Total Pageviews

Wednesday, 1 April 2015

Sa Aking Pagbabalik part 6



Sa Aking Pagbabalik part 6

“oi Anghelo tara na baka maipit pa tayo mamaya” wika ni Michael

“ha? Ahh eh sige” tugon ko habang tumatayo na

Samantala si Josh ay patuloy pa din ang pagkatulala, naagaw na sa kanya ng kalabang team ang bola subalit ay patuloy pa din siyang nakatingin sa aking kinaroroonan.

“Josh?!” tawag nang kanyang mga team mates

Subalit tulala parin siya, nagtaka din ang mga manonood sa ikinilos ni Josh , pati ang mga kaibigan niya ay nag alala sa kanilang nasaksihan lalong lalo na si Harvey.

“guys napapano si Josh?” pag aalalang tanong ni Fatima

“hindi namin alam basta parang may nakita siya sa taas” tugon naman ni Beth

Agad agad naman sila tumingin sa aking kinaroroonan upang tingnan kung ano ang nakita ni Josh subalit huli na ang lahat dahil naka alis na kami.

“Josh! Napapano ka!?” pag aalalang sigaw ni Harvey

Subalit patuloy pa rin siya sa pagkatulala hanggang sa mag ring ang bell na hudyat ng natapos na laro, dinumog ng mga manonood ang basketball team lalong lalo na si Josh para batiin ngunit hindi sila pinansin ni Josh. Bumalik sa ulirat si Josh at patuloy nya akong hinahanap, biglang tumakbo si Josh papunta sa taas upang hanapin ako ngunit bigo siya.

“Jey! Jey!” sigaw ni Josh habang di mapakali

Tumakbo siya palabas ng gym umaasang makikita nya akong muli ngunit bigo parin siya ni anino ko ay hindi nya nakita

“Jey!, Jey!” Patuloy na pagsigaw ni Josh

Samantala sa kinaroroonan nila Harvey at ng mga kaibigan nila

“omg what’s happening to him” sambit ni Kate

“Fatima nakita mo ba kung saan nagpunta si Josh?” alalang tanong ni Harvey

“hindi ko rin napansin masyadong mabilis pangyayari eh” tugon ni Fatima

“Harvey lumabas na siya ng gym nakita namin ni Tom” wika naman ni Beth

Agad agad tumakbo palabas si Harvey upang hanapin si Josh, nagsunuran naman agad ang mga kaibigan nila.

“Josh! Asan ka!” sigaw ni Harvey habang nag aalala

Nakita ni Harvey si Josh na sinisigaw ang aking pangalan, agad agad nya itong nilapitan.

“Josh napapano ka?” tanong ni Harvey na nag aalala

“Tol nakita ko si Jey andito siya” tugon ni Josh

“Tol wala na si Jey” tugon ni Harvey

“hindi tol andito lang siya hindi ako pwedeng magkamali siya yung nakita ko kanina” si Josh habang umiiyak na

Biglang nabigla naman sila Fatima at ang mga dati kong kaklase sa kanilang mga narinig

“omg si Jey andito?” gulat na tanong ni Fatima

“imposible yun matagal nang patay si Jey” tugon ni Robert

Hinawakan ng mga kamay ni Harvey ang mukha ni Josh

“Josh makinig ka wala na si Jey naiintindihan mo?, iniwan na nya tayo” sambit ni Harvey habang naluluha

“pero nakita ko siya eh” habang patuloy sa pagtangis si Josh

niyakap ni Harvey si Josh

“sshh tahan na Josh andito lang ako para sayo” si Harvey habang yakap si Josh

Samantala habang papalabas na kami ng campus

“guys nagugutom na ako kain muna tayo” aya ni Marie

“kakakain lang natin ano ka ba” tugon ni Dindo

“eh nagutom ako kanina sa laro eh, grabe kasi ang gwapo ni Josh” tugon ni Marie habang kinikilig

“by the way guys una muna pala ako kailangan ko kasi bumalik sa dela Vega group may nakalimutan kasi ako i fill up” sambit ko

“o sige ingat ka kita kita nalang tayo mamaya” tugon nila Dindo at Marie

Samantala sa kinaroroonan nila Josh habang nakaupo sila sa mga benches sa may hardin ng campus, ay tulala parin si Josh.

“Nag aalala ako kay Josh first time ko siyang makitang nagkaganyan” sambit ni Harvey

“oo nga eh tingnan mo siya hanggang ngayon tulala parin” tugon ni Beth

“hindi kaya nagmumulto si Jey” wika ni Tom

“Tumigil ka nga diyan puro ka biro eh” tugon ni Beth

“pero guys hindi kaya sa masyadong pagtatago lang ni Josh ng emotions nya mula nung mamatay si Jey kaya siya nagkakaganyan?” sambit naman ni Robert.

Si Grace, Kate, Luke at Elton naman ay patuloy lang sa pakikinig dahil hindi rin sila maka relate sa pinag uusapan.

“ahh guys pano kung buhay pa nga si Jey?” wika ni Fatima

“pwede Fatima wag ka magbiro ng ganyan” tugon ni Harvey

“hindi, alam ko napaka imposible nun pero pano lang kung buhay pa siya?” tanong ni Fatima

“kung ganun hinding hindi ko siya mapapatawad dahil sa pag iwan nya sa amin” seryosong tugon ni Harvey

Bigla namang natahimik sila Fatima at iba pang mga dati kong kaklase sa tugon ni Harvey


Samantala ay dumaan muna ako sa bahay ng Amo nila Inay at Itay upang bisitahin sila. Pagpasok ko ay sinalubong agad ako ni Aling Loida, isa sa mga katulong ng pamilya Villegas.

“magandang hapon po andyan po ba si Inay?” tanong ko

“o ikaw pala, halika pasok ka” si Aling Loida habang pinapatuloy ako

Pagpasok ko sa bahay ay nakita ko si Inay

“Inay kamusta na po kayo?”

“o ikaw pala anak, ayos naman ako wag ka mag alala” tugon ni Inay

Ngunit habang kausap ko siya ay may nakita ako pasa kanyang braso

“napano po yang pasa na yan?” pag aalala kong tanong kay Inay

“ahh wala ito natumba lang ako kanina” ngiting tugon ni Inay

Bigla namang nagsalita si Aling Loida

“oo dahil sa pagtulak sa kanya ni ma’am Lisa” wika ni Aling Loida

“ha? Bakit naman po nya ginawa yun?” tanong ko

“eh alam mo naman yung malditang babaeng yun ayaw na ayaw may humaharang sa dinaraanan nya” paliwanag ni Aling Loida

“Inay kung minamaltrato po kayo dito lumipat na lamang po kayo” sambit ko

“ayos lang ako anak saka di naman pwedeng basta basta kami umalis may kontrata kasi kaming pinirmahan ng itay mo saka yung pinamasahe natin anak papunta dito utang yun sa mga amo namin kaya di kami basta basta makakauwi” paliwanag ni Inay

Hindi ko narin siya nagawang pilitin, maya maya ay dumating na si Itay kasama si Mrs. Villegas.

“o ano nanaman ginagawa ng anak mo dito?” masungit na tanong ni Mrs. Villegas

“ahh madam, dinalaw lang po ako ng anak ko” tugon ni Inay

“namimihasa naman yata yang anak mo, ano akala nya dito sa bahay namin pwede siyang pumunta kahit anong oras nya gustuhin?” masungit na tugon ni Mrs. Villegas

Nahiya naman ako kaya minabuti ko nang magpaalam na

“ahh pasensya na po uli sa abala” paalam ko

Habang ihinatid ako palabas ng bahay nila Inay at Itay ay kinausap nila ako

“anak magkita nalang tayo pag day off namin para naman hindi ka na pinagdidiskitahan ng amo namin” wika ni Inay

“oo nga anak nakakahiya naman sayo pati ikaw nadadamay” dagdag ni Itay

“wala po yun basta pangako po sa inyo mag aaral akong mabuti para pag nakatapos ako hindi na kayo maghihirap pa” tugon ko

“wag mo kami intindihin anak basta pagbutihin mo lang ang pag aaral mo” tugon ni Itay

Nilisan ko na ang bahay ng amo ni Inay at Itay at tumuloy na ako sa opisina ng dela Vega

Samantala sa penthouse nila Josh at Harvey habang nakahiga si Josh sa kama nya ay pinuntahan siya ni Harvey

“tol ano ayos ka na ba?” tanong ni harvey

“oo tol ayos na ako” tugon ni Josh

“wag mo masyadong isipin yun baka namalikmata ka lang” sambit ni Harvey

“siguro nga” tugon naman ni Josh

“o tara na magdidinner pa tayo kasama mga kaibigan natin” aya ni Harvey

Bumaba na sila at pinuntahan na sa isang restaurant ang mga kaibigan nila

Habang kumakain sila ay nilapitan ni Elton si Josh at umupo sa may tabi nito

“Josh ayos ka na ba?” tanong ni Elton

“oo ayos na ako” ngiting tugon ni Josh

“alam mo Josh pag may problema ka pwede mo namang sabihin sa akin andito lang ako para makinig” ngiting sambit ni Elton

“salamat ha” ngiting tugon ni Josh

Nagtinginan naman si Fatima at Beth na medyo natatawa

“tindi talaga ni Elton noh” si Beth habang natatawa

“uu nga talagang walang inaakasayang panahon mapalapit lang sa dalawa” pabulong na tugon ni Fatima habang natatawa din

Kinausap naman ni Grace si Harvey

“ano ba Harvey lagi nalang ba tayong ganito?” wika ni Grace

“what are you talking about?” tanong ni Harvey

“yung sa ating dalawa kailan ba natin aayusin” tugon ni Grace

“ano pa ba kailangan nating ayusin? Grace matagal na tayong tapos” tugon ni Harvey

“pipilitin ko magbago para sayo basta makipagbalikan ka lang sa akin” pagmamakaawa ni Grace

“Grace maganda ka, I’m sure makakahanap ka ng ibang lalaki para sayo” tugon ni Harvey

Wala na nga nagawa si Grace kundi tumahimik na lamang.

Samantala sa opisina ng dela Vega group, pagpasok ko ay dumiretso ako sa receptionist.

“ma’am andyan pa po ba si Ms. Irene Vasquez yung namamahala po sa mga scholars” tanong ko

“ahh andyan pa yata tingnan mo nalang sa 4th floor sa executives area alam ko may pinapirmahan lang sya dun, puntahan mo nalang baka kasi pauwi narin yun sa kabila kasi dadaan yun para abutan mo pa” ngiting tugon ng receptionist

“salamat po” tugon ko

Sumakay na ako ng elevator papuntang 4th floor, pagdating ko doon ay may naramdaman akong kakaiba parang lagi akong andun sa lugar na yun dati, dahil sa gabi narin kaya tanging mga janitor at guwardiya na lamang ang mga andun kaya nilapitan ko ang isang security at tinanong

“ahh sir andyan pa po ba si Ms. Irene Vasquez?” tanong ko

“naku kaaalis lang kani kanina lang di mo inabutan” tugon ng security

“ahh sige po balik nalang po siguro ako bukas salamat po” tugon ko

Tumungo ako sa may elevator habang naghihintay ako ay may narinig ako sa likod ko na masayang nagbibiruan.

“oh pa nangako ka sa amin mag dinner tayo sa labas ngayon” sambit ni Kuya John

“ngayon ba yun anak? akala ko kasi bukas pa hehe” tugon ni Papa

“ikaw talaga pa nakalimutan mo na masyado ka kasing subsob sa trabaho” natatawang tugon ni Kuya Justin

“hindi naman, masyado lang talagang madaming trabaho ngayon” ngiting tugon ni Papa

“sabagay pa medyo busy na din kami lalo na mas lalong humirap dahil medicine na course ko” tugon ni Kuya John

“by the way pa makakasama natin si Lisa sa dinner mamaya ha” sambit ni Kuya Justin

“sure anak” tugon ni Papa

“naks kuya talagang seryoso na ahh” biro ni Kuya John habang natatawa

Pagbukas ng elevator ay agad na akong pumasok, at iniisip ang mga boses nila para kasing ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa kanila. Paglabas ko ng building ay tumawid na ako para maghintay ng taxi na sasakyan pauwi sa dorm, habang naghihintay ako sa kabilang daan ay lumabas sila Papa at Kuya na nagatatawanan at biruan parin, hinihintay nila ang kanilang driver. Pinagmasdan ko sila habang masayang nagtatawanan, ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa kanila pati ako ay napapangiti habang tinitingnan ko sila.

Napatingin si Papa sa aking direksyon at nakita nya ako

(Paki play po) 



Ngumiti ako habang tinitingnan nya ako, biglang may huminto na truck sa harap kaya natakpan ako, pag alis ng truck ay naglaho na ako dahil nakasakay na ako ng taxi.

“a-anak” nauutal na sambit ni Papa

“Bigla namang napahinto si Kuya John at Kuya Justin sa pagbibiruan

“pa napapano ka?” tanong ni Kuya John habang nag aalala

Ngunit tahmik lamang si Papa

“Pa ayos ka lang ba?” tanong ni Kuya Justin

“Jey! Anak!” sigaw ni papa

Biglang nagulat sila kuya sa sigaw ni Papa

“Pa ano nangyayari sayo?” pag aalalang tanong nila kuya

“nakita ko kapatid nyo” tugon ni Papa

“Pa matagal nang patay si jey” si kuya Justin

“hindi ako maaaring magkamali nakita ko ang bunso nyong kapatid” malungkot na tugon ni Papa habang patuloy pa din ang paghahanap sa akin

“Pa wag na po tayo tumuloy, uuwi na tayo para makapagpahinga na kayo” tugon ni Kuya John

Dumating ang driver at isinakay nila si Papa at dumiretso nang umuwi, pagdating nila sa bahay

“Pa masyado nyo lang namimis kapatid namin kaya kayo nagkakaganyan” sambit ni Kuya John

“siguro nga anak, sige aakyat na ako para magpahinga” malungkot na tugon ni Papa

(paki stop na po)

Tinawagan ni Kuya Justin si Lisa upang i cancel ang dinner at bantayan na lamang si Papa. Kinabukasan ay di pumasok si Papa sa opisina sa sobrang kalungkutan, bumalik naman ako sa opisina upang fill upan ang mga nakalimutan kong dokumento.

Lumipas ang mga linggo at dumating ang araw ng pasukan, habang nakaupo na ang lahat ng magkakaklase sa classroom kabilang sila Josh, Harvey, Fatima, mga dati kong kaklase at iba pa nilang kaibigan ay dumating ang instructor.

“Class meron pala tayong tatlong transferees from other school kaya sana i welcome nyo sila” wika ng instructor

Samantala ay nagmamadali kaming tatlo nila Marie at Dindo sa pagpasok dahil late na kami

“guys bilisan na natin first day of class male late pa yata tayo” kabadong sambit ni Marie habang nagmamadali

“naku pag nagkataon badshot tayo sa teacher natin” tugon ni Dindo

“guys mauna na kayo CR lang ako ihing ihi na kasi talaga ako baka sa classroom ako maihi nito” sambit ko

“ano ka ba naman Anghelo ngayon ka pa maiihi eh mahuhuli na tayo” tugon ni Marie

“sige na baka di ko kasi kayanin” tugon ko

“o sige na sunod ka nalang bilisan mo ha” tugon ni Dindo

Dumating sila sa classroom at dinatnan ang kanilang instructor at mga magiging kaklase na naghihintay.

“uhh sir sorry po kung nalate kami” sambit ni Marie habang nahihiya

“no problem teka bat dalawa lang kayo?” tanong ng instructor

“uhh sir nag CR lang po si Anghelo” paliwanag ni Dindo

“ok sige magpakilala na kayo” sambit ng instructor

Unang nagpakilala si Dindo

“hi guys I’m Dindo Olivarez I’m a transferee from Isabel college” magsasalita pa sana si Dindo ng magsalita si Grace

“Isabel College? San yun?” Natatawang tanong ni Grace

Pati si Kate at Elton ay nagtawanan din

Medyo napahiya si Dindo sa inasal ni Grace kaya tumahimik na lamang ito

“hi Dindo” bati ni Josh, Harvey, Fatima at iba pa nilang kaklase

Ang sumunod naman na magpakilala ay si Marie, natameme naman si Marie nung makita nya si Josh at Harvey na nakatingin sa kanya

“Marie you can start now” sambit ng intsructor

At dun nga ay nagbalik sa sarili si Marie

“Hi I’m Marie dela Pena I’m also a transferee from Isabel College”

At gaya din ng kay Dindo ay hindi rin natapos ni Marie ang kanyang sasabihin ng magumpisa nanamang mang asar si Grace

“my gosh Marie? What kind of name is that? Grabe” si Grace habang tumatawa

Nagtawanan din si Elton at Kate

“eh bigay ng nanay ko yun ano magagawa ko” masungit na tugon ni Marie

“pwede ba Grace don’t be so rude” inis na sambit ni Harvey

“tawa tawa ka diyan eh mas maganda pa pangalan nya sayo noh” sambit ni Fatima

Bigla namang nagtawanan ang buong klase sa sinabi ni Fatima kaya natahimik si Grace sa inabot na kahihiyan, pati si Elton at Kate ay natahimik din. Binati naman nila Josh, Harvey, Fatima at iba pa nilang kaklase si Marie

“Hi Marie welcome ha” sambit ni Josh habang nakangiti

“oo nga wag ka mahihiyang lumapit samin pag may kailangan ka” dagdag ni Harvey habang nakangiti din

“wag mo nalang pansinin yang si Grace may sayad talaga yan” sambit ni Fatima habang nakangiti

Nakangiti lamang si Marie dahil di rin siya makapaniwalang kakausapin siya ni Josh at Harvey. Umupo na sa mga bakanteng upuan sa likod si Dindo at Marie

“sayang wala nakaupo sa gitna ni Josh at harvey dun sana ako” sambit ni Marie kay Dindo

“mahiya ka nga pag ginawa mo yun siyado ka halata noh” bulong ni Dindo

“by the way guys wala pa ba yung isang kasama nyo?” tanong ng instructor

“sir parating na din po yun” tugon nila Marie at Dindo


Pagpasok ko sa classroom ay agad ako humingi ng paumanhin

“sir sorry po kung na late ako” sambit ko

(Paki play po)



natulala si Josh, Harvey, Fatima at iba ko pang mga dating kaklase nung makita nila ako

“J-Jey” nauutal na sambit ni Fatima

Habang nakatingin si Harvey sa akin ay biglang tumulo ang kanyang mga luha.

Itutuloy...

No comments :

Post a Comment