Sa Aking Pagbabalik part 12
Habang ako ay umaawit...
“Dindo hindi ko alam ganyan pala kaganda ang
tinig ni Anghelo” sambit ni Marie habang nakatulala
“oo nga parang Anghel ang tinig nya” tugon
ni Dindo habang nakatulala din
Habang lumuluha si Papa at nakatitig siya sa
akin
“ang tinig na yun hindi ako maaring
magkamali, anak ko” habang patuloy na lumuluha si Papa
“Pa sabi ko na tama ang nararamdaman ko eh
siya nga si Jey, Pa siya nga ang bunso naming kapatid” habang iyak ng iyak si
Kuya Justin
“buhay siya Pa buhay si Jey” si Kuya John
habang iyak din ng iyak
Samantala si Papa ay parang di man narinig
ang mga sambit nila kuya at patuloy lamang nakatingin at pinapakinggan ang
aking awit.
Sa kinaroroonan naman nila Josh, Harvey pati
na din ng iba ko pang mga kaklase
“Jey buhay ka, buhay ang best friend natin
Harvey” habang walang tigil si Josh sa pag iyak
Tulala at patuloy sa pagluha lamang si
Harvey habang pinapanood ako
“salamat naman sa diyos at buhay siya” si
Fatima habang iyak ng iyak
Sila Tom, Beth at iba ko pang mga dating
kaklase ay wala ding tigil sa pag iyak
Samantala sa table ng pamilya Villegas..
“Pa bat nag iiyakan sila?” tanong ni Grace
“hindi ko din alam iha kahit ako nagtataka
eh” tugon ni Mr. Villegas
“infairness ha ang ganda pala ng boses ng
Anghelo na yan” sambit ni Lisa
Sa kinaroroonan naman nila Elton , Kate at
Luke
“tingnan nyo iyak sila ng iyak habang pinapanood
si Anghelo bakit kaya” pagtataka ni Kate
“hindi ko din alam eh malalaman natin yan
mamaya” tugon ni Elton habang nagtataka din
“ganda pala ng boses nyang si Anghelo parang
anghel nga” sambit ni Luke habang nanonood
(Paki play po)
Natapos ko ang awit at napansin kong patuloy
na nag iiyakan sila Papa, Kuya, Josh, Harvey at mga dati kong kaklase, nanatili
akong nakatayo sa stage ng biglang lumapit sa akin si Papa, tiningnan nya akong
mabuti at hinaplos ang aking mukha habang patuloy siya sa pagluha
“bakit po?” pagtataka kong tanong
Bigla akong niyakap ng mahigpit ni Papa
“anak ko, buhay ka anak ko” si Papa habang
iyak ng iyak
Sa mga oras na yun habang yakap yakap ako ni
Papa ramdam na ramdam ko ang kanyang pagmamahal
nang biglang magbalik lahat ng aking alaala, ang yakap at pagmamahal na
lamang pala ni Papa ang natitirang piraso upang manumbalik lahat ang aking nakaraan.
“P-apa?” nauutal kong sambit habang lumuluha
“oo ako nga anak, narito na ang papa mo hindi
ka na muling mag iisa” si Papa habang iyak ng iyak at hawak hawak ang aking
mukha
“papa naaalala ko na po ang lahat, naalala
ko na po ang lahat” habang iyak ako ng
iyak at niyakap muli si Papa
“sorry po papa iniwan ko po kayo hindi ko po
sinasadya wala po kasi ako maalala nung mga panahong yun sorry po talaga papa”
habang patuloy ako sa pag iyak
“ssshh tahan na anak alam ko madami ka na
pinagdaanang paghihirap pero nandito na ako hinding hindi ka na mawawalay pa sa
akin, may mag aalaga na sayo andito ka
na sa pamilya mo kaya tahan na anak ko” si Papa habang iyak ng iyak
“mahal na mahal ko po kayo papa pangako po
hindi ko na po kayo iiwan papa kooo” habang iyak ako ng iyak
“mahal na mahal din kita anak, salamat at
ibinalik ka sa amin ng diyos” si Papa habang hinalikan ako sa noo at niyakap
muli ako ng mahigpit.
“alam mo anak heto na ang pinaka magandang
regalong natanggap ko sa aking kaarawan ang ibalik ng diyos ang bunso kong
anak” si Papa habang patuloy akong niyayakap
Parang tumigil ang oras habang yakap yakap
ko si papa, pagmamahal ng ama sa kanyang nawalay na anak ang aking naramdaman
napakasaya ko nung mga oras na yun parang ayaw ko na bumitaw sa pagkakayakap
kay Papa. Makalipas ang ilang minuto ay bumitaw na si Papa sa pagkakayakap sa
akin at tumingin sa kinaroroonan nila kuya John at Kuya Justin
(Paki stop po) (pero maganda kung tapusin
nyo muna music)
(Paki play po)
“Anak naghihintay na ang mga kuya mo,
puntahan mo na sila” ngiting sambit ni Papa
Nakita ko sila kuya na umiiyak at hinihintay
ako, bigla akong tumakbo papunta sa kanila at niyakap sila ng sabay. Nung mga
oras na yun naging malinaw na ang mga naramdaman ko noon nung unang yakap ko
sila, pagmamahal nila kuya sa bunso nilang kapatid ang sinasabi ng aking puso.
“Jey tumingin ka sakin” si Kuya Justin habang
umiiyak at hawak ang aking mukha
“kuya Justin naaalala ko na po ang lahat”
tugon ko
“salamat naman alam mo ang lungkot lungkot ni
kuya nung iniwan mo kami, wag mo na ulit uulitin yun ha” si Kuya Justin habang yakap
yakap ako at umiiyak
“pangako kuya hindi na po ako aalis hindi ko
na po kayo iiwan” tugon ko habang nakayakap kay kuya
Pinaghahalikan ako ni kuya sa mukha na
parang bata ako
“tama na kuya dami tao di nako bata eh”
nahihiya kong sambit
“bakit ikaw pa rin naman baby namin ahh”
biro ni kuya Justin habang naluluha pa din
Bigla namang nagsalita si Kuya John
“tama na nga kayo diyan, kuya pahiram naman
ng kapatid ko” si Kuya John habang patuloy pa din sa pagluha
“o sige na Jey naiinip na kuya John mo,
lapitan mo na siya” si kuya Justin habang pinupunasan ang aking mga luha
Lumapit ako kay Kuya John at niyakap ko siya
ng mahigpit
“hindi nga ako nagkamali heto nga ang yakap
ng bunso kong kapatid” si Kuya John habang yakap yakap ako
“nahirapan ka ba dun sa isla? Nagkakasakit
ka ba dun?” tanong ni Kuya John habang naluluha
“ayos lang po ako mabait naman po mga
kumupkop sa akin eh” tugon ko
“pasensya ka na ha umabot pa ng dalawang
taon ang paghihirap mo, kung nalaman lang namin agad hindi na sana nagtagal pa
ang paghihirap mo” sambit ni kuya habang naiiyak nanaman
“ayos lang po yun kuya wala naman po kayo
kasalanan eh” ngiti kong tugon
“kuya namiss mo ba ako?” paglalambing ko kay
Kuya John
“ikaw talaga hindi mo na nga ako pinatulog
sa kakaisip at kakaiyak nung iniwan mo kami tapos itatanong mo pa yan loko ka
talaga ahh” si Kuya John habang lumuluha at hinahaplos ang aking mukha
“payakap uli” sambit ko
Niyakap ako muli ng mahigpit ni Kuya John,
makalipas ang ilang minuto ay bumitaw na si Kuya john at tumingin sa aking mga
kaibigan at mga dating kaklase
“Jey sige na lapitan mo na mga kaibigan mo,
alam ko nasasabik na din sila sayo” sambit ni Kuya John habang nakangiti
Di narin ako nakalapit sa aking mga kaibigan
dahil pagtingin ko sa kanila ay papatakbo na sila at papalapit sa aking kinaroroonan,
halos matumba na ako nung sabay sabay nila akong niyakap
“Jey namiss ka namin sabi ko na nga ikaw
talaga yung Anghelo eh” si Beth habang tuwang tuwa na halatang galing sa pag
iyak
“sira ka talaga Jey pinaiyak mo ako sa harap
ng maraming tao alam mong ayaw ko ng ganun eh ikaw talaga may utang ka sa akin”
si Tom habang niyakap ako
“Jey ikaw ba talaga yan?” si Fatima habang
naiiyak
“oo ako nga naalala ko na ang lahat” ngiti
kong tugon
“sabi ko na nga ba Jey miss na miss kita” si
Fatima habang yumakap bigla sa akin ng mahigpit
Niyakap at pinagkaguluhan din ako ng mga dati
kong mga kaklase ramdam na ramdam ko ang pananabik nilang makita akong muli
ngunit sa pagkakataong ito napuno na ng tawanan at biruan nung mga oras na yun.
(Paki stop na po)
(Paki play po)
“Jey hayun na sila oh hinihintay ka na nila,
kung sabik na sabik kami sayo sigurado ako mas lalo na sila kaya lapitan mo na
sila” ngiting sambit ni Fatima habang tinuturo ang kinaroroonan ni Josh at
Harvey
Pagkatingin ko sa kanilang kinaroroonan
kitang kita ko ang patuloy na pag agos ng kanilang mga luha kaya naiyak nanaman
akong muli, ibinuka ni Josh ang kanyang mga bisig habang nakangiti at patuloy
na lumuluha, hinihintay ako upang mayakap muli kaya tumakbo ako papunta sa
kanya at niyakap siya ng mahigpit, nang biglang humagulgol si Josh.
“Josh naaalala ko na ang lahat, naalala na
kita” habang iyak ako ng iyak at nakayakap ng mahigpit sa kanya
“san ka ba kasi nagpunta, binalikan ka namin
eh sabi ko wag ka aalis dun eh nangako ka sa akin Jey sinira mo nananaman
nakakainis ka” si Josh habang iyak ng iyak at nakayakap sa akin.
“Josh hindi ko talaga sinasadya nawalan kasi
ako ng malay nung mahulugan ako nung bagay galing sa barko kaya sorry talaga alam
ko sinira ko nanaman pangako ko patawarin mo ako” tugon ko habang iyak ako ng
iyak
“kalimutan mo na yun hindi nako nagtatampo
sayo saka naiintindihan naman kita miss na miss lang kasi talaga kita eh” si
Josh habang di pa din matigil sa pag
iyak
“miss na miss din kita Josh, wag ka mag
alala pangako hindi ko na kayo iiwan” tugon ko habang umiiyak pa din
“talagang hindi na, di nako papayag na
mawala ka pa samin di ko na kakayanin yun” si Josh habang iyak pa din ng iyak
Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal sa akin
ni Josh nung mga oras na yun, parang ayaw ko na din bumitaw sa pagkakayakap nya
nung panahong yun dahil sa matagal kong pagkakawalay sa aking matalik na
kaibigan.
“teka kumakain ka ba ng maigi dun? Nagpupuyat
ka ba dun? May umaaway ba sayo dun? Sabihin mo lang uupakan ko” tanong ni Josh
habang naluluha pa din
“ayos lang ako dun wala naman umaaway sa
akin wag ka mag alala” tugon ko
“alam mo namang mahal na mahal at alagang
alaga ka namin ni Harvey eh, kahit may pagka pasaway ka hindi ka namin
pinabayaan alam mo yun” si Josh habang lumuluha pa din
“oo alam ko yun Josh, kaya sorry talaga
ngayon lang ako nagbalik” tugon ko habang niyakap muli si Josh ng mahigpit.
“o sige na hayun na si Harvey lapitan mo na,
malaki atraso mo diyan” biro ni Josh habang pinupunasan ang aking mga luha
Tumingin ako sa kinaroroonan ni Harvey alam
ko kung meron man pinaka nasaktan sa lahat si Harvey yun dahil sa hindi man
lang kami nagkaayos at nakapag paalam sa kanya bago ako mawala kaya hindi ko
alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Wala parin siya tigil sa pag iyak
hinintay ko siya lumapit dahil nahihiya ako ngunit nanatili lamang siya sa
kanyang kinatatayuan kaya kusa na akong lumapit sa kanya habang nakayuko.
“H-Harvey nagbalik nako” nahihiya kong
sambit habang nakayuko ako
Nang bigla nya akong suntukin ng malakas,
habang iyak siya ng iyak
“Nangako ka sa akin hindi mo kami iiwan eh”
sambit ni Harvey habang iyak siya ng iyak at tumakbo papaalis
Hindi na siya napigilan pa nila Josh,
nilapitan ako nila Josh at ng aking mga kaklase
“nasaktan ka ba?” pag aalalang tanong ni
Josh habang hinahaplos ang aking mukha
“hindi ayos lang ako naiintindihan ko naman
siya sobrang sakit ng mga pinagdaanan nya dahil sa akin, sana mapatawad nya
ako” tugon ko
“wag ka mag alala mahal na mahal ka nun
hindi ka rin nya matitiis” tugon ni Josh
Nung mga oras na yun halos nag iiyakan na
ang mga bisita sa kaarawan ni Papa sa mga nasaksihang pangyayari, at nagsalita
naman si Papa sa stage.
“sa lahat nang andito sa pagtitipon, nais kong
ipaalam na nagbalik na ang aking bunsong anak heto na ang pinakamagandang
regalong natanggap ko mula sa diyos, anak halika dito” sambit ni Papa habang
pinapapunta ako sa stage.
Pumunta ako sa stage sa kinaroronan ni Papa
at ipinakilala nya ako sa lahat ng mga bisita
“alam ko karamihan sa inyo kilala na ang
aking anak sa mga hindi pa nakakakilala, nais kong ipakilala sa inyo ang bunso
kong anak si Jey dela Vega” pakilala sa akin ni Papa
Nagpalakpakan ang mga bisita pagbaba ko ng
stage ay dinumog ako ng mga bisita, kabilang na dun ang mga kilalang personalidad
mga matataas na opisyal sa kumpanya ni Papa, at iba pang mayayamang bisita.
Samantala sa kinaroroonan ng pamilya
Villegas
“Pa siya pala talaga si Jey ang bunsong anak
ni Mr. dela Vega” si Grace habang kinakabahan
“oo nga iha ngayon ko lang din nalaman”
tugon ni Mr. Villegas
“hon umuwi na tayo baka pag malaman ni Mr.
dela Vega mga ginawa natin sa anak nya baka kung ano pa gawin sa atin” si Mrs.
Villegas habang takot na takot
“I agree pa, tayo na po umalis na po tayo”
pag aya ni Lisa
Tumayo at paalis na sana ang pamilya
Villegas ng makasalubong nila sila Dindo at Marie
“alam nyo po kahit tumakas pa kayo ngayon,
malalaman at malalaman din ni Mr. dela Vega ang mga pinag gagagawa nyo sa anak
nya kaya humanda kayo” sambit ni Marie habang galit na galit
“Marie hindi naman namin sinasadya yun eh,
pakisabi nalang kay Anghelo sorry talaga” malungkot na tugon ni Grace
At agad agad na nga nilisan ng pamilya
Villegas ang pagtitipon
“Grabe ang saya saya pala pag nang aapi ng
mayamang tao hahaha” si Marie habang tuwang tuwa
“sira ka talaga marie buti nagmamadaling
umalis mga yun” si Dindo habang natatawa
“bakit ano gagawin nila sa atin? Kaibigan yata
tayo ni Anghelo noh” tugon ni Marie
“Anghelo ka diyan, si Jey na siya noh, sabi
ko na nga ba anak mayaman talaga yang kaibigan natin eh” tugon ni Dindo
“ay uu nga pala si Jey nga pala siya, grabe
ang gugwapo ng mga kuya nya noh hihimatayin nanaman yata ako” tugon ni Marie
“Mahiya ka nga marie wala ka talagang
pinipiling lugar” tugon ni Dindo
Samantala sa kinaroronan nila Kate at Elton
“pano ba yan mukhang nagkakatotoo na mga
sinabi ko sa inyo, mukhang nalalapit na ang katapusan nyo” sambit ni Luke
habang natatawa
“siya pala talaga si Jey, Elton anong
gagawin natin?” sambit ni Kate habang kinakabahan
“hindi ko alam Kate pero wala nga tayong
karapatan kila Josh at Harvey ngayong nagbalik na siya” tugon ni Elton habang
di mapakali
“o sige ha diyan na kayo babatiin ko lang
ang kaibigan kong si Jey hehehe” si Luke habang papaalis at tumatawa ng
nakakaloko
Natapos ang pagtitipon na masayang masaya
ang lahat lalong lalo na si Papa hindi na ako umuwi sa dorm dumiretso na akong
umuwi sa aming bahay kasama ang aking pamilya, sumama din si Josh at Fatima sa
amin, napaiyak pa si Manang Luz nung malaman nyang ako nga si Jey, habang
nakaupo kami sa sala ay kinausap ako nila Papa.
“anak kamusta pala lagay mo dun sa isla?”
tanong ni Papa
“maayos naman po ako mababait po kasi mga
kumupkop sa akin” tugon ko
“nakakatulog ka ba ng maigi dun?” si Papa
“opo pa kahit naman walang aircon presko po
simoy ng hangin dun” tugon ko
“hindi ka ba nagkakasakit?” si Papa
“hindi naman po pa, wala po kasi polusyon
dun kaya sariwa po ang hangin” tugon ko
“nakakakain ka ba ng maigi dun?” tanong uli
ni Papa
Ngunit sa tanong na yun ni Papa ay hindi ko
masagot kaya yumuko na lamang ako
“anak sagutin mo ako hindi ka ba nakakakain
ng maigi dun?” pag aalalang tanong ni Papa
“ayos lang naman po ako sa bahay nakakakain
naman po ako kaso sa school po madalas nagugutom ako kasi hindi naman po lagi
may huli si Itay saka mahirap lang naman po kasi ang kumupkop sa akin eh, pero
lagi naman po ako hinahatian nila Marie at Dindo ng kanilang baon kaya
nakakakain naman po ako kahit papaano” paliwanag ko
Biglang napaluha si papa sa sinabi ko
“Pa wag na po kayo malungkot sa katunayan
nga po niyan kahit nakaranas po ako ng hirap dun naging masaya naman po ako,
napaka bait po kasi nila Inay at Itay” paliwanag ko
“Pasensya ka na anak wala ang papa mo nung
naghihirap ka alam mo naman kung nalaman ko lang agad hindi ka aabot sa ganun”
malungkot na tugon ni Papa
“Pa bakit wala na akong litrato dito sa
bahay?” malungkot kong tanong
“eh yan si papa pinaalis lahat namimis ka
lang daw nya lalo” tugon ni Kuya Justin
“pasensya na anak masyado lang kasi ako
nalungkot nung panahong yun hayaan mo ipakukuha ko na uli yun pinatago ko lang
naman eh” tugon ni Papa
“ikaw kasi Pa sabi ko na sayo wag mo na ipaalis
eh” si Kuya John
“Siya nga pala akala namin patay ka na kasi
yung bracelet na bigay sayo ni Harvey eh
yung suot nung bangkay ng lalaki na akala namin ikaw pano napunta sa kanya
yun?” tanong ni Kuya Justin
“ahh yun ba? kasi kuya nung araw na nasa CR
ako habang naghihilamos ako inalis ko muna bracelet ko para makapaghilamos tapos may lalaking tumabi sa akin na
maghihilamos din inilagay nya sa may tabi ng bracelet ko yung bracelet nya na
kamukhang kamukha ng bigay ni Harvey kaso wala nga lang nakaukit na mga
pangalan, Henry po name nya hmm ahh Henry Santos nga po, nakakwentuhan ko pa
nga siya eh nagpaalam agad siya kasi nakalimutan daw nya yata ilock room nya
baka mawala daw mga gamit nya tapos yun paglabas ko nakarinig ako ng malakas na
pagsabog mukha pong yung bracelet ko yung nakuha nya at ako po yung sa bracelet
nya, kasi yung suot kong bracelet nung nagkamalay ako sa may dalampasigan
walang pangalan eh” paliwanag ko
Bigla naman ako sinuntok ni Josh sa braso
“aray! Para san yun?” gulat na tanong ko
“diba sinabi namin sayo ni Harvey na kahit
na maliligo ka wag mo aalisin yun ang tigas talaga ng ulo mo” inis na tugon ni
Josh
“eh bakit ikaw bat di mo suot yung bracelet
ngayon” tugon ko
“sige mamilosopo ka pa ikaw na nga may
kasalanan eh” asar na tugon ni Josh
“Josh pakisuntok uli para sa akin” si Kuya
Justin
Sinuntok nga ako uli ni Josh
“uy masakit na eh” habang hinihimas ko ang
aking braso
“Josh ako din isa pa para sa akin” si Kuya
John
At sinuntok muli ako ni Josh
“Paaaaaaaa sila kuyaaaa” sumbong ko kay papa
“Justin, John tigilan nyo na kapatid nyo”
pagbabawal ni Papa
“opo pa niloloko lang po namin si jey” tugon
ni Kuya Justin
“bleeeeh” pang aasar ko kila kuya
“palalagpasin muna namin ngayon yan pero pag
tumagal na yari ka samin” tugon ni Kuya john habang nakangisi
“ikaw naman kasi Jey di ka parin nadadala
dun lang sa katigasan ng ulo mo dahil sa bracelet dalawang taon ang naging
kapalit” si Fatima
“oo na di ko nga sinasadya eh” tugon ko
“pero papa si Henry kailangan pong malaman
ng pamilya nya yun nakakaawa naman po siya” sambit ko
“wag ka mag alala anak ako na ang bahala
dun” tugon ni Papa
Gabing gabi na nung matapos ang kwentuhan at
kinailangan nang magpaalam nila Josh at Fatima
“tito dito nalang po ako matutulog para
kasama ko si Jey” pakiusap ni Josh
“kami na muna kasama nya gusto ko din kasi
makasama ang anak ko wag ka mag alala makakasama nyo din siya sa susunod” tugon
ni Papa
Hinatid ko na sila Josh at Fatima palabas ng
bahay
“ano wala ka ba balak puntahan si Harvey?”
tanong ni Josh
“di na muna baka hindi pa siya handa makita
ako, saka bat ba gutong gusto mo ako laging nasasapak baka sapakin nanaman ako
nun noh” tugon ko
“sira para namang papayag ako na masapak ka
uli” si Josh habang natatawa
“ewan ko ba dun last time din na ako si Jey
nasapak din ako nun” tugon ko
“oo nga naaalala ko yun” si fatima habang
natatawa din
“oi Jey matulog ka na ikaw pa naman nahihilo
ka pag napupuyat ka” seryosong sambit ni Josh
“eh kayo kaya pumuyat sakin noh” pang aasar
ko
“o sige mang asar ka pa kundi lang kita
namiss lagot ka talaga sa akin” tugon ni Josh
“payakap nga uli sa best friend ko bago ako
umalis” si Josh habang naglalambing
“yoko nga saka inaantok na ako bye bye hehe”
habang nagmamadali ako pumasok sa bahay
“hahahaha Josh walang duda si Jey na nga
yan” si Fatima habang tawa ng tawa
“oo loko talaga yan” tugon ni Josh habang
natatawa din
Natulog ako kasama ni Papa, habang nakahiga
kami ay dumating sila Kuya Justin at Kuya John na may dalang mga unan
“o anak bat may dala kayong unan” natatawang
tanong ni Papa
“Pa dito na din kami matutulog gusto din
kasi namin makasama si Jey” tugon ni Kuya Justin
“sige na anak matulog na tayo may pasok pa
ako sa opisina bukas may pasok din kayo” si papa habang inaantok na
Natulog akong nakayakap kay Papa at si kuya
John naman ay nakayakap sa akin
Kinabukasan ay hindi muna ako pinapasok sa
school at sinama na lamang ako ni Papa sa kanyang opisina
“Pa bat naman kasama pa ako dito ano naman
gagawin ko dito” sambit ko
“anak dito ka na muna ikaw pa naman lapitin
ka sa disgrasya saka pinapaayos ko pa lahat ng dokumento mo kasi sa ngayon sa
mata ng batas hindi ka nag eexist” tugon ni Papa
“eh Papa tatanggalin nyo po ba ako sa
scholarship? Ngayon pong alam nyo na di ako ang tunay na Anghelo hehe” biro ko
“talagang tatanggalin kita hindi mo na
kailangan yun anak mahiya ka naman sa mga ibang mahihirap na estudyante na
deserve ang schiolarship” tugon ni Papa
“Pa naman konsensyahin mo pa ako nagbibiro lang naman ako eh”
nahihiya kong tugon
“sige na anak dito ka na muna may board
meeting pa kami eh” paalam ni Papa
“Pa wag mo kalimutan mamaya kukunin natin
sila Inay at Itay” pagpapaalala ko kay Papa
“oo anak wag ka mag alala pupuntahan natin
sila mamaya” tugon ni papa
Samantala sa eskwela habang nasa classroom
ang aking mga kaklase
“tol san ka ba galing kagabi bat di ka yata
umuwi saka asan si Jey hindi ba siya papasok ngayon?” tanong ni Harvey
“ahh galing kasi kami kila Jey kagabi pag
uwi ko kasi tulog ka na kaya hindi na kita ginising tapos pag gising ko naman
kanina naka alis ka na, si Jey nga pala hindi muna papasok ayaw muna kasi
payagan ng papa nya alam mo naman bantay sarado muna” paliwanag ni Josh
“kamusta naman siya? Ok ba naging buhay nya
dun sa isla? May umaaway ba sa kanya? Baka nagpupuyat siya dun” sunod sunod na
tanong ni Harvey
“o tol relax ka lang isa isa lang bat di mo
na kasi puntahan yung kaibigan natin” tugon ni Josh
“hayaan mo siya, pero hinanap ba nya ako?”
tanong uli ni Harvey
“hindi naman halos hindi ka nga namin napag
usapan kagabi eh” tugon ni Josh
“gago yun ahh talagang wala nang pakialam”
pagtatampo ni Harvey
“sapakin mo ba naman kagabi hahaha” tugon ni
Josh habang tawa ng tawa
“bagay lang sa kanya yun, pero tol nasaktan
ba sya, nasugatan ko ba siya?” tanong ni Harvey habang nag aalala
“di naman ayos lang siya tol, kunwari ka pa
kasi diyan eh concern ka padin naman sa kanya” tugon ni Josh
“oo naman tol alam mo namang mahal na mahal
ko yung gagong yun kahit lagi tayo napapahamak sa mga kalokohan nya” serysong
tugon ni Harvey
“alam ko naman yun tol wag ka mag alala maaayos
din ang lahat” tugon ni Josh
Samantala bigla namang nagparinig si Fatima
“hay naku ngayong nagbalik na ang tunay na
Jey matakot na ang iba diyan because believe me, Jey is a real bitch kaya
magdasal dasal na kayo na wag sana nya kayong personalin” parinig ni Fatima
hindi nalang kumibo sila Grace, Kate at
Elton sa kanilang mga narinig si Luke naman ay tawa ng tawa
“sira ka talaga Fatima hindi naman ganun si
Jey eh” sambit ni Josh
“oo alam ko ang sarap kasi nila pagtripan
eh” si Fatima habang di matigil sa kakatawa
Natawa din sila Marie at Dindo sa ginawa ni
Fatima, samantala si Josh naman ay tingin ng tingin sa kanyang relo
“teka Josh bat ba tingin ka ng tingin sa
relo mo ha? Di pa nga nag uumpisa klase eh” tanong ni Fatima
“ahh kasi naiinip nako gusto ko na mag
break tutal wala naman tayong ibang
subjects mamaya kaya madami ako oras para mapuntahan ko na si Jey sa opisina ng
Papa nya alam ko maiinip lang yun dun” tugon ni Josh
“ay uu nga pala pero dadaan muna ako sa Red
ribbon bilhin ko yung paborito nyang black forest alam ko tagal na siya di
nakakakain nun” si Fatima
Napatingin naman sila kay Harvey
“ikaw tol hindi ka ba sasama?” tanong ni
Josh
“hindi sige kayo nalang” tugon ni Harvey
Dumating ang break at agad agad nga umalis
sila Josh papunta sa opisina, samantala nilapitan naman ni Grace si Harvey
“Harvey sorry pala sa lahat ng ginawa ko”
nahihiyang sambit ni Grace
“alam mo Grace yung mga pang aapi at pang iinsulto
mo dati kay Anghelo napalampas pa namin pero nung malaman naming siya din si
Jey lalong nadagdagan ang galit ko sayo pero heto nalang Grace subukan mo pa
siyang galawin uli ako talaga makakalaban mo” galit na tugon ni Harvey
“naku Harvey para namang magagalaw pa niyan
si Jey, takot lang nya baka ipasisante pa ni Jey papa nya” sambit ni Marie
Napayuko na lamang si Grace at umalis
“o ano Grace ngayon mo akong takutin na
ipatatanggal mo scholarship ko, ano di ka maka imik noh” galit na sambit ni
Marie
Lumabas na lamang ng classroom sila Grace
kasama si Kate at Elton.
Samantala habang nasa sofa ako ng opisina ni
Papa at tinitingnan ang death certificate ko ay biglang dumating si Josh
“o Jey ano yang tinitingnan mo?” tanong ni
Josh
“wala death certificate ko nakita ko sa mga
dokumento ni Papa, ipapalakad kasi nya mamaya ito eh wala pa yung magpipickup
kaya tinitingnan ko muna” tugon ko
“gago ka talaga bitawan mo nga yan para kang
sira” inis na sambit ni Josh habang kinuha sa akin ang certificate at binalik
sa mga dokumento ni Papa.
“kill joy naman nito para tinitingnan lang
eh” tugon ko habang humihigab
“eh hindi kasi nakakatawa yan eh” si Josh
habang naiinis
Umupo sa tabi ko si Josh
“o inaantok ka noh anong oras ka na ba
nakatulog?” tanong ni Josh
“gabing gabi narin katabi ko kasi si Papa
natulog eh” tugon ko habang inaantok
“halika nga rito matulog ka na muna” si Josh
habang pinahiga nya ako sa kanyang kandungan
Agad naman ako nakatulog sa sobrang antok.
Dumating si Fatima dala dala ang cake na binili nya
“o napano si jey?” mahinang tanong ni Fatima
kay Josh
“napuyat kasi eh kaya pinatulog ko na muna”
tugon ni Josh
“sige labas muna ako may puntahan lang ako
sandali” paalam ni Fatima
Nakatulog din si Josh nung mga oras na yun
nung dumating si Papa at sila Kuya
“josh, jey gising na kayo kumain na tayo”
sila kuya habang tinatapik kami
Nagising kami ni Josh at sumama na sa kanila
palabas ng opisina
“Pa daanan natin sila Inay at Itay mamaya
ha” sambit ko kay Papa
“oo anak tinatawagan ko din kanina bahay ni
Mr. Villegas kaso wala sumasagot eh pero baka mamaya lang dumating na sya”
tugon ni papa
Habang papalakad kami sa kumpanya ay biglang
nakasalubong namin si Mr. Villegas
“sir kamusta po, sorry po pala maaga po kasi
kaming umalis kagabi eh medyo sumama po pakiramdam ng misis ko” si Mr. Villegas
“its ok by the way have you met my son?” si
papa habang ipinapakilala ako
“don’t worry pa kilala ko na po siya” tugon
ko habang nakatingin ng diretso kay Mr. Villegas
Itutuloy...
No comments :
Post a Comment