey mukhang
malala ang tama nya agad agad ko siyang dinala sa rescue boat, para mabigyan ng
paunang lunas. Pagdating namin sa rescue boat
“Boss pakitingnan po itong kaibigan ko
medyo malala po kasi ang tama nya wag po nyo siyang pababayaan babalikan ko
lang po iba ko pang mga kasama” bilin ko
Kinuha naman nila si Harvey at
binigyan ng paunang lunas, binalikan ko ang aking mga kaklase at kaibigan para
tulungan.
“Fatima kapit ka sa akin relax ka lang
maaayos din ang lahat” sambit ko kay Fatima na medyo nanghihina na
Nadala ko na si Fatima sa rescue boat
at sinunod ko naman sila beth
“Beth gising wag ka matutulog kaya mo
yan di kita pababayaan” sambit ko kay Beth habang nakahawak siya sa akin
“salamat Jey”
Nadala ko si Beth sa rescue boat,
sinunod ko naman iba ko pang mga kaklaseng babae. Sa awa ng diyos ay nailigtas
ko lahat silang sampo yung iba kasi ay nakalangoy na papunta sa rescue boat at
natulungan na din iba ko pang kaklaseng babae, pagkatapos ay sinunod ko naman
ang mga kaklase kong lalaki.
“Josh ayos ka lang ba?” tanong ko kay
Josh habang nakakapit siya sa lumulutang na bagay
“Jey ayos lang ako unahin mo na sila” tugon
ni Josh
“sige pero babalikan kita pangako”
At iniligtas ko na nga ang mga kaklase
kong lalaki mga pito silang nailigtas ko dahil marunong naman lumangoy yung iba
kaya nakapunta na din sila sa rescue boat tulad ng iba ko pang mga kaklaseng
babae. Binalikan ko si Josh
“Josh tara na kapit ka na sakin
dadalhin na kita sa rescue boat” habang patuloy ako sa paghingal
At nadala ko nga si Josh sa rescue
boat, pagdating ko doon ay kinausap ako ni Beth
“Jey si Tom wala pa dito” alalang
sambit ni Beth
“ha? Nasaan kaya yun” alalang tanong
ko
Kahit sobrang pagod na pagod ako ay
pinilit ko pa ding hanapin si Tom, at nakita ko nga siya na walang malay na
lumulutang agad kong itinaas ang kanyang ulo nagising siya at napaubo dahil sa
nainom na tubig.
“Tom andito nako basta relax ka lang
wag ka na gumalaw ako na bahala sayo” sambit ko habang hawak hawak ko si Tom
papunta sa rescue boat
Naiabot ko si Tom sa mga rescuers, at
tinanong ko ang aking mga kaklase kung kumpleto ba lahat
“guys kumpleto ba kayo wala na bang
nawawala?” tanong ko habang hinihingal ako
“Jey salamat ayos na kami andito na
kaming lahat” tugon ni Fatima
Kinausap naman ako ng isang rescuer
“Tol umakyat ka na dito overloaded na
itong rescue boat at may sira na din,di na pedeng magsakay ng dalawa isa nalang
ang pwede” sambit ng isang rescuer
Aakyat na sana ako nang biglang
makarinig ako ng isang batang umiiyak, hinanap ko kung san ito nagmumula at
nakita ko nga isang batang lalaki siguro na nasa walong taong gulang ang
nakakapit sa lumulutang na bagay. Kaya kinausap ko agad ang mga rescuer
“Boss may bata dun, saglit lang
ililigtas ko lang” paalam ko
Kahit sobra na ang pagod ko ay pinilit
ko pa ding lumangoy papunta sa kinaroronan ng batang lalaki. Agad agad ko siya
tinulungan at dinala sa rescue boat ngunit pagbalik ko sa rescue boat ay
sinabihan ako na isa na lang ang pwede nilang maisakay.
“Tol isa lang ang maisasakay namin
overloaded na tayo delikado baka mapahamak ang lahat ng sakay” paliwanag ng
isang rescuer.
“Boss sige po dalhin nyo na po yung
bata, maiwan nalang po ako dito kaya ko pang magtagal dito sa tubig wag kayong
mag alala” sambit ko
Nagulat naman ang aking mga kaklase sa
kanilang narinig
“jey wag ka nga magbiro ng ganyan
hindi pwede sasama ka sa amin” sambit ni Robert
“Di ka nakakatawa Jey, ayoko ng birong
ganyan” sambit naman ni Josh
“Pasensya na guys isa lang talaga
pwede nating isama” paliwanag ng rescuer
Napilit ko din sila dahil nangako ako na
di aalis dun at hihintayin na lang ang pagbabalik ng isa pang rescue boat.
Kinuha na nila ang bata at nag umpisa nang umalis
“Jey wag kang aalis diyan pangako
babalik kami” si Josh habang kinakabahan
“sige josh pangako dito lang ako”
ngiti ko kay Josh
Papalayo na sana sila nang biglang may
bumagsak sa aking lugar, na nasusunog na parte ng barko, Tinamaan ako sa ulo
kaya nahilo ako. Nasaksihan naman ng aking mga kaibigan at kaklase ang buong
pangyayari at nagumpisa silang magsigawan.
“Jey! Jey” iyak ng mga kaklase kong
babae
Nagwawala naman ang mga kaklase kong
lalaki dahil gusto nila akong puntahan ngunit pinigilan sila ng mga rescuer.
“Putanginaaa nyoooo bitawan nyo ako
bitawan nyo ako, kailangan ako ni Jey kailangan ako ni Jeeey” si Josh habang nagwawala
dahil sa paghawak sa kanya ng mga rescuer
“maghunos dili ka pangako babalikan
namin siya kailangan muna natin talagang maihatid itong mga nailigtas”
“Jeey, Jeey” si Josh habang
humahagulgol
Unti unting nagdidilim ang aking
paningin at sa huling pagkakataon ay nasambit ko ang mga katagang
“ma, sa wakas ay magkikita na din
tayo” habang pinipikit ko ang aking mga mata
Samantala narating nila ang pampang at
naibaba ang mga nailigtas, agad agad naman silang lumipat sa isang rescue boat
upang balikan ako, sumasama si Josh at iba ko pang mga kaklase ngunit hindi
sila pinayagan kaya wala na din silang nagawa kundi maghintay, si Harvey naman
ay agad agad dinala sa pinaka malapit na Hospital.
Lumipas ang dalawang oras at dumating
ang mga rescuers ngunit bigo sila hindi na nila ako nakita. Dumating sila nang
nakayuko nagpapahiwatig ng kabiguan
“nasaan si Jey!” sigaw na tanong ni
Josh
“pasensya na pero hindi namin siya
nakita” tugon ng isang rescuer
“hindi, hindi pwede yun baka hindi
lang kayo naghanap hanapin natin uli sasama na kami” si Josh habang nagpapanic
“wala talaga sinuyod na namin ang
buong lugar pero wala talaga kaming nakitang bakas ng kaibigan mo” paliwanag ng
rescuer
“hindi yun mawawala basta basta
magaling lumangoy yun eh kahit ilang oras pa siya dun makakatagal yun eh” si
Josh habang nanginginig
“baka may nangyari sa kanyang masama
nung mahulog yung parte ng barko” malungkot na sambit ng isa kong kaklase
“putangina mo wag mo sabihin yan
walang nangyaring masama kay Jey” galit na tugon ni Josh
Wala na nga silang nagawa kundi
hintayin ang bukas at makibalita, buong gabi ay di natulog si Josh at ang mga
kaklase ko para hintayin ang aking pagbabalik. Kinaumagahan ay agad silang
bumalik sa dalampasigan at doon ay nasaksihan nila ang mga kalunos lunos na
itsura ng mga nasawi sa lumubog na barko, nakatakip na ng kumot ang mga ito
dahil na din sa mga nasunog nilang katawan. Di mo na sila makikilala kung wala
ka na ding palatandaan.
Habang naglalakad si Josh kasama ang
mga kaklase ko ay nadaanan nila ang isang bangkay ng lalaki na nakatakip ng
kumot dahilan sa sunog na sunog na katawan nito ngunit nakalabas ang kanang
kamay nito. Nakasuot sa kanya ang bracelet na bigay ni Harvey. Lumapit agad si
fatima at tiningnan ang kamay nito na di na makilala dahil sa sunog ngunit ang
bracelet ay di man lang nagasgasan.
“Hindi ba bracelet ni Jey ito” si
Fatima habang nanginginig
“tingnan mo baka kapareho lang” si
beth habang umiiyak
Lumapit si Josh at biglang gumuho ang
mundo nya nang makita nya na nakaukit ang pangalan naming tatlo sa bracelet.
Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang kanyang naramdaman nung mga oras na
yun. Nakumpirma nga nila na ako yun
(Paki Play po)
Niyakap nya ako
“Jey nangako ka sabi mo hihintayin mo
ako sabi mo di ka aalis dun eh, nagsinungaling ka nanaman andaya mo talaga sinaktan mo nanaman ako bat
ba gusto mo lagi akong nasasaktan Jey, madami pa tayong mga pangarap na sabay
sabay nating tutuparin ni Harvey eh bat mo agad kami iniwan madaya ka talaga
Jey andaya mo nakakainis ka!!” si Josh habang nagdadabog sa aking labi.
“Jeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeey bat moko
iniwan Jeeeeeeeeeeey” sigaw ni Josh habang patuloy sa pagtangis
Humagulgol si Fatima at Beth pati
narin ang aking mga kaklase dahil sa nangyari sa akin, mararamdaman mo ang
kalungkutan sa paligid dahil sa kanilang pagtangis.
Inilayo na ng mga tao si Josh sa akin
dahil kailangan nang ilipat ang aking labi sa morgue ng magpumiglas si Josh
“bitawan nyo ako bitawan nyo ako dito
lang ako sa tabi ni Jey kailangan ako ng kaibigan ko” si Josh habang nagwawala
Ngunit wala na din siya nagawa dahil
inilayo na nila ako. Matapos ang ilang oras ay dumating na ang aking ama at si
kuya John naiwan si Kuya Justin sa labas para ayusin ang mga papeles ko halos
himatayin ang aking ama sa naramdamang kalungkutan.
“anak kooooo bat mo kami iniwan” si
Papa habang yakap yakap ako at nakabalot sa kumot
Si kuya John naman ay wala ring tigil
sa pag iyak, hindi niya ako tiningnan dahil ayaw nilang makita ang kalunos
lunos kong kalagayan
“jey! Jey! Bakit ikaw paaaaaaa” si
kuya John habang nagwawala
Makalipas ang ilang minuto ay pumasok
na si Kuya Justin, pagkakita pa lang nya sa aking labi ay napasigaw na ito.
“aaaaaaaaaaaaahhhhhh” sigaw ni Kuya
Justin
Niyakap ni papa si kuya Justin, ngunit
patuloy pa din ito sa pagwawala
“Jeeeeeey kapatid kooooo” si kuya
Justin habang nagwawala
Puno nang kalungkutan ang nabalot sa
paligid maririnig mo ang iyakan mula sa labas na nangagaling sa aking mga
kaibigan at kaklase.
Inuwi ang aking labi sa manila at dun
nako ibinurol. Nakasara lamang ang aking kabaong dahil na din sa kalunos lunos
kong kalagayan at dahil na din sa sobrang kalungkutan ng aking pamilya ay dalawang
araw lang ang aking burol, bukod sa aking pamilya, kamag anak at mga kaibigan dinaluhan
din iyon ng mga estudyante, guro at opisyal ng aming eskwela pati mga opisyal
ng aming lungsod ay dumalo upang parangalan ako dahil sa aking kabayanihang
ipinamalas. Naging malungkot ang lahat sa mga oras na yun
si Josh ay hindi man makausap at
patuloy lang nakatingin sa kawalan.
cremation ang ginawa sa aking labi.
Sa Araw ng libing
Hawak hawak ni kuya john ang
pinaglalagyan ng aking abo kasama ang aking pamilya, mga kaklase, kaibigan at
mga mahal sa buhay ay inihatid ako sa huling hantungan sa tabi nang aking ina.
Puno nang iyakan at pighati ang bumalot sa mga oras na yun, matapos ang libing
ay naiwan si Papa, Kuya Justin, Kuya John, Fatima at Josh.
“tito, kundi po siguro nya kami
niligtas hindi ito mangyayari kay Jey” si Fatima habang umiiyak
“hindi wag nyo sisihin ang sarili nyo
sa katunayan proud ako sa anak ko dahil sa ginawa nyang kabayanihan” ngiti ni
Papa habang bakas parin ang kalungkutan sa mukha
“pasaway lagi yang kapatid namin pero
mabuti ang kanyang kalooban para dun ay pinagmamalaki namin siya” sambit ni
kuya John
Ngunit si Josh ay wala pa ding imik
Biglang may dumating na mag ina at lumapit
sa aking puntod, nagpakilala yung babae sa amin.
“Condolence po, ako po yung ina nung
batang niligtas ng anak nyo” sabay turo sa kasama nyang bata
“maswerte po kayo sa anak nyo, gusto
lang po namin magpaalam at magpasalamat sa kanya kahit sa huling pagkakataon
lang” sambit nung babae
“Sige lang po” tugon ni Kuya Justin
“anak magpaalam ka na” sambit ng babae
sa kanyang anak
Natapos ang araw na puno ng
kalungkutan. Kinabukasan ay dinalaw ako muli ni Josh, habang nakaupo siya sa harap
ng aking puntod
(Paki play po)
“Pano ngayon si Harvey anong sasabihin
ko sa kanya Jey?” malungkot na tanong ni Josh
“Jey kahit nagtatampo ako sayo ngayon alam
mo namang mahal na mahal kita sorry kung di ko nasasabi sayo yun ng madalas
ikaw naman kasi puro ka lagi kalokohan ni hindi ka nga makausap ng matino lagi
kang may ginagawang kapilyuhan, kaya lagi kami napapahamak sayo eh”
“Nakakatawa nga andito ka ngayon sa
pinaka ayaw mong lugar, matatakutin ka pa naman pano ka na namin mababantayan
nyan, eh iniwan mo na kami.” Si Josh habang umiiyak
“Alam mo Jey kahit maging pasaway ka
lagi magpapasensya lang ako kahit ipahamak mo kami lagi ayos lang sa akin kahit
araw araw mo pa akong saktan ayos lang titiisin ko yun basta magbalik ka lang
samin” si Josh habang patuloy sa pag iyak.
(Paki stop na po yung music)
Samantala si Harvey ay hindi parin
nagigising matapos nya kasing dalhin sa hospital ng probinsya kung saan sila
ibinaba ay agad agad din siyang inilipad pabalik sa maynila upang maipagamot
siya ng maigi dahil medyo malala ang nangyari sa kanya.
Matapos ang isang linggo ay nagsising
na siya, naging maayos naman ang kalagayan nya. Pag gising nya ay nakita nya
agad ang Mommy at Daddy nya.
“Ma, Pa” sambit ni Harvey
“anak nagising ka na salamat naman”
mama ni Harvey habang naiiyak
“nasaan po ako? Ano po bang nangyari?”
tanong ni Harvey
“Nasunog at lumubog kasi yung
sinasakyan nyong barko, tinamaan ka ng mga nahuhulog na parte ng barko kaya
andito ka ngayon sa hospital” paliwanag ng Papa ni Harvey
“kamusta po mga kaibigan ko at kaklase
ayos lang po ba sila?” tanong ni Harvey
“huwag kang mag aalala ayos lang sila
anak” sagot ng mama ni Harvey
“si Josh po at si Jey ayos lang po ba
sila? Si Harvey na halatang nag aalala
Nagtinginan lamang ang Mama at Papa ni
Harvey
“ahh eh oo anak ayos lang sila”
pagsisinungaling ng papa ni Harvey
Nabalitaan ng mga malalapit kay Harvey
ang balita na nagising na sya kaya isa isang nagdatingan ang mga ito upang
dalawin siya, dumating din ang mga kaklase namin para bisitahin sya.
“Harvey kamusta ka na?” bati nila
Fatima
“ayos lang ako kayo lang ba sila Josh
ba wala?” tanong ni Harvey
“ahh baka mamaya pa yun” tugon ni Tom
“eh si Jey? Di ba nya ako dadalawin?”
tanong ni Harvey
Nagtinginan lamang ang aming mga
kaklase at iniba bigla ang usapan
“basta Harvey pagaling ka na ha para
makalabas ka agad sa hospital” sambit ni Beth
Natapos ang oras ng pagbisita kaya
lumabas na ang aking mga kaklase habang nasa labas sila
“ano ba guys hindi ba natin sasabihin
kay Harvey ang totoo? Tanong ni Ben
“nangako tayo kay Josh na siya na lang
daw ang magsasabi” sagot ni Fatima
“saka baka ano pang masamang mangyari
kay Harvey pag nalaman nya ano nangyari kay Jey, hayaan nalang muna nating
siyang gumaling ng tuluyan” paliwanag ni Tom
Lumipas ang dalawang araw at sa wakas
ay dumating na din si Josh. Niyakap ni Josh ng mahigpit si Harvey ng makita nya
ito
“kamusta ka na tol” tanong ni Josh
“mabuti na pakiramdam ko” sagot ni
Harvey
“mabuti naman kung ganun” ngiti ni
Josh
“asan na ba si Jey? Bat di man nya ako
dinadalaw galit pa rin ba siya sa akin?” tanong ni Harvey
Natahimik naman si Josh sa tanong ni
harvey
“ahh hindi tol diba susurpresahin ka
pa nga dapat nun sa barko kaso di natuloy dahil sa aksidente kaya di galit sayo
yun” paliwanag ni Josh
“sabihin mo nagtatampo na ako sa
kanya” malungkot na sambit ni Harvey
“hayaan mo sasabihin ko” tugon ni Josh
Dumating ang araw ng paglabas ni
Harvey sa hospital, sinundo sya ni Josh habang nasa labas ng kwarto si Josh ay
kausap nya ang Mama at Papa ni Harvey
“Josh iho sa palagay mo ba ito na ang
tamang panahon? Baka kung mapano si Harvey” pag aalalang tanong ng mama ni
Harvey
“Hon sa ayaw at gusto natin kailangan
din nya malaman ang totoo” tugon ng Papa ni Harvey
“Huwag po kayong mag alala tita ako na
po ang bahala kay Harvey” malungkot na tugon ni Josh
Pumasok na sa kwarto si Josh at nakita
nya dun na naghihintay si Harvey
“Tol sayo daw ako sasabay? San ba tayo
pupunta” tanong ni Harvey
Ngunit ngumiti lang si Josh na may
bakas ng kalungkutan sa mukha, Habang naglalakad sila pababa
“asan ba talaga si Jey? Ang tagal
tagal ko na sa hospital ni isang beses di man nya ako pinuntahan, nakakainis na
siya pati mga text at tawag ko hindi nya sinasagot saka bat walang tao sa
kanila? Wala
kasing sumasagot sa landline nila eh”
si Harvey na halatang nagtatampo sa akin
“wala talaga tao sa kanila ngayon
umuwi muna sa mga probinsya mga katulong nila kasi mawawalang ng matagal ang
pamilya nya” tugon ni Josh
“ahh kasama ba ni Jey pamilya nya?” tanong
ni Harvey
“Hindi isa lang sa pamilya nya ang
kasama na nya ngayon” malumanay na tugon ni Josh na halatang may kahulugan
Medyo di naintindihan ni Harvey ang
gustong ipahiwatig ni Josh kaya binalewala na lamang nya yun.
Habang nakasakay sila sa kotse
“Humanda talaga si Jey sa akin
pagbalik nya di man lang nagpaalam sa akin, baka nakakalimutan nya ako pa din
ang best friend kahit may tampo pa siya sa akin kelangan nya magpaalam sa akin”
inis na sambit ni Harvey
Biglang nagtaka si Harvey nang pumasok
sila sa sementeryo.
“Josh ano ginagawa natin dito?” tanong
ni Harvey
Pagbaba nila ng kotse ay naglakad sila
patungo sa puntod ng aking ina, inakbayan ni Josh si Harvey
“Harvey sana magpakatatag ka”
malungkot na sambit ni Josh
Nagtaka si Harvey sa sinabi ni Josh,
pagdating nila sa puntod ng aking ina.
“o tol ano ginagawa natin dito sa
puntod ni tita? Naguguluhan na talaga ako sayo eh” si Harvey na medyo
naguguluhan na
“tingnan mo yung katabing puntod ni
tita” mahinang sambit ni Josh
Tiningnan naman ito ni Harvey hanggang
sa mabasa nya ang aking puntod na may nakasulat na “In loving memory of Jey
dela Vega”
(Paki play po)
Parang pinagsakluban ng langit at lupa
ang naramdaman ni Harvey
“putangina mo Josh anong ibig sabihin
nito wag moko binibiro ng ganito tarantado ka hindi ka nakakatawa” si Harvey
habang galit na galit
Ngunit iniwas lang ni Josh ang tingin
nya kay Harvey
“oo mahilig magbiro yang gagong Jey na
yan eh baka andyan lang siya sa tabi pinagtitripan nyo ako” sambit ni Harvey
habang di mapakali
“Jey lumabas ka diyan! Gago ka! hindi
ka nakakatawa pag nakita talaga kita lagot ka sa akin” galit na galit na sigaw
ni Harvey
“Jeeeey! Ano ba! sabi nang lumabas ka na diyan eh! Jeeeey!!!”
sigaw ni Harvey habang napaluhod
Hanggang sa ilabas ni Josh ang aking
bracelet
“tol wala na siya namatay siya sa
aksidente sa barko” malungkot na sambit ni Josh
“tumahimik ka! Hindi ako naniniwala!
Hindi ako naniniwala!” galit na tugon ni Harvey
“Jeeey! Lumabas ka na pls! lumabas ka
na!” si Harvey habang umiiyak na
Habang nakaluhod si Harvey at umiiyak
ay ikinwento ni Josh ang lahat nang nangyari nung aksidente ng barko. Biglang
nilapitan ni Harvey si Josh at sinuntok ng malakas.
“Bat di mo siya tinulungan! Bat di mo
siya tinulungan!” sigaw ni Harvey habang patuloy pa din sa pag iyak
“sinubukan ko tol pero wala din akong
nagawa” si Josh habang umiiyak na din
“best friend mo yun eh! Bat mo siya
pinabayaan! Alam mo namang matigas ang ulo nun bat mo siya pinayagang
magpaiwan!!” sigaw ni Harvey habang umiiyak
Bigla namang nilapitan ni Josh si
Harvey at niyakap ng mahigpit, pilit na nagpupumiglas si Harvey
“bitawan mo ako! Bitawan mo ako!” si
Harvey habang nagpupumiglas
Wala nang nagawa si Harvey kundi
magpadala sa kanyang damdamin habang nakayakap sa kanya si Josh
“sige tol ilabas mo lang yan” si Josh
habang yakap yakap si Harvey
“aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah” isang
malakas na sigaw ni Harvey habang umiiyak
Lumapit si Harvey sa aking puntod
“Jey nangako ka!! Nangako ka
saming hindi mo kami iiwaan!!
Jeeeeeeeeey” sigaw ni harvey habang humahagulgol.
Makalipas ang ilang oras nailabas na
ni Harvey ang kanyang pighati, magkatabi sila ni Josh nakaupo sa harap ng aking
puntod
“Jey hindi man lang kita nayakap sa
huling pagkakataon, hindi mo man lang ako nakausap para pormal na patawarin
galit ako sayo Jey andaya mo sabi mo hindi mo kami iiwan nangako ka sa amin eh,
di mo nanaman tinupad ang pangako mo Jeeeeey” si Harvey habang umiiyak
“Sabay tayong tatlo papasok sa isang
school sa college diba yan usapan natin, madami pa tayong plano Jey bakit mo
kami iniwan nakakainis ka” habang patuloy sa pag iyak si Harvey
Hinawakan ni Harvey ang aking pangalan
“Jey mahal na mahal kita paalam sayo” sambit
ni Harvey habang nakahawak siya sa nakaukit kong pangalan
“Jey kung saan ka man naroroon sana
masaya ka na paalam” si Josh habang naluluha
At dun nga ay tumayo na si Josh at
Harvey upang lisanin ang aking himlayan.
-WAKAS-
(Preview for the next book)
Samantala lingid sa kaalaman ng lahat
ay napadpad lamang ako sa dalampasigan ng isang isla sa may timog ng luzon
Abangan ang ikalawang libro na
pinamagatang
“Sa Aking Pagbabalik”
No comments :
Post a Comment