Total Pageviews

Wednesday, 1 April 2015

Sa Aking Paglisan part 10



Maraming salamat kila Jay, R.J., zekie, jayfinpa, Mars, Rue, ernes_aka_jun, darkboy13, dada, marclestermanila, wastedup, j.v, kokey, mcfrancis, blue, migz, Pink 5ive, kenrei_yu, Dave17, sfgiants,  ram, David Thaddeus at sa lahat po ng anonymous na nag comment. Ginaganahan po lalo ako sa pagsusulat dahil na din po sa patuloy niyong pagsuporta maraming maraming salamat po uli.

______________________________________________________________________________





Sa Aking Paglisan part 10

Nakarinig ako nang sigawan at unti unting lumalabo ang aking paningin hanggang sa tuluyan na nga ako mawalan ng malay. Nagsisigawan ang aking mga kaklase at kamag aral dali dali nila akong pinuntahan habang si Josh at Harvey ay natulala sa nangyari. Nang matauhan ang dalawa ay agad agad silang tumakbo papunta sa akin.

“Tulong! Kailangan natin siya dalhin sa hospital ” tarantang sambit nang isa sa aking mga kamag aral

“tol andami nang nawawalang dugo kay Jey” kabadong tugon nang isa sa aking mga kaklase

“Jey lumaban ka wag ka susuko dadalhin ka namin sa hospital” habang iyak ng iyak si Fatima

Nang biglang may sumigaw sa likod nang mga nagkakagulong kamag aral at kaklase ko.

“Tumabi kayo diyan!” tarantang sigaw ni Josh

Agad agad ako binuhat ni Josh kasama si Harvey at isinakay sa sasakyan ng eskwela. Habang nasa sasakyan ay walang tigil sa pagtangis ang dalawa kong matalik na kaibigan.

“Jey gumising ka plsss” pagmamakaawa ni Harvey habang wala siyang tigil sa pag iyak

“Jey imulat mo na mga mata mo, sorry talaga nagtatampo lang naman ako sayo eh wag mo naman gawin samin ito Jey” pagsusumamo ni Josh na wala parin tigil sa pag luha

Pagdating namin sa hospital ay agad agad ako ipinasok sa emergency room. Nagpupumilit pumasok si Josh at Harvey sa loob ngunit pinigilan sila ng mga doktor at pinayuhan na maghintay na lamang sa labas. Hindi mapakali si Josh at Harvey sa pag aalala sa aking kalagayan nang dumating ang aking ama. Agad naman siya sinalubong nila Josh at Harvey

“Tito tito si Jey and it’s all our fault” iyak na salubong ni Harvey sa aking ama

“ssshhh tama na alam ko na buong pangyayari wala kayong kasalanan and I know my son kaya nya yan” at niyakap nang aking naluluhang ama si Harvey

“no tito it’s my fault kundi sana ako naging matigas kundi ako nagpadala sa aking pride di sana mangyayari ito” si Josh habang wala paring tigil sa pag tangis.

“no Josh wala kang kasalanan aksidente yun saka magpakatatag kayo para kay Jey” at sa pagkakataong iyon ay si Josh naman ang niyakap nang aking ama.

Makalipas ang isat kalahating oras ay dumating na ang mga kuya ko.

“Pa kamusta si Jey” pag aalalang tanong ni kuya John

“Nasa operating room pa siya” malungkot na tugon nang aking ama

“ano daw sabi ng doktor?” maluhang tanong ni kuya Justin
“wala pa hindi pa namin sila nakakausap” si Papa

nilapitan naman ni Harvey si kuya John

“kuya I’m sorry I know I promised you na I’ll take care of him pero kami pa naging dahilan nang pagkaka aksidente niya” umiiyak na paghingi ng paumanhin ni Harvey

“hindi don’t be sorry aksidente lang yun walang may gusto nun, saka maswerte si Jey sa inyo kahit wala kami may nag aalaga parin sa kanya” naka ngiting tugon ni Kuya John.

Si Josh ay tulala parin at naghihintay na lamang nang balita mula sa mga doktor. Makalipas ang mahabang paghihintay ay lumabas na ang doktor, agad agad naman ito sinalubong ng aking ama, mga kapatid at mga kaibigan.

“doc how’s my son?” pag aalalang tanong nang aking ama

“ligtas na po ang iyong anak pero hindi parin po siya nagigising kailangan pa po nating maghintay kung meron mga naging complications” tugon ng doktor

Nakahinga naman ng maluwag ang aking ama pati ang aking mga kapatid kasama na din ang dalawa kong matalik na kaibigan sa kanilang mga narinig mula sa doktor.

“thank god he’s okay” si Kuya Justin

“mabait parin talaga ang diyos” tugon ni papa

Samantala nilapitan naman ni Harvey si Josh.

“Tol patatagalin pa ba natin ito? Alang alang kay Jey” pakiusap ni Harvey

“hindi tol ayoko na di ko kakayanin pag may masamang nangyari kay Jey” tugon ni Josh na patuloy pa din sa pag iyak.

“Josh matalik tayong magkakaibigang tatlo ayokong masira yun” naluluhang sambit ni Harvey

“sorry pare” at niyakap na nga ni Josh si Harvey

Dumating si Fatima, mga guro, aking mga kaklase at iba pang kamag aral at sinalubong sila ni papa. Sinabi sa kanila na maayos na ang aking lagay na wala na sila dapat pang ikabahala.

 Hindi ako iniwan ni Josh at Harvey lagi lamang sila nasa tabi ko nakatulong pa yung pagkaka suspindi nila sa school dahil na din sa nangyari sa akin. Lagi nila ako kinakausap at hinahawakan ang kamay umaasang naririnig at nararamdaman ko na andyan lang sila para sa akin. Kinukwento pa nila ang alaala ng  aming pagkakaibigan.

“Jey naaalala mo pa ba nung 3rd year tayo nung ipahamak mo ako sa crush kong si Diane, sinabi mo sa kanya na ako nagpapadala nung mga love letter sa kanya, eh sikreto nga yun diba? isang linggo kita di kinausap sa sobrang inis ko sayo” natatawang kwento ni Harvey habang hawak hawak nya ang aking kamay.

Natawa naman si Josh sa kwento ni Harvey dahil naaalala din nya ang mga kalokohan ko noon.

“Eh nung sinabi mo kay tsimosang Emily na may gusto ako sa kanya kahit wala naman para lang makalibre ka sa mga tsismis nya, ilang araw ako kinakantyawan ng buong campus nun dahil pinagkalat din ni emily sa sobrang inis ko sayo sinumbong kita sa mommy mo na napagalitan ka ng teacher kasi nakalimutan mo gumawa ng assignment.” Si Josh habang natatawang hinihimas ang aking ulo .

“oo nga naaalala ko yun tol” natatawang sambit ni Harvey

“meron pa nga yung 3rd year tayo nung final training ko for COCC yung binulungan mo Jey yung commandant na ipagawa sa akin yung pinaka ayaw kong gawin yung lumublob sa putik naaalala mo ba yun?” habang natatawa si harvey sa pagkukwento sa akin

At sa mga oras na yun ay sila nang dalawa ang nagkwentuhan sa tabi ko.

“harvey saka yung sa laban namin sa basketball nung hinahanap natin siya akala natin na traffic lang, yun pala andun siya sa kabilang team nagchecheer inis na inis ako nun nung makita natin siya biglang nagtago” hahaha! Tawa ni Josh

“yung isa pa yung sinet nya ako ng blind date sa babaeng  nag ngangalang wendy tapos pagdating ko sa place  kay baklang wendell pala ng school paper para lang makalibre siya ng backstage pass sa concert ni Gary V. sa school dati” natatawang kwento pa ni Harvey

“ano kasi ginawa natin sa kanya para sa mga kasalanan nya sa atin nun?” natatawang tanong ni Harvey

“ano pa diba nung camping natin dinala natin siya nung gabi sa gitna ng sementeryo  na naka blind fold sabi natin may ipapakita tayong surprise sa kanya naniwala naman yung loko tapos sabi natin alisin lang nya blindfold pagkabilang nang sampo tapos iniwan natin siya hahaha! Eh takot na takot pa naman yan sa multo hahaha!” halakhak ni Josh

“ssshhh wag ka maingay baka marinig tayo ng nurse” habang pinipigilan ni Harvey ang pagtawa

“pero pare nanginginig siya sa takot nun tapos hindi pa siya makatulog, awang awa ako sa kanya nung panahong yun” seryosong sambit ni Josh

“oo hinahanap nya mga kuya nya nung mga oras na yun” tugon ni Harvey

“Pero kahit sa mga nangyaring ganun sa mga ginawa nya sa atin di parin nagbago tingin natin sa kanya. Kahit may pagka pasaway siya at lagi pa tayong pinapahamak hindi natin siya pinabayaan” si Josh na halatang seryoso na.

“eh pare alam mo namang mahal na mahal natin mokong na yan kahit ganyan yan, kahit di natin sa kanya lagi sinasabi sigurado naman ako nararamdaman niya yun” tugon ni Harvey.

“Pero tol nung mamatay si tita rose dapat andun ako sa tabi niya dapat hindi ko siya iniwan” at nag umpisa nanamang tumangis si Josh.

“Josh kalimutan mo na yun naiintindihan naman tayo ni Jey nung mga panahong yun ang importante ay yung ngayon, hindi tayo aalis sa tabi niya” paliwanag ni Harvey.

~~~~~*~~~~~

Patuloy din sa pagdalaw sa akin ang aking mga kamag anak, ka eskwela at mga kaklase pati si Fatima ay lagi din nasa tabi ko. Dumating sila papa at kuya at dinatnan nilang nakatulog na si Josh at Harvey sa pagbabantay sa akin.

“hi tito” bati ni Fatima

“o iha ikaw pala kamusta na si Jey” tanong ni Papa

“ganun parin po hindi parin po nagigising” malumanay na tugon ni Fatima

“nakatulog na pala yung dalawang yan sa pagbabantay” si Kuya John

Nilapitan naman agad ni Papa ang dalawa kong matalik na kaibigan

“Josh, Harvey gising na anak” pabulong ni papa habang tinatapik silang dalawa

“o tito kayo po pala” bati ni Harvey habang inuunat ang sarili

“nandito na pala kayo” si Josh habang humihikab pa

“teka Fatima kanina ka pa ba diyan” tanong ni Josh

“oo noh ang cute nyo nga tingnan dalawa” natatawang tugon ni Fatima

“Josh, Harvey mabuti pa umuwi na muna kayo nang makapag pahinga na din kayo” si Papa

“wag na po ayos naman po kami dito lang po kami” pakiusap ni Harvey

“yeah tito ayos naman po pakiramdam namin dito lang po kami sa tabi ni Jey” tugon ni Josh

“pero mga iho kelangan nyo na magpahinga sige kayo baka di kayo makapag bantay mamaya” pilit ni papa.

Napilit din sila umuwi at magpahinga, nakipag kwentuhan naman sila kuya kay Fatima. Habang masaya sila sa pakikipag kwentuhan ay dumating na ang pinakahihintay nang lahat. Nagising ako sa mahaba kong pagtulog. Iminulat ko ang aking mga mata.

“tito si Jey nagising na!” tuwang tuwang sambit ni Fatima

Agad agad naman ako nilapitan nila kuya at Papa upang kamustahin ang lagay ko.

“Papa andyan ka po ba?” hanap ko kay papa na halatang may takot sa aking tinig

“andito lang ako anak” at hinawakan ni Papa ang aking mga kamay

Ngunit di nila inaasahan ang sumunod na pangyayari

“Papa wala po akong makita” ang aking nasambit habang patuloy ako sa pagluha

Itutuloy...


Author's note:

nilagay ko talaga pati yung mga nag comment sa story ko before

No comments :

Post a Comment