Hello readers medyo nahirapan akong
isulat ang part na toh di ko kasi mapigilan emotions ko hehe, by the way
salamat po uli sa pagsuporta ninyo try ko po makapag update ng mabilis :)
Nais ko po uling pasalamatan sina Jay,
R.J., zekie, jayfinpa, Mars, Rue, ernes_aka_jun, darkboy13, dada,
marclestermanila, wastedup, j.v, kokey, mcfrancis, blue, migz, Pink 5ive,
kenrei_yu, Dave17, sfgiants, ram, David Thaddeus, Jhae17 , nate, brokenarmor,
ron ron, russ, Marc, mat_dxb at sa lahat po ng anonymous na nag comment.
Pa rate lang po saka comment ha,
mabasa ko lang po mga reactions nyo masaya na po talaga ako salamat po uli :)
Sa Aking Paglisan part 16
“Ikaw din?” mataray na tugon ni Neil
“tseh wag moko gayahin ako una
nagtanong noh” asar kong tugon
“guys stop it, kasama natin ang
section nila sa retreat yun kasi ang policy ng school at least 2 sections ang
magkasama” paliwanag nang aming adviser
Andun din pala si Paul nakalimutan ko
kaklase nga pala niya si Neil
“Hi Paul” bati ko sa kanya
“uy hi Jey kamusta ka na?” tugon naman
ni Paul na nakangiti
“ok lang ako” ngiti ko
“siya nga pala Jey ha hindi kita
nasalubong nung magbalik ka sa school matagal din kasi ako nawala pero nadalaw
naman kita sa hospital nung wala ka pang malay” paliwanag ni Paul
“sus wala yun wag mo alalahanin yun”
pacute ko
Samantala nakakuha na pala ng mga kani
kanilang partner ang mga kaklase ko at mga kaklase ni Neil para makasama sa
kwarto at dahil late kaming tatlo ay wala pa kami mga partner. Nang dumating
ang aming retreat master ay agad agad nya kaming kinausap.
“O nandito na pala kayong tatlo by the
way ako na pala mag aassign sa inyo kung sino makakasama nyo sa room hanggang
sa matapos itong retreat” ngiti ni Bro. Gomez
“sige po sir” tugon ni Josh
“ikaw Josh at Harvey kayo magkasama sa
room” ngiting sambit ni Bro. Gomez
Natuwa naman ang dalawa at nag apir pa
kasi nga naman matalik silang magkaibigan kaya di na sila mahihirapan pang
makibagay sa isat isa, ngunit sa sumunod na sinabi nang aming retreat master
ang kinagulat ng lahat.
“kaw naman Jey at Neil kayo magkasama
sa kwarto” sambit ni Bro. Gomez
“waaaaaaaaaaaa” sigaw ko
“ha? Wag po kayo magbiro ng ganyan”
asar na tugon ni Neil
“hay nako riot ito pag nagkataon
hahaha” natatawang sambit ni Fatima
“no hindi ako nagbibiro mas makabubuti
ito sa inyo alam ko both of you has some issues pero diba its about time to
settle your differences?” paliwanag nang aming retreat master
“uhm sir baka po pwedeng sa amin
nalang sumama si Jey kasi po medyo namamahay po yan baka hindi po makatulog”
alalang pakiusap ni Josh
“oo nga po sir saka di rin po kasi
sanay matulog yan na hindi nya ka close yung kasama nya” dagdag pa ni Harvey
“I’m sorry guys but my decision is
final saka wala din kasing makakasama si Neil” tugon nang aming retreat master
“kayo sir baka gusto niyo siyang
samahan hehe” biro ko
Ngunit sa mga oras na yun ay nakita ko
ang lungkot sa mga mata ni Neil nung marinig nya na gusto akong makasama ni
Josh at Harvey ngunit sa kanya ay wala man lang nagboluntaryo para isama siya,
medyo naawa ako kay Neil sa aking nasaksihan kaya pumayag na din ako.
“o sige po sir” pagpayag ko
Medyo nagtaka naman si Neil dahil
madali akong napapayag pero kesa naman mapahiya lang siya kaya di na lamang
siya umimik. Paglipat ko ng aking gamit sa aming kwarto ay andun na si Neil.
“hoy dun ka ha, heto kama ko” masungit
na sambit ni Neil
“eh nakahiga ka na dyan alanganamang
kunin ko pa yan duh” tugon ko na medyo naiinis
Dumating ang dinner time at pinababa na kami lahat para
kumain, nauna ako bumaba dahil nga medyo gutom na ako, after ng prayer ay agad
agad na kami pumila para kumuha ng pagkain, buffet style kasi. Umupo ako sa
dulong table at nagsunuran naman ang aking mga kaklase pati na din sila Josh,
Harvey at Fatima ay tumabi sa akin. Nakita ko ang mga kaklase ni Neil na nasa ibang
table at magkakasama subalit si Neil ay nakaupo lamang sa isang tabi at
kumakain mag isa.
“uy Fatima tawagin mo nga si Neil
medyo nakakaawa kasi eh wala man lang kasama paupuin mo na dito” pakiusap ko
kay Fatima
“ay hayaan mo nga siya bagay nya yan,
sama kasi ng ugali” tugon ni Fatima habang kumakain
“Josh ikaw nalang pakitawag pero wag
mo sabihing ako nagpapatawag ha tutal type ka naman nyan siguradong di tatanggi
sayo yan hehe” pabiro kong pakiusap kay Josh
“Jey I’m proud of you, matapos ang mga
ginawa nya sayo naging mabait ka parin sa kanya” sambit ni Harvey
“oi di ha kaso kung kayo siguro nasa
katayuan nya sympre ayaw nyo naman maramdaman na outcast kayo” tugon ko naman
Pinuntahan na nga ni Josh si Neil at
pinalipat sa may table namin. Sumunod naman si Neil at binati lang siya nang
aking mga kaklase nang sarkastikong ngiti at ako naman ay patuloy lang sa
pagkain. Natapos ang dinner at pinaakyat na kami upang magpaghinga dahil
kinabukasan na mag uumpisa ang aming mga activities. Pag akyat ko sa kwarto
matapos maghilamos ay agad na akong nahiga upang matulog subalit ayaw talaga
akong dalawin nang antok, dumating na din si Neil upang magpahinga subalit di
man lang kami nagpansinan.
Samantala sa kwarto ni Josh at Harvey
habang nakahiga sila...
“Josh kamusta na kaya si Jey baka di
nanaman makatulog yun” pag aalala ni Harvey
“nag aalala din ako eh baka mamaya
bigla nalang mag bunuan yung dalawang yun” tugon naman ni Josh habang natatawa
“di naman siguro sa pinakita ni Jey
kanina di ko expect na gagawin nya yun kasi sa ugali nya usually para siyang
bata pero kanina napaka mature nya mag isip kaya proud ako sa kanya” tugon ni
harvey
“tara puntahan na natin” pag aya ni
Josh kay Harvey
Pinuntahan na nga nila ang aming silid
at kumatok pagbukas ni Neil nang pintuan ay nabigla siya dahil nasa labas si
Josh at Harvey
“check lang namin si Jey” sambit ni
Harvey kay Neil habang papasok sila sa aming silid
Nang marinig ko sila ay agad akong
nagtulog tulugan dahil alam ko na alam nilang di nanaman ako makatulog kaya
iniiwasan ko na din na maabala sila. Paglapit nila ay agad silang umupo sa kama
ko at hinimas ni Josh ang aking ulo.
“Jey di ka makatulog noh” mahinang
tanong ni Josh
Minulat ko ang aking mga mata at gaya
nga ng sinabi ko kilalang kilala talaga nila ako kaya wala din ako maitatago.
“medyo lang” tugon ko
“gusto mo himasin ko likod mo hanggang
sa makatulog ka” sambit ni Josh
“hindi ok lang ako sige matulog na
kayo” tugon ko
Bigla naman ako hinigaan ni Harvey
“aray ano ba ang bigat mo” asar kong
tugon
“heto naman ang sungit mo nilalambing
ka lang eh” si Harvey sabay kurot sa aking tagiliran na nagpakiliti sa akin.
“eh pano ako makakatulog nyan sa
ginagawa mo noh” sarkastiko kong tugon
“hahaha sige mauna na kami matulog ka
na” si Harvey kasama si Josh na papalabas na ng aming silid
Napatingin ako kay Neil sa mga oras na
yun at kitang kita ko sa kanya ang inggit dahil sa kanyang mga nasaksihan.
“ok ka lang?” tanong ko
“huh ok lang ako” sabay talikod ni
Neil
Makalipas ang ilang minuto ay muli
siyang humarap sa akin at kinausap ako
“Halatang mahal na mahal ka nang
dalawang best friend mo, paano mo ba ginawa yun?” malungkot na tanong ni Neil
Halos mabilaukan ako sa tanong nyang
yun
“ahh eh ewan basta ang pagkakaalam ko
lagi sila napapahamak dahil sa mga kalokohan ko” tugon ko
“sana magkaron din ako ng mga
kaibigang tulad nila” inggit na tugon ni Neil
“oo nga pala bakit parang iniiwasan ka
nang iyong mga kaklase kanina?” tanong ko
Ngunit nanatiling tahimik lamang si
Neil at hindi sinagot ang aking katanungan
“heto ha di naman sa nakikialam ako
pero try to be yourself, wag kang magpanggap kasi nakita mo naman siguro dati
kung san ako dinala nang pagpapanggap ko diba” sambit ko
Nanatili parin tahimik si Neil nung
mga oras na yun at ako sa wakas ay dinalaw na din ng antok at tuluyan na ding
nakatulog. Kinabukasan ay maaga kaming pinababa para mag jogging kasama daw yun
para ma i release namin ang inner emotions namin para mamaya sa activity.
Natapos ang jogging at pinapasok na kami para mag almusal at makapag palit ng
damit dahil mag uumpisa na ang activity.
Nagdasal muna kami matapos ay kinausap
kami ng aming retreat master at isa
isang pinaupo sa harap, tapos tatanungin ang aming mga regrets sa buhay ,
naging maayos naman ang activity medyo malungkot dahil dun lumabas ang mga
panghihinayang nila sa buhay, ako naman ang hinuli ng aming retreat master tila
alam nya na may tinatago ako sa aking puso, pagdating sa akin habang nakaupo
ako sa harap tinanong ako nang aming retreat master.
“Ikaw Jey ano mga regrets mo sa
buhay?” tanong ni Bro. Gomez
“ahh wala naman po, yun lang na naging
pasaway ako lagi” tugon ko habang nakayuko
“hindi ako naniniwala na yan lang alam
ko may tinatago ka pa” tugon ni bro. Gomez
“wala po talaga yun lang”
pagsisinungaling ko habang nakayuko pa din ako
At yung time na yun dun na ako
nagumpisang batuhin nang mga masasakit na salita nang aking mga kaklase at
kaibigan upang mapilitan akong mag open up.
“yan ang kinaiinisan ko sayo eh puro
ka tsismis pero pag dtio di ka makapag salita” banat ni Tom
“oo nga wala ka parin talagang
pinagbago” banat naman ni beth
“kaya minsan talaga Jey nakakasawa na
talaga” dagdag ni Fatima
Nakayuko lamang ako pinapakinggan ang
mga masasakit na salita, ang mga sumunod na salita ang talagang nagpadurog sa
aking puso.
“inis na inis ka kay Neil pero may
pinagkaiba ba talaga kayo? Wala hindi ba?” banat ni Josh
“Parati na lang kami napapahamak dahil
sayo pero inintindi mo ba kami kahit minsan? Naging makasarili ka Jey” banat
naman ni Harvey
Biglang namang pinatugtog ng aming
retreat master ang isang awit.
At dun na nga ay napilitan na akong
magsalita at ilabas ang aking hinanakit, habang nakaupo at nakayuko ako ay
biglang tumulo ang aking mga luha na nagpabigla sa lahat
(Paki play po)
“mama hindi ko naman po sinasadya na
wala ako sa tabi nyo nung mamatay kayo, mama patawarin nyo po ako akala ko po
kasi hindi nyo ako iiwan pag hindi nyo ako nakita, gustong gusto ko po talaga
kayo mayakap at magpaalam sa inyo kaso hindi ko po talaga kaya na mawala kayo.
Kaya mama sorry po talaga” ang aking mga nasambit habang humahagulgol ako
At sa mga oras na yun ay nag umpisa
nang mag iyakan ang aking mga kaklase at kamag aral. Lalapitan na sana ako ni
Josh at Harvey ngunit pinigilan sila nang aming retreat master
“Hindi hayaan nyo siyang ilabas nya
yan” pagpigil nang aming retreat master
Patuloy pa din ako sa pagtangis
“mama naaalala ko pa pag may sakit
kami nila kuya hindi mo kami iniiwan kaya nung maakisdente ako nun hinihintay
talaga kita mama pero hindi ka dumating, mama ko bat mo kasi ako iniwan” habang
patuloy ako sa pag iyak
Parang pinagsakluban nang langit at
lupa ang naramdaman ni Josh at Harvey sa mga oras na yun.
“Sir pls. po kailangan nya po kami ngayon
sa tabi nya” pagmamakaawa ni Harvey habang umiiyak
“sir sige na po palapitin nyo na po
kami sa kanya” dugtong pa ni Josh habang basang basa ang mga mata dahil sa mga
luha.
At dun na nga ay pinayagan na silang
lumapit sa akin
“Sige na you may approach him” tugon
nang aming retreat master
Linapitan agad ako ni Josh at Harvey
at niyakap ng mahigpit
“ssshh Jey tahan na andito pa naman
kami eh, saka naiintindihan ka naman sigurado ng mama mo” si Josh habang
umiiyak at yakap ako
“pasensya na kayo hindi ko lang talaga
mapigilan eh” tugon ko habang patuloy ako sa pag iyak
“halika nga dito” pinalapit naman ako
ni Harvey sa kanya at mahigpit na niyakap
“di ka naman namin pababayaan Jey
alam mo yan kahit wala na si tita rose
madami pa naman kaming nagmamahal sayo eh” si Harvey habang umiiyak at yakap
yakap ako
At sa mga oras na yun ay nagumpisa
nang lumapit sila Fatima at iba ko pang mga kaklase upang yakapin ako at bigyan
ako ng suporta. Nakita sa mga mata ni Neil ang lungkot dahil nakita nya kung
gaano ako kamahal nang aking mga kaklase at kaibigan. Natapos ang activity nung
mag tanghalian na, pumunta na kami sa dining area para kumain subalit nawalan
ako ng gana kaya naupo na lamang ako sa isang tabi.
“Jey di ka ba kakain? Baka magutom ka
nyan” alalang tanong ni Fatima
“hindi ayos lang ako hindi ako
nagugutom” malungkot kong tugon
Dumating naman si Harvey kasama si
Josh na may dalang isa pang plato na may pagkain na.
“Jey dinalan na kita ng pagkain mo
kumain ka na” pag aya ni Josh
“sige kayo nalang hindi pa ako
nagugutom eh” tugon ko habang isinandal ko sa upuan ang aking ulo
“gusto mo subuan kita” si Harvey
habang kitang kita sa mukha nya ang kalungkutan
Umiling lamang ako at tumingin na
lamang sa malayo
“Jey kumain ka na baka magkasakit ka
pa niyan eh” sambit ni Josh habang nag aalala
Napilit din nila ako kumain ngunit
kaunti lang ang nakain ko, binigyan din kami ng time ng aming retreat master
upang makapag siesta at pinababalik kami ng 2pm.
“Jey dun ka nalang magpahinga sa kwarto
namin para may kasama ka” pag aya ni Josh
Pumasok na nga kami sa kwarto nila at
nahiga ako sa kama ni Harvey, pagpikit ko ay agad din akong naka idlip gawa na
din siguro sa sobra kong pag iyak. Matapos ang ilang minuto habang nakaupo
silang dalawa sa kama ni Josh at inaayos ang ibang gamit ay nakarinig sila nang
mahinang pagtangis mula sa akin habang ako ay nakatalikod ayaw ko kasi
ipahalata sa kanila na umiiyak nanaman ako. Humiga sa tabi ko si Harvey at
pinaharap ako sa kanya at niyakap.
“Sige Jey kung talagang may
nararamdaman ka pa ilabas mo lang yan” malungkot na sambit ni Harvey habang
yakap ako
At dun nga ay nag umpisa na akong
humagulgol
“namimis ko na kasi si mama” ang aking
nasambit habang patuloy ako sa pag iyak
Itutuloy...
No comments :
Post a Comment