Total Pageviews

Wednesday, 1 April 2015

Sa Aking Pagbabalik part 2



Sa Aking Pagbabalik part 2

Makalipas ang isang linggo ay dumating ang oras ng aking pagsusulit para sa kolehiyo sinamahan ako ni Mang Anton at Aling Linda sa bayan kung nasaan ang eskwelahan na papasukan ko. Binati ako ng kaibigan nilang guro at kinausap si Mang Anton at Aling Linda

“Medyo matatagalan pag poproseso sa kanyang papeles dahil special case nga ang sa kanya, baka abutin pa ng ilang buwan” paliwanag ng guro na kaibigan nila

“naku edi hindi siya makakapag aral?” malungkot na tanong ni Aling Linda

“pwede pero iba ang gagawin natin, nasa sa inyo yun kung papayag kayo” sambit ng guro

“ano ba yun baka may maitulong kami” tanong ni Mang Anton

“Pagpapanggapin natin siya ang anak nyo, tutal tapos na din ng highschool ang anak nyo at maari nyang gamitin ang mga papeles ng anak nyo sa ganun paraan mas mapapadali siya makapasok sa kolehiyo siya parin naman ang mga kukuha ng pagsusulit kaya kahit mahuli man sya maaari nating ayusin” mungkahi ng kaibigan nilang guro

Nagtinginan ang mag asawa sa mungkahi ng guro

“hindi ba delikado yun?” tanong ni Mang Anton

“andyan naman kayong mga magulang ni Anghelo para magpatunay” paliwanag ng guro

“Sige kung yun lang ang paraan saka ayaw din namin masira kinabukasan ng batang ito” ngiti ni Aling Linda

“Saka alam naming matutuwa si Anghelo sa gagawin namin kung nasaan man siya ngayon” dagdag ni Mang Anton

“ho gusto nyo akong magpanggap na si Anghelo?” alala kong tanong

“oo iho yun lang pinakamadaling paraan para makapasok ka” paliwanag ng guro

“eh baka ho may makakilala sa akin dito yung mga kaibigan ho ng mga anak nyo” katwiran ko

“wag ka mag alala bihira lang may mag kolehiyo dun sa isla namin sigurado wala makakakilala sayo dito” tugon ni Aling Linda

Wala na din ako nagawa kundi pumayag, dumating ang oras ng pagsusulit, medyo nahirapan ako dahil nga sa aking alaala ngunit nakuha ko naman sigurado ang mga sagot sa mga tanong.


Samantala sa Maynila...

Sa Bahay ni Harvey ay bumisita muli si Josh, pagpasok ni Josh ay nakausap nya ang mga magulang ni Harvey

“o Josh ikaw pala ngayon na ba ang alis nyo ng anak ko?” tanong ng Papa ni Harvey

“opo bibisitahin po namin ang lilipatan naming penthouse sa Makati” tugon ni Josh

“ahh sige mag iingat kayo ha” tugon ng mama ni Harvey

At dumiretso na si Josh sa kwarto ni Harvey

“o Josh ikaw pala” bati ni Harvey habang nakahiga

“ano tol ayos ka na ba?” tanong ni Josh

“oo tol ayos na ako medyo gumaan na pakiramdam ko” tugon ni Harvey

“o tara na titingnan pa natin yung titirhan nating penthouse” aya ni Josh

Habang nasa sasakyan sila ay malayo ang tingin ni Harvey

“tol talaga bang ayos ka lang?” tanong ni Josh

“oo wag ka mag alala ayos lang ako” tugon ni Harvey

“namimis mo na siya noh?” tanong ni Josh

“sino naman?” tanong ni Harvey

“si Jey, kahit ako miss na miss ko na siya” malungkot na tugon ni Josh

“tol change topic na tayo pls” pakiusap ni Harvey

“o sige ikaw bahala” tugon ni Josh

Pagdating nila sa penthouse sa makati na titirhan nila pagpasok nila ng college agad sila sinamahan nung namamahala at pinasyal sila sa loob ng penthouse.

“uhm sir heto po ang bagong titirhan nyo may tatlo po itong bedroom at dalawang CR, meron din po itong kitchen, sala at dining area tanaw nyo po ang view nang magagandang lugar sa Makati dito, actually heto na po ang pinakamahal na unit dito sa building kaya maswerte po kayo” paliwanag nung lalaki

“teka lang tatlong bedroom?” tanong ni Harvey

“tol you forgot kasama pa natin si Jey nung pinagplanuhan natin ito hindi ba?” tugon ni Josh

Lumungkot ang mukha ni Harvey nung marinig ang aking pangalan

“ahh oo nga pala” malungkot na tugon ni Harvey

“ok lang po ba kayo sir?” tanong ng lalaki

“don’t worry I’m ok, sige go ahead pagpatuloy mo lang” tugon ni Harvey

At nagpatuloy nga ang lalaki sa pagtotour kay Harvey at Josh, matapos ang tour ay agad sila kinausap nung lalaki

“ahh sir kelan nyo po pala balak lumipat?” tanong nung lalaki

“if possible next week na din madami pa kasi kaming aayusin sa papasukan naming school” tugon ni Josh

“sige po sir by next week po fully furnished na po penthouse nyo” ngiting tugon ng lalaki

“o tara na Harvey kasama pa nating maglalunch si Fatima hindi ba” aya ni Josh

Sa isang sikat na restaurant habang kumakain ang tatlo

“o Harvey ok ka na ba?” tanong ni Fatima

“guys why do you always assume na di ako ok?” inis na tugon ni Harvey

“eh kasi naman sa ating tatlo ikaw lang ang di nakausap ni Jey bago siya mamatay” si Fatima habang kumakain

Bigla namang natahimik si Harvey sa kanyang mga narinig at bigla namang siniko ni Josh si Fatima

“ikaw talaga napaka insensitive mo” bulong ni Josh kay Fatima

“ay oo nga pala sori” tugon ni Fatima

Habang nagkukwentuhan ang tatlo ay pinagtitinginan naman sila ng mga ibang tao sa restaurant

“hindi ba yun si Josh at Harvey? makakasama nating mag first year this school year” sambit nung isang lalaki sa restaurant

“yeah ang gwapo talaga ng dalawang yun kaya pati mga girls sa school hindi makapaghintay na makilala sila at isa na ako dun” tugon nung isang babae

“and that girl with them is Fatima right? Mayaman din ang pamilya gaya ni Josh at Harvey pero parang kulang sila wala yata si Jey yung anak ng Chairman and CEO ng dela Vega group of companies” tanong nung isang lalaki

“di mo ba nabalitaan namatay si Jey sa isang aksidente sa barko” kwento nung lalaki

“omg that must be hard for them” tugon nung babae

Samantala habang kumakain ang tatlo ay napansin ni Fatima ang pagtingin nang ibang tao sa kanila kaya nakaisip ito ng kalokohan

“oi guys akbayan nyo naman ako oh iinggitin ko lang yung mga babaeng yun” biro ni fatima

“sira ka talaga Fatima hayaan mo lang sila di ka na nasanay pag kasama mo kami ganyan talaga” tugon ni Josh habang natatawa

“sus ang kill joy ng mga toh sige na” pamimilit ni Fatima

“magtigil ka nga Fatima puro ka kalokohan para kang si” nang biglang matigilan si Harvey sa kanyang sasabihin

Natahimik naman si Josh at Fatima dahil naalala din nila ako

“nevermind guys bilisan na natin kumain next week start na ng enrollment kita kita nalang tayo dun” sambit ni Fatima

At tinapos nalang nila ang kanilang pagkain at nilisan ang lugar


Samantala sa aking kinaroroonan..

“Mang Anton, Aling Linda sigurado po ba kayo ayos lang po ba talaga na gamitin ko pangalan ng anak nyo?” nahihiya kong tanong sa mag asawa

“oo naman walang problema sa amin yun” tugon ni Mang Anton

“saka anak, nay at itay nalang itawag mo sa amin tutal para na ding tunay na anak ang turing namin sayo” ngiting tugon ni Aling Linda

Medyo natuwa ako sa aking narinig dahil kahit hindi ko pa maaalala ang aking nakaraan ay magkakaron naman ako ng bagong magulang sa katauhan ni Mang Anton at Aling Linda

“sige po nay, tay” ngiti kong tugon

“naku anak sarap naman pakinggan o siya mag ayos na kayo kakain na tayo ng hapunan maya maya lang” si Aling Linda

Habang nasa labas kami ng bahay ni Mang Anton ay ikinwento nya lahat tungkol sa dapat kong malaman sa kaisa isa nilang anak. Nalaman kong napakabait nga na anak si Anghelo kaya medyo nahiya ako sa aking gagawing pagpapanggap.

Samantala sa opisina ni Papa sa Manila ay agad nya inutusan ang kanyang sekretarya para ipatabi lahat ng aking litrato.

“Donna” sambit ni Papa

“sir bakit po?” tanong ng sekretarya ni Papa

“pakitabi nga lahat ng litrato ng bunso kong anak, ilagay mo lahat sa loob ng cabinet” utos ni Papa

“Po? Gusto nyong itago lahat ng litrato ni sir Jey?” tanong ng sekretarya ni Papa

“narinig mo naman ako hindi ba? gawin mo nalang” tugon ni Papa

At yun na nga lahat ng aking larawan ay pinatago na ni Papa



Samantala sa aking kinaroroonan....

Makalipas ang tatlong linggo

Sinamahan ako muli ni inay at itay para sa enrollment dahil nakapasa din ako sa entrance exam

“siya nga pala anak ano pala balak mong kunin sa kolehiyo” tanong ni inay

Napaisip ako sa tanong ni Inay ngunit parang may kung anong bumubulong sa akin na kunin kong kurso ay engineering.

“engineering po sana, hindi ko po alam pero parang may nagsasabi po kasi sa isip ko na yun ang kunin kong kurso” paliwanag ko

“aba anak maganda yan sige sana matupad mo ang iyong pangarap” tugon ni Itay


Samantala sa kinaroroonan ni Josh at Harvey....

Nag enroll sila sa isang sikat na unibersidad kasama si Fatima pati na din sila Beth at Tom at iba ko pang mga naging kaklase, habang nag eenroll sila ay hindi maalis ang tingin ng mga estudyante sa aking mga kaklase lalo na kay Josh at Harvey

“grabe guys sila siguro yung mga galing sa St. Catherine, itsura palang mukhang mayayaman na” sambit ng isang estudyante sa kanyang mga barkada

“St. Catherine ba naman eh eskwela ng mga mayayaman yun” tugon ng isang estudyante

“and that must be Joshua Villareal and Harvey Montemayor, itsura at porma palang mukhang mga artista” tugon naman nung isa

“yeah mga anak ng may ari ng Villareal realty & dev’t corp. at Montemayor shipping lines” tugon nung isa

“and that must be Fatima Yuchengco, sa pamilya nila ang Yuchengco mining hindi ba?” sambit nung isa

“yung mga kasama nila puro mga anak mayayaman din” tugon ng isa

Napansin ng aking mga kaklase na pinagtitinginan sila halos ng buong campus

“hay hayan nanaman sila pinagtitinginan nanaman tayo, baka matunaw nanaman ako” biro ni Fatima

“oo nga Fatima mukhang buking ka na din na anak mayaman ka din kahit gano mo pa itinago yun nung highschool pa tayo” pang aasar ni Beth

“eh kasi naman wala akong magiging boyfriend nyan pag nalaman nila yun ma iinsecure lang sila noh” inis na tugon ni Fatima

“pero guys tingnan nyo kung paano sila makatingin kay Josh at Harvey kulang nalang hubaran yung dalawa” si Tom habang natatawa

“sira talaga kayo hayaan nyo na lang sila ngumiti nalang kayo baka sabihin pa suplado tayo” tugon ni Josh

“bilisan na natin guys medyo nagugutom na din kasi ako para makapag merienda na tayo” si Harvey na pinamamadali ang aming mga kaklase

“pano kaya kung andito si Jey noh, naalala nyo ba nung enrollment natin dati gumawa nanaman ng kalokohan yung mokong na yun pinatawag agad parents nya tapos biglang natakot yung officer nung yung mama nya na administrator sa school yung dumating hahaha” si Robert habang natatawa

bigla naman lumungkot ang mukha ni Josh, Harvey at Fatima pati na din ang iba ko pang mga kaklase nung maalala nila ako

“ikaw talaga Robert pinaalala mo pa” bulong ni Beth kay Robert

“naku pasensya na, nadala lang ako” si Robert habang nagsosori

“anyway guys tara na mag merienda na tayo” aya ni Josh

Itutuloy...

No comments :

Post a Comment