Sa Aking Paglisan part 19
Naging successful naman ang ginanap na
audition, habang naghihintay sa announcement ng mga pasok sa choir ay nilapitan
naman ni Harvey si Diane.
“Hi Diane, ang galing mo kanina” bati
ni Harvey
“salamat ha” ngiting tugon naman ni
Diane
“after nito may gagawin ka ba mamaya?”
tanong ni Harvey
“wala naman bakit?” ngiti ni Diane
“yayain sana kitang mag merienda
mamaya” tugon naman ni Harvey
“sure walang problema” si Diane habang
nakangiti pa din
Samantala ay inumpisahan nang i
announce ni Josh ang mga nakapasa sa audition, binanggit nya lahat isa isa ang
mga pasok sa choir nagpapalakpakan naman ang mga estudyante pag naririnig
nilang nakapasok ang kani kanilang mga bet.
“at ang panghuling nakapasok ay si Diane”
announcement ni Josh
Nagpalakpakan at naghiyawan naman ang
mga estudyante nang marinig nilang nakapasok si Diane.
“wow ang galing naman pasok si Diane”
habang tuwang tuwa akong kausap si Fatima
“teka Jey bat di inannounce yung
pangalan mo?” Tanong nila Fatima sa akin
“ay oo nga noh” bigla akong napaisip
sabay
“waaaaaaaaaaaaaa hindi ako pumasa”
sigaw ko
“pano mangyayari yun eh ikaw yung
pinaka magaling” sambit ni Tom
“oo nga nakakapagtaka talaga” dagdag
ni Beth
Nahalata din ng mga estudyante na hindi
binanggit ang aking pangalan kaya nag umpisa na ang mga bulungan sa loob ng
gymnasium.
“bat kaya wala si Jey noh
nakakapagtaka” wika ng isang estudyante
“oo nga eh siya naman yung
pinakamagaling kanina” tugon naman nung isang estudyante
At sa mga oras na yun ay nag umpisa
nang magsalita si Josh
“I know most of you are wondering why
Jey is not included in our list of new members, it’s simply because he
auditioned for the wrong reason and for that we cannot accept him.” Matigas na
sambit ni Josh
At yun na nga ay nag umpisa nang
maintindihan ng mga estudyante kung bakit hindi ako nakapasok, ako naman ay
medyo nahihiya dahil nga sa sinabi ni Josh, patuloy naman sa pag comfort sa
akin sila Fatima.
At yung closing remark ni Josh
“guys pls. welcome here on stage our
new choir members pls give them a round of appluase” si Josh habang nakatayo sa
stage kasama ang mga new members ng choir.
Naghiyawan at nagpalakpakan naman ang
mga estudyanteng nanonood. Ako kasama sila Fatima ay nakipalakpak din pero
bakas sa aking mukha ang kalungkutan.
“tama na yan Jey may next time pa
naman eh” sambit ni Fatima habang hinihimas ako sa likod
Nag end na ang audition at nag umpisa
nang mag uwian ang mga estudyante, niyaya ako nila Fatima na umuwi ngunit mas
ginusto ko na lamang na magpa iwan muna.
Nakasalubong naman nila Fatima si Josh
habang papalabas sila ng gymnasium.
“hi guys nakita nyo ba si Jey?” tanong
ni Josh
“hayun sa taas sa dulong bench naka salong
baba” turo nila Beth
“ahh salamat ha” tugon ni Josh
Mag isa na lamang ako sa gymnasium at
malayo parin ang iniisip nang may tumabi sa akin
“galit ka ba sa akin?” tanong ni Josh
“hindi bakit naman ako magagalit”
malungkot kong tugon habang nakatingin pa din sa malayo
“mali naman kasi ang ginawa mo kaya
hindi talaga kita pwede isali” tugon ni Josh
“oo alam ko naman yun naiintindihan ko
naman” tugon ko habang malungkot pa din
“halika nga yakapin mo nga best friend
mo” si Josh
Lumapit naman ako at niyakap niya ako
ng mahigpit, niyaya na nya ako lumabas, habang naglalakad kami ay nakita naming
kumakain sa canteen si Harvey at Diane.
“mukhang nagkaka igihan na yung
dalawang yun ahh” sambit ni Josh
“ang cheap ha sa canteen nya dinala si
Diane” natatawa kong tugon
“haha loko isusumbong kita kay Harvey”
pananakot ni Josh
“uy wag nagbibiro lang ako” tugon ko
Hindi na sumabay sa amin pauwi si
Harvey. Kinabukasan pagdating ko sa school ay nakita kong nagkukwentuhan si
Josh, Harvey, Diane at pati na din si Neil. Kumaway si Josh sa akin
sinesenyasan ako na lapitan ko sila, ngunit kumaway lang ako at patuloy nalang
na naglakad papuntang classroom medyo nahihiya pa din kasi ako, lahat pa naman
sila nasa choir na tapos ako lang ang rejected. Pagpasok ko sa classroom ay
nadatnan ko sila Fatima na nagkukwentuhan.
“o Jey alam mo na ba ang balita?”
sambit ni Fatima
“alin?” tanong ko
“si Neil pala at Diane ay mag BFF na
as in best friends forever” tugon ni Fatima
“ahh mukha nga kasi magkakasama silang
apat dun eh” tugon ko naman
“hay naku Jey if I know gusto lang
niyang mapalapit kay Josh at Harvey alam mo na” sambit ni Beth
“it’s about time naman na magkaron na
siya ng mga kaibigan dito matagal na din siyang naging loner mas makakabuti yun
sa kanya” tugon ko naman
“about kay Diane at Harvey mukhang
nagkaka igihan na yung dalawa ahh” sambit ni Tom
“eh matagal na nya crush yun nasa 3rd
year pa tayo diba kaya di malayong mangyari yun” tugon ko
Habang nagkukwentuhan kami ay biglang
pumasok si Josh at Harvey sa classroom
“O jey kanina ka pa namin tinatawag
kanina bat di ka man lang lumapit” tanong ni Josh
“wala medyo masama lang pakiramdam ko”
ang dinahilan ko
Hinawakan naman ni Josh ang aking noo
“oh di ka naman nilalagnat eh” sambit
ni Josh
“ oo ayos lang ako” tugon ko
Bigla naman akong binatukan ni Harvey
“ouch, para san yun?” inis na tanong
yun
“para sa kahapon yun sa ginawa mo”
tugon ni Harvey
“napagalitan na din naman ako ni Josh
kaya ayos na” tugon ko
Dumating na ang aming adviser at nag
start na ang aming klase pagsapit ng lunch time ay nagpaalam sa amin si Harvey
na sabay daw silang magla lunch ni Diane.
“hi guys hindi muna ako sasabay sa
inyo ha sabay kasi kaming mag lalunch ni Diane” paalam ni Harvey
“oo nga pala Jey kasama ko nga pala
mag lunch mga team mates ko sumabay ka nalang kila Fatima ha” si Josh
“sige ok lang ako” ngiti kong tugon
“habang papunta kami sa canteen ay
nakita naming magkasamang kumakain si Harvey at Diane kasama si Neil.
“o tingnan mo itong harvey natoh andun
naman pala si Neil pwede ka naman pala nya isama pero di ka man lang sinama”
inis na sambit ni Fatima
“sus hayaan mo na, tingnan mo mukha
naman silang masaya baka lang mapalitan ang mood kung dumagdag pa ako dun”
paliwanag ko
Habang kumakain kami ay napatingin ako
kay Diane at napatingin din siya sa akin, as usual masama ang tingin nya sa
akin ngunit binalewala ko na lamang yun. Natapos ang lunch at pumunta muna kami
sa plant box para tumambay, nakita namin sila Harvey kasama ang mga kaibigan
niyang mga hearthrobs sa tambayan, nagulat ako nung kasama nya si Diane pero mas
nagulat ako na kasama nila si Neil.
“uy tingnan nyo yun nasa ‘in” crowd na
si Neil” sambit ko kila Fatima
“uu nga noh lakas talaga kay Diane
kaya pati yung grupo ni Josh at Harvey na hindi basta basta mapasukan ay
napapasukan nya na” tugon ni Tom
Maya maya ay nakakarinig kami ng
kantiyawan mula sa grupo nila Harvey, mukhang niyayaya nila itong kumanta, nung
una nagpapakipot pa itong si Harvey pero napapayag din nila ito. Umupo siya sa
taas ng lamesa gamit ang gitara at nag umpisang magsalita
“I would like to dedicate this song to
you Diane” sabay ngiti kay Diane
Biglang naghiyawan naman ang mga
barkada nila Josh at Harvey pati na din yung ibang mga estudyante ay
naghiyawan, at sa pagkakataong yun ay tumugtog na si Harvey at umawit
(Paki play po)
Minamasdan kita
Nang hindi mo alam
Pinapangarap kong ikaw ay akin
Mapupulang labi
At matinkad mong ngiti
Umaabot hanggang sa langit
Huwag ka lang titingin sa akin
At baka matunaw ang puso kong sabik
[Chorus]
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sayo
Ang awit ng aking puso
Sana'y mapansin mo rin
Ang lihim kong pagtingin
Minamahal kita ng di mo alam
Huwag ka sanang magagalit
Tinamaan yata talaga ang aking puso
Na dati akala ko'y manhid
Hindi pa rin makalapit
Inuunahan ng kaba sa aking dibdib
[Chorus]
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
At sa tuwing ikaw ay lalapit
Ang mundo ko'y tumitigil
Ang pangalan mo sinisigaw ng puso
Sana'y madama mo rin
Ang lihim kong pagtingin
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
(Sa iyong ngiti)
Sa tuwing ikaw ay gagalaw
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sa'yo...
(Para lang sa'yo ang awit ng aking
puso)
Sana ay mapansin mo rin...
Ang lihim kong pagtingin
Sa iyong ngiti...
Matapos ang awit ay naghiyawan ang mga
estudyante, patuloy namang nakatitig si Harvey kay Diane at ganun din si Diane.
“waaa grabe kakakilig ang sweet nila”
sambit ko
“oo nga grabe kailan kaya may
magdededicate sa akin ng ganyan” inggit na tugon ni Fatima
Natapos ang lunch at nagsibalikan na
kami sa classroom, pagdating ko dun ay nakita ko si Josh at Harvey na
nagkukwentuhan, pag upo ko agad naman ako kinausap ni Harvey
“grabe Jey inlove na yata ako” sambit
ni Harvey
“sa akin? Huwag hindi pa ako ready”
pang aasar ko
“sira puro ka kalokohan” tugon ni
Harvey
“kay Diane noh” dagdag ni Harvey
“eh matagal ka na inlove dun diba 3rd
year pa tayo” tugon ko
At bumalik na ako sa pagsusulat, natapos
lang ang kwentuhan ng dalawa nung dumating na ang aming guro. Dumating ang oras
ng dismissal at dahil medyo naiihi nako kaya pumunta muna ako sa CR at dun ko
nakasalubong si Diane, nagulat ako nang bigla nya akong kausapin.
“you’re Jey right?” mataray na tanong
ni Diane
“don’t tell me hindi mo ako kilala? or
you’re just pretending na di mo ako kunwari kilala?” sarkastiko kong tugon
“well anyways I really don’t like you”
tugon naman ni Diane
“you don’t have to like me dear,
besides I’m way out of your league” matapang kong tugon
Didiretso na sana ako sa CR nang
mabigla ako sa sinabi ni Diane
“layuan mo na si Harvey hindi siya
nababagay sa mga taong katulad mo” mataray na sambit ni Diane
Bigla naman akong humarap sa kanya
“bakit girlfriend ka na ba nya?”
matapang kong tanong
“hindi pa pero malapit na, masasaktan
ka lang pag ako pinili nya” tugon naman ni Diane
“well goodluck sayo, by the way may kasabihan
tayong “bros before hoes”” natatawa kong sambit
Halata ang inis ni Diane sa mga sinabi
ko at iniwan ko na nga siya at dumiretso na sa CR, habang nasa lababo ako at
naghihilamos, ay di ko mapigilan ang inis kay Diane. Paglabas ko ng CR ay
nakita kong magkasama na si Diane at Harvey kasama din nila si Neil. Agad agad
ko namang pinuntahan sila Josh at Fatima at kinwento yung nangyaring
confrontation sa aming dalawa.
“grabe talaga ang kakapalan ng babaeng
yan, buti wala ako dun kundi sasabunutan ko talaga yun” asar na tugon ni Fatima
“hay nako sis ako susuntukin ko pa
yun” dagdag pa ni beth
“well di ko naman masisi na mainis
sayo si Diane dahil sa ginawa mong pagpapahiya sa kanya nung audition” sambit
ni Josh
“di ko naman siya pinahiya nainggit lang
ako sa mga palakpakan saka bat kinakampihan mo pa siya” tugon ko
“di naman sa kinakampihan at mali nga
naman si Diane na sabihan ka na layuan si Harvey dahil wala siyang karapatang
gawin yun kahit na maging mag asawa pa sila” tugon naman ni Josh
Nagdaan ang mga araw at lalong
napapalapit si Harvey at Diane sa isat isa, dumadalang na din ang pagsama sakin
ni Harvey. Pagdating ng aming adviser ay pinaalala nya sa amin na next week na
ang JS prom at kailangan na naming kumuha ng mga makakapartner sa prom.
“oo nga pala next week na nga pala
yun” sambit ko
“waaaa wala pa kami nakukuhang
partner” reklamo nung isa naming kaklase
As usual kaming dalawa ni Fatima ang magka
partner, si Josh naman ay si Pamela ang kinuhang kapareha sila din kasi ang JS
king and queen last year samantalang si Beth at Tom naman ang magkapareha at si
Harvey ay si Diane ang kinuhang kapareha.
Dumating ang araw ng JS prom at
makikita mong pinaghandaan talaga ito ng mga estudyante dahil sa mga magagarang
nilang kasuotan, habang nakaupo kami sa aming table ay kitang kita naming
nagsasayaw sila Josh at Pamela, sa kabila naman ay si Harvey at Diane.
“Tingnan mo sila Fatima ang cute nila
tingnan ano nakakainggit” sambit ko kay fatima
“inggit ka diyan ayaw mo naman ako
isayaw” asar na tugon ni Fatima
“hahaha sorry o sige na nga” at niyaya
ko nga si Fatima na sumayaw.
Naging maganda ang gabing yun, puno ng
kasiyahan at sayawan di rin maalis ang mga kwentuhan. Nung medyo lumalim na ang
gabi ay tumayo na ang aming principal upang i announce kung sino ang JS prom
king & queen sa araw na yun. Nag upuan ang mga juniors at seniors para
pakinggan kung sino ang may pinaka mataas na boto.
“And this year’s our new JS king &
queen are Harvey & Diane” announcement ng aming principal
Naghiyawan at palakpakan naman ang mga
tao pati kami nila Fatima ay nagpalakpakan din dahil sa tuwa. Tumayo si harvey
at iniabot ang kamay ni Diane at pumunta sila sa stage upang tanggapin ang
korona mula sa aming principal. Matapos nila masuotan ng korona ay nag umpisa
nang tumugtog ang banda at agad agad silang lumipat sa floor para sa kanilang
unang sayaw. Makalipas ang ilang minuto ay nagsipag sunuran na din ang ibang
mga estudyante para sumayaw.
Natapos ang programa at naging
successful ito, lumabas muna ako sa hardin upang magpahangin nang makita ko si
Harvey at Diane na tila nagtatalo. Andun yung hinahabol ni Harvey si Diane at
lalayo naman si Diane.
“ano kaya ang nangyayari sa dalawang
yun” tanong ko sa aking sarili
Hinayaan ko na lamang sila at pumasok
na uli ako sa loob. Nakipagkwentuhan muna ako kila Fatima, Beth at Tom matapos
ang isang oras ay tumayo na kami para hanapin sila Josh at Harvey. Pinagtanong
tanong namin sila sa mga mga kamag aral namin
“Mike nakita mo ba sila Josh at
Harvey?” tanong ko kay Mike na isa sa aming kamag aral
“ahh oo andun sila sa isang room nag
uusap” tugon ni Mike
“ahh ok salamat ha” at dali dali na
nga kami pumunta nila Fatima, Tom at beth sa kinaroroonan nila Josh at Harvey
Pagbukas ko ng pintuan ay bigla kong
narinig si Harvey na umiiyak kaya napatigil kami nila Fatima sa pagtuloy at
pinakinggan na lamang namin ang kanilang pag uusap.
“Pare kayo na diba? sinagot ka na nya
diba? Pero bakit ka umiiyak?” tanong ni Josh kay Harvey
“Tol hindi pa ayaw nya kasi kay Jey”
tugon ni Harvey na patuloy pa din sa pag iyak
“bakit naman eh matalik nating
kaibigan si Jey eh” tanong ni Josh
“hindi ko din alam tol pero di kasi
ako pumayag sa gusto niya, alam mo namang importante sa akin si Jey eh kaya
kahit masakit tatanggapin ko nalang na di na kami pwede ni Diane” tugon ni
Harvey habang patuloy sa pag iyak
“hayaan mo na tol malalagpasan mo din
ito madami pa ibang babae dyan” si Josh habang niyakap si Harvey
“ang sakit tol eh mahal na mahal ko talaga
siya eh” si Harvey habang nakayakap kay Josh at patuloy sa pag iyak.
Parang dinurog ang puso ko sa mga oras
na yun, kahit pala mahal na mahal nya si Diane ay ako pa din ang pinili ni
Harvey. Kahit sila Fatima, Beth at Tom ay nalungkot sa kanilang mga narinig
“Jey ano balak mo ngayon?” malungkot
na tanong ni Fatima
“Alam nyo lagi nalang ako inuuna ni
Josh at Harvey, ayaw nilang di ako kumakain lagi, binabawalan nila ako pag
nagiging pasaway ako, ayaw nila akong nasasaktan, pag hindi ako makatulog lagi
nila akong tinatabihan at pag nagkakasakit ako lagi nila akong inaalagaan. Mas
inuuna nila kapakanan ko kesa sa mga sarili nila siguro panahon naman para
unahin ko naman sila bago ang sarili ko. “ Ngiti kong tugon kila Fatima.
Bigla namang lumabas sa kwarto si Josh
at Harvey at nakita nga kami. Halata pa din sa kanyang mga mata ang mga luha at
kalungkutan.
“o andyan pala kayo” bati ni Josh
“ayos ka lang Harvey?” alalang tanong
ko kay harvey
“ayos lang ako wag ka mag alala” tugon
ni Harvey
At lumabas na nga kaming magkakasama
nila Josh at Harvey kasama sila Fatima, habang naglalakad kami ay kinausap ako
ni Harvey
“Jey balita ko kaunti lang daw kinain
mo kaninang dinner, di ka na nga nag lunch kanina tapos konti pa kinain mo sa
dinner baka magkasakit ka pa nyan” alalang tanong ni Harvey
“ahh hindi madami naman kasi ako
nakain nung merienda kaya medyo nabusog ako kanina” paliwanag ko
At magkakasama na nga kaming umuwi,
kinabukasan ay hinanap ko si Diane, sakto at nasa library siya at nagbabasa.
“Diane maari ba kitang makausap?”
tanong ko
“ano ba ang dapat nating pag usapan? Oo
panalo ka na tanggap ko na yun kaya kung pwede ba tantanan mo na ako” tugon ni
Diane
“hindi yun ang sadya ko, pumapayag na
ako na layuan si Harvey kaya balikan mo na siya” tugon ko
Bigla namang nagliwanag ang mukha ni
Diane sa kanyang mga narinig
“bat bigla yatang nag iba desisyon
mo?” tanong ni Diane
“sa akin nalang yun ano pumapayag ka
na ba?” tugon ko
Pumayag din si Diane at gaya ng
naipangako ko ay lalayuan ko na si Harvey, pagdating ng hapon ay nabalitaan ko
na sila na nga ni Diane. Masaya ako para sa kanila pero nalulungkot din ako
dahil kailangan ko nang layuan ang aking matalik na kaibigan. Nung dismissal ay
niyaya kaming dalawa ni Josh ni Harvey na mag celebrate ngunit tumanggi ako at
sinabi ko na lamang na marami akong gagawin. Naintindihan naman nila ako at
sila na nga dalawa ang lumabas kasama si Diane at Neil.
Akala ko nung una ay hanggang dun lang
ngunit hindi ko alam na may binabalak pa pala si Diane. Kinabukasan sa may
staircase ay nadatnan kong parang may hinihintay si Diane, pagdaan ko ay bigla
niya akong kinompronta.
“akala ko ba lalayuan mo na siya eh
bakit nilapitan ka pa nya kahapon?” galit na tanong ni Diane
“hindi ko alam ang sinasabi mo niyaya nya
lang ako mag celebrate pero tinanggihan ko yun kaya wag mo akong pagbintangan”
tugon ko
“nagmamaang maangan ka pa” galit na
sambit ni Diane
At bigla nya akong tinulak
“ano ba bakit mo ginawa yun?” tanong
ko
Itutulak nya sana uli ako nung bigla
akong umiwas at na out of balance siya kaya nadapa siya sa semento
“ayos ka lang ba” tanong ko na medyo
nag aalala
“umalis ka diyan layuan mo ako huhuhu”
si Diane habang umiiyak
“wala ako ginawa sayo ha” tugon ko
At naglapitan na ang mga ibang
estudyante para tulungan si Diane, at pinalitaw pa nya na ako ang may kasalanan
sa nangyari sa kanya. Medyo masama ang tingin sa akin ng ibang mga estudyante
kaya umalis na lamang ako dahil ayaw kong magkagulo pa. Dinala siya sa clinic
ng mga estudyante, agad agad naman siyang pinuntahan nila Josh at Harvey sa
clinic
“Diane ok ka lang” tanong ni Harvey
“Harvey huhuhu” sabay yakap ni Diane
kay Harvey
Sakto naman ay dumating si Neil sa
clinic
“Anong nangyari sayo?” tanong ni Josh
“yung kaibigan nyo si Jey ang may gawa
sa akin nito huhuhu” pagsisinungaling ni Diane habang umiiyak
“huh si Jey? di magagawa ni Jey yan”
paliwanag ni Josh
“oo may pagka pasaway si jey pero
hindi siya nananakit” dagdag ni Harvey habang yakap si Diane
“ano mas pinaniniwalaan nyo pa siya
kesa sa akin?” galit na tanong ni Diane
“oo naman ilang taon na naming
kaibigan si jey kaya di nya magagawa yun” depensa ni Josh
“guys tama na sige Diane wag ka mag
alala kakausapin namin si Jey” pangako ni Harvey kay Diane
At lumabas na nga ng clinic si Josh at
Harvey para puntahan ako, Nilapitan naman ni Neil si Diane at kinausap.
“bakit mo naman ginawa yun?” tanong ni
Neil kay Diane
“ang alin?” tanong ni Diane
“ang magsinungaling, Diane nakita ko
ang buong pangyayari walang ginawang kasalanan si Jey” tugon ni Neil
“para din naman sa atin itong ginagawa
ko, para mawala na sa landas natin yung taong yun” paliwanag ni Diane
“pero mali eh” tugon ni Neil
“basta Neil magtiwala ka lang”
At pinuntahan na nga ako ni Josh at
Harvey para kausapin
“Jey tinulak mo daw ba si Diane?”
tanong ni Josh
“hindi ahh bakit ko naman gagawin yun
siya nga nauna diyan eh” tugon ko
“nasugat siya eh, magpasori ka nalang
sa kanya para maayos na ang lahat” si
Harvey
“bat ako magpapasori sa kanya eh wala
naman akong ginagawang masama sa kanya” tugon ko
At umalis na nga ako pabalik sa
classroom, samantala nilapitan naman sila Josh at harvey ng ibang mga
estudyante para kausapin
“Guys nakita namin kanina nangyari
mukhang si Jey nga ang may kasalanan” sambit nung isang estudyante
“oo nga nagtatalo sila kanina tapos
biglang bumagsak si Diane” dagdag pa ng isang estudyante
Nabigla naman si Josh at Harvey sa
kanilang mga narinig at biglang nag init ang ulo ni Harvey kaya agad agad nila
akong pinuntahan sa classroom para kumprontahin. Pagdating nila sa classroom
Bigla akong hinawakan ni Harvey sa
kwelyo at isinandal sa pader.
“Jey pano mo nagawang magsinungaling?
Itinuring ka naming kaibigan pero pati kami ginago mo!” si Harvey habang galit
na galit at hawak hawak ako sa kwelyo
Bigla namang nagsilapitan ang iba pa
naming mga kaklaseng lalaki para awatin si Harvey, binitawan ako ni harvey saka
siya lumabas ng classroom
“how could you do this Jey” sambit ni
Josh habang papalabas sa classroom para sundan si Harvey
At dun na nga ako napaiyak, niyakap
naman ako nila fatima at Beth
“wala naman talaga ako ginawang
kasalanan eh” sambit ko habang umiiyak ako
“oo naniniwala kami sayo” si Fatima
habang yakap ako
“tahan na Jey maaayos din ang lahat”
si Beth habang hinahaplos ang aking likod
Pinabayaan ko na lamang ang nangyari
siguro dahil mas makakabuti yun na ganun na lang ang isipin nila para di ko na
kailangan pang lumayo dahil sila nalang ang kusang lalayo sa akin. Dumaan ang
mga araw naging masaya si Josh at Harvey kasama si Diane at Neil. Sa katunayan
nga ay naghaharutan pa si Harvey at Neil. Mukhang tanggap nila na wala na ako
sa buhay nila.
Napadaan ako sa harap nila ngunit
hindi man lang nila ako pinansin at patuloy pa din sila sa pagkukwentuhan at
paghaharutan kaya dumiretso na ako sa classroom. Lumipas ang mga araw dumating
ang Foundation day naglaro ng basketball sila Josh at nanalo sila ngunit hindi
na ako ang kasama nila sa kasiyahan si Neil na at si Diane habang ako ay
nakaupo lang sa isang sulok at pinapanood sila, nakakatawa nga eh mukhang
nagkapalit na kami ng katayuan ni Neil at ako na ang naging loner sa school.
Pero masaya pa din ako para sa kanila makita ko lang na masaya ang dalawa kong
dating matalik na kaibigan eh masaya na ako.
Isang linggo bago ang aming graduation
ay may isa nanamang pangyayari ang naganap na di ko inaasahan, pumasok si Diane
na may pasa pasa sa katawan.
“Diane anong nangyari sayo?” pag
aalalang tanong ni Josh
“kasi nakasalubong ko si Jey kahapon
sa labas tinry ko siya kausapin para mapag ayos kayong tatlo alam nyo na
malapit na ang graduation ayoko naman na may samaang loob kayo sa isat isa, pero
nagalit siya sa akin hindi nya napigilan ang kanyang sarili kaya heto ang
nangyari sa akin” pagsisinungaling ni Diane
“Gago talaga yung Jey na yan humanda
talaga siya sa akin” si harvey habang galit na galit paalis para hanapin ako
“ano ang gagawin mo Harvey? wag hayaan
mo na siya kung ayaw nya talaga pabayaan nalang natin siya” sambit ni Diane
“Tol wag ka padalos dalos alalahanin
mo si Jey, matalik na kaibigan parin natin yun” awat ni Josh
“wala akong matalik na kaibigan na
ganun” si Harvey habang galit na galit na umalis
Sinundan ni Josh si Harvey, si Neil
naman ay kinausap si Diane.
“Diane kelan ka ba titigil sa
pagsisinungaling? Alam naman nating yung ex bf mo yung gumawa sayo niyan dahil
palihim ka paring nakikipagkita sa kanya kahit kayo na ni Harvey, diba nalaman
ng ex mo yung totoo kaya yan ang inabot mo?” galit na sambit ni Neil
“pwede ba wag ka na makialam, hayaan
mo na lamang ako” tugon ni Diane na parang naiinis
“sana lang di ka balikan ng lahat ng
mga ginagawa mo” paalala ni Neil
Samantala ay nakita ako ni Harvey
kasama ang iba pa naming kaklase sa waiting shed. Pagkakita sa akin ni Harvey
ay agad nya akong hinawakan sa damit at hinila
“Hayop ka Jey itinuring kitang
kaibigan, akala ko pa naman titigilan mo na kami pero pati ang babaeng mahal ko
nagawa mo paring saktan” galit na sambit ni Harvey
At bigla niya akong sinuntok ng
malakas sa mukha na naging sanhi nang pagbagsak ko sa semento. Susuntukin pa
sana nya ako nang biglang harangin siya nang aking mga kaklaseng lalaki.
“subukan mo pang saktan si jey kami na
makakalaban mo” banta ni Tom kasama mga kaklase kong lalaki
Bigla naman dumating si Josh at nakita
nga nyang nakahandusay ako sa sahig
“ano ginawa mo harvey?” galit na
tanong ni Josh
“eh yung gagong yan eh” sabay duro sa akin
Hawak hawak ko ang aking bibig na puno
ng dugo dahil sa pagkakasuntok sa akin ni harvey, ok lang yun matitiis ko pa
yun ngunit ang mga sumunod kong narinig ang talagang nagpadurog sa aking puso
“tandaan mo jey kalimutan mo nang
kaibigan mo ako, kalimutan mo na lahat ng pinagsamahan natin dahil para sa akin
patay ka na!” sigaw ni Harvey na halatang galit na galit
At umalis na nga si Harvey, nilapitan
naman ako ni Josh para itayo
“Bat mo naman kasi ginawa yun” tanong
ni Josh
“wala naman talaga ako alam sa mga
binibintang ni Harvey eh” tugon ko habang umiiyak
“sige kalimutan mo na yun” at niyakap
ako ni Josh
Dinala naman ako nila Fatima at Beth
kasama ang iba ko pang mga kaklase sa clinic si Josh naman ay dumiretso para
hanapin si Harvey.
Itutuloy....
(Preview for the last chapter)
“Pak!!!
Isang malakas na sampal ang binigay ni
Fatima kay Diane
“Hayop ka kulang pa yan para sa mga
ginawa mo kay Jey” si fatima
“mama, mukhang magkikita na tayo sa
wakas” sambit ko habang ipinipikit ko ang aking mga mata
“Puntangina ninyoooo bitawan nyo ako
bitawan nyo ako kailangan ako ni Jey kailangan ako ni Jeeeey” si Josh habang
nagwawala
“Jey nangako ka!! Nangako ka saming hindi mo kami iiwaan!! Jeeeeeeeeey” sigaw ni
harvey habang humahagulgol.
No comments :
Post a Comment