Natagpuan
ako sa isla ng isabel, ngunit sino ba talaga ako wala akong maalala...
(Paki play
po)
“Anton!
Anton tingnan mo yun! Sambit ni Aling Linda sa kanyang asawa na si Mang Anton
Habang
nakahandusay ako sa tabi ng dalampasigan at walang malay ay agad akong nilapitan
ng mag asawang nangunguha ng kahoy
“anton
buhay pa siya ngunit may sugat siya” habang tinitingnan ako ni Aling Linda
“dalhin na
natin siya sa bahay upang magamot” mungkahi ni Mang Anton
At dinala
na nga nila ako sa kanilang kubo
“tingnan mo
anton mukhang hindi siya taga rito” sambit ni Aling Linda habang ginagamot ako
“mukhang
anak mayaman, sa itsura, balat at ayos palang nya makikita mo na” tugon ni Mang
Anton
Lumipas ang
dalawang oras at unti unti na akong nagkakamalay.
“Nagkakamalay
na siya” tuwang sambit ni Aling Linda
“nasaan po
ako?” tanong ko habang nanghihina pa
“iho andito
ka sa bahay namin natagpuan ka kasi naming walang malay kanina” paliwanang ni
Aling Linda
“salamat po
ha” sabay bangon ko para umupo kahit medyo nahihilo pa ako
“o wag ka
muna kumilos mahiga ka nalang muna nanghihina ka pa eh” alalang sambit ni Mang
Anton
“siya nga
pala iho anong pangalan mo?” tanong ni Mang Anton
“pangalan?”
habang nag iisip ako
“H-Hindi ko
po maalala” mahina kong tugon
Makalipas
ang dalawang taon...
Sa isang
penthouse sa Makati
“Tol
dumating ka na pala siya nga pala hinahanap ka ni Grace kanina” sambit ni Josh
kay Harvey
“Si Grace
nanaman? sinabi ko na naman sa kanya na matagal na kaming tapos” si Harvey na
medyo naiinis
“siya nga
pala tol bakit bihis na bihis ka yata ngayon?” tanong ni Harvey
“wala ka
bang naalala ngayong araw?” tanong ni Josh
“wala
naman” pagsisinungaling ni Harvey
“Tol ngayon
ang 2nd death anniversary ni
Jey” sambit ni Josh
“ahh ngayon
ba yun? Ah ok” malamig na tugon ni Harvey
Bigla naman
dumating si Fatima
“o Josh
handa ka na ba? tayo na baka mainip pa si Jey” ngiti ni Fatima
“teka
Harvey hindi ka ba sasama?” tanong ni Josh
“hindi kayo
nalang marami pa akong gagawin” tugon ni Harvey
“ano ka ba
naman death anniversary ng best friend natin di mo man lang dadalawin? Wala ka
na ba talagang pakialam sa kanya?” si Josh habang galit na ang tono.
“Josh pls
pagtatalunan nanaman ba natin uli ito? Pagod ako ayaw kong makipag talo sayo” inis
na sambit ni Harvey habang papasok sa kanyang kwarto.
“Josh
hayaan mo na si Harvey, intindihin mo nalang siya unlike satin di man nga nya
nayakap at nakausap si Jey sa huling pagkakataon” paliwanag ni Fatima
“ano pa nga
ba magagawa ko kundi lagi nalang siyang intindihin” tugon ni Josh
“Tara na
naghihintay na dun sila Tom at Beth pati yung iba pa nating mga dating kaklase”
aya ni Fatima
Samantala
sa kwarto ni Harvey habang nakahiga siya
“Mali ka
Josh, hanggang ngayon napakasakit pa rin sa akin ang pagkamatay ni Jey”
mahinang sambit ni Harvey habang lumuluha ito.
Author’s
note:
Hello
readers nagustuhan nyo ba ang teaser? Siya nga pala dahil sa inyong walang
sawang suporta gusto kong magpasalamat sa pamamagitan ng pagbigay sa inyo ng
chance na magbigay ng bagong pangalan ni Jey sa ikalawa nyang katauhan. Meron
na ako actually kasi matagal na din tapos sa isip ko itong kwento pero para sa
inyo papalitan ko yung name nung ikalawa nyang katauhan :)
Yung
pangalan sana hindi sosyal, maganda sana kung medyo pang probinsya na di naman
masyadong barrio na nalalapit naman sa pangalan niyang Jey. Hindi ko sinasabing
nagra rhyme dapat ha, kahit hindi. Pag nagustuhan ko yung pangalan makikita nyo
nalang sa post ko sa part 1 yung napili nyong pangalan :)
By the way
sa October 2011 ko pa po uumpisahan ito ha, magiging busy na po kasi ako masyado
baka di ko kasi maasikaso pasensya na saka para makapagpahinga na din ako hehe maraming
salamat po talaga sa pagsuporta nyo :)
Sinama ko talaga lahat hehe kahit yung Ooctober 2011 hehe
No comments :
Post a Comment