Total Pageviews

Wednesday, 1 April 2015

Sa Aking Pagbabalik part 1



Sa Aking Pagbabalik part 1

Ang nakaraan...

Pumasok ako sa CR upang maghilamos, bago ako maghilamos ay tinanggal ko muna ang aking bracelet na bigay ni Harvey, habang ako ay naghihilamos ay may pumasok na lalaking kasing tangkad ko at tumabi sa akin para maghilamos din. Inalis nya ang kanyang bracelet na kamukhang kamukha ng sa akin at tinabi malapit kung san ko ipinatong ang aking bracelet.

“Sa baguio mo din ba binili yan?” nakangiting tanong ko sa lalaki

“alin?” tugon ng lalaki

“yung bracelet kamukhang kamukha kasi ng sa akin” tugon ko naman habang nakangiti parin

“oo tol sa baguio ko ito nabili last week lang” ngiting tugon ng lalaki

“ahh kaya pala mukhang bago pa din yung sa akin kasi puro gasgas na di ko kasi maalis basta basta nagagalit kasi yung kaibigan ko pag nalalaman nyang hindi ko suot” paliwanag ko

“haha ahh ganun ba? by the way pala ako nga pala si Henry Santos” ngiti nung lalaki sabay abot sa kanyang kamay.

“ahh Jey dela Vega nga pala” ngiti kong tugon habang inaabot ang kanyang kamay

Nakapag kwentuhan pa kami sandali ni Henry ng may naalala siya bigla.

“Naku tol kelangan ko na pala umalis naiwan ko nga pala gamit ko sa kwarto eh di ko pa naman na lock, pasensya na ha maiwan na muna kita” pagmamadali ng lalaki

“sige lang walang problema” ngiti kong tugon

Dahil sa pagmamadali ni Henry ay ang bracelet ko ang kanyang natangay, hindi ko narin ito napansin kaya yung bracelet ni Henry ang aking nakuha. Paglabas ko sa CR ay nakarinig ako ng isang malakas na pagsabog...

(Paki play po)
 















Sa kasalukuyan...

“Anton! Anton tingnan mo yun! Sambit ni Aling Linda sa kanyang asawa na si Mang Anton

Habang nakahandusay ako sa tabi ng dalampasigan at walang malay ay agad akong nilapitan ng mag asawang nangunguha ng kahoy

“anton buhay pa siya ngunit may sugat siya” habang tinitingnan ako ni Aling Linda

“dalhin na natin siya sa bahay upang magamot” mungkahi ni Mang Anton

At dinala na nga nila ako sa kanilang kubo

“tingnan mo anton mukhang hindi siya taga rito” sambit ni Aling Linda habang ginagamot ako

“mukhang anak mayaman, sa itsura, balat at ayos palang nya makikita mo na” tugon ni Mang Anton

Lumipas ang dalawang oras at unti unti na akong nagkakamalay.

“Nagkakamalay na siya” tuwang sambit ni Aling Linda

“nasaan po ako?” tanong ko habang nanghihina pa

“iho andito ka sa bahay namin natagpuan ka kasi naming walang malay kanina” paliwanang ni Aling Linda

“ako nga pala si Anton at heto naman ang aking may bahay na si Linda” pakilala ni Mang Anton

“salamat po ha” sabay bangon ko para umupo kahit medyo nahihilo pa ako

“o wag ka muna kumilos mahiga ka nalang muna nanghihina ka pa eh” alalang sambit ni Mang Anton

“siya nga pala iho anong pangalan mo?” tanong ni Mang Anton

“pangalan?” habang nag iisip ako

“H-Hindi ko po maalala” mahina kong tugon

“mukhang galing ka sa isang aksidente, sige iho wag mo pilitin ang sarili mo kung wala ka talagang maalala” sambit ni Mang Anton

“Teka ipaghahanda na kita para makakain ka na” sambit ni Aling Linda habang papunta sa kusina

“salamat po”

Kinabukasan pagkagising ko medyo masakit pa rin ang aking katawan dahil sa aksidente ngunit nakaya ko nang bumangon pagtayo ko ay agad agad ko hinanap si Mang Anton at Aling Linda ngunit wala sila kaya lumabas muna ako upang magpahangin. Naglakad lakad muna ako sa dalampasigan pilit inaaalala ang aking nakaraan ngunit bigo ako wala talaga akong matandaan. Bumalik ako sa bahay ngunit wala pa din sa loob ang mag asawang tumulong sa akin habang iniikot ko ang bahay ay may napansin akong litrato ng lalaking na nakapatong sa taas ng lamesa sa may sala, kinuha ko ito at tiningnan habang pinagmamasdan ko ito ay biglang may nagsalita sa may likuran.

“Yan si Anghelo kaisa isa naming anak, pumanaw siya nung nakaraang taon lang” malungkot na sambit ni Mang Anton

“kayo po pala mang Anton pasensya na po kayo kung nakialam ako hindi ko po sinasadya” nahihiya kong tugon

“ahh wag mo alalahanin yun iho natanggap na din namin ang pagkamatay nya”  tugon ni Mang Anton

“alam mo nangingisda kami sa laot nung mga panahong yun hindi namin kasi alam na may paparating na bagyo tumaob ang bangka namin kaya nagkahiwalay kami, nagawa ko pang makaligtas subalit sinawing palad si Anghelo hindi na namin siya muling nakita pa” kwento ni Mang Anton

“pasensya na po uli” tugon ko habang nakayuko

Dumating si Aling Linda at nadatnan nya kaming nag uusap ni Mang Anton

“o ano pinag uusapan nyo?” tanong ni Aling Linda

“ahh wala naman nabanggit ko lang yung kay Anghelo” tugon ni Mang Anton

Bigla namang lumungkot ang mukha ni Aling Linda nung marinig nya ang pangalan ng kaisa isa nilang anak.

“Siya nga pala kumain ka na ba iho? pasensya ka na nakalimutan kitang ipaghanda kanina nagmamadali kasi ako pumunta sa bayan kanina, pinagtanong tanong ko din kasi kung may nakakakilala sayo pati kay kapitan ay sinanguni ko na din yung tungkol sa kalagayan mo baka sakali ay may maitulong siya” paliwanag ni Aling Linda

“oh ano nakakuha ka ba ng impormasyon?” tanong ni Mang Anton

“hindi eh wala din kasing nakakakilala sa kanya dito” paliwanag ni Aling Linda

“iho pasensya ka na kung hindi ka namin matulungan alam mo namang kapos din kami saka medyo malayo ito sa sibilisasyon kaya mahihirapan tayo mahanap ang pamilya mo lalo na at wala man telepono dito” paliwanag ni Mang Anton

“Hayaan mo pag nakaipon ipon kami ay maaari na tayong lumuwas sa maynila” sambit ni Aling Linda

Medyo nalungkot ako sa mga sinabi ng mag asawa ngunit ano pa nga ba ang magagawa ko hindi ko rin naman maalala ang aking nakaraan kaya kahit gustuhin ko man mahanap ang aking tunay na pamilya eh kailangan ko nalang muna magtiis baka bumalik din sa aking alaala ang lahat.

“ano nga pala ang itatawag namin sayo iho?” tanong ni Mang Anton

“Bat di nalang Jhun” ngiting sambit ni Aling Linda

“Jhun? Sige po kayo pong bahala” ngiti kong tugon sa mag asawa




Makalipas ang tatlong linggo

sa bahay namin sa Manila...

Dumating na mula sa mahabang bakasyon ang aking pamilya, pagpasok ni Papa sa bahay ay ang aking larawan agad na nakapatong sa may sala ang kanyang nakita, kinuha nya ito at pinagmasdan, mapapansin sa kanyang mukha ang bakas ng kalungkutan. Habang hawak hawak ni Papa ang aking larawan ay tinawag nya si Manang Luz.

“Manang Luz” si papa

“bakit po sir?” tanong ni manang

“paki alis nga itong litrato ni Jey, pati yung mga litrato diyan sa lamesa, sa kwarto pati na din yung mga photo album pakitago lahat” utos ni Papa

“ho sigurado po ba kayo?” tanong ni Manang Luz

“oo sige na gawin mo na inuutos ko” tugon ni Papa

Agad pumasok mula sa labas si Kuya Justin at Kuya John nang marinig nila ang inuutos ni Papa

“Pa, bakit mo naman pinapaalis mga litrato ni Jey” tanong ni Kuya Justin

“oo nga Pa ano ba ang nangyayari sa inyo?” dagdag ni Kuya John

“lalo lang akong nasasaktan kapag nakikita ko ang mga larawan ng bunso nyong kapatid” malungkot na paliwanag ni Papa

“pero Pa kailangan mo ba talaga gawin yun? Kay mama di nyo naman ginawa yan eh” Malungkot na tanong ni Kuya Justin

“Matagal kami nagkasama ng mama mo at nakapag paalam kami sa isat isa pero ang kapatid mo masyado pa siyang bata at di ko man lang siya nayakap nung nabubuhay pa siya” si Papa habang naluluha

Niyakap ni Kuya John si Papa

“Pa wag ka mag alala andito pa naman kami eh” si Kuya John habang yakap yakap si Papa

Samantala sa Bahay nila Harvey ay dumating  naman si Josh

“tita andyan po ba si Harvey” tanong ni Josh

“oh Josh ikaw pala hayun nasa kwarto pa din ilang linggo na din siyang ganyan nagkukulong lang sa kwarto” malungkot na tugon ng mama ni Harvey

“ganun po ba? Sige puntahan ko nalang po siya” tugon ni Josh habang papunta sa kwarto ni Harvey

Pagpasok ni Josh sa kwarto nakita nyang nakahiga si Harvey habang naglalaro ng bola ng basketball, habang hinahagis hagis ni Harvey sa kisame ang bola ay agad naman itong sinapo ni Josh at itinabi.

“ikaw pala Josh” si Harvey habang patuloy pa din ang pagtitig sa kisame

“tol ano na ba nangyayari sayo ilang linggo ka nang ganyan magmula nung mamatay si” nang biglang pigilan ni Harvey si Josh sa pagsasalita

“mamatay sino? Wag mo na ituloy” galit na tugon ni Harvey

Ngunit ipinagpatuloy pa din ni Josh ang kanyang sasabihin

“na patay na si Jey at kailangan mo nang tanggapin yun” malakas na sambit ni Josh

“tumahimik ka diyan! at pwede lumabas ka na iwanan mo nako” galit na tugon ni Harvey

“hindi di kita iiwanan hanggat di mo nailalabas lahat ng sama mo ng loob!” si Josh na malakas na ang tono

“sabi ko nang iwanan mo nako eh!” sigaw ni Harvey kay Josh

Ngunit matigas si Josh at di man lang pinansin si Harvey, hanggang sa tumayo si Harvey at biglang sinuntok ng malakas si Josh.

“gusto mo talagang malaman kung ano ikinagagalit ko?!” galit na sigaw ni Harvey

“oo tama ka galit ako sayo dahil hindi mo siya naprotektahan ikaw na matalik nyang kaibigan na dapat nag aalaga sa kanya pero hindi mo nagawa Josh pinabayaan mo siya!” galit na sumbat ni Harvey

“wag mo akong masumbatan Harvey alam mo kung gano ko kamahal ang kaibigan natin kahit buhay ko ipagpapalit ko mabuhay lang siya! Kung maibabalik ko lang ang nakaraan matagal ko na sanang ginawa Harvey” galit na tugon ni Josh habang naluluha

“kung ito lang magpapagaan ng loob mo sige suntukin mo pa ako” si Josh habang inilalapit ang mukha kay Harvey

“tumahimik ka! Sinabi ko nang iwan mo nako!” si Harvey na galit na galit padin

“alam ko hindi lang yan ang ikinagagalit mo bat di mo pa sabihin para matapos na o naduduwag ka nanaman ba?” hamon ni Josh

“oo galit ako kay Jey! Nangako siya sa atin sinabi nyang hindi nya tayo iiwan! Pero asan na siya ngayon?! Asan na siya ngayon?!” sigaw ni Harvey habang umiiyak

Natahimik si Josh sa kanyang mga narinig at nilapitan si Harvey

“tol hindi naman nya sinasadya eh alam kong ayaw nya din na malayo sa atin” paliwanag ni Josh habang naka akbay kay Harvey

“nangako siya eh, madami na siyang sinirang pangako pero pinalampas ko lahat yun tol, heto lang yung kaisa isang hiniling ko sa kanya na sana tuparin nya pero bat di nya nagawa?, mahirap ba yun tol? Simpleng kahilingan lang naman yun diba?” si Harvey habang patuloy sa pag iyak.

“Pero ang ikinagagalit ko sa lahat ay yung sa sarili ko! Galit na galit ako sa sarili ko! Kundi ako nagpabulag sa bwisit na pagmamahal ko kay Diane hindi ko sana nasaktan si Jey,  hindi sana siya lumayo sa atin, kundi ako naaksidente hindi ko sana siya pinayagang magpaiwan dun!, masayang magkakasama pa sana tayo ngayon” si Harvey habang patuloy sa pagtangis

“hindi sana siya” biglang napatigil si Harvey sa kanyang sasabihin

At bigla nalang nagwala si Harvey at nagsisigaw

“tangina! Bat kasi ikaw pa Jey! Hindi mo naman ako kailangan iligtas eh sana iniwan mo nalang ako at sumama ka na sa kanila mas maiintindihan ko pa yun bat mo pa kailangan gawin yun!” si Harvey habang pinagbabasag at pinagtatapon ang mga gamit sa kanyang kwarto

“tol tama na wala kang kasalanan hindi natin alam na mangyayari yun” si Josh habang umiiyak

“tol ang sakit eh, ang sakit sakit” habang patuloy sa pagtangis si Harvey

Niyakap ni Josh si Harvey

“sshh tahan na malulungkot si Jey pag nalaman nyang nagkakaganito tayo” si Josh habang yakap yakap si Harvey

“hindi ko man lang siya nayakap sa huling pagkakataon” si Harvey habang nagmumukmok at patuloy sa pagtangis


Samantala sa aking kinaroroonan habang naglalakad ako sa may dalampasigan may awit na paulit ulit na tumutugtog sa aking isipan kaya inumpisahan ko itong awitin

(paki play po)






Ikaw lamang
ang tangi kong iniisip
ang lagi kong panaginip
tayong dalawa aylaging nagmamahalan

pangarap ko
na kailan ma'y 'di maglaho
ang pag-ibig kong ito
pagka't hinding-hindi ko makakayang mawalay sa'yo

ikaw lamang ang buhay ko
sana nama'y pakinggan mo
ang puso ko na mayroong sinasabi

Chorus:
ikaw lamang
ang tangi kong minamahal
ang lagi kong dinarasal
sana'y habangbuhay tayong magkasama
ang puso ko'y
ibibigaylamang sa'yo
ito ang aking pangako
mula ngayon hanggang magpakailan pa man..
ikaw lamang..

ikaw lamang ang buhay ko
sana giliw pakinggan mo
ang puso ko na mayroong sinasabi..

repeat chorus:

Matapos kong umawit hindi ko namalayan na nasa likod ko pala si Mang Anton at Aling Linda

“iho napakaganda pala ng iyong tinig” bati ni Aling Linda

“para kang anghel kung umawit” dagdag ni Mang Anton

“kayo po pala pasensya na po kayo hindi ko kayo napansin, wala parin po ako maalala sa aking nakaraan pero yung awit na inawit ko po kanina lagi naglalaro sa aking isipan, hindi ko po alam kung bakit” paliwanag ko

“wag ka mag aalala anak may awa ang diyos babalik din ang iyong alaala” ngiti ni Mang Anton

“siya nga pala iho sa itsura mo mukhang nakatapos ka naman ng highschool, nakausap ko kasi yung kaibigan kong guro sa bayan maaari ka daw makapag kolehiyo basta maipasa mo lang ang mga ibat ibang pagsusulit may sinasabi kasi siyang special case sa mga katulad mo, hindi ko alam kung ano yun pero salamat na din at pede kang makapag aral sa kolehiyo, pampubliko lamang yun pasensya ka kung yun lang ang makakayanan namin” paliwanag ni Aling Linda

“naku salamat po mga tao at mga pangyayari sa aking nakaraan lang naman ang hirap ko maalala, ang mga aralin mukhang kakayanin ko naman po” ngiti kong tugon kay Aling Linda

Itutuloy...

No comments :

Post a Comment