Total Pageviews

Wednesday, 1 April 2015

Sa Aking Paglisan part 13



Hello readers salamat po sa patuloy nyong pagsuporta gaya nang naipangako ko heto na po yung part 13, wag po kayo mag alala baka mamaya na din yung part 14 kung sipagin ako hehe

Salamat uli kina Jay, R.J., zekie, jayfinpa, Mars, Rue, ernes_aka_jun, darkboy13, dada, marclestermanila, wastedup, j.v, kokey, mcfrancis, blue, migz, Pink 5ive, kenrei_yu, Dave17, sfgiants, ram, David Thaddeus, Jhae17 , nate, brokenarmor, ron ron, russ, MArc at sa lahat po ng anonymous na nag comment.

Comment lang po nang comment at rate ng rate para alam ko naman po na na aappreciate nyo yung kwento :)



Sa Aking Paglisan Part 13

“Jey pasensya ka na ha nung mamatay mama mo dapat nasa tabi mo ako pero mas nanaig yung pride ko” sambit ni Josh habang yakap yakap ako

“ok lang yun naiintindihan naman kita kahit sino naman siguro ganun din magiging reaksyon” paliwanag ko

“Pero Josh galing galing mo talaga kanina” papuri ko kay Josh

“sus nambola pa ikaw talaga” si Josh habang kiniliti ako

“uu galing mo talaga pero mas magaling ako hehe” pang aasar ko

“sabi ko na nga ba yan sasabihin mo” natatawang sambit ni Harvey

“loko ka ahh talagang di ka papatalo, pero ayos lang palalagpasin ko muna yan love kita ngayon eh pero bukas hindi na hahaha” sabay kiliti uli ni Josh sa akin

“oi tama na I can see the light I’m dying” pagdadrama ko habang patuloy pa din ako sa pagtawa dahil sa pagkikiliti sa akin

“anong tama na walang time out dito” biro ni Harvey

At nakisali na din si Harvey sa pagkiliti sa akin, natatawa nalang mga kaklase at mga kamag aral namin samin dahil ang cute daw namin tingnan samantala si Neil ay nakatingin lang at halatang inis na inis parin sa akin. Tumigil na sila nung mag bell na pero dahil sa sakit ng katawan ko ay halos di nako makatayo.

“o ano tara na baka ma late pa tayo” yaya ni Josh

“yoko kayo nalang sumakit katawan ko eh uwi nako” tugon ko na halatang tinatamad na din ako

“gusto mo buhatin pa kita eh” biro ni Harvey

“yoko nga, sige na una na kayo susunod nalang ako” tugon ko

“sa kalagayan mong yan para namang makakasunod ka ahh” biro ni Josh

Wala nako nagawa kundi sumama na dahil hila hila nila ako sa magkabila kong kamay. Habang papalakad kami

“by the way Jey may training mamaya sa CAT hintayin mo ako ha” sambit ni Harvey

“may practice din kami sa basketball mamaya malapit na din kasi foundation day hintayin nyo din ako” bilin ni Josh

“wag na una nako sabay nalang ako kay Fatima libot muna kami bago ako sunduin nung driver” tanggi ko

“anong libot malay pa namin san pa kayo mapunta, hindi pwede basta hintayin mo kami mamaya” matigas na tutol ni Harvey

“pero ngayon lang naman eh” pamimilit ko

“wala nang pero pero, pls Jey wag na matigas ang ulo mo sasabay ka samin mamaya” matigas na tugon ni Josh

“eh ano pa nga ba magagawa ko” ang aking mga nasambit na halatang medyo nalungkot

“wag ka na malungkot Jey para din naman sayo ito eh” sabay akbay sa akin ni Harvey

“di ahh ok lang ako” ngiti kong tugon

Dumiretso na nga kami sa aming klase, umupo ako sa gitna ni Josh at Harvey ayaw din kasi nilang mapalayo ako para nababantayan nila ako lagi.

“Class you all know na two weeks from now will be our retreat that will be held in Ilocos Norte so sinasabi ko na sa inyo ngayon pa lang mag prepare na kayo” announcement ng aming adviser

“huh uu nga pala noh malapit na nga pala yun sana nakakakita na ako sa araw na yun” malungkot kong nasabi

Medyo napalakas pala ang boses ko kaya narinig ako nang aking mga kaklase at aming adviser, naawa sila sa akin kaya agad agad naman nag suggest si Tom.

“sir baka pwede pong i move nalang sa ibang araw yung retreat” suggestion ni Tom

“oo nga sa ibang araw nalang” dagdag pa ng isa sa aking mga kaklase

“pabor ako diyan mas maganda pag magaling na si Jey para mas masaya” sambit pa ng isa sa aking mga kaklase

“class yan din ang gusto ko kaso hindi na pwede ma move yun bayad na kasi yun besides busy na ang mga schedules natin after that meron pa tayong prom, foundation day, etc.. “ paliwanag nang aming adviser

nalungkot naman ang aking mga kaklase sa kanilang narinig, ayaw ko naman maapektuhan pa pati sila dahil lang sa akin.

“Jey wag ka na malungkot pwede naman sumama ka sa retreat kahit di ka pa magaling, we’ll make sure na mag eenjoy ka pa din” si Josh habang hinihimas ang aking likod

“salamat nalang pero siguradong di ako papayagan nila papa lalo pa ang layo nun” naka ngiti kong tugon na halata parin sa aking mukha ang kalungkutan.

“wag ka mag alala Jey think positive I’m sure malay mo ngayon o bukas lang bumalik na uli paningin mo” sabay ngiti nang aming adviser na halatang pinalalakas ang aking loob

Natapos ang klase at nag umpisa nang magsi uwian ang iba kong mga kaklase at gaya nang napagkasunduan ay hinintay ko muna matapos ang training ni Harvey at basketball ni Josh,iniwan akong nakaupo ni Josh sa isa sa mga bench ng Gym habang siya ay nagpapractice. Medyo naiinip ako bukod sa wala na nga ako makita ay wala pa akong makausap dahil na din busy sa pagpapractice yung team ni Josh dahil siya din ang team captain ng basketball team kaya hindi niya inaaalis ang mata niya sa kanyang mga miyembro. Tumayo muna ako at naglakad lakad dahil medyo di nga ako sanay ay nangangapa lamang ako sa dilim, nakarating ako sa may labas nang gym nang biglang

“tingnan mo nga naman ang liit nga naman ng mundo dito pa kita makikita” nakakalokong sambit ni Neil

“oo nga sa dinami dami ba naman nang makakasalubong ko isang echoserang palaka pa di man lang kuneho” pang aasar ko

“tingnan nga natin kung makapang asar ka pa” galit na sambit ni Neil at bigla akong nilapitan at tinulak

Natumba ako at tumama ang kamay ko sa may sahig na naging sanhi nang aking pagkasugat sa kamay, lalapitan pa sana nya ako nang makita kami ni Nixon at Perry ang dalawang baklang kamag aral kong die hard fans ng mga hearthrobs ng school.

“hoy Neil anong ginawa mo kay Jey!” tarantang sigaw nila Nixon at Perry habang papatakbong palapit sa amin.

Tinulungan ako tumayo ni Nixon at kinompronta naman ni Perry si Neil

“hoy Neil ang kapal nga naman talaga ng mukha mo pati yung may kapansanan pinapatulan mo eh kung ingudngud ko kaya yang mukha mo sa semento gusto mo?” galit na sambit ni Perry

“Pwede wag ka makialam” tugon ni Neil na lalapitan nanaman sana ako ngunit biglang hinarang siya ni Nixon

“Hay subukan mong lumapit sasabunutan talaga kita” banta ni Nixon

Lumapit na din iba naming kamag aral na nakasaksi sa pangyayari para ipagtanggol ako

“Panalo kayo ngayon pero di pa tayo tapos Jey” pagbabanta ni Neil habang papalayo

“talagang hindi pa, hintayin mo lang makabalik paningin ko maghihiram ka talaga ng mukha sa aso” galit na tugon ko

PInagpagan naman nila Nixon at Perry ang damit ko gawa nang naalikabukan ito sa pagkakatumba ko.

“Hay naku Jey ayos ka lang ba?” alalang tanong ni Perry

“oo ayos lang ako salamat uli sa inyo ha” tugon ko

“bruha talaga yung Neil na yun hindi na nahiya” asar na sambit ni Nixon

Hindi ko napansin ay dumudugo na pala yung kamay ko gawa nang pagkakatumba ko kanina
“Ay Jey dumudugo yung sugat mo halika dadalhin ka namin sa clinic” alalang sambit ni Nixon

Paghawak ko sa may kamay ko ay naramdaman kong basa nga ito

“ay oo naku yari nanaman ako nito kay Harvey at Josh” pagaalala kong nasambit

“waaaa si Harvey at Josh” sigaw ni Nixon at Perry na halatang kilig na kilig

“uy favor naman pwede wag nyo na ipaalam sa kanila” pakiusap ko sa kanila

“sige kung yan ang gusto mo, besides as if naman papansinin kami nung dalawang yun eh parang di naman kami nag eexist sa mga yun ni hindi nga yata kami kilala nung dalawang yun eh” paliwanag ni Perry

“sobra ka naman di naman siguro” tugon ko

“oo tama si Perry pero masaya na kami kahit mapatingin lang sila sa amin kahit isang segundo lang aaaayy” dagdag ni Nixon na halatang sobrang kinikilig.

At sinamahan na nga ako ni Nixon at Perry sa clinic upang ipagamot yung sugat ko.

Samantala sa Gym ay hinahanap ako ni Josh nang biglang lapitan siya nung isa sa ka team mates nya

“Josh si Jey ba hinahanap mo?” tanong ni Steven

“oo nakita mo ba siya? Alalang tanong ni Josh

“oo kanina bago ako pumasok dito nakita ko tinulak siya ni Neil lalapit na sana ako buti andun na sila Nixon at Perry at natulungan agad si Jey” kwento ni Steven

“ha? Kamusta si Jey?” alalang tanong ni Josh

“basta nakita ko kanina dumudugo yung kamay nya dinala yata siya nung dalawa sa clinic” tugon ni steven

Agad agad tumakbo palabas si Josh papuntang clinic para puntahan ako

Samantala sa training ground naman ng mga officers habang nagdidiscuss si Harvey sa ibang officers linapitan siya ng isa sa mga subordinates nya

“sir yung kaibigan nyo nadisgrasya ni Neil kanina” bulong ng kanyang subordinate

“ha? Pano? Diba kasama nya si Josh?” gulat na tanong ni Harvey

“mukhang di napansin ni Josh na naglakad lakad muna si Jey kanina kamalas malasan lang si Neil pa dinatnan nya hayun nagkasagutan nanaman sila tapos tinulak siya kaya natumba siya” kwento nang kanyang subordinate

“sir nasugatan si Jey sa pagkakatulak ni Neil kanina kaya dinala siya ni Nixon at Perry sa clinic” dagdag pa ng kanyang subordinate

“tangina humanda talaga yang Neil na yan pag nakita ko” galit na sambit ni Harvey habang papatakbo papunta sa clinic.

Samantala sa clinic ay ginagamot pa din ng nurse ang aking sugat, andun naman din sila Perry at Nixon para samahan ako nang pumasok ang isa pang nurse sa clinic.

“o Jey papunta na pala yung dalawang kaibigan mo dito” sambit nung isang nurse

“sino po? Naku sana po sila Fatima” ang panalangin ko habang kinakabahan ako

“hindi si Josh saka Harvey papunta na sila” tugon ng nurse

Sabay sabay kaming tatlong napasigaw

“waaaaaaaaa grabe Nixon sampalin moko kurutin moko tama ba yung narinig ko papunta si Josh at Harvey dito? Hay grabe makikita ko sila” sigaw ni Perry habang kinikilig

“waaaaaaaaa oo nga shet Perry kelangan ko mag ayos nakakahiya sa kanila pahiram muna ng suklay girl once in a blue moon lang mangyayari ito” tugon ni Nixon na halatang kinikilig din

“waaaaaaaaa yari nako nito! Nurse tama na po ok na po ako kailangan ko na po umalis” kabado kong pakusap sa nurse

“Teka Jey di pa tapos lalagyan ko pa ng bandage yan” pagpigil nang nurse

“ok lang po nurse baka di lang ito mangyari sa akin pag inabutan ako nang dalawang yun” kabado kong pakiusap sa nurse

“Ay Jey naku di ka na makakalabas hayan na kasi sila” sambit ni Perry

Agad agad ako nagtago sa ilalim ng kama at pinakiusapan ko sila na sabihin nalang kay Josh at Harvey na nakaalis na ako. Dumating sa clinic yung dalawa at agad ako hinanap

“hi andyan ba si Jey?” tanong ni Harvey kila Nixon at Perry

Para namang naging statwa ang dalawa at di makapag salita

“ah eh kwan kasi” tugon ni Perry na kulang nalang himatayin sa sobrang kilig

Si Josh naman ang sumunod na nagtanong

“kayo diba si Nixon at Perry kayo yung tumulong kay Jey right?” naka ngiting tanong ni Josh

“ay grabe sis kilala nya tayo” bulong ni Nixon kay Perry na kilig na kilig padin kulang nalang ay himatayin ito

“o-o ka-mi nga yun” nauutal na tugon ni Perry habang kilig na kilig

“pero kakaalis lang nya kanina eh” dugtong ni Perry

“ahh ganun ba o sige ha” paalam nila Josh at Harvey

Lumabas na si Josh at Harvey sa clinic at lumabas na din ako sa pagkakatago ko sa ilalim ng kama

“waaaaaaaa grabe sis nananaginip ba tayo? Kinausap ba talaga nila tayo?! Ay grabe” wika ni Perry habang kinikilig

“oo nga sis naku pwede nako mamatay ngayon sa sobra kong tuwa grabe talaga” dagdag pa ni Nixon

“guys salamat ha laking tulong niyo talaga sa akin yari talaga ako pag nakita nila ako” pasasalamat ko sa dalawa

“sus wala yun, ikaw pa eh ang lakas mo samin” ngiti ni Nixon

“oo nga kahit labag sa kalooban naming magsinungaling sa mga papa namin ginawa namin yun para sayo” dagdag ni Perry

Bigla namang bumukas ang pintuan ng clinic at pumasok uli si Josh at Harvey

“By the way guys we forgot salamat nga pala sa pagtulong nyo kay” hindi na natapos ang sasabihin ni Harvey nang makita nila ako.

Itutuloy...

No comments :

Post a Comment